KABANATA 28
A/N: Up. Up. Up.
KABANATA 28
Jannarah
"SA WAKAS! PUTEK pinahirapan tayo niyang papeles na 'yan ha!" reklamo ni High at lumapit sa pwesto niya maging si Win.
"Abotin mo na Win. Tutal ikaw naman ang matangkad sating lahat." suhesiyon ni High. Tumango naman si Win at inabot iyon.
"There you go." nilapag nito ang box sa sahig. It was a normal size of a box. Hindi agad ito mapagkakamalang box dahil na rin sa disenyo nito sa harapan.
Matalino rin ang ginang. Hands up.
"Open it, Rocket." sabi ni Win.
Tumango siya at lumuhod. May lock pa ang puta! Gamit ang kamay niya ay malakas na suntok ang pinakawalan niya dahilan para masira ang lock nito.
Nag-angat siya ng tingin sa dalawa. Nakangisi ang mga ito.
"Masakit 'no?" asar sa kaniya ni High.
Ngumisi siya at umiling. "Gago."
Tumawa ito habang si Win ay umiling nalang.
Tinignan niya ang kamay niyang ginamit sa pagsuntok. Namula lamang ito pero hindi dumugo. Masakit pero hindi naman ganoon kalala. Sanay na siya anyway. Parati niya iyong ginagawa. Wala ng bago roon.
Binuksan ni High ang box at tumambad sakanila ang mga papeles na hinahanap.
Gotcha!
Kinuha ni High iyon at hinalik halikan.
"There you go, baby." anito
Napailing na lang siya sa kabaliwan ni High minsan.
"Ibalik mo na, Win. Make sure na hindi mahahalata." sabi niya.
Mabilis na ang kilos nila. Saka lang niya naalalang mayroon na lamang silang five minutes para makaalis sa silid na iyon. Ilang saglit lang ay magigising na ang Ginang.
Nagtinginan sila sa isa't isa saka maingat na lumabas. Nauna siya, kasunod ang dalawa. Lumapit siya sa ginang at kinuha sa night stand ang boteng ginamit.
Tumango siya sa dalawa at lumabas na.
"Dalian na natin."
Nakalabas na sila ng silid. Naunang naglakad si Win kasunod si High at siya ang panghuli.
"Shh." natigil sa paglalakad si Win na nasa harapan.
"What?" pabulong na tanong ni High.
"May tao. Sa baba." anito.
Shit!
Pumunta siyang harap at sumilip rin sa baba. May tao nga. But she can't see who was that. Madilim sa baba.
"Where to, Rocket?" tanong ni High.
Tumingin siya sa paligid. Nahagip ng mata niya ang isang teresa ng ikalawang palapag.
Tinuro niya ito. "Diyan nalang tayo dumaan." tumango ang mga ito at naglakad palapit roon.
"Win, una ka." sabi ni High.
Win tsked. "Takot ka kasi. Nauna una pa." pumwesto na ito saka tumalon ng walang palya.
Nag-angat ito ng tingin saka pinindot ang ear piece. "Walang tao rito. Sumunod ka na, duwag." anito na ang tinutukoy ay si High.
"Gago." sabi ni High sa kabilang linya.
Napailing na lang siya sa asaran ng dalawa.
Pumwesto na rin si High at tumalon na lang bigla.
"Its your turn, Rocket. Dalian mo."
Tumango siya at tumalon na rin. Win press her ear piece again. "Gin, nasa'n kami?" tanong nito sa kabilang linya.
"Nasa hardin kayo ng Ginang. Sa likod. Kailangan niyong sa harapan dumaan papalabas. Wala nang daan palabas ng village diyan sa likod. Make it fast, dimwits."
She tsked. Gago ba ito? Alam naman nitong mahirap magnakaw. Tsk.
Tumango si Win at nauna ng maglakad papuntang harapan. Sumunod naman sila ni High dito.
Maya maya pa ay nakalabas sila ng bahay ng ginang ng walang nakakaalam.
Mission accomplish, baby.
Lumabas na sila ng village ng walang nakaalam na mayroong nakapasok roon.
***
"UWI NA AKO. Baka hanapin na'ko sa bahay." tumango ang mga ito pagkarating nila ng Niksxzy.
Agad niyang tinungo ang garahe at nilabas ang motor niya saka pinaandar at umuwi.
Pasimple niyang tinago ang kaniyang motor sa garahe nila ng walang nakakaalam at walang ingay. Pagkatapos ay tinungo na ni Jan ang kaniyang silid gamit ang bintana.
Nakapasok siya ng walang ingay. Sa mahigit ilang taon na niyang ginagawa iyon. Hindi pa siya nahuhuli o nabibisto ng kaniyang ina o ng kanilang mga ninanakawan.
Gamay na niya ang lahat ng kailangan niyang gawin sa pagnanakaw at ang pag-akyat ng kaniyang silid.
12:30 am.
Umaga na. Nagbihis na siya at agad na humiga sa kama. Hanggang sa dalawin na siya ng antok.
"Anak! Gising na! " sigaw ng kaniyang ina.
Naiinis na tumingin siya sa night stand kung saan naroon ang kaniyang cellphone. Putek! 7:30 palang, ma! Puyat pa ako oh!
Kaya kahit na naiinis ay umayos siya ng upo at sumigaw rin. "Maliligo lang Ma!"
Bwisit! Tumayo siya at muling bumalik sa pagkakaupo.
Putek! Ramdam niya ang kaniyang pagkababae na muling sumakit. Tangina! Nakalimutan niyang masakit pa pala iyon kagabi. Putek!
"Tradious! Anak! Gumising ka na rin diyan! May pasok ka pa!" sigaw muli ng kaniyang ina.
Napahawak siya ng kaniyang hita at kunot noong tumingin sa pinto. Wala bang balak pumasok ang isang 'yon? 7:30 na kaya. Malalate pa 'yon.
Naiinis na paika ika siyang naglakad sa pinto ng cr. Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. Masakit bullshit!
Humawak siya sa door knob at naligo na. Pagkatapos ay nagbihis lang siya ng simpleng jersey short at maluwag na t-shirt na white.
Hindi na siya nagpanty. Mas lalong sumasakit ang pagkababae niya.
Sinuklay niya ang sariling buhok at paika ika pa ring naglakad palabas. Gulat siyang napatingin kay Trad. Sakto rin ang labas nito.
"T-Trad." gulat niyang sabi.
Ngumiti ito ng tipid at humakbang para isara ang pinto ng kaniyang silid. Kitang kita niya ang pag-iiba ng ekpresiyon ng mukha ni Trad.
"Okay ka lang." she asked.
Kagat labing tumango ito habang nakapikit. Kumunot ang noo niya.
"May problema ba? Tyaka ba't hindi ka pumasok ngayon?" sunod sunod niyang tanong.
Trad took a deep breath then look at her. "M-Masakit." sabi nito.
Ilang saglit siyang natigilan. Saka naintindihan ang sinabi nito. Umawang ng mga labi ni Jan dahil sa sinabi ni Trad.
"Ohh..." nag-iwas siya ng tingin. Nakakahiya. 'Yon agad ang pumasok sa isip niya. Tungkol ito sa nangyari sakanila kagabi. Nakagat niya ang pang-ibabang labi.
"Iyon lang?" naiinis nitong sabi. Tumingin siya dito ng gulat. At galit pa talaga ito.
She rolled her eyes. "Nasarapan ka rin naman ah! Galit ka pa?" naiinis niyang sabi.
Namula si Trad. Cute. "Lets end this conversation. Change topic please. Nakakailang." nag-iwas ito ng tingin.
Doon siya nakaramdaman ng hiya. "Sorry."
"Tara na." nauna na itong naglakad. Paminsan minsan ay dumadaing ito.
Pigil ang tawa niya hanggang sa makababa sila. Hindi siya sanay.
Cute.
Umupo na sila at tahimik na kumain.
"Anak. Ano palang ginawa niyo dito kagabi ni Trad? Wala kasi ako 'non. May pinuntahan lang." basag ng kaniyang ina sa katahimikan.
Nagkatinginan sila ni Trad at agad na umiwas ng tingin ito.
Making love. "Uhm... N-Natulog po." pagsisinungaling niya.
Mabuti na lamang at hindi nagtanong ang kaniyang ina. Hobby na niya ang pagsisinungaling. Maybe because it was part of her job.
Natapos silang kumain. "Ako na."
Tumango lang siya sa sinabi ng kaniyang ina at tinungo ang sala. Tahimik na humiga siya sa mahabang sofa. Ramdam pa rin niya ang sakit pero hindi na ganoon kalala tulad kanina.
Nag-isip-isip siya. Ano na ang mangyayari sakanila ni Trad? Should she act like it's nothing? Naguguluhan din siya.
Pero isa lang ang sinisigaw ng puso niya. Choose him.
Hindi niya alam ang gagawin. May nararamdaman na siya sa binata mula ng nasa ospital pa sila.
Maybe it was part of her past. Hindi rin ito nagkukwento tungkol sa nangyari noon. Iyon ang nakapagtataka.
Everyone is hiding something from her. And she wants to know it. Lahat na lang ay maingat na itinatago sakaniya ang katotohanan. Ano ba ang mapapala nila?
Is she over reacting? Ewan rin niya.
"Deep thinking." ani ng nasa likuran niya. Tumingin siya dito. It was Trad.
Umayos siya ng upo. Tumingin siya rito. "Can I ask?" tanong niya.
Natigilan ito at tinitigan rin siya sa mata. And here comes her crazy heart again. Beating so fast.
Tumikhim ito at nag-iwas ng tingin saka umupo sa pang-isahang sofa kaharap niya. "What is it?"
Since hindi naman ito nakatingin sa gawi niya. Malaya siyang titigan ang mukha nito pababa sa mga kamay nito. He's crossing his fingers. Kumunot ang noo niya.
Gawain ba nito iyon? Parang hindi lalaki! Magkalapit pa ang mga hita.
"Are you a gay?" bulalas ng bibig niya. Ganoon na lamang ang gulat nito maging siya.
Tinakpan niya ang bibig at nag-iwas ng tingin. Tanginang bibig 'to!
Saglit na binalot ng katahimikan ang pagitan nila bago ito tumikhim. Nakakahiya!
"Y-You know?" tanong nito pabalik.
Tumingin siya rito. What does he mean?
"Anong I know?" tanong niya rin pabalik.
Naguguluhang tumingin ito sakaniya.
"I'm a gay." pag-amin nito.
Gulat na tumingin siya rito. "Paanong--"
"--before."
Mas lalo siyang naguluhan sa sinasabi nito.
Huminga ito ng malalim. Hindi siya makapagsalita. She's speechless! Paanong nangyaring... Ugh! Bakit kasi nawala pa ang mga importanteng memorya niya?
"Siguro panahon na para malaman mo ang totoo." paninimula nito.
Tumingin lang siya dito. Yes, she badly needs an answer!
"I was your bestfriend back then... Three years na tayong magkaibigan, Jan." mas lalo siyang naguguluhan sa nangyayari. She don't know what to do. She can't figure it out. "Maybe nakasama sa mga nawawala mong memorya ang pagkakaibigan natin." ngumiti ito ng tipid.
"Ikaw ang unang nakaalam ng totoong ako."
Still no reactions coming from Jan.
"I was a gay back then... Alam mo ring nagkagusto ako kay Zild. The campus heartthrob. Ikaw lahat ang nakakaalam ng totoo. From my little secrets to the big one."
He took a deep breath. "Sa loob ng ilang taon nating magkaibigan. I know only few about you." then he chuckled.
"Hindi ka naman pala kwento eh. Hindi ka rin pala ngiti. Sa iba." naguguluhan na siya. She need the direct answer.
"Tapos alam mo--"
"Straight to the point, Tradious." putol niya.
Saglit itong natigilan at tumitig sa mga mata niya. Maya maya pa ay nakita niya sa mga mata nito ang kislap ng takot.
"You tried to kill me." sabi nito na mas nakapanggulat sakaniya.
No, I can't do that.
--
A/N: Muntik na ako lumampas sa limit kong word hahaha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro