KABANATA 12
KABANATA 12
Jannarah
"J-JAN, A-ANONG G-GINAGAWA mo?" gulat na tanong ni Trad sakaniya.
Para sa kaligtasan ni Mama.
Naglakad siya papalapit sa binata. Walang nakakakita sa kaniyang gagawin dahil tago naman ang pwesto nila. Halata sa mukha ni Trad ang takot at kaba pero hindi siya nagpaapekto roon. She won't stop, it's for her mom.
"J-Jan, please." pagmamakaawa nito. Hindi pwedeng magpaapekto siya. Parati niyang sinasabi sa utak niya na para sa mama niya ang ginagawa pero sumasalungat roon ang puso niya.
Just do it, Jan. Everything will be alright.
Papalapit siya ng papalapit sa binata na natatakot na sa kaniyang ginagawa. Well, sino ba namang hindi matatakot?
Humigpit ang hawak niya sa kutsilyo nang makalapit na siya ng ilang dangkal kay Trad. This is it.
"I'm sorry, Trad. This is for my mom. I don't want to lose her too. Hindi ko kakayanin." agad siyang pumwesto sa likuran nito at tinapat ang dulo ng kutsilyo sa leeg nito.
Naramdaman niyang may tumulong likido sa pisngi niya. Itatarak na sana ito sa leeg ni Trad. Nang bigla nalang niya iyon binitawan.
I can't.
Napaluhod siya sa sahig at doon mas lalong umiyak.
I can't. I can't kill my bestfriend.
Sinabi niya sa sarili na hindi siya iiyak sa harap ng ibang tao pero he'to siya, umiiyak sa harapan ni Trad.
***
Tradious
NANG BITAWAN NI Jan ang kutsilyo ay hindi pa man siya tuluyang nakahinga. Yumuko siya hindi niya alam ang gagawin. Nanginginig ang buong katawan niya sa nangyayari. Pero nakarinig siya ng mahihinang hikbi sa likuran niya. Nanlalamig ang buo niyang katawan.
Gulat na tumingin siya sakaniyang likuran. Nakaramdam siya ng panghihina ng makita si Jan na nakaluhod sa likuran niya habang umiiyak.
Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari kani-kanina lang. And it was his first time seeing Jan crying.
Tumingin ito sakaniya saka mapait na ngumiti habang umiiyak.
"I-I'm s-sorry, Trad. I didn't mean t-to..." humikbi ulit ito saka yumuko. "t-to k-kill you..." huminga ito ng malalim saka tumingin sakaniya. "P-Para naman 'to sa nanay ko pero hindi k-ko kayang pumatay." nakalahat ang palapulsuhan nito ng magkatabi habang umiiyak pa rin. "G-Go tell the police what I-I did. I-Ipakulong mo k-ko, Trad. I'm willing too. P-Please..." nagpatuloy ito sa pag-iyak.
He doesn't know what to do. It happened so fast. Gulat pa rin siya na nakatingin kay Jan. Sa tuwing tinitignan niya ito ay natatakot siya dahil sa ginawa nito sakaniya. Kaya nitong pumatay. This is not the Jan, his bestfriend.
Nang hindi siya kumilos ay tumayo si Jan at pumunta sa harapan niya. Bahagya siyang napaatras sa paglapit nito sakaniya. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakaramdam ng takot sa isang tao. He can't belive it. He can't believe that Jan will try to kill him.
"I-I'm sorry, Trad." hahawakan na sana siya nito nang bigla siyang umatras ulit.
"L-Leave m-me alone, J-Jannarah." sa wakas ay nakapagsalita na rin siya.
Nanigas sa kaniyang kinatatayuan si Jannarah saka umuko.
"S-Sorry, Trad. Nagawa k-ko lang naman 'yon d-dahil--"
Mapait siyang tumawa saka tumingin dito. "You should've kill me then, Jan!" pagalit niyang sigaw saka tumingin dito ng nanlilisik ang mata. His jaw were clenching. "Ano bang nagawa kong mali ha, Jan?" kung kanina ay nilukob siya ng takot ngayon ay hindi na. Nagtatagis ang bagang niya sa ginawang iyon ni Jan sakaniya. "Tell me, Jan. Ano bang mapapala mo 'pag napatay mo ako?" nanatiling nakayuko ang dalaga. "Na masosolo mo na si Zild? Jan, tatlong taon! Fuck! Ganun-ganon mo na lang itatapon lahat nang 'yon dahil sa isang lalaki?" hindi niya alam kung saan niya nakuha ang ideyang iyon basta nagpatuloy lang siya sa pagsigaw.
Naiinis siyang tumalikod dito saka sinabunutan ang sariling buhok.
I can't believe this is happening. Please wake me up from this nightmare.
"S-Siguro ganoon na nga." tumingin siya kay Jan nang magsalita ito.
Nag-angat ito ng tingin saka tinuyo ang sariling luha. "But believe me, Trad. I didn't mean to hurt you. Nasasaktan rin ako sa mga nangyayari. So please believe me." huminga ito ng malalim saka tumalikod. "I'm sorry, Trad even though you can't forgive me." pinulot nito ang kutsilyong gagamitin sana nito sakaniya saka humarap sakaniya.
"Sorry." ngumiti ito ng mapait sakaniya at itinapat ang kutsilyo sa palapulsuhan nito saka bigla nitong diinan hanggang sa magdugo iyon.
Nagulat siya sa sunod na nangyari. "Jan!" sigaw niya saka patakbong tinungo ang pwesto ni Jan. Nawalan ito ng balanse dahilan para matumba ito sa sahig.
"Jan! please wake up! Fuck!" panggigising niya.
Lumalim ang paghinga ni Jan na kinatakot ni Trad. Pinipilit nitong hinahabol ang hininga. "T-Thank yo-you for... e-everyt-thing, T-Trad." humugot ito ng malalim na hininga habang nilalabanan ang pagpikit ng mga mata.
"I love you." pabulong nitong sabi pero sapat na para marinig iyon ni Trad. Tuluyan nang pumikit ang mga mata ni Jan.
"J-Jan... J-Jan! Wake up please! N-No!" pinatong niya sa kaniyang mga hita ang kalahating katawan ni Jan saka mahinang tinapik tapik ang pisngi ng dalaga. Ngunit hindi ito nagmulat pa ng mga mata. Abot-abot ang kaba ma umahon sa kaniyang buong sistema.
"J-Jan!" hindi niya namalayan na mabilis na tumutulo ang kaniyang mga luha at pumapatak sa mukha ni Jan. Pilit niya pa rin itong ginigising.
No... Please.
"Help! Tulong please! Help us please!-- J-Jan please h-hold on!"
"Sir, ano pong nangyari?" tanong ng waiter na may dalang pagkain na inorder nila.
"H-Help please!" pagmamakaawa niya. Agad namang tumango ang lalaki bago ilapag ang pagkain sa mesa. Tinulungan siya nitong alalayan si Jan palabas ng cafe saka pumara ng taxi.
Good God, please help Jan.
Hawak niya ang kamay ni Jan hanggang makarating sila sa pinakamalapit na ospital.
"What happened?" tanong ng nurse sakaniya habang inilalagay si Jan sa stretcher.
"I-I don't k-know. Please help her."
Tumango lang ang nurse saka dinala si Jan sa ER.
"Make her live please." paghingi niya ng tulong sa Panginoon habang nakatingin sa papalayong bulto ng nurse at ni Jan.
Nilabas niya sa bulsa ng slacks ang cellphone saka tinawagan ang kaniyang ina.
"Mom nasa *** hospital ako," aniya na pilit na hindi gumaralgal ang boses.
"What? Anong ginagawa mo diyan son? Tell me." Nagpapanic na ang kaniyang ina sa kabilang linya.
"Just go here. I-I need you right now. Isama niyo na rin si Tita Ems." pinatay niya ang tawag saka umupo sa waiting area malapit sa ER.
May kumawala nanamang luha sa mata ni Trad kaya pasimple niya iyong pinahid.
"T-Thank yo-you for... e-everyt-thing, T-Trad."
"I love you."
Umiyak pa siya lalo ng maalala ang mga katagang binitawan ni Jan sakaniya. She loves him. Why? How? 'Yon ang mga tanong na gumagambala sa isipan niya ngayon. Pero mas nangibabaw pa rin ang takot niya sa ginawa ng dalaga sa kamuntikan nitong pagpatay sakaniya. Umiling siya saka pinigilan ang sariling umiyak.
Please lumaban ka, Jannarah. I need you to explain everything.
Ilang minuto pa siyang nag-antay nang biglang may nagsalita sa gilid niya.
"Anak, what happened?" bumaling siya sa nagtanong doon niya nakita ang mommy niya katabi ang mama ni Jan.
"Mom!" niyakap niya ang kaniyang ina saka doon humagulgol ng iyak.
"M-Mom... s-si Jan. S-She's in critical condition. K-Kanina pa siya roon. M-Mom I wa-want to see h-her--"
"Shh son, it's okay. Jannarah will be alright," mahinang sabi ng kaniyang ina. Naramdaman niya ang mahinang paggalaw ng balikat ng kaniyang ina kaya alam niyang umiiyak na rin ito ngayon.
"M-Mom, I-I need to s-see her." kumalas siya ng yakap sa ina saka tumingin sa mga mata nito.
"A-Anong nangyari kay Jannarah, Tradious?" bumaling siya kay Tita Ems. Pinipigalan nito ang pag-iyak.
Nagbaba siya ng tingin. Hindi pwedeng sabihin ni Trad kung ano nga ba ang totoo. Huminga siya ng malalim.
"I-I don't know, Tita." pinahid niya ang mga luha sa mata saka tumayo at niyakap si Tita Ems. Ramdam niya ang panginginig ng buong katawan nito.
"Ma-Magiging okay ba si J-Jannarah?" tanong ni Tita Ems kay Trad habang nakayakap siya sa kaniyang Tita. Natahimik siya. Hindi niya alam ang sasabihin.
Dahilan para humagulgol ng iyak ang Nanay ni Jan.
"Ang anak ko... A-Anak... L-Lumaban ka anak... H-Hindi ko kakayanin na pati ikaw ay mawala." sabi nito habang umiiyak sa mga bisig niya.
Masakit. Masakit makita na nagkakaganito sila ng dahil kay Jan. Gusto niyang magalit sa dalaga dahil sa ginawa nito. Pero hindi niya magawa, nangingibabaw ang awa niya kay Jan.
Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata.
Wake up, Jannarah. Your mom needs you. I need you.
--
A/N: I need you rin Trad. Eme!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro