Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 2

A/N: Enjoy!

KABANATA 2

HINDI ALAM NI Jan ang gagawin matapos ang nangyari sa court.

"Dapat hindi ko 'yon ginawa. Para ka namang tanga, Jannarah." sinabunutan niya ang sariling buhok sa kahihiyang ginawa. Nasa labas siya ng court at pinagsasabihan ang sarili.

Bakit hindi siya nakapagpigil? Bakit kailangan sa harapan pa mismo ni Trad niya nagawa 'yon? Maybe because she's jealous.

Oh come on, wala naman dapat siyang ikaselos dahil wala naman siyang karapatan.

Take note, he's a gay not a guy.

She knew about that pero hindi niya pwedeng ipagkaila na nakakaroon siya nang pagtingin sa binata--sa baklang 'yon-- she can't help but to admit that she had a crush on Trad or maybe more than that. Mapakla siyang tumawa at umiling. You can't love him, she's just like you! He also likes guys.

"Jan, what happened? Akala ko ba manonood pa tayo ng laro nila Zild? Ba't umalis ka kaagad?" tanong ni Trad kay Jan.

Bumuntong hininga muna siya saka umayos nang tayo bago humarap sa binata. She cleared her throat.

"N-Nagtext kasi si... si Mama, h-hinahanap na ako sa-sa'min." Teka, bakit nauutal siya?

Tumitig muna ito nang matagal sakaniya bago tumango.

"I see. Hatid na kita tutal pagabi na," sabi nito.

I would loved to.

"Hindi na. Keri ko na 'to." hahakbang na sana siya palayo dito nang pigilan siya nito sa kaniyang braso.

"Okay naman tayo 'di ba?" sabi nito sa seryosong tono.

Okay lang, walang tayo.

This side of Trad she knows is scary. Nakakatakot ang boses nito sa tonong iyon. Dapat siyang kabahan dahil alam nito kung bakit gan'on ang kinikilos niya. Anong silbi ng pagiging matalik nilang kaibigan na umabot nang mahigit tatlong taon kung hindi pa nila lubusang kilala ang isa't-isa? Pero hindi niya pinahalatang natatakot siya.

Nagbaba siya ng tingin. "Sorry pero kasi nagmamadali lang talaga, an-"

"No, you're not Jannarah! Tell me what's going on Jannarah Blast Salonga."

Bigla siyang nilukob nang takot kapag binabanggit nito ang buo niyang pangalan. Alam niyang talagang seryoso na ito ngayon.

Wala na siyang magawa. Kapag tinawag na nito ang buo niyang pangalan kusa siyang titiklob. Nag-angat siya ng tingin upang salubungin ang mga mata nitong seryosong seryoso.

"W-Wala 'yon, Trad." iyon na lamang ang kaniyang nasabi.

Hindi niya pwedeng sabihin dito ang lihim niyang pagtingin sa binata.

Sinuri muna nitong mabuti ang kaninyang mukha bago lumambot ang ekspresyon sa mukha. He sighed.

"I think you're not telling the truth pero palalampasin ko ito ngayong araw, Jan. Tara na, ihahatid na kita." wala na siyang nagawa nang hilahin siya nito palabas ng paaralan at pumara ng taxi.

Bumuntong hininga muna siya bago sumakay sa back seat ng taxi. At ito naman ay sa passenger seat umupo. Sana hindi na siya kulitin nitong muli para hindi siya bumigay at sabihin dito ang totoo.

***

"KAMUSTA PO, TITA?" tanong agad ni Trad nang makapasok sila sa bahay nila.

Simple lang ang bahay nila. Maituturing nang may kaya ang pamilya nila. Sa simpleng kagamitan na nakapalibot sa bahay. Hindi niya ikakahiya ang bahay na iyon. Dahil galing 'yon lahat sa'kin.

"Oh hijo, ikaw pala. Maupo ka at ipaghahanda kita ng maiinom. Anong gusto mo juice, tubig o softdrink?" tanong ng kaniyang ina kay Trad.

"Kahit tubig na lang po, Tita Ems," nakangiting tugon nito.

Tumango lang angkaniyang ina at tumungo na sa may kusina. Binalingan niya si Trad na nakaupo sa pang-isahang sofa na parang isang babae. Nakapatong ang kaliwang binti nito sa kanan.

"Magbibihis lang ako saglit." hindi na niya inantay pa ang sasabihin nito at umakyat na sa ikalawang palapag.

Patapon niyang inihagis ang bag sa kanyang kama at pumuntang cabinet para kumuha ng magkapares na pajama saka naligo. Mayroon siyang sariling banyo sa kaniyang kwarto. Matapos ay ipinulupot niya ang twalya sakaniyang buhok at lumabas.

"Kamusta na si Kumareng Teresa?" narinig niyang tanong ng ina.

"Okay naman po si mom. Dalaw naman po kayo minsan sa bahay, Tita Ems. Siguradong mapapahaba ang kwentuhan ninyo ni mom." anang ni Trad sa kaniyang ina.

Bumaba na siya nang tuluyan sa hagdan at dumeretsong sala para tunguhin ang kaniyang bisita at ina.

Ngumiti siya ng tipid sa dalawa na nakatingin ngayon sa kaniya. Tinignan niya ang binata na maayos na ang pagkakaupo. Lalaking lalaki na ulit.

Takot ka lang mahuli.

"Ay oo nga pala. Anak, dito na maghahapunan si Tradious," anang ng kaniyang ina na tinanguhan niya lang at tumingin ulit sa binata.

Abala na ito sa sariling sa cellphone. Pasimple siya sumisilip sa ginagawa nito.

Tumikhim ang kaniyang ina. Agad siyang tumingin dito.

"Doon muna ako sa kusina, anak." ngumiti ng pilyo ang kaniyang ina. Kumunot ang kaniyang noo sa ngiting iyon ng ina.

Umupo siya malapit kay Trad at pasimple ulit tumingin sa cellphone nito.

"What's with your phone? Mukhang busy ka ata?" pilit niyang hindi ipahalata dito ang kuryusidad na gustong malaman kung ano nga ba ang ginagawa nito.

Tumigil ito sa pagpindot sa screen at nakangiting tumingin sa kaniya.

"Guest what?" tinaas baba pa nito ang kilay.

Kumunot lalo ang noo niya. "Anong guest what? Sabihin mo na kasi!" inis niyang sabi.

Tumingin muna ito sa paligid at muling bumaling sakaniya. Pinakita nito ang screen ng cellphone. Halos lumuwa ang mga mata niya sa gulat.

What the fuck.

"Gago ka, Trad. Ano 'yan?" hindi niya mapigilang mura sa nakita sa screen ng cellphone nito.

"Shh! Can you please stop cursing. Marinig ka ni Tita Ems bahala ka." sabi nito at tinago ang cellphone sa bulsa ng slacks nito.

Hindi pa rin makapaniwalang tumitig siya sa mukha ng binata. So iyon ang pinagkakaabalahan nito? Ang i-crop ang mga topless na larawan ni Zild at gawing wallpaper ng cellphone nito? Nagbibiro ba ito? Pa'no kapag nakita iyon ng mga magulang nito? Edi good-bye Trad na?

No way!

"So, 'yon ang pinagkakaabalahan mo kanina pa? What the fuck, Trad," hindi niya maiwasang magmura sa ginawa nito.

Sa pangalawang pagkakataon ay gulat pa rin ito. Agad naman nawala ang gulat sa mga mata nito na napalitan ng inis.

"Look Jan, you should be happy for me. Alam mo namang kasiyahan ko si Zild." umirap ito sakaniya.

"Wow. Let me remind you, hindi nila alam kung ano ka talaga, Tradious."

Sumimangot ito. "Don't call me that." ngumuso pa ang loko.

Pinandilatan niya ito ng mata. "I'm so fucking serious, Trad."

"Fine. Idedelete ko na, happy?" He said in sarcastic manner.

Umiling na lang siya sa katigasan ng ulo nito. This si Trad that I know.

The Trad that I like.

--

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro