Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 3

A/N: 'Wag po kayong magsasawa. Walang bibitaw hanggang ending po sana'y inyong subaybayan. Kindly please vote at comment na rin thank you!

KABANATA 3

"SALAMAT PO TITA Ems sa hapunan. I've enjoyed it po." sabi nito sa kaniyang ina.

"Always welcome, anak. Sige una na ako sa loob. Hatid mo na si Tradious, Jannarah." paalala ng kaniyang ina.

Tumango na lang siya bilang sagot. At humarap kay Trad.

"Tara na baka magabihan ka pa lalo pagagalitan pa ako ni Tita Tes niyan." nauna na siyang maglakad palabas ng bahay nila.

"Uhm... Jan, hindi mo pa sinasabi sa'kin about what happened earlier. Care to share?" nilingon niya ito at tinignan sa mga mata.

Pinilit niyang itinatago ang totoong ekspresyon sa mukha niya para hindi nito mahalata.

"Ayon ba? Nako, wala lang 'yon. It's just that I don't feel better earlier, kaya 'wag mo nang masyadong alalahanin 'yon." nagpatuloy uli siyang maglakad hanggang sa narating nila ang kalsada.

Hindi na ito nagtanong pa ulit. Mabuti na rin 'yon nang hindi siya bumigay at masabi rito ang totoo nararamdaman. Myghad! Apat na taon na niyang itinatago ang totoong nararamdaman niya dito dahil sa sekretong kaniyang nalaman sa totoong pagkatao ni Trad. Kailangan niyang maging maingat baka layuan siya nito at hindi na sila magkausap pang muli.

Just stay silence. Don't ever talk about it.

Nang makakita ng taxi ay agad niyang pinara saka sinabi sa driver kung saan ang address ni Trad.

Hinarap niya ang binata. "Sakay na, gabi na rin." ngumiti siya dito.

Tumitig muna ng ilang saglit ang binata sa kaniya at ngumiti.

"Thank you. Sige bye," nang makasakay na ito sa backseat saka lang siya nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

Konting ingat pa, Jan. Mabubuniyag na ang pinakatatago mong sekreto.

Tumunog ang cellphone niya sa bulsa. Kaya agad niya iyong kinuha at binasa.

Rocket, pwede ka ba ngayong gabi? Pandagdag budget din 'to. Kita na lang tayo sa Niksxzy.

Tumingin siyang muli sa papalayong taxi na kinasasakyan ni Trad bago tumakbo patungong bahay.

Pumasok agad siya sakaniyang kwarto at pumili ng damit na isusuot ngayong gabi. Simpleng black ripped jeans na pinaresan niya ng simpleng black shirt na may nakasulat na Rock Baby saka black na rubber shoes. Tinignan niya ang sarili sa salamin. Napangisi siya sa porma niya ngayong gabi.

Nahagip ng mata niya ang puting sumbrero at dali daling sinuot sa nakalugay niyang buhok. Nang makuntento sa sariling ayos ay kinuha niya sa pinakailalim ng kaniyang cabinet ang bag na naglalaman ng mga mahahalagang bagay na kakailanganin niya ngayong gabi sa isang misyon.

Rock n' Roll baby.

Sumilip muna siya sa may pinto ng kwarto at tinignan kung gising pa ang kaniyang ina. Nang maramdaman niyang wala ang ina sa labas ay dali-dali siyang lumabas ng walang ingay.

Tinignan niya ang orasan sa sala. 9:00 pm. Sakto.

Maingat niyang inilabas sa garahe nila ang kaniyang motor at pinaandar iyon nang walang kaingay-ingay. Pinaharurot niya iyon papuntang Niksxzy.

"Ang tagal mo,"

Ngumisi lang siya at pinarada ang motor sa garahe ng Niksxzy.

"Saan tayo ngayon?" simple niyang sabi sa kausap.

Tumingin ito nang masama sakaniya na ikinangisi lang niya lalo. "Wala man lang sorry?" inis nitong sabi.

Nagkibit balikat lang siya. "Saan nga tayo ngayong gabi?" tanong niya ulit.

"Pumasok ka na sa loob. Ikaw na lang ang inaantay ang tagal mo kasi,"

Naunang itong maglakad sa loob ng bahay--no mansiyon at kaniya namang sinundan.

Kung titignan ang mansiyon na iyon masasabi mong mayaman ang nakatira at halatang abandonado na. Pero walang nakakaalam na may tinatago ang lugar na iyon.

Dumaan sila sa isang sekretong lagusan pa-underground kung saan ang pagpupulong na nagaganap.

"Nandito na si Rocket." sabi ni Win sa mga kasamahan dahilan para huminto ang mga ito sa kaniya-kaniyang ginagawa.

"Rocket, late ka nanaman," walang emosyong sabi ni High.

Nginisihan niya lang ito saka umupo sa pang-isahang sofa.

"Okay. Let's start." sigaw naman ni Gin habang nakatingin sa malaking screen na nasa harapan nito ngayon. Para nga silang nakamasid sa buong pader ang pinagkaiba lang gumagalaw ito.

Lahat sila ay nagsi-upo sa kaniya-kaninyang pwesto nang nakaharap sa malaking screen. Abala si Gin sa pagtitipa maya maya ay nag-flash na imahe ng isang lalaki sa screen pagkatapos ay isa-isa silang inabutan ng folder.

Alfonso Buenaventura, Jr.
29 years old
Half german, half pinoy.

"That is Alfonso Buenaventura, Jr. Isang negosyante hindi lang dito sa Pilipinas kundi saan mang panig ng mundo." pagsisimula ni Gin habang nakatingin sa screen.

"Ayon sa mga research na nakalap ko tungkol sa lalaking yan, may binabalak nanaman itong magpatayo ng sariling supermarket malapit sa Quezon City. Sa ngayon nakatira ang lalaking 'yan sa pribado at eksklusibong village ang Huwes Village. Sa pagkakaalam ko mahigpit na seguridad bago makapasok sa Huwes Village kung walang kang sariling bahay doon. Pero kapag nakapasok tayo sa village na iyon, makukuha na natin ang pakay natin," kunot noong tumingin siya kay Gin.

"Anong makukuha natin sa bahay niya?" tanong niya rito.

"Great question, Rocket. Ang makukuha lang naman natin sa bahay--no sa mansiyon niya ay mga ari-arian niyang nagkalat sa mansyong iyon. Mahigit kumulang sampung bilyon ang halaga ng mga kagamitan sa mansiyon niya." Mababakas ang ningning sa kislap ng mga mata ni Gin habang sinasaad iyon.

May tinipa nanaman ito sa keyboard at biglang nag-iba ang nasa screen. Tinignan niya iyon at ganoon na lamang ang pagkagulat niya ng makita kung ano ang nasa screen.

"A-Anong... Ganyan ka-karami ang laman ng ma-mansyon niya?" hindi mapigilang sigaw ni High.

Ngumisi si Gin kay High. "Now take it or leave it?"

"Call." sigaw ni Win na komportableng inihiga ang likod sa mahabang sofa.

"Call." Si High.

"Deal." Si Gin.

Lahat ng mga ito ay sumang-ayon na maliban sa kaniya. Tumingin ang mga ito sakaniya na nag-aantay sa kaninyang sagot. Tumingin ulit siya sa papel na hawak niya.

Hindi na masama.

Nag-angat siya nang tingin sa mga kasamahan na nakamasid at inaantay ang sagot niya.

"Let's do it,"

***

"NANDIYAN NA KAYO?" tanong ni Gin sa kabilang linya. Hindi ito sumasama sa kanila dahil ito ang taga-bantay sa lahat ng mga cctv na meron ang lugar. She's their hacker.

Pinindot niya ang ear piece na suot.

"Nasa harapan na kami." pabulong niyang wika habang nakatingin sa mga guwarding naroon.

"Great. Na-hack ko na ang lahat ng cctv sa harapan ng village. All you need to do is to distract them." tumango na lang siya.

Lumingon siya sa likuran niya.

"High, ikaw na ang bahala sa mga guwardiya. Win, ikaw naman ang susunod na mang-distract kung wa epek. Ako naman ang aakyat sa pader," nagsitango ang mga ito saka maingat na umalis.

"Hey there, boys!" matinis na sigaw ni High na nakapagpalingon sa mga guwardiya.

Tumingin muna siya sa paligid nang makitang nadistract na lahat ng guwardiya kaya agad siyang tumakbo sa kaniyang kanan at inakyat ang matayog na pader.

"Nakaakyat na ako. Win, sunod ka na."

"Copy."

Tumingin siya sa paligid nang mahagip ng kaniyang tingin ang isang cctv sa may tapat niya mismo ma may pulang ilaw pa iyon. Agad siyang nagbaba ng tingin. Pinindot niya ulit ang ear piece.

"Gin, ang cctv bakit nakailaw pa rin? Akala ko ba napatay mo na lahat?"

"What? Saan ka banda?" tanong nito sa kabilang linya.

Patay!

"Bahala na." binaba niya ang pagkakasuot ng sumbrero at nilabas niya sa bag ang kutsilyo. Sinuksok niya sakaniya likuran ang kutsilyo saka naglakad sa may bandang likod ng poste kung saan naroroon ang cctv.

Tumingin ulit siya sa paligid. Nakita niyang nakapatay lahat ng cctv maliban sa isa na nasa harapan niya.

Pumwesto siya at hinagis ang kutsilyo kung saan naroroon ang cctv. Nabali iyon at muntik pa ngang mahulog.

Napangisi siya sa nakita.

Pinulot niya sa sahig ang kutsilyo na ginamit niya at pinindot ulit ang ear piece.

"Hoy Win, kamusta na diyan?"

"Paakyat na kami. Tulog na silang lahat."

"Great. Dalian niyo."

Hindi na ulit nagsalita ang nasa kabilang linya.

"Hey, Gin. Ano na? Sa mga daraanan namin napatay mo na lahat ng cctv?"

"Tapos na. Dalian niyo na. Bago pa dumating si Alfonso, natrack ko kung nasaan na siya at mukhang galing pa itong Baguio pauwi na sa village kaya kailangan ninyong magmadali."

"Clear."

Sakto naman ang pagbaba ng dalawa ay agad nilang tinakbo ang bahay na pakay nila.

"May passcode, putek!" inis na sabi ni High.

"Ako na."

Nagpindot lamang siya ng mga posibleng code ng ilang beses pero hindi gumana. Kaya naman sinira niya iyon at binuksan ang gate. Nabuksan niya iyon.

"I know the password. You should just asked for my help." Reklamo ni Gin sa kabilang linya. Natawa naman si Win at High habang nakangisi lang nang nakakaloko si Rocket.

"Parang hindi mo kilala itong leader natin." sagot ni High saka humalakhak.

Jan shook her head.

Pumasok na sila sa mansiyon at kinuha ang mga bagay na sa tingin nila ay mamahalin. Kahit naman lahat ng iyon ay mamahalin talaga.

"Umalis na kayo dyan, Rocket! Nasa labas na may entrance na sila ng village," sigaw ni Gin.

Humarap siya sa kaniyang mga kasamahan at sabay sabay na tumango bago umalis.

Nagtago sila sa punong kaharap ng mansiyon at inantay ang pagdating ng sasakyan ni Mr. Buenaventura.

Napangisi siya.

Mission accomplished.

--

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro