KABANATA 32
A/N: Nyay malapit na.
KABANATA 32
Tradious
Five months later...
"TRAD, ANONG BALAK mo?" tanong ni Jessica sakaniya.
Sa mahigit limang buwan na lumipas hindi na muling nagparamdam sa kahit na sino si Trad. Nanatili siyang isang simpleng mamayan ng Pangasinan.
Dito na siya tumira. Naalala niya pa noong umalis siya ng syudad.
Palaboy laboy sa kalsada si Trad. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kaniyang mga paa. Kailangan niyang makalayo sa mga taong nakakakilala sakaniya.
Natigil siya sa paglalakad ng makakita ng parke. Hindi siya sigurado kung nasaan na siya. Sa mga higit ilang oras niyang naglalakad hindi siya nakaramdam ng pagod.
Siguro manhid na talaga siya sa mga nangyayari.
Umupo siya sa swing na naroon at tumingin sa mga taong masayang naglalaro sa parke.
Sana ganyan na rin sana ako. No problem, just a happy life.
Pero hindi. Mabigat ang kalooban ni Trad sa mga narinig. Lahat ng iyon ay sa iisang taong importante sa kaniya. Lahat ng mga salitang binitawan nito na unti unting nakapagpabago sakaniyang katauhan.
Huminga siya ng malalim.
"Tradious?"
Napalingon naman si Trad sa kaniyang likuran.
Surpised is writen in his face.
"Jessica?"
Ngumiti ito at umupo sa isang swing.
"Ba't nandito ka?" tanong nito at tumingin na rin sa mga tao.
Naging seryoso na ang anyo ni Trad at tumingin na rin uli sa mga tao.
"I was lost, I think?"
"Really? Eh pa'no ka napadpad dito? This place is far from the city." madilim na rin ng maramdaman niyang parang pagod siya.
"I know. Gusto ko kasing makalayo sa syudad. Hindi ako makahinga roon." aniya.
Napatingin sa gawi ni si Jessica. Her brows furrowed.
"Alam kong masama ang hangin roon. Pero bakit sa ganitong lugar ka pa napadpad?" she asked once again.
"Naliligaw ako. Gusto kong hanapin ang sarili ko, Jessica." he smiled bitterly.
Natahimik naman sila pareho.
Hindi niya rin alam kung sa'n siya pupunta.
Basta ang siguradk siya ay kailangan niyang hanapin ang sarili.
Mababaliw siya sa kakaisip kung paano.
Kailan niya ba sisimulan?
Jessica took a deep breath. "Halika sumama ka sa'kin?" tumayo na ito.
His brow furrowed. "Saan?" tanong niya.
Nilahad nito ang kamay. "Sa lugar kung saan walang sagabal sa paghahanap mo sa sarili. Sa lugar kung saan walang polusyon. Sa lugar kung saan magiging tahimik ang mundo mo." nakangiti nitong sabi.
He look at Jessica a few minutes then to her hand.
Siguro tama nga siya. I need to find a place where no one will distract me.
Inabot niya ang kamay nito.
"I told you so many times, Jessica. Hindi ko pa rin alam." sabi niya habang pareho silang nakaupo sa plaza ng San Carlos.
Yes, they are in San Carlos City, Pangasinan. Doon kasi ang probinsya ni Jessica. Bumabyahe lang sila sa Manila para sa kalusugan nito.
Magaling na ito kaya nakabalik na sila sa Probinsya.
"Hay, Ewan sa'yo Trad. Ilang buwan ka na dito sa Pangasinan pero wala ka pa ring plano? May balak ka bang umuwi sa pamilya mo?" anito saka sumubo ng nuggets.
Tumingin si Trad kay Jessica. Napakaangelic ng mukha nito.
Pero mas maganda si Jan. Wait-- bakit nasama si Jan sa usapan?
He shrugged his head. Si Jan nanaman ang naaalala niya.
Tumingin si Jessica sakaniya. "Alam mo kung ako sa'yo, uuwi na ako at sasabihin na lang ang totoong nangyari. Mahirap 'yang ginagawa mo, Tradious. You're hiding from the reality. Ano bang problema kung tanggapin mo na lang ang totoong nangyari? Then move on! Tapos ang usapan." anito.
Yeah, madaling sabihin pero mahirap gawin.
Gusto na rin niyang makamove on pero pa'no? Kahit anong gawin niya nakatatak na sa puso't isipan niya ang nangyari. Mahirap na itong alisin sa buong sistema niya.
Sumubo siya ng nuggets na binili nila.
"I don't know, Jessica. Pa'no ba?" tanong niya habang titig na titig dito.
Naiilang na umiwas ito ng tingin. "Tanggalin mo na siya sa puso't isipan mo. M-Maghanap ka na lang ng iba, g-gano'n." her face became red.
Cute.
Pero mas cute si Jan.
Nailing siya sa isipin.
Nagkibit balikat siya at muling kumain ng nuggets. "Pwede rin. Pero sino?" his eyes is still in Jessica.
"P-Pwedeng siya!" tumingin naman si Trad sa tinuturo nito. Isang babaeng naglalakad mag-isa habang kausap ang sarili.
Napangiwi siya.
"Oh kaya ayon!" tumingin muli si Trad sa tinuro nito. Isang babaeng nakatingin sa gawi nila at nagfying kiss sakaniya sabay kindat.
Parehong nakataas ang kilay ni Trad at umiwas ng tingin sa babae.
"Oh k-kaya... ako." pabulong pero sapat na para marinig ni Trad iyon.
Tinignan niyang mabuti ni Jessica na nakatingin rin sakaniya.
"You need to move on, Trad. Start your new life again. Forget the past. N-Nandito lang ako para sa pagmomove on mo." seryoso nitong sabi.
***
Tradious
"LOLA, WADYA KAMI la!" sigaw ni Jessica sa loob.
Sa higit limang buwan ni Trad dito natuto na siya ng iba ibang salitang pangasinense.
Kagaya ngayon. Ang sinabi ni Jessica ay 'nandito na kami'.
Masayang matuto ng ibang linggwahe sa totoo lang. Hindi 'yong nag-i-i-stick lang tayo sa iisa.
"Oh apo, Tradious. Sakto kakain na. Tara upo na. Mangan la." (kain na)
Ngumiti si Trad dito at nagmano. Nakagawian na niya ang magmano sa matanda. Naging mabait ito sakaniya at pinatira siya sa bahay nito pati ni Jessica.
"Kamusta sa bayan?" tanong nito habang nagsasalin ng pagkain.
"Maganda po ang ayos, La. Sa susunod baka madagdagan ang mga design doon. Malapit na pala ang pyesta sa bayan, La. Namiss ko tuloy manood ng parada." ani ni Jessica.
Hindi na umimik si Trad dahil hindi naman niya alam ang pinag-uusapan ng dalawa.
"Mabuti kung gano'n. Oh nga pala, Tradious iho, kamusta ka na?" tanong ni Lola Den sakaniya.
Nilingon niya ito at ngumiti. "Okay naman po ako, La." aniya at sumubo ng kanin at ulam.
"Mabuti kung gano'n. Oh siya, dalian niyo na at may pupuntahan pa tayong kasal. Inimbitahan kasi ako ng Tiyo Bernard mo. Kasal na pala ng nakababatang anak nito." gulat nitong sabi.
Maging sila ni Jessica ay nagulat. Ang Tito Bernard nito ay may tatlong anak na babae. Ang dalawang panganay nito ay nagkapag-abroad na. Habang ang paghuli ay nag-aaral pa ng kolehiyo.
Sa pagkakaalam nila ay bata pa ang huli. Ba't napaaga ata ang kasal nito?
"Bakit ikakasal na agad si Daisy? Eh ang bata niya pa, La, ha?" tanong ni Jessica.
"Nabuntis raw ang batang iyon. Nako, mga kabataan pa naman ngayon mapupusok!" nasamid siya sa narinig.
Matanda sila ni Jessica ng isang taon kay Daisy pero maaga itong nabuntis.
Naalala niya kasi si Jan at ang ginawa nila noon.
"Oh napa'no ka?" tanong ni Jessica at kumuha ng isang basong tubig at binigay sakaniya.
Inubos niya ang laman nu'n saka huminga ng malalim at tumingin dito.
"W-Wala, may naalala lang." sumubo na lang uli si Trad ng pagkain.
"Okay."
Natahimik na silang lahat at tinapos ang pagkain. Lola Den insisted to washed the dishes.
Naligo na rin si Trad at Jessica saka naghanda sa kasal na dadaluhan nila ngayong hapon.
Pagkalabas ni Trad ng kwarto ay siya ring pagkalabas ni Jessica sa katapat.
"Naks! Ang gwapo natin ha!" puri ni Jessica sakaniya.
Ngumiti siya at ginulo ang buhok nito. Napasimangot naman ang huli.
"Kailangang guluhin ang buhok gano'n?" she tsked at nauna ng maglakad.
Nailing na lang siya at naglakad na rin pababa.
Sakto naman ang paglabas ni Lola Den sa kwarto sa ibaba.
"Tara na. Baka mahuli tayo sa simbahan." lumabas na sila ng bahay at sinimulang maglakad. Malapit lang naman ang simbahan sa bahay kaya madaling makarating roon.
Simple lang ang pamumuhay sa lungsod. Pero hindi naman ito nahuhuli sa uso.
Napakamoderno ng nasabing lugar. Ang pinagkaiba lang sa Manila ay walang Jan siyang nakikita.
Walang nagdidikta sakaniya roon.
And that's what he wanted.
He felt so contented in his life right now.
Pero iba pa rin talaga ang epekto ni Jan sakaniya.
Kamusta na kaya ito?
Is she okay?
Hays. Bakit ba nag-aalala pa siya kay Jan? Baka nga nakahanap na ito ng iba.
Para siyang tinusok ng kung ano sa kaniyang puso sa naisip.
Hindi rin malabong mangyari iyon. Hindi pa umaamin si Jan sakaniya sa totoo nitong nararamdaman.
Yung I love you ni Jan noon? Para ngang biro lang kasi hindi niya maramdaman.
Baka nga dapat na siyang magmove on?
Yeah, its time, Tradious.
--
A/N: Hey guys! Nasama ko yung lungsod namin. Wala kasi akong alam na ibang lugar hihi. But I hope you enjoy reading.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro