Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 28

Chapter 28




"A TWIN SISTER? Then where is she?"

Ang inosenteng tanong ni Raivye ang nakapagpatigil sakaniya. She doesn't know what to say.

Hindi yata kayang sirain ni Ryne ang pag-asang nakikita niya sa mga mata ng anak. Noon pa man kasi ay naikwento na nitong walang gustong makipaglaro rito.

Maybe he was hoping that he can play with his twin..

"G-Gusto mo ba siyang makita?" hirap na hirap siyang ibuka ang bibig habang sinasabi ang mga katagang 'yon nang hindi luluha.

Pilit na pinasisigla ni Ryne ang bakas ng mukha.

"I would love to!" masiglang sagot nito.

"Magbihis kana sasabihan ko lang ang Tito Lyx mo, siya ang sasama sa'tin."

Nagtatatalon pa ito sa tuwa habang patungo sa banyo. Hindi niya maiwasang malungkot para dito umaasa itong makikita at makakalaro ang kakambal na si Rylie ngunit alam niyang hindi na mangyayari.

"Lyx..." pigil ang luhang aniya matapos sagutin ni Lyxian ang tawag.

"Hindi ko yata kayang sabihin.." aniya at sunod-sunod na naglandas ang mga luha sa kaniyang pisngi.

"Don't be afraid to tell him the truth. I'll be at your side okay? He has a right to know the truth."





Namamawis sa kaba ang mga kamay ni Ryne habang papalapit sila nang papalapit sa sementeryo kung saan nakalibing ang isa niya pang anghel. Napakatagal na rin simula nang pumunta siya rito at pinagsisisihan niya ang mga panahong hindi niya ito madalaw dahil sa kadahilanang nawala ito sa ala-ala niya.

"Mommy? I thought we're going to my twin sister?" nagtatakang tanong ng anak niya.

Tanging tango lang ang naisagot niya rito. Nang maihinto niya ang sasakyan ay kaagad nilang natanaw si Lyxian. May kasama ito na marahil ang mga huhukay at kukuha ng skin sample ng anak niyang si Rylie.

"Rai Rai!" masiglang bati nito sa anak niya na halos ikatunaw ng puso niya sa tuwa.

Inaalala niya na kung siguro ay buhay ang isa niya pang anak ay nag-uumapaw sa saya ang puso niya.

"Ready to meet her?" tanong nito sakanilang dalawa.

Napaiwas siya ng tingin nang bumaling ito sakaniya. Hindi siya sigurado kung hindi magagalit si Rylie pero gagawin niya ang lahat makabawi lang dito kahit na hindi nito nasilayan ang mundo.

Naglakad sila patungo sa puntod ni Rylie. Ang kaninang nagtatakang mukha ni Raivye ay napalitan ng lungkot.

"She's in there?" halos pabulong nang ani nito.

Hindi niya napigilang yakapin si Raivye habang pinipigilan ang sariling mapahagulgol. "Meet y-your twin sister Rai, she's Rylie.."

Nanubig ang mga mata ng anak niya habang nakatingin sa lapida at ang nakaukit ay ang ngalan ng kakambal nito.

"I thought..."

"Shhh don't cry, sige ka malulungkot din ang kakambal mo." biro ni Lyxian, sinusubukang pagaanin ang atmosphere sa paligid.

Kaagad na tumakbo si Raivye papunta sa kung saan. "Rai!" habol niya sa anak.

"Ako na." nakangiting pigil sakaniya ni Lyx at ito na mismo ang humabol sa anak niya.

Ilang sandali lang ay dumating na rin ang mga maghuhukay at kukuha ng sample skin sa anak niya. Bumungad sakaniya ang kulay pink na kahon kung saan naroon si Rylie.

Nang hindi niya makayanan ay nagpaalam siya sa mga naroon at bumalik sa kotse.

"Sorry..." abot-abot ang hingi niya ng tawad, hinihiling na sana ay naririnig 'yon ni Rylie.

Hindi niya pinigilan ang sariling umiyak nang umiyak habang nasa loob siya ng sasakyan. Ilang minuto siyang gano'n nang may kumatok sa salamin ng kotse niya.

Mabilis niyang pinunasan ang mga luha at kaagad na pinagbuksan ang kung sino.

"You okay right there?" malamlam ang mga matang ani ni Lyxian.

Nang hindi kaagad siya sumagot ay kaagad siya nitong niyakap. Pakiramdam niya ay gumaan ang pakiramdam niya ng sandaling yakapin siya nito.

"Nasa kotse ko si Raivye, tumahan na sa kakaiyak.." bulong nito matapos humiwalay sakaniya.

Tipid siyang napangiti rito nang may maalala. "Sabi mo pati si Lazaro ipapa-DNA test natin sa kambal? Papayag ba 'yon?"

Halata naman kasing may galit din ang lalaking 'yon sa kanilang dalawa. On the second thought, ang kapal niya para magalit samantalang ito pa nga ang may atraso sakaniya dahil sa pagkamatay ng mga magulang niya.

"Oo, pumayag siya."

"Anong kapalit?" nakakunot ang noo niya.

Hindi papayag ng gano'n-gano'n lang si Lazaro ng walang kapalit.

Nag-iwas ng tingin si Lyx. "Wala, 'wag mo nang alalahanin 'yon."

"Lyx, anong kapalit ang hiningi niya sa'yo?" this time her face was dead serious.

"Nothing. Let's go, malamang papunta na 'yon sa hospital."

Napaawang ang labi niya dahil sa sinabi ng binata. Ang bilis naman yata? Ibigsabihin ba ay nakapagpa-schedule na ito bago pa siya tanungin?

Inabot niya ang braso ni Lyx nang akmang aalis na ito. "Anong kapalit muna ang hiningi niya sa'yo? Hanggat hindi mo sinasabi ay hindi ako sasama sa'yo."

Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Lyxian bago siya hinarap, ang kaninang tipid na ngiti nito sa mga labi ay lalong lumapad.

"He will have the twenty five percent of LC Tech. Toys. Don't worry, mababawi ko rin 'yon oras na lumabas sa result na hindi siya ang Ama ni Raivye."

Kinurot pa nito nang bahagya ang pisngi niya bago tuluyang umalis at nagtungo sa sarili nitong kotse.

Sinasabi na nga ba niya at hindi talaga papalamang ang Lazaro na 'yon. Masyado itong magulang at ayaw nang nalalamangan.

Pati ang tumuring ditong kapatid ay nagagawang tablahin para lang sa mga ninanais.

Buong paghanga niyang tinitigan ang papalayong bulto ni Lyxian. Habang tumatagal ay pinakikita ng binata sakaniya ang lahat ng kaya nitong gawin para lang muli siyang magtiwala rito ay gumagaan ang pakiramdam niya.

He's not that selfish like what she'd been thinking weeks ago.

Pinunasan lang ni Ryne ang luha sakaniyang pisngi bago tuluyang pumasok sa sariling sasakyan upang pausarin 'yon patungo sa hospital.

Hindi naman inabot ng  matagal at mabilis din silang nakarating sa pupuntahan. Nadatnan nila si Lazaro na prenteng-prente sa pagkakaupo.

"Tagal niyo naman, masyado niyong sinasayang ang oras ko." dumekwatro pa ang binti nito.

"E, 'di sana hindi ka nalang pumunta rito. Akala mo ba gugustuhin ko kung sakaling ikaw nga ang Ama ni Raivye? Mas gugustuhin kong ipaalbularyo siya mawala lang ang bakas ng dugo mong hayop ka." walang emosyong pambabara niya rito.

Alam niya kung gaano katagal ang aabutin bago tuluyang makuha ang result ng DNA test pero mas matutuwa siya kung kay Lyxian magmatch ang anak niya.

Tumiim ang bagang nito. "How dare––"

Kaagad na hinarangan ito ni Lyxian. "Stop right there or you won't have the twenty five percent that you'd been dreaming."

Masama ang tingin na dumistansya sakanila si Lazaro. Kaagad niyang binalingan ang anak na kanina pa hindi kumikibo.

"Are you mad?" bulong niya habang nakaluhod sa harapan nito.

Doon lang siya tinapunan ng tingin ng anak. "Mom? Am I bad?" imbis na sagutin siya ay ito pa ang nagtanong sakaniya.

Kumunot ang noo niya. "No, why would you say that, baby?"

Hindi na muli itong sumagot hanggang sa tuluyang dumating ang Doktor. Tumayo siya at kaagad na hinawakan sa kamay si Raivye.

Iginaya sila ng doktor at ilang nurse na kasama nito papasok sa isang kwarto. Unang kinuhanan ng sample si Lyxian sumunod ang kinamumuhian niyang si Lazaro.

Nang ang anak na niya ang susunod ay sinamahan na niya ito.

"Mommy.." nakakapit sa laylayan ng damit niya ang anak habang bakas ang takot sa mukha ng lapitan ito ng mga nurse.

She gave him a pat on the head and smile at her son assuring him.

"Jus relax your body lang po.." marahang sabi ng ng nurse habang nakangiti sa anak niya.

Hindi siya umalis sa tabi nito lalo na no'ng kukuhanan ito ng kaunting sample ng dugo.

"Mom, it hurst.."

"Pahingi lang po ng kaunting dugo mo baby..." mahinhing ani ng nurse.

Nang makuhanan na ng sample si Raivye ay kaagad din silang lumabas sa kwartong 'yon. Naabutan pa nilang dalawa sila Lazaro.

"Mauuna na ako, aayusin ko pa ang mga papeles ko para sa dalawampu't limang porsyento ng kumpanya mo, Brother." ngisi nito habang pasipol-sipol na naglakad na palayo sakanila.

Masama ang tingin ni Ryne sa papalayong bulto ni Lazaro kung pwede niya lang sana itong sipain sa leeg kanina niya pa ginawa.

"Where do you want to go?" tanong ni Lyxian sa anak niya dahilan upang mawala ang paningin niya sa kinasusuklaman.

"I want pancake with chocolate syrup and some slices of strawberry.." imbis na lugar ay pagkain ang binanggit ni Raivye.

Mukhang masyadong kinabahan ang anak niya sa karayom kanina at nagutom nang sobra.

"Gusto mong lutuan kita?" aniya at hinaplos ang mamutla-mutla pa nitong labi.

"But you don't want a pancake with toppings."

"Nah, it's fine hindi naman ako ang kakain." kinurot niya nang bahagya ang tungki ng ilong nito.

"Mukhang natakot ka sa karayom ah. Putlang-putla oh." natatawang tukso ni Lyxian kay Raivye.

Sumimangot ang anak niya. "Atleast I didn't cry." pagtatanggol nito sa sarili.

Hinintay lang nila ang sasabihin ng doktor bago sila tuluyang dumeretso sa bahay ni Tatiana. Ewan ba niya masyado na siyang nasanay sa mansion nito samantalang may condo naman siya 'yun nga lang at ayaw do'n ni Raivye dahil mainit daw.

"Rai? What if i'm your father, would you be glad?" maya-maya ay tanong ni Lyxian sa anak habang papasok sila sa mansion ni Tia.

Napalingon dito ang anak niya at sandali pang tumingala. He just look at Lyx's face and run towards his room while shouting.

"Pancake!"

Tinapik niya ang balikat ni Lyxian, "Baka hindi niya lang naintindihan 'yung tanong mo." aniya bago naglakad patungo sa kusina.

Lulutuan na niya ng pancake ang anak niya at paniguradong gutom na gutom na 'yon. Habang pinaiinit niya ang kawali sa kalan ay naramdaman niya ang titig ng kung sino.

Hindi niya alam kung nasaan si Tia kaya iisang tao lamang ang pwedeng tumitig sakaniya ng ganito. She feels like she's melting just by his stares.

"Akala ko may trabaho ka?" pagbabasag niya ng  katahimikan.

Sa totoo sa lang ay ilang na ilang siya sa titig nito. Iba kasi ang titig nito kumpara sa iba. Kung titigan siya nito ay para bang maya-maya ay maglalaho siya.

"Masama bang mag-absent para mayakap ka?" kasabay ng sinabi nito ay siyang pagpulupot ng mga braso nito sa bewang niya.

Hindi niya alam kung ano ang isasagot lalo na nang magsimulang magwala ang puso niya.

Pakiramdam niya ano mang oras ay kusang sasabog ang dibdib niya dahil sa lakas ng kabog nito.

"Halos may isang linggo pa para patunayan ko sa'yo o kahit kay Raivye na kahit ano mang maging result handa akong tumayong Ama ni Raivye.."







Days had passed and Ryne can feel the excitement at the same time nervousness in her chest.

Sa loob nang halos isang linggo ay walang ibang ginawa si Lyxian kung hindi asikasuhin silang mag-ina. May mga araw pang mas gugustuhin nitong hindi magtrabaho makasama lang sila.

Kung minsan pa ay ito ang nagbabantay kay Raivye sa tuwing ipinatatawag silang dalawa ni Tia tungkol sa mission na nagawa nila. Natanggap na pala 'yon ng nakatataas at nais silang pasalamatan dahil sa mga impormasyong talaga namang malaki ang tulong sakanila.

"Mommy.." tawag pansin sakaniya ni Raivye habang naglalakad sila papasok sa entrance ng hospital.

"Yes?" baling niya sa anak habang may matamis na ngiti sa mga labi.

Nagpatuloy sila sa paglalakad habang nagsasalita ang anak niya. "Can i stay at my Dad for a week?"

Napatigil siya sa tanong nito at natulala sa nakasarang pinto ng elevator.

"Gusto mong manatili muna sa Daddy mo?" ulit niya sa tinanong nito.

Alam niyang nangungulila ito sa Ama pero hindi niya pa rin maiwasan mag-alala lalo na kung si Lazaro ang ama nito. Kung si Lyxian sana ay walang problema baka magdiwang pa siya sa saya.

Nakapasok na sila sa elevator at napindot na rin ang floor ay hindi pa rin sumasagot si Raivye.

" 'Nak... Gusto mo talagang mag-stay muna sa Daddy mo? What if he do something bad on you? Wala ako ro'n para mabantayan ka."

"So my Dad can do something bad on me?" bumukas ang elevator at sabay-sabay silang naglakad palabas dito.

"That's not what I mean baby. My point is––"

"Mr. Corvoz and Ms. Esqueva.." nakangiting bati ng doktor.

Hindi na niya naituloy ang sasabihin sa anak at pinapasok na rin sila sa opisina ng doktor.

Kauupo-upo lang nila nang dumating si Lazaro habang ang mg amata ay sumisigaw ng kayabangan. Akala mo'y nanalo sa pustahan.

"Hindi ko na patatagalin pa," tumikhim ito at binasa sakanila ang resulta.

Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Ryne dahil sa narinig. Hindi siya makapaniwala.

"Lyxian Corvoz, I'm sorry to say this but the result says that the biological father of Raivye Esqueva is none other than Lazaro Corvoz." parang nabingi si Ryne sa lahat nang sinabi ng Doktor.


"They match ninety-nine percent of the DNA."











*****








Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro