CHAPTER 31
Chapter 31
"RYNE! You motherfucker Lazaro! Stay away from her!"
Sigaw ni Lyxian habang malalaki ang hakbang nito patungo sa pwesto nila ni Lazaro. Hindi mabasa ni Ryne kung galit ba si Lyx dahil iniwan niya ito o dahil malapit siya kay Lazaro.
Nang makalapit si Lyxian ay kaagad na pumulupot ang isang braso nito paikot sa bewang niya.
"Let's go. Umuwi na tayo." ang mga mata nito ay matatalim na tingin ang ipinupukol kay Lazaro.
Lazaro just chuckled. "Come on don't be jealous. Ako lang 'to Lyxian dear brother, dating asawa ng babaeng pinupusuan mo."
Naramdaman niya ang paghigpit ng braso nito na nakayakap sakaniya. Really? She never thought na ganito pala magselos si Lyxian, he looks cute though.
Sinapo niya ang mukha ng binata gamit ang dalawang palad at ngumiti rito ng tipid.
"I just introduce him to my princess. Dadalhin mo na sa'kin si Raivye tama?" baling niya kay Lazaro na hindi nakatingin sakanilang dalawa.
"Yeah, do i look like i have a choice." muli itong humarap sa puntod ng anak.
Iniluhod ni Lazaro ang isang tuhod sa damuhan at hinaplos ang lapida ni Rylie. Ngumiti siya rito na para bang kaharap niya ang anak.
"We'll see each other soon, my daughter.."
Kaagad na tumayo si Lazaro at nagpagpag ng tuhod. "Let's go."
Nang maglakad na patungo sa sasakyan si Lazaro ay kaagad na sumunod sila Ryne dito.
Habang naglalakad ay hindi napigilan ni Ryne ang magtanong sa katabi niyang kanina pa walang kibo.
"Paano mo nalaman kung nasaan ako?" pinulupot niya ang braso sa bewang ni Lyxian dahilan upang mapaigtad ito.
She stops herself from smiling, Lyxian looks a shy baby.
"S-Sa'kin nalang 'yon." kandautal pa ang binata.
Nang makarating sila sa harapan ng mansion ni Lazaro ay nagmamadaling bumaba si Ryne sa sariling sasakyan.
Magkahiwalay sila ng kotse ni Lyxian dahil hindi naman nito pwedeng iwan 'yon sa sementeryo.
"Baka harangin at maliitin na naman ako ng mga tauhan mo." nang-uuyam na ani niya kay Lazaro na kakababa lang din ng sariling sasakyan.
Lazaro just answer her with a chuckle.
"Pasok kayo––" nabitin sa ere ang mga sasabihin ni Lazaro matapos makita ang ayos ng mansion.
Bukas na bukas ang maindoor na para bang pinilit itong buksan. Kaagad na napatakbo papasok ng kabahayan si Lazaro.
Ang mga tauhan at kasambahay niya ay pawang nakatali at may pulang panyo na nakabusal sa bibig.
Tumulong si Ryne at Lyxian na kalagan ang mga takot na takot na kasambahay. Hindi ang mga ito nakapagsalita imbis ay nagtatakbo palabas ng kabahayan.
"Don't you dare escape!" nanggagalaiti si Lazaro na hanggang tingin lang ang nagawa matapos tuluyang magsi-alisan ang mga kasambahay.
"Si Raivye... Lazaro nasa'n si Raivye!" ang pamilyar na kaba ay muling tumambol sa dibdib ni Ryne.
Kinakabahan siya paano kung wala sa maayos na sitwasyon ang anak niya?
"Fuck!" nagmamadaling umakyat si Lazaro habang siya naman at si Lyxian ay nilibot pati ang hardin ngunit walang Raivye na natagpuan.
Nang magkita-kita silang tatlo sa sala ay akmang susugurin na ni Ryne ang dating asawa ng tumunog ang telepeno nito.
Nangunot muna ang noo ni Lazaro bago tuluyang sinagot ang tawag.
"Hindi ko hahayaang lumaking walang kwenta ang apo ko Lazaro, bayad mo na rin ito sa lahat ng kapalpakang ginawa mo." ang pamilyar na nakakairitang boses ng matanda ang sumalubong sa pandinig ni Lazaro.
Kaagad nanagngalit pati ang mga ngipin niya. Hindi niya hahayaang maranasan ni Raivye ang naransan niya sa kamay ng sariling ama.
"Ibalik mo siya, Tanda. 'Wag mong hayaang punatahan at barilin pa kita bago mo sa'kin isauli ang bata." napatalikod siya sa gawi nila Ryne.
Nanggigigil siya at bigla ay nagsising hindi niya pa tinuluyan ang matanda.
"Saan mo ako pupuntahan? Ni hindi mo nga alam kung saan ako naglalagi." bakas ang pagyayabang sa tono ng boses nito na lalong nakapagpa-inis sakaniya.
"Fuck you! Give me back my son!"
Nakatitig lang sila Ryne kay Lazaro habang nakikipag-usap ito sa kung sino. mukhang mas mabuti kung inuna niyang puntahan ang anak bago samahan sa sementeryo si Lazaro.
Ngayon ay hindi makontrol na kaba ang kanina niya pang nararamdaman. Napakapit siya sa braso ni Lyxian.
"Si Raivye.." bulong niya rito.
Ngumiti ito ng marahan na para bang nangangako sakaniyang magiging maayos din ang lahat.
"We'll see him again, unharmed and safe okay?"
Kasabay nang pagtango niya ay siyang pagharap ni Lazaro sakanila. Kunot na kunot ang noo nito.
"Fuck! I don't know how to say this but my crazy Dad kidnapped Raivye."
Mabilis ang mga pangyayari na kahit ang pagbitaw niya sa mga braso ni Lyxian ay hindi niya namalayan. Nakalapit na kaagad ito kay Lazaro habang mahigpit ang pagkakadaklot sa kwelyo nito.
"If something bad happened to him, I swear i'm gonna kill you using my bare hands."
Kitang-kita ni Lazaro ang galit sa mga mata ni Lyxian na ngayon niya lang nakita. Ni minsan kahit anong gawin nila rito ng Ama niya ay balewala lang dito.
"Kaya mo?" mapanghamon na aniya kay Lyxian.
Gusto niyang makita kung paano nga ba ito magalit. Kung kakayanin ba nitong pagbuhatan siya ng kamay––Parang lumipad ang isip ni Lazaro matapos siyang makatanggap ng isang malakas na sapak mula kay Lyxian.
Lazaro ready himself and was about to attack Lyxian when they both heard a cold voice.
"Titigil ba kayong dalawa o baka gusto niyong ako mismo ang bumugbog sainyong pareho?" tumikwas ang kilay nito habang nakatingin sakanila ni Lyxian.
"Hindi niyo maililigtas ang anak ko sa pamamagitan ng pagtatalo niyo." tumalikod si Ryne sa gawi ng dalawa at may idinayal sa sariling telepono.
Wala siyang ibang alam na mahihingian ng tulong kung 'di ang pinsan niya at ang matalik niyang kaibigan na si Tatiana.
"Rex..." naglakad siya palayo ng ilang hakbang kala Lyxian.
Nakarinig siya ng mabilis na pagtitipa mula sa kabilang linya.
"Found it! Nice work, Ius!" rinig niyang sigaw mula sa kabilang linya.
"What's happening?" nagtatakang tanong niya.
"We already found Raivye. Nasa isang port siya ngayon at nasa loob ng isang yacht."
Napaawang ang labi niya, paano nitong nalaman na may kumuha kay Raivye?
"H-How?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Ryne.
Napatingala siya at pinigilan ang sariling mangiti, hindi pa dapat siya magdiwang hanggat hindi niya nababawi ang anak na si Raivye.
"Remember the time that i told you we're cousins?" tumango siya na para bang kaharap ang kausap. "Ipinaimbestigahan ko ang lalaking pumunta sa condo mo. Then we're about to have a meeting, pero hindi natuloy dahil sinabi niyang may humarang sainyo at mas gugustuhin niyang ubusin ang oras niya sainyo ni Raivye."
"Sa totoo lang ang plano ko no'n ay bayaran siya upang lubayan ka. But it didn't happened he just showed me how he value the both of you." narinig niya ang pagak nitong pagtawa.
"Damn Ryne he's madly inlove with you. At kanina lang sinabi niya saaking umalis ka ng hindi mo siya hinihintay so we track you down and then later on he texted me again and he said that Raivye is nowhere to be found."
"Oh god.." tanging salita na lumabas mula sa bibig ni Ryne.
Binalingan niya ng tingin si Lyxian na kausap na ngayon si Lazaro.
"We should call a police,"
"Hindi makakatulong 'yon, hindi ka pa ba nasanay sa mga palabas? Palaging nahuhuli ng dating ang mga pulis tss mabilis pa yata ang alaga kong suso."
Rinig niya ang pagtatalo ng dalawa na kahit kailan yata ay hindi na magkakasundo sa isang bagay.
"Thank you... Cous." buong pusong pasasalamat niya sa pinsan.
Narinig niya ang hiyaw nito mula sa kabilang linya. "Nairecord mo ba Ius? She just call me cous! Oh geez kailangan ko na yatang magpa-albularyo."
Natawa siya ng mahina dahil sa sinabi nito. "Sira tss." napairap siya sa hangin para itago ang ngiti.
Ang pinsan niya talaga kahit kailan.
"Oo nga pala nagpadala na rin kami ng tauhan diyan sa port, kulay itim din ang suot nila kagaya ng mga nagbabantay sa port ngunit may kulay abong tatak sa kanang bahagi ng damit nila. Incase na baka mamali kayo ng inaatake."
Abot-abot ang pasasalamat ni Ryne sa pinsan aisip niya. Baka lumaki lalo ang ulo nito kapag tinawag na naman niya itong pinsan.
Nang maibaba niya ang tawag ay kaagad siyang nagsend ng mensahe kay Tia. isinend niya na rin dito ang address ng port na sinend sakaniya ni Rextin.
Nang mabasa niyang papunta na ang matalik na kaibigan sa nasabing port ay kaagad siyang naglakad pabalik kala Lyxian.
"I know where he is. Let's go, naroon na ang mga tauhan ni Rex."
Nakita ni Ryne kung paanong napahinto si Lyxian nang marinig ang pangalang binanggit niya.
"See? I told you walang magagawa ang police na sinasabi mo." sabi ni Lazaro bago siya hinarap. "Iisang port lang ang alam kong madalas puntahan ng nababaliw kong ama."
"Cruize port, isa sa mga ari-arian ni Lyxian na pilit kinuha ni Daddy." pagkasabi no'n ay kaagad na itong naglakad palabas patungo sa sariling sasakyan.
Bahagya siyang ngumiti kay Lyxian na hindi makatingin sakaniya. "Hey, let's go."
"S-Sure." utal pang sabi nito.
This time Lyxian choose to ride in her car. Napailing nalang siya ng mauna pa itong umupo sa shot gun seat para lang masigurong magkasama sila sa iisang sasakyan.
"Show me what you got fucker." bulong ni Ryne at hinubad ang salamin sa mata bago mabilis na pinaharurot ang sariling sasakyan.
Nakamasid lang si Lyxian kay Ryne na seryosong nakatutok ang atensyon sa minamaneho. He promised to himself that he will protect Ryne and Raivye at all cost.
He can see how monstrous she can be when it comes to her love ones, just to save them.
Nang tuluyan na silang pumarada sa harap ng isang port ay iisang yacht lang ang nakita nila. Hula ni Lyxian ay nasa lob no'n ang anak ni Ryne.
Mabilis siyang bumaba mula sa passenger seat at umikot upang pagbuksan ng pinto si Ryne.
"Thanks." tipid ang ngiting ganti nito.
He just nod at her. Sabay-sabay silang tatlong tinanaw ang yacht mukhang tahimik at walang katao-tao ngunit alam ni Lyxian na hindi pwedeng walang tauhang kasama ang Ama ni Lazaro na si Cazario.
"Ryne! Over here!"
Napalingon sila Lyxian sa pinanggalingan ng boses at doon nila nakita si Tatiana na papasok na sa yate.
"Rescue my son and be safe. Got it?"
Sabay na tumango si Lazaro at Lyxian sa sinabi ni Ryne. Kaagad silang lumapit sa kinaroroonan ni Tatiana.
"What are you doing here?" tanong ni Ryne sa kaibigan.
Nakita ni Lazaro kung paanong sumimple ng tingin si Tatiana kay Lyxian.
"Duh, I won't just seat there and wait for Raivye's return."
"Let's go, maya-maya lang ay pauusarin na ang yacht nasa loob na rin ang mga lalaking makakatulong natin."
Marahan silang pumasok na apat at kaagad na bumungad sakanila ang ilang bangkay ang iba ay may bakas ng dugo marahil ay nabaril habang ang iba ay mukhang wala lang malay.
"Upper deck kami, Lazaro and Lyxian take the lower deck."
Sabay na tumango ang dalawang lalaki sa sinabi ni Ryne. Bago pa man sila maghiwalay ay napaigtad siya matapos siyang halikan sa pisngi ni Lyxian.
"Take care, my agent Ryne." he said and wink at her for the last time.
Napairap nalang sa hangin si Lazaro bago tinungo ang daan sa lower deck hindi pa man siya nakabababa ng tuluyan ay narinig na niya ang mumunting tinig.
"Let go of me!" pagpoprotesta ng paslit na tinig.
Si Raivye kaagad ang pumasok sa isip niya kaya dali-dali siyang bumaba at inabutan ang isang lalaki na mahigpit ang pagkakahawak kay Raivye. Nagdilim ang paningin niya at kaagad na sinugod ang lalaki.
"You fucker! Who told you that you can hurt him?!" tinadyakan niya sa panga ang lalaki. "Fuck you!" ilang beses na sinipa sa tiyan bago isang malakas na suntok sa leeg nito dahilan upang mahulog ito sa dagat.
Nang malingunan niya sila Raivye ay nakangiti na ito habang napakalapit kay Lyxian.
"Dito ka ba nila itinago?"
Kaagad na umiling ang bata sa tanong niya. Kung gano'n ay pano siya nakarating sa lower deck?
"Then how did you.."
Hindi na natapos ni Lyxian ang sasabihin nang magsalitang muli si Raivye.
"I follow your tips po. Sabi mo whenever i got kidnap don't show them that I'm scared instead try to escape without being caught by the kidnappers."
Napailing-iling nalang si Lazaro sa isinagot ni Raivye sakanila. Indeed hindi na siya magtataka kung tama ang lumabas na resulta sa DNA test.
Nakangiting napalinggon si Lazaro mula sa dinaanan nila kanina at gano'n nalang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang Ama na may hawak ng baril at nakatutok 'yon sa mag-Ama.
"Lyx, dapa!"
Naging mabilis ang pangyayari at kahit siya ay hindi niya inaasahang mangyayari 'yon. Kasabay ng pagputok ng baril ay siyang paghapdi ng kaniyang dibdib.
Pilit niyang pinulot ang baril na nabitiwan kanina ng lalaking nakalaban niya at kaagad iyong ipinutok sa kamay ng sariling Ama.
"Fuck you old man!" he shouted.
Dalawang putok pa nang baril ang umalingawngaw sa loob ng yate bago sabay na mapahiga sa sahig si Lazaro at ang Ama niya.
"Oh shit!"
Napalingon siya sa kadarating lang bago hinayaan ang sariling tuluyang mahiga sa sahig. He's not feeling well. Mahapdi masyado ang tama niya sa dibdib.
Napangiti si Lazaro nang madaop sa langit ang kaniyang mga mata. "Well see each other baby... I told you my Rylie.."
"Lazaro!" dumalo sakaniya si Ryne habang sa kabilang gilid niya ay si Raivye at si Lyxian.
Hindi niya napigilan ang sariling maluha. He should be the one who's having a family, but he missed the chance.
"Sorry.. L-Lyx." napaubo siya habang lumuluha.
Nang balingan niya nang tingin ang Ama ay nakatali na ito at nasa tabi ang kaibigan ni Ryne.
"Hey! Bro don't die and i'll forgive you fucker!"
He chuckled. He looked at Ryne before he's gaze turn to Raivye.
"Sorry kiddo..."
"What are you sorry for?! marami ka pang pagbabayaran masyado kang masamang damo para mamatay kaagad!" natawa siya dahil sa sinabi ni Ryne.
And before his eyes drop close he whispered the truth that he'd been hiding.
"The Doctor l-lied because of me... I..I-I," naubo siya at ang sarili na niyang dugo ang lumabas sakaniyang bibig.
"I paid the Doctor to tell you guys that I'm Raivye's father. H-He's not mine... You're h-his father Lyxian.."
*****
[A:N] Gulat kayo 'no? Kung hindi dadalawin kayo ni Lazaro sige! Kidding, I hope this chapter shock you. Ahe. Stay safe saixiees!
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro