CHAPTER 4
Hi there! I hope you're enjoying the story, kasi ako? Kinikilig ako habang ina-outline ang mga susunod na mangyayari nawa'y kayo rin ay kiligin HAHA by the way always keep safe Saixies! Mwah
Saixiee Reading!
CHAPTER 4
KAAGAD na naging mapagmatyag ang mga mata ni Ryne matapos makadapa. Ayaw niyang mapapalapit sa kahit na sinong lalaki pero kailangan ng lalaking 'to ang tulong niya.
Mabilis ang kilos na tumayo si Ryne habang ang lalaki ay itinatayo ng isa pang lalaki na tumawag ditong Sir. Napalingon siya sa gawing kaliwa at nakita ang mga nagtatagong anino na balak sumugod.
Inalis niya ang kaniyang salamin at pasimple itong itinago sa bulsa habang malakas pa ring pinakikiramdaman ang mga nais sumugod. Ang dahilan ng mga ito upang sugurin ang lalaki ay hindi niya alam, at lalong hindi na ito ang oras upang magtanong siya nang magtanong, may anak pa siyang pupuntahan upang kumustahin ang kalagayan.
She clenched her fist as she closed her eyes to stay focus. Samantalang ang dalawang lalaki ay pareho ring nakikiramdam sa paligid.
Hindi nga siya nagkakamali ilang segundo lamang ang dumaan at kaagad na lumabas ang mga lalaki mula sa pinagtataguan. Halos nasa sampu ang mga kalalakihang nakapalibot sakanilang tatlo.
"Do you know them?" The man that she saved asked her.
"No, you're the one that they're after to, Mister." aniya at kaagad na umigkas ang paa matapos makita ang patalikod na atake ng isa.
Kaniya-kaniya sila ng inaatake, apat ang napunta sakaniya samantalang sa dalawa ay tig-tatlo. Kaagad umangat sa ere ang kamay niya upang tumama sa sikmura ng kalaban ngunit ito'y naka-iwas at siya ang tinamaan sa tiyan.
Napaatras si Ryne at napadura, ito ang klase ng laban na gusto niya, 'yung kaya siyang patamaan hindi 'yung mahina na nga hindi pa siya matamaan. Ngumisi siya nang nakakaloko at tumingin sa tatlo nalang niyang kinakalaban, ang isa kasi ay bagsak na sa sahig sapo-sapo ang nasiko niyang ilong, mata at sintido nito.
NAPALATAK si Lyxian matapos makitang tinamaan ang babaeng nagligtas kanina sakaniya sa bingit ng kamatayan. Ngunit kaagad na nawala ang paningin niya rito ng may isa sa dalawa niyang kalaban ang muling sumugod.
He punched, he kicked fast without holding back his strength. "You okay, Sir?" hinihingal na tanong ni Grios na nasa gilid na niya, napatumba na nito ang tatlong kalaban.
At dahil kulang na rin siya sa ensayo ng pakikipaglaban ay hindi na siya gaano kagaling sa ganitong bagay.
Sinipa niya ang tagiliran ng isa. "Yeah, ofcourse." aniya at muling umatake sa dalawa na mabilis na niyang napatumba dahil sa dami ng tama nitong kagagawan niya.
Nang bumagsak ang dalawa sa sahig ay siyang tunog ng isang sasakyan na kaagad na ikinalingon nilang pareho. Nakita nila ang babae sa ibabaw nito habang tapak-tapak sa ulo ang nag-iisang kalaban nito.
"Damn, is she really a woman?" Grios tsked, while looking at the woman with his wide opened eyes.
"Close your mouth Grios, you might chew a flies." He said while still looking at the woman.
Nang tuluyang makababa ang babae sa kotse na hanggang ngayon ay tumutunog ay kaagad niya itong nilapitan. Gusto niyang magpasalamat dahil panigurado kung ibang tao 'yon mas pipiliin nalang tumakbo at manahimik.
"Hey, Miss?" tinignan lang siya nito bago sinuot ang salamin sa mata. "Thank you, I owe you my life." aniya at matipid na nginitian ito.
Ilang segundo pa silang nagkatitigan bago tila nagising ang babae at napailing-iling. Tumango lang ito sakaniya at tumalikod ngunit bago pa man ito makalayo ay nagsalita na 'to.
"Next time, don't go to open places if you're involve to some kind of troubles." huling sinabi nito bago tuluyang naglakad palayo sakanilang dalawa ni Grios.
"Woah, Sir I think someone just stole my heart." bulong ni Grios na ikinatawa niya ng mahina.
Sa tagal ba namang nagseserbisyo sakaniya ni Grios naging isa na rin ito sa mga matatalik niyang kaibigan, well dalawa lang pala ang matalik niyang kaibigan.
Muli siyang napalingon sa dinaanan ng babae bago tinapik sa balikat si Grios at sumakay sa sariling kotse.
What a cool woman..
RYNE HURRIEDLY went to her son's hospital room when Tia called her and says Raivye is awake.
Mabilis pa sa alas kwatro siyang nakarating kahit pa tinakbo niya lang ang layo ng hospital sa Caffe na pinuntahan niya. Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pinto ay kaagad niyang nakita ang anak na nakikipag-usap sa taga-bantay nito.
Sa talino ng anak niya alam niyang magaling ito sa pagdadahilan at pagdepensa sa sarili o kahit anong bagay na nais nito.
Ang ngiting nasa labi niya ay tila bulang naglaho ng tapunan siya ng tingin ng anak at kaagad ding inalis. Napabuntong hininga siya at sinenyasan si Ella, taga-bantay nito na iwan muna sila. Kaagad itong tumalima at nakayukong nilisan ang kwarto.
"Raivye..." lumapit siya at sinubukang hawakan ang kamay ng anak na kaagad nag-iwas.
Napakagat-labi siya at hindi alam ang sasabihin. Sandaling binalot ng katahimikan ang kwarto hanggang sa ang anak na niya mismo ang bumasag niyon.
"Why are you here?" ang maliit ngunit malamig nitong boses ang muling nakapagpa-angat ng tingin niya. "Because I heard what happened to you.." malambing ang boses na aniya at pilit hinawakan ang kamay nito.
Tuluyan itong humarap sakaniya at tila ba dinurog ang puso niya ng makitang nangingilid ang luha sa mga mata nito. Something must happened to her Raivye.
"Oh don't cry, Mommy's here na.. Hush I'm sorry." mahinang aniya habang hinahaplos ang ulo nito.
"Can I asked something?" nauutal na tanong nito habang ang maliit na kamay ay pilit inaagaw mula sa pagkakahawak niya.
Alam niyang siya ang may mali kung bakit naging ganito sakaniya ang anak pero wala siyang mapagpipilian para lang maprotektahan ito.
Tumango siya at mas hinigpitan ang hawak sa kamay nito. "Am I that ugly that's why you don't want to live with me? Do I stink? That's why you're hiding from me?" ang maliit na boses nito ay tuluyang nabasag ng magsimulang lumuha ang anak.
Parang may pumiga sa puso niya at ilang beses na dinurog ng makita at marinig ang sakit sa mga sinasabi ng anak. Kaagad niya 'tong niyakap.
"No, No... Who told you that hmm?" She asked and kissed his temple.
Ngumiti ito ng may pait sa labi. "My classmates always says I maybe the smartest kid in our room, but I'm the worthless, useless and ugliest kid that's why I don't have my Mom or either my Dad beside me..." hirap na hirap na sabi nito habang patuloy ang pagragasa ng luha sa mga mata.
Hindi niya alam na sa murang edad ng anak ay ganitong sakit na idinulot ng pagkawala niya sa tabi nito, gusto niya ring buo ang pamilya pero paano niya gagawin 'yon kung mismong buhay nilang mag-ina ay matataya sa peligro?
Muli niyang niyakap ang anak matapos punasan ang mga luha nito. "No, you're worth it, you're not useless, and you're my cutest Raivye so don't think what they're saying ok?" She said as she showered her son's face with a lot of kisses.
"And baby? I'm not living with you because my work is dangerous, I won't risk your life just to be with me. Kaya gusto ko kala Tita Tia mo muna ikaw, okay lang ba 'yon? Bibisitahin kita kapag may free time na ako and promise if my mission goes good, I'll resign with my work and live with you in one roof." She said and smiled to her son.
Her son immediately embrace her tightly. "Sorry, Mommy kung hindi ko kaagad naintindihan..." anito sa malumanay na boses habang yakap-yakap siya ng mahigpit.
Napangiti siya at kinurot ang mamula-mula nitong ilong dahil sa pag-iyak kanina. "Shh you don't have to apologize, I love you, baby." She said and kissed his temple.
And finally, she saw her son's beautiful smile again after three years of not being with him. Seeing her son crying because of the thought that she hates him makes her feel the worst mother so she promised herself, if she finish this mission she'll stop being an Agent and focus herself to her lovely Raivye.
***
TAHIMIK na umiinom si Ryne sa loob ng isang bar na hindi kalayuan sa hospital. Alam niyang mahina siya sa alak at ito ang napili niyang parusa sa sarili dahil sa itinrato sa anak.
Hindi niya alam na sa murang edad nito ay gano'n na ang paghihirap ng anak sa isipin pa lang na hindi niya ito gusto. Inaamin niya ayaw niya sa anak niya simula ng gabing magising siya sa hospital, walang kakilala at tanging doktor na sumuri sakaniya ang nagsabi ng kalagayan niya.
Buntis siya, 'yon ang namutawi sa buong sistema niya nang umakyat sa rooftop ng hospital at balaking patayin ang inosenteng bata na nasa sinapupunan niya. She thinks that carrying that coward's son would make her suffer. But she's wrong, he became her angel.
Namatay man ang kakambal nito pero nagpapasalamat siyang nabigyan pa siya ng isang pagkakataon upang alagaan at mahalin ang anak niya.
"I'm so sorry, Rylie.." She whispered as she drinks the hardest alcohol that she ordered.
Patuloy na nag-inom si Ryne masyado siyang nagagalit sa sarili dahil sa sinapit ng anak lalo pa at hanggang ngayon hindi niya mahanap-hanap ang walang hiyang sumagasa sa anak niya.
Una pa lang alam na niyang hindi 'yon aksidente, sinadya ito at pinuntirya dahil sa kaalamang ito'y anak niya.
Mapupungay ang matang napabaling siya sa front door ng bar matapos nitong tumunog tanda na may bagong dating na papasok. And as the man's shoe touched the ground of the bar, she feels like someone made her freeze.
Muling dumaloy sa ala-ala niya ang lalaking sinagip niya, ni hindi na nga niya ito naisip mula ng makabalik sa hospital at ngayon lang muli itong naalala.
Ang humahalimuyak nitong amoy panlalaki na hindi masakit sa ilong, ang itim na itim nitong buhok na bahagyang nakataas at para bang laging bagong suklay, ang mga mata nitong mapusyaw ang pagkaka-asul ng kulay, katamtamang tangos ng ilong at mamula-mulang mga labi.
Napalunok si Ryne at gustong kastiguhin ang sarili, oo nga't niligtas niya ito kanina ngunit hindi 'yon dahilan upang titigan niya ito na para bang wala ng bukas!
Umiwas siya ng tingin at muling nilagok ang alak na nasa basong hawak. "Isa pa," aniya sa bartender habang nilalaro ang wala ng laman na baso.
Muli siya nitong sinalinan ngunit hindi pa man napupuno ang baso ay muling bumalot sa ilong niya ang pabango na tila naamoy na niya. Napabaling siya sa bagong dating at kaagad na nag-iwas ng tingin nang maalala kung sino 'to!
Ayaw na niyang mapalapit sa kahit na sinong lalaki maliban sa anak, mas gugustuhin niyang ituon ang buong atensyon sa nag-iisa niyang anak.
"You're having fun alone huh?" komento ng katabi na kasalukuyan na ring umiinom ng alak.
Hindi siya kumibo at muli nalang lumaghok. Kung ang isip niya ay marupok at nais makipagkilala, hindi ang puso niyang bato at minsan ng binalot ng makapal na yelo. Hinding-hindi na siya magpapagamit kahit kanino.
Umusog siya ng kaunti kahit na ilang dangkal na ng kamay ang layo nilang pareho. Nang makita niyang bahagya rin itong umusog ay muli siyang umusog hanggang sa hindi niya namalayang wala na siyang uusugan.
Mahigpit siyang napakapit sa inuupuan habang pilit binabalanse ang katawan pero hindi niya nagawa at tuluyang gumewang ang sahig na malamig ay ang inaasahan niyang sasalubong sakaniyang katawan, ngunit isang pares ng mainit na braso ang pumulupot sa bewang niya hanggang sa pareho silang nabuwal.
"Damn, you're not that heavy but you fight like you're the heaviest woman in town." a baritone voice filled her ear.
Her eyes widened as he look at the guy's face who catch her. Napatitig siya sa mapusyaw na asul nitong mga mata habang nasa ibabaw pa rin nito.
Nang matauhan ay mabilis pa sa alas kwatrong bumangon si Ryne, pinagpag ang damit at muling uminom ng alak. Ano bang iniisip niya para hayaan ang sariling bumagsak sa sahig?
"Walang anuman." bakas ang makapal na sarkastiko sa boses nito ng bumulong malapit sakaniya.
Kung gano'n umaasa ang lalaking 'yon na magpapasalamat siya? Nakakahiya naman, note the sarcasm.
"Salamat." Aniya at nagbayad sa bartender.
Kasabay ng biglaan niyang pagtayo ay siyang pagsubsob niya sa lalaking nasa tabi dahil sa biglaang pag-ikot ng paningin. Ang mukha ng lalaking may mabangong amoy ang sumalubong sakaniya, titig na titig silang pareho sa isa't-isa.
R18!!! Saixiee warning! (You can skip this part.)
Unti-unting lumalapit ang mukha nila sa isa't-isa ng hindi nila namamalayan. Gusto niyang pigilan at itulak ang sarili palayo ngunit mahihirapan na siya lalo na't ang mga labi nila ay iilang dangkal nalang ang layo sa isa't-isa.
Sabay silang napalunok at kasabay ng tuluyang pagpikit ng mga mata ni Ryne ay siyang paglalapat ng labi nilang pareho. Isang matamis at mabagal na halik mula sa dalawang taong hindi magkakilala, mistulang stranghero sa isa't-isa ngunit pinag-uugnay ng halikang kanilang dinadama.
Ang kaninang mabagal at malumanay na halik ay naging mapusok hanggang sa naramdaman niya ang pagpulupot ng kamay ng lalaki sa bewang niya. Nararamdaman na niya, nagliliyab ang katawan niya sa init na ngayon lang muling nadama.
Nahihirapan siyang pigilan ang sarili lalo na't bago man ang uhaw na nararamdaman, kay sarap naman nito sa pakiramdam. Tuluyang napadaing si Ryne at hindi napansin na nakapasok na sila sa isang silid dahil sa sobrang pagkalasing sa halik ng binata.
Kaagad siyang isinandal ng lalaki sa pintong kasasara lamang. Humahaplos at dumadama ang kamay nilang pareho sa katawan ng bawat isa. Pinalis ni Ryne ang lahat ng isipin, ngayon lang naman 'to ngayon lang siya magpapaubaya ng ganito, at sa estranghero pa mismo.
Hinila siya nito pahiga sa kama at kaagad na kinubabawan. Nagdampi ng maliliit na halik sa kaniyang labi. "Are you sure about this?" bulong nito sa tainga niyang marahan nitong hinahalikan.
Tanging daing lang ang naisagot niya habang napapaarko ang katawan sa kiliting nararamdaman.
"If that so. I won't hold back, Gorgeous." He said and continue making her feel more heat than earlier.
***
Ops ops ops! Mga bata pikit mataa charrot, nawa'y nasa hustong gulang na ang bumabasa ng ganito o kung wala man ay sana alam niyo ang limitasyon niyo ano? Wag gumaya sa'kin. Btw always take care!
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro