Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 8

[A:N] If ever someone ask, can paintball gun kill you?

The answer is No. While someone could come up with some crazy way to use paintball guns as a deadly weapon (maybe as a bludgeon), a paintball gun can't  kill a person when used as it is intended or even as it wasn't intended.

Thanks google <33 btw Saixiee reading!

(Photo of paintball gun in the media😗)



CHAPTER 8


"YOU'RE leaving already?" Raivye asked.

Tulad kahapon kasi ay binisita niya muli ang anak at mukhang ayaw na naman siya nitong paalisin.

Ryne pinched her son's pinkish cheeks. "I need to work, Baby." aniya at kinindatan pa ang anak.

Sumimangot si Raivye at hindi sumagot o nagpaalam man lang ng nasa pinto na siya. She sighed and walks towards Raivye.

She hold his cheeks gently. "Don't be sad little cutie, are you not happy? Lalabas kana rito sa isang araw or maybe tomorrow if pinag-igihan mo pa ang pagpapagaling." sabi niya sa anak at nginitian ito.

Napaigtad siya ng hindi inaasahang hawakan ng anak ang kaliwang bandang mata niya.

"Where's your scar Mom?" He asked innocently at her.

She looks away and couldn't answer her own son. Alam niya kasi simula ng tumuntong sa tatlong taong gulang ang anak niya ay gustong-gusto nitong nakikita at nahahalikan ang peklat niya sa kaliwang bandang mata.

"Are you hiding it? They said people used make up or do a surgery something? Para raw po matakpan 'yung scar sa skin." sambit ng anak niya habang patuloy ito sa paghaplos sa mukha niya.

Tipid siyang ngumiti at hinawakan ang kamay ng anak na nasa kaniyang mukha. "Yes baby, I'm hiding it." She said, confessing what she did.

And to her surprise her son smiled at her sweetly. "It's fine Mommy, atleast I'll get the chance to see it when we're together someday... Right?" tila naniniguradong sabi nito.

Natawa siya ng mahina at piningot ng hindi kalakasan ang ilong ni Raivye. "Ofcourse, silly. By the way Mom really needs to go now." She said as she kissed his forehead.

Raivye smiled at her. "Lab yu!" pahabol nito na ikinatawa niya.

Hindi naman bulol ang anak niya sadyang gusto nitong mas magmukhang cute ang boses kapag nag-a-i love you sakaniya para raw mukha 'tong baby.

"Lab yu, RaiRai!" nakangiting aniya bago tuluyang isinara ang pinto ng kwarto nito.

Napatingin siya sa sariling relo, she still have 20 minutes before her class. She can't deny but she likes teaching them nor making them feel comfortable to her.

Halos labing-limang minuto lang ay nasa tapat na rin siya ng eskwelahan, at tulad ng dati suot niya ang uniporme na para sa mga guro kulay gray 'to na coat with white polo inside paired with gray fitted jeans and black sandals.

Habang naglalakad ay hindi maiwasang pumasok sa isip niya ang lalaking nakita niya sa bintana kahapon. That Lyxian guy who's kind at her everytime they're seeing each other.

Ni hindi na nga niya ito nai-tetext dahil wala na rin siyang masyadong time, bukod kasi sa pagmamatyag ay inuubos niya rin ang oras sa anak.

"Hi class! So, I guess it's your vacant time?" nakangiting bungad ni Ryne nang tuluyang makapasok sa silid.

Huwebes ngayon at tuwing Lunes, Martes at Biyernes lang ang klase niya sa section nila Harold tuwing umaga. Nakita niya namang bakante ang oras nila ngayon.

"Yes, Teacher Ryne it supposed to be our rest time." puno ng sarkasmong sagot ng babaeng kagrupo nila Harold.

Nilingon niya lamang 'to ngunit hindi binigyang pansin habang ang pinuno ng mga ito ay himalang nananahimik.

"Who's the President again in this section?" tanong niya matapos ilapag ang gamit sa ibabaw ng lamesa.

Kaagad na nagtaas ng kamay ang nakaaway ni Harold, si Chris.

"Oh, Hi Pres. Maaari ko bang magamit ang vacant time niyo para makipaglaro? No worries this won't take your time too much. I just want to know you and your classmates more." aniya at ngumiti ng tipid sa mga istudyanteng naroon.

Nagsitaasan ang kamay ng ilan habang nakatingin sa presidente ng klase. "Pres. Say yes! I think that would be fun!" the girl with pink lip-gloss said.

Then another student say something. "Yeah! I agree with her." sabi nito at nagsunod-sunod na ang pagpayag ng lahat maliban sa grupo nila Harold.

Nararamdaman niyang dito talaga siya mahihirapan, sa grupo nila Harold na akala mo walang pakailam gusto pa yatang gamitan ng dahas bago sumunod.

"How about you, Harold?" nakangiting tanong ni Ryne at binalingan ng tingin ang binata.

Pasimple 'tong umirap sa hangin. "Do what you want." maikling sagot nito.

Napahawak siya sa sariling salamin, mukhang hindi niya na ito kailangang alisin dahil kahit papaano napapasunod na niya ang isa sa pinakamayabang na istudyante sa eskwelahang 'to.

"Teacher Ryne, since payag naman ang lahat pwede ko bang itanong kung anong klase ng laro?" tanong ni Chris na hanggang ngayon ay nakatayo.

Ngumiti siyang muli bago kinuha ang pinaglagyan niya ng mga ginupit na papel kagabi. Naisip niya lang 'yung laro na 'yon matapos mangyari ang away.

"You can sit down Mr. President. I'll discuss the mechanics." huminga muna ng malalim si Ryne at inilibot ang buong paningin sa mga mag-aaral.

Umaasa siya, umaasa siyang sa pamamagitan nito ay mas mapapalapit siya sa mga istudyante at malalaman kung bakit nga ba mas pinili nilang dito mag-aral.

Gustong-gusto na niyang matapos ang misyon niya, kung tutuusin ay pwede siyang umatras at ang Organization na kinabibilangan niya nalang ang maghahanap ng kapalit niya pero hindi niya yata kaya.

Hindi niya kayang makita na natapos nga ang misyon ngunit ang mga kabataang naririto ay mahirapang bumangon. Kaya hangga't maaga gusto niyang mabago 'yung desisyon ng mga batang nasa harap niya.

"Okay! Get one and pass, everyone should get one paper ok?" aniya bago binigay sa pinaka-unahan ang mga papel.

Mabilis namang naipasa ito hanggang sa likod, saktong bilang lang din naman ang ginawa niya kaya walang sobra.

"This game called Two Truths and one Lie. I don't know if some of you already know this game but  I'll add some twist." panimula niya bago bumalik sa Teacher's table at sa harap no'n tumayo.

"Imbis na facts about yourself ang isusulat niyo r'yan iibahin ko at ang dapat niyong isulat ay ang pinaka-gustong-gusto niyong mangyari sainyo at isang pinaka-ayaw niyo. 'Yung pinaka-ayaw niyo ang siyang tatayong One Lie sa laro na huhulaan ng kabilang grupo." huminto siya at tumikhim.

"Bali hahatiin ko kayo sa dalawang grupo at isa-isang magsasabi ng mga isinulat niyo r'yan na huhulaan ng kabilang panig. Paramihan kayo ng score and the group who will have the highest score will be having a chance to ask her or his classmate about his or her personal life––if that's ok with all of you?" aniya at muling tinignan ang mga istudyante.

Nagsitanguan naman ang mga ito at lahat ay pumayag sa mechanics ng laro. "You may now start on writing Two Truths and One Lie, I'll give you 10 minutes to write it down." aniya bago naupo sa bangko na naroon.

Lahat ay nagsimula nang magsulat kabilang ang grupo nila Harold na ikinangiti niya ng palihim. Atleast kahit papaano unti-unti na niyang nakikita ang pagbabago kay Harold.

She was in the middle of watching her students when her phone vibrates a new text message just pop in. She opened it and to her surprise its that Lyxian guy.

'Hey gorgeous, would you mind if you meet me at the Cafeteria in that private school?'

She didn't reply. Why would she meet someone that she doesn't even know from head to toe and that's a freaking man!

Napaigtad siya nang nagsitayuan ang mga istudyante niya. "Why are you standing?" tanong niya at napatayo na rin.

"Teacher Ryne, kanina pa kita tinatawag at nagbo-volunteer na ako na ang maghahati ng grupo, if that's ok with you?" ani Chris habang hawak nito ang nakatuping papel.

Napangiti siya. "It's fine, tapos na ba ang lahat at nakagrupo na?" tanong niya, maging si Harold ay nakatayo na rin habang hawak-hawak ang papel.

Nahati nga sa dalawang grupo ang mga istudyante niya, inayos na ng mga ito ang bangko upang makapagtanungan ng maayos mamaya.

"Okay! Let's start, mas maganda siguro kung sa dulo tayo magsisimula hindi ba?" nakangiting aniya ng makitang magkatapat sa dulo sila Harold at Chris.

Hindi nagsalita si Harold at bumuntong hininga lamang.

"Sure thing, Teacher." sagot ni Chris habang nakatingin sa papel na hawak.

"Okay, Harold you may start the game." aniya habang nakatingin dito, humaling 'to ng tingin sakaniya at mabilis din nag-iwas.

Tumikhim ang binata. "I want to grow old with someone. I want to be free from my family. I want my family's wealth." sunod-sunod na basa ni Harold sa sariling papel.

Hindi niya alam kung ano ang kasinungalingan sa mga 'yon pero nasisiguro ni Ryne. Hindi gusto ng binata ang pagtrato sakaniya ng sariling pamilya.

Tumikhim siya." So Chris what's the lie?" tanong niya at pinagalaw-galaw ang kilay.

Lahat ng mga kaklase ng mga ito ay nanonood may ilan pang humuhula.

"I think 'yung pag free sa family duh sinong gugustuhing umalis sa pamilya nila e ang yaman-yaman nila Harold."

"Agree, pero feeling ko 'yung pang-una!"

"Oo nga! Pwede rin, nice."

Sunod-sunod na hula ng mga istudyanteng nanonood dahil hindi pa nila pagkakataon maglaro. "Class quiet, let Chris decide." aniya at bumaling kay Chris na umayos ng upo.

"The first one is a lie." He said confidently.

"How do you say so?" nakangising tanong ni Harold sa kaharap, mukhang ginanahan matapos marinig ang sagot ng kalaban.

"Simple lang, everyone knew that you're the most badass jerk here in our school. And in the whole two years being your classmate I never see you talk nor being sweet to a girl." sagot ni Chris at pinagkrus pa ang braso sa harap ng dibdib.

Napatakip sa sariling bibig si Harold habang mahinang tumatawa. "Nah, you're wrong." sagot nito at iniabot sakan'ya ang papel.

"You can read the lie, Teacher Ryne." sabi nito habang matiim na nakatingin sakaniya.

Nagugulat man siya ay kaagad niyang kinuha ang papel. "Oh, Chris you're wrong. Walang tumama sa hula niyo." aniya at tinignan ang mga istudyanteng nakatingin na rin sakaniya.

Kahit si Chris ay nakaawang ang labi. "The third one is a Lie. He doesn't want he's family's wealth." aniya habang titig na titig sa papel.

Kahit siya ay napapaisip sinong tao ang tatanggihan ang yaman? At bakit parang sa mga sinulat ng binata ay ayaw na nitong magkaroon pa ng kahit anong koneksyon sa pamilya?

"Would you mind if I ask why?" tanong niya sa binata.

"Sorry Teacher, not now. You can ask me if their team won." sagot nito at bumaling na kay Chris.

"Okay, Chris it's your turn." nakangiting sabi niya.

Nagsimula nang basahin ng binata ang sariling papel habang ang kaharap nito ay para bang antok na antok lang.

"The first one is a lie." sagot kaagad ni Harold habang ngingisi-ngisi sa kaharap.

Nanlaki ang mga mata ni Chris na tila ba hindi makapaniwala. "What the, how did you know?"

"How did I know you don't want to be a politician? Ikaw na rin ang nagsabi hindi ba? We've been classmates for two years and in that years I saw how you really like robots nor operate them something." mahabang sagot ni Harold.

"One point for Group One, and still none for Group Two." nakangiting anunsyo ni Ryne sa klase.

Nagpatuloy ang laro at unti-unti niyang nakilala ang kaniyang mga istudyante kahit sa kakaunting impormasyon.

Madalas sa babae ay pinilit na dito mag-aral dahil daw masyadong maarte at hindi na mapasunod sa bahay.

Habang sa mga kalalakihan ay halos puro bulakbol daw at hindi na kaya ng ibang guro sa dati nitong mga eskwelahan. Ang ilan niyang istudyante na tahimik ay mga pawang kinamumuhian din ang pamilya dahil siguro sa hindi magandang trato ng mga ito.

"Thank you for spending some of your time with me Class! Since ang grupo nila Harold ang nanalo bukas nalang natin gaganapin ang asking thingy dahil malapit na rin pumunta ang susunod niyong guro. Bali bukas pagkatapos ng tanungan nila we'll have another game since friday naman 'di ba?" nakangiting sabi niya habang kaharap ang mga istudyante.

Nagsigawan ang mga ito sa tuwa na ngayon niya lang nakita. Halos lahat ay nakangiti hindi tulad dati na akala mo'y mga walang buhay ang mga kasama niya. Napangiti siya ng lihim ng makita bahagya ring nakangiti si Harold.

"And class? Alam kong wala akong maitutulong sa mga problema niyo ngayon. But I wanted to tell you that it was just a problem okay? If you let that eat the whole you it will ruined everything. Kaya kung may gusto man kayong gawin at tutol ang iba roon? Don't mind them, kung alam niyo namang mas makakabuti 'yang gagawin niyo sa buhay niyo."

"Remember, You don't need someone's opinion as long as you're not doing bad to anyone. And if your family forbids you to do something and you knew it will be better idea then follow them and if not then don't." nakangiting paalala niya bago tuluyang nagpaalam sa mga istudyante niya.

Lahat ay pawang nagkaroon ng buhay dahil sa larong sinimulan niya. Napangiti rin siya, magiging mahirap man ang misyon niya ngunit alam niya oras na matapos 'yon ay maraming tao ang mababago ang buhay.

Nagtungo si Ryne sa Cafeteria matapos makaramdam ng uhaw.

The moment her sandals hit the ground of the Cafeteria she saw a very familiar man making her froze and feel shy.

Matagal na niyang ibinaon sa hukay ang dating siya, ang dating Ryveeraine na mahiyain. Simula ng makatakas siya kay Lazaro she never show people how shy she is.

Kahit pa nga yata maglakad siya sa kalye ng puro dugo ang damit ay nagawa na niya ng hindi nakakaramdam ng hiya o pagkailang. Pero bakit sa simpleng sulyap lang sa binata ay daig niya pa ang babaeng nahubuan ng palda sa daan?

Hiyang-hiya na akala mo ay isang dalaga na walang karanasan sa kahit anong bagay.

Iwinaksi ni Ryne ang nasa isip at nagdere-deretso papasok sa Cafeteria kahit pa nga nagsisimula ng mangatog ang tuhod niya. Hindi niya pa rin nakakalimutan ang nangyari no'ng nakaraan, 'yung paglapit ng mukha nito at ang pagkahuli sakanila ng Principal.

"O-One strawberry juice please." aniya sa nagtitinda habang pinipigilan ang sarili na lingunin si Lyxian na may kausap na dalaga.

Nang makapagbayad at makuha ang binili ay kaagad niya 'tong kinuha at malalaki ang hakbang na naglakad palabas ng Cafeteria.

Ngunit bago pa man siya tuluyang lumabas ay muli niyang nilingon ang binata. "I didn't expect that you'll bring back that side of me.." bulong niya bago pinagpatuloy ang paglalakad palabas.

Hindi pa man siya nakalalayo ay naramdaman niya ang pangahas na humawak sa kamay niya. Hindi kaagad siya nakapalag at nakasuntok dito dahil sa bilis nitong tumakbo habang hila-hila siya.

Good thing she's wearing a flat sandals.

Napatingin si Ryne sa lalaking hawak-hawak pa rin ang kamay niya at tila ba may bumato ng kamatis sa mukha niya ng makilala kung sino 'to.

Amoy pa lang ay nakilala na niya ano pa kaya ang magandang likod nito? Hindi man kalambutan ang palad ay ramdam na ramdam niya ang init niyon habang mahigpit siyang hawak.

Tinampal niya ang sarili gamit ang kabilang kamay upang pahupain ang kung anong nararamdaman sa bandang tiyan, parang may paro-paro hindi niya maipaliwanag kaya maging siya ay mas gulong-gulo.

Napatikhim siya ng tuluyan silang huminto sa parking lot ng school. Mabilis ang tahip ng puso niya, hindi niya alam kung dahil ba sa pagtakbo o sa lalaking hawak-hawak pa rin ang kamay niya?

"Baka gusto mong bumitaw at sabihin kung bakit kailangan mo akong hilahin?" aniya habang habol ang hininga.

Napatingin sakaniya si Lyxian at marahang binitawan ang kamay niya. "Sorry, I was just determined to see you." anito habang nakangiti sakaniya.

Kaagad siyang nag-iwas ng tingin. Ang gano'ng uri ng ngiti ay nakakapagpalaglag ng panga ng mga kababaihan ngunit hindi siya, hindi pwede.

"What are you doing here?" tanong niya habang hindi pa rin makatingin sa binata ni hindi na nga niya napagtuunan ng pansin ang juice na in-order niya.

Hinawakan siya nito sa ulo kaya sa gulat niya ay kaagad siyang napaatras. He chuckled. "I sent you a text message earlier, you didn't read?" tanong nito.

Napatingin siya sa cellphone na nasa bulsa, mabuti at hindi nahulog habang hila-hila siya ng binata kanina.

"Hindi." pagsisinungaling niya.

"It's fine, let's go?" nakangiting sabi nito habang nakalahad ang isang kamay sakaniya.

"Gagawin ko r'yan?" nakataas ang kilay na sabi niya.

Hindi 'to sumagot at si Lyxian na mismo ang humawak sa kamay niya, marahan siyang hinila patungo sa motorsiklong nakaparada sa isang gilid.

Nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa sasakyan. Marunong siya magmotor pero matagal na rin simula ng makasakay at makapag-drive siya no'n.

"Diyan tayo sasakay?" tanong niya.

Muli hindi 'to sumagot imbis yumuko sakaniya ng bahagya at nakangiting isinuot ang helmet sa ulo niya habang siya ay parang natuod sa kinatatayuan.

Hindi nalang siya muli nagsalita lalo na nang sumakay na sila sa motorsiklo. Kaagad siyang napakapit sa balikat nito at habang binabaybay nila ang daan patungo sa kung saan ay muling pumasok sa isip niya ang paghawak nito sa kamay niya.

Kaagad na napatingala si Ryne nang maramdaman ang pag-iinit ng pisngi. Hindi rin naman siya tumatakbo pero bakit ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya?

"Saan ba tayo pupunta?!" malakas na tanong niya sa binata upang malibang ang isipan.

Lyxian look at her in the side view mirror and she didn't see how his eyes twinkle in happiness.

"I know how hard it is to be a Teacher and being the second mother of your students. So I think you wouldn't mind if I treat you some relaxation!" malakas na sagot nito.

Ryne couldn't believe what she's hearing this is the first time that a man shows care for her beside her father and son.

And without noticing a genuine smile stretch her lips.

***

[A:N] Hi! So naparami ang type ko it should be 2.2k words since nagsisimula pa lang ako but umabot siya ng 2.9k HAHAH until next week again! btw Saixiee reading! Mwah😗




Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro