Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

Hindi ako iyong tipong nababahala kapag nale-late, lalo pa kapag alam ko namang hindi maganda magturo ang papasukan kong professor. Pero ngayon, kahit pangit magturo ang una kong klase ay nagmamadali ako sa paglalakad.

Tagaktak na ang pawis ko dahil sa sobrang init. Pakiramdam ko nga ay ilang oras na akong nakabilad sa araw gayong kararating ko pa lang. Alas dies ang klase ko pero dahil lunes at traffic, inabot ako ng isang oras at kalahati sa biyahe. Wala nang labing-limang minuto ang natitira para sa klase ko sa Art Appreciation.

Malaking oras pa sana iyon. Tatlong minuto lang naman ang lalakarin ko mula sa gate papunta sa classroom namin, pero kamalas-malasang may kailangan kaming ipasa sa kaniya. Noong nakaraang linggo niya pa ito ibinigay, pero dahil nasira ang printer sa bahay, ngayon pa lang ako magpapa-print. At may kailangan pa akong e-edit doon dahil kailangan palang naka-dalawang column iyong layout.

Nagmamadali na ako sa paglalakad dahil sa kabang ma-late sa klase niya. Napaka-unpredictable pa naman ng mood no'n. Misan, mabait naman at maayos, pero kadalasan, pakiramdam ko may saltik. Gano'n talaga siguro kapag nagme-menopause.

Lagi na lang 'yong pabago-bago ang ugali. Minsan, halos ayaw pang tinatanong siya kapag may clarifications. Pero kapag chismis nga, ang bilis niya. Kadalasan, iniiwan pa talaga kami para lang makausap 'yong mga katrabaho niya.

I sometimes even feel like she doesn’t deserve a job in the university. I mean, as a professor, she should be focussing on how to deliver her lessons in a way where her students will understand. Pero wala. Kung ako nga ang tatanungin, sana ay naging elementary teacher na lang siya.

Pero wala na rin naman kasi akong magagawa. Estudyante lang din naman ako. I can drop her subject, yes, but I don't want to delay anything. Isa pa, baka siya lang rin ulit ang maging professor ko sa susunod. And she's not a major subject, anyway. Kaya sige na lang. Ilang buwan lang naman 'to.

"Miss." Dinig kong may tumawag nang akmang aakyat na ako sa pangalawang palapag ng library.

Napalingon ako sa front desk. Ulo ko lang ang pumihit dahil nasa pangunang baitang na ang isang paa ko. Hawak-hawak ko pa ang cellphone at wallet ko sa isang kamay.

"Po?" magalang kong sagot sa nagbabantay.

"Mag-sign in ka muna," aniya at nginuso ang computer.

Umawang ang labi ko nang mapagtantong nakalimutan ko pala maglista ng pangalan. Sasagot na sana akong magpa-print lang naman ako sa itaas pero piniling pumihit na lang pababa at bumalik sa computer.

Mabilis akong naglakad palapit at nang hahawakan ko na sana ang mouse ay sakto namang may nakauna sa akin.

Napatingin kaagad ako sa naunang kumuha noon. I stopped immediately when I saw a tall guy. Definitely taller than me. Nasa 5'2 lang ako, tapos siya halos 6 feet na.

He was on his white upper uniform and black slacks.  Nakahati sa gitna ang maayos na itim na buhok niya. And he was wearing his glasses.

Hindi agad ako nakagalaw dahil saglit pa akong namangha sa itsura niya. Ganoon pala ang hitsura niya sa malapitan? Pakiramdam ko sinuntok ang dibdib ko bigla.

Ang guwapo. Wala man lang tigyawat. At ang bango. Parang bagong ligong bata ang amoy.

"Sorry. Puwedeng ako ang mauna? Nagmamadali kasi ako, e." Tinigilan ko ang pagtitig sa kaniya at nagsalita.

Hindi siya agad nakasagot. Mukhang nabigla rin siya na nagkasabay kaming lumapit sa computer pero agad niya rin namang binitawan ang hawak na mouse.

"Go ahead."

It wasn't my first time hearing his voice, but it was my first time hearing it without the aid of a microphone. Ibang-iba. Malalim na parang kagigising niya lang.

"Thank you," sagot ko nang mabilis na nagtipa, hindi na pinansin ang muling pagkamangha dahil nga nagmamadali.

Matapos kong isulat ang pangalan at kurso ko ay mabilis na akong tumalikod at umakyat. Hinahapo pa ako nang dumating sa third floor kung saan naroon ang computer and printing section ng library.

Pagbukas na pagbukas ko, marami na agad tao sa loob. Mabuti na lang at may nakita akong isang desk na bakante pa kaya inukupa ko agad iyon. Inilagay ko sa bag ang cellphone ko bago ko iyon inilapag sa ilalim ng desk. Ang wallet ko naman ay ipinatong ko na lang sa desk dahil gagamitin ko rin naman iyon kapag magbabayad na ako sa printing mamaya.

Mabilis akong naglog-in sa facebook account ko at hinanap doon ang file na s-in-end ko sa isang account ko kagabi. Matapos iyong i-download ay agad kong in-edit sa dapat na layout at saglit pang binasa ulit para masigurong wala nang mali. When I successfully sent it for printing, I immediately got up. Sakto namang pagtayo ko ay may sumulpot.

It was the same guy. Mukhang naghahanap din siya ng vacant computer at nakita akong tumayo.

"Are you done using it?" Ganoon agad ang bungad niya nang tumayo ako.

Dahil nagmamadali, hindi na ako nagsalita at tumango na lang. Kinuha ko agad ang bag ko sa ilalim ng desk at hindi na inayos ang upuan dahil alam ko namang gagamitin niya iyon. Pagkatapos ay tumalikod na agad ako para lumapit sa nagpi-print.

"Anong paper size nito, miss?" tanong ng nagbabantay matapos kong sabihin ang computer number na pinanggalingan ko.

"A4 po, Kuya," nagmamadali kong sagot.

I checked the time from my wristwatch and saw that I only have seven minutes left.

"Ay, wala kaming a4 ngayon, miss."

"Po?" Pati ako ay narinig ang disappointment sa boses ko.

"Sorry, miss. Naubusan kasi kami ng a4."

Hindi pa agad ako nakagalaw matapos niyang magsalita. Alam ko na agad na kahit anong pagmamadali ang gagawin ko para pumunta sa ibang printing stalls, male-late na ako sa klase.

"Okay lang po. Thank you." Nagpasalamat pa rin ako at mabilis na naglakad paalis.

Sa coop na lang ako magpa-print. Kahit na lang ma-late. Hindi ako sure kung papapasukin ako kapag nauna iyong professor na makarating pero, at least, maihahabol ko 'tong ipapasa. Baka hindi pa tanggapin kapag nag-late submission ako.

Habang nagmamadali sa paglalakad, kinuha ko muna ang cellphone ko at nag-message sa gc naming magkakaibigan kung nandoon na ba si ma'am. Walang nag-reply. Pupusta akong mas late pa ang mga iyon sa akin.

"Kaia!" Natigil ako sa pagtitipa nang may tumawag sa akin mula sa likuran.

Mabilis kong nilingon iyon at nakita ang kaibigan kong si Evereth na nagmamadali rin. Kaya pala hindi nakapag-reply.

"Magpapa-print ka?" tanong niya nang makalapit. Hinihingal pa siya mula sa mabilis na paglalakad.

"Oo. Ikaw rin?" tanong ko kahit pa alam naman na ang magiging sagot niya.

Nang tumango siya ay sabay kaming nagmadali sa paglalakad. Nagreklamo pa siya na wala pa raw siyang tulog dahil kagabi niya lang ginawa iyong ipapasa namin.

"Feeling mo nandiyan na siya?" tukoy niya sa professor namin habang umaakyat kami sa hagdan. Nasa ikalawang palapag pa kasi ang printing stall.

Nagkibit-balikat ako dahil hindi na makapagsalita dahil kinakapos na sa hininga.

"Baka..." I paused to take a breath. "Baka nandoon na. Pero sana wala."

Inabot pa kami ng tatlong minuto bago tuluyang naasikaso ang ipapa-print dahil may mga nauna pa sa amin.

"Magkano po, kuya?" tanong ko nang iabot ng nagbabantay ang document sa amin.

"Doce lang," sagot niya.

Binuksan ko agad ang bag ko para kunin ang wallet doon. Hindi ko agad iyon nahanap. Pinatong ko pa sa lamesa ang bag ko para masiyasat nang maayos ang bag pero wala talaga. Inabot na ako ng isang minuto pero wala ang wallet ko.

"Fuck," I silently muttered a curse when I remembered that I put it above the computer desk in the library earlier. Hindi ko ata nadampot nang umalis ako.

"Anong problema?" Lumapit si Evereth sa akin nang mapansing napamura ako.

"Pahiram muna ako ng pambayad. Naiwan ko ata sa library wallet ko."

"Hala, real? Sige, sige, ako na bahala. Babalikan mo ba? Baka may kumuha no'n?"

I bit my lower lip and considered her words. Pero wala na talaga akong time. Kung babalikan ko pa ngayon, mas mahuhuli ako sa klase.

"Mamaya na. Late na tayo."

"Sure ka? P'wede namang sabihan ko na lang si ma'am," aniya pa.

Umiling ako at kinuha na ang documents namin nang makitang nasuklian na siya.

"'Wag na. Topakin pa naman 'yon," tanggi ko.

Totoo naman kasi. Kahit valid iyong reason mo, kung ayaw niya, ayaw niya talaga.

"Baka may makakita no'n." Hindi pa rin sumuko si Evereth.

"May ID ko naman do'n," katuwiran ko.

Kung sakaling may makahanap man, may id ako roon sa loob. Puwede niya naman akong i-message sa facebook kung sakali.

"Sigurado ka, Kaia, ha? Balikan na lang natin pagkatapos ng klase. Samahan kita."

Sumang-ayon agad ako sa suggestion niya. Saka lang kami naglakad-takbong umalis papunta sa classroom namin.

Hapo pa rin kami nang makarating dahil kinailangan na naman naming umakyat ng hagdan. Nasa second floor pa kasi ang silid kaya tuloy pawis na pawis kaming nakarating.

Luckily, our professor was not around yet when we arrived. Pero hindi lang din nagtagal ay pumasok na siya kaya hindi man lang kami nabigyan ng pagkakataong makalma ang mga sarili. Nagtatambol pa nga puso ko ay umupo na siya roon sa silya niya sa harapan.

She proceeded to talking, and that talk did not even involve any of her supposed lesson. Kung ano iyong nakikita niya sa paligid, pati iyong mga sira-sira ng building, ay siyang kinuwento niya sa amin. And as unpredictable as she was, she did not even spend twenty minutes with us. Iniwan niya lang kami ng gawain. Pinag-drawing kami ng Manuggul Jar at sinabing ipasa iyon sa office niya before four p.m., pati iyong ipapasa na minadali pa naming ipa-print.

I heaved out an irritated sigh when she went out of the door. Pakiramdam ko hindi man lang nabigyan ng hustisya ang pagmamadali ko sa pag-print ng pinapapasa niya. Nagkanda-iwan-iwan pa talaga ang wallet ko sa pagmamadali tapos ganoon lang din pala.

Mabilis ko lang tinapos ang pinapa-drawing niya. Hindi na ako nag-effort pa masyado dahil maliban sa nakawawala talaga ng gana ang klase ng pagtuturo niya, sinabi niya rin namang hindi namin kailangang pagandahin talaga 'yong gawa. Kung ano lang daw ang makakaya. Kaya kahit parang hindi naman nagmukhang jar iyong gawa ko, pinasa ko na agad sa chairman namin at nagligpit ng gamit.

My eyes immediately scanned for Evereth. Nakita kong tutok pa siya sa ginagawa. Mukhang nagkukulay pa nga dahil nagkalat ang colored pencil sa desk niya. Hinanap ko rin sina Abigail at Laurie at nakitang pareho rin silang hindi pa tapos.

Hindi na lang ako lumapit sa kanila para hindi sila maistorbo. Nag-message na lang ako sa group chat namin para sabihing babalikan ko muna ang wallet ko sa library at hihintayin na lang sila sa cafeteria pagkatapos dahil wala naman na kaming susunod na klase.

After I hit send, I picked up my bag and went downstairs. Nilakad ko agad ang daan patungo sa library at pagkarating na pagkarating sa bukana ay agad na dumiretso sa nakaabang na computer para mag-log in.

I did not waste any more time. Umakyat na agad ako, ngayon ay medyo mabagal na dahil hindi naman na ako nagmamadali. Hindi naman ako kinakabahan na hindi makabalik sa akin ang wallet ko dahil medyo malabo namang may magnanakaw rito sa mga estudyante. Naturingan pa naman 'tong university na bahay raw ng mga mahuhusay. Nakakahiya naman kung magnanakaw pala mga estudyante rito.

Pagdating ko sa loob ng computer room ay mangilan-ngilan na lang ang mga estudyante. Magla-lunch break na rin kasi kaya paniguradong karamihan ay nasa cafeteria na. Kaya nga rin nag-message ako sa mga kaibigan na sa cafeteria ko na sila hihintayin para na rin mai-reserve ko kaming lahat ng puwesto. Pahirapan pa naman humanap ng lamesa roon kapag lunch time. Palaging kulang ang mga upuan.

Lumapit ako sa puwesto kanina at halos hindi na rin nagulat nang makita na wala ang wallet ko. Sobra isang oras ko ring naiwan iyon. Siguradong may nakakita na no'n.

Naglakad ako palapit sa printing station at nagtanong sa nagbabantay kung may nakita ba sila o kung may nag-iwan ba.

"Wala naman akong nakita, miss. Wala ring nagbigay rito," sagot niya.

Napatango ako at nagpasalamat bago umalis. I checked my message requests when I went out. Baka sakaling may nag-message pero wala naman.

Wala naman masyadong importanteng bagay roon sa wallet ko, except nga lang sa atm card ko. Nasa five-hundred lang din naman ang laman ng wallet ko dahil hindi naman ako nagdadala ng malaking halaga. Iyong sakto lang talaga sa isang araw ko.

Tumigil ako saglit sa gilid ng hagdan para mag-isip. Naalala ko kaagad kung sino ang sumunod sa akin sa computer desk kanina. It was Gideon. He probably found my wallet. Imposibleng hindi niya nakita dahil maliit lang ang desk at nasa tabi mismo ng keyboard ang wallet ko.

I pursed my lips and stared straight at the blank wall.

Hahanapin ko ba siya? Hindi naman magiging mahirap dahil iisang building lang naman kami. Any time of the day, puwede ko siyang makasalubong.

Pero hindi ba ako hihimatayin kapag nakaharap ko ulit 'yon? Hindi ko lang pinansin talaga ang presensiya niya kanina kahit pa iyon ang unang pagkakataong nagkalapit kami nang ganoon dahil nagmamadali ako. Pero kung pupuntahan ko siya, at sa kaniya lahat ng atensiyon ko, hindi kaya ako lumupasay na lang?

I pouted a bit. Wala naman akong choice. Kung hindi ko 'yon hahanapin, wala akong pang-lunch. Wala rin akong magiging pamasahe pauwi mamaya. Alangan namang dito ako matulog.

Puwede naman akong manghiram sa mga kaibigan ko, oo, pero alangan namang hindi ko kunin 'yong wallet ko?

Baka rin paraan na 'to ni Lord para makausap ko siya ulit.

Natawa ako nang bahagya sa naisip. Umiling ako at tuluyan nang bumaba.

I'll find him. And maybe think of it as a sign if I do.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro