KABANATA 11
A/N: >.^
KABANATA 11
Jannarah
PATAKBO NIYANG TINUNGO ang restaurant sa loob ng hotel saka lumingon sa paligid. Well, actually hindi niya naman kilala kung sino ang lalaking iyon. Basta lang siya naghahanap.
Tumunog ang message tone sa cellphone niya. She read the message.
Unknown Number:
I'm on the right side. Nakabullcap.
Agad siyang tumingin sa kanan niya at nakita ang lalaking nakabullcap na nakayuko. Pinuntahan niya ito saka umupo sa harapan nito.
"Anong kailangan mo?" tanong niya agad.
Nag-angat ito ng tingin. Hindi naman gano'n kasama ang itsura ng lalaki. Pero nando'n ang kaba niya ng ngumisi ito na parang aso. Pinilit niya ang sariling 'wag magkaroon ng ekpresyon ang mukha.
May ibinigay itong attache case. Maliit lamang iyon.
"Iyan ang gagamitin mong pagpatay sa target. Make sure that you won't make a mistake, Jannarah."
Tumingin siya sa bagay na binigay nito saka tumingin sa lalaking kaharap.
"I'll try. Hindi ako eksperto sa paggamit ng baril." sabi niya sa malamig na tono.
"Who told you that you will use a gun? Isang kutsilyo iyan. Ang pinagkaiba lang sa ginamit mong pagbali sa cctv ng Huwes Village ay..." tumitig ito sa mga mata niya. "May lason ang isang 'yan. It can kill a person in a blink of an eye. Dead on the spot ba." ngumisi ito.
Nilukob siya nang takot sa sinabi nito. Oh god, she will definitely kill that person in just a second or two. Pero hindi niya pinahalata rito ang takot. Taas noo siyang nakipagtitigan sa mga mata nito at walang kahit anong emosyon sa mukha.
"Pagkatapos anong mangyayari? Am I going to be free?" lakas loob niyang tanong.
"Well let's just say yes. But make--"
"Deal." kinuha niya ang attache case sa mesa saka umalis na ng lugar. Hindi niya na kayang makipag-usap pa ng matagal sa lalaki.
Para siyang naupos na kandila ng makapara ng taxi saka umupo sa back seat. Tinitigan niya ang hawak na attache case. Napakaliit lang nito pero napakabigat na responsibilidad.
Hindi ko kayang pumatay pero he'to ako ngayon gagawa ng hindi ko kayang gawain.
Nagpakawala siya ng buntong hininga saka pumikit ng mariin.
"Nandito na po tayo, Ma'am." sabi ng driver sakaniya. Nagmulat siya ng mata saka tumingin sa paligid. Hindi niya namalayang nakarating na pala sila sa Niksxzy.
Nagbayad na siya saka lumabas ng taxi. Pumasok agad siya ng Niksxzy.
Nakita niyang nasa sala si Gin nanonood. Sa kanilang magkakaibigan si Gin ang hindi na nag-aaral. Sabi pa nito ay sayang lang sa pera ang pagpasok araw-araw. Lalampasan na sana niya ito ng bigla itong nagsalita.
"Hindi ka pumasok?" tanong nito.
Nilingon niya ito. Komportable pa rin itong naka-upo sa mahabang sofa habang nakatitig sa telebisyon.
"Wala akong balak. May gagawin pa ako ngayong araw." akmang hahakbang na siya ng hagdan nang magsalita ulit ito.
"I'm sorry." mahina nitong wika.
Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan. Si Gin 'yong tipo ng tao na hindi mag-sosorry kahit kasalanan niya. Hindi siya ng nagpakita ng reaksyon sa mukha saka tumingin dito.
"For what?"
Tuluyan na itong tumingin sa gawi niya. May dumaang kislap ng awa sa mata nito pero agad ding nawala. Seryoso itong tumitig sakaniya.
"Dahil sa pagpupumilit kong sumama ka sa misyon natin nitong nakaraang linggo. Sorry for forcing you. I'm sorry, Rocket."
May ramdam niya ang sinseridad sa mga katagang sinabi ni Gin. Nagulat man ay hindi niya pinahalata rito. Bumuntong hininga siya saka umiwas ng tingin.
"You're forgiven." sabi niya saka humakbang na nang tuluyan para tunguhin ang kwarto.
Ano pang silbi ng pag-sosorry nito kung nangyari na? Saying sorry can't bring anything back. Kaya naiinis siya sa sarili kung bakit hindi niya magawang umayaw. Kasalanan niya rin ang nangyari kaya hindi dapat siya nagkakagan'on.
Nahiga siya sa kama saka tumingin sa screen ng cellphone niya.
10:50 am. Few minutes then I'll do the fucking work.
Pinilit niya ipikit ang mga mata saka natulog. Nagising siya at tumingin sa wall clock na katapat ng kama.
11:50 AM
Bumangon na siya ng kama saka nagtungong walk in closet niya. Kumuha siya ng jeans na black saka pinaresan ng black na v-neck shirt. Sinuot niya ang white rubber shoes niya. Nilugay niya na lang ang buhok saka niya kinuha ang maliit na attache case na binigay sakaniya.
Nilapag niya iyon sa kama saka binuksan. Tumambad sakaniya ang matalim na kutsilyo. Halatang gawa sa mamahaling gamit ang kutsilyo. Sa disensyo nitong nakaguhit sa hawakan. Sinadya ang disenyong 'yon. Kinuha niya iyon saka itinapat sa pulsuhan niya. Hihiwain niya sana ang kaniyang pulsuhan ng maalala ang sinabi ng lalaki.
May lason ang isang 'yan. It can kill a person in a blink of an eye. Dead on the spot ba.
Nagpakawala siya ng buntong hininga saka ibinalik sa attache case ang kutsilyo.
Bitbit iyon ay lumabas na sa kaniyang silid. Hindi na niya pinansin si Gin na nag-aalalang nakatingin sakaniya. Desidido na siya. Gagawin niya ang bagay na hindi niya naman gustong gawin para sa kaligtasan ng kaniyang ina.
Pumunta siyang parking lot ng Niksxzy saka kinuha ang kaniyang motor. Pinaharurot niya iyon papuntang eskwelahan.
***
Tradious
"OKAY THATS IT for today. Good bye."
Agad siyang umalis saka nagtungong classroom ni Jannarah. Hindi siya mapakali. Kailangan na niya itong makausap. Gusto niya na magka-ayos sila.
Sa paglipas ng araw ay mas nag-aalala siya sa dalaga. Hindi rin niya alam kung bakit pero nakakaramdam siya ng kirot sa puso tuwing hindi nakikita ang dalaga.
Natigil siya sa paglalakad ng makita niya si Jan sa harapan niya. Nanatili siya sa kaniyang kinatatayuan.
"Trad." ngumiti ito sakaniya.
Pakiramdam niya ay kinapos siya ng hininga nang makita ang pagngiti nito sakaniya at ang pagtawag nito sa nakasanayan nitong tawag sakaniya.
Lumapit ito sakaniya. Doon na mas lalong nagkandabuhol-buhol ang pagtibok ng kaniyang puso. Hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganito sa presensya ni Jan.
"Kamusta ka na?" tanong nito sakaniya na nakalapit na pala.
Nakatitig pa rin siya sa maamo nitong mukha. Doon niya mas lalo nasabi na maganda lalo sa malapitan. Sa mga mata nitong kulay brown, mga pilik na maiitim at makapal, her nose that is pointed and proud, her tone skin na parang hindi binibilid sa araw sa sobrang puti at ang...uhmm... damn that kissable lips. Hindi niya alam pero parang nasasabik siyang halikan iyon.
Nag-iwas siya ng tingin nang maramdaman ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso.
What the hell was that?
"Okay ka lang, Trad?" tanong uli ni Jan.
Saglit siyang tumitig dito saka umiwas ulit ng tingin.
"O-Okay lang ako." sa lahat ng gusto niyang sabihin iyon lang ang kaniyang nasabi.
Parang umatras lahat ng tapang niua matapos makita nang malapitan si Jan. Ewan. Naputol ata ang dila niya at hindi makapagsalita ng maayos.
"Good to hear then." nakangiti parin ito. "Tara kain tayo sa cafe na gustong gusto nating puntahan. Namiss ko na tumambay roon." hinawakan nito ang kamay niya saka hinila palabas ng campus--no sa parking lot-- wait, parking lot?
Kumunot noo na tumigil sila sa harapan ng isang motor. Bumaling siya ng tingin dito. Nakatingin din pala ito sakaniya. May dumaang kislap ng takot at awa sa mata nito pero agad ding nabura.
Ngumiti ito.
"Sakay na." nauna na itong sumakay sumunod naman siya agad. Nagiging robot siya sa hindi malamang dahilan.
Nagtungo na sila sa cafe na gustong-gusto nilang tambayan. Imbes na makaramdam siya ng tuwa dahil mukhang maayos naman na sila ni Jan ay hindi niya magawa. May iba siyang kutob sa mga nangyayari. Parang may mali.
Umupo sila sa bandang likuran kung saan kokonti lang ang taong tumatambay or he should say walang taong nakatambay sa pwestong iyon ngayon.
"Order ka na." sabi ulit nito.
Um-order na siya saka sinabi sa waiter. Saglit silang natahimik nang biglang basagin ni Jan ang katahimikan.
"Kamusta ka noong wala ako sa tabi mo? Nakahanap ka na siguro ng bagong bestfriend 'no?" tudyo nito pero hindi siya umimik.
Tumikhim ito saka nagseryoso.
"Trad, I will miss you."
Tumingin siya ng ilang saglit dito. She will miss me? Saan ba ito pupunta?
Nang hindi siya umimik nagpatuloy ito sa pagsasalita.
"I will miss you Trad, you know that? Ewan, pero mamimiss talaga kita nang sobra. Sorry sa lahat ng mga nagawa kong mali. I know you're clueless about what I am saying pero sana mapatawad mo ako sa lahat ng mga kasalanan ko sa'yo. You are the best of friend that I've ever had." huminga ito ng malalim.
"Trad, sana sa gagawin ko ay mapatawad mo pa ako." tumayo ito saka mayroong inilabas sa likuran niya.
Nanlaki ang mga mata niya sa nilabas nito.
No! God please no!
--
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro