Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Behind the Stories

MADILIM ang buong paligid ng aking silid, tanging ang bahagyang ilaw na nagmumula sa screen ng aking laptop sa harapan ang nagbigay liwanag sa apat na sulok. Hindi ko alam kong ilang oras na akong nakatitig sa blankong screen. Patay sindi sa aking harapan ang vertical bar ng letra ng Microsoft Word—paulit-ulit at tila kinukumbinsi ako na magsulat na. Pero hindi ko mapilit ang sarili, gusto ko lamang titigan ang blankong dokumento. Maraming laman ang aking isip ngunit hindi ko mautusan ang mga kamay na magtipa ng kahit isang letra man lamang.

I may be alive, but I feel so dead inside.

Para bang wala nang natitirang pag-asa para sa'kin upang magpatuloy sa pagsusulat.

Naglapat ang aking mga labi.

Naramdaman ko muli ang paninikip ng aking dibdib. Tila may batong bumabara sa aking lalamunan na tuluyan nang nagpahirap sa'king huminga nang maayos. Huminga ako nang malalim pero tila mas nahirapan lamang akong ibalik ang dating normal na paghinga—ramdam na ramdam ko ang panginginig ng aking buong katawan, ng aking mga kamay, at ng aking mga labi.

Nag-init nang tuluyan ang sulok ng aking mga mata.

"I can't do this anymore," I sobbed and buried my face in my palms, tuluyan na akong humagulgol. It felt like I've lost a part of myself. Nahihirapan akong hanapin sa puso ko ang dating ako. Ang dating saya ng pagsusulat na mayroon ako noong nagsisimula pa lamang ako.

This is hard. Everything in my life right now is not falling into place. I'm worthless. Pakiramdam ko ay talunan na naman ako. Pagod na pagod na ako. Gustong-gusto ko nang itigil ang lahat ng mga ito.

Lalo lamang akong napahagulgol sa isipan na 'yon. I've been writing since I was thirteen and now, I'm twenty-five. Pero ganoon pa rin. Ganito pa rin ako. Nagtagumpay na ang iba pero nandito pa rin ako.

Ang bigat-bigat sa puso.

Ang hirap.

Bakit ba kasi ito ang pinili kong pangarap?

Bakit ko pa kasi minahal nang husto ang pagsusulat?

"Ayoko na..." Yumugyog nang husto ang aking mga balikat sa sobrang pag-iyak. "Please lang, tama na. Tumigil ka na, Brave. Tama na... pagod na pagod ka na...This is not for you."


***


NANG imulat ko ang aking mga mata ay nabigla ako sa  magandang tanawing bumungad sa'kin.

Na saan ako?

Tila umiikot ang hangin sa aking paligid – humahampas ito sa bawat sanga at dahon ng mga nagtatayuang mga punong natatamaan nito. Nanliit ako nang sobra sa sarili nang aking mapansin na tila nasa gitna ako ng malawak na lupain ng mga nagtataasan at luntiang mga damo. Nakapalibot sa'kin ang mga malalaking puno at magkakadikit na mga bundok.

Umihip muli ang malakas na hangin at tila sumadya itong dumaan sa harapan ko. Naiyakap ko ang aking mga braso sa sarili, nanginig, at napaatras. Napakalamig ng hangin. Tumatagos sa manipis na tela ng aking suot na pantulog. Pero sa naalala ko ay hindi naman ganito ang suot ko. Ang weird. Ngayon ay suot ko na ang isang malamlam na asul at mahabang bestida na umabot sa aking mga paa ang haba. It was also made from silk.

But...

Bumaba ang tingin ko sa aking mga paa. Walang kahit anong sapin ang mga ito.

Na saan ang mga tsinelas ko?

Kinusot ko ang aking mga mata nang maraming beses. "Brave, gising! Panaginip lang 'to." Makailang beses ko ring sinampal ang mga pisngi pero sa halip na magising ay nasaktan lang ako. Putik 'yan! Ang sakit-sakit na nang mga pisngi ko pero hindi pa rin ako magising.

Muli kong naiangat ang tingin sa aking harapan. Nasisilip ko na ang malaking buwan mula sa likod ng malalaking bundok. Ako ay napalunok. Nagising ang kaba sa aking puso sa mga naririnig kong mga kaluskos sa aking paligid. Ang malamig na hangin ay tila sumisipol sa bawat paggalaw nito.

Nagsimula na akong maglakad.

Shuks!

Nananayo ang mga balahibo ko sa katawan. Nagpatuloy pa rin ako. Hinahawi ko ang bawat damong nadadaanan ko.

"Hindi ako puwedeng manatili rito," kausap ko sa aking sarili. "Baka may Zombie na namang magpakita. Dios ko! Pagod na pagod na akong tumakbo."

Ilang gabi nang iyon ang laman ng mga panaginip ko. Sa ilang beses na nangyayari iyon ay hindi ko magawang kumibinsihin ang sarili na huminto at magpakagat na lang. Shuta, hindi rin talaga ako sumusuko sa takbuhan kahit pagod na pagod na ako. Puro Zombies at multo na ang laman ng panaginip ko. Ngayon, ewan ko kung saang lupalup na naman ako napadpad.

Lord, ang pinagdasal ko ay give me strength and patience. Hindi ko sinabing isali mo ako lagi sa karera ng habulan ng zombies at multo sa dreamworld.

Bumagal ang aking paglalakad nang maalala ko ang huling eksena bago ako tuluyang nakatulog. Alam kong nakatulugan ko na naman ang pag-iyak. Hindi ko na matandaan kung ilang oras ang lumipas bago ako napagod sa kakaiyak. At kahit sa sarili kong panaginip ay nararamdaman ko pa rin ang bigat ng aking puso at pamamaga ng aking mga mata dahil sa sobrang pag-iyak.

Bumuga ako nang hangin at nagpatuloy lang sa paglalakad. So far, payapa pa rin ang gabi at ang mga ingay lang ng mga kuliglig ang bumabasag sa katahimikan.

Sobrang haba na ng nilalakad ko. Gustong-gusto ko nang sumuko dahil tila ba walang katapusan ang tinatahak kong daan. May nadaanan na akong hardin ng mga bulaklak. Nawala ang takot ko nang bahagya sa lugar na iyon at sumaya ako nang kaunti. Tila mga bituin ang mga alitaptap na sumasayaw sa hangin nang dumadaan ako roon.

May nadaanan din akong ilog. Malakas ang agos ng tubig pero sobrang linaw. Naalala ko ang enchanted river sa Surigao del Sur. Hindi pa ako nakakapunta roon pero madalas ko iyong nakikita sa TikTok. Ganoon na ganoon ang kulay –nag-aagaw ang kulay ng malamlam na asul at mas malalim na asul ngunit hindi nagtatagpo. Kumikinang din ang tubig na parang diamante.

Maliwanag na maliwanag doon ang malaking buwan kaya nakita ko nang maayos ang mga batong puwede kong apakan para makatawid sa kabilang parte ng ilog. The struggle is real, ika nga! Noong una ay nagdalawang-isip pa ako na tumawid. Mabilis ang agos ng tubig at hindi ako marunong lumangoy. Natatakot akong maanod ng tubig, pero nagpursige at sinubukan ko pa rin.

Pero natuwa ako dahil may nakita akong hugis puso na bato. Kumikinang ito nang makita ko–tila nais nitong agawin ang atensyon ko at nagtagumpay naman ito.

Kinuha ko ang hugis pusong bato at inilagay ko sa–

Doon ako natigilan at napasinghap nang mapansin ko na may suot na akong maliit na sling bag. Wow! Wala naman ito kanina. Lahat yata ng iisipin ko ay lumilitaw sa harapan ko kahit hindi ko pa hilingin. Naks! Napangiti ako at inilagay na ang hugis pusong bato sa aking sling bag. Wala naman sigurong mangyayari sa'kin kung kukunin ko ito. Ah, basta.

Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad at muli, gusto ko na ulit sumuko. Parang batang pinapadyak ko na ang mga paa habang naglalakad. Himala lang talaga at kahit wala akong suot na tsinelas ay hindi ako nasasaktan sa mga batong naapakan ko.

Pero shuta 'yan! Hinihingal ang sobra at uhaw na uhaw na ako. "Hindi na ba matatapos ang daan na 'to, ha?" hinihingal kong reklamo. "Hulaan ko na lang ba kung anong sunod na lugar na pupuntahan ko? Dumaan na nga ako sa ilog pero hindi pa rin ako uminom ng tubig. Ang tanga-tanga mo, Brave!"

Tumigil ako sa gitna ng pilapil. Nakahawak na ang mga kamay sa mga tuhod. Pawisan na ang aking mukha at lalo lamang nanuyo ang aking lalamunan sa pagka-uhaw.

Naigala ko ang ang aking tingin sa paligid at napangiwi. "Ano baaaa?" palatak ko pa. Gusto ko nang magdabog. Pagod na pagod na talaga ako. "Dios ko, pauwin n'yo na po akoooooo!"

Mayamaya pa ay natigilan ako dahil may narinig akong kakaibang kaluskos sa paligid. Pinanlamigan ako. Lalo pang lumamig ang ihip ng hangin sa aking paligid. Ramdam ko ang unti-unting pagtuyo ng mga pawis ko sa mukha at katawan. Syet! Mura ko na sa isip nang bumilis at lumakas ang kaluskos mula sa aking likuran. Doon ako galing–sa masukal na kagubatan na kamuntik ko nang sukuan dahil wala talaga akong makitang trail palabas.

Dios ko, kung hindi ko pa dinala ang pusong bato ay wala akong magagamit na pang-ukit sa mga punong nadadaanan ko. Kapag hindi ko kasi iyon ginawa ay mawawala na akong tuluyan. Buti at nailusot ko nang matiwasay.

Tumindi ang kaluskos hanggang sa may itim na hayop na lumabas mula sa kagubatan.

"Pakshet!" mura ko. "Takbo na, Brave!" Tumakbo akong mabilis at paminsan-minsan ay tinitingnan ang baboy ramo na humahabol sa akin. "Walangyaaaaaa!" Ang saya! Tumakbo ako nang matulin at makailang beses nang kamuntik madapa at mahulog sa putikan. "Lord, gisingin n'yo na akooooooooo! Pa-void na lang po ng prayers ko. Okay na po akong maging weak–shit!" Maabutan na ako ng baboy ramo. "Mamaaaaaaaaaa!"

Brave, hindi ka mamamatay sa panaginip mo. Tumakbo kang gaga ka!

Nagkumahog ako sa pagsagip sa aking sarili. Sa tuwing ako ay natutumba ay marahas na pinipilit ko ang sarili na tumayo at tumakbo ulit. I did not mind the mud that stick on my skin and in my clothes. Mas importante ang mabuhay at huwag malapa ng baboy ramo. Nakakawala iyong dignidad!

Pero ayaw talaga ako tigilan ng baboy ramo.

"Ayoko na ngaaaaaaaa!" iyak ko na. "Tigilan mo na ako. Shuta kang baboy ka!" Binato ko na't lahat pero ayaw pa rin akong tigilan. "Yawaaaa kaaaaa!"


***

PAGOD.

Pagod na pagod na talaga ako. Promise, ayaw ko na talaga. Pakiramdam ko ay isang ihip na lamang ng hangin kahit pa mataba ako ay kakalas na ang kaluluwa ko sa sobrang pagod. Shutang, baboy 'yon talaga. Napaka-basher sa buhay ko!

"Tubig... gusto ko ng tubig..." pagod at naiiyak kong sabi sa kawalan.

Para na akong Zombie na naglalakad sa isang panibagong lugar na hindi ko na naman alam saan. Pero... parang pamilyar ako sa lugar. Parang... nakita ko na ang daan na 'to. Isang sementadong daan na may mga arko ng mga matatayog na mga puno. Alam ko na sa dulo ng daan na ito ay may paakyat na burol sa gitna kung saan nakatayo ang isang more than a century old na parola.

"Shuks!" singhap ko nang unti-unting luminaw ang umiilaw na parola sa aking harapan. "Tang–" Hindi ko na itinuloy ang pagmumura sa halip ay pinaglapat kong mariin ang mga labi. Pakiramdam ko ay lalabas ulit ang baboy na natakasan ko kapag nagmura na naman ako.

Huminto ako mismo sa harapan ng parola. Tiningala ko lamang ang laki nito pero hindi na ako umakyat pa. Kumunot naman ang aking noo nang mapansing tila ba may itinuturong direksyon ang liwanag ng parola. Kabisado ko ang lugar na ito dahil ganito ko isinulat ang lugar ng kwento ni Iesus (Yeh-Sus).

Oo, alam ko na nasa Faro ako.

Faro na tila hindi hindi naka setting sa present timeline kung hindi nasa past timeline.

Napatingin ako sa aking kaliwa. Bukas ang malaking black iron gate. Pumapaikot sa katawan ng rehas ang mga baging ng mga dahon na hindi ako pamilyar kung anong klaseng halaman ang mga ito. Hindi rin naman kasi ako Plant Tita, Tita lang. Basta vines of flowers. Parang pinaglumaan na gate sa mga haunted house. Ganoon na ganoon ang awrahan.

Bahagyang bukas ang gate kaya pumasok na rin ako. Tanaw ko na ang puting mansion ni Iesus. Si Iesus ang isa sa mga pinamalakas kong fictional character sa ongoing series kong isinusulat. Ang series din na ito ang balak kong tanggalin nang tuluyan sa Writepad. Ang writing platform kung saan ako nagsusulat nang halos sampung taon ng buhay ko. Sa Writepad ko lang yata na experience ang anniversary dahil mukhang kakambal ng halos manunulat ang pagiging bokya sa love life.

Pero sa akin yata sinagad. Sumpa na yata itong akin. Hindi na ako tinipid. Wala na ngang love life. Wala pang magandang writing career.

"Nakakaba naman ito," kausap ko pa sa aking sarili. Hindi ko ba naman alam kung bakit hindi ko mautusan ang mga paa kong tumigil na sa paglalakad. Dinadala talaga ako sa malaking mansion ni Iesus. "Sana walang tao pero may pagkain at tubig. Hindi ako prepared na makaharap si Iesus ngayon. Baka sermonan lang ako no'n."

Kinilabutan ako, iisipin ko pa nga lang ang asul na asul na mga mata ni Iesus pero parang gusto ko na lang i-kahon ang sarili ko at itapon sa dagat. Literal talaga na laot ang mga kulay ng mga mata niya. Hindi lang nanghahatak kung hindi nanlulunod pa.

Nasa harapan na ako ng malaking mansion. Wala akong mataguan dahil malawak ang harapan ng bahay. Pero matagal na pala talaga ang balon sa bahay ni Iesus. Pati ang malaking puno na hindi ko rin alam kung ano ang pangalan. Hindi ko pa na research. Char. Sa present kasi may tree house na ito. Sa timeline na ito ay wala pa. Actually, marami pang kulang. Wala pa yatang renovations ito.

Wala pa yatang budget si Iesus. Ang weak naman. Sige i-bash mo pa ang sarili mong character, Brave.

Sumilip-silip ako sa loob ng bahay mula sa mga malalaking bintana. Maliwanag pero feeling ko hindi kuryente ang nagbibigay ilaw sa loob—parang mga malalaking kandila lang. Candelabra ba tawag doon? Basta ito ang mga lumang mga lalagyan ng kandila. Nasisilip ko kasi ang anino ng mga kandila sa pader.

Tahimik akong naglakad sa direksyon ng pintuan hanggang sa makalapit. Namilog ang aking mga mata nang hawakan ko ang kulay gintong seradura ay napihit ko agad ito ng walang kahirap-hirap.

Mahina akong napasinghap.

"Wow," I mouthed in astonishment. "Teka, totoong ginto ba 'to?" Pero na distract din ako sa pagiging mukhang pera ko. Sinipat ko pa ito, manghang-mangha. Shuta, kung nasa nakaraan ako ng Faro ay baka nandito lahat ng itinatagong ginto ni Iesus at ang book of spoilers niya.

Naalala ko na may inilista ako sa character profile ni Iesus na may makapal na pulang talaarawan siya na may mga salitang nakaukit sa katawan nito. Gold letters yata ang mga iyon.

Naks, ako ang author pero hindi ko alam ang full details. Luh! Akala lang nila na alam ko lahat. Pero hindi! Hindi! Hindi. Nanghuhula na lang din ako minsan –No, nang madalas.

Binitiwan ko ang knob ng pinto. "Okay, hanapin na natin ang book of spoilers." Tumuloy ako sa loob na hindi lumilikha ng kung anong ingay. Kabado-bente talaga ako rito. Lord, kanina niyo pa ako pinapabayaan, back-up-an niyo naman ako ngayon.

Panay ang tingin ko sa aking paligid. Pinapakiramdaman ko hindi lang ang pintig ng aking puso pati na rin ang bawat nililikha kong ingay sa bawat sulok ng bahay. Hindi naman iyon sobrang lakas, halos hindi na nga ako humihinga. At saka, mukhang walang tao, pero baka ma-surprise na naman ako bigla. Itong mga characters ko pa naman ay full of pasabog na wala naman sa napag-usapang outline. Desisyon lagi ang mga iyon eh. Ang kakapal ng mukha. Sino lang naman ba ako? Anak lang naman ako ng mga magulang ko.

Galing, author na takot din sa mga characters niya. Shut up! Iba si Iesus. Nakakatakot siya. Aba'y mangolekta ba naman ng twelve cursed items. Iba rin trip ng isang 'yon. Baka gawin pa akong abo no'n.

Natagpuan ko ang aking sarili sa may kusina ng bahay. Ganoon na ganoon pa rin ang mukha no'n sa kung paano ko isinulat ito. Mahabang mesa na yari sa matibay na kahoy ng mahogany. Kasya ang kinse ka tao sa mesang ito sa totoo lang. May tatlong nakasinding candelabra sa gitna ng mesa at red carpet naman sa ilalim. Nag-research na ako sa bandang 'to. Naks, sino ka riyan, Brave? Pang Last Supper na ito.

Pansin ko na mukhang may tao kanina sa kabisera dahil may hindi pa naililigpit na mga pinggan at kubyertos. Pero mas umagaw sa atensyon ko ang pamilyar na kuwaderno sa itaas ng mesa.

Ang book of spoilers ni Iesus!

Naitakip ko ang dalawang kamay sa bibig para hindi marinig ang aking pagsinghap. Ayan na nga. Nandiyan na. Ito na ang sagot sa mga problema ko.

Lumapit ako sa may kabisera at agad na hinawakan ang makapal na pulang kuwaderno. Lahat yata ng bagay rito sa lugar na ito ay kumikinang. Pati ang mga letrang hindi ko naman mabasa na nakaukit sa katawan ng kuwaderno ay tila tinunaw na ginto. Kumikinang lalo kapag hinaharap ko sa ilaw ng kandila.

"Ito na nga 'yon. Nandito lahat ng mga spoiler ng Faro." Tuwang-tuwa ako. Hindi ko ma-explain ang feeling. Para akong nanalo sa Lotto na hindi tumataya.

"Bitiwan mo 'yan."

Oh, shuks! Namilog nang husto ang aking mga mata at biglang kumabog nang malakas ang aking puso. Si Iesus! Hindi ako puwedeng magkamali. Kay Iesus ang boses na 'yon sa likuran ko. Malalim at sobrang maotoridad. Patay tayo riyan, Brave.

Tuluyan na akong na-estatwa sa aking kinatatayuan. Nagitla lamang ako nang hawakan niya ako sa aking magkabilang balikat. Mariin kong naipikit ang mga mata at niyakap nang husto sa aking dibdib ang kuwaderno. Magising ka na Brave! Gising na! Gising! Gising! Gising! Napasinghap naman ako nang bigla kong maramdaman na parang may humila sa akin paangat. Nabitiwan ako ni Iesus at para akong hinatak sa ibang portal. Shuta! Nahigit ko ang hininga nang pagmulat ko ng mga mata ay bumalik ako sa unang lugar ng panaginip ko–ang malawak na damuhan.

"Putik 'yan!"

"Brave!" umalingawngaw sa buong paligid ang boses ni Iesus, parang sigaw ng higante.

Hindi pa nga ako nakakahuma ay parang may mga kamay na namang humawak sa aking mga balikat at hinatak ako pabalik. Impit akong napasigaw pero mas lalo ko lang niyakap sa aking dibdib ang kuwaderno.

Sorry naaaaa, Milord!

'Yon talaga ang tawag ng lahat kay Iesus. Kahit paano, sakabila ng pirate life niya noong 1800s ay isa pa rin naman siyang noble man. Hindi lang lahat nakaalam no'n.

"Brave."

Napasinghap ako nang maramdaman ko ulit ang aking mga paa na sumayad sa carpeted na sahig. Naimulat ko ang aking mga mata at bumungad agad sa akin ang may pagbabantang tingin ni Iesus mula sa kanyang kulay karagatan na mga mata–tila nangangalit na alon na may balak na ako'y lunurin sa pinakailalim na karagatan.

Ako ay napaatras.

Syet! Nakakatakot.

Malayong-malayo siya sa mabait na Iesus na isinulat ko. Pero natural naman iyon dahil ang Iesus na kaharap ko ay bersyon ni Present Iesus na hindi ko pa nahuhubaran ng maskara sa kasulukuyang storya. Nasa ika-apat pa lamang akong libro. Pang-huli kasi itong si Iesus. Mauuna ang dose niyang mga kaibigan bago siya. In short, pang-trese pa.

"Akin na 'yan." Marahas na hinablot ni Iesus mula sa akin ang pulang kuwaderno dahilan para tuluyan akong mawalan ng panimbang. Ako ay muling napasinghap. Umangat ang isang kamay ni Iesus sa ere at parang may iminuwestra sa aking likuran at bago pa man tuluyang humalik sa sahig ang aking puwet ay nasalo na ako ng silyang yari sa kahoy na bigla na lamang lumitaw sa aking likuran.

"Iesus!" I hissed in horror.

"Pasalamat ka at sinalo pa kita," malamig na sagot niya sa'kin.

Napamaang ako. Napaka ng ugaling ng isang ito talaga! Nanggigigil ako. Sobra! Nanlalaki ang mga butas ng aking ilong.

"Pangit mo ka bonding!"

Iesus scoffed. "Ikaw pa ang galit samantalang ikaw naman itong pumasok sa bahay ko at nagnakaw ka pa ng hindi sa iyo. Really, Brave?"

"Ibabalik ko rin naman 'yan eh," rason ko pa.

"I doubt that."

Mayamaya pa ay may tasa na ng tsaa sa kamay ni Iesus. Grabe, kumurap lang naman ako pero ang bilis ng transition ng mga kilos dito. At saka, hindi naman ito amoy kape, so baka nga tsaa. Naalala kong nasa listahan din 'yon ng character profile ni Iesus. Mas mahilig siya mag-tsaa kaysa kape.

"Anyway, what brings you here?" tanong ni Iesus pagkabang-pagkababa ng tasa mula sa kanyang bibig, hawak pa rin niya ito.

"Napadpad lang ako rito."

Kumalma na ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

Pero hindi ko maiwasang punahin ang suot at ayos ni Iesus nang mga oras na ito. Mas mahaba ang buhok niya ngayon at medyo maalon. Mas matingkad ang pagka-blonde compared sa pagkaka-describe ko sa kanya sa unang part ng series—medyo dark brown ang buhok niya roon sa pagkakaalala ko. Na sana tama ang pagkakaalala ko. Piratang-pirata rin ang pananamit niya ngayon minus the long jacket. Off-white long sleeved shirt with ruffles on both cuffs. Sa collar naman banda ay may tali na sinadyang kinalas at ruffles na naman sa harapan. Simpleng dark pants lang ang suot ni Iesus at nakayapak lang.

And he is taller than what I imagined him to be. Hanggang dibdib lang ang kinaya ng height ko sa height niya.

"Hindi ka mapapadpad dito na walang dahilan." Hinuli niya ang mga mata ko. Katakot talaga! Naidikit ko tuloy nang husto ang aking likod sa back rest ng silya.

Naglapat ang mga labi ko. "Ano kasi," simula ko. Napakamot pa ako sa aking noo. "Ano... Ganito kasi..." Walangya, Brave! Umayos ka nga. Napalunok ako nang lalong sumeryoso ang tingin ni Iesus sa akin. "Ano ba? Huwag mo nga akong tingnan nang ganyan. Nakakatakot ka kaya."

Iesus smirked. Darn, ang guwapo! "Alam ko kung bakit nandito ka." Inilapag niya ang hawak na tasa sa mesa sa kanyang tabi. Wow, nagtanong ka pa, alam mo naman pala? "Tell me, are you really giving up?"

"Sa paghahanap ng itinago mong ginto?" biro kong sagot.

Gets ko iyon, ayaw ko lang umamin.

Pinaningkitan lang ako ng mga mata ni Iesus. "No, the other one."

Grabe, hirap naman magbiro kay Milord.

Muling naglapat ang mga labi ko. "Yata?" sagot ko pa rin.

"Ilang beses ko na ba 'yang narinig sa'yo, Brave?" Naging kalmado ulit siya. Pati na rin ang ekspresyon ng mukha ni Iesus. "I did understand your reason why you had to stop six years ago. But you fell in love and at the same time it broke your heart, so you decided to write again to express the pain you feel inside. From the ashes, you found your worth and made yourself whole again. You found joy in writing again and you have gained new readers. Don't you remember that?"

Mapait akong ngumiti. "I remember it, Sus. Very well."

"Marami nang humusga sa mga gawa mo. You've eaten critiques from different people–both healthy and toxic, but you managed to pass through all those commentaries and made your heart strong. You still have it in you, Brave. You keep it in you, but I understand that at some point in your life, you often forget that you're strong when you face something new in your life and it's out of your comfort zone."

"Alam ko na kaya ko. Pero, pakiramdam ko kasi... wala ring patutunguhan kung lagi kong ipipilit."

"But I didn't see you give up."

Namilog ang mga mata ko.

Nagpatuloy si Iesus. "You may always find yourself lost in a place where you think you could never escape. But you always find your way out, Brave. You always knew how to escape from those emotions that always haunted you."

"Hindi ko lang maiwasan na isipin na nahuhuli na ako sa iba... siguro nga may mali sa'kin o 'di kaya... hindi talaga ako magaling."

"Normal lang na mainggit tayo sa ibang tao. Even if we are genuinely happy with the achievements of other people. We couldn't deny the inner longing in our hearts that we also want the same success and happiness in our lives. But not having those doesn't mean you're a failure."

"Pero mali pa rin na maramdaman ko 'yon. Dahil pinaghirapan din naman nila 'yon. They deserve the success na hirap na hirap akong makuha dahil feeling ko lagi hindi ako kasinggaling nila."

Bumalik na naman ulit ang pamilyar na kirot sa aking puso. Ramdam ko na naman ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata.

"Nagiging mali lang ito kapag hinayaan mo ang sarili mong magpakain sa inggit at hindi ka natututong pagkatiwalaan ang sarili mo."

"Pero ang hirap kasi, Sus. Hindi ko naman intensyon na maging malungkot dahil doon. Ang tagal-tagal ko nang nagsusulat pero parang wala pa ring nangyayari sa buhay ko." Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko. Masyado nang mabigat sa kalooban ko ang mga salitang binibitawan ko. "Lahat ng mga kasabayan ko ay sikat na-–"

"Hindi lahat," kontra pa ni Iesus.

"Lahat nga!" parang batang giit ko pa.

"Hindi nga."

Tiningnan ko siya nang masama sakabila ng mga luha ko. "Nag-mo-moment ako eh."

Iesus looked annoyed, pero mukhang naisip din niyang ako pa rin ang masusunod. "Fine!" He sighed in defeat. "You may continue. I'll listen."

Napabuga ako ng hangin. I paused for a while before speaking again, "Lahat na ginawa ko. Pero wala pa ring nangyayari. Minsan naiisip ko na ang pathetic ko na for promoting my stories tapos wala namang pumapansin. Tapos, 'yong ibang readers ang insensitive pa."

"You don't need insensitive readers. Huwag mo silang iyakan."

"Akala ko ba 'di ka magsasalita?"

"Only, when I have to address important issues in your life that needed immediate closure."

"Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba 'yon o hindi."

"Ikatuwa mo na lang."

Natawa ako kahit na patuloy pa rin sa pagdaloy ang aking mga luha. Kainis! "Loko ka talaga."

"Dry your tears." Inabutan ako ng panyo ni Iesus.

Napangiti ako at tinanggap ang panyo. "Salamat." Pinunasan ko ang aking mga luha. Hindi ko naman maiwasang pansinin ang mabangong amoy ng panyo. It smelled so much like Iesus—calm sea breeze and moonlight kind of. Hindi masakit sa ilong, rather, it was comforting. "Naiisip ko lagi... paano kung wala namang naghihintay sa'kin sa dulo?" Napatitig ako sa panyo sa mga kamay ko. "Paano kung... hindi talaga para sa'kin ang pagsusulat at iniisip ko lang na para sa akin 'yon? Anong mangyayari sa'kin pagkatapos?"

Ilang segundo kaming binalot ng katahimikan. Iesus didn't say a word. Siguro naisip niya na may idadagdag pa ako. Meron pa nga.

"Baka dahil hindi ako gumagaya sa ibang writer kaya ayaw nila ang mga genre ko? Dapat ko bang i-immersed ang sarili ko sa mga ganoong genre kung mawawala naman ang identity ko? Kaso naisip ko, hindi ko pala kayang ipagpalit ang saya ng genre na pinili ko." Napangiti ako nang mapait. "Ayaw kong ipilit ang sarili ko sa isang bagay na alam ko na hindi ako magiging masaya, Sus. Kahit na alam ko na maaari nga akong mabigyan ng chance na makilala sa genre na 'yon."

"You don't have to."

Umangat ang mukha ko kay Iesus. "I know." Ngumiti ako.

Tipid naman na ngumiti si Iesus. "Negative things always chase you, but you always do your best to outrun them. Kilala kita. Sinasabi mo lang na pagod ka na, but you always find a reason to keep going."

Hilam ng mga luha na ngumiti ako.

"Sa tingin mo... kaya ko pa?" Gumaralgal na ang boses ko sa pagkakataon na 'yon.

"You don't need this red journal." Inangat ni Iesus ang kamuntik ko nang manakaw na kuwaderno. "You will know everything at the right time... if you keep writing us. But if you stop. I will cease to exist. We will cease to exist, Brave. And none of us will know the ending of our lives."

"Sus..."

"Unfortunately, you are our only hope for a happy ending."

Hindi ko napigilan ang matawa sa sinabi niya. "Loko ka! Napaka-ungrateful mo pa rin sa'kin kahit kailangan mo ako." Pinunasan ko muli ang mga luha sa aking mukha.

"What do you expect? Umiyak ako? Magmakaawa?" He scoffed. "You only saw a glimpse of me. Not even the real me dahil masyado ka pang naka focus sa present na Iesus sa kwento mo ngayon. Kapag tumigil kay ay hindi mo na malalaman ang buong kwento ng buhay ko. Aren't you curious about my cursed?" Iesus smirked.

Napamaang ako. "Hoy!"

Iesus chuckled. "See?"

"Bakit ba kasi hindi mo ibinibigay lahat?"

"You make your readers guess and I will make the author guess." Binalikan ni Iesus ang tasa na nilapag niya sa mesa at binawasan muli niya ang laman roon. "Like Balti would always quote: 'Para the feeling is mutual.'" May pilyong ngiting naglalaro sa mukha ni Iesus.

Hay nako! Kainis.

"And you obviously like Tor," dagdag pa ni Iesus.

Namilog ang mga mata ko sa pagkagulat. "Hoy!"

"Do you want me to tell him on your behalf?"

"Shuta ka, ha? Shut up."

Lalo lamang lumapad ang ngiti ni Iesus. "Anyway, he already knew. Everyone in Faro already knew."

"Ewan ko sa'yo!" Nagulat naman ako nang biglang may hawak na akong isang baso ng tubig—may yelo pa 'yon, ah! Umatras ang nararamdaman kong pag-iinit ng mga pisngi. 'Langya sa bilis ng mga ganap dito.

"Nakalimutan kong ialok sa'yo kanina."

"Wow! Binigay mo pa."

Iesus just shrugged his shoulders. "It's better late than never."

Natakam ako sa tubig. Hindi ako nagugutom. More on uhaw. "Salamat pa rin." Agad ko ring binawasan ang lamang tubig mula sa baso–uhaw na uhaw. Parang mauubusan ako ng tubig. Pero ang pinagtataka ko ay hindi man lang nauubos ang tubig sa baso.

"Huwag kang mag-alala, bottomless 'yan," pagkaraan ay sabi ni Iesus.

Shuta! Inihit ako ng ubo pagkatapos kong ilayo ang baso ng tubig sa bibig. "Ano 'to... i-iced tea?" Ubo pa rin ako nang ubo. May tunog na inilapag ko na ang baso sa mesa. "Kaloka! May powers din ba ako rito?"

"This is your mind. Probably?"

My lips twitched. Pangit talaga ugali nitong si Iesus 1800. Mas mabait pa rin si Iesus 2019–present. Pero iisa lang din naman sila. Anyway, magulo ang buhay ni Iesus. As in sobraaaa! At saka kahit utak ko ito ay mukhang mas malakas pa rin si Iesus kaysa sa akin. Saklap!

"Huwag mo isipin na walang magandang naidudulot sa'yo ang mga ginagawa mo para sa sarili mo. People call you, Brave of all trades. That's fine. Make it your asset. Nag-aaral ka magsulat. Itinatama mo ang mga mali mo. Marahil ay marami ka pang kulang at hindi nauunawaan ngunit hindi naman natatapos ang pag-aaral ng tao. Tuloy-tuloy 'yan hanggang sa huling paghinga ng mga tao mundong ibabaw. So, don't forget to be kind to yourself. At huwag mong kalimutan ang mga mambabasa mo. Hindi man sila marami, ngunit nakikita kong totoo ang paghanga at pagmamahal nila sa'yo."

"So, I should just keep going?"

"Ikaw? Nasa sa'yo 'yan?"

Kumunot ang aking noo ko. "Akala ko ba ayaw mo?"

"Kahit na gustuhin kong pigilan ka ay hindi ko ipagkakait sa'yo ang kasiyahan na nais mo. Kung hindi ka napapasaya namin... ng mundo namin... malaya kang hanapin ang mga bagay na magpapasaya sa'yo ulit, Madam."

Namilog ang mga mata ko. "Tinawag mo akong Madam?"

"I guess I just did."

Mas kilala ako sa tawag na 'yon. Halos ng mga readers ko ay Madam ang tawag sa akin. Nakakatawa. Pero nabuo lang ang palayaw na ito dahil mahilig ako sa mga floral dresses at mukha nga raw akong may-ari ng isang hacienda–kaya Madam.

Napangiti ako.

I feel better now.

"Salamat, Sus."

Kahit na pangit ka bonding si Iesus ay napagaan naman niya ang kalooban ko.

Tumayo na si Iesus. "Lumalalim na ang gabi. Kailangan ko na ring magpahinga." Hinawakan niya ang red journal. Wala na talagang pag-asang makuha ko ito ngayong gabi. Sayang! "Maaari kang manatili rito sa bahay ko hanggang sa nais mo."

Tumango na lamang ako. "May pagkain ba kayo rito?"

Iesus nodded. "Pero ikaw ang magluluto."

Napangiwi ako. "Wala kayong oven at ref?"

"Wala pang ganyan sa panahon na 'to."

"Naks! Tapos, galing mo um-English."

"I'm multilingual and a time traveler. I can adjust in any language and in any timeline."

"Sabi ko nga eh."

"Aakyat na ako."

"Sige go. Goodnight."

Nakatalikod na si Iesus nang harapin niya muli ako na parang may nakalimutan siyang sabihin sa akin.

"Ah, I almost forgot."

"Ano 'yon?"

Hinuli ni Iesus ang mga mata ko. "Sa dami ng puwedeng magsulat ng kwento ko. Tandaan mo lagi na ikaw ang pinili ko." Natigilan ako. Tipid na ngumiti si Iesus sa'kin. "Magandang gabi, Brave."

At tuluyan na akong tinalikuran ni Iesus.

Ngumiti ako habang hilam ng aking mga luhang tumango ako kahit hindi na niya ako nakikita.

Kainis, lalayasan na nga ako ay paiiyakin pa ako. Ewan ko sa'yo Iesus.



***


AKO ay napabalikwas ng bangon mula sa pagkakayupyop ng aking ulo mula sa work desk ko nang marinig ang malakas na pag-alarm ng cell phone ko. Pumupungas-pungas na hinagilap ko ang ang cell phone sa ilalim ng mga kalat ko sa mesa. Sandali. Sandaleeee! Nabibingi na ako sa alarm. Kumalma kaaaa! Ah, ito. Hanggang sa makapa ko ito sa likuran lamang ng aking laptop. Agad kong pinatay ang alarm at sumandal na ngayon sa back rest ng aking swivel chair.

Naibaling ko ang aking tingin sa bintana sa aking kaliwa. Nakababa pa ang mga kurtina pero tumagos na ang liwanag ng araw dahil hindi naman ito makapal.

Umayos ako ng upo at nag-unat ng katawan at mga braso. Ramdam ko ang sakit sa aking leeg at likod. Aba'y matulog ka ba naman sa mesa, Brave. Malamang sasakit talaga katawan mo. Hay nako!

Nagpasya na akong tumayo pero naisandal ko ang aking isang kamay sa keyboard ng laptop ko. Umilaw ang screen sa harapan ko. Doon ko napansin na magdamag palang naka-charge ang laptop ko at nag-sleep-mode lang ito kaya automatic na nag-on.

Naupo ulit ako para ma-turn-off na nang maayos ang laptop nang lumabas sa screen ang Gmail account ko. Kumunot ang aking noo. Actually, hindi ko natatandaan na nag-open ako ng email kagabi.

Ang weird!

Akmang iko-close ko na ang email tab nang mapansin ko ang dalawang magkasunod na email thread sa primary emails ko. Pinanlamigan ako nang mabasa kung kanino galing ang dalawang mensahe.

Bigla na lamang akong naiyak kahit hindi ko pa nabubuksan ang dalawang email. Kahit hindi ko pa ito basahin ay alam ko na ang magandang balita na hatid ng dalawang mensahe. Lalo lamang bumuhos ang mga luha ko sakabila ng aking masayang ngiti.

I remember what Iesus said to me, "Sa dami ng puwedeng magsulat ng kwento ko. Tandaan mo lagi na ikaw ang pinili ko."

Lighthouse Publishing: Exclusive Writer Contract Offer

Writepad Team: IMPORTANT – 2021 Writepad Awards Winner & Paid Story Winner

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro