CHAPTER 6
Chapter 6: Quit
AGAD NA pinuntahan ni Agasé ang Uncle niya. Nang tawagan niya ito ay sinabing nasa presinto siya. Kaya hindi sila pumasok sa school ni Ulysses. Nagpadala na lang sila ng excuse letter.
Nang makarating sila Ulysses at Agasé ay naabutan nila na nagkakagulo ang media. Mukhang agad naman nakilala si Agasé ng mga tauhan ng Uncle niya kaya agad siyang prinotektahan ng mga ito, silang dalawa ni Ulysses.
"Where's Uncle? What the hell is happening?" sigaw ni Agasé para marinig siya ng mga bodyguards. Maingay kasi sa paligid.
Pilit siya nilalayo ng mga bodyguards ng Uncle niya. Sa inis ni Agasé ay nilaktawan niya ang mga ito at tumakas. Narinig niya na tinatawag siya ng mga ito pero hindi niya nilingon. Nakisiksik si Agasé sa kumpulan ng mga taong nagkakagulo sa bungad ng police station.
Naabutan niya na paalis na si Mr. Sy. Pinoprotektahan ito ng mga bodyguards nito. Inuulan ng tanong si Mr. Sy habang papunta ito sa sasakyan.
"Mr. Sy, totoo po ba na kayo ang nagpapatay sa Favilion couple?"
"Kung sakaling totoo, Mr. Sy. May kasabwat po ba kayo? Dahil ba ito sa kalaban mo ang Favilion sa negosyo?"
"Anong masasabi niyo sa naiwan na anak ng Favilion couple?"
Iyon ang iilang tanong na binitawan ng media kay Mr. Sy. Natigil sila nang makapasok na si Mr. Sy sa loob ng sasakyan. Agad na umalis na ang sasakyan ni Mr. Sy. Nakatingin lang si Agasé sa papalayong sasakyan.
Napailing na lang si Agasé at lihim na napamura. Naramdaman niya na may tumapik sa balikat niya—si Ulysses. Sinenyasan ni Agasé si Ulysses sa motor nito.
"Pumunta tayo sa mansyon ni Uncle Louis. Kakausapin ko s'ya," sabi ni Agasé kay Ulysses.
Agad na sumakay sa Agasé at Ulysses sa motorsiklo ni Ulysses. Pinaharurot ni Ulysses ang motor papunta sa mansyon ng Uncle ni Agasé. Gumamit ito ng shortcut dahil wala itong lisensya. Nang makarating sila ay agad na pumasok sa mansyon si Agasé at pinuntahan niya ang Uncle Louis niya.
Agad siya umakyat sa ikalawang palapag kung nasaan ang study room ng Uncle niya. Bigla siyang pumasok na walang pasabi o pagkatok.
"Uncle, anong ibig sabihin no'n at anong nangyayari? May ebidensya ba?" tanong ni Agasé.
Napatingin naman si Louis kay Agasé. Kakarating lang din ng lalaki mula sa presinto. Nauna lang ito ng ilang minuto kay Agasé.
"Maupo ka muna, Agasé." Iminuwestra ni Louis ang kanyang kamay. Napailing si Agasé at umangat ang sulok ng labi.
"Kailangan ko lang ang sagot, Uncle. Pagkatapos ay aalis na ako. Kaya kung maaari, ibigay mo na ang sagot sa tanong ko," sambit ni Agasé. Diretso at taas noo siyang nakatingin sa Uncle niya.
Ayaw na ni Agasé ng maraming pasakalye. Maraming nagaganap at pilit pa na pinagdudugtong ni Agasé ang mga 'yon. Umaasa siya na kapag nabuo iyon ay masasagot na ang mga katanungan niya. Katulad ng kung sino ang pumatay sa magulang niya at kung bakit nagawa 'yon.
"Okay, fine." Tinaas ni Louis ang dalawang kamay at napailing. Agad niya rin iyong binaba at nagsalita. "May nakalap na picture ang unknown person na may kinakausap si Mr. Sy. Kita rin ang abutan ng pera na nagaganap."
Inilapag ni Louis ang brown envelope sa lamesa at agad naman na napatingin doon si Agasé. Kinuha niya iyon at binuksan. Kinuha niya ang mga larawan. Sa hindi malamang rason ay walang naramdaman.
"Kopya lang 'yan. Nasa mga pulis na ang original copy," ani Louis.
Napansin nga ni Agasé na colored photo copy lang ang mga iyon at nasa bond paper. Diretso niyang tiningnan ang Uncle niya.
"Hihingin ko po ang kopya na ito." Bumuga nang malalim na hininga si Agasé. "Aalis na ako, Uncle." Tumalikod si Agasé at handa ng umalis nang magsalita si Louis.
"Kung ano man ang pinaplano mo, siguraduhin mo na mag-ingat ka. Alam mo naman na marami talagang kalaban sa negosyo ang magulang mo. I want you to take care of yourself, Agasé."
"I am taking care of myself, Uncle. I know what I'm doing and I will get what I want. I will get the justice for my parents, one way or another."
"May nanloob sa mansyon niyo, Agasé. May ideya ka ba kung sino 'yon?" Umangat ang isang kilay ni Louis habang diretsong nakatitig sa mga mata ng pamangkin.
"Wala na silang mahihita pa sa mansyon. Is apa, wala akong ideya kung sino ang nanloob sa mansyon namin," pagsisinungaling ni Agasé.
"Ohh . . . I just thought that you have an idea," Louis said.
"Hindi ba dapat kayo ang nagbabantay ro'n? Responsibilidad n'yo 'yan, hindi ba?" Kumibot ang labi ni Agasé.
Natigilan si Louis sa diin ng pagkakabigkas ni Agasé sa bawat salita. Hindi niya inakala na gano'n kalakas ang loob ng pamangkin niya. Na gano'n ang mga salitang lumalabas sa labi nito. Hindi pa rin makapaniwala si Louis na teenager lang ang kausap niya.
Tuluyan ng umalis si Agasé at lumabas na sa kuwarto ng Uncle niya. Agad niyang binalikan ang kaibigan. Sinenyasan niya si Ulysses na umalis na sila sa lugar na 'yon.
"Sa'n tayo?" tanong ni Ulysses habang nakaangat ang isang kilay.
"Kaya ba na makabili tayo ng alak. Gusto ko ilabas ito, Uly."
Umangat ang sulok ng labi ni Ulysses. "Alright!"
Nagtipa si Ulysses sa kanyang cellphone. Tinawagan niya ang isa sa kanilang tauhan at inutasan. Agad naman pinaandar ni Ulysses ang motor matapos niyang tawagan ang isa sa mga tauhan nila. Napangisi lang si Agasé.
Dumiretso ang dalawa sa condo ni Agasé. Doon ay napag-usapan nila ang ginawa kagabi.
"Nalaman ng Uncle mo?" natatawang tanong ni Ulysses. Nakaupo ito ngayon sa mahabang sofa sa maliit na sala ni Agasé. Nakaharap si Ulysses sa tv.
Nanonood si Ulysses ng tv. Hindi alam ni Agasé kung anong palabas ang nasa tv ngayon. Umupo naman si Agasé sa tabi ng kaibigan.
"Oo nalaman na niya. Syempre tinanggi ko," ngisi ni Agasé.
"De puta ka, malamang itanggi mo. Magtataka ang Uncle mo kung bakit nilooban mo ang sarili mong bagay. That's weird, you know." Humalakhak si Ulysses. Napailing lang si Agasé.
"May nakuha ako na mga papeles at vault. Bukas na lang natin buksan. Ngayon, gusto ko muna na uminom nang mawala ang lahat ng sama ng loob ko," wika ni Agasé.
Saktong tumunog ang doorbell at si Ulysses ang nagbukas no'n. Dumating na ang pinabibili nilang alak. Para namang nagningning ang mga mata ni Agasé sa nakita.
Dalawang bote lang iyon, dahil may pasok pa sila bukas. Tapos may nakalagay rin sa can, pang stock. Agad naman nilagay ni Agasé 'yon sa refrigerator.
Uminom sila Agase at Ulysses. Pinagkukuwentuhan ang iba't-ibang bagay. May mga patungkol sa school at ang iba ay sa gawain nila sa labas ng school. Hanggang sa nadawit sa usapan si Benilde.
"Nag-aalala pala sa 'yo si Benilde. Palagi ka niyang tinatanong sa akin," ani Ulysses. Diretso itong nakatingin sa kaibigan bago lumagok ng alak.
Natigilan naman si Agasé. Mariin siyang napapikit at naalala ang magandang mukha ng dalaga. Kasabay no'n ay ang pagsariwa niya sa iilang mga alaala nila ni Benilde. Katulad ng sa party, tapos iyong pagkain ng magkasabay, pangungulit ni Agasé sa text, at pang-aasar niya sa dalaga.
"Hindi ko pa siya kayang harapin, Uly. Hangga't maaari ay ayaw ko ng may madawit pa sa mga gulo ko," sambit ni Agasé. Napakibit-balikat na lang si Ulysses.
"Cheers?" Tinaas ni Ulysses ang bote ng alak.
"Cheers."
Iniba ni Ulysses ang usapan nilang dalawa. Hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ni Agasé.
From: Benilde Cutie
Kumusta ka? Are you, uhm . . . okay?
Ilang minuto napatitig si Agasé sa cellphone niya. Hindi niya alam kung tutugon ba siya sa message ni Benilde. Pinili ni Agase na hindi na lang sagutin ang text ni Benilde.
"Sino 'yan?" usisa ni Ulysses. Pilit pa nitong sinisilip ang cellphone ni Agasé. Umikot lang ang bilog ng mata ni Agasé.
"Wala."
"Sus! Wala raw pero ayaw ipakita."
Napanguso naman si Ulysses at umiling. Binitawan na ni Agasé ang cellphone niya. Sabay silang bumagsak ni Ulysses sa kalasingan nang gabing iyon.
Kinabukasan ay pilit na bumangon si Ulysses. Pinabangon niya rin si Agasé. Pumasok ang dalawa na may hang over. Kaya parang lutang sila habang naglalakad papunta sa classroom.
Nang makapasok si Agasé sa classroom ay agad dumako ang mga mata niya kay Benilde. Nagkatinginan silang dalawa pero si Agasé na ang pumutol ng tinginan nilang dalawa. Si Benilde naman ay nakasunod lang ng tingin sa lalaki. Hindi niya maialis ang tingin sa binata. Umaasa rin siya na magsalubong ang mga mata nila pero hindi nangyari iyon.
Buong klase ay walang iniisip si Agasé bukod sa mga possibleng laman ng mga papeles na nakuha niya. Maging ang laman ng maliit na vault ng Papa niya.
Siniko ni Ulysses si Agasé pero nakatingin pa rin sa whiteboard. Bumulong ito kay Agasé "uy malapit na breaktime. Sa'n tayo kakain?"
"Kahit saan."
"Masarap ba do'n?"
"Are you high? Sabi ko kahit saan na kainan, ikaw bahala," sabi ni Agasé at napaikot ang mata.
"Ay tangina! Akala ko name ng kainan 'yon." Mahinang humalakhak si Ulysses. Napangiwi lang si Agasé.
Tumunog ang bell, hudyat na breaktime na. Agad na tumayo si Agasé at Ulysses. Akmang maglalakad na palayo si Agasé at Ulysses nang biglang sumulpot si Benilde.
Nagtatakang tumingin si Agasé kay Benilde habang nakalagay angbisang kamay sa bulsa ng pants. Ilang ulit na napalunok si Benilde bago ito nagsalita. Hindi rin ito makatingin ng diretso sa binata.
"P-Puwede ba tayo mag-usap, Agasé?" tanong ni Benilde. Muling napalunok si Benilde pagkatapos ay diretso ng tumingin sa lalaki.
Nagkatinginan naman si Ulysses at Agasé. Sinenyasan ni Agasé si Ulysses na mauna na sa kanya at iwan silang dalawa ni Benilde.
"Patungkol saan?" Umangat ang isang kilay ni Agasé.
"Gusto lang kita kumustahin. N-Nabalitaan ko iyong tungkol sa nangyari sa . . . parents mo," wika ni Benilde. Humina ang boses niya sa huling mga salita.
"I'm fine. Hindi mo ako kailangan alalahanin."
"Napansin ko ang pagiging cold mo, Agasé. P-Para bang nagbago ka," ani Benilde.
"People always change, Benilde. Get used to it."
Para bang nanginig si Benilde at hindi niya alam kung anong sunod na sasabihin. Nagsimula ng mangilid ang luha niya. Nahihirapan siya na itago 'yon kahit kanina niya pa pilit na tinatago at pinipigilan.
"U-Uhm . . . Kagabi kasi, pumunta ako sa condo mo. Nalaman ko kay Ulysses. Kaso umalis na lang ako at nag-text na lang," malumanay na sabi ni Benilde. Mahina ang boses niya at lumilikot ang mga mata.
Nagulat si Agasé sa narinig mula sa falaga pero hindi niya na iyon pinahalata. Katulad nga ng sabi niya kay Ulysses, ayaw niya na idamay pa ang kung sino sa gusot niya. Masyado ng magulo ang buhay niya. Ni walang ideya ang binata kung kailan siya bibigyan ng kapayapaan.
"Bakit mo ba ito ginagawa, Benilde? You see, ang gulo na ng nangyayari sa akin. I don't want to involve anyone," sabi ni Agasé.
Tumitig si Benilde kay Agasé. Kasabay no'n ay tumulo na ang luha niya. "Pasensya ka na ha? Nasanay lang siguro ako na may nangungulit na Agasé sa akin. Naninibago lang naman ako sa malamig mong trato. Sinubukan kita na tawagan o ano pa man. Pero wala e. Kaya siguro nga . . . wala ka ng pakialam."
"I'm sorry if that what you feel—" Pinutol ni Benilde ang sasabihin ni Agasé at umiling ang dalaga.
"Naiintindihan ko naman iyong bigat na nararamdaman mo, Aga. Kaya nga pinipilit kong lumapit sa 'yo para man lang damayan ka. 'Cause . . . I've been in your shoes too years ago. I know how painful it was."
"Masyado pang masakit, Benilde. At ayoko na may idawit pa rito."
"Gusto lang naman kita samahan. Kasi alam kong masakit 'yan. My parents were killed too and I was left alone. I was so angry to everyone and to everything. That incident made me insane. I pushed everyone and I . . . I regret that."
"Benilde . . ."
Sa hindi malamang dahilan ay nanghina si Agasé. Ramdan niya ang sakit sa bawat salitang binibitawan ni Benilde. Kasabay pa no'n ay ang pagtulo ng luha ng dalaga.
"Nagbabaka sakali lang ako na baka makatulong ako. You don't have to push me. A-Akala ko ba . . . gusto mo akong kaibigan? Bakit naman ganito?"
Humakbang palapit si Agasé kay Benilde. Pero unang hakbang pa lang ay pakiramdam niya ay malulusaw na siya. Gusto niya aluhin ang dalaga.
"But if you want to push me away, what am I gonna do?"
"I didn't mean to hurt you in any way. Ito lang ang naiisip kong paraan para wala ng masaktan pa. My life is messy as hell. See? Namatay ang parents ko at ang posibleng rason ay galit sa amin o dahil sa pera at negosyo. If I have to push people away just to keep them safe. Mas mabuti na nga 'yon."
Bapsinghap si Benilde. Pinunsan nito ang mga luha gamit ang likod ng palad. Huminnga nang malalim bago nagsalita muli.
"Alright! I just want to say that you don't have to push me away. 'Cause I'll keep my distance from now on."
Tumalikod si Benilde at gumawa ng ilang hakbang. Pagkatapos ng ilang hakbang ay napatigil siya at nilingon si Agasé. Binigyan niya ng maliit na ngiti si Agasé.
"It's just sad that everything happened so fast and also ended up that way. How I wish that we spend more time making memories as . . . friends. Unfortunately, it won't happen, again. Let's remain casual, Mr. Favilion."
Nakatingin lang si Agasé sa papalayong bulto ni Benilde. Sa buong recess ay wala siyang gana kumain. Tinatanong siya ng kaibigan na si Ulysses kung anong nangyari pero hindi kumikibo ang binata.
Inaksaya ni Agasé ang oras niya kakahanap ng clues patubgkol sa Ama niya. Hanggang ngayon ay iniintindi niya pa rin ang mga nakalagay sa mga papeles. Isa pa, hindi pa rin nabubuksan ni Agasé ang vault.
Makalipas ng dalawang buwan ay nakatanggap ng masamang balita si Agasé. Hindi nakulong si Mr. Sy o nasampahan man lang ng kaso. Hindi sapat ang ebidensya na nakuha.
Ngayon ay nasa condo ni Agasé ang dalawa at abala. Nakakalat sa living room ang mga papeles at nakabukas ang dalawang laptop na nakalagay sa center table.
"Totoo naman talaga na hindi sapat ebidensya, Ulysses. Lalo na at nagbigay ng statement ang lalaki na kausap ni Mr. Sy sa larawan na patungkol sa business iyon. Although, pwedeng nabayaran ang lalaki," saad ni Agasé. Inilagay nito ang kamay sa loob ng khaki shorts na suot.
"Tama, wala ring kahit ano ang nag-uuganay sa lalaking kausap ni Mr. Sy sa kaso ng parents mo," ani Ulysses.
Bumuga nang malalim na hininga si Agasé. "Pero huwag pa rin natin iaalis ang tingin natin kay Mr. Sy. May motibo siya, Uly."
"Yes. Mag-uutos ako ng tauhan namin. Buti na lang at hindi nakakahalata sila Kuya Uno at Papa sa mga pinaggagawa natin." Huminga nang malalim si Ulysses at kunwari'y nagpunas pa ng pawis sa noo.
Dumating na sila sa huling buwan ng klase nila. Marso na at paalis na sila sa 3rd year. Graduating na si Ulysses at Agasé next year.
Madalas naman nagkakasalubong si Agasé ay Benilde sa school. Napapalingon si Agasé tuwing nakakasalubong si Benilde. Pero si Benilde ay hindi na pinapansin si Agasé.
Naramdaman ni Agasé ang pagtapik sa kanyang likod. Nang lumingon siya ay nakita niya ang nakangising si Ulysses.
"H'wag mong dalhin sa next school year 'yang dinadala mo. Sige ka, kapag si Benilde nagka-boyfriend na. Ikaw rin," nakangising wika ni Ulysses. Sinundan iyon ng halakhak ni Ulysses. Sumama naman ang timpla ng mukha ni Agasé.
"Ano naman ngayon k-kung . . . m-mag-boyfriend siya? E 'di good for her," mapaklang sambit ni Agasé. Ramdam na ramdam ni Ulysses ang bitterness doon. Kaya napatawa lang ito at lalo pang ininis ni Agasé.
"Sure ka na d'yan ha?" Tumawa nang malakas si Ulysses.
Padaskol na tinanggal ni Agasé ang kamay ni Ulysses sa balikat niya at naglakad. Si Ulysses naman ay nakasunod lang sa kaibigan.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Ulysses sa kaibigan.
"Basta! Huwag mo na akong susundan kung mang-aasar ka lang din."
"Eto naman! Napakamatampuhin nito. Hindi lang halata pero team Agasé at Benilde ako," natatawang sabi ni Ulysses. Lalo lang napasimangot si Agasé.
Bumaba ito ng building. Papunta ngayon si Agasé sa journalism room. May importante kasi siyang sasabihin sa journalism adviser nila.
Nang makarating sa journalism room ay tatlong beses na kumatok si Agasé. Bumukas naman iyon agad at bumungad sa kanya ang magandang mukha ni Benilde. Walang emosyon ang mukha ng dalaga at malamig ang tingin kay Agasé. Si Ulysses naman na nasa likod ni Agasé ay palihim na tumatawa.
Mahinang sinikmurahan ni Agasé ang kaibigan gamit ang siko para magtigil ito sa pasimpke panunudyo sa kanya.
"Anong kailangan mo?" malamig na tanong ni Benilde kay Agasé.
"Si Mrs. Lorenzo, kakausapin ko," kaswal na saad ni Agasé.
"Pasok ka." Nilakihan ni Benilde ang awang pintuan para makapasok si Agasé. Kasunod ni Agasé ay si Ulysses. Nang makapasok na ang dalawa ay sinara ni Benilde ang pinto.
Si Ulysses naman ay nagtataka kung bakit nga ba sila napadpad sa journalism room. Wala itong ideya kung anong gagawin o sasabihin ng kaibigan. Basta sumunod lang ito rito.
Nakita ni Agasé si Mrs. Lorenzo na kaupo at may mga binabasang papel. Nakasuot itong ng salamin. Agad naman niya napukaw ang atensyon nito nang tumikim siya.
"Mr. Favilion, how may I help you?"
"I have important thing to say, Ma'am. This is urgent. Actually, matagal ko na dapat sasabihin ito pero hinintay ko na lang na matapos ang school year."
"Okay, ano 'yon? Bakit hindi ka muna maupo para mapag-usapan natin ng masinsinan?" bulalas ni Mrs. Lorenzo.
Uniling si Agasé at maliit na ngumiti. "No need, Ma'am. Sandali lang po ito."
Tinanggal ni Mrs. Lorenzo ang salamin. "Okay, ano ba ang sasabihin mo?"
Si Benilde ay tahimik lang na nakikinig. Hindi kita ng dalaga si Mrs. Lorenzo dahil naharangan ni Agasé at Ulysses. Nasa likuran ang dalaga at nakasandal lang sapinto habang nakakrus ang bisig. Tanging ang malalapad lang na likod ng dalawang binata ang nakikita niya.
"I am thankful for being part of this club. I learned a lot, Ma'am. But I am sad to say that . . . I am quitting in journalism club."
VimLights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro