Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 23


KABANATA 23

Tradious

KASALUKUYANG NASA KANIYANG silid si Trad at nakatingin nanaman sa kisame habang nakahiga.

I like you, Trad

I like you, Trad

I like you, Trad

Oh god! Heart please calm down.

Ngayon alam na niya sa sarili niya kung ano talaga ang nararamdaman niya sa dalaga.

I like her, not because she's my bestfriend but because she's special to me.

Napangiti siya sa kawalan. Sa wakas alam na niya ang damdamin niya sa dalaga.

Don't worry Jan, haharapin na kita nang buong-buo.

Alam na niya sa sarili na he's not the gay Tradious anymore na nakilala nito but the guy Tradious na makikilala pa lang nito.

Huminga siya ng malalim. "Jan, I hope you'll accept me. The new me." ngumiti siya hanggang sa matawa na lamang siya.

Akala niya dati na hindi na siya mababago. Na he will remain gay but no. Because of Jan, he change... Jan change him. Pinamulat lamang ni Jan ang totoong mundo. From pale color to colorful one. Hindi niya akalaing si Jan lang pala ang magmumulat sakaniya sa totoong mundong ginagalawan nila.

Hanggang sa maalala niya nanaman ang pagkikita nila ni Jan three years ago.

***

"HI TRADIOUS!" bati ng babae sa harapan niya.

Another woman!

Kailan ba kayo magsasawa sa akin? I don't like woman.

Hindi niya na lang ito pinansin saka nagpatuloy na lang sa paglalakad sa corridor.

Ang laman lang ng isip niya ay si Zild. Yes, na love at first sight siya kay Zild. Hindi na ito nawala sa isip at puso niya. Alam niya sa sarili since elementary that he feels different. Alam na niyang hindi siya isang barako. Isa siyang sirena. And he admit it to himself.

Matagal na niyang tinatago ang sekretong iyon sa sarili. Siya lamang ang nakakaalam nu'n.

"Uy, Tradious! Pansinin mo naman ako!" anito ng pamilyar na boses sakaniya.

Ang babae lang naman na ito ang pumansin sakaniya sa corridor pati ba naman hanggang classroom niya sumusunod pa rin ito?

Desperate woman.

Naiinis na humarap siya dito. "What?" kalmado niyang tanong.

Gulat itong tumingin sakaniya pero agad ding ngumiti. "Hello, Can we be friends?" nilahad nito ang kamay.

Nagulat siya sa inasal nito. Sa lahat ng babaeng nag-approach sakaniya ito lang ang naglakas loob na makipagkaibigan sakaniya.

Weird.

Tumingin siya sa kamay nito pero agad ding nag-angat ng tingin.

"No." saka na siya umalis at pumasok ng classroom.

Bastos man pero kailangan niyang umiwas. Ganito ba talaga ang high school life? Kapag gwapo center of attention agad. Hindi ba nila napapansin na may hidden agenda siyang tinatago kaya hindi siya lumalapit sa mga babae? 

Hays, women.

"Good Morning Class."

"Good Morning, Sir."

"So dahil Grade 9 na kayo. I still don't know each of your names. Kaya ngayon ay magkakaroon tayo ng getting-to-know-each-other. Starts with... You." turo nito sa likuran niya.

Lahat ay napabaling ang tingin sa likuran niya maging siya. Namilog ang mata nang makilala kung sino iyon.

That girl.

Pati ba naman dito, kaklase niya pa din? Nananadya ba ang tadhana.

"Kindly go in front, Miss." tumango ito at pumuntang harapan.

Ngumiti ito ng tipid. "I'm Jannarah Blast Salonga."

Jannarah Blast Salonga

Jannarah Blast Salonga

Jannarah Blast Salonga

Paulit-ulit na nagreplay sa kaniyang isip ang pangalan ng dalaga.

Tumitig lang siya sa mukha nito. Nagtaka siya dahil tipid itong ngumiti sa harap ng klase bakit kanina noong nakikipagkaibigan ito sakaniya ay sobrang lapad? She's weird.

"Thank you, Ms. Salonga."

Tumango lang ito at hindi na ngumiti pang muli.

Nakatingin lang si Trad sa babae hanggang sa makatapat ito sa pwesto niya. Saglit itong tumigil at tumingin sa kaniya.

Parang nagslow motion ang lahat nang ngumiti ito ng malapad sakaniya. Nakaramdam siya nang paninikip ng paghinga.

Umupo na ito. Siya naman ay naiwang nakatunganga sa kawalan. Hinawakan niya ang parte ng kaniyang puso at hinilot iyon.

Palihim niyang kinutongan ang sarili. Napapamura siya nang wala sa oras. Paano 'pag narinig ng Mommy niya? Lagot siya 'pag nagkataon.

Nagpatuloy ang pagpapakilala sa harapan pero wala doon ang atensyon niya na kay Jannarah. That smile. Oh god! Wala naman siyang naramdaman kanina nung ngumiti ito pero ba't gano'n ang tibok ng puso niya.

"Yes thank you, next is... You, Mister."

Kinalabit naman siya ng katabi niya. Napatingin naman siya dito.

"Ikaw na."

Tumango siya at pumuntang harapan. Tumingin siya sa paligid bago ngumiti ng tipid. "I'm Tradious Salazar." natigil ang mata niya sa babae. And again his heart beating so fast. Ano ba namang ginawa ng babae sa kaniya ba't gano'n ang tibok ng puso niya.

Saglit silang nagtitigan bago siya umiwas. "Thank you, Mr. Salazar." tumango siya at bumalik sa kaniyang upuan.

Natapos ang klase na wala siyang maintindihan. Kaya naman tinungo niya ang canteen.

"Uy! Tradious!" natigil siya sa paglalakad at humarap dito.

Pinakalma niya ang sarili. "Ano bang kailangan mo?" kalmado niyang tanong.

Napakamot ito sa batok at nahihiyang tumingin sakaniya. "Pwede bang makipagkaibigan?" tanong uli nito.

Dahil sa hindi malamang dahilan ay tumango siya. Na ikinagulat niya maging ang dalagang kaharap.

"Talaga?! Totoo ba yan?! Yes!" nagtatalon na ito sa tuwa.

Cute.

Napangiti siya sa reaksiyon ng dalaga. Mukhang bata.

Hanggang sa naging close na silang dalawa. Hindi naglaon ay naging matalik na magkaibigan ang dalawa. He's enjoying her company. She's talkative and bluff things she was thinking. Kaya naglakas na siya ng loob aminin ang totoong siya sa dalaga.

Sabado noon kaya napagpasyahan nilang pumunta sa tambayan nilang café.

"Uhm... Jan." tawag niya rito.

Nag-angat naman ito ng tingin saka inilapag ang menu. "Hmm?"

"Kilala naman na natin ang isa't-isa 'di ba?"

Tumango lang ito.

Huminga siya ng malalim. "May sasabihin ako. Pero secret lang natin ha?" tumango nanaman ito.

Huminga uli siya ng malalim at tumingin sa mga mata nitong seryoso. "I'm gay." sabi niya.

Saglit siya nitong tinitigan bago namilog ang mga mata.

Cute.

"Y-You're what...?"  gulat nitong tanong.

Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata "B-Bakla ako."

Nang hindi siya makarinig ng kahit anong ingay ay nagmulat siya ng mata. Gulat pa ring nakatingin sakaniya si Jan.

"Seryoso pala 'yan?" pabulong nitong tanong pero sapat na para marinig niya iyon.

Tumango siya. Pero may pag-aaalangan. Alam na ni Jan ang sekreto niya pa'no 'pag nilayuan siya nito? Iiwan at ipagkakalat sa mga kaklase nila?

Saglit silang nagkatingin bago ito ngumiti. What ngumiti? So that means.

"Alam ko, Trad." sabi nito na ikinagulat niya.

"Y-You know that... I'm gay?" tanong niya.

Tumango ito at tipid na ngumiti. May dumaang sakit na kislap sa mga mata nito pero agad ding nawala.

"How come?" naguguluhan niyang tanong.

"The way you act in front of women. The way you look at men. Kaya alam kong may sekreto ka." sabi nito.

Am I really easy to read?

Umiling siya. "You're unbelievable." napangiti naman siya sa sinabi nito.

"Yes I am!" saka ito tumawa.

Nakitawa na rin siya. Pero agad ding nawala. "So, secret lang natin 'to?" nag-aalalangan niyang tanong.

"Ano ka ba, Trad. Of course! Bakit ko naman ipagkakalat sa iba? May pera bang makukuha kung nagkalat ng tsismis? Kung meron edi ikalat natin. Joke only!" natatawa pa rin nitong sabi.

And that makes him smile wide. Hindi talaga siya nagsisi na naging kaibigan niya si Jan. She always know how to make him smile, laugh, and cry.

Naramdaman niya lahat ng 'yon sa piling ni Jan.

"Hays, Jan. You're driving me crazy, really." ngumiti siya sa kawalan at pinikit ang kaniyang mga mata.

Thank you for being my bestfriend, Jan.

--

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro