Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 10

A/N:

KABANATA 10

Jannarah

TAMAD NA NAGLAKAD si Jan sa may hallway ng kanilang paaralan. Wala na siyang balak pumasok pero kailangan. Nagpakawala siya ng buntong hininga saka nakayuko na naglalakad.

"Jan," natigil siya sa paglalakad. Alam na niya agad kung kanino ang pamilyar na boses na 'yon. At ito lang ang tumatawag sakaniya ng ganoon.

Bumilis ang tibok ng puso niya. Umayos siya sa pagkakatayo saka tumingin sa may likuran niya. Walang ekpresyon na mababasa sa mukha niya.

"Anong kailangan mo?" walang ganang tanong ni Jan kay Trad.

Halata sa mukha nito na hindi ito okay. Sinabi din ng mama niya na parati daw tumatawag si Trad sa kaniyang ina, kinakamusta o kaya'y tinatanong kung nasaan siya.

"P-Please talk to me. I'm sorry, Jan. M-Mababaliw ako kakaisip kung bakit naputol ang pagkakaibigan natin ng gan'on-gan'on lang. Tell me may mali ba akong nagawa? J-Jan, please." pagmamakaawa nito.

Tumingin siya sa paligid dahil wala namang dumadaan ay tumingin siya pabalik kay Trad. Huminga siya ng malalim.

"Trad, wala na tayong dapat pag-uusapan pa. There's nothing wrong with you. Ako lang ang may problema, Trad. So please, tapos naman na tayo 'di ba? Nagkausap--" nilipad sa hangin ang iba pa niyang sasabihin dahil bigla na lang siya nitong niyakap.

Rinig na rinig niya ang lakas ng pagtibok ng puso niya.

Anong nangyayari sa 'kin?

"P-Please, a-ayusin natin 't-to. We can't end things like this. P-Please," garalgal ang boses nito.

Oh God, 'wag niyo po akong pahirapan ng ganito please.

Kahit masakit ay tinulak niya papalayo sa kaniya si Trad. Tinatagan ang sarili na tumingin dito.

"Hindi na pwedeng mabalik ang dati, Trad. Tapos na 'yon. We should move on, you should move on, Trad." umiwas siya ng tingin dito saka naglakad na papalayo kay Trad.

Bakit parang unti-unting nadudurog ang puso niya sa nangyayari? Dapat niya lang itong gawin upang wala siyang masaktan pa. Hindi niya kaya.

Pumasok na siya sa classroom nila saka naupo at walang gana. Para siyang naupos na kandila sa sobrang pagod sa hindi malamang dahilan.

"You okay?" tanong ng baritonong boses sa kaniya gilid.

Tinignan niya ito saka tumango.

"Okay lang ako."

Umupo ito sa tabi niya. Agad siyang tumingin sa harapan. Ayaw niyang makita nito ang mukha niya. Tiyak na magtatanong ito.

"You look pale, Jannarah. What happened?"

Huminga siya ng malalim bago tumingin kay Zild. Ngumiti siya ng pilit saka umiling.

"Let's just say that I'm having a bad time these past few days. Pero wala 'to."

Saglit silang nagkatitigan bago ito tumango.

"Okay then." mabuti nalamang at hindi na siya nito kinulit pa. Baka kung ano pa ang masabi niya kay Zild kapag kinulit pa siya nito.

Ilang saglit pa ay nag-umpisa na ang klase nila pero sa bawat oras na dumaan laman pa rin ng kaniyang isip si Trad. Kating-kati siyang magkatanong kung kumusta na eto pero pinipigilan niya lang ang sarili. Hindi na pwede.

Hindi niya namalayan na naglalakad na pala siya palabas ng paaralan. Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa Niksxzy. Doon na muna siya matutulog.

Pinindot niya ang doorbell pagkarating niya. Agad naman iyong binuksan ni Win.

"Dito ka matutulog? Hindi ka hahanapin sa inyo?" agad na tanong nito.

Ngumiti siya ng tipid dito.

"Oo." saka dumeretsong second floor at tinungo ang kaniyang silid.

Tinapon niya sa sahig ang bag saka humiga sa kama.

Kailangan na niya pag-isipan kung itutuloy niya pa ba ang plano o hindi at tumakas na lang. Sapat na ang pera niya para makaalis sila ng bansa pero nandon pa rin ang isipin na mas makapangyarihan ang mga kalalakihan na pilit na pinapagawa ang ayaw niyang gawin. Mahihirapan siya. Napakawala siya ng buntong hininga. She realize that she did a big mistakes in her life. She regret it now. Hindi niya pinag-isipang mabuti ang mga desisyon niya. Nagpadalos-dalos siya.

Dahil na rin siguro sa galit niya sa kaniyang ama kaya niya iyon nagawa. Kung sana hindi umalis ang kaniyang ama hindi sana ganito ang buhay niya, ang buhay nila. She did dirty work to earn money just to survive. Nangako naman siyang kapag nakaahon na sila sa hirap ay saka lang siya titigil. Pero mapagbiro ang tadhana ay nagtuloy tuloy iyon hanggang sa dumating sa puntong-

May tumulong luha sa pisngi niya. Agad niya iyong pinunas saka umupo nang tuwid.

I need to face this or else I'll say good bye to my mom.

And that will never happen. Not her mom. Huminga siya ng malalim saka kinuha ang bagong cellphone sa bulsa ng palda niyang suot.

She type a message. Kinabisado niya ang numero ng lalaki.

Siya:

I will do it tommorow. After lunch.

Agad niyang sinend ang mensahe. Binitawan niya iyon at tumingin sa kisame.

Good God, I'm sorry. But I need to do this for my mom's sake.

Tumunog ang cellphone niya saka niya iyon binasa.

Unknown Number:

Great. Meet me tomorrow at the **** hotel in Makati, around 10 AM sharp. Don't be late.

Hinayaan na lang niya iyon.

Tommorow. She will commit a unforgivable thing.

***

NAGISING NANG MAAGA si Jan.

This is it, Jan.

Tumayo na siya saka tinungo ang bathroom sa loob ng kaniyang kwarto. Kompleto sa gamit ang kwartong inookupa niya sa Niksxzy. Ito ang naipundar nilang bahay ng mga kasamahan niya. Dito nila inilaan ang ilang pera para magkaroon sila ng permanenteng pagpupulong nang walang sagabal.

Natapos siyang maligo ay kaagad niyang tinungo ang walk in closet saka pumili ng simpleng jeans na pinaresan niya ng kulay bughaw na shirt. Nilugay niya lang ang mahaba niyang buhok saka nagsuot ng white rubber shoes.

Nang makuntento sa itsura kinuha niya ang bag sa lapag saka lumabas na ng silid. Wala siyang naabutan sa sala as usual. Kaya naman lumabas na siya ng Niksxzy saka pumara ng taxi.

Hindi muna siya papasok ngayon. Kailangan niya ng panahon para makapag-isip-isip ng malayo sa mga tao.

"Manong sa pinakamalapit na lugar kung saan tahimik,"

Tumango lang ang driver kahit wala itong ideya kung saan iyon.

Ilang saglit lang ay nag-aalangang tumingin ang driver sakaniya saka inihinto. Tumingin siya sa paligid.

Hmm, not bad.

Agad na siyang nagbayad saka bumaba. Tumitig ulit siya sa paligid. Maraming nagtataasang puno sa paligid niya pero ang nakapukaw sakaniyang atensiyon ay ang view sakaniyan harapan kung saan kitang-kita ang buong syudad.

Napapikit siya nang maramdaman na dumampi ang hangin sa balat mukha niya.This is a nice place. Iminulat niya ulit ang kaniyang mga mata at ngumiti sa kawalan.

Eto ang araw na alam kong pagsisisihan ko.

Hindi pa sana siya aalis sa pagkakatitig sa magandang tanawin kung hindi lang tumunog ang cellphone sa bulsa ng pantalon niya.

Unknown Number:

Are coming or not, Jannarah?

Napatingin siya sa orasan sa cellphone niya.

10:05 na!

Muntik na niyang makalimutan ang usapan nila. Agad naman siyang umalis sa lugar na iyon saka nag-abang ng daraang sasakyan pero bigo siya kaya naman naglakad siya hanggang sa makakita ng taxi.

Pinara niya iyon saka sumakay sa back seat. Sinabi niya ang destinasyon saka tumango ang driver at pinaandar na iyon.

Great. She almost forgot what she need to do this day. Ilang ulit niya dinadasal na sana matapos niya ang trabaho.

--

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro