KABANATA 18
A/N: Enjoy.
KABANATA 18
Tradious
NAGISING KINABUKASAN SI Trad sa hindi pamilyar na kwarto. Agad siyang napabalikwas ng bangon at inilibot ang tingin. Doon niya napagtantong hindi niya iyon silid. He took a deep breath. Dapat ay masanay na siya.
Bumukas ang pinto at lumabas roon ang Tita Ems niya. "Kamusta ang tulog mo?" nakangiti nitong tanong.
Ngumiti siya ng tipid rito. "Naninibago pa po, pero ayos naman po ako."
Tumango ito at lumapit sakaniya. Umupo ito sa gilid ng kama.
"Anak, mapapahamak ka sa ginagawa mo. Mabuti pa sigurong bumalik ka na sa inyo. Sigurado akong nag-aalala ang mga magulang mo," may bahid na pag-aalalang sabi ng ginang.
Pero hindi siya pwedeng magpaapekto. Umiling siya saka inabot ang kamay ng ginang. "Alam ko po ang ginagawa ko, Tita Ems. Hindi rin naman po ako magtatagal. I'll be back in our house soon," ngumiti siya rito.
Bumuntong hininga ito saka masuyong ngumiti. "Kung 'yan ang desisyon mo. Hindi na kita mapipigilan diyan. Basta pinaalalahanan kita,"
Tumango nalang siya bilang sagot. Ilang saglit pa ay nagpaalam na ang ginang dahil babalik na rin ito sa ospital para bantayan si Jan.
And speaking of Jannarah... Kinausap niya ang sarili kagabi bago matulog. He ask himself if he's inlove with her then his heart beat so fast saying that it's a yes. He's happy. Masaya siya sa nabalitaang nagkakaroon siya ng pagkagusto sa dalaga.
Am I not a gay anymore? Or am I?
Umiling nalang siya sa sariling tanong at bumangon na saka tinungo ang banyo at naligo.
Pagkatapos maligo ay nahagip ng mata niya ang kalendaryong nakasabit malapit sa cabinet.
March 3. Sunday.
Namilog ang mga mata niya sa nakita. Bakit ba nakalimutan niyang ngayon ang operasyon ni Jan? Kaya nagmadali siyang humanap ng damit sa bag na dala.
Isang simpleng maong short at plain white shirt saka nagtsinelas lamang siya. Ilang minuto siyang nag-ayos bago lumabas ng bahay nila Jan at naglakad patungong kalsada saka pumara ng taxi.
Kinakabahan siya sa operasyon ni Jan.
God, please make her operation successful.
Hindi niya namalayang nasa harap na sila ng ospital sa lalim ng kaniyang iniisip. Nagbayad na siya sa taxi saka patakbong tinungo ang kwarto ng dalaga. Tinungo niya ang elevator at sumakay.
Bumukas na iyon at tumakbo ulit papuntang silid ni Jan. Kumatok siya at tumambad sakaniya ng isang nurse.
Ngumiti ito. "May kailangan ka, sir?"
"Nandiyan ba sa loob ang pasensyente?"
"Nasa ER na po sir."
Nagpasalamat siya rito at tumakbo ulit patungong elevator. Ang ER ng ospital ay nasa ground floor. Pinindot niya ulit ang ground floor.
After that, dumeretso na siyang emergency room. Nakita niya sa labas no'n ang ginang. Agad naman siyang umupo sa tabi nito.
Nag-angat ito ng tingin sakaniya. "Tradious, anong ginagawa mo dito?" tanong nito.
"Naalala ko pong ngayon po pala ang operasyon ni Jan kaya nagmadali akong pumunta rito,"
Tumango ang ginang saka yumuko ulit waring nagdarasal.
Tumingin siya sa kawalan. God make her safe.
***
Tradious
TIME HAVE PAST pero hindi pa rin bumubukas ang pinto ng emergency room. Lalo siyang kinabahan sa mga nangyayari. Dalawang oras na silang naghihintay pero hindi pa rin lumalabas ang doktor na gumagamot kay Jan.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Sana maayos lang si Jan.
And after a while, the doctor went out. Agad naman siyang tumayo pati narin ang ginang.
"Doc, kamusta po si Jannarah?"
Ngumiti ito. "Thank go, the operation was successful. Natanggal na namin lahat ng poison na kumalat sa katawan niya," nakahinga siya nang maluwag sa sinabi nito.
"But she have a short and selective amnesia." nagulat siya sa sinabi nito. "The last time I checked her, hindi agad nagprocess ang utak niya. And that leads me that she have a short and selective amnesia,"
Kaya pala noong nagising ito ay hindi siya nito maalala and that hurts him so much. Sa lahat nang pwede nitong kalimutan bakit si Trad pa? Napayuko siya.
"That's why she can't remember me," pabulong niyang sabi.
"She can't remember you?" tanong ng doctor.
Nag-angat siya ng tingin saka mapait na ngumiti. "Unfortunately, yes,"
"Don't worry, babalik rin naman ang memory niya we just have to wait," he bid a goodbye to them before leaving.
Bagsak ang balikat na tumingin siya sa kawalan. Bakit kailangan pa kasing mangyari to sakaniya. Why does he feel like it was so unfair? Parang pinaglalaruan siya ng mundo.
Hindi niya alam ang gagawin. Ipaparamdam niya ba kay Jan na kaibigan siya nito?
May humawak siya balikat niya dahilan para magbalik siya sa reyalidad.
"It's okay, Tradious. Sabi nga ng doktor na babalik rin ang memorya ni Jannarah."
Tumingin siya dito. "What if she can't?" tanong niya.
He took a deep breath. "I can't imagine Jan seeing me like nothing, Tita. Na parang wala kaming pinagsamahan kasi hindi niya ako maalala." malungkot niyang sabi.
"Don't loose hope, Tradious. Everything will be okay."
I hope so.
Ngumiti siya ng pilit. "Sige tita, sa bahay ninyo po muna ako. Tawagan niyo na lang po ako 'pag nagising na si Jan," hindi na niya inantay ang sasabihin nito kaagad siyang umalis ng ospital.
Life was really unpredictable. Hindi natin alam ang pwedeng mangyayari sa buhay natin kaya dapat ay maging handa tayo sa ano mang hamon ng panahon. Oo, nandoon na tayo sa point ng buhay natin na kapag hindi na natin kaya ang tanging naiisip nating solusyon ay sumuko na lang. Instead of fighting we choose to give up.
He took a deep breath. Hindi namalayan ni Trad na nakarating na siya sa harap ng bahay nila Jan. Nagbayad siya saka bumaba. Saglit siyang natigilan nang makita may tao sa harapan ng bahay nila Jan. Sinusuri nito ang bahay. That gives him chill. Bakit siya natatakot sa lalaking nasa harapan ng bahay nila Jan? Nagtago siya sa pinakamalapit na pader sakaniya nang gumalaw ang lalaki at umalis.
Malaking katanungan pa rin kung sino ang lalaking nakatanaw sa bahay nila Jan. The guy was in all black. From his jacket to his pants and shoes. Hindi niya naaninag ang mukha nito dahil na rin sa nakatabing ang hood ng jacket nito sa ulo.
Who's that guy?
Masama ang kutob niya rito.
--
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro