Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 3

Chapter 3: Party

NASA LABAS pa ng school si Agasé at Ulysses. Magulo ang paligid at may mga pulis. Ipinadala na rin ni Agasé ang ibang ebidensya na nakalap nila katulad ng kopya ng video. Pero syempre ay hindi niya pinaalam na sa kanya galing.

He sent the evidence to the police station anonymously. Ayaw niya na ipaalam na siya iyon. Baka kapag nakarating nanaman ang balita sa heads ng school ay ma-kick at gawan ng rumor nanaman siya.

"O heto . . ."

May inabot na papel si Ulysses kay Agasé. Napakunot naman ang noo ni Agasé at binigyan ng nagtatakang tingin si Ulysses.

"Ano ito, Uly?" tanong ni Agasé.

"Sus! Number 'yan ni Benilde. Don't be shy . . . i-text muna," ngisi ni Ulysses.

Nakita nga ni Agasé na numero ang nakasulat sa papel. Hindi mapigilan ni Agasé ang ngiti sa labi niya.

"Sa 'yo pa talga galing 'yan ha! Ikaw, musta kayo ni Agnes? May usad ba?" tanong ni Agasé sa kaibigan. Napasimangot naman ito.

"Okay lang, nag-usap lang kami. Nag-aalangan kasi ako. Agnes' priority is her studies," ani Ulysses.

"Pwede naman ikaw pagsabayin at pag-aaral. Don't be a pussy! Come on, Ulysses. Mag-confess ka na," natatawang sabi ni Agasé. Napailing na lang si Ulysses kay Agasé. Hanggang sa dumating na ang service nito.

"Oh paano ba 'yan? Una na ako," ani Agasé.

"Okay, ingat sila sa 'yo."

Umangat ang sulok ng labi ni Agasé. "Talagang dapat lang silang mag-ingat sa akin." Sinundan iyon ng matunog niyang halakhak.

"Sandali, may party bukas sa inyo 'di ba?" tanong ni Ulysses.

Tumango naman si Agasé. "Yes. Mga kasosyo sa business ni Daddy. Gusto ko nga tumakas, panigurado nakakaanto 'yon," nakangiwing ani Agasé.

Natawa naman si Ulysses. "That's your resposibility as an heir, Aga."

"I know . . ."

"Okay, let's see each other tomorrow. Bye!"

"Bye!"

Kunaway si Agasé sa kaibigan bago sumakay sa sasakyan. Nang makapasok siya ay wala siyang ibang ginawa kundi ang kalikutin ang cellphone niya para tignan ang mga reaction sa blog niya.

@mojojojo: What? Nauna itong article i-post kaysa sa maibalita 'yong nangyari? Dude... You must be kidding me!

@stephieee: Wooooooowwww!

@chanbaeklngkakalampag: Oh my! Nakita ko ito sa school kanina. Tinali pa nga si Mr. Kan sa pole e.

@grabekana: Saan niya nakuha iyong ibang pics at video? Taga-El Malaya ba ang creator nitong blog? Sheeemms!

@stanexo: Kinilabutan ako! Inaabangan ko talaga kahit iyong pa-blind item pa lang. Sheeemms! Ang creepy na ang galing.

@kiaaahhh: Finally! Sabi ko na nga ba at hindi suicide iyon. Classmate ko dati si Amara. I'm happy that she have her justice now. Also, na-rescue ang kapatid niyang si Abby.

@piniritongtalong: Nakakagalit at may mga ganyan. Hindi naman lahat ng teacher ay ganyan pero ang lungkot lang at meron pa ring ganyan. Sila dapat ang nag-aalaga sa mga estudyante.

@asawaniwade: I met a lot of good teachers. Sila iyong tipo na tinitingala dapat. Please guys, don't generalize. Hindi lahat ng teacher ay ganyan. May mga tiwali lang talaga at ruthless dapat i-kick.

@piniritong talong: @asawaniwade korak ka d'yan! Pero sana maputulan ng talong iyan si Mr. Kan. Napakababoy!

@babynielijah: Hustisya para kay Amara! Finally!

Natuwa naman si Agasé sa mga komentong nabasa. Natuwa rin siya sa kinalabasan ng ginawa niya. Nang makarating na siya sa bahay ay agad siyang pumasok sa kuwarto niya. Wala pa ang Mama at Papa niya.

Nang makapagbihis na siya ay naisipan niya na i-text ang numero na binigay sa kanya ni Ulysses. Although, alam niya na nakakahiya ang gagawin niya. Nilagay niya sa contacts ang numero ay nilagyan ng pangalan na 'Benilde Cutie'.

To: Benilde Cutie
Hello, Benilde! Good evening, this is Agasé. I got your number from Ulysses. I hope that's okay with you.:)

Napahinanga nang malalim si Agasé. Aaminin niya, talagang kinabahan siya. Nasabi rin sa kanya ni Ulysses na may pagka-suplada si Benilde. Agad siyang naalarma nang tumunog ang phone niya at nakitang may text mula kay Benilde.

From: Benilde Cutie
It's fine, nasayo na e. Ano pa bang magagawa ko.

Napangisi naman si Agasé. Suplada nga ito. Kahit mabait naman at mukhang pala-kaibigan si Benilde. Siguro ay naiilang lang ito sa kanya kaya gano'n, iyan ang naiisip ni Agasé na dahilan.

To: Benilde Cutie
Kumain ka na?

From: Benilde Cutie
Yes. H'wag ka ngang makulit.(¬_¬)

Natawa naman si Agasé, sa mabilis na reply ni Benilde. Lalo tuloy siyang ginanahan na kulitin ito.

To: Benilde Cutie
Sana masarap ang ulam mo, Benilde.

From: Benilde Cutie
Tch. Kulit mo naman, Agasé.

To: Benilde Cutie
Sorry. Kapag may time ka, sana ayos lang sayo na mag-text naman tayo, please? Gusto kita kausap.

From: Benilde Cutie
K fine. Pero next time na lang busy pa ako.

Napasimagot si Agasé. Gustuhin man niya na kulitin pa si Benilde ay nirerespeto nama siya ang personal space ni Benilde. Naiintindihan niya rin kung may mga gawain ito.

To: Benilde Cutie
Good luck to your paper works. Sleep tight.:)

Matapos ng text na iyon ay hindi na nag-reply si Benilde. Kasabay no'n ay ang pagbaba niya. Magdi-dinner sila. Kasama niya ang Mama at Papa niya.

Matapos ng dinner ay agad natulog si Agasé. Katulad ng dati ay dinalaw ulit siya ng masamang panaginip. Wala namang bago ro'n sa kanya.

Kinabukasan, pinatawag si Agasé at iba pang nag-elimination kahapon. Pinapunta sila si gymnasium. Sabay si Agasé at Ulysses na pumunta sa gymnasium, dahil member ng journalism si Ulysses. Si Ulysses ay nasa news writing category.

"Kinakabahan ako, sana makuha ako," sambit ng isang babae na nasa likuran ni Agasé nakaupo.

"Me too, sis! Sana makuha tayo."

Napangiti naman si Agasé. Masaya siya na nakikita na maraming aspiring writers. Nakakatuwang isipin na gusto ng mga ito na maghatid ng balita at mga inpormasyon na dapat malaman ng madla.

Nakaupo sila Agasé at ang ipang estudyante sa gymnasium. Malapit sa gymansium ang journalism room kaya gano'n. Nakita nila na pumunta na sa harapan si Benilde. Tumigil ito at tumikhim bago magsalita.

"I-aannounce ko na ang mga nakapasok," sabi nito.

Sunod-sunod ang pagbanggit nito ng pangalan. Hinihintay ni Agasé na mabanggit ang pangalan niya.

"Agasé Hydrox Favilion, feature writing," ani ni Benilde at tumingin kay Agasé. Binigyan naman ito ng ngiti ni Agasé kaya biglang umiwas ng tingin ang dalaga. "That's all. Thank you for participating."

Nagkatinginan ang mga estudyante. May mga natuwa at may mga disappointed din. Isa-isa na nagsitayuan ang mga ito.

"Mr. Favilion, pwede ba kitang makausap sa loob ng journalism room? It's important," sambit ni Benilde.

Nagtataka man ay ngumiti na lang si Agasè. "Okay."

Sumunod naman si Agasé sa loob ng journalism room. Malamig doon dahil may aircon at silang dalawa lang ang nasa journalism room. Isinarado ni Benilde ang pintuan.

Narinig ni Agasé ang click ng lock. Kaya napataas ang kilay niya.

"Sobrang importante ba ng pag-uusapan natin at kailangan mo i-lock ang pintuan?" nakangising tanong ni Agasé kay Benilde. Napailing ang dalaga sa tinuran ni Agasé.

Nagkatitigan silang dalawa pero agad ding inalis ni Benilde ang tingin niya. May kinuha siyang papel sa mesa na nandoon sa journalism room.

Tumigil siya sa harap ni Agasé. Nagkatitigan sila, mata sa mata. Kitang-kita ni Benilde ang deperensya sa height nilang dalawa. Seryosong-seryoso ang titig ni Benilde sa kanya.

Ipinakita ni Benilde ang papel kay Agasé. Napaangat ang isang kilay ni Agasé dahil hindi niya alam kung para saan iyon.

"What's that?" tanong ni Agasé.

"Ito iyong article na pinasa mo sa elimination."

Napangisi si Agasé. Mukhang alam na niya kung bakit ganyan ang reaksyon ng dalaga. "And?" tanong niya, nagmamaang-maangan.

"Iyong sinulat mo na article ay patungkol sa kaso ni Amara at pag-reveal kay Mr. Kan. P-Paano mo nagawa iyon—" Nakita ni Benilde ang ngisi sa labi ni Agasè.

"You really want to know, hmm?"

Naglakad palapit si Agasé kay Benilde. Ilang pulgada na lang ang distansya ng mga mukha nila sa isa't-isa dahil sa lapit nila.

"May alam ka ba? No! No way! Kakalipat mulang sa school," bulalas ni Benilde.

"Marami akong kayang gawin, Benilde."

"Tinatanong kita, Agasé! T'saka lang naman nag-play iyong video ni Mr. Kan after mapasa ng mga papel. Kaya papaanong naisulat mo ito?" nagtatakang wika ni Benilde.

"I-text mo ako mamayang gabi para malaman mo ang sagot," ngisi ni Agasé. Umawang naman ang labi ni Benilde at kumunot ang noo, hindi makapaniwala sa sinabi ni Agasé.

"Bakit ba hindi na lang ngayon mo sabihin? At bakit gustong-gusto mo na i-text kita?" kunot-noong tanong ni Benilde.

"Isn't it obvious? Nagpapa-cute ako sa'yo."

"What? B-Bakit?"

"Of course, crush kita e."

"What? Napakabilis mo naman," hindi makapaniwalang bulalas ni Benilde. Bahagya pa siyang napahilot sa sentido.

"Don't be overacting, Benilde. Crush lang naman 'yon, paghanga. Gusto ko rin makipagkaibigan sa 'yo. You see? Si Uly at Agnes lang ang friend ko."

"Oh . . . so, that's it?"

"That's it. I have good intentions and I know how to respect people."

"Tutal gusto mo naman pala makipagkaibigan, bakit hindi natin simulan sa pagiging totoo mo sa kaibigan mo?" ani Benilde. Pinagdiininan nito ang salitang 'kaibigan'.

"Why? Did I lie to you?"

"You didn't but you're also not telling the truth."

"So, ang entrance ko sa pagkakaibigan natin ay ang pagsagot ko sa tanong mo kung paano ko nasulat ang article? Okay, Fine!" Tinaas ni Agase ang dalawang kamay, ka-level lang ng ulo niya. Senyas na suko na siya.

"Sasabihin mo na?"

"I'll tell you. Basta, pumunta ka sa party namin mamaya sa bahay. Deal?" ngisi ni Agasé.

"No way! Pang-mayaman iyon 'di ba? As far as I know, you're an heir," nakasimangot na sambit ni Benilde.

"O ano naman ngayon? Sagot ko naman na ang dress mo. Ipapahatid ko sa katiwala namin, o 'di kaya ay mag-mall tayo. Not a problem. Mamayang alas-otso ang party," ani Agasé. Napakamot sa kanang pisngi si Benilde sa kulit ni Agasé.

"May curfew sa dorm namin." Naningkit ang mga mata ni Benilde.

"May guest rooms kami, o kung gusto mo . . . tabi tayo sa kuwarto ko," ngisi ni Agasé.

Napaawang ang labi ni Benilde sa sinabi ni Benilde at namilog ang mata. Sinuntok ni Benilde sa dibdib ni Agasé. Mukhang hindi naman nasaktan ang lalaki at tumawa pa.

"Tantado ka ah!"

"Joke lang naman, Benilde. Pumayag ka na, please?"

Tinalikuran ni Benilde ang lalaki. "Pag-iisipan ko. Iti-text kita kung papayag ako. Hindi kita iti-text kung hindi."

Napangisi si Agasé nang may bagong pilyong ideya ang pumasok sa utak niya. Mapapapunta niya si Benilde . . . sinisigurado niya iyan.

"Lumabas ka na!" Tinuro ni Benilde ang pinto.

Napailing na lang si Agasé at sumunod. Lumabas siya sa loob ng journalism room. Inilabas niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Arthur—katiwala ng Papa niya—may ipalagawa siya rito.

---
NASA HARAP ngayon ng salamin si Agasé at inaayos ang kanyang kurbata nang tumunog ang cellphone niya. Napangisi siya nang makita kung sino ang tumatawag.

"Hi, Benilde!"

"Ano ba itong ginawa mo, ha? Bakit mo pinapunta rito ang mga tauhan ng Papa mo. Tapos dinalhan mo pa ako ng dress, sapatos, bags, tapos may taga-make-up, at taga-ayos  buhok. Are you serious?" walang prenong sabi ni Benilde, halos pasigaw na ang boses nito.

"Hindi ba 'yan lang naman ang pinoproblema mo kaya ayaw mo ako samahan? E 'di pinapunta ko na d'yan."

Tumawa si Agasé. Sa kabilang linya, si Benilde ay umuusok na ang ilong. Napahinga na lang siya nang malalim at pilit pinakalma ang sarili. Wala na siyang mamawa at hindi rin naman masama kung dadalo siya. Walang mawawala sa kanya.

"You're so manipulative, Agasé!" sabi ni Benilde.

"I'm sorry if that what it looks like. It's just . . . I badly want you to come with me," Agasé said.

Natigilan naman si Benilde sa lumanay ng boses ni Agasé. Hindi na alam ni Benilde ang gagawin kaya ibinaba niya na lang ang cellphone.

Si Agasé naman ay nag-focus sa pag-aayos ng sarili niya. Nang katukin na siya ng Ama niya ay sumama na siya. Buong pamilya na tumayo sa taas ng staircase.

"Let's all welcome, the Favilion family!" pakilala sa kanila ng emcee.

Sinalubong sila ng masigabong palakpakan. Bumaba sila sa malaking hagdan. Nang makababa na sila ay inabot sa Ama ni Agasé ang microphone.

"Good evening everyone! Thank you for coming tonight. I am not gonna sugarcoat things, this party is for my son. I would like officially introduce him as the heir of Favilion's legacy."

Nagulat naman si Agasé sa narinig mula sa ama. Kahit matapang at malakas ang loob niya, hindi sigurado si Agasé kung kakayanin niya ang gano'n kalaking responsibilidad.

"Dad . . ."

Tumingin sa kanya ang kanyang ama. Binigyan lang siya nito ng ngiti.

"This is my son, Agasé Hydrox Favilion. Let's give him a round of applause."

Sinundan iyon ng napakalakas na palakpakan. Sa hindi malamang dahilan ay kinabahan doon si Agasé.

"You know, my son is a very smart guy. Although sometimes, he's aggressive and manipulative. I can really see a bright future on him. He knows what he want, and when he want things he'll make sure to get it," Gregory narrated.

Bahagya pang natawa ang Ama ni Agasé sa mismong sinasabi. Maging si Agasé ay tinamaan ng hiya.

"I am prouf of him. I want to hear some words from you, son."

Tinapik ni Gregory ang balikat ni Agasé. Sinundan iyon ng palakpakan mula sa audience. Kahit nasurpresa ay inabot pa rin ni Agasé ang microphone na inaalok ng Ama. Ang Ina naman ni Agasé ay nakangiti lang at halata ang kasiyahan sa mukha.

Hindi talaga handa si Agasé sa mga nangyayari. Kinakabahan siya baka ay may masabi siya sa impromptu speech niya na kung ano.

"Good evening, I am overwhelm of what's happening right now. My father really surprised me. I'm still in the process of learning and making myself better. I'll work hard to deserve what I have right now. Please, look forward."

Binigyan ng audience si Agasé ng palakpak. Matapos ang speech niya na iyon ay nagsimula na ang party.

Nang makababa na si Agasé ay nakita niya si Uly, Agnes, at . . . Benilde. Nakasuot ang dalaga ng pulang dress at heels sa paa niya. Bagay rin dito ang red lipstick at make-up nito. Kaya talagang namangha si Agasé nang makita niya ito.

Red, back, and white ang theme ng party nila Agasé. Si Ulysses ay nakasuot ng black suit at si Agnes ay nakasuot ng white dress. Sinenyasan lang siya ni Ulysses. Pagkatapos ay umalis na ang dalawa, mukhang tumungo sila sa dancefloor.

Ngayon ay silang dalawa na lang ni Benilde. Hindi maialis ni Agasé ang tingin sa babae.

"You look so pretty . . ." sabi ni Agasé kay Benilde. Umiwas naman ito ng tingin at namula.

"Tse! N-Nakakainis ka!"

Napangisi naman si Agasé. Hinapit niya bigla ang bewang ni Benilde na ikinalaki ng mata nito. Hanggang dibdib lang ni Agasé si Benilde. Matangkad si Agasé kumpara sa kanyang edad.

"A-Ano ba?"

"Sayaw tayo o ipapakilala muna kita sa parents ko?" ngisi ni Agasé.

"Parents mo? Huwag uy! Nakakahiya naman ata iyon, Agasé," sambit ni Benilde. Hindi mapakali ang mga mata niya habang titig na titig si Agasé sa kanya.

"Don't worry, Benilde. Mabait ang parents ko."

"P-Pero—"

Inilapat ni Agasé ang hintuturo niya sa labi ni Benilde kaya napatigil ito sa pagsasalita. Namilog naman ang mga mata ni Benilde.

"No more buts . . ."

Hinawakan ni Agasé ang bewang ni Benilde. Si Benilde ay parang de-susing manika na sumunod kay Agasé patungo sa direksyon ng magulang nito.

"Mom, Dad!" pagkuha ni Agasé sa atensyon ng mga magulang niya.

"This is Benilde, Mom and Dad. She's my classmate and she's my . . . uh crush," Agasé shamelessly said.

Hindi makapaniwala si Benilde sa lalaki. Sa isip ni Benilde, napaka-straightforward ng lalaki.

"You're so pretty, hija!" nakangiting sabi ng Ina ni Agasé at niyakap si Benilde. "No doubt, magugustuhan ka talaga ng anak ko. You also looks pure. Next time, mag-shopping tayo." Agasé's Mom giggled. On the other hand, Benilde's mouth left half-open. She's so overwhelmed of what's happening.

"Thank you po."

"First time magpakilala sa amin ni Agasé. Balak mo na ba mag-asawa, 'nak?" pabirong turan ng Ama ni Agasé.

"Pwede naman, Pa. 'Yon ay kung gusto mo na ng apo," ngisi ni Agasé. Tumawa naman ang Ama ni Agasé at pasimple kinutusan ang anak.

Namilog naman ang mata ni Benilde. Natutuwa rin siya sa nakikitang closeness ni Agasé sa parents nito. Naalala tuloy ng dalaga ang pamilya niya.

Kinausap pa ng mag-asawa si Benilde. Pagkatapos ay pinaupo sa table nila. Napakabait ng trato ng magulang ni Agasè kay Benilde. Sa totoo lang ay nag-expect ang dalaga na mataobre ang magulang ni Agasé pero napakapayak ng mag-asawa.

"Gregory, Angeline!"

Lumapit ang isang may katandaan ng lalaki sa table ng pamilya ni Agasé. May kasama ang lalaki na isang dalaga. Naka-tube dress na pula ang babae na halos kaedaran lang nila o mas matanda ng kaunti sa kanila.

"Mr. Yatco! Masaya ako na nakarating ka," bati ni Gregory at tumayo upang makipag-kamay sa lalaki. Maging si Mrs. Favilion ay tumayo.

"Ako rin ay masaya na inimbitahan mo ako. Anyway, ito pala ang anak ko na si Helena," sabi ni Mr. Yatco at pinakilala ang anak.

"Hi good evening Mr. and Mrs. Favilion," sambit ng babaeng nagngangalang Helena.

"Napakaganda ng anak mo, Mr. Yatco. Nasa college na ba si Helena o highschool din tulad ng anak?" tanong ni Mrs. Favilion.

"College na itong anak ko. Ka-schoolmate nga nito ang anak ng presidente," pagmamalaki ni Mr. Yatco.

Nagkausap pa ang dalawa at umupos rin sa bilog na table. Si Agasé naman ay tahimik lang nakikinig at nagri-react sa kuwentuhan ng magulang ni Agasé.

Naputol ang kuwentuhan nila nang dumating pa ang isang pamilyar na bisita. Isang matandang lalaki na nasa edad singkwenta na.

"Mr. Pablo Sy!" bati ng Ama ni Agasé sa matandang lalaki.

Naalala na ni Agasé. Si Mr. Pablo Sy ay ang pinakamahigpit nilant competitor sa kanilang construction business. Kilala itong negosyante at batikan sa larangan ng pagnenegosya.

"Mabuti at nakapunta kayo. I hope you're enjoying the night, Mr. Sy," nakangiti at malambing na sambit ng Ina ni Agasé.

"I am enjoying the night, thank you. Maganda ang party ninyo. Nakakatuwa at inimbitahan niyo ako."

Magsasalita na sana si Mr. Favilion nang biglang makarinig sila Agasé ng putok ng baril. Sunod-sunod iyon kaya napadapa sila Agasé maging ang ilang bisita.

What the hell is happening?

VimLights

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro