Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 21

Chapter 21

"KUNG GANO'N saan kayo tumuloy ng ilang araw nitong inaanak ko?" naupo sa tabi niya si Tatiana.

Sa bahay kaagad siya ng kaibigan tumuloy matapos umalis sa bahay ni Lyxian. Hanggang ngayon ay tulog na tulog ang anak niya, ni hindi man lang nagising kahit na ilang beses niya itong binuhat.

"Sa kaibigan." kiming sagot niya.

Napatanga saglit sakaniya si Tia bago nang-aakusang tinapunan siya ng tingin.

"Wala kang ibang kaibigan bukod sa'kin Ryne. Pero 'wag mong sasabihing si Lyxian ang tinutukoy mo kasi nako––"

"Then i won't tell you." kaagad siyang umilag nang makitang nakaamba na mambabatok ang kaibigan.

"Kaloka! Seryoso? Sa bahay mismo ni Lyxian ikaw nakitulog, 'di ka manlang nahiya sa crush mo."

Nanlaki ang mata niya dahil sa huling sinabi ni Tia. Crush niya?!

"H-Hindi ko siya crush 'no!" nag-iinit ang pisnging tanggi niya.

Sinundot ni Tia ang pisngi niya dahilan upang mapaatras siya.

"Tanong mo sa pisngi mong pulang-pula kung 'di ka nagsisinungaling, Ryne."

"Tia!" naasar na aniya.

Tinawanan siya ng kaibigan at inakbayan. Sabay silang tumayo habang akbay-akbay pa rin siya nito patungo sa mini bar sa loob lang din ng mansion.

Nang huminto sila ay kaagad siya nitong pinaupo sa isang bangko at ipinagsalin ng wine sa isang baso.

" 'Di mo siya crush pero gusto mo siya gano'n ba?" nilalaro nito ang yelo sa sariling baso habang nakangisi sakaniya.

Kaagad siyang napaiwas ng tingin, wala naman kasi talaga siyang maitatago rito nang matagal lalo na at kilalang-kilala na nito ang ugali niya.

"A-Ano ewan ko, h-hindi yata pero parang gano'n na nga." mailap ang mga matang sagot niya.

Narinig niya ang matinis na halakhak ni Tia kasabay ng kalansing ng yelo na tumatama sa baso nito.

Mabilis niyang nilagok lahat ng wine na nasa sariling baso. Ewan ba niya naiinis siya sa pang-aasar ni Tia pero at the same time hindi niya maikaila.

"Ang Ryne ko nagdadalaga na, omg nakakaiyak." pinunasan pa nito ang gilid ng mata na para bang talagang naluluha.

"Hindi na dalaga, may anak na nga e." bulong niya.

"Hoy, hoy anong sabi mo? Aba kahit may anak na pwede pa ring magmukhang dalaga," ngumisi ito sakaniya. "Dalagang ina.."

Sabay silang natawa dahil sa kalokohan ni Tia. Napakaswerte talaga ng magiging nobyo nito bukod kasi sa hindi maarte ay madaling makaayos si Tia kung may tampuhan man.

Ang swerte ng kolokoy niyang pinsan. Now she wondered, anong nagustuhan nito sa kolokoy na Rextin na 'yon?

"Pero care to think of this. Nagmukha ka ngang dalaga pero sa mata ng iba may anak ka pa rin na dapat unahin kaysa ang kumirengkeng." napapabuntong hiningang aniya.

Naaalala niya pa rin hanggang ngayon 'yung pinagsasabi ni Nadia. Mabuti na nga lang at sa tuwing nagkikita sila ay tanging irap lang ang ginagawa nito sakaniya.

"What the hell? Hindi porket may anak ka na bawal ng maging masaya. Kaya ka nga rin naghahanap ng kapareha para may katulong ka, sandalan sa oras ng pangangailangan, at kapareha na sasamahan kang bumuo ng masayang pamilya. Ngayon sino 'yang gaga na nagsabi sa'yo niyang pinanghuhugutan mo ha?" mahabang litanya nito habang nakataas ang isang kilay.

Umiling-iling siya at natawa nalang sa sarili. Ano nga bang pinaglalaban niya? Bakit siya naapektuhan sa sinasabi ng iba?

Hindi naman siya ganito dati noong mga panahong wala pang Lyxian sa buhay niya.

Napatingin siya sa picture nilang tatlo nila Tia na nakadisplay sa ibabaw ng isang lamesa.

"Kapag may anak na at nagkagusto sa isang lalaki mang-aagaw na? Na malandi na? Na dapat mas inuuna ang inakay bago ang pansariling kaligayahan?" mapait siyang napangiti.

Naramdaman niya ang paghagod ni Tia sa likod niya. Nasa gilid na niya pala ito at akbay-akbay siyang muli.

"Ryne, hindi porket nagkagusto ka nang-agaw kana. Bakit nilandi mo ba kahit alam mong may nagmamay-ari ng iba?" umiling siya.

"Wala namang sila, assuming lang 'yung babae." aniya at napairap.

"Napabayaan mo ba 'yung anak mo habang nagkakagusto sa isang lalaki?" umiling uli siya bilang tugon.

" 'Yon naman pala e, nagkagusto ka lang wala ka namang ginagawang masama na nakatatapak sa ibang tao. Tandaan mo 'to Ryne, hindi sa lahat ng oras dapat mong pansinin 'yung sinasabi ng ibang tao kasi in the first place buhay mo 'yan e, desisyon mo hindi buhay nila na dapat sila ang pumili ng tama base sa opinyon nila," tinapik-tapik ni Tia ang likod niya.

"Hanggat hindi nakakatulong para sa improvement mo as a human ang opinyon ng ibang tao, ignorahin mo. Fuck their opinions."

Napangiti siya at kusang napayakap kay Tia. "Thank you..." nanunubig ang mga matang bulong niya.

"Hoy! 'wag ka ngang umiyak, nahahawa ako!"

Pareho silang natawa. Nang humiwalay siya sa kaibigan ay kaagad niyang tiningnan ang orasan.

Alas-diyes ng umaga ang klase niya ngayong araw at matatapos  bago mag-alas dose.

"May pasok pa nga pala ako." sumisinghot-singhot na sabi niya.

"Good luck Teacher Ryne!"

Tama nga sila, friends are one of the greatest gift from God. And she's thankful for having atleast one.



DALA ANG ilang gamit niya ay pumasok si Ryne sa eskwelahan. Hindi niya nga lang madala ang faintball gun niya dahil wala pa rin ang kotse niya.

Kung makakasalubong niya lang si Rextin ay talagang dadagukan niya. Scam ang sinabi nitong ibabalik ang kotse niya!

Dumeretso siya sa room kung saan naghihintay ang mga istudyante niya. Tiwala na siya sa mga ito lalo na at desidido rin ang mga batang makawala sa kasalukuyang kinalalagyan.

"She's here, tell her."

Si Harold at Chris na parehong nasa bukana ng pinto ang bumungad sakaniya.

"May kailangan ba akong malaman? Teka pala, ayos ka lang ba Harold? Anong ginawa nila sa'yo?" sunod-sunod niyang tanong rito.

Napalingon si Harold kay Chris, mukhang hindi alam ang isasagot.

"Go on, she's worried you know." tango ni Chris kay Harold.

"Okay? Wala naman, actually they gave me another pack of that thing. Pero sinunog ko rin at ibinaon sa bakuran namin." sagot nito habang may tipid na ngiti sa mga labi.

Para siyang nabunutan ng tinik dahil sa nalaman. Kung nagkataong may nangyari ritong masama ay hindi na talaga siya mag-iisip at kaagad susugurin si Lazaro.

Tinapik niya ang balikat ni Harold at matamis na nginitian. Natutuwa siya at malaki na ang ipinagbago ng mga ito kumpara noon.

"That's good. Oh I bet you have something to tell me hmm?" baling niya kay Chris na kaagad lumingon sakaniya.

"Yes Teacher, actually it's a good news. Kasi umalis 'yung principal and i think lahat ng kailangan mong evidences is in his office." nakangising sabi nito.

Wala silang sinayang na oras at kaagad na pinuntahan ang opisina. Tama nga si Chris at walang katao-tao ro'n bukod sakanila.

May parte kay Ryne na natutuwa dahil wala ang principal at may parteng nagtataka kung bakit 'to umalis. Hindi kaya may iniisip na plano? May bagong ipagagawa sa mga istudyante na pwede nitong ikapahamak?

"Mabilis lang ako, make sure to give me a warning sound when someone arrives," tinanguan niya sila Chris at Harold na kapwang nakabantay lang malapit sa pinto. "Got it." sagot ng dalawa.

Dahan-dahan at walang tunog siyang naglakad sa loob ng opisina. Tahimik na tahimik 'yon daig pa ang katahimikan sa sementeryo.

Ipinalibot niya muna ang paningin sa bawat sulok ng kwarto, tinitignan kung may mga nakatago bang camera sa aparato.

Nang masiguradong wala ay maingat niyang binuksan ang bawat drawer na madaraanan. Bago pa man siya makapagbukas ng limang drawer ay isang folder ang pumukaw sa atensyon niya.

Nakasuksok 'yon sa ilalim ng mesa na tila ba nagmamadali ang nagtabi n'yon kaya hindi naiayos.

Kaagad niyang inabot 'yon. Binuksan niya ang folder at bumungad sakaniya ang lima pang tao na kasapi sa pagbuo ng eskwelahan.

"Finally, mapapalaya ko na kayo." mabilis niyang inayos ang mga drawer na nabuksan at lumabas sa silid.

"Tara na, i found it." nakangiting aniya.

Habang naglalakad silang tatlo ay nagtanong si Chris na ikinahinto niya.

"Kapag ba natapos mo ang misyon mo hindi ka na namin makikita?" diretso lang ang tingin nito sa daan ngunit pare-pareho silang tatlo na nakatayo sa hallway.

Tama, parang gano'n na nga hindi na niya muling makikita o makakalaro sa isang challenge ang mga istudyante niya.

It should be a mission, plain mission. Pero mukhang hindi niya nagawa ang hindi pagkakaro'n ng kahit anong koneksyon sa mga bata.

"Yeah, hindi naman kasi talaga ako totoong guro. I'm an agent and actually i'm planning to quit so i can focus my attention to Raivye." hindi niya napigilang ikwento.

Wala namang mawawala kung malalaman ng mga itong may anak siya. Anak niya 'yon dapat ipinagmamalaki sa iba at hindi itinatago. Although may dahilan naman siya kung bakit niya ito tinatago.

"Your boyfriend?"

Natawa siya sa sinabi ni Harold. Tunog boyfriend ba ang tono nang pananalita niya kanina tungkol kay Raivye?

"Nah, my baby."

INUBOS lang ni Ryne ang oras sa pakikipagkulitan sa mga istudyante niya. Parang mas nakilala niya pa nga ang mga ito.

Mahilig sila sa mga larong nakakachallenge 'yon ang napansin niya. Pati nga siya ay dinadamay 'di lang siya makatanggi dahil batid niyang gusto lang ng mga itong makipag bonding sakaniya.

She was about to call a cab when someone caught her attention. It's the guy who has a blonde hair same with hers.

He was leaning on BMW black car.

Kaagad niyang nilapitan si Ius na parang walang alam na ipakitang emosyon kundi ang pagsimangot.

"Where's my car? Atsaka pakisabi nga sa ugok kong pinsan na napaka-scam niya." inis niyang ani rito.

Hindi ito sumagot at hinagis ang kung ano sa direksyon niya. Good thing she's allert and she immediately catches the key.

Wait what a key? Para saan naman kaya 'to? Wag niyang sabihing ibinibigay niya sa'kin 'yang BMW kasi hindi ko talaga tatanggihan.

"Hindi na namin nakita ang kotse mo, so here it's yours." pagkatapos magsalita ay kagad itong tumalikod sakaniya.

Namilog ang mata niya at kaagad na sumigaw ng pasasalamat bago tuluyang mawala ang lalaki sa paningin niya.

Nang malapitan ang kotse ay umawang ang labi niya. It's freaking a brand new car!

Dahil sa excitement na nararamdaman ay kaagad na minaneho 'yon ni Ryne patungo a mansion ni Tia.

Nang makarating do'n ay kaagad nangunot ang noo niya ng makitang bukas ang gate nito.

Kaagad na tinambol ng kaba ang dibdib niya. Ni minsan hindi hinahayaan ni Tia na bukas ang gate nito maski ang garahe!

Mabilis pa sa alas kwatrong kumilos siya. Magulo ang sala nang madatnan niya.

Mas lalo siyang binalot ng kaba ng walang Raivye at Tatiana ang nadatnan sa buong kabahayan.

"Tatiana! Raivye baby?!"

Nanginginig na ang kalamnan niya sa kaba. Ang palad at talampakan niya ay parehong nagpapawis sa kaba.

Umupo siya sa sofa at napahawak ng mahigpit sa buhok niya. Pilit niyang ikinakalma ang sarili at pinipigilan ang sariling mag-isip ng hindi maganda.

"Calm down... Okay lang siya, okay lang sila. Think positive self!" pagpapalakas niya ng loob sa sarili.

Napakislot siya mula sa pagkakaupo ng maramdamang parang may nakatingin sakaniya. Kaagad niyang inilibot ang paningin ngunit walang nakita.

Parang nakukuryente siyang tumayo nang maalalang hindi pa napupuntahan ang hardin sa bakuran. Nagbabakasakaling naro'n ang mag-ninang.

Pagkabukas na pagkabukas niya sa pinto papuntang hardin ay bumungad sakaniya ang mala-beach theme na hardin.

May mga bulaklak na nakasabit sa bawat dingding ng hardin na para bang nasa hawaii beach.

At mula sa kung saan ay sumulpot si Tia at may isinabit sa leeg niyang malaking kwintas na gawa sa bulaklak.

Iginiya siya nitong maglakad at sa 'di kalayuan ay lumabas si Grios na may hawak na isang pumpon ng puting rosas.

Yumukod ito at iniabot sakaniya ang mga bulaklak.

"Ano ba 'to? What the fuck is happening here?! Where's my son?!" tarantang aniya nang maalala ang kalagayan ng anak.

Walang sumagot sa tanong niya bagkus ay nakita nalang niya ang sariling nakatitig sa binata na hindi niya alam kung saan nanggaing at bigla nalang din sumulpot tulad nila Tatiana.

Hindi siya makapaniwalang nakatingin kay Lyxian na naglalakad palapit sakaniya.

Iniabot nito ang isang tangkay ng pulang rosas.

"A lot of woment but only you, can make me feel this kind of emotion that i couldn't even determine. I'm sure that i don't like you," tumawa ito habang titig na titig sa mukha niya habang may ngiti sa labi.

"Because this crazy thing inside me feels more than i like you.."





*****




Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro