Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 9

Hello! Again about sa paintball gun hindi po siya nakakasugat ng malala tulad ng bala ng baril although it can leave a mark or mamula/mamantal 'yung part na tinamaan ng colored na bala dahil sa lakas ng impact nito. That's all, have a good day!

Saixiee reading!


CHAPTER 9

NAKANGITING nagmamaneho si Ryne papunta sa paaralan. Nakalabas na kasi ngayong umaga ang anak niya sa hospital at naihatid na niya sa bahay ni Tatiana.

Napahawak siya sa bluetooth earpiece na nasa tainga. Kanina pa rin sila magkausap ni Tia tungkol sa mga bagay-bagay.

"Tia, salamat uli sa pagpayag na riyan muna makituloy ang anak ko, alam ko kasing mas ligtas diyan kaysa sa condo ko." aniya bago iniliko ang kotse.

"Gaga, syempre papayag ako mas maganda nga kung pati ikaw bumalik na rin dito." sagot nito.

Natawa siya ng mahina dahil alam niyang nakabusangot na ngayon ang kaibigan. Ilang araw din silang walang komunikasyon dahil nabusy raw 'to sa sariling misyon na binigay ng Organization na kinabibilangan nila.

"Ang bilis mo rin natapos ang misyon mo ha, within a days lang naks." pang-aasar ni Ryne sa kaibigan.

Umingos ang nasa kabilang linya bago muling nagsalita. "Nagsalita ang nabigyang titulo nang isa sa pinaka-nakatataas na Agents." pang-aasar nitong pabalik sakaniya.

Natawa siya ng mahina bago ipinark ang kotse sa parking lot ng school. "Oh siya mamaya mo na uli ako daldalin nasa harap na ako ng eskwelahan, isa pa sinisigurado ko sayo hindi aabot ng dalawang buwan 'tong misyon ko." aniya at sinabayan ng mahinang tawa.

Pabiro siyang minura ni Tia habang bumubulong ng 'Hope all' na lalong ikinatawa niya. Nang tuluyang makalabas ng kotse si Ryne ay inayos niya ang pustura ng sarili.

Biyernes na kaya naman ang uniform nila ngayon ay kulay puti with black slacks na pinaresan niya ng kulay puting flat shoes.

She likes heels back then but when she started working in this Private School she always wear flat for purpose.

Tahimik na tinatahak ni Ryne ang daan patungo sa silid aralan ng klase niya nang biglang pumasok sa isipan niya ang lalaking halos hindi nagpatulog sa isip niya kagabi.

Dinala siya nito sa paborito nitong flower shop sa buong Manila at umakyat sila sa rooftop no'n na himalang pinayagan naman ng may-ari. Hindi niya maikakaila, that sight make her feel relax and calm. Idagdag pa ang mga mata nitong tila kay lalim kung tititigan.

Ipinilig ni Ryne ang ulo upang maiwaksi ang iniisip. She should focus on her mission. Not on Lyxian.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang ni Ryne sa silid aralan ay siyang sigawan ng mga istudyante niya dahilan para magulat siya.

"Good morning Teacher Ryne!" sabay-sabay na bati ng mga ito habang may mga ngiti sa labi hindi tulad noon wala ng isang timba ng putik ang bumuhos sakaniya.

She's taken aback and don't know if she's in a right room or her mind is just playing tricks on her?

Tumikhim siya upang tanggalin ang pagkagulat na ekspresyon sa mukha. "What's up with you students?" nagtataka pa ring tanong niya.

Walang sumagot bagkus ay tumayo ang presidente ng klase at lumapit sa Teacher's table na kinaroroonan niya.

"We enjoy the game yesterday Teacher so we're thinking if you can join a game with us this time?" nakangiting tanong ni Chris sakaniya.

Habang ang mga istudyante niyang naroon ay palihim na nagsisingitian, itinatago ang sayang nararamdaman.

She glanced at her student especially to Harold who's now sitting straight with his back. Hmm someone's changing...

"Hmm gusto ko sana kaso––" binitin niya ang sasabihin sa malungkot na boses, dahilan upang mag-alala ang lahat ng naroon. Tumawa siya ng mahina. "––hindi ko alam kung kailan niyo sisimulan ang laro. Ofcourse! Gusto kong sumali!" aniya na ikinahiyaw ng buong klase.

Pati yata ang grupo nila Harold ay nagsitalon sa tuwa. She can feel it, this bunch of students deserves more than this happiness.

"So what kind of game do you want to play with me?" she asked silencing her students.

Chris cleared his throat. "Chubby bunny challenge, bali hahatiin uli sa dalawang grupo ang klase Teacher, each group ay maglalaban sa paramihan ng naisubong marshmallow at kung ilang tao ang matitirang hindi nasusuka." mahabang paliwanag sakaniya ni Chris.

Napatango-tango siya kahit sa isip-isip ay parang gusto niya nalang umatras. Isa sa pinaka-ayaw niyang kainin ay ang marshmallow masiyado kasing malambot kaya ayaw niya nito.

"This time the group who'll win will one by one tell her/his story to everyone." nakangiting dagdag ni Chris.

Napakunot ang noo ni Ryne bago nagtanong. "Ayos lang ba sainyong lahat 'yon? I mean that's just too personal." may pag-aalangang sabi niya.

Nagkatinginan ang mga istudyante bago masuyong ngumiti sakaniya. "It's fine with me."

"Me too."

"Me three."

"We all agree." sabi ni Chris habang nakangiti sakaniya.

She doesn't know what to say but she would love to know them, her students..

"You see Teacher Ryne, simula nang ginawa mo 'yung nine/six thingy you make us realize something. Kaya gusto naming magbahagi ng kwento namin para mas maintindihan namin ang isa't-isa." sabat naman ng Vice president ng klase na si Vinz.

Ngumiti siya at tumango-tango. "That's a great idea, but first hindi ba at naglaro rin tayo kahapon? And Harold's team is the winner, it's their time to ask Chris group a personal question."

"Muli bumalik kayo sa dating grupo at maupo, isang tanong lang kada kaklase naintindihan?" baling niya sa grupo nila Harold.

Nagsi-tanguan ang mga ito, kinuha ni Ryne ang isa pang bangko at do'n naupo upang panoorin ang tanong ng mga mag-aaral.

Sa ikalawang pagkakataon ay magkatapat sila Harold at Chris. Pero hindi gaya ng una hindi na masama ang tinginan ng dalawa.

Tumikhim si Ryne at tumango kay Harold na bumaling ng tingin sakaniya.

"Here's the question. Why do you keep on following your parents?" tanong ng binata sa kaharap at isinandal ang likod sa upuan.

Narinig nila ang mahinang pagtawa ni Chris bago tumingin kay Harold na kaharap lang nito.

"Because if I don't follow them they'll surely take away my Grandpa from me. My Grandpa who knows me more than my parents, my Grandpa who supported me in anything I do nor love." sagot ni Chris habang may mapait na ngiti sa mga labi.

Hindi na nagsalita pa si Harold at natahimik pati ang buong klase. So she cleared her throat. "That's not fair though, sorry for hearing that Chris." aniya at tinapik-tapik ang balikat nito.

Kaagad na ngumiti ang binata sakaniya. "Nah, it's fine Teacher. By the way continue the question!" sigaw nito na muling ikinabuhay ng mga naroon.

Alam niyang lahat ng mag-aaral na naroon ay pare-parehong may mga dinadala, hindi mo lang talaga mapapansin sa una dahil mukha silang spoiled brats but the truth is they're just using that as a mask.

Hindi mapigilan ni Ryne ang mapangiti ng pait habang pinakikinggan ang mga sagot ng istudyante sa mga kaklase nitong tanong. Sadyang nakalulungkot lang dahil mismong pamilya o kamag-anak ng mga ito ang gumagawa ng gano'ng mga bagay sa mga mag-aaral.

They're just teenager for pate's sake! They deserve love and attention, not judgement from their own family...

Nasa kalagitnaan pa lang sila nang tanungan ng biglang naglabas ng malakas na tunog ang speaker sa buong school at dahil maliit nga lang ang lupain ay rinig na rinig ito sa bawat sulok.

She's taken a back and doesn't know what to do, while her students hurriedly went to their own sit, afraid of something she doesn't even know.

"Wait! What's happening? Why did you stop Class?" She asked.

"I think it's Fantasy Day, Teacher. You need to get out of this room or they will lock you here for seven days, alone." bakas ang hindi maintindihang takot sa boses nito.

Lahat ng mga istudyante niya ay nagsiyuko at tila ba ito ang ayaw nilang araw ngunit kailangan sundin.

Napalunok si Ryne at kinuha ang gamit ngunit bago siya tuluyang lumabas ay kaagad niyang binalingan ang mga istudyante na pasimpleng nakatingin sakaniya. "I'll be back students... Okay? Calm yourselves." aniya bago tuluyang nilisan ang silid.

Hindi pa man siya nakalalayo sa silid ay may nagsalita na sa speaker, malamang ang damuhong Principal ng paaralan.

"Ipinatatawag ko ang lahat ng guro at nais maipulong dito sa'king opisina. Salamat." maikling anunsyo nito.

Mabibilis at malalaki ang hakbang ni Ryne patungo sa opisina ng Principal. Nakasalubong niya si Nadia na pawang hinihingal.

"Anong nangyayari? Hindi ko maintindihan?" pagmamaang-maangan niya.

Sumabay 'to sa lakad niya. "It's Fantasy Day were students will be given a chance to use anything they want." sagot nito habang nagpapalingon-lingon sa paligid..

"What do you mean by anything?" nakakunot ang noong tanong niya kay Nadia.

Huminto ito at hinarap siya, pinakatitigan siya sa mga mata bago sinabing, "Drugs... No limits, no time, they can use it for the whole day." Nadia said before walking fastly.

Ryne doesn't know what to do, if she'll go to her students or to the Principal's office?

Pero kung babalikan niya ang mga istudyante niya mas mapapahamak siya, hindi pwede 'yon at baka mabuko pa siya. Kaya mas pinili niyang dumeretso sa office ng matanda.

Mamaya ang istudyante naman niya ang aasikasuhin niya.

Nang makarating siya sa office ay naroon na ang ibang guro, nasa sampo lang sila at sila ni Nadia ang huling nakarating.

Kaagad siyang naupo sa tabi ni Nadia habang ang Principal ay nakatayo sa harap nila at may hawak-hawak na robot.

It's not just a robot, she can feel that something is inside that thing. The logo of the robot caught her attention. LC, what does it even mean? She doesn't know about this kind of toy.

"This is LC Tech. Toy this is one of a high-tech toys that LC Company has made. This robot can hide anything without you noticing it. At kung ano man ang itago nito ay hindi mo basta-basta makukuha pwera nalang kung sisirain. Ibabalik lamang nito ang tinagong gamit kung i-uutos ng may-ari."

"But wait, there's more this robot can recognize his master using this card." mahabang sabi nito habang ipinapakita sakanila ang card na hawak.

Kauupo pa lang nila ngunit kating-kati na si Ryne na makaalis sa pwesto at mabalikan ang mga mag-aaral.

Nakakuyom ang kamao niya habang nakangiting nakikinig sa punong-guro na hanggang ngayon ay dumadaldal at ipinagmamayabang ang laruang hawak.

Wala siyang pake kung gaano kamahal ang mga laruang 'yon. Kung kinakailangan niyang sirain lahat ng robot na 'yon huwag lang makagamit ng drugs ang mga bata sa eskwelahan gagawin niya. Pero paano? Kung halos lahat ng kapwa guro niya ay tila nalulong na rin sa laki ng sweldo rito?

Nang matapos ang pulong daw ay nagmamadaling tumayo si Ryne na kaagad na napansin ng Principal.

"Ms. Quez? Ganyan ka ba kasabik umalis dito?" tanong nito habang matiim na nakatingin sakaniya.

Kaagad siyang humarap dito habang sapo-sapo ang tiyan.

"Sorry for acting like that, Sir Krizon. Its just that I think it's my first day having a period." aniya habang namimilipit kunwari sa sakit ng puson.

Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Nadia na kaagad siyang nilapitan. "Samahan ko na siya sa banyo Sir, baka kailanganin niya ng pads, I have one." sabi nito, kahit hindi naman totoo ang mga sinabi niya.

Tumango ito at binalingan ang ilang guro na natira sa loob ng opisina habang si Nadia ay nakaalalay sakaniya.

"May pads ka bang dala?" tanong nito ng makapasok na sila sa banyo.

Tumango siya, damn bakit kasi kailangan samahan pa siya?

"Sige magpalit kana tapos sasamahan kita sa room mo since may hihiramin din akong libro sa library, ilang room lang ang pagitan no'n sa room mo hindi ba?" malumanay na tanong nito mula sa labas ng cubicle.

At kahit wala naman siyang buwanang dalaw ay napilitan siyang maglagay sa undies at magkunwari muli. Kung hindi lang sana ito nagprisintang samahan siya ay napuntahan na sana niya ang mga mag-aaral.

Mabilis din naman silang nakarating sa silid aralan ng mga istudyante niya. At nang makaalis si Nadia ay dali-dali siyang pumasok at ipinalibot ang tingin sa mga istudyante.

Napatigil siya ng may makitang CCTV camera sa loob ng silid na kinaroroonan, sa pagkakatanda niya ay wala naman 'yon no'ng nakaraan.

Pasimpleng bumulong si Ryne sa bluetooth earpiece na nasa tainga. "Tia! Hack the CCTV camera, sa room na kinaroroonan ko ha?" aniya habang kunwari ay ipinalilibot pa rin ang paningin.

Ilang segundo siyang nakarinig ng pagtitipa. "Done, but I can't hack it for so long someone's hacking my laptop." sagot nito sa kabilang linya habang nagtitipa pa rin.

"How long?" She whispered while looking at her students that are busy in the robot. Damn!

"I can only make it for ten minutes." sagot nito at hindi na muli nagsalita.

Dali-dali siyang humarap sa mga istudyante na kaagad napalingon sakanila. "Can I have your robots?" She asked hoping that they're already trusting her.

"I know this thing has something to offer, Teacher." sagot ng lalaki sa likod habang kinakalikot na rin ang robot.

Napatingin siya sa relos niya at walong minuto nalang ang meron siya.

"Class listen, I need you to cooperate with me. Can you surrender your robots to me and not tell anyone about this?" umaasang sabi niya.

Nagkatinginan ang mga istudyante at sa hindi inaasahan unang tumayo si Harold kasunod ang mga tropa nito.

"I'm tired of using those drugs. Yes that robot have a drugs inside." ani nito at nilapag ang robot sa lamesa niya.

Kaagad niyang kinuha ang isang kahon na nasa gilid niya, lagayan talaga 'yon ng basahan ngunit ngayon robots na ang ilalagay niya.

Sunod-sunod na nagsi-tayuan ang mga istudyante at inilagay ang robot sa box na ikinangiti niya.

"Sorry, I hope all of you is trusting me..." aniya habang pinipigilan ang sariling maluha.

"We won't tell anyone about this Teacher." sabay-sabay na wika ng mga istudyante.

Kaagad niyang tinago ang box sa kabinet kung saan hindi makikita ng CCTV camera.

"At gusto ko rin sanang huwag muna kayong pumasok sa kahit anong subject niyo ngayong araw. Kahit ngayon lang." sambit niya.

Kaagad na nagtaas ng kamay ang Vice president ng klase bago tumayo. "Wala kaming klase tuwing Fantasy Day, but we can go home." sabi nito.

Tumango si Ryne at tila nakahinga ng maluwag dahil sa nalaman. "Please be safe, maaari na kayong lumabas." aniya at pumunta pa sa pinto kasabay ng pagsasalita ni Tia sa kabilang linya.

"Damn! Akala ko mahahack na talaga ang laptop ko. Good thing Rex helped me." sabi nito.

Mabuti at sakto lang siya sa oras kung hindi may nakakita na siguro sa ginawa niya. Nang makaalis ang lahat ng istudyante niya ay kinuha niya na rin ang sariling gamit bago nilisan ang silid.

Kasalukuyan niyang inaayos ang bluetooth earpiece sa tainga para makausap si Tia ng biglang may sumulpot na lalaki sa harap niya.

"Oh fuck!" tili niya at muntik nang masipa ito sa gulat.

Tinignan niya ng masama ang lalaki. "Are you out of your mind?" pikon na sabi niya.

"Woah, chill gorgeous hindi ko naman alam na matatakutin ka." sabi nito at mahinang tumawa.

Umirap siya sa hangin. "Hindi ako matatakutin, sadyang nagulat lang." aniya bago binunggo ang balikat nito matapos maglakad palagpas dito.

Kaagad itong humabol sakaniya, nagtataka nga siya kung bakit ba panay ang sunod nito sakaniya samantalang hindi naman sila masyadong magkakilala.

"Come on, gorgeous." anito pinagsiklop ang palad nilang pareho dahilan upang bumilis ang tibok ng puso niya sa hindi malamang dahilan.

"S-Saan mo na naman ako dadalhin?" nanlalaki ang matang tanong niya.

Hindi mapigilan ni Ryne ang sariling mapatingin sa kamay nitong mahigpit ang pagkakakapit sa palad niya. Masarap sa pakiramdam ang mainit nitong kamay na tila ba nilikha upang hawakan ang kamay niya panghabang-buhay, kung pwede lang...

"You deserve a delicious lunch, Gorgeous." sabi nito at kumindat pa sakaniya.

Napalunok si Ryne at tila naubusan ng sasabihin. Anong mayro'n sa kindat ni Lyxian at tila may tumatambol sa dibdib niya?

As he pulled her gently she didn't say anything and let Lyxian hold her hand while her heart if pounding like crazy.

Ryne was too busy and she doesn't even recognize that her bluetooth earpiece is missing.

A pair of expensive shoes stand infront of the earpiece. Pinulot nito ang earpiece at pinakatitigan  bago nilingon ang babaeng nakahulog nito..

"Why... Why do you have this thing, Teacher?" he whispered.

***

Hello goodmorning! I hope you'll have a good day, always take care mwah <33 Saixiee reading!



Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro