CHAPTER 7
CHAPTER 7
LYXIAN can't keep himself focus on what he's doing. Kanina pa siya nakabalik mula sa School na pinuntahan at hindi pa rin maalis sa isip niya kung paano naging eskwelahan 'yon sa liit ng space.
Pakiramdam niya maraming nakatago na hindi mabubunyag nino man ng basta-basta. Ngunit sa tulong ni Nadia ang babaeng maikli ang buhok na nakilala niya kani-kanina, ayon dito ang eskwelahang 'yon ay pinaka-private at tanging mga mayayaman ang binibigyang tiyansang makapag-aral doon.
Nararamdaman niyang sa oras na mas nagdidikit pa siya kay Nadia ay may malalaman pa siyang iba. Kailangan niyang protektahan ang negosyo niya lalo na't kakabangon lamang nito mula sa pagkakalugmok dahil sa kapatid niya.
"Sir, This will be the last batch." ani ng secretary niya matapos ilapag ang ilang papeles na pipirmahan.
Tanging tango lang ang naibigay niya ng muling pumasok sa isip niya ang dalagang nagngangalang Ryne. The way she acted earlier it's strange but he can't blame her the Principal just caught them.
Natawa nang mahina si Lyxian dahil sa naalala. Matapos niya kasing ilapit ang mukha sa dalaga tila nakita niya ang pamumula ng pisngi nito.
He thinks that that was the cutest expression that he ever seen.
"Are you making some piece of scenario in your head again while working, Sir Corvoz?" tanong ng kadarating na si Grios.
Tumayo 'to sa tabi niya. "It's Lyx, Grios." aniya at nagpatuloy sa pag-pirma.
Nang biglang may maalala siya. 'Yung batang nasagasaan nawalan siya ng update ilang araw na rin ang nakakaraan.
"Grios?" tawag niya sa personal butler. Kaagad 'tong bumaling sakaniya.
"Yes, Sir?" magalang na sagot nito, seryosong-seryoso. "Do you already found out who hit the little boy?" tanong niya bago itinulak ang papeles pagilid sa lamesa niya.
Kakaunti lang naman ang kailangan niyang pirmahan kaya mabilis niyang natapos kahit pa nga puno ang isip niya kanina.
Hindi kaagad nakasagot si Grios kaya ipinaikot niya ang swivel chair paharap dito. "Well?" muling aniya.
"I didn't, sorry Sir. But someone's blocking me in accessing the CCTV records." sagot nito habang nakayuko.
Someone's blocking his butler so it means it was not an accident at all. Someone's really want to kill the kid. But the question is why? He's a kid for pate's sake.
Napatingin siya sa labas ng opisina. Mula sa kinauupuan niya kitang-kita ang buong siyudad ng Manila. Minsan napapasabi nalang din siya, mas maganda pa rin talaga sa probinsyang pinanggalingan niya.
" 'Yung tungkol sa batang hindi mo kaano-ano inaalam mo, pero 'yung sumugod at nagtangka sa'yo no'ng nakaraan wala kang pakailam?" maya-maya ay sabi ni Grios. Note the thick sarcasm.
He chuckled this is the reason why he didn't want to replace his butler, he's like a brother when scolding him.
"Oh, someone's worried about his Master huh?" He said playfully to tease Grios.
Grios just tsk at him. Mabilis talaga 'tong mapikon sa tuwing ginagamit niya ang salitang Master.
Natawa siya ng mahina bago muling bumaling sa salamin na bintana. Iniisip kung mararamdaman pa ba niya ang pagmamahal na sa ampunan niya lang nadama.
MAAGANG pumasok si Ryne kinabukasan tulad nang nakagawian. Dinaanan niya rin ang anak niya, mabuti nalang at maayos na ang lagay nito tanging ang sugat nalang talaga sa ulo ang ginagamot.
Nasisiguro niyang bukas o sa susunod sa araw ay tuluyan na 'tong makakalabas ng hospital, nagrereklamo pa nga ito dahil panigurado raw ay marami siyang nalagpasan na quizzes.
Tumikhim si Ryne upang maitago ang ngiti sa labi bago tuluyang pumasok sa silid. Nakakunot ang noong ipinalibot niya ang tingin.
Nang maiayos niya ang mga gamit ay umupo siya sa isang upuan na katapat ng Teacher's table. Ngunit gano'n nalang ang gulat niya ng kasabay ng pag-upo ay siyang pagtama ng kung ano sa noo niya habang may kasamang sticky note.
It has a message saying. "Wala kaming balak antukin sa klase mo."
Mabilis niyang nilukot ang papel, inalis ang tumama sa noo at tumingin sa isa sa mga istudyante.
"Where are the others?" She asked trying to control her temper.
The girl near her answered. "They're fighting Teacher Ryne––" sumagot din ang isang dilag. "––Harold said he's sick of hearing your voice. You can see them in that window punching each other." sabi ng isang dilag matapos ituro ang bintana at nagpatuloy sa pagmamake up ng mukha.
Nilingon niya ang ilang kalalakihan sa likod. "And you didn't even stop them boys? Wala man lang ba kayong malasakit sa isa't isa?" She said disappointedly.
"Teacher, kapag umawat kami paniguradong pati kami damay sa away dahil kay Harold." sagot naman ng isa sa istudyanteng lalaki.
Napupuno na siya! Hindi niya hihintaying may magpatayan sa mga istudyante niya bago siya kumilos. Kaya kahit walang pahintulot ni Tia kinuha niya ang tatlong libro na nagsisilbi niyang taguan ng gamit.
Yes the three books are hiding something and the three books are not really books its like a hiding bag.. She opened it making her students gaped at what they're seeing. It guns.
She grabbed the paintball gun. Kinasa niya 'to matapos lagyan ng bala, inalis ang salamin sa mata at nanlilisik 'yong ibinaling sa bintana.
Those students were hard-headed they need to see what she can do.
Kaagad siyang dumungaw sa bintana matapos isara ang librong pinagtataguan niya samantalang ang mga istudyante niyang nakakita ay tila mga tulalang nakasunod lang ang tingin sakaniya. Ang iba ay nakikisilip habang tinatanaw niya ang grupo nila Harold na may pinalilibutan.
Magkakaklase sila, they should treating each other like they're siblings not enemies.
"Harold! Stop that shit and come back here!" She shouted.
But her students just smirk at her. Binunggo-bunggo ng mga ito ang mga kaklaseng pinalilibutan.
Hindi na siya nakapagpigil pa at mabilis na inasinta ang binti ng isa. Kaagad na humiyaw ito sa sakit at hindi alam ang gagawin.
"Babalik kayo rito o tatadtarin ko kayo nitong hawak ko?" malakas na sigaw niya.
Ang isang nabaril niya ay mabilis na umakyat pabalik sa silid nila habang kasa-kasama ang ilang natakot matamaan ng bala.
Si Harold at ang nag-iisang babae nalang sa grupo ang natira habang ang mga istudyanteng hinaharang nito kanina ay nakalusot na at pumasok na rin.
"You think you can scare me using that fucking gun? Hell n––" hindi nito natapos ang sasabihin ng dalawang beses niya itong barilin.
Tumama ang bala sa dibdib at hita nito kitang-kita niya kung paano itong natigilan habang nakaawang ang labi sa sakit na iniinda.
Matalim na tinignan ni Ryne ang babaeng katabi ni Harold. "Ano? Gusto mo ring barilin kita para bumalik kayo rito sa silid?" aniya habang nakatutok ang baril sa babae.
Hindi ito nagsalita bagkus ay mabilis na inakay si Harold. Nang bumaling siya sa mga istudyanteng nasa loob lang din ng silid ay mabilis na nagsibalikan sa upuan ang mga ito.
"Sinong nagbabalak pa ritong gumaya kala Harold? Gusto niyo bang i-advance ko na ang parusa niyo?" aniya habang ibinabalik sa taguan ang paintball gun.
Walang sumagot sakaniya ni isa. Mabuti nang nagkakaintindihan sila. Tanging kay Harold lang talaga siya mahihirapan. Napag-alaman niya kasing nag-iisa 'tong anak ng isang mayamang negosyante kaya gano'n kung umasta.
Nang tuluyang makapasok ang lahat ay tumayo sa gitna si Ryne, suot-suot na rin ang salamin.
"Anong pinag-awayan niyo?" tanong niya sa dalawang kampo ng nag-away.
"Anong pakailam mo?" hindi nakatingin na sabi ni Harold.
"Hindi lang ikaw ang kausap ko, wag kang ambisyoso." aniya at bumaling sa kaninang pinalilibutan nila Harold.
Narinig niya pa ang pigil na tawa ng ilang kalalakihan sa likod. "Huwag kayong tumawa, wala naman kayong nagawa para pigilan silang mag-away." aniya at muling tumingin sa kaaway ni Harold.
"Spill the beans." She said and crossed her arms above her chest.
"Its just that he keeps on giving his opinions to the robot collection that I want even though i didn't ask him." nakayukong sagot nito.
Napabaling siya ng tingin kay Harold ng malakas itong bumuntong hininga. "Because that collection is cheap, what are you a poor homeless kid?" sabi nito na kaagad tinawanan ng mga barkada.
Napasapo sa sariling noo si Ryne. Akala niya kung ano ng sobrang seryoso 'yun lang pala. But still she needs to do something to make them understand each other.
Ryne immediately grabbed a bond paper when she got an idea. Draw a big number nine and place it at the center of Teachers table.
"You two, come here." aniya matapos maiayos ang bond paper.
Kaagad na lumapit ang kaaway ni Harold habang 'to ay nanatili sa sariling upuan habang nakatingin sakaniya na tila ba wala 'tong pakailam.
"Do want another shot?" aniya habang nakangiting nakatingin dito na sabi niya.
"Oh fuck it." bulong nito bago padabog na tumayo at lumapit sakanila sa harapan.
"Pumwesto kayong pareho sa bawat dulo ng lamesa at pagkatapos sabihin niyo sa'kin kung anong number ang nakikita niyo." sabi niya habang nakatayo sa gitna ng dalawa.
Muli mabilis na sumunod ang isa habang si Harold ay nakatingin lang sakaniya. "Why are you looking at me? Nasa akin ba ang paa mo at hindi ka makagalaw?" nakataas ang kilay na sabi niya.
Hindi ito sumagot at nakakunot noo na sinunod ang inutos niya.
"Now, what number can you see?" She asked and look at her other students who's just watching them.
"Ofcourse nine." pairap na sabi ni Harold.
"No it's six." the other boy said.
"Are you blind or something? It's nine, fucker."
"You're the one who's blind, it's six!"
"Nine!"
"Six!"
Kaagad siyang pumagitna sa dalawa. "Stop, tinanong ko lang kung anong numero ang nakikita niyo hindi ko sinabing magtalo uli kayo." seryosong aniya.
Naglakad siya palapit kay Harold bago pinagpalit ang tingin sa dalawa. "Magpalit kayo ng posisyon ng hindi tumitingin sa numero."
Tamad na tamad na sumunod si Harold habang matalim na tinitignan ang isa pang binata.
"Now, look what number can you see." She said as she look at the two face expressions.
"It's six?" parang hindi makapaniwalang sabi ni Harold habang titig na titig sa numerong nasa harapan.
Lumingon si Ryne sa isa pang binata. "It's nine.." mahinang ani nito.
Tinapik niya ang balikat ng dalawa. "You see? Just because you're right––" she glanced at Harold. "––Does not mean he's wrong. You both just haven't seen the life of each other's side."
Hindi niya napigilang ngumiti ng tipid at hinarap ang mga istudyante habang nasa pagitan pa rin ng dalawa.
Naglakad siya palapit sa mga nakaupong istudyante. "And one more thing, don't gave your opinion to someone if he or she didn't ask for it, as long as they're not bothering any people or you while doing the things they like just let them besides it's their life not yours."
Binalingan niya ang dalawang nakatitig pa rin sa numero na nasa mesa. Muli niyang nilapitan ang mga ito.
"So I think you understand each other's side now? Can you both apologize to each other?" She asked calmly.
Bumaling ng tingin sakaniya si Harold ngunit mabilis din nag-iwas ng tingin. "Sorry, bud." ani ng isang binata habang nakalahad ang kamay.
"Sorry. Tsk." hindi maintindihang bulong ni Harold at mabilis na nakipagkamay sa kaharap.
"He didn't hear." She said.
Harold look at her with a 'are you kidding me?' look. Minsan pa itong bumuntong hininga ng malalim. "Fine, I'm sorry, Chris." He said before leaving their class room.
Lihim siyang napangiti, siguro naman kahit papaano ay may narealize ang mga istudyante niya.
"Go back to your seat." She said.
Lumapit siya sa bintana nang makitang hindi maayos ang pagkakabukas no'n habang may sinusupil na ngiti sa mga labi.
Ngunit ang ngiting 'yon ay naglaho ng makita ang lalaki na para bang kanina pa siya hinihintay na sumilip sa bintana.
"What the hell is he doing here?"
***
FACT
PAINTBALL GUN- A paintball marker also known as a paintball gun, or simply marker, is an air gun used in the shooting sport of paintball, and the main piece of paintball equipment.
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro