Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 4

Chapter 4: Goodbye

AGAD NA prinotektahan ni Agasé si Benilde sa pamamagitan ng pagsangga dito gamit ang kanyang katawan. Naramdaman ni Agasé ang bahagyang panginginig ni Benilde nang itukod niya ang kamay sa dibdib niya.

"Agasé . . ."

"Go under the table, Benilde," Agasé commanded. Benilde immediately followed Agasé.

Hinubad ni Agasé ang coat. Sinuot nito sa balikat ang coat at nasakop nito ang kalahati ng spaghetti strapped dress ni Benilde. Nakasunod lang ng tingin si Benilde kay Agasé. Nakita niyang tumayo si Agasé.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Benilde, kinakabahan ang dalaga. Batatakot siya na baka mapahamak si Agasé.

"Titignan ko kung saan galing iyong mga putok ng baril," sabi ni Agasé. Dumagundong naman ang dibdib ni Benilde.

"P-Pero delikado, Agasé. Hayaan mo na lang iyong security—"

Hindi natapos ni Benilde ang sasabihin nang biglang nakarinig nanaman ng putok ng baril. Kaya bahagya na napabaluktot si Agasé at napatakip naman ng tainga si Benilde. Namilog ang mata ni Benilde nang biglang tumakbo si Agasé.

"Agasé!"

Tumakbo naman si Agasé at hinarap kung saan nanggaling ang mga putok ng baril. Nang makakita siya ng tubo malapit sa ilalim ng hagdan—kung nasaan ang stock room nila—ay agad niyang dinampot ang tubo.

Naglakad siya papunta sa direksyon kung nasaan ang main door nila. Nakita niya sa labas na may mga lalaking naka-bonnet na itim at damit na itim. Ang mga naka-uniporme nilang guwardiya ay nasa labas.

Nanlaki ang mata ni Agasé nang biglang may lalaki na sumulpot sa harapan niya at sinugod siya. Mabuti na lang at wala itong baril at agad siyang nakaiwas. Nagpapasalamat si Agasé at naging sport niya ang taekwondo kaya nagagawa niyang makaiwas sa ginagawa ng kalaban.

Ginamit ni Agasé ang hawak na tubo upang ipanghampas sa batok ng lalaki. Matapos niya iyong hampasin ay natumba na ito.

Kaya ito ginagawa ni Agasé ay para malaman kung sino ang may balak guluhin sila. Hindi niya hahayaan na masaktan ang mga magulang niya. Sila lang ang mayroon kay Agasé at hindi gugustuhin ni Agasé na mawala ang mga magulang niya.

Kailangan niya makakuha kahit isa mga lalaking ito para mapaamin kung sino ang amo ng mga ito. Ang lalaking napatumba niya ay sakto lang ang katawan, halos kasinggkatawan lang niya pero sigurado si Agasé na mas matanda iyon sa kanya. Dadamputin na sana ni Agasé ang lalaki na nahampas niya nang may biglang humigit sa kanya.

Mga tauhan ng Papa niya. Agad siyang prinotektahan ng mga ito. Tatlo ang mga iyon. Lihim na lang na napamura si Agasé sa isip niya.

"Bitawan niyo ako. Ano ba!" sigaw niya.

"Señorito, h'wag na po kayo makigulo. Kami na ang bahalang dumampot sa mga lalaking ito," sabi ng isang lalaki, nakilala naman ito ni Agasé. Si Cristopher 'yon, ang head security ng pamilya nila.

"Kaya ko ang sarili ko!"

Napailing lang si Cristopher at sinenyasan ang dalawang guwardiya nila na nakahawak kay Agasé. "Ipasok niyo na si Señorito."

"Fuck!"

Hinila si Agasé ng dalawa. Hindi siya nakapalag dahil bukod sa dalawa sila ay malalaki rin ang katawan ng mga ito.

"Agasé! Diyos ko anak, ano bang pinaggawa mo!" naghihisteryang sambit ni Angeline, ang ina ni Agasé. Niyakap nito ang anak.

"Mom, I'm fine!"

"Agasé, alam ko naman na malakas talaga ang loob mo. Pero hayaan mo na ang security ang gumawa niyan. Mas unahin mo ang kaligtasan mo," sambit ng Ama ni Agasé.

"Pa, kaya ko naman. Nakapagbagsak na ako ng isa. Kailangan ko lang kahit isa para mapakanta ko kung sino ang may balak manggulo at manakit sa atin." Huminga nang malalim si Agasé. "Sigurado ako na tayo ang pakay nila. Maraming threatened sa pamilya natin."

"I'm fully aware of that thing, Agasé. But my point is, you don't have to risk your life. You should've stay with Benilde," Gregory said.

Parang nabuhusan naman ng malamig na tubig si Agasé. Naalala nga niya ang dalaga. Na-realize niya na tama ang Papa niya at hindi tamang iniwan si Benilde. Napamura na lang si Agasé sa loob niya.

"Okay, Papa. I am sorry for being aggressive and impulsive," sambit ni Agasé.

"If you're not impulsive and agressive then maybe you're not my son. My son, Agasé, is really really agressive and impulsive." His father laughed and tap his shoulder.

Napatungo naman si Agasé at napagtanto ang mali niya. Para kay Agasé, iyong ang kagandahan na malapit sa magulang. Agad na naliliwanagan sa mali at nagkakaroon ng tsansa na maitama agad ang mali.

Matapos nang pag-uusap na iton ay agad na binalikan ni Agasé si Benilde. Nasa tabi ito ng hagdan at suot pa ang coat niya.

"Aga . . ."

"I'm sorry, hindi dapat kita iniwan. Okay ka lang ba?" tanong ni Agasé. Hinaplos niya ang pisngi ni Benilde at inayos ang iilang hibla ng buhok na tumatabing sa maganda nitong mukha.

"I'm fine, Agasé. Ikaw ang inaalala ko. Are you okay?"

Tumango si Agasé. "I'm very sorry. Don't worry, I'll protect you. I won't let you get hurt . . ."

Nagulat si Agasé nang maramdaman ang pagyakap sa kanya ni Benilde. Alam ni Agasé na friendly hug lang iyon pero hindi niya maiwasan na matuod dahil doon. Alam niya na bata pa siya para makaramdam ng kung anong bagay patungkol sa pag-ibig.

"Thank you, Agasé."

Si Agasé mismo ang naghatid kay Benilde sa board nito. Napakiusapan naman ni Agasè ang  may-ari ng board. Kaya nakapasok pa ito kahit medyo alanganin na ang oras.

Matapos ang nangyaring iyon sa party ay lalong humigpit ang security sa mansyon nila Agasé. Matapos din ang nangyari sa mansiyon, naging malapit si Agasé at Benilde.

To: Benilde Cutie
Kain tayo sa labas? Libre ko, hehe.

Halos limang minuto ang lumipas bago tumunog ang cellphone ni Agasé. Nakita niya na may reply na si Benilde.

From: Benilde Cutie
I can't. :(((

To: Benilde Cutie
Why? Busy ka ba?

From: Benilde Cutie
Yep. Ang daming tinambak na gawain ni Mrs. Lorenzo. Nasa school ako ngayon. Alam mo naman na malapit na ang DSPC. Mag-practice ka na rin.

Naalala na ngayon ni Agasé. Busy nga pala ang journalism sa gaganapin na Division Schools Press Conference. Kaya nga pala napadals din ang gabi na uwi niya at ni Benilde. Matindi kasi ang training na ginagawa nila.

To: Benilde Cutie
Pupunta na lang ako d'yan sa school. Take out ako ng food. Take care.:)

From: Benilde Cutie
Thank you.

Pinasok ni Agasé ang cellphone sa kanyang bulsa. Hindi niya inaasahan na nasa school pala si Benilde. Sabado kasi ngayon at malamang ay walang pasok dahil college lang naman ang may saturday class sa school nila.

Nagsuot ng simpleng gray v-neck shirt si Agasé at nagsuot siya ng jeans. Sa paa naman siya nagsuot siya ng simpleng tsinelas. Pagkatapos ay sinuot niya ang I.D. niya para makapasok sa siya school.

Nang bumaba si Agasé ay naabutan niya ang Ama niya na nagbabasa ng dyaryo at nakaupo sa mahabang sofa nila sa sala. Napalingon naman si Agasé sa bandang kusina para hagilapin ang Ina. Nakita nga niya iyon na masayang nakikipagkuwentuhan sa mga kasambahay nila.

"Agasé!"

"Dad . . ."

Sinenyasan ng ama niya si Agasé na lumapit sa kanya. Kaya naupo si Agasé sa tabi nito. Tumikhim muna ang Ama ni Agasé.

"Agasé, umamin ka nga. Ikaw ba ang creator ng The Black Label na pinag-uusapan ng mga kabataan ngayon," sabi ng Ama ni Agasé. Pinaningkitan nito ng mata ang anak.

Napakamot sa ulo si Agasé. "Dad . . ."

"Nevermind. Mukhang alam ko na ang sagot. I just want you to get away from troubles, son. Pero mukhang ikaw talaga ang nagdadala sa sarili mo sa gulo," ani Gregory. Huminga ito nang malalim.

"Dad, alam mo naman na gusto ko tumulong. 'Yon lang ang alam ko na paraan para makatulong ako," depensa ni Agasé. Napailing naman ang Ama ni Agasé.

"We can just donate things—"

"Dad, there are a lot of things that money can't buy. There are a lot of problems that even money can't resolve. And Dad . . . it's not about money."

"Agasé, I just want to protect you. Anak, napakarami rin nating kalaban sa negosyo, huwag mo na sana dagdagan," sambit ni Gregory.

"I want to give them the things they're deprived of including justice."

"Agasé, napakatigas talaga ng ulo mo."

"Dad, trust me. I can do it. I know what I'm doing and what I know what I want."

Napiling na lang si Gregory sa sinabi ng anak niya. Ano nga bang magagawa niya kung ito mismo ay ayaw magpaawat.

"Ano pa nga pa nga ba ang magagawa ko? E 'di susuportahan ka. Pero isa lang ang hiling ko Agasé. 'Wag mo naman sana kalimutan na dise sais ka pa lang. Dapat video games ang inaatupag mo at ang pag-aaral mo. Huwag mo masyado i-stress ang sarili mo sa mga isyu na ganya, 'nak."

"Dad, video games are not my thing. Gusto ko po ang ginagawa ko. Walang pumipilit sa akin at ginagawa ko ito ng walang kapalit," sabi ni Agasé sa Ama. Natamdaman niya naman ang pagtapik ng Ama sa balikat niya.

"I am proud of you, Agasé. Alam ko naman na mabuti ang intensyon mo, anak. hindi ko lang talaga maiwasan na mag-alala. I'm a father, Agasé. It's my obligation to keep my family safe."

"I know that, Dad. Pero katulad nga ng sabi ko, hindi mo po kailangan mag-alala. Aalagaan ko rin po ang sarili ko," wika ni Agasé.

"And that's what I all want to hear from you." Gregory smiled and looked at his son proudly. He's glad that they raised Agasé well. All he wanted was happiness for his family.

"Paano ba 'yan, Pa? Una na po ako. May pupuntahan pa po ako."

Kumaway si Agasé at tuluyan na ngang lumabas sa mansion. Sumakay siya sa service niya. Sinabihan niya ang driver na ihatid siya sa school. Pero bago iyon ay dumaan muna siya sa isang fast food chain upang mag-take ng pagkain.

Nang makarating siya sa school ay agad niyang pinuntahan si Benilde. Sigurado si Agasé na nasa journalism room lang si Benilde.

Nakita ni Agasé si Benilde na nakaupo at nakatalikod mula sa direksyon niya. Abalang-abala ito sa pagsusulat. Napangisi si Agasé nang biglang may kalokohan na sumagi sa kanya.

"Boo!"

"Anak ng—"

Napahalakhak naman si Agasé nang sobrang magulat si Benilde sa kanya. Hinampas pa siya ng babae sa balikat pero hindi naman ininda ni Agasé 'yon.

"Bakit ka naman nanggugulat? Kakainis ito!" bulalas ni Benilde at nakapamewang.

"Wala lang," ngisi ni Agasé. Nilapag niya ang pagkain sa table, katabi ng mga papers na inaasikaso ni Benilde.

Napakaraming papel ang nandoon. Nang kumuha si Agasé ng isang papel. Nakita ni Agasé na mga article iyon na may mga errors. Puno rin ng pulang tinta at mga bilog ang papel. Si Benilde kasi ay isang Copyreader. Iyon ang category niya.

"Ang dami nitong inaasikaso mo ah," sambit ni Agasé.

"Hindi naman ako naturally gifted sa writing tulad mo. Syempre, kailangan ko mag-practice nang mag-practice para manalo ako," sabi Ni Benilde.

Napangiti naman si Agasé sa dedikasyon ni Benilde. Kumuha siya ng monoblock chair na nakasalansang sa gilid. Umupo siya sa tabi ni Benilde.

"Oh? Anong ginagawa mo?" tanong ni Benilde.

"Watching you . . ."

"Are you serious?"

"Do you think I'm joking?" ngisi ni Agasé.

Napaiwas ng tingin si Benilde. "Hindi ako makakapag-focus kapag may nanonood. Hanap ka na lang ng ibang trip Agasé," sabj ni Benilde.

Napangisi naman si Agasé. "E paano ba 'yan, e ikaw ang trip ko." Pinagdiininan ni Agasé ang salitang trip para maasar niya si Benilde. Pinaningkitan naman ng mata ni Benilde si Agasé.

"Nakakaasar ka talaga! Napakaharot mo!"

"Ikaw lang naman ang gusto kong harutin," ngisi ni Agasé. Kitang-kita ng binata kung paano mamula ang pisngi ni Benilde.

"Kaasar ka talaga!" bulyaw ni Benilde. Pinaghahampas nito sa dibdib si Agasé.

Tinawanan lang ni Agasé si Benilde. Pagkatapos ay hinuli niya ang isang kamay nito. "Mamaya na 'yang paperworks mo. Kumain muna tayo. Masyado kang abala d'yan e . . ."

"Hindi ako gutom—"

Naputol ang sasabihin ni Benilde nang hindi makisama ang tiyan niya. Bigla na lang itong kumalam. Kaya si Agasé ay binigyan si Benilde ng nanunuyang tingin.

"Ano nga ulit iyon?" nakangising tanong ni Agasé, inaasar si Benilde.

"Fine! Kakain na ako."

Kumain silang dalawa at matapos no'n ay sabay silang nag-practice. Alas singko ng hapon sila umalis sa school. Hinatid ni Agasé si Benilde.

Nang makauwi si Agasé ay nagkaroon sila ng family dinner. Medyo nagulat pa si Agasé dahil kompleto sila. Madalas kasi ay busy ang mga ito sa gabi. Alam naman ni Agasé na gusto siyang sundan ng parents niya pero hindi talaga pinalad ang dalawa.

Matapos ang dinner ay agad na nagpahinga na si Agasé. Hindi alam ni Agasé pero nakaramdam siya ng kung anong bigat bago humiga sa kama. Muli ay dinalaw siya ng masamang panaginip.

Tumatakbo siya sa madilim na kakahuyan. May mga itim na anino ang humahabol sa kanya. Hindi niya alam kung sino ang mga iyon pero basta na lang tumakbo siya.

Napabalikwas ng bangon si Agasé. Napatingin siya orasan at nakita na alas-dos pa lamang ng umaga. Nakaramdam siya ng pagkauhaw kaya napagdesisyunan niya na tumayo at kumuha ng tubig.

Napakadilim ng paligid na halos hindi na makita ni Agasé ang daraanan niya. Papunta siya sa kusina upang kumuha ng baso ng tubig. Bawat hakbang ni Agasé ay napakabigat na para bang may bitbit siya na kung ano.

Nasa hagdanan na si Agasé at handa na siyang bumaba nang makarinig siya ng mga kaluskos. Kinabahan siya nang tuluyang makarinig na ng ingay.

Nang makababa siya ay namilog ang mga mata niya nang makita ang mga lalaking nakasuot ng item na bonnet. Armado ang mga ito. Ilang ulit na napalunok ang binata. Nakita niya ang Mama at Papa niya na nakabusal ang bibig. Nasa bandang kusina ang mga ito. Agad naman si Agasé na nagtago sa likod ng hagdan.

Nang makita ang binata Ina nitong si Angeline ay agad na pinanlakihan si Agasé nito ng mata. Nagbibigay ng hudyat na magtago ito at huwag lumapit. Dahil sa pinaghalong gulat at takot ay halos hindi na makagalaw ang binata sa kinatatayuan niya.

"Ayos ito! Pwede natin galawin ito. Napakaganda ng kutis at halatang mayaman talaga," tawa ng isa sa mga lalaki. Hindi alam ng binata kung sino sa mga iyon ang nagsalita.

"Sexy pare! Awoo! Napakaswerte talaga natin," parang asong umalulong ang isa sa mga lalaki.

Anim ang nakikita ni Agasé na kalalakihan. Malalaki ang mga katawan nito at gustuhin man niya na manlaban ay may mga armas din ito. Higit na mas malalakas ito sa kanya base pa lang sa katawan wala siyang panama.

Pilit hinanap ng mga mata ni Agasé kung nasaan na ang mga guwardiya nila. Pero may nakakita siya na nakahandusay at balot ng dugo. Hindi maisip ni Agasé kung paanong hindi niya narinig ang mga putukan ng baril. Siguro ay masyado siyang nalunod sa panaginip niya.

Nilapitan ng isa ang Ina ni Agasé ay inamoy-amoy pa ito. Agad naman na pumalag ang Ina ni Agasé. "Jackpot na jackpot tayo nito. Salamat na lang talaga kay bossing! Ang kinis at napakabango." Humalakhak ang isa pa sa mga lalaki. Sumunod sa pagtawa ang iba pa.

"Magpapakasasa muna kami rito kay Miss Ganda bago namin kayo patayin. At ikaw, panoorin mo kung paano namin dadalhin sa langit ang asawa mo," sabi ng isang lalaki, mukhang ang lider nila. Nakita ng binata na nag-apir pa ang mga lalaki.

Tinanggal ng isang lalaki ang busal sa bibig ng Mama at Papa ng binata. Kita niya ang ngisi sa mga mukha ng ibang lalaki sa grupo, ang iba naman ay nakatalikod mula sa direksyon ng binata.

"Mga hayop kayo!" sigaw ng Papa ng binata. "Ano bang kailangan niyo? Pera? Bibigyan ko kayo basta pakawalan niyo kami rito," sigaw ni Gregory.

"Ay! Talagang-talaga! Pero mabait pa naman kami ng slight kaya hindi pa namin kayo agad-agad na papatayin," humalakhak ang lalaking nagsalita.

"Pakawalan niyo kami rito at ibibigay ko ang gusto niyo—" Hindi natapos ng Ama ni Agasé ang sasabihin dahil hinampas siya ng isang lalaki.

"Greg!" umiiyak na sambit ni Angeline. "Mabubulok kayo sa impyerno!" bulyaw ng ina ng binata.

"Kung hindi ka lang maganda ay kanina ko pa pinasabog ang ulo mo. Pero syempre, hindi ako papayag na hindi ka matikman." Nakita pa ng binata na hinimas ng lalaki ang legs ng kanyang ina. Pumalag ang Ina ni Agasé.

"Tama na! Ano pa ba ang gusto ninyo?" umiiyak na sambit ng ina ni Agasé. Hinihipuan naman ito ng isa sa lalaki.

Pilit pa rin na pumalag ang ina ng binata. Pero dahil nga nakatali ang kamay at paa nito ay wala siyang magawa. Siya lang din ang nahihirapan.

"Maawa naman kayo sa amin. Wala na ba kayong kaluluwa. Kung pera nga ang kailangan niyo ay bibigyan namin kayo. H'wag naman na ganito."

Sunod-sunod na napalunok si Agasé. Namumuo na ang mga luha sa kanyang mga mata. Napaatras ang binata sa kaba at takot na nararamdaman. Hindi niya namalayan na natamaan niya ang isang flower vase sa likuran niya. At biglang nalalag ito at nabasa. Lumikha ito ng ingay, kaya napalingon ang mga kalalakihan sa direksyon niya.

Kitang-kita ng binata ang pamimilog at pag-awang ng labi ng Ina niya. Nakita niya ang pagngisi ng mga kalalakihan. Pilit na kumikilos si Agasé kahit hirap siya.

"Agasé, takbo!" sigaw ng ina ng binata.

Kahit nanginginig ang binti ay sinubukan ng binata na pumihit patalikod. Upang tumakbo palayo aa lugar na iyong. Hanggang sa narinig niya ulit ang sigaw ng kanyang ina at biglang nakarinig siya ng ingay—putok ng baril.

"Takbo anak, takbo!"

Pagkatapos . . . ay isa nanamang putok ng baril. Nasa bungad na ng maindoor si Agasé nang lingunin niya kung anong nangyayari.

Ang ama ni Agasè ay nakahandusay at halatang wala ng buhay dahil sa ulo ito binaril. Nakita naman ni Agasé ang ina niya nakahandusay at may dugo sa mga labi. Pero ang tingin nito ay nasa anak na sa kanya.

"A-Agasé . . . takbo!"

VimLights

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro