Chapter 4: Play
It was so hard to convince my sister to help me pero sa huli ay pumayag din siya, 'yun nga lang ay may kasunduan kaming gagawin niya akong alalay slash alipin na rin. Pero okay lang 'yun, gusto ko lang talagang magsimulang muli.
Hindi ko alam kung paano niya napapayag si mama sa gusto kong mangyari, umuwi nalang siya isang araw na sinasabing okay na at ang kailangan na ang papers ko para makapag-exam sa bagong school na papasukan ko. She let me get my documents alone sa dati kong school dahil nakakahiya raw kung sasama pa siya.
Kahit gano'n pa man ay nagpapasalamat ako na siya na ang nagprocess ng papers doon sa bagong school na lilipatan ko.
"Buti naman naipasa mo ang exam." She commented when I went home.
"It's not that hard," I answered. "Pero ate hindi ba't mahal ang tuition doon?"
I am talking about the school she chose. Malaki at sikat kasi 'yung university, mukha pang sosyalin ang mga nag-aaral doon.
"Ah, sinadya ko talaga 'yun para makonsensya ka at mag-aral ng maayos. At huwag kang mag-alala, ililista ko ang lahat ng utang mo at times two ang ibabayad mo sa akin." She said and went inside her room.
My sister is always like that. Ang harsh niyang magsalita kaya hindi kami close. Pero minsan hindi mo rin matukoy kung seryoso ba siya o hindi sa mga sinasabi niya.
Napapikit ako no'ng marinig ang malakas na pagkabasag. I just broke the 'alkansya' that my father gave to me as a present during my fifth birthday. Ilang taon din akong naghulog doon and I think now is the perfect time to make use of my savings. Natuwa naman ako no'ng makitang medyo malaki na rin pala ang naipon ko.
I immediately went to the mall where I got a free makeover. Kagaya nung sinabi ng babae ay binigyan nga nila ako ng discount no'ng binili ko ang mga produktong ginamit sa akin no'n. Natuwa pa ang babae dahil bumalik ako.
"'Yung mga sinuggest ko sayong beauty vloggers ah, sila ang panuorin mo, Ma'am!"
Tumango ako at nagpasalamat bago umalis. Pagkatapos ay muli akong umikot sa mall para maghanap ng salon at nang makakita ay agad akong pumasok.
"Uh, ano po ang ipagagawa?" the gay staff asked.
"Haircut po at...rebond."
I closed my eyes. Lola will hate me for this because she loves my hair...pero mukhang kailangan ko na talagang gawin ngayon. I just hope that she can forgive me.
I watched them as they styled my hair and put products na hindi ko naman alam kung ano. Ilang oras din akong nagtagal doon bago natapos.
I looked at my newly done hair in the mirror. Napasinghap ako dahil pakiramdam ko'y nagmistulang ibang tao ang nasa harapan ko.
"Ang ganda na ng buhok ko," I smiled.
Satisfied naman akong lumabas ng salon at ang sumunod na pinuntahan ko ay ang optical clinic kung saan bumili ako ng contact lens bilang kapalit ng eyeglasses ko.
My makeover is almost done at isa nalang ang natitira, at 'yun ang sinunod ko sa mga nalalabing araw bago ako pumasok sa bago kong school.
I went to a dental clinic and the dentist suggested an implant pero dahil kulang na kulang pa ang pera ko ay nagpasya akong ipafix bridge nalang ang ngipin ko sa unahan dahil 'yun ang nakikita at napupuna lagi ng mga tao sa akin.
And now, I hope they will finally stop pestering me.
"Boom...ubos ang savings. Huwag kang manghihingi sa akin ah!" My sister hissed before going out of the house.
Ako naman ay kabadong-kabado dahil unang araw ko na sa bagong school.
I sighed and looked at myself in the mirror again. I applied make-up, sinunod ko 'yung mga payong sinabi ng babae sa mall, at nanuod din ako ng videos sa youtube. Pero kinakabahan pa rin ako ng sobra.
Sana lang ay hindi maging palpak ang plano kong magsimulang muli. Sana naman ay makahanap na ako ng peace of mind sa bago kong school.
It is a big university kung kaya't halos malula na ako sa dami ng estudyante no'ng pumasok ako. Ang gaganda ng buildings at mukhang mga sosyalin ang mga nakikita kong dumadaang estudyante sa harapan ko. At mukhang maliligaw pa nga 'yata ako.
I sighed.
Nasaan na ba ang Nursing building? Doon kasi ang unang klase ko.
Gusto kong magtanong pero nakakahiya naman, baka kasi dedmahin lang ako. Bahala na nga! Mahahanap ko naman siguro iyon kung maglilibot ako.
Halos labinlimang minuto na yata akong naglilibot pero hindi ko pa rin nahahanap at ang malala pa ay malapit ng magsimula ang klase.
Ang sabi ko ay magbabagong-buhay na ako pero mukhang malelate na naman ako. Teka...hindi pwede 'yun!
I immediately turned my back at laking gulat ko naman no'ng bigla akong nabangga sa isang matigas na bagay na pagkatapos ng isang segundo ay napagtanto kong dibdib pala ng isang tao...ng isang lalaki.
"Ooops. Sorry, Miss." he smiled apologetically samantalang ako kay kabadong napalayo.
Hindi naman siguro niya ako aawayin dahil nabangga ko siya, diba? Teka...kailangan kong magsorry.
"S-sorry din!"
My hands were trembling when I looked at him. Nakita ko naman siyang nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo.
Ang gwapo naman ng mga nakikita ko. I mean...mukha naman siyang gwapo!
Muntik naman akong mapatalon no'ng may marinig na tunog mula sa hallway ng building kung nasaan ako.
Ay hala, 'yung room!
Kahit na nahihiya ay kinapalan ko nalang ang mukha ko at nagdesisyong kausapin si kuyang nabangga ko.
"Uh, p-pasensya na...pero pwede ba akong magtanong?" I suddenly got scared no'ng tumingin siyang muli sa akin pero bahala na!
"A-alam niyo po ba kung nasaan ang nursing building?"
Tumango naman siya habang nakatingin pa rin sa akin.
"Ah...ano. Pumasok ka sa building na 'yan tapos dumiretso ka hanggang makalabas sa kabilang dulo then kumaliwa ka, pagkatapos ay makikita mo na ang nursing building."
Tumango ako. Kaya naman pala hindi ko mahanap kasi nakatago.
"Salamat po!" Magalang kong sabi bago tumalikod para maglakad na.
Tama nga siya, nahanap ko na rin ang nursing building no'ng sinundan ko ang direksyong sinabi niya.
When I finally found the room ay agad nanamang gumapang ang matinding kaba sa sistema ko.
This is it. Kapag binuksan ko ang pinto ay malalaman ko na kung may magbabago ba.
I took a deep breath and calmed myself before opening it.
I was immediately greeted by a noisy room with pairs of eyes looking at me, at habang tumatagal, pakiramdam ko ay mas dumadami ang nakatingin sa akin.
Sanay naman akong tinitingnan dahil pangit ako at naiiba pero ngayon...umaasa ako na ang dahilan ng mga tingin nila ay dahil bagong salta ako at hindi pamilyar.
It's really awkward to have eyes looking at me kung kaya't nagpasya na akong umupo sa pinakadulo dahil doon naman ako lagi nakaupo. Alphabetical man o hindi ang arrangement.
Bahala na 'yan!
I was busy fixing my bag when a boy approached me. He was smiling at agad naman akong kinabahan. Bully ba siya?
"Ganda, doon ka na sa unahan para mas makakita ka."
Ah, hindi naman pala ako ang pakay. Kung kaya't ipinagpatuloy ko nalang ang pag-ayos ng bag ko.
"Boom! Rejected agad!"
May nagtawanan sa 'di kalayuan pero hindi na ako nag-abalang tumingin pa dahil nakakahiya naman, bago palang ako dito tapos nakikiusyuso na.
"Miss Ganda!"
I heard someone calling, mukhang hindi pa rin sumasagot ang kung sinong taong tinatawag nila kanina pa.
"Miss na naka-brown na shoulder bag!"
Napatigil ako at tiningnan ang hawak na bag. Ako ba ang tinatawag niya?
Dahan-dahan akong tumingin sa pinanggagalingan ng boses at agad kong nakita ang isang magandang babae na nakatingin sa akin.
"Transferee ka ba?" She asked while looking at me.
Ako ba talaga ang kinakausap niya?
"Ah, o-opo." I awkwardly answered. Hindi kasi ako makapaniwalang may kumakausap sa akin ngayon.
She smiled widely at ilang saglit lang ay nasa harapan ko na siya.
"Yey! New classmate! Pero sana hindi ka dito lumipat, scam ang madaling entrance exam eh tapos ang hirap ng makalabas. By the way, ako nga pala si Danica, kahit Dani nalang for short. At 'yung mga kasama ko...sina Tasha at Sunshine."
She pointed at the front. Ako naman ay hindi pa rin makapagsalita dahil sa gulat.
Did she really talk to me in a friendly manner? Hindi siya galit? Hindi niya ako ibubully?
I smiled when I realized something. Nilapitan ba niya ako...kasi mukha na talaga akong disente?
"I-I'm Elliana. Pero L-Lia nalang."
She smiled again at ilang saglit lang ay nasa likod na niya ang mga kasama niya.
"Magkaibigan na kayo? Ang bilis ah!" The Tasha girl said bago umupo sa tabi ko. Ngumiti naman 'yung Sunny at itinuro ang labi ko.
"Ang ganda ganda mo tapos bagay sayo 'yung shade."
My eyes widened because of what she said.
M-maganda? Ako? Sigurado ba siya? O baka may problema siya sa mata?
"Gagi, Shine! Hindi ka naman lesbian n'yan 'no?"
"Gaga ka! Hindi ba pwedeng inaadmire lang ang kapwa babae kapag nagbibigay ng compliment? Buang ka!"
Gulat pa rin akong nakatingin sa kanila. T-totoo ba 'to? Kinakausap talaga nila ako?
Can I really make friends now?
"Huwag niyo ngang takutin si Lia, baka mamaya tanggihan pa tayong maging kaibigan!" Dani interrupted, pagkatapos nun ay iminuwestra ang unahan sa akin.
"Doon ka na umupo sa tabi namin, mahirap dito sa likod eh, baka hindi mo masyadong mabasa ang mga nakalagay sa ppt. Tsaka sama ka na rin sa amin mamaya, sabay na tayong mag-lunch para pagkatapos ay ililibot ka namin dito sa school." Nakangiti niyang dagdag.
Hindi ko naman na mapigilang mapangiti sa nangyari. It was so overwhelming. Ang hinihiling ko lang ay ang huwag ng mapuna ng mga tao kung gaano ako kapangit pero ngayon...may mga gusto ng maging kaibigan ako. It still feels like a dream. It is so heart-warming.
"S-salamat." I smiled widely while looking at them.
And instead of insulting me, the people in front of me smiled.
I guess...my plan worked.
I became so happy the following days because of new things that are happening in my life. Maliban kina Dani ay marami pa akong nakausap at naging kaibigan. Hindi lang 'yun, nagawa ko na ring sumali sa school orgs at doon ko lang napagtanto na masaya pala talaga.
I closed my eyes as the rays of the sun hit my face. Nasa parke kami na nasa harap ng chapel sa loob ng school habang naghihintay na magsimula ang afternoon class namin. Tulog sina Dani at Tasha, samantalang si Shine naman ay busy kakabasa ng libro.
I smiled while looking at them. They are my first friends, and after spending time with them after school ay napagtanto kong mas masaya pala talaga ang mag-aral kapag may mga kaibigan ka.
I'm really glad that I bumped into that girl that day. She's like a godmother...because she's the one who led me to this kind of life.
I almost jumped when my phone rang and when I opened it ay nakita ko ang isang unknown number na tumatawag. Kahit na kung anu-ano ang tumatakbo sa isip ko ay nagpasya nalang akong sagutin 'yun...and I was right.
The caller told me that my sister was involved in an accident at kasalukuyan siyang ginagamot ngayon sa ospital na malapit din sa school namin. Kung kaya't kahit may klase pa kami ay nagmamadali akong tumungo roon. My friends even encouraged me to go, sila na raw ang bahala magsabi sa prof at papahiramin nalang nila ako ng notes.
It really feels good to have friends.
Pagkarating ko sa ospital ay agad akong tumungo sa silid na binanggit ng tumawag and there I saw my sister sleeping. The doctor said that it's because of the sedative they gave at wala naman akong dapat ikabahala dahil magigising din naman siya. Thank God she's not that critical like their driver, pero kailangan pa rin niyang manatili sa ospital ng ilang weeks.
Habang naghihintay na magising si ate ay nagdesisyon akong umupo muna sa labas, nilalamig kasi ako sa aircon na nasa loob ng room at wala akong dalang jacket.
I was busy watching people walking in the hallway when a little girl suddenly tripped in front of me at mukhang nasaktan siya dahil umiyak. Agad akong lumapit sa kanya at tiningnan ang tuhod niyang namumula dahil sa lakas ng impact.
Hindi ko alam ang gagawin ko. I asked her kung gaano ba kasakit at kung gusto ba niyang ipatingin sa nurse pero mas umiyak lang siya no'ng sinabi ko 'yun. Mabuti nalang ay naalala kong may lollipop nga pala ako sa bag kung kaya't kinuha ko 'yun at binigay sa kanya, para namang magic na bigla siyang tumigil sa kakaiyak. She ate it silently habang nakaupo sa tabi ko.
Lollipop pala ang gamot. I chuckled.
Pero sino ba 'tong batang 'to? At bakit siya walang kasama? Hindi rin naman siya mukhang pasyente.
I sighed. Paano nalang kung may masama ang loob dito at tinangay siya?
I shook my head and smiled at the girl when she looked at me.
"Trisha!"
Pareho kaming napalingon no'ng may marinig na malakas na boses. Literal namang nanlaki ang mata ko no'ng makita kung sino ang dumating.
Oh my gosh!
"Kuya! You're here!"
Tumayo agad ang bata at lumapit sa kanya, tila tuwang-tuwa naman na ipinakita ang hawak na lollipop.
"You forgot to buy me candies so I went out, but the lady there gave me this."
Agad naman akong napatalikod no'ng lumipat sa akin ang tingin niya. I think it's the part where I should exit dahil nararamdaman ko na naman ang pagkapahiya no'ng maalala ang huling tagpo namin ng lalaki.
It seems like destiny is really playing with me.
Kasi kung hindi... then why is it Kaleb again?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro