EPILOGUE
Epilogue
HINDI makatulog si Belleza kaya nagtimpla na lang siya ng kape at pumunta sa balkonahe. Nakatulog na ang anak niya si Whizka at ngayong gabi ang uwi ng asawa niyang si Wrath.
Naramdaman ni Belleza na may humimas sa kanyang balikat at ginawaran iyon ng halik. Napangiti siya dahil mukhang alam niya na kung sino iyon.
"Hmm, why are you still awake?" tanong ni Wrath sa asawa sa pagitan ng paghalim niya sa balikat ng asawa.
"Wala naman. Nagmumuni-muni lang ako."
"Sabay tayong maligo?" Ngumisi si Wrath. Inirapan naman ni Belle ang asawa niya.
"Magigising si Whizka." Pinanlakihan ni Belle ng mata ang asawa niya.
"Damot." Nangingiting ngumuso si Wrath. Natawa naman si Belle sa naging reaksyon ng asawa niya.
Ibinalik niya ang tingin sa madilim na langit. May buwan at mga tala ang naroon. Napakaganda ng langit dahil puno ng mga bituin.
"Iniisip mo pa rin ba ang papa mo?" tanong ni Wrath sa asawa. Lalong humigpit ang pagkakayakap noya sa bewang nito.
"Palagi naman . . . binasa ko kasi ulit ang huling librong binigay niya," ani Belle.
Namayani ang katahimikan ng ilang minuto. Hanngang sa biglang nagsalita si Wrath. Tumikhim muna ang lalaki bago magsimulang magkuwento.
"The first time I saw him, his presence screams dominance and power. Hindi ko inaakala na siya ang ama mo. Nang titigan ko siyang mabuti ay nakita ko ang pagkakapareho ng mukha ninyo. Siya nga talaga ang ama mo," kuwento ni Wrath.
Hindi alam ni Belle kung anong mararamdaman habang naririnig ang kuwento ng asawa niya. Mas nauna pa nga nitong nalaman na anak siya nito.
"Sinungitan ka ba niya?" natatawang tanong ni Belleza sa asawa. Napahalakhak naman si Wrath sa tanong ng asawa niya.
"You'll never know . . ."
"Ano nga!"
"He saved me, then he punched me."
Namilog ang mata ni Belleza sa nalaman niya. Hindi niya inaakala na ginawa iyon ng ama niya kay Wrath. Pero habang iniisip ni Belle ang kawawang mukha ng asawa na nasapak ng papa niya, hindi niya maiwasan na matawa.
"Ginawa niya iyon?"
"Yes. Then, he said that I should leave you alone because you're too precious and I am not worthy. Also, because I am a Romualdez . . ."
"Anong sagot mo sa kanya?" kuryusong tanong ni Belleza sa asawa.
"I told him that I love you. Kaya hindi ko magagawa na iwan ka kahit bugbugin pa niya ako. Sabi ko sa kanya na handa kong saluhin lahat ng suntok niya sa akin," seryosong saad ni Wrath.
Hindi maiwasan ni Belle na pamulhan sa narinig na salita mula sa kanyang asawa. "Sinabi mo sa kanya 'yon?"
"Yes, but he challenged me. I accepted it. Para patunayan ang sarili ko at protektahan ka . . . hiniwalayan kita at pumunta ako sa amerika ka." Kinuha ni Wrath ang isang kamay ni Belle at dinala iyon sa kanyang labi. "Trust me, even we're apart . . . it's still you."
Mariing napapikit si Belle. "I know . . ."
"Kayo ni Whiz ang buhay ko, Belle. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala kayong dalawa," sambit ni Wrath.
"I love you . . .," bulong ni Belle kay Wrath.
"Sabay tayo maligo." Numisi nang malapad si Wrath.
"Pilyo!"
Pinisil ni Belle ang ilong ng kanyang asawa. Pigil na pigil niya ang ngiti niya pero dahil sa kapilyuhan ng asawa niya ay hindi niya napigilan. Hinila na siya ni Wrath papasok sa banyo.
Masaya at kuntento na si Belle sa buhay niya. Alam niya na iyon lang ang gusto ng ama niya. Kung makikita man ng ama niya ang kalagayan niya, alam niya na magiging masaya ito sa para sa kanya.
Papa, I'm now happy and contended.
—
KINABUKASAN ay nakatanggap ng tawag si Belleza sa mansion. Ang sabi ng isa sa katulong nila ay hindi raw galing sa pinas ang tawag. Walang ideya na si Belle kung sino ang possibleng tumawag sa kanya.
"Hello," bungad ni Belle.
"Hi, I am Maia Leviste," pakilala ng babae sa kabilang linya. Namilog ang mga mata ni Belleza sa narinig niya.
Dahil nabasa na ni Belle ang libro ng kanyang ama ay kilala niya kung sino ito. Ito ang pinsan ng papa niya. Si Maia Leviste ay tita niya.
"Auntie . . ."
"Ikaw na ba ang pamangkin ko na si Belle? Ako pala ang pinsan ng papa mo, pasensya na at ngayon lang kita natawagan," mahinahong wika ng babae sa kabilang linya.
"Ayos lang po. Bakit po pala kayo napatawag?"
"Gusto ko sana makipagkita sa 'yo, uuwi na kami ng asawa ko at mga anak ko d'yan sa Philippines. Sana ay okay lang sa 'yo," sambit ng babae sa kabilang linya.
Napangiti si Belle sa narinig niya. Nakaramdam siya ng excitement. Sa wakas, makikilala niya ang tita niya. Akala niya ay hanggang sa libro lang ng ama niya makikilala ang tita niya.
"Kailan po ba? Naisip ko na dito na lang sa mansyon tayo magkita-kita. Ayos lang po ba?" suhestiyon ni Belleza.
"Ayos lang kahit saan. Gusto kasi kita makilala at maka-bonding. Matagal na rin . . . hindi ko man lang naabutan si Aga."
Nahimigan ni Belleza ang lungkot sa boses ng Tita Maia niya. Maging siya ay nakaramdam ng lungkot nang mabanggit nanaman ang pagkawala ng ama niya. Kumikirot ang puso ni Belle sa tuwing nababanggit ang papa niya.
"Anyway, sa end of the month kami uuwi. Kaya siguro sa unang araw ng buwan na lang tayo magdaos ng pagsasalo. Ano sa tingin mo?" malambing na tanong ng auntie niya sa kanya.
"Wala pong problema, auntie."
"See you soon, Belle."
"I can't wait to see you, auntie."
Sa lkabilang linya ay hindi maiwasan ni Maia ang mapangiti. Excited din siya na makita ang pamangkin sa pinsan niyang si Agasé. Sa tingin niya ay dalagang-dalaga na ito at napakaganda.
"Same here, sweetheart."
Maya-maya ay binaba na ni Maia ang telepono. Ibinaba na rin ni Belle ang telepono niya at hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi niya.
Excited na siya na makita ang auntie niya. Napahinga nang malalim si Belleza at ngumiti.
Ibinalita niya na sa ina niya ang tungkol sa pagtawag ng tita niya. Agad naman na natuwa ito, dahil kilala at nakita na ng ina ang babae. Naging abala sila ng nga ina niya sa paghahanda para sa salo-salong gaganapin sa mansyon nila.
Sa totoo lang ay wala ng mahihiling pa si Belleza. Kompleto na siya at hindi niya na ipagpapalit ang mga sandaling nararanasan niya sa kahit anong bagay.
—
SUMAPIT nanaman ang gabi. Mag-isa lang si Belle sa kuwarto nila na mag-asawa dahil hindi uuwi si Wrath. Si Whizka naman ay nasa kabilang kuwarto at katabi ng grandma Benilde nito.
Bumalik nanaman ang mga alalaala ni Belleza sa ama niya. Kinuha niya ang ang kanyang cellphone. Doon ay may album siya ng litrato nila ng papa niya na inakala niyang uncle lang niya.
Napangiti siya habang pinagmamasdan ang larawan ng ama niya na buhat-buhat siya. Naka-pigtails pa ang buhok niya at nakanguso sa larawan.
Hinimas niya ang mukha ng ama niya sa litrato. Hindi niya mapigilan ang pagngiti. He looked handsome and unreal, and Belle can't believe that it's his father.
Mukha pa kasing bata ang ama niya sa larawan. Baby face, ika nga nila. Napakaguwapo ng ama niya at hindi siya magsasawang sabihin iyon.
Inilipat ni Belleza ang pahina ng album. Doon ay namuo na ang luha sa gilid ng kanyang mga mata niya. Buong akala niya kasi ay wala silang family picture pero napakarami pala.
Ang sumunod na pahina ng album ay puno ng larawan nila ng mama niya, papa niya, at siya. Bata pa siya sa mga larawan. Mayroon noo'ng two years old siya. Mayroon din noon four, six, at seven siya. Hindi niya maiwasan na mapaluha nang makita iyong mga iyon.
"Bakit ba hindi mo agad sinabi sa akin na ikaw ang papa ko?"
Napalunok si Belleza para tanggalin ang bara sa lalamunan. Lumunok din siya para pigilan ang pagpiyok pero hindi siy nagtagumpay.
"E 'di sana . . . nagpakabait ako sa 'yo." Pumiyok ang boses niya at umagos ang mga luha.
Hindi na napigilan ni Belleza at inilabas niya na ang mga gusto niyang sabihin. Parang pinipiga ang puso niya bago siya magsimulang magsalita at kausapin ang larawan ng ama.
"Sana ay hindi uncle ang tinawag ko sa 'yo. Sana hindi ako tinatamad tuwing pinapupunta mo ako sa mansyon mo. Sana hindi rin ako gumawa nang kung ano-anong rason kapag pinapupunta mo ako sa mansyon mo. Sana hindi ko tinanggihan ang mga regalo mo. Sana naging mas mabait ako, papa . . ." Humagulgol si Belleza. Parang pinipiga ang puso niya.
Mariing napapikit si Belleza ang mga mata niya. Mapait siyang ngumiti at suminghot-singhot pa.
"Sana nasabi ko sa 'yo araw-araw na mahal na mahal kita . . ."
Kinuha ni Belleza ang ika-walong libro ng kanyang ama at binuklat iyon. Sa hindi niya na mabilang kung ilang beses niya ng nabasa ang letter ng ama niya sa likod ng libro ng "Before The Future".
Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagsasawa na ulit-ulitin iyon.
To My Dearest Belleza,
I love you so much. You're the most beautiful gift to us. Your mother and I is so lucky to have you. I wrote this book for you to know me and my story. 'Cause I know . . . I never had a chance to tell you stories.
I am sorry . . . I am very sorry that I am not good enough nor worthy to be your father. But I only know one thing, I will protect you in any means. You and Benilde is my greatest treasure. I love you, my daughter. I hope you find true happiness. I wish you all the best. I will trust Wrath (your asshole ex-boyfriend), I know he's a good person, he already proved himself that he's worthy of my precious daughter.
I can still remember the first time I saw you, my heart was filled by pure joy and contentment. The first time you open your eyes, I pledged that I will die first before someon can hurt you.
I love you and I will never get tired of telling you that. You're my strength, my anchor. You are the my moon in the times of darkness. You're laughter fills brings my heart joy. You're the reason why I still wanted to continue facing the cruel society. Just be happy, daughter. I will forever be grateful for having you.
You're my greatest love and most wonderful gift.
The man who wrote this book,
Your Father
Paulit-ulit ni Belleza binabasa ang letter ng kanyang ama. Isang taon na ang nakalipas mula nang magkalakas siya ng loob na basahin ang istorya ng ama niya, ang kabatan ng papa niya. Iyon ang ikawalong libro.
"I am Belleza, the daughter of Agasé Favilion. People know him as Black Mist, the man who can see the future," bulong ni Belleza sa sarili niya. Kasabay doon ay ang patulo ng mga luha niya. "His story before people know him as the man who can see the future, will always be the best."
Huminga nang malalim si Belleza. Nakapagdesisyon na siya. Gagawin niya na ang isang importanteng bagay. Para tuluyan na silang matahimik.
Kinuha niya ang laptop ni Belle. Sinaksak niya iyon, dahil low battery na iyon. Pagkatapos ay pumunta siya sa isang website. Nakangiti siya habang nagtitipa ng password.
Dahil ang password ay pangalan niya at araw ng kapanganakan niya. Oo, itong ilo-log in niya ay isa sa account ni Black Mist, ang ama niya.
Ngayon ay idi-delete niya ba ang mga social media account ni Black Mist.
He's not just Black Mist, he is Agasé Hydrox Favilion. He's the father of Belleza, the brave and smart Agasé. He deserved the world. This is the end . . . of his story. Nagtipa si Belle, gamit niya ngayon ang twitter account ng papa niya, bilang si Black Mist.
Nakangiti si Belle habang nagtitipa. Kasabay rin no'n ay ang pagtulo ng mga luha niya. Mabuti na lang at pinagkatiwala itong account na ito sa kanya. Doon ay pakiramdam niya na napakaespesyal niya.
Mr. Future
@therealblackmist
Thank you for being with me along my jouney. I will finally let the fate decide for all of us. Let's create our future. Don't forget to make a move to change the future. Because your future will always be in your hands. This is my farewell, goodbye everyone!
Mariing napapikit si Belleza at unti-unting sinara ang kanyang laptop. Tama lang na bitawan na nila si Black Mist. Masaya na at payapa na ang taong nasa likod ng alyas na iyon.
Pinunsan niya ang kanyang mga luha. gamit ang kanyang hintuturong daliri. Inayos niya ang nagulong buhok. Unti-unti niya minulat ang mga mata at huminga nang malalim.
Finally, Black Mist is now signing off.
VimLights
[The End]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro