PROLOGUE
MADILIM ang paligid na halos hindi na makita ng binata ang daraanan niya. Papunta siya sa kusina upang kumuha ng baso ng tubig. Naalimpungatan kasi ang binata at tuluyan na nga siyang nagising.
Nasa hagdanan ang binata at handa na siyang bumaba nang makarinig siya ng mga kaluskos. Kinabahan siya nang tuluyang makarinig na ng ingay.
Nang makababa siya ay namilog ang mga mata niya nang makita ang mga lalaking nakasuot ng itim na bonnet. Armado ang mga ito. Ilang ulit na napalunok ang binata. Nakita niya ang Mama at Papa niya na nakabusal ang bibig.
Nang makita ang binata ng Mama niya ay pinanlakihan siya nito ng mata. Nagbibigay ng hudyat na magtago ito at huwag lumapit. Dahil sa pinaghalong gulat at takot ay halos hindi na makagalaw ang binata sa kinatatayuan niya.
"Ayos ito! Pwede natin galawin ito. Napakaganda ng kutis at halatang mayaman talaga," tawa ng isa sa mga lalaki. Hindi alam ng binata kung sino sa mga iyon ang nagsalita.
Anim ang nakikita ng binata na kalalakihan. Malalaki ang mga katawan nito at gustuhin man niya na manlaban ay may mga armas din ito. Higit na mas malalakas ito sa kanya base pa lang sa katawan wala siyang panama.
"Jackpot tayo nito. Salamat na lang talaga kay bossing!" humalakhak ang isa pa sa mga lalaki.
"Magpapakasasa muna kami rito kay Miss Ganda bago namin kayo patayin. At ikaw, panoorin mo kung paano namin dadalhin sa langit ang asawa mo," sabi ng isang lalaki, mukhang ang lider nila. Nakita ng binata na nag-apir pa ang mga lalaki.
Tinanggal ng isang lalaki ang busal sa bibig ng Mama at Papa ng binata. Kita niya ang ngisi sa mga mukha ng ibang lalaki sa grupo, ang iba naman ay nakatalikod mula sa direksyon ng binata.
"Mga hayop kayo!" sigaw ng Papa ng binata.
"Ay! Talagang-talaga! Pero mabait pa naman kami ng slight kaya hindi pa namin kayo agad-agad na papatayin," humalakhak ang lalaking nagsalita.
"Mabubulok kayo sa impyerno!" bulyaw ng ina ng binata.
"Kung hindi ka lang maganda ay kanina ko pa pinasabog ang ulo mo. Pero syempre, hindi ako papayag na hindi ka matikman." Nakita pa ng binata na hinimas ng lalaki ang legs ng kanyang ina.
Pilit na pumalag ang ina ng binata. Pero dahil nga nakatali ang kamay at paa nito ay wala siyang magawa. Siya lang din ang nahihirapan.
Sunod-sunod na napalunok ang binata. Napaatras ang binata sa kaba at takot na nararamdaman. Hindi niya namalayan na natamaan niya ang isang flower vase sa likuran niya. At biglang nalalag ito at nabasa. Lumikha ito ng ingay, kaya napalingon ang mga kalalakihan sa direksyon niya.
Kitang-kita ng binata ang pamimilog at pag-awang ng labi ng mga magulang niya. Nakita niya ang pagngisi ng mga kalalakihan.
"Agasé, takbo!" sigaw ng ina ng binata.
Kahit nanginginig ang binti ay sinubukan ng binata na pumihit patalikod. Upang tumakbo palayo aa lugar na iyong. Hanggang sa narinig niya ulit ang sigaw ng kanyang ina at biglang nakarinig siya ng ingay—putok ng baril.
"Takbo anak, takbo!"
Pagkatapos . . . ay isa nanamang putok ng baril.
Napabalikwas ng bangon si Agasé. Napatingin siya sa alarm clock sa tabi ng kama niya. Nakita niya na alas-sais pa lamang ng umaga. Napabuga siya nang malalim na hininga. Pawis na pawis siya.
Napailing lang si Agasé at pumasok sa banyo. Hinawakan niya sa magkabilang gilid ng lababo at seryosong tumitig sa salamin.
That's a very bad dream!
Napailing na lang siya sa naisip at nagsimulang maghilamos. Inayos niya ang sarili at pagkatapos ay lumabas sa banyo. Pagkatapos ay inayos niya ang postura at sinuot ang bagong uniporme. Unang araw pa lang ni Agasé dahil nag-transfer siya. Galing kasi silang ibang bansa no'ng nakaraang taon, matapos siya i-kick sa school niya.
Pagkalabas niya ay agad siyang bumaba para mag-umagahan. Ayaw naman ni Agasé na mahuli sa unang araw ng klase. T'saka makakasama niya na ang pinakamalapit niyang kaibigan at pinsan niya na si Ulysses.
Magkapatid ang Mama niya at ang Mama ni Ulysses. Kaso ay wala na ang Mama ni Ulysses. Kahit gano'n ay maganda naman ang kinalalagyan ngayon ng kaibigan ni Agasé.
"Good morning, Mom!" bati ni Agasé sa Mama niya na busy sa pag-aasikaso ng umagahan. Agad naman nakuha ni Agasé ang atensyon ng Mama niya, sinundan iyon ng malapad na pagngit ng babae.
"Good morning, my unico hijo!"
Nilapitan ni Mrs. Favilion ang anak na si Agasé at binigyan itong mainig na yakap.
"How's your sleep? Do you still have nightmares?" tanong ng ginang.
Bahagyang natigilan si Agasé nang banggitin iyon ng kanyang Ina. Hindi maganda ang napanaginipan noya kagabi. Hindi gugustuhin ni Agasé na mangyari ang napanaginipan niya. Kapag nagakataon ay baka . . . mabaliw siya.
Umupo na si Agasé. Ngumiti na lang ang siya sa kanyang Ina at sinagot ang tanong nito.
"Opo, pero hindi naman sobrang nakakatakot . . ." pagsisinungaling niya.
"Ay mabuti naman. Nakahanda na ang sasakyan mo papunta sa bago mong school. Gusto mo ba na samahan kita?" tanong ng ginang.
Napasimagot naman si Agasé. "Mom!" protesta niya.
"What?" Pinanlakihan si Agasé ng mata ng kanyang Ina.
"Angeline naman, huwag mo ng gawing baby iyang anak mo," sambit ng Ama ni Agasé. Kakarating lang nito at umupo ito sa kabisera ng mahabang hapag.
"Gregory naman! Kahit hindi na siya baby ay siya pa rin ang baby ko," maktol ng ina ni Agasé. Napailing lang si Gregory at napatawa. Habang si Agasé naman ay napangiwi na lang. Ano nga ba ang laban niya sa Ina niya?
"He's already sixteen," sabi ni Gregory.
"So what? Basta itatrato ko ng kahit anong gusto ko ang anak natin. Kapag sinabi kong baby ko siya, baby ko siya. That's it, period," giit ni Mrs. Favilion. Natawa lang ang asawa nito. Si Agasé naman ay naiiling lang sa Ina. Ito ang boss ng bahay nila, kaya ano pa nga ba ang magagawa niya?
"Oh siya sige . . . kumain na tayo. Baka mahuli pa si Agasé sa unang araw niya," pag-aaya ng Ama ni Agasé.
Nagdasal naman sila at pagkatapos ay nagsimula ng kumain. Nagkukuwentuhan ang Mama at Papa ni Agasé sa hapag-kainan, habang si Agasé naman ay tahimik lang na nakikinig. Ang mga kuwento nila ay patungkol sa negosyo at sa mga amigo't amiga ng mga ito.
Tumayo si Agasè matapos niya kumain. Iniabot ng isa sa katulong nila ang bag niya. Nang maabot naman ni Agasé ang stylish black messenger bag niya ay inayos niya ang ito. Biglang lumapit ang Papa niya sa kanya at tinapik ang balikat niya. Agad naman nakuha ang atensyon ni Agasé.
"No more troubles huh, Agasé," his Father said.
Napangisi naman si Agasé at umiling sa sinabi ng kanyang Ama. "You mean, stop spilling their shits?" Tumawa ang binata na kinailing ng Ama niya.
"I'm serious, Agasé. That brave mouth of yours will be the death of you. You really said your real intention on the national television. Na-bother din sila sa mga articles mo," sambit ng Ama ni Agasé. Tiningnan ni Gregory ang anak na puno ng pag-aalala.
"Dad, I'm fine. Don't worry about me. That's the purpose of journalism . . . to express. Bakit naman sila mabo-bother kung wala silang ginagawang masama?" Nagkibit balikat lang si Agasé na kinailing muli ng kanyang Ama.
Pagkatapos ay nagpaalam na si Agasé na aalis siya. Sumakay siya sa mamahaling sasakyan na maghahatid sa kanya sa kanya sa paaralan.
Mabilis lang ang naging biyahe papunta sa paaralan ni Agasé. Wala pang kalahating oras ay nakarating na siya sa paaralan niya. Pagkalabas na pagkalabas niya ay sumalubong sa kanya ang kanyang pinsan at kaibigan—si Ulysses.
"Agasé!" tawag nito sa kanya.
"Uly! What's up!" Nakipag-fist bump si Agasé kay Ulysses.
"Okay lang naman. Ang tagal nating hindi nagkita ah. Hintayin muna natin si Agnes, para sabay na tayong tatlo," wika ni Ulysses. Binigyan naman si Ulysses ng nanunudyong tingin ni Agasé.
"Sus! Agnes pa nga . . ." Humalakhak si Agasé na ikinangiwi ng kaibigan niya.
"Tigilan mo ang pang-aasar mo. Baka makahalata si Agnes na gusto ko siya. Sisirain mo pa ang diskarte ko," nakasimangot na sabi ni Ulysses. Napahalakhak si Agasé at kahit sinuntok na siya sa tiyan ni Ulysses para awatin ang pagtawa ay wala iyong nagawa.
"Kailan ka ba kasi aamin?" tanong ni Agasé.
Nasa harap pa sila ng eskwelahan. Maaga pa naman, alas syete pa lang. Mamaya pang alas nueve ang simula ng klase nila.
"Huwag kang magtanong. Panira ka pa naman palagi. Tsk!" asik ni Ulysses. Napailing na lang si Agasé sa kanyang kaibigan.
Nagkukuwentuhan pa si Agasé at Ulysses nang makuha ng paparating na tricycle ang atensyon ni Agasé. Napatulala si Agasé nang makita ang bumabang babae sa tricycle.
She's a beauty. Wow! She had those beautiful eyes, they were as dark as the night. Her straight jet black hair with hairclips on both sides. She had those luscious red lips and small pointed nose. Her paper white skin is glowing. She's wearing their uniform. Red longsleeves and also a white longsleeves inside, with the school logo in left side chest. Also a red checkered skirt. Wow! Very pretty. I wonder . . . what's her name.
Iyan ang tumatakbo sa isip ni Agasé. Hindi soya agad nakabawi sa nasilayang ganda ng kanyang ka-schoolmate. Pareho lang ang uniporme nila sa pantaas. Ang kinaibahan lang ay itim na pants ang sa mga lalaki. Kaya, nakakasigurado si Agasé na schoolmate niya ang magandang dilag.
Siniko ni Ulysses si Agasé. Mukhang napansin nito ang pagkatulala ng kaibigan sa kagandahan ng schoolmate na kakarating pa lang. Napangisi si Ulysses.
"Type mo?" bulong ni Ulysses.
Pinagkrus ni Agasé ang kanyang braso. "She's pretty . . . What's her name?" bulong pabalik ni Agasé.
"Tanungin mo . . ." ngisi ni Ulysses.
"Gago ka! Ang damot mo naman," asik ni Agasé at pabirong sinuntok sa dibdib ang kaibigan.
"Tulong!" sigaw ng babae na tinititigan ni Agasé kanina.
Agad naman nakuha ang atensyon ni Agasé. Nang lingunin niya ay nakita niya na-snatch ang wallet ng dalaga at tumakbo ang snatcher. Agad na hinubad ni Agasé ang kanyang messenger bag at inabot kay Ulysses. Hinabol niya ang snatcher.
Mabilis siyang tumakbo. Nakipaghabulan talaga ang snatcher. Sinubukan niya na hindi mawala sa paningin niya ang snatcher. Pero dahil sa traffic ay na-corner ni Agasé ang snatcher.
Nakita niya na sinundan pala siya ni Ulysses at no'ng babae. Nang hindi na makaraan ang lalaki dahil sa traffic ay tinutukan sila ng kutsilyo.
"Oh gosh! Umalis na lang tayo . . . h-hayaan na lang natin ang wallet ko," sambit ng dalaga. Nanginginig at naiiyak ito.
"Hindi, hindi . . ." anas ni Agasé.
"Ano bang laman ng wallet mo, Benilde?" tanong ni Ulysses sa babae.
Benilde . . .
"Nand'yan ang picture ni Mama at Papa. P-Pati na ang lahat ng allowance ko at kinita ko," sambit ni Benilde. Nang marinig iyon ni Agasé at mas tumindi ang kagustuhan niya na makuha ang wallet ni Benilde.
Kaya nang bahagyang mapalingon ang snatcher ay agad nakipag-agawan si Agasé ng patalim. Tumulong na si Ulysses sa kaibigan. Nang tumilapon ang kutsilyo sa kung saang bahagi ng kalsada ay biglang sinuntok ni Agasé sa mukha ang snatcher.
Kinuha niya ang wallet ni Benilde. At inabot niya sa dalaga.
"Uhm . . . Ito na ang wallet mo," sabi ni Agasé at inabot ang wallet sa dalaga. Lumikot ang mga mata niya at bahagyang nahiya.
Si Benilde naman ay napaiwas ng tingin at inabot ang wallet. "S-Salamat . . ."
"Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" tanong ni Agasé.
"Hindi ba ako dapat ang magtanong niyan sa 'yo? Ikaw ang naghabol at . . . pawis na pawis ka," wika ni Benilde. Inabot ni Benilde ang panyo niya kay Agasé.
Kahit may panyo si Agasé ay tinanggap niya panyo ng dalaga. Hindi mapigilan ni Agasé ang ngiti sa kanyang mga labi. Lalo na't nakita niya na namumula na ang pisngi ni Benilde.
Si Ulysses naman ay nakabusangot sa gilid. Feel na feel nito ang pagiging extra sa moment ng kaibigan niyang si Agasé. Napailing na lang siya. Hindi na lang bale, minsan lang naman magkagusto ang pinsan niya.
"Mauna na pala kami . . ."
Tumalikod si Agase. At sinenyasan niya na si Ulysses. Sa unang paghakbang niya ay narinig niha ang boses ng dalaga.
"Sandali lang!" pagpigil ng dalaga kay Agasé.
Napatigil si Agase. Pero hindi pa niya limilingon ang dalaga.
"Ano pa lang pangalan mo?"
Nilingon niya ang dalaga. Gamit ang dalawang daliri, ang hintuturo at gitnang daliri. Inilapat niya iyon sa kanyang noo, bandang taas ng kanyang kanang kilay. Lumikha siya ng munting saludo at ngumiti sa dalaga.
"Agasé Hydrox Favilion, at your service . . ."
VimLights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro