Chapter 3: Start Again
Halos iuntog ko na sa poste 'yung ulo ko pagkababa ko ng train.
"Ang tanga tanga mo, bakit mo naisipang gawin 'yun?" Naiinis kong tanong sa sarili.
I'm really ashamed of myself because of what I did earlier. What a lapse of judgment! Naturingan pa naman akong Psych student pero naisipan kong gawin 'yun. Nakakahiya! Ang tanga tanga ko! Hindi ko tiniis ang lahat ng masasamang ginawa at salita ng mga tao para lang mauwi sa gano'n ang lahat. Buti nalang talaga...
"Aish!"
Napatakip naman ako ng mukha no'ng maalala ang kung sino ang taong humawak sa braso ko kanina. It's Kaleb, my crush from high school! I'm not sure if he's aware of what I was planning to do earlier pero dahil sa sinabi niya bago kami magkahiwalay ay mukhang alam nga niya.
"Hayy, sana hindi na kami magkita ulit. Nakakahiya na masyado."
Years ago, he saw me getting bullied and my feet bleeding. Kanina naman ay nakita niya akong muntik nang magpatihulog sa riles ng tren.
Nakakahiya, jusko!
I shook my head at nagdesisyon munang maghanap ng makakainan dahil kumakalam na ang tiyan ko.
No'ng makakita ako ng 7 Eleven ay agad akong pumasok doon at bumili ng makakain. Noodles lang ang binili ko dahil maliit lang na halaga ng pera ang dala ko.
I sighed when I finally got my food. Mukhang dito yata ako magpapalipas ng gabi dahil hindi pa ako pwedeng umuwi sa bahay at wala rin naman akong ibang mapupuntahan sa ngayon. I just hope my sister will reply to me tomorrow. Kahit naman hindi kami close ay medyo maayos naman ang pakikitungo niya sa akin.
What I did on the station bothered me the whole night. I felt so guilty and sick of myself kasi ang bobo at hina ko. Halos hindi ako nakatulog dahil doon kung kaya't nagmistula akong zombie kinabukasan no'ng magkita kami ni Ate.
"So you failed a subject huh? Nasabi sa akin ni Emily." Bungad niya sa akin pagkarating.
Pagod akong tumango at inayos ang sumasabog ko nanamang buhok sa pagmumukha ko. My sister sighed heavily and shook her head.
"Galit na galit si mama. Sinubukan kong kausapin pero galit na galit talaga siya sa iyo. Ano ba talagang nangyari, Elliana? Bakit ka bumagsak?"
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago sumagot.
"I...just didn't do well. Pero ate kaya ko pa namang bawi—."
She cut me off and repeatedly shook her head off.
"She's already so disappointed with you. Alam mo naman diba? Kaya siguro mas makakabuti kung umalis ka muna sa bahay. Sa apartment ko muna ka tumira. Kakayanin mo naman siguro ang dalawang sakay papuntang school, diba?"
Bumagsak ang balikat ko dahil sa narinig. Dahil...parang pinalayas nalang din ako sa amin.
"Sige na, Elliana. Malelate na ako sa trabaho. Go home and pack your clothes. Ito ang susi sa apartment ko." Inilapag niya ang susi sa mesa at tumayo na.
"I'm expecting to see you there tonight. Huwag mo ng bigyan pa ng sakit sa ulo si Mama. Kahit 'yun nalang sana ang magawa mo."
I sighed. Mukhang wala naman na akong mapagpipilian. Tama si Ate, kahit 'yun nalang sana ang magawa ko.
Dahan-dahan akong tumango at kinuha ang susi sa harapan habang pinagmamasdan siyang paalis gamit ang sasakyan niya.
My sister is working as a paralegal, just like my mom. Idolo niya si Mama eh, kaya rin siguro magkasundong-magkasundo sila.
Umuwi ako habang nasa trabaho pa si Mama para kunin ang mga gamit ko. Isang maleta at backpack ang dala ko pagkalabas ng kwarto.
"Ate pauwi na raw si mama. Kailangan mo nang umalis." Emily suggested and I just nodded.
"Mag-iingat kayo dito ha? Lagi mong ilolock ang pinto at huwag mong kalilimutang ipaalala kay Mama na inumin ang vitamins niya ha?"
Emily raised a brow like she's annoyed. "Ang daming bilin ha, hindi naman ako katulad mong makakalimutin, oy. Ako na ang bahala dito kay Mama. Pag-aaral mo nalang ang isipin mo doon."
Right, siguro nga totoong mas matino kaysa sa akin ang kapatid ko.
"Mabuti naman kung gano'n. Sige, aalis na ako."
It was already past 7 pm when I arrived at my sister's apartment in Sampaloc, malapit iyon sa workplace niya kaya niya kinuha. It actually has two bedrooms dahil sa kasama niyang kalilipat lang ng ibang apartment. Mabuti nalang ay gano'n kung kaya't sa akin napunta ang isang kwarto.
My sister was always busy kung kaya't minsan lang kaming magkita no'ng sumunod na mga araw. I also rarely had a time dahil sa pagcocommute palang papuntang school ay ubos na agad ang oras ko. I went to school and tried talking to my professor about my grade but he's really strict, ang naipayo lang niya ay bumawi nalang ako sa finals, which is something that will be so hard to do. Lalo na para sa mga katulad ko.
Nanghihina akong naglakad sa isang mall na malapit sa binabaan kong LRT station. Wala akong klase pero may iniutos sa akin si Ate na bilhin kung kaya't nandito ako. Hindi ako sanay sa lugar kaya't nagtanong-tanong nalang ako sa mga guard na nakikita, pero mukhang mas nawala pa yata ako. Halos malapit na ng isang oras akong naglilibot no'ng mahanap ko ang store na sinasabi niya sa akin.
I bought all the stuff listed at saktong palabas na ako no'ng may makabanggang babae.
"Sorry, Miss." she apologetically said before turning her back.
Nagsorry rin ako dahil hindi ko nagawang umilag, but I was startled when I saw that something dropped from her bag. Isa iyong sobre na kulay puti. Hindi ko man alam kung importante ba iyon o hindi ay nagpasya nalang akong habulin siya at isoli 'yun sa kanya.
Medyo nakakalayo na siya no'ng nagsimula akong tumakbo pero mabuti na lamang ay nagawa ko siyang sundan ng paningin kung kaya't naabutan ko rin siya sa isang stall sa loob ng department store.
"Miss!" Hinihingal kong tawag sa kanya at mabuti na lamang ay lumingon siya.
"Po? Ay hala!" Her eyes widened when she saw what I was holding.
"Ang ticket ko, hala!"
Agad siyang lumapit sa akin.
"Hala, salamat! Salamat talaga sa pagbalik!" She repeatedly said no'ng iniabot ko 'yung hawak ko sa kanya.
"Pasensya ka na, napawisan ka pa tuloy." She smiled apologetically. "Teka, sandali. Sayo nalang 'tong binili ko. Sorry ah? Wala na kasi akong pera eh. Hindi rin kasi ako mayaman, pero salamat talaga sa pagbalik sa akin nitong ticket."
Tumango ako at nagpakawala ng maliit na ngiti.
"Ah, ano...hindi naman na kailangan." I tried giving her back the paperbag she handed.
Agad naman siyang umiling. "Sayo na 'yan. Maganda pa naman ang shade n'yan, sigurado ako, bagay 'yan sayo."
Napakunot ako ng noo.
"Sige ha, kailangan ko na kasing umalis. Salamat talaga!"
"Oh?"
I was just about to react but she already walked away. Ang bilis naman niya!
I looked at the paperbag she gave me and opened it. Agad namang bumungad sa akin ang isang parihabang box, binuksan ko iyon at niluwa nito ang isang lipstick.
"Mom, gusto niyo po bang itry? Binili po 'yan ni Ma'am dito kanina."
I looked at the saleslady who approached me.
"Huh? Po?"
She smiled at me. "May promo po kasi kami ngayon na free make-over for every purchase kaso hindi po naavail ni Ma'am kasi nagmamadali siya. Pero kayo po? Gusto niyo po ba? Total binigay niya na rin naman po sa inyo."
Huh? Make-up? Of course I know what make-up is. Pero...
"P-pwede po ba ako?"
Because I actually haven't tried wearing one.
The saleslady nodded. "Oo naman po, Ma'am. Upo muna po kayo, aayusin ko lang 'yung mga gamit."
I was still having second thoughts when I sat on the chair, kasi pakiramdam ko...kahit lagyan pa ng kung anong kolorete ang mukha ko ay wala pa ring magbabago.
The lady made me face the huge mirror.
"Eto pong shade ang gagamitin ko dahil medyo tanned skin po kayo at eto naman po for the concealer, mas okay po kasi kung one shade lighter sa foundation shade niyo..." she kept talking pero wala naman akong maintindihan kaya tanging pagtango nalang ang nagawa ko.
She removed my eyeglasses and wiped my face using a make-up wipes pagkatapos ay pinatuyo muna niya bago nilagyan nung sinasabi niyang foundation pati concealer.
"Eto pong pang kilay, Ma'am. Perfect shade po ito sa inyo," she said after applying the pencil-like stuff on my brows.
My mouth parted a bit when I looked at the mirror. May kilay na ako at hindi siya mukhang angry birds tingnan!
"Mas okay po kasi na kapag nag-aapply ka ng kilay ay 'yung sa arch at tail part ang medyo dark tapos medyo light naman 'yong sa may inner corners para magmukha siyang natural."
Hindi man ako maalam sa make-up ay medyo nagets ko naman ang ibig niyang sabihin.
"Heto naman po 'yung blush-on, pinili ko rin po 'yung shade na bagay sa inyo. Dahil po may pagka oval-shaped 'yung face niyo ay mas okay po na ganito ang pag-apply..." she continued and I watched her apply the blush on the apples of my cheeks.
Marami pa siyang ginawa sa mukha ko kagaya ng paglagay ng highlighter, pagcurl ng lashes, paglagay ng eyeliner at eyeshadow, pagcontour ng mukha, at pagkulay ng labi.
"Ayan, Ma'am. Sakto po. Bagay na bagay nga sa inyo 'yung shade ng lipstick."
I looked at myself in the mirror at biglang hindi naman ako makapaniwala.
My hair still looked like a mess but my face... It looked so different. Hindi na halos makita ang pimple marks ko, my nose looks narrower, my eyes look alive, and my lips... I think it's the first time I could say that it looks beautiful.
Hindi ba ako niloloko ng salamin?
The lady smiled at me. "Sa youtube ko lang po 'yan natutunan, Ma'am. Try niyo pong manood at kung gusto niyo pong bilhin ang mga products na ginamit ko, bumalik lang po kayo dito. Mayroon po kaming 15 percent discount."
I was still in daze while looking at the mirror kaya gulat akong napatingin sa babae.
Will it really make me look pretty?
"Bagay po sa inyo 'yang make-up, Ma'am. Kaya bilhin niyo na po habang nakasale pa kami."
My mind snapped back to reality when I realized what's happening.
I think she's just salestalking me. Hindi naman talaga siguro ako naging maganda dahil sa mga ipinahid niya sa mukha ko.
"Uh, sorry po. W-Wala po kasi akong pera," mahina kong sabi at kinuha ang bag ko. "S-Salamat po." I bowed a bit and turned my back para umuwi na dahil baka kung tumagal pa ako ay mabudol pa.
Dahil traffic ay muntik na akong gabihin pauwi. Nagulat naman ako no'ng makitang maagang nakauwi ang kapatid ko mula sa trabaho.
"Ay gago! Sino ka?"
My eyes widened at pareho pa kaming napatalon no'ng pumasok ako sa kusina. She looked so shocked to see me and I suddenly wondered why. Hindi pa ba siya sanay sa nakakatakot kong mukha? Grabe naman, halos dalawang dekada na kaming magkasama ah.
"Anong ginawa mo sa mukha mo?" She was still surprised when she asked me that.
"Huh?" I was confused pero no'ng maalala ko ang ginawa ng babae kanina sa mall ay napabuntong-hininga nalang ako.
"Ah, wala. Napagtripan lang sa mall."
Nagtaka naman ako no'ng lumapit siya sa akin at mas sinilip ang mukha ko.
"Mukha ba akong clown?" Wala sa sarili kong tanong at agad naman akong nakatanggap ng batok.
"Nagmumukha ka naman palang tao, bakit ngayon lang?"
Huh?
"B-Bakit? Maganda ba ako?"
She rolled her eyes. "May sinabi ba akong maganda? Ang sabi ko mukhang tao!"
Napailing ako at tumapat sa malaking salamin na malapit sa dining table.
Do I really look decent now?
My sister cleared her throat kaya muli akong napatingin sa kanya.
"Araw-arawin mo na. Nahiya ka pa."
Tumalikod na siya pagkatapos sabihin 'yon at ako naman ay hindi ko alam ang irereact ko no'ng una. But minutes later, I found myself banging her room's door because of an idea that crossed my mind.
An idea that I think could change my life.
"Ate!"
She looked so pissed when she opened the door.
"Ate, tulungan mo ako! May alam ka bang school dito sa malapit?" I desperately asked her.
"School? Ano na naman 'to, Elliana Grazella?"
I looked at her desperately and held her hand.
"Gusto kong lumipat ng school, ate! Gusto kong magsimulang muli."
I want to start again...with a new version of myself.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro