Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 17

A/N: Keep reading.

KABANATA 17

Tradious

HANGGANG SA UMALIS sila ng rooftop ay hinatid niya ito sa room 143. Palaisipan pa rin kay Trad ang mga sinabi ni Jessica.

You're inlove with your bestfriend, Tradious.

Umiling siya saka naglakad palabas ng ospital. Nang makalabas napatingin siya sa kalangitan. He stilled when he realized that it was already dark outside. Halos lumuwa ang mga mata niya sa gulat.

Tumingin siya sa relo sa kaniyang pulsuhan.

7:00 pm

Magagalit ang Mommy niya dahil wala pa siya sa bahay nila. Kaagad siyang nagmadaling pumara ng taxi saka sumakay.

Abot abot ang kaba ni Trad hanggang sa makarating sa kanilang bahay. Maingat niyang binuksan ang gate at pinto ng bahay. Dahan dahan siyang naglakad patungong second floor ng biglang.

"Ganito ba ang oras ng uwian, Tradious?" Oh shit.

"M-Mom--" handa na siyang magpaliwanag ng bigla nitong itaas ang kanang kamay nito dahilan para matigilan siya.

Bumuntong hininga ito. "Mag-impake ka na. You're going to America as soon as possible." sabi nito saka umalis ng sala.

Bagsak ang balikat na tumingin siya sa kawalan. No! I don't want to!

Huminga siya ng malalim saka nagtungong kwarto niya.

Hindi pwedeng umalis si Trad ng bansa.

I'm sorry, Mom. I love you but I need to find myself first.

Nag-impake na siya saka nagbihis. Simpleng black shirt saka pinaresan niya ng faded blue jeans. Naka-tsinelas lang siya at nagjacket saka sumbrerong black. Huminga siya ng malalim.

This is it.

Kinuha niya ang inimpakeng mga damit saka binuksan ng konti ang pinto. Tumingin siya sa paligid nang masigurong walang tao saka siya mahinang naglakad palabas. Agad niyang tinungo ang pinto saka lumabas na nang tuluyan.

Nilingon niya ang bahay nila.

I'll be back Mom, Dad. I just need to find myself first.

Naglakad na siya papalabas ng village saka pumara ng taxi at sumakay.

"Manong sa Rio's Hospital po tayo."

Isinandal niya ang likuran ng back seat saka umidlip ng konti.

***

Tradious

NAKARATING SIYA SA Rio's Hospital saka tinungo ang kwarto ni Jan. Bumukas ang elevator kaya agad siyang lumabas no'n. Natigil siya sa paglalakad nang makita ang room number 143. Agad niyang naalala si Jessica.

Hindi naman siguro masamang dalawin ito hindi ba?

Huminga siya ng malalim saka kumatok. Ilang segundo lang ay binuksan iyon ng isang matandang babae.

Ngumiti siya. "Hello po, Ma'am. Si Jessica po?" tanong niya sa matandang babaeng nakakunot ang noo.

"Sino ka?" tanong nito.

Nakangiti parin siya dito. "Kaibigan po ako ni Jessica."

Saglit siya nitong tinitigan bago lumambot ang ekspresyon at niluwagan ang pinto. "Come in."

Tumango siya at pumasok. Nahagip agad ng mata niya si Jessica na kasalukuyang abala sa panonood ng tv habang nakahiga sa hospital bed.

"Jessica, may bisita ka." pukaw ng atensiyon ng babae kay Jessica.

Lumingon naman sa gawi nila si Jessica na halatang nagulat pero agad ding ngumiti. "Tradious. Anong ginagawa mo dito?" tanong nito.

Ngumiti siya saka lumapit sa dalaga. "Napadaan lang." sabi niya.

Ilang minuto siyang tinitigan ng dalaga bago ito tumikhim. "Thank you. Salamat sa pagdalaw." anito na parang nahihiya.

He chuckled.

Yumuko ito, nahagip ng mata nito ang travelling bag na dala niya. Nag-angat ito ng tingin sakaniya. "Bakit may travelling bag kang dala?" tanong nito.

Naging mailap ang mga mata. "P-Para kay Jan 'to." pagsisinungaling niya.

Ramdam ni Trad ang mga matang nagtatanong sakaniya ng dalaga.

"You're lying."

Napakamot siya sakaniyang batok saka tumingin sa dalaga. Bakit ba madali siyang mabisto?

Am I too easy to read?

"Tell me the truth, Tradious." nakacross arm na itong tumingin sakaniya.

"I left." pag-amin niya.

"Left from?"

"From home."

Gulat itong tumingin sakaniya.

"Bakit?"

Tumingin siya sa babaeng nasa likuran nila halatang nakikinig ang babae. Bumaling naman ng tingin roon si Jessica. Mukhang napansin nito ang pagtingin niya sa babae.

"Uhmm... Mom, can you leave us for a while. We just need to talk about something." sabi nito sa babae na nanay pala nito.

Agad tumango ang ina nito saka umalis ng silid. Humarap siya sa dalaga.

"You don't need to do that."

"I already did. Nakakahiya naman sa'yo." isinandal nito ang likuran sa kama at tumingin ng mariin sakaniya.

"Go speak."

Umupo siya sa upuang katabi ng kama nito saka inilapag ang dalang travelling bag sa sahig.

"I left from home because... they want to send me to America." namilog ang mata ni Jessica. Nagpatuloy naman siya. "Hindi ko gustong umalis ng bansa kaya naglayas ako... nang hindi nila alam." napayuko siya sa sinabi.

"You're unbelievable." komento ni Jessica.

Nag-angat siya ng tingin nang nakakunot ang noo. "I have my own reasons, Jessica." pagdedepensa niya.

"Because of Jannarah. Am I right?"

Yes.

"I-It's not like that. I--"

"It is, Tradious." ngumiti si Jessica sakaniya. "Kaya hindi ka pumayag kasi inaalala mo si Jannarah. You're such a brave guy, Tradious. Pati magulang mo sinuway mo para lang sa isang babae. Importanteng babae sa 'yo." umayos ito sa pagkakaupo saka hinawakan ang magkabila niyang balikat.

"I think it's not a simple attraction anymore. You're more than that." komento ni Jessica na nakapagpagulat sakaniya.

Hell no!

"Yes it is, Tradious. Nasa in-denial stage ka pa lang. Hindi mo pa matanggap sa sarili mong nagkakaroon ka na ng pagkagusto kay Jannarah. I'm sure about that." binitawan nito ang balikat niya saka tumitig sa TV.

Ilang minuto siyang natahimik sa sinabi nito. Is he really fall inlo--no inlove to Jan? Pinakiramdaman niya ang sarili and he was shock that he can hear his heart beating so fast. Para siyang nakikipagkarera sa bilis niyon.

I think I am.

"Lalim ah." pukaw nito sa atensiyon niya.

Tumingin siya dito na nakatingin rin pala sakaniya.

"Go see her. Alam ko namang siya ang sinadya mo dito sa ospital."

Ilang minuto siyang tumitig rito bago tumango. Tumayo siya at ngumiti kay Jessica. "Thank you. Sige una na ako."

Tumango lang ito. Kinuha niya ang travelling bag na nasa sahig saka umalis. Dumeresto siya sa silid ni Jan. He's still at daze to what was Jessica said to him. Parang sirang plaka na paulit ulit na pumapasok sa isip niya.

Am I really inlove?

Umiling siya at nagpakawala ng malalim na buntong hininga bago kumatok ng silid.

"Anak, ikaw pala." nakangiting sabi ni Tita Ems.

Ngumiti siya.

Nagbaba ito ng tingin at natigilan. Kumunot ang noong nag-angat ng tingin ang ginang.

"Bakit may dala kang travelling bag?" tanong nito.

Napakamot siya sa batok saka sinalubong ng tingin ang ginang. "I left from home, Tita."

Gulat itong tumitig sakaniya bago niluwagan ang pinto para makapasok siya nang tuluyan. Pinaupo siya nito sa sofa kaharap ng kamang kinalalagyan ng Dalaga.

Then he stared at Jan at ganoon na lamang ang pagpintig ng puso niya.

You are inlove, Tradious. Indeed.

--

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro