Chapter 7: Daze
"Gagi! Huwag mo naman sana kaming kalimutan, Lia! Famous ka na oh!"
Malakas na tili ni Tasha ang sumalubong sa akin pagkapasok ko ng room kinaumagahan.
"Oo nga ghorl! Ten thousand plus followers ka na agad kahit na five photos palang ang napopost mo!" Shine added.
"Ang dami pang nagkakacrush sayo! Pahingi naman oh!"
Hindi ko naman alam kung paano ako magrereact. Hindi ko rin kasi alam kung ano ba talaga ang nangyari at biglang nagkagano'n ang followers ko. It's not like I did something great.
Basta bigla nalang dumami ang followers ko tapos ang dami-dami ng nagmemessage sa akin. Ibang-iba na sa dati na halos langawin ang messenger ko.
I still can't believe it!
"Oh my gosh! Check your DM, Lia! Nagcomment sa isang post mo 'yong clothing brand na favorite ko! Baka gustong makipagcollab sayo! Go mo na agad ghorl!" Dani excitedly said at siya pa talaga ang nagcheck ng IG ko.
"Omg! Tama nga ako at hindi lang 'yun, may iba pang brands na gustong makipagcollab sayo! Iba ka na talaga ghorl! Huwag mo kaming kalimutan!"
Tiningnan ko naman kung totoo ba ang sinasabi ni Dani and she's right. There are brands offering to be one of their ambassadors. Hindi talaga ako makapaniwala dahil nakikita ko lang ang mga brands na 'yun sa facebook dati.
"Kita niyo naman 'yang si Lia. Small but terrible!"
Nanginig ang kamay ko dahil sa pinaghalong kaba at excitement. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Kung magrereply ba ako agad o ano. Basta ang alam ko ay masaya ako na may mga tao ng nakakaappreciate sa akin ngayon.
"Go ghorl! It's time to break the height standard!" Shine added. "Itaas mo ang bandera nating maliliit!"
I laughed with her. She considers herself 'maliit' pero kung tutuosin ay mas matangkad pa rin siya sa akin ng isang inch.
"Sige, pag-iisipan ko...baka kasi magconflict sa schedule natin. A-Ayaw kong bumagsak." I said shyly.
"Nako girl! Kung ako 'yan, hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa! Gora na agad! Maganda tayo eh!"
Those offers bothered me the following days. I was tempted to accept it dahil magaganda nga ang offer nila at kikita pa ako. Mayroon pa doong nagsabi na kung gagawa ako ng youtube channel at gagawan ko ng reviews 'yung products nila ay malaki ang kikitain ko. Sapat na para mabayaran ko ang tuition ko hanggang makagraduate.
Pero natatakot ako...baka kasi hindi ko kayanin at mapabayaan ko ang pag-aaral ko. Pero sayang din naman ang kikitain ko.
My friends and classmates were encouraging me to accept it but I am really torn. That's why I decided to ask my sister one night while we were eating after she got released from the hospital.
"Ate may mga offers sa akin para maging brand ambassador. Tanggapin ko kaya?"
Her eyes widened because of what I said.
"Baka scam?" She reacted no'ng makabawi at agad din naman akong umiling at ipinakita sa kanya ang mga mensahe sa akin.
She nodded her head after reading.
"Well, I must say that they're good offers. But...can you really do it?"
I bit my lower lip.
"I mean...mom said you have poor communication skills and you don't know how to engage with people in conversations."
I sighed. I actually know how to communicate properly pero hindi ko lang magawa noon kasi...hindi pa ako nagsasalita ay pinagtatawanan na nila ako at hinuhusgahan. It was so hard to speak so I always stuttered and mispronounced words.
"K-kakayanin ko naman siguro."
She nodded and seemed uninterested now.
"Well, edi tanggapin mo kung sa tingin mo ay kaya mo naman."
Ngumiti ako pero may isa na namang bagay ang pumasok sa isip ko kung kaya't napayuko ako.
"Ate, si mama... magagalit kaya siya?"
She sighed and put her spoon down.
"Mom won't care as long as you're doing well in your studies."
Tumango ako. She's right. Mukha naman talagang walang pakialam sa akin si mama...as long as hindi bagsak ang grades ko.
And so... I decided to accept those offers.
I made a youtube channel and started doing instagram live. As well as sponsored posts on instagram and even on facebook.
I realized that it was fun. Hindi man 'yun ang talagang pangarap ko ay okay na okay na dahil malapit din naman ang pagiging vlogger sa pagiging host.
My subscribers and followers quickly increased when I started uploading vlogs at mas dumami rin ang mga nagiging sponsor ko.
"Grabe, girl! Ang ganda nitong pouch. Gusto ko 'tong bilhin last time kaso nasold-out agad. But you got it for free!" Dani exclaimed after we did product unboxing.
"Gusto mo ba 'yan? I'll give it to you."
Agad naman siyang napangiti at tumango bago ako niyakap.
"Salamat, ghorl! Ito talaga 'yung perks ng pagkakaroon ng youtuber friend!"
"Eto ring lip tint, Lia, baka pwedeng hingiin ko na? Madami ka na rin namang make-up products."
I smiled at them and nodded. Wala namang kaso sa akin kung hihingiin nila ang mga 'yun dahil tapos ko na ring i-feature sa IG at youtube channel ko, kaya okay lang talaga.
Maayos naman ang pag-aaral ko. Mahirap lang talaga ang college kaya normal din na mahirapan. 'No pain, no gain' ika nga nila.
We were walking in the hallway when we bumped into someone.
"Aray naman! Hindi man lang nagsorry, nakakaloka!" Reklamo ni Dani at tiningnan pa ang dumaan na babae.
"Ssshhh! Siya 'yung nakakatakot tumingin na babae sa cognitive psych, diba?" Tasha asked.
"Ah, oo. 'Yung Yurianne!" Shine answered.
I sighed. Kaklase nga namin siya. Matagal ko na siyang nakikita sa room pero hindi ako nagkakaroon na makausap siya dahil medyo mailap nga siya sa tao.
"Si Loki lang naman ang kinakausap n'yan at dahil doon natatakot na tuloy 'yung iba na lumapit kay Loki." Shine added.
Hindi ko naman kilala kung sino 'yung Loki dahil mukhang hindi namin kaklase kaya hinayaan ko nalang.
"Oo nga pala, ilan 'yung score mo sa quiz kanina?" Dani asked when we get inside the room.
"Ah, 15 over 20 lang." nanghihinayang kong sagot.
"Buti ka pa nga naka-15 pa, ako 12 lang. Olats oy."
Pare-pareho kaming mga lutang kaya halos sabay-sabay din kaming sumubsob sa desk para matulog at magpahinga muna pero bago pa ako makapikit ay may yumugyug na sa balikat ko.
"May humahanap daw sayo sa labas, Lia!" Dani said.
Agad naman akong tumayo at tumungo doon sa kaklase kong tumawag sa akin.
"Sino 'yun?" I asked her pero mukha lang siyang ewan na ngumiti sa akin.
I opened the door and my eyes widened when I saw who it was.
It's Kaleb!
Hala, gagi, anong ginagawa niya rito?
He chuckled when he saw my reaction. "Nakalimutan ko yatang sabihin na dito rin ako nag-aaral."
Napasinghap ako no'ng mapagtantong nakasuot din siya ng FEU polo shirt at sa baba ng logo nun ay may nakalagay na FEU IARFA.
Architect student ba siya? O baka naman Fine Arts?
"H-hi." I finally managed to say it after a few seconds.
"Hello. It's nice to see you again." He smiled and I furrowed my brows when he suddenly handed me a pink paper bag.
"Uh, a-ano 'yan?" Nagtataka kong tanong.
"This is what I owe you. Salamat ulit." He again flashed a smile at ako naman ay lito pa rin na nakatingin sa kanya.
Mabuti na lamang ay pumasok na ang prof namin sa room kung kaya't bumalik na sa reyalidad ang pag-iisip ko.
"Uh, sige... mauuna na ako ah?" Paalam niya at nakangiti uli na kumaway sa akin.
I was still in daze when I went back to my seat at laking gulat ko naman no'ng marealize na kanina pa pala nakatingin sa akin ang mga kaklase ko.
"B-bakit?" Nalilito kong tanong.
Pero sa halip na sagot ang marinig ay tili at kurot ang natanggap ko mula sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro