Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 17

Chapter 17

NAGPUPUYOS SA galit si Ryne habang nagmamaneho. Mahigpit ang pagkakakapit niya sa manibela habang pinipigilan ang sariling makasira ng anumang bagay dahil sa galit na kanina niya pa gustong ilabas.

Nang hindi na makatiis ay kaagad niyang inihinto ang kotse. She punch the shot gun seat without thinking. Anger was eating her mind to the point that she didn't care if someone is looking at her.

Sumisigaw siya sa galit na lumabas ng kotse. "Fuck it!" huminga siya ng malalim at kumapit sa gilid ng tulay na hinintuan niya.

Ni hindi niya nga alam kung nasaan siya. She bet that it's already two in the afternoon. Hindi gano'n kainit ang sinag ng araw lalo na at makulimlim ang langit.

"Kapag ba may anak mang-aagaw na? Porque ba may anak hindi na pwedeng magkagusto sa iba?! Kasi kung oo, tangina ang unfair!" nanggagalaiti niyang sigaw.

Marahas niyang sinuntok ang sementadong gilid ng tulay na nagsisilbing harang upang hindi siya mahulog.

Mariin niyang hinawakan ang ulo dahil sa labis na prustasyong nararamdaman. "Kapag ba may anak hindi na pwedeng mahulog sa iba?" naluluhang bulong niya.

Marahan siyang napadausdos paupo. She hugged herself tightly as her tears flow through her cheeks. She cry all the frustation that she's feeling, not minding those people who's looking at her as they cross the bridge.

Sa sobrang pagkalunod niya sa sariling luha ay hindi na niya napansin ang salamin niyang suot-suot niya pa rin.

Kasabay ng marahan niyang paghubad do'n ay siyang paghinto ng isang pares ng paa sakaniyang harapan.

Imbis na tingnan ito ay nagsalita siya ng hindi tinatapunan ng tingin ang kung sino. "I know what I'm doing, just leave me alone."

The man smirked at Ryne who's still not looking. "Silly wife, want me to carry you?" He said still smirking.

Kaagad na tumambol ang kaba sa dibdib ni Ryne nang makilala ang kahindik-hindik na boses na ilang taon niyang kinatakutan noon.

Mabilis pa sa alas-kwatrong tumayo siya at ibinulsa ang salaming hawak-hawak. Lalong lumawak ang ngisi sa mga labi ni Lazaro ng tuluyang magtama ang paningin nilang pareho.

Lahat yata ng balahibo niya ay tumayo sa sobrang nerbyos. Gano'n pa man ay pinilit niyang huwag magpakita ng kahit anong takot dito. Hindi siya papasang agent kung hindi siya bihasa sa pakikipaglaban.

She's not the same Ryne four years ago who can't do anything but to cry.

"You look more beautiful huh? Did you make that to seduce me hmm?" nakangising ani nito.

Parang hindi nangangawit ang panga nito sa kakangiti na parang aso sakaniya.

Binura niya ang kahit anong emosyon na makikita sakaniyang mukha. "Are you still not satisfied?" malamig at hindi mababakasan ng kahit anong emosyon ang mukha niya ng humarap kay Lazaro.

He lookz surprise that she didn't look afraid of him. Ngumiti ng malapad sakaniya si Lazaro pagkatapos ay humawak sa baba na para bang may iniisip na kung ano.

"How can I satisfied myself when you left?" ang kaninang malapad na ngiti nito ay napalitan ng mapanganib na tingin.

Kung siya pa rin siguro ang dating Ryne malamang ay kanina pa siyang tumalon sa tulay makatakas lang. Pero hindi na siya 'yon, she's now agent Ryne.

"Sabagay hindi ka nga pala makukuntento hanggat hindi mo nakikitil ang buhay ko. Gusto mong ako na gumawa? Nakakahiya naman kasing madungisan 'yang kamay mong sinasamba ng iba." nang-uuyam na aniya.

Sumama ang mukha ng kaharap at marahang naglakad palapit sakaniya. Kaagad niyang inihanda ang sarili.

"Hindi ako magsasayang ng ilang milyon para lang saglit kang makuha. You know me, Ryvee. I can do anything just to make you mine again." matatalim ang matang sabi nito sakaniya.

"Excuse me? First, I don't know you. Second, I will never be yours." nakangising pahayag niya na ikinagalaw ng panga ni Lazaro.

Tinalikuran niya ito at akmang maglalakad patungo sa sariling sasakyan nang may limang kalalakihan ang humarang sa daraanan niya, malalaki ang mga katawan n'yon.

Lihim siyang napangiti, mukhang may paglalabasan na siya ng sama ng loob.

"Sasama ka? o masasaktan ka?" bulong ni Lazaro mula sa likuran niya.

Ang mga taong dumaraan sa harap nila ay mga ilap ang mga mata, natatakot sigurong madamay.

Ngumisi siya at imbis na sagutin ang dating asawa ay kaagad na umigkas ang braso niya nang sandaling dumapo ang kamay ro'n ni Lazaro.

Madali niyang naipilipit ang braso nito dahil sa hindi inaasahang pag-atake niya.

He was so surprised that he can't even uttered a word.

"I'm not Ryvee, I'm Ryne. Make sure to remember that." she whispered over his ear.

Malakas niyang tinuhod ang gitna ng lalaki mula sa likod at tinadyakan ito dahilan upang mawalan ito ng balanse at bumagsak malayo sakaniya.

Nagkatinginan ang mga lalaking purong mga nakaitim bago sunod-sunod na sinugod siya. The two men was holding both of her arms.

Gamit ang paa ay malakas niyang sinipa ang isa pang lalaki na papalapit sakaniya. Sa lakas niyon ay sapo nito ang dibdib habang umuubong napaatras.

Mabilis niyang pinagsisipa sa gitna ang dalawang lalaking may hawak sakaniya dahilan upang mabitawan siya. Nang makawala ay marahas niyang inabot ang mga buhok nito at kapwa pinag-untog.

She was facing the two men that looking at her. Mas malalaki ang katawan ng mga ito sa nauna ngunit hindi siya nagpatalo at napabagsak silang pareho.

Walang emosyon ang mukhang lumapit siya kay Lazaro. Bakas ang matinding gulat sa mukha nito. Matiim niya itong tinitigan at naupo mismo sa harap nito.

"I told you Ryvee is dead and this woman infront of you is Ryne."

Imbis na mabakasan ng takot ang mukha nito ay nginisihan siya nito. "Sa tingin mo nanalo ka na? Hindi pa tay––" tinadyakan niya ang mukha nito.

"Serves you right, asshole." bulong niya sa walang malay na si Lazaro.

"Mukhang hindi mo na kailangan ang tulong namin." napapakamot sa batok na sabi ng kadarating.

Napalingon siya rito at ang nakakairitang mukha ni Rextin ang bumungad sakaniya. May kasama itong lalaki na may blonde na buhok, matangkad at 'di nalalayo sa kagwapuhang taglay ni Rextin.

"He's Ius by the way." imporma sakaniya ni Rextin.

Binalingan niya ito ng tingin. "I didn't ask."

Walang salitang nilapitan niya ang sariling sasakyan at kinuha ang bag do'n. Akmang papasok na siya ro'n ng marinig niya ang sunod-sunod na pagmumura ni Rextin.

"You need to come with us." hindi nakatingin sakaniya na sabi ng kasama ni Rextin na si Ius.

Napalingon siya sa tinatanaw ng dalawa at sa dulo ng kalsada ay ilang itim na motor at dalawang itim na Van ang humaharurot patungo sa direksyon nila.

"Tara na! Sa dami nila malamang ay may armas sila! Hindi natin kakayanin." hiyaw ni Rextin habang hinihila siya patungo sa kotse nito.

Alam niyang hindi gano'n katulin ang kotse niya kaya naman kaagad niyang kinuha ang susi niyon at mga gamit niya bago tuluyang nagpatianod sa paghila ni Rextin.

Nang makasakay sila sa sasakyan nito ay mabilis na pinaharurot ni Rextin ang sasakyan.

"Siguraduhin mo lang na maibabalik pa sa'kin ang kotse ko."


Wala pang-tatlumpong minuto ay nakarating sila sa harap ng isang matayog na building saka lamang nalaman ni Ryne na isa 'yong condominium ng tuluyan silang pumasok sa loob ng gusali.

Wala siyang kibo habang sinusundan ang dalawang lalaki sakaniyang harapan. Hindi naman siya nag-aalala na baka may gawin ang mga ito sakaniya dahil kayang-kaya niyang ipagtanggol ang sarili.

"Bakit ba kailangan niyo pa akong isama rito? May uuwian pa ako at may trabahong kailangang gawin." aniya at napatingin sa smartwatch niya.

Mag-aalas tres na pala nang hapon.

"Chill couz, we just want to talk to you." nakangiting baling sakaniya ni Rextin na ikinabusangot ng mukha niya.

Mabilis siyang lumapit dito at dinagukan ang lalaki. "I told you don't call me couz, wala akong pinsang abnormal." aniya at inirapan ito.

Nakamaang si Rextin sakaniya hanggang sa tuluyan silang pumasok sa isang silid. Simple lang 'yon at nagtatalo sa tatlong kulay. Kulay abo, itim at puti.

Gayon pa man ay hindi naman nagmumukhang malungkot ang silid dahil sa ganda nang pagkakaayos ng lahat ng gamit.

"Have a seat." tipid ang ngiting alok sakaniya ni Rextin.

Sumulyap siya sa lalaking nagngangalang Ius na hindi man lang umiimik. Kung sasabihin siguro ni Rextin na si Ius ang tunay niyang pinsan ay paniniwalaan niya pa.

She was a quiet girl in her teenage days. Magsasalita lang kung may magtatanong o may mauunang mag-entertain.

Napabuntong hininga siya. "Now talk."

Naging seryoso ang bakas ng mukha ni Rextin. Minsan pa itong bumaling kay Ius na tumango lang kay Rextin. Medyo naguguluhan na siya. Ano bang gustong sabihin ng mga ito sakaniya?

"I've been looking for you since the day  that you and your parents dissapeared." panimula nito.

Nangunot ang noo ni Ryne. Alam niyang siya lang ang kinuha ng mag-amang Corvoz. Kaya bakit sinasabi ni Rextin na pati ang mga magulang niya ay nawala?

"What do you mean? Ako lang 'yong sapilitang kinuha ng mga hayop na 'yon." kunot na kunot ang noong aniya.

Saglit na napalingon si Rextin sa kaibigan. Base sa sinasabi ng pinsan niya ay malamang wala itong alam sa totoong sinapit ng mga magulang nito.

"Then they lied to you. Pagkatapos ka nilang kunin ay binaril si Tita sa mismong dibdib habang si Tito ay kinuha ng mga ito at ikinulong sa loob ng bodega kasama ang bangkay ng iyong Ina. They make your father suffered and experience hell in their hands. And I think he got so depressed that pushed him to took his own life..."

Parang namingi si Ryne sa mga narinig. Ayaw niyang maniwala! Alam niyang buhay pa ang Mommy at Daddy niya! Ipinahahanap niya nga ang mga ito, e.

Pagak siyang natawa. "Ang galing mo naman gumawa ng kwento. Bakit hindi ka sumulat ng nobela mo? Baka sumikat ka pa sa talento mo." walang emosyong aniya.

Pinigilan niya ang sariling paniwalaan ang mga isiniwalat ng binata. Hindi niya kayang tanggapin, no hindi niya tatanggapin.

"Ryne, kumalma ka. Believe me or not? Ayoko rin paniwalaan ang lahat nang nalaman ko! Kasi Tita ko 'yon, kapatid ng Mommy ko na naging mabuti rin sa'kin. Pero sabihin mo? Paano ko hindi paniniwalaan ang mga 'yon kung ako mismo 'yung nakatagpo sa bangkay nilang preho?!"

"I couldn't sleep, Ryne. They suffered a lot before passing away, and that's too cruel!"

Tinalikuran niya ito at mariing ipinikit ang nanunubig na mga mata. Patago niyang tinuyo ang pisngi bago nagsalita.

"Kung gano'n n-nasaan sila––" pinigil niyang mapahikbi. "Saan.. saan nakalibing ang mga b-bangkay nila." tumingala siya upang pigilin ang luha.

Inabot sila ng isang oras bago tuluyang nakarating sa sementeryo kung saan ipinalibing ni Rextin ang labi ng mga magulang niya.

Sa bukana pa lang ng sementeryo ay nanlalamig na ang katawan niya. Ang mga paa niya ay tila ba bumibigat habang papalapit sila ng papalapit sa puntod ng mga magulang niya.

Hindi kaagad siya nakatingin ng tuluyang huminto si Rextin sa harapan ng dalawang puntod. Binalak niyang maglakad paalis ngunit maagap na nahawakan siya sa braso ni Rextin.

"Walang mangyayari kung tatakasan mo ang katotohanan, mas paaasahin at sasaktan mo lang ang sarili mo sa isiping buhay pa ang mga magulang mo." bulong ng pinsan  sakaniya.

Unti-unti niyang nilingon ang puntod ng magulang. Halos mamanhid si Ryne sa sakit na nararamdaman. Umasa siya... Umasa siyang muling mahahagkan ang mga ito sa pagbalik niya ngunit ang mga malalamig na lapida pala ng mga ito ang sasalubong sa pag-asa niya.

Walang kasing-sakit ang mawalan ng magulang, lalo na kung wala ka manlang nagawa bago sila bawian ng buhay.

Isang malakas na hagulgol ang pumuno sa paligid habang nakaluhod siya at mahigpit ang kapit sa damong nakapaligid sa lapida ng mga magulang.

"Bakit... Bakit hindi niyo ako h-hinintay? Mom... Dad!" palahaw niya habang sunod-sunod ang luhang bumabagsak mula sakaniyang mga mata.

Wala siyang pakailam kung magmukha siyang kaawa-awa sa kalagayan niya ngayon. Nagtatangis ang buong pagkatao niya sa lahat ng nalaman.

Naghihinagpis niyang tinitigan ang puntod ng Ama at Ina.

"H-Hindi ako papayag na mamatay kayo ng wala ang hustisya. Pangako ako mismo ang kukuha no'n para sainyo..."





HABOL NIYA ang sariling hininga matapos pagtatadyakan ang gulong ng sariling sasakyan.

Kanina pa pabalik-balik si Lyxian sa condo ng dalaga ngunit gaya kaninang hapon ay hanggang ngayon hindi niya pa ito nakikita.

Kung sinundan niya lang sana kaagad si Ryne! Hindi sana siya mababaliw sa pag-aalala rito!

Wala naman talaga siyang pakailam kahit may anak ito. Hindi 'yon kabawasan sa pagiging tao.

Huminga siya ng malalim bago sinagot ang tawag ni Grios. "Any update?" He asked while catching his own breath.

Wala siyang pake kung mahigit limang oras na siyang naghahanap kay Ryne. Hindi niya pinapansin ang pagod na nararamdaman dahil mas makakahinga siya kung madali niya itong matatagpuan.

"Sorry Sir, we can't still find her. Ang last na nakalap namin ay no'ng umalis siya sa school na pinagtatrabahuhan niya."

Napapikit siya at binabaan ito ng tawag. He feel like he's gonna lose his mind when he didn't see Ryne within the night.

Sa pagbabaka-sakali ay pumasok siya sa Condominium building kung saan tumutuloy si Ryne. Habang nasa elevator siya ay tinatawagan niya ang dalaga.

Mabilis ang tahip ng dibdib niya na tila ba sasabog kung hindi pa madatnan si Ryne sa condo nito.

And that moment when the elevator's door opened his heart jump in happiness.

Parang muling nabuhayan ang loob niya habang nakatingin sa likod ng dalaga. Hawak-hawak nito ang sariling telepono at nakatitig lang doon.

Finally he see her.

"Ryne..."

The moment their eyes met he feels like someone stole his heart and gave it to the woman infront of him.



****





Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro