CHAPTER 8
Chapter 8: Chief Of Police
PINALABAS sila Agasé sa loob ng horror house. Mabilis na dumating ang pulisya at ang scene of the crimes operative. Pinalabas sila pero tinipon ang mga tao na nasa loob ng horror house nang mangyari iyon.
"You okay, Bennie?" tanong ni Third kay Benilde at hinawi ang hibla buhok ng dalaga na nasa mukha nito.
Nakatitig lang si Agasé sa dalawa. Gustuhin man niyang magselos ay pinigilan niya ang sarili. Kumuyom ang kamao niya at napahinga siya nang malalim. Inisip na lang ni Agasé na mas importante ang nangyayari sa paligid niya.
Nakita ni Agasé na kinuha na ang bangkay ng biktima. Abala ang mga imbestigador sa pagkuha ng larawan sa nangyaring krimen. Nakatitig ang binata sa mga kasamahan niya na pumasok din sa horror house.
"Inspector Santos, nandito po si Chief Delfranco," sambit ng isang pulis na lumapit sa lalaking may ngalan na Inspector Santos.
"Bakit nagawi si Chief dito?" halos pabulong na wika ni INSP. Santos. Pabulong man ay may diin ang boses ng lalaki.
"Naka-civilian si Chief. Kasama yata niya ang pamilya niya rito sa Amusement Park," wika ng isang pulis. Pagkatapos ay umalis na ito.
Sinulyapan ni Agasé ang mga kasama. Nandoon ang grupo ng mga binata, pati iyong tatlong babaeng kasing edaran nila, dalawang lalaking nakaitim, isang lalaki na solo na sinasabing pinsan ng isa pang couple nandoon. Ang huling tiningnan ni Agasé ay ang partner ng babaeng namatay.
Isa-isa na silang kinuhanan ng mga pulis ng statement ng mga imbestigador. Pinapasok sila isa-isa sa isang kuwarto malapit sa hotror house. Opisina iyon kung saan dinadala ang mga nawawalang gamit o kapag may nahanap na nawawalang mga bata.
"Ikaw na raw, Agasé," untag ni Third kay Agasé. Tumango si Agasé at sumunod sa.isang pulis.
Pumasok si Agasé sa isang kuwarto. Malamig sa loob dahil sa dalawang naglalakihang aircon. Umupo siya sa isang bakanteng upuan at sa harap no'n ay isang lamesa.
"Ako si Chief Delfranco."
"Kilala kita, chief. Ang mga pulis mo ang may hawak sa kaso ng mga magulang ko."
"Ilang taon ka na?"
"Kaka-seventeen ko pa lang."
"Anong buong pangalan mo?" tanong ng pulis kay Agasê. Ang isa namang pulis na nandoon ay ang nagre-record sa usapan nila.
"Agasé Hydrox Favilion."
"Bata ka pa pala. Ikaw ang tagapagmana ng mga Favilion kung hindi ako nagkakamali. Sabi ng mga nauna, ikaw raw ang nakakita sa bangkay?" tanong ni Chief Delfranco.
"Iyong tatlong babae ang nakakita. Tumili silang tatlo kaya agad akong lumapit at rumesponde. Doon, nakita ko ang bangkay ng babae," sabi ni Agasé na diretsong nakatitig sa mata ni Chief Delfranco.
"Wala ka bang kakaibang napansin bago nangyari?"
"Iyong ilaw ay namatay ng ilang minuto. Hindi ako sigurado kung isa iyon sa pakulo ng horror house o ang killer ang gumawa no'n. Bago kami pumasok ay wala naman akong napansin na kakaiba. Masaya pa silang pumasok ng partner niya sa horror house," pahayag ni Agasé. Tumango-tango si Chief Delfranco.
Sumenyas ang chief sa isa pang pulis. Doon ay may inilapag itong bagay na nakalagay sa isang supot. Kumikinang na bato na mukhang hindi buo ang parte.
"May ideya ka ba kung ano ang bagay na ito? Nakita ito sa crime scene. Malapit sa bangkay ng babae."
"Anong pangalan ng biktima?"
"Melina Natividad, 29 years old. Taga-Makati ang babae."
"Naalala ko kung ano ang bagay na iyan," wika ni Agasé. Nakita ni Agasé ang pamimilog ng mata ng police. Pawa bang nabuhayan ito dahil sa sinabi niya.
"Ano ang bagay na iyan."
"Iyong hair pin ng biktima. Iyan iyong design no'ng hairpin niya. Bago siya pumasok sa horror house ay suot siyang hairpin sa buhok. Kung hindi ako nagkakamali," salaysay ni Agasé. Napatango naman ang pulis sa pahayag ni Agasé.
"Salamat, puwede ka na lumabas. Ipapatawag ka na lang namin kung nay dagdag pa kaming katanungan," sambit ni Chief Delfranco.
Bahagyang ngumiti si Agasé at tumango, "okay sir, copy."
Lumabas si Agasé at dumiretso sa comfort room upang ayusin ang kanyang sarili. Naabutan niya doon ang dalawag lalaki. Iyong lalaking nasa harap ng couple sa pila at iyong asawang lalaki isa pang couple na pumasok din sa horror house. Nakita ni Agasé na anghuhugas ito ng kamay.
Lumapit si Agasé sa lababo at pumuwesto sa tabi ng lalaki. Binuksan ni Agasé ang faucet at naghilamos ng mukha. Nang sumulyap si Agasé sa lalaki, sa lalaking asawa ng isa pang couple, ay nakita niya na inangat nito ang long-sleeved shirt hanggang sa siko. Naghugas itong muli ng kamay. May nakita si Agasé na namumulang parte sa kaliwang braso ng lalaki.
Ang isa namang lalaki ay may kinuha sa bulsa nito. Hindi sigurado si Agasé kung kendi ba iyon o tsokolate. Napailing na lang siya at tinuloy ang ginagawa niya.
Hindi niya na iyon pinansin at bumalik sa paghihilamos. Kinuha niya ang puting bimpo at pinunas sa mukha. Pagkatapos ay nauna na siyang lumabas sa lalaki. Agad siyang bumalik sa puwesto kung nasaan si Ulysses.
"Sa'n ka galing? Tapos ka na ma-interrogate?" tabong ni Ulysses sa kanya.
Tumango si Agasé at ngumisi. "Yep," he said that with the popping 'p' sound. "How 'bout you?"
"Hindi pa ako tapos. Marami bang tanong?" tanong ni Ulysses kay Agasé.
"Hindi naman marami. Isa pa pa, 'wag ka ngang matakot. As if naman na ikaw ang pumatay kay Melina. E hindi nga natin kilala iyon," saas ni Agasé. Napailing naman si Ulysses sa sinasabi ni Agasé.
"Nagtanong lang naman. Dami mong satsat." Umikot ang mga mata ni Ulysses. Natawa na lang si Agasé sa kaibigan.
Nakuha ang atensyon nila nang sumulpot ang dalawang babae. Sa tingin ni Agasé ay mag-ina ang dalawa. Ang isang babae ay kaedaran nila. Samantalang ang isang babae ay nasa early fourties ang edad. Umiiyak ang dalawa. Pero ang mas batang babae ay pilit pinapakalma kasama niya.
Napakunot ang noo ni Agasé nang mapansin na pamilyar ang isang babae, iyong kaedaran niya. Siniko ni Agasé si Ulysses at bumulong sa kaibigan.
"Pamilyar iyong babae," sambit ni Agasé. Tumutok na ang tingin ni Ulysses kung saan nakatingin ang kaibigan, sa direksyon ng dalawang babae.
"Baka taga-El Malaya rin. Nakasulubong mo na ba iyan sa school? O baka naging fling mo?" Tumawa si Ulysses at palihim naman itong sinukmurahan ni Agasé.
"Feeling ko ay nagkita na kami . . ."
"Sa school?"
"Siguro."
Napakibit-balikat lang si Agasé. Bumalik ang tingin niya sa dalawang bababeng umiyak. Lumabas ang Chief at dalawa pang pulis. Dumako agad ang tingin ni Chief Delfranco sa umiiyak na mga babae.
"Kayo ba ang kamag-anak ni Melina Natividad?" tanong ng isang pulis sa dalawang babae. Agad na tumango ang isang babae.
"Ako po si Maia Natividad, at ito naman ang mama ko. Siya si Sarah Natividad. Tita ko po si Melina Natividad, magkapatid sila ni Mama," sambit ng mas nakababatang babae. Lalong napakunot ang noo ni Agasé.
"Parang narinig ko na ang pangalan niya," bulong ni Agasé sa sarili.
Tatlong beses na pumalakpak si Chief Delfranco para kuhanin ang atensyon nila Agasé. Nagtagumpay naman ito sa pagkuha niya ng atensyon nila. Tumikhim muna ang chief bago nagsalita.
"Maaari bang manatili pa kayo nang ilan pang oras hangga't hinihintay pa natin na matapos ang mgabimbestigador sa paghanap ng mga ebidensya sa crime scene," pahayag ni Chief Delfranco.
"Baka hinahanap na kami ng mga magulang namin," sambit ng isang babae na kasing edaran nila Agasé. Isa ito sa mga babae na nakakita ng katawan ng biktima.
"Tama, hindi naman kami pumunta rito para sa ganito. Nandito kami para magsaya lalo na't bakasyon namin. Kaya lang ito pa ang naabutan namin," sabat ng isa niyang kasamahan.
"Naiintindihan ko, kaya nga at kinuha na namin ang mga contact number niyo. Napakarami pang minors sa inyo," sambit ni Chief Delfranco. Huminga nang maluwag si Chief at muling nagsalita. "Kutsilyo ang weapon na ginamit sa pagpatay sa biktima. May nakita rin wrapper ng chocobar at hairpin malapit sa bangkay ng biktima."
"Mahilig talaga kumain ng chocobar ang misis ko. Iyon ang madalas niya paglihian no'n," sagot ng asawa ng biktima.
"Gano'n ba, pero gagamitin pa rin iyang ebidensya. Sige, babalikan ko na lang kayo. Hintayin niyo na lang ang signal namin kung maaari na kayong umuwi," sambit ni Chief Delfranco. Tumango naman ang ikan, at iba ay gustong magprotesta. Ilang oras na rin kasi silang nandoon.
Napatingin si Agasé sa gawi ni Benilde at Third. Doon, nakikita niya na nakaupo ang dalawa at inaalalayan ni Third si Benilde habang nakain ng biscuit. May hawak ang lalaki na dalawang bote ng tubig.
"Selos ka 'no?" pang-aalaska ni Ulysses sa kaibigan. Ngumisi pa ito para lalong mainis ang kaibigan niya.
"Hindi 'no!" tanggi ni Agasé.
"Wews! Sure?"
"Epal ka talaga, Uly. Sabi ngang hindi e. Mas magaling ka pa sa akin e," inis na turan ni Agasé. Bumulanghit lang ng tawa ang kaibigan niya.
"Ay sus! Bahala ka ng d'yan. Sa akin ka pa talaga nagsinungaling. Samahan mo nga muna ako sa cr. Bilis!" sabi ni Ulysses at hinila ang kaibigan.
Napailing na lang si Agasé at nagpatangay sa kanyang kaibigan. Pumasok sila sa comfort room. Sumandal lang si Agasé sa lababo. Habang si Ulysses ay pumasok sa isang cubicle.
Kumuha ng kendi si Agasé sa bulsa niya. Binuksan niya ito at tinapon ang balat sa basurahan nang biglang may napansin siya sa basaruhan.
"Wrapper ba ito ng chocobar?" bulong ni Agasé sa sarili. Kinuha ni Agasé ang wrapper gamit ang towel niya.
Lumabas siya sa comfort room at agad na pinuntahan si Chief Delfranco. Pumunta siya sa kuwarto kung saan siya kinuhaan ng statement kanina. Nang makarating siya ay agad naman siyang hinarang ng ibang pulis.
"May itatanong lang ako kay Chief."
Akmang magsasalita na ang pulis nang biglang lumabas si Chief Delfranco. Nakita niyang nagulat ang pulis.
"Anong ginagawa mo rito, Favilion?"
"May itatanong lang ako. May nakitang balat ng chocobar sa crime scene 'di ba?" tanong ni Agasé kay Chief.
"Oo, Mr. Favilion. Bakit mo tinanong?"
"Puwede ko ba makita?"
Binigyan siya ng nagtatakang tingin ng pulis. Pero agad din naman namang pinakita sa kanya ang balat ng chocobar. Namilog ang mga mata ni Agasé pero hindi niya iyon pinahalata. Pinilit niyang maging kalmado. Huminga siya nang malalim at tumango.
"Salamat, chief."
Agad na tumaliko si Agasé at naglakad palayo. Nagtataka naman na nakasunod lang ng tingin si Chief Delfranco sa binata.
Nang makalayo si Agasé ay doon niya biglang naalala ang isang bagay. Nagulat siya nang biglang may tumapik sa likuran niya. Nang lingunin niya ay si Ulysses lang pala iyon. Maluwag naman siyang nakahinga.
"Gago ka! Iniwan mo ako sa CR. Akala ko tuloy kung nasaan ka na," nagtatampong wika ni Ulysses. Mahina lang natawa si Agasé sa kaibigan.
"Ulysses, mukhang alam ko na kung sino ang pumatay sa biktima."
"Huh? Weh? Sure ka ba d'yan, Agasé?" Kitang-kita ni Agasé ang pag-awang ng labi ni Ulysses at panlalaki ng mga mata nito.
"Sigurado ka ba d'yan?" tanong ni Ulysses kay Agasé.
Ngumisi si Agasé. Kinuha niya ang cellphone niya at nagsimulang magtipa. Sumilip naman si Ulysses sa ginagawa ng kaibigan niya. Napaawang ang labi ni Ulysses nang mapagtanto kung anong ginagawa ni Agasé.
"Gimagawa ka ng bagong content sa blog mo?" hindi nakapaniwalang tanong ni Ulysses sa kaibigan. Ngumisi lang si Agasé.
"Yes, and this case is my new content."
"You're unbelievable!"
Agad na nagsimulang magtipa si Agasé. Matapos ang sampung minuto ay pinublish na ni Agasé ang article. Napangisi siya dahil sa ginawa niya. Binato niya ng tingin si Ulysses.
"May ipapagawa sa 'yo, Ulysses. Para ito sa last step."
Napabuga na lang nang malalim na hininga si Ulysses. Alam niya rin naman sa sarili niya na hindi niya matatanggihan ang kaibigan niya.
Pagkalipas ng sampung minuto, dumating isang pulis at sinenyasan sila. Sa isip ni Agasé ay mukhang pauuwiin na sila ng mga pulis. Tumayo si Agasé at Ulysses mula sa kinauupuan.
"Pinapauwi na kayo ni Chief-"
"Sandali!" sigaw ni Chief Delfranco.
Nakatutok ang mata ni Chief sa cellphone nito. Diretso rin na nakatingin ang chief kay Agasé. Pinigilan ng chief ang mga nandoon na suspect. Tumikhim muna si ang Chief Of Police bago nangsalita.
"Si Melina Diaz-Natividad ang biktima. Kasal siya kay Gian Natividad. And dalawang babaeng ito ay kapatid at pamangkin ni Melina, si Sarah ang ate ni Melina. Ito naman si Maia, pamangkin niya at anak ni Sarah. Ang kasamahan nila na pumasok ay matalik na kaibigan ni Gian, si Alfred Andipa," pahayag ni Chief Delfranco. Tahimik lang na nakikinig ang mga nandoon.
Si Agasé ay may ideya na kung saan patungo ito. Maging si Ulysses ay gano'n din. Umangat lang ang sulok ng labi ni Agasé habang nakikinig sa pahayag ng chief.
"Ang isa pang couple na pumasok at walang koneksyon sa biktima ay si Mr. at Mrs. Gonzaga. Ang tatlong dalaga at itong grupo ng mga kabataan ay wala ring koneksyon sa grupo. Gano'n din ang grupo nila Mr. Favilion."
"Ano ba ang gusto mong sabihin? Bakit napakarami pang pasakalye!" sigaw ng babaeng nagngangalang Sarah, ang kapatid ng biktima.
"May nakota kaming blog sa internet. Ang blog na 'Black Label'. Patungkol ang latest blog niya sa kaso na ito. Doon ay tinukoy niya kung sino ang totoong pumatay at sino ang witness na makakapagturo sa pumatay," sambit ni Chief Delfranco.
Pagkatapos no'n ay ang sunod-sunod na blungan. Dinig ni Agasé ang mga bulungan ng grupo ng kabataan.
"Seryoso ba iyon, dude?"
"Ewan ko nga e."
Natigil ang bulungan nang magsalita na muli si Chief Delfranco. Muli, tumikhim muna ang lalaki bago magsalita.
"Alam ko na parang impossible iyon. Pero heto at kakausapin ko na ang testigo-Mr. Favilion," sabi ni Mr. Delfranco. Nagkaroon nanaman ng mga bulungan.
Si Benilde at Third ay nagulat din sa narinig. Agad na dumako ang mga mata nila kay Agasé.
"Ako?" pagmamang-maangan ng binata.
"May mga katanungan kami."
"Okay."
"Pumasok ka ba sa comfort room matapos ang interrogation mo?" tanong ng chief.
"Yes." Nakita ni Agasé ang pag-awang ng labi ni Chief Delfranco. Tumingin ulit ito sa cellphone nito.
"Puwede mo bang isalaysay kung anong nakita mo at sino ang naabutan mo sa comfort room . . ."
Inilagay ni Agasé ang kamay sa ilalim ng baba niya at hinimas ito. "Pagkatapos ng interrogation ay pumasok ako sa comfort room. Doon ay naabutan ko si Alfred Andipa at Mr. Gonzaga. Si Mr. Andipa ay nagbukas ng isang tsokolate o kendi, at si Mr. Gonzaga naman ay naghugas ng kamay."
"Sinasabi mo bang magkasabwat sila o konektado sila?"
Umiling si Agasé. "Hindi po."
Napatango ang chief at huminga nang malalim. "May napansin ka bang kakaiba sa kanilang dalawa?"
"Kakaiba . . . oo meron," sambit ni Agasé. Narinig naman niya muli ang bulungan sa paligid.
"Ano ba ang napansin mo?"
"Iyong nasa kaliwang braso ni Mr. Gonzaga na marka. Tapos iyong kinain ni Mr. Andipa at 'yung balat ng chocobar ay pareho."
"Ano ba ang pinagsasabi nitong batang ito!" galit na bulalas ni Mr. Gonzaga.
Inilagay ni Agasé ang kaliwang kamay sa loob ng bulsa. "Puwede niyo i-check para makita niyo."
Sinenyasan ni Mr. Delfranco ang nga police nito para tignan ang braso ni Mr. Gonzaga. Doon ay nakita nga nila na totoong may marka o mas madaling sabihin ay sugat sa braso ang lalaki. Napasinghap ang ilan sa nakita.
"E ano namang koneksyon nito sa kaso?"
"May dalawang prime suspect sa kaso na ito. Si Mr. Andipa at Mr. Gonzaga," wika ni Agasé.
"Pero hindi ko magagawa iyon kay Melina, magkaibigan kami," wika ni Mr. Andipa. Kasunod naman na nagsalita si Mr. Gonzaga.
"Aba't mag-ingat ka sa sinasabi mo bata!" sigaw ni Mr. Gonzaga
"Bakit hindi mo na lang aminin? Bakit hindi mo subukang magsimulang magpaliwanag na Mr. Gonzaga. Kung bakit mo pinatay si Mrs. Natividad?"
"Ano raw?" dinig ni Agasé na sambit ng taong nakapaligid sa kanila.
"Aba't wala kang ebidensya-"
"Ang ebidensya ay nasa braso mo, mister. Kung mapapansin ay nakita na nasira ang hairpin ni Mrs. Natividad. Nasira iyon dahil ginamit niya pandepensa. Kaya ang nasa braso mo ay hindi lang simpleng marka. Matulis ang pangil ng hairpin ni Mrs. Natividad kaya niya nagawang tusukin braso mo," salaysay ni Agasé habang may malawak na ngisi sa labi niya.
"Kanina mo pa alam iyan, Mr. Favilion?"
"Hindi, chief. Ngayon ko lang din napagtagpi ang lahat."
"Chief! May naglagay nito sa lamesa sa loob ng ginamit nating interrogation room." Sumulpot angbosang police na may tissue. Ipinakita niya na sa loob ng tissue ay balot ng chocobar.
"Hindi kay Mr. Andipa iyan, dahil nakita ko na buo ang balat ng chocobar at pa-slant ang hati niya sa balat ng hindi patayo. Maaari niyo rin kuhanan ng fingerprint iyang kung nagtataka kayo."
"Paano ka nakakasigurado na fingerprint ni Mr. Gonzaga ang nand'yan?"
Umangat ang sulok ng labi ni Agasé. "Dahil nagkita silang dalawa bago ang naganap sa booth. Nagkita sila malapit sa male restroom. Doon kung saan ako pumunta kanina."
"Wala kang basehan! Ni hindi ko kilala ang babaeng iyon," sigaw ni Mr. Gonzaga kay Agasé. Dinuro pa siya ng lalaki.
"Kilala mo siya, alam mo iyon sa sarili mo. Dahil kalaguyo mo si Mrs. Natividad."
Napasinghap ang mga tao sa paligid. Lumakas ang iyak ni Sarah, ang kapatid ni Melina. Nakita niya ang pag-awang ng labi ng mga tao sa paligid.
"Naghati sila sa chocobar dahil alam ni Mr. Gonzaga na paborito iyon ni Mrs. Natividad. Hindi niya tinanggihan at sinilid ni Mrs. Natividad sa bulsa niya ang basura. Ang chocobar din na iyon ay posible na may pill, kaya madaling nahilo si Mrs. Natividad. Bukod pa sa may pampatulog na binaon ni Mr. Gonzaga." Huminga nang malalim si Agasé.
"Imposible . . ." hindi makapaniwalang bulalas ni Mr. Gonzaga.
"Habang tinapon naman ni Mr. Gonzaga ang kalahati ng chocobar, iyong balat. Nagkita sila para tapusin na ni Melina ang ugnayan nila. Pinaalala ni Melina na ayaw niya na sa relasyon nila," sambit ni Agasé. Lahat ng iyon ay teorya lamang ng binata na binase niya sa nakalap na impormasyon.
Tiningnan ni Agasé ang reaction ng mga tao sa paligid niya. Lalo na ni Mr. Gonzaga, at alam niya na nasapul niya. Dahil nanigas si Mr. Gonzaga sa mga sinabi niya.
"Totoo ang sinabi ng binatang ito. Alam ko ang lihim na relasyon ng kapatid ko at ni Hector Gonzaga. Naikuwento niya rin ang sunod-sunod na banta ni Hector sa kanya," pahayag ni Sarah.
Tumulo ang mga luha ni Mr. Natividad at si Mr. Gonzaga naman ay mukhang tatakas pa. Kaya agad na hinarang ito ni Ulysses. Nang sinubukan pa rin nito tumakbo ay sinuntok na ito sa ilong ni Ulysses. Dahilan para makatulog ang lalaki.
Natapos ang kaso sa gano'ng paraan. Pinayagan na rin sila na makauwi. Si Mr. Delfranco ay nilapitan si Agasé at Ulysses.
"Salamat sa ginawa mo," ani Chief Delfranco. Inilahad nito ang kamay kay Agasé. Kinuha naman iyon ni Agasé.
"Walang anuman, Chief."
"Kung may kailangan ka, sabihin mo lang," nakangiting sambit ni Chief Delfranco kay Agasé.
"I'll take note of that, sir. I just hope that you're true to your words."
"Of course. See you again, Mr. Favilion. It was nice to meet you."
"Nice to meet you too, Chief Gideon Delfranco."
VimLights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro