Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

WARNING!!

1. MABAGAL MAG UPDATE ANG AUTHOR DAHIL WALANG LOAD.

2. NAG IISIP NG MAGANDANG SCENE NA MAAARING MAKAPAGPAKILIG O MAGBIGAY NG KAKAIBANG EMOSYON SAINYO.

3. YUNG AUTHOR WALANG JOWA! (That's the truth ✋🙂)

CHAPTER 1

"YOU know what to do, Ryne." wika ng kaibigan ni Ryveeraine mula sa kabilang linya.

Tumango siya na tila ba kaharap ang kaibigan bago nagpakawala ng isang buntong hininga habang nakatingala sa paaralan. Paaralan na may itinatagong illegal na gawain.

Hindi niya alam kung paanong nasisikmura ng mga guro rito ang nangyayari, dahil ba sa malaki masyado ang sahod nila kumpara sa normal na guro? O dahil pati sila ay gumagamit ng ipinagbabawal na droga?

She maybe has a terrible past but she will never do this kind of living. Selling drugs? Using students? That's completely insane.

"If I successfully finish this mission, the students will be free and start a new life..." bulong niya.

Gusto niyang tulungan ang mga batang mas may magandang kinabukasan kung hindi lang napasok sa paaralang 'to. Maliit ang paaralang 'to kumpara sa ibang school sa buong manila kaya hindi na siya magtataka kung naririto ang anak ng pinakamayayaman o makapangyarihan na tao sa buong Pilipinas.

"Oh, look what we have here." wika ng kung sino, nakatalikod man siya ay ramdam niya ang ngisi sa mga labi ng bagong dating.

Humarap siya sa mga ito. "Hi, students! Let's go, we'll getting late!" aniya habang ang pekeng ngiti ay hindi nilulubayan ang kaniyang mukha.

"Are you kidding me, woman? We're not going here to study." nakangising sagot nito.

Just like I thought. Iwinaksi niya ang nasa isip at mas pinalapad ang ngiting nasa labi.

Lumapit ang isa sa nga istudyante niya at deretso ang tindig na tumabi sakaniya. "Oh? Anong nasa isip ng tanga naming guro--oops I mean bagong guro?" tatawa-tawang sabi nito na sinabayan ng kasama nitong mga kaibigan.

Hindi siya kumibo at imbis ay yumuko upang pigilan ang sarili. She needs to control herself or else all this shit that she's planning will get nothing.

"Ang guro natin! Naputulan ng dila!" sigaw nito sa mismong tainga niya at dinuro-duro ng madiin ng sintido niya.

Pumaling ang suot-suot niyang salamin na kaagad niyang inayos. Ito lang ang nag-iisang pumipigil sa sarili niya. Ang salamin niya sa mga mata na siya ring humahawak sa natitira niyang pasensya.

"Halika na nga, baka umiyak pa 'tong guro natin at hindi makapasok." sabi nitong muli habang pinapaliit ang boses.

Muling nagtawanan ang mga ito bago naglakad palampas sakaniya na sinadya pang banggain siya sa balikat. Kumuyom ang dalawang kamao ni Ryne at mariing ipinikit ang mga mata.

"You need this... Keep calm." bulong niya sa hangin habang pilit pinakakalma ang nagwawalang sistema.

Muling sumilay ang isang pekeng ngiti sa mga labi ni Ryne habang nakatingin sa likod ng mga istudyante niyang may hindi kagandahang asal. Napailing-iling siya at humawak sa baba, iniisip kung sakaling matapos ba niya ang misyon ay siyang pagtatapos din ng kay baho nitong mga ugali.

NAKANGITING nagtuturo si Ryne sa harap ng dalawampung istudyante. Ang lahat ay mukhang normal, tila ba mga istudyanteng walang ginawa kung 'di mag-aral.

Sa hindi inaasahang sandali isang malamig na bagay ang tila ba sumabog sa mismong taas ng dibdib niya. Nakaawang ang labi na binitawan ni Ryne ang librong hawak at napatingin sa nangangamoy malansa niyang damit.

Sabay-sabay na nagtawanan ang mga istudyante niya habang nakaturo sa itlog na siyang ibinato sakaniya.

"Oops, my bad. Dumulas po kasi sa kamay ko, Teacher." sabi ng istudyanteng bumato sakaniya at nakisabay sa tawanan ng lahat.

Hinawakan niya ang salamin sa mata habang inilalaglag sa basurahan ang balat ng itlog. Malansa man ang amoy at tila ba mabubulok na ay tiniis niya ito habang hawak-hawak ang natitirang pasensya.

Hindi pa pwede, hindi pa sa ngayon. Pilit na ngumiti si Ryne sa mga istudyante. "I'll just go to the washroom. I'll be back students." aniya at walang lingong likod na nilisan ang kwarto.

Napahilot siya sa sintido ng tuluyang makarating sa banyo ng mga babae. Inalis ang salamin sa mata at isang malakas na pwersa ng suntok ang pinakawalan dahilan upang yumanig pati ang lababong nasa harapan.

"You okay, Ryne? What did you just do?" tanong ni Tia na hanggang ngayon ay nasa kabilang linya.

Sa tulong ng maliit na bluetooth earphone ay hindi sila nawawalan ng koneksyon sa isa't-isa. "Don't worry, I didn't destroy anything, well yet." sagot niya at napairap sa hangin.

"I told you, Ryne. You don't need to do this. Being an ag--" pinutol niya ang mga sinasabi nito.

"End the call for a while, Tia." aniya at inalis ang earphone sa tainga.

Napahilamos siya sa mukha habang mahigpit na hawak ang salamin sa mata. Nag-iisip kung paano bang matuturuan ng kahit kaunting disiplina ang mga istudyante niya.

Ibinulsa niya ang earphone at sinuot ang salamin sa mata. "Let's do something new." bulong niya habang titig na titig sa sarili sa salaming muntik na niyang masuntok kanina.

Lumabas siya ng banyo nang hindi hinuhugasan ang parte ng damit na nabato ng itlog. Tahimik niyang tinungo ang opisina ng principal ng school na kinaroroonan niya.

"Oh, Ms Quez." nakangiting bati nito, ni hindi nga alam na hindi naman totoo ang pangalang nasa kaniyang dokumento.

"Mr. Krizon gusto kong ireklamo ang ginawa sa'kin ng mga istudyante ko." aniya habang ang mga mata ay tila naluluha na.

Isa sa talento niya ay ang pag-arte na tila ba makatotohanang aping-api siya. Tumingin ang lalaki sa parte ng dibdib niya na basa ng itlog bago napapalunok na nagbaba ng tingin sa katawan niya.

Gustong-gusto ni Ryne na umirap sa hangin dahil sa uri ng pagtingin nito sakaniya. Pailalim na tila ba may gusto pang ibang makita.

Mukha bang pumapatol ako sa matanda?

"Mr. Krizon?" aniya sa kunwaring takot na boses.

Nakita niyang ngumisi ang matanda bago dahan-dahang tumayo at lumapit sakaniya. Inilapat nito ang kamay sa basang dibdib niya.

"Gusto mong magpalit ng damit? Tutulungan kita hija..." sabi nito habang malagkit na nakatingin sakaniya.

"Hindi na ho.. aalis na ho ako." aniya at umarteng tila ba isang mahinhin, mahinang babae na hindi kayang ipagtanggol ang sarili.

Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay niya habang ang mga mata ay nanlilisik sa pagnanasa. "Ms. Quez hayaan mo lang ako't mag-eenjoy ka rin naman." sabi nito at akmang hahalikan siya ng biglang bumukas ang pinto ng opisina.

"Sir Krizon! Anong ginagawa niyo kay Ryne!" sigaw ng kadarating na si Nadia.

"Tulungan mo ako.." aniya at umarteng tila ba umiiyak.

Kaagad na lumapit si Nadia at inagaw ang kamay niya sa matanda. "Oras na maulit pa 'to Sir, hindi ako magdadalawang isip na magsuplong." wika nito at hinila na siya palabas ng opisina.

Pinagmasdan ni Ryne ang likod ng babaeng hila-hila pa rin siya. Madalas siya nitong tulungan sa mga hindi niya kunwaring alam na bagay. Minsan pa ay ito ang dahilan upang makakuha siya ng ilang impormasyong magagamit niya.

Nang bumaling ang tingin sakaniya ni Nadia ay kagad siyang ngumiti ng masuyo. "Salamat, Nadia." aniya sa dalaga na itinuturing niyang kakilala.

Ngumiti ito at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang dalawang kamay. "Wala 'yon 'no. Halika magpalipas tayo ng oras sa cafeteria." ani nito at muli siyang hinila.

Hindi niya alam kung ituturing niya na ba 'tong kaibigan. Samantalang isa ito sa guro ng iskwelahang kailangan niyang imbestigahan at palayain mula sa illegal na gawain.


***

PAGOD na ibinagsak ni Lyx ang katawan sa kama. Nawala siya sa sarili at walang paalam na inangkin ang dalagang hindi rin maganda ang kalagayan. Alam niyang mali ang ginawa niya ngunit para saan pang magsisi kung nagawa niya na?

Sa isiping 'yon ay hindi na napigilan ni Lyx ang makatulugan ang babaeng ngayon ay tulog na tulog sa kaniyang kama, ni hindi nga nakapagprotesta sa mga ginawa niya dahil sa sarap na hatid nito sakanilang pareho.

Ngunit nang magising siya kinaumagahan ay wala na ang dalaga sakaniyang tabi. Napahawak siya sa ulo habang iniisip ang pangakong binitiwan niya rito.

"Pananagutan kita't ituturing kong nag-iisang reyna..." ngunit paano niya pa matutupad ang pangakong ginawa niya? Kung ang dalaga ay hindi na niya makita?

Kumikirot man ang ulo ay dali-dali siyang bumangon at hindi na nag-atubiling maligo sa banyo. Kaagad niyang tinungo ang CCTV room ng beach house na kinaroroonan niya.

"No... No! You can't leave me alone!" puno ng prustasyong sigaw niya matapos makita ang babae sa CCTV video halos madapa pa siya ng tinakbo ang pagitan ng bahay at kalsada.

"NO!" marahas na sigaw ni Lyx at humahangos na nagising mula sa isang panaginip.

Napahilot siya sa sariling noo nang maalalang hindi ito panaginip. Kung 'di isang alaala kung saan mukha siyang tanga na naghahabol sa babaeng hindi naman niya kilala.

"Why? Why can't I delete you from my system?" He said while gritting his teeth.

Sa inis at prustasyong nararamdaman ay wala sa sariling naibato niya ang unan dahilan upang tumama ito sa vase at mabasag.

"What happened, Boss?" hinihingal na tanong ng personal butler niya.

Mukhang nasa kusina ito nang marinig ang nabasag niyang vase at dali-dali siyang pinuntahan. "Did you--" hindi na niya tinuloy ang sasabihin bagkus itinakip ang isa pang unan sa mukha.

"We can't find her, Boss. It's been 8 years since she left--" pinutol niya ang sinasabi nito.

"Yes, that's it! It's been fucking eight years and yet the memories still haunt me!" He hissed out of frustration.

His butler got silent while looking down at the floor. Ilang minuto itong natahimik bago muling nagsalita. "I'm sorry, Boss. But I'm giving my best just to find her..."

Sinenyasan niya itong umalis sa harap niya habang patuloy siyang binabalot ng guilt at panghihinayang na nararamdaman niya.

Guilt dahil inangkin niya ang babae kahit na pareho silang wala sa huwisyo at panghihinayang dahil hindi niya matandaan ang mukha nito.

Ngayon lang ako nagsisi na hindi ako nagising ng maaga. E, 'di sana inabutan kita, e 'di sana nakapagpaliwanag ako sa'yo, e 'di sana nakahingi ako ng tawad sa'yo...

***

PALINGA-LINGA si Ryvee sa hallway ng hospital, kailangan niyang makaalis na lugar 'to! Hindi niya matanggap ang mga kabaliwang sinabi sakaniya ng doktor!

Mabilis niyang tinungo ang rooftop ng hospital at lumapit sa railing na humarang upang hindi mahulog ang kung sino. Tinanaw niya ang napakagandang syudad na ngayon lamang niya muling nakita.

"Hindi kita matatanggap, demonyo ang ama mo kaya hindi na ako magtataka kung isa ka ring demonyo... Ayoko sa'yo! Bakit hindi ka pa mawala!" sigaw niya habang wala sa sariling sinasaktan ang sarili.

"Hinding-hindi kita matatanggap kahit kailan! Anak ka ng demonyo! Demonyo!" sigaw niya habang ang luha ay tuloy-tuloy sa pag-agos mula sakaniyang mga mata.

Inilabas niya ang patalim na nakita, alam niyang mahihirapan at masasaktan niya ang sarili ngunit mas pipiliin niya 'to kaysa dahil ang anak ng demonyo!

Akmang iaamba na niya ito sa tiyan ng may humawak sa dalawa niyang kamay. "Walang kasalanan ang bata, Maam! Labag sa batas ang pagkitil ng buhay." sabi ng isang nurse na lalaking hawak-hawak ang pareho niyang kamay.

Kaagad na nilukob ng matinding takot si Ryvee habang nakatingin sa lalaki. "No... Lazaro please don't hurt me.." aniya habang paatras ng paatras sa lalaki.

Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang tiyang nagsisimulang humilab sa hindi malamang dahilan. Umawang ang kaniyang labi ng mas lukubin siya ng hindi maipaliwanag na sakit.

"Dinurugo ka Maam!" natatarantang sabi ng lalaki na kaagad siyang nilapitan.

Napatulala siya matapos makita ang dugong umaagos sa hita niya!

"Hindi ko sinasadya!" lumuluhang gumising si Ryne mula sa isang panaginip.

Hanggang ngayon ay dala-dala niya ang bigat sa dibdib. "Sorry... I know it's not your fault. Alam kong wala ka namang kinalaman sa kasalanan ng Ama mo, pero dinamay pa rin kita.." bulong niya habang ang mga luha sa kaniyang mga mata ay patuloy sa pag-agos.

Humahagulgol na niyakap niya ang sariling tuhod. "I'm sorry... Sorry please forgive me..." nanginginig ang labing aniya habang patuloy sa pagluha.

Hindi niya sinasadya, hindi niya sinasadyang malaglag ang bata....

Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro