CHAPTER 24
Chapter 24: Plans
INALALAYAN ni Maia ang ina niya habang papasok sa visiting area sa kulungan. Pawang may karera sa loob ng dibdib ni Maia. Napakalakas ng tibok ng puso niya. Marahan din siyang nagkalad dahil anim na buwan na ang tiyan niya.
Nagpumilit pa ang asawa ni Maia na samahan sila, pero pinigilan niya ito. Kaya naghintay na lang ang lalaki sa labas, kahit labag sa loob nito. Natatakot kasi ang asawa niya. Umiling na lang si Maia at iniba ang kanyang iniisip.
Noong una ay nagdalawang isip pa siya sa pagpunta sa ama pero sa tingin niya ay ngayon na ang tamang oras. Kailangan niya na harapin ang kanyang ama. Mahirap at masakit oara sa kanya . . . kanilang dalawa ng ina niya. Pero ito ang mas nakakabuti.
Umupo sila sa isang mahabang bangko na ang katapat ay kahoy na lamesa. Hinihintay ni Sarah at Maia ang pagdating ni Louis. Maya-maya ay dumating na si Louis habang hawak ng isang pulis ang braso. Nakaposas ang mg kamay nito.
Kitang-kita ni Maia ang pamamayat ng kanyang ama. Magulo ng buhok nito. Tinubuan na ng mahabang balbas at bigot ang lalaki. Malalim ang mga mata nito at may itim na bilog sa ilalim.
"Pa . . ."
Umupo si Louis sa harapan ng dalawa. Nagsalubong ang mata niya at mata ng anak. Agad skyang ymiwas dahil pawa bang napapaso siya. Sobrang guilty niya sa lahat ng nangyari. Sinisisi niya ang sarili sa kalagayan at nangyari sa kanyang anak.
"Ano pang ginagawa mo rito, Maia? Ikaw rin Sarah. Hindi ba kayo natatakot sa katulad ko na mas masahol pa sa hayop," ani Louis habang nakaiwas ang kanyang tingin.
Lumamlam ang mga mata ni Maia. Lumambot ang puso niya nang makita ang hitsura ng kanyang ama. Parang nalusaw ang lahat ng galit, napalitan ng panghihinyang at sakit.
Nanghihinayang siya sa maraming bagay. Napakaraming sana ang nabubuo sa isip niya. Sana hindi na lang ginawa ng papa niya ang mga sakim na bagay, e 'di sana masaya sila. Sana ay maibabalik niya ang oras. Sana ay mabigyan pa sila ng pagkakataon. Napakaraming 'sana' . . . na talagang hanggang 'sana' na lang.
"Sa tingin ko ay ito na ang tamang pagkakataon para makapag-usap tayo . . . nang maayos," sambit ni Maia.
Tumingin si Louis sa anak. Nakita niya ang awa sa mga nito. Ilang ulit siyang napalunok at pinagpalitan ng tingin si Sarah at Maia.
"I-I'm sorry . . . I-I know that it's not enough. B-But I swear, I really swear. I regret everything . . ." ani Louis.
"Bakit ka umabot sa puntong ito, Louis. Hindi ko maiwasang isipin na kasalanan ko ito . . ." naiiyak na wika ni Sarah.
Nagsalubong ang tingin ni Sarah at Louis. Kitang-kita ni Loyis ang pagbabago ng babae sa pisikal. Pero kahit gano'n ay bakas pa rin ang ganda nito, ganda na kinabaliwan niya.
"Mahal kita . . . alam mo iyan, Sarah."
"Iyon ba ang paraan mo ng pagmamahal, ha Louis? A-Ang manakit at mamilit!" Hindi na napigilan ni Sarah ang sarili. Naikuyom niya ang kanyang kamao. Pilit pa rin niya pinipigilan ang emosyon niya.
Umiling si Louis. "M-Mahal kita, Sarah. Alam mo iyon . . . hindi ko itinago. Handa ako na akuin ang anak natin. Pero anong ginawa mo, inilayo mo siya at hinayaan na may ibang ituting na ama. Alam mo ba kung gaano lasakit sa akin iyon." Tumulo ang luha sa mga mata ni Louis. Hindi inaasahan ni Maia na makita ang pagluha ng ama niya. Sa mga mata kasi ni Maia, isang bato si Louis. Wala itong emosyon at pakialam. Pero ngayon ay kabaliktaran ang nakikita niya.
"Sinisisi mo ba ako? Mahirap sa akin iyon, Louis. Pinilit mo ako sa bagay na hindi ko gusto!" giit ni Sarah. Mataas na ang tono ng boses ng boses niya pero pilit pa rin na pinipigilan.
"Alam ko! Masakit rin sa akin lahat. Hindi kita sinisisi. Pero alam mo iyon . . . unang beses kong magmahal."
"Papa . . ."
"Gusto ko lang naman ay mahalin ako, kasi pakiramdam ko na walang nagmamahal sa akin. Na nag-iisa lang ako. Pasensya na . . . umasa lang ako. Umasa lang ako na may mamamahal sa akin."
"Louis . . ." anas ni Sarah.
"Alam ko na mali ang ginawa ko. Mali ang naging paraan ko. Naging sakim ako at sarili ko lang inisip ko. Kaya maging ang anak ko . . . naidamay ko sa katarantaduhan ko. Nagsisisi ako at handa akong lumuhod para humingi ng tawad nang paulit-ulit," umiiyak na wika ni Louis.
Tumayo ito at lumuhod sa harapan ni Sarah at Maia. Napaawang naman ang labi ni Maia sa nasaksihan. Kasabay no'n ay ang pagtulo ng mga luha niya. Para bang hindi niya kaya makita ang ama sa gano'ng sitwasyon.
"Louis, ano ba 'yang ginagawa mo!" suway ni Sarah. Suminghot pa ang babae dahil lumuluha na rin ito.
"Handa akong hintayin ang panahon na mapatawad niyo ako. Lumuluhod ako sa harapan niyo, dahil kulang pa ito. Kulang ang milyong paghingi ng tawad para sa lahat ng sakit ng naidulot ko sa inyo. P-Patawarin niyo ako . . ."
Parang gripo na umagos ang mga luha ni Maia. Hindi niya na napigilan ang sarili at tumayo siya. Bahagya siya namaluktot para magpantay sila ng ama. Niyakap niya ito.
"Okay na, papa. Pinapatawad na kita . . . tahan na," wika ni Maia.
Napahagulgol si Louis sa narinig mula sa kanyang anak. Hindi niya alam kung may mabuti ba siyang nagawa sa buhay niya at binigyan siya ng anak na tulad ni Maia.
"Patawarin mo si papa, anak. Nagkamali ako, at nagsisisi ako."
"Alam ko po. Tumayo na po kayo. Pinapatawad ko na po kayo. Hayaan na lang natin na panahon ang maghilom sa mga sugat natin sa puso," nakangiting sabi ni Maia kahit tumutulo ang mga luha niya.
"Mahal kita, 'nak. Pasensya na, masyado akong nalamon ng kasakiman. Pero maniwala ka na mahal na mahal kita."
Tumayo si Louis at si Sarah naman ang hinarap niya. Bakas ang luha sa mga mata ng babae at ang pamumula ng mata nito.
"Patawarin mo ako, Sarah."
Hinarap ni Sarah si Louis. "Marami na ang nangyari. Marami ng nasaktan. Nagkasakitan na tayo, kaya tama na. Tama si Maia, hayaan na lang natin na ang panahon ang maghilom ng sugat natin."
Napatitog si Louis sa dalawa. Maliit siyang napangiti at isinara ang kanyang mga mata. Iyong lang naman ang gusto niyang marinig. Masyado ng malalim ang mga sugat, masyado na rin siyang maraming nasaktan.
"Tapos na ang oras ng dalaw," singit ng pulis.
Marahang tumango si Louis. Ibinaling niya ang tingin kay Maia at Sarah. Hanggang sa naramdaman niya ang pagyakap sa kanya. Niyakap siya ng anak niya.
"Babalik kami, para bisitahin ka ulit," sambit ni Maia habang mahigpit ang yakap sa ama. Gumaan na ang loob niya matapos ang pagtatawaran nila kanina.
"Kahit hindi na, 'nak."
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Maia.
"Pagtuunan mo na lang ng pansin ang asawa mo at ang apo ko. T'saka mo na ako balikan kapag nakapanganak ka na," nakangiting sambit ni Louis. "Una na ako, 'nak."
"Babye, papa!"
"Bye, anak."
Nang makatalikod si Louis ay hindi na siya lumingon pa. Hinayaan niya na alng na tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya na kayang lumingon pa.
Masaya si Louis, na napatawad na siya ng anak niya. Hinihiling niya lang na kahit nasa kulungan siya ay maging maayos ito. Iyon lang ang tanging hiling niya.
Buo na ang desisyon niya.
-
ISANG TAON na ang lumipas. Si Agasé ay kumuha ng kurso na related sa negosyo, pero balak niya na kumuha ulit ng kurso na patungkol sa journalism. Nabuga siya nang malalim na hininga habang inaalala ang mga nangyari nang nagdaan na taon.
His uncle, commited suicide. Dahil doon ay naging sobrang kritikal ang huling buwan ng pagbubuntis ng pinsan niyang si Maia. Kaya ngayon ay papunta siya sa mansyon ng mga Leviste para dalawim ito.
Gamit niya ang itim niyang sasakyan na bagong bili lang niya. Sa katunayan ay si Ulysses ang pumili no'n. Wala na kasing oras si Agasé kaya si Ulysses na alng nag-asikaso at bumili.
"Kumusta si Maia? Pati ang pamangkin ko na si Knoxx?" tanong ni Agasé nang makapasom siya sa salas ng mga mansyon ng mga Leviste. Agad naman siyang binati ng mga kasambahay si Agasé. Sinalubong din siya ni Neon.
Umupo sa sofa si Agasé at si Neon. Kasabay ang paglaat ng pang-upo ni Neon sa sofa ay ang malalim na buntong hininga nito.
"Well, she's doing better. Pero malungkot oa rin siya sa pagkawala ng father niya. Halos isang taon na rin no'ng nangyari iyon," sagot ni Neon sa tanong ni Agasé.
"Can I see her?"
"Unfortunately, wala siyang kinikibo kundi ang anak naming si Knoxx."
"What's your plan?" Umangat ang isang kilay ni Agasé.
"Plano ko na sa amerika na lang kami titira. New environment for us . . . less stress for her."
Tumango-tango naman si Agasé. "Hindi ako tututol kung makakabuti naman sa kanya. Aalis din ako agad. Pasabi na lang sa kanya na dumalaw ako para kumustahin siya."
"I'll take note of that."
"Please take care of my cousin, her mother and my nephew. I'm trusting you, Leviste."
Umikot ang mga mata ni Neon. "Puwede ba, Favilion. Hindi mo na kailangan pang paulit-ulitin iyan sa akin. Hindi mo na rin kailangan ipaalala dahil gagawin ko," sabi ni Neon.
"Good to hear that."
Tinalikuran na ni Agasé ang lalaki. Pagkatapos ay dumiretso siya sa old condo niya. Nandoon din si Ulysses at naghihintay sa kanya. Pinapunta nita kasi ang lalaki roon.
Mabilis naman na nagmaneho si Agasé papunta sa tagpuan nila ni Ulysses. Kalahating oras ang ginugol niya bago makarating sa kanyang condo.
Naabutan niya roon si Ulysses na naka-boxer lang at shirt. Umiinom ito ng softdrinks-in-can at nanonood sa televison. Sa tingin ni Agasé ay drama ang pinapanood ng kaibigan. Napatingin si Agasé sa kaibigan na walang imik.
"Hey!" kuha ni Agasé sa atensyon ni Ulysses.
"And'yan ka na pala, Aga. Hindi kita napansin," ani Ulysses.
Umupo si Agasé sa tabi ni Ulysses. Doon niya napatunayan na drama ang ang pinapanood ni Ulysses. Nasa confrontation scene na iyon. Pinatay bigla ni Ulysses ang TV at hinarap ang kaibigan niya.
"Musta ang pinsan mo?" tanong ni Ulysses.
"Sabi ni Neon ay um-okay na raw ang pakiramdam ni Maia. Mas okay kaysa no'ng nakaraan," sagot ni Agasé.
Ymangat ang isang kilay ni Ulysses. "E sa mansyon niyo, anong balak mo?"
Matagal niya ng plinano at inayos ang plano niya sa mansyon nila. Kanina bago siya pumunta sa bahay nila Maia ay nabuo na nang tuluyan ang desisyon ni Agasé.
"Ipapa-renovate ko ang mansyon, Uly. Pagkatapos ay doon kami titira ni Benilde at bubuo ng pamilya."
"Wow! Ayos ah! E sa limpak-limpak mong money and golds. Ano balak mo?" Napahimas si Ulysses sa baba at pawang may inaalala. "Naalala ko, nakita ko na pala iyong building ng Lotus publishing. Maganda ang pagpapatayo mo no'n, ha. So, balak mo maging writer?" tanong ni Ulysses sa kaibigan at tumawa-tawa pa.
"Actually yes. Doon ko itutuloy ang nasimulan ko sa blog ko. Balak ko pa rin na magpatuloy sa ginagawa ko. Ang tumulong sa kapwa at bigyan sila ng hustisya. Syempre kasama kita!" Kinindatan ni Agasé ang kaibigan. Sukang-suka naman si Ulysses sa ginawa ng kaibigan at naibuga pa ang softdrinks na iniinom.
"Kadiri! Yuck! May pakindat pa," reklamo ni Ulysses at inayos ang sarili.
"Patungkol nama sa tanong mo about sa pera ko. Sa tingin ko ay ambubuhay naman na ako sa mga negosyo na naiwan ng parents ko. Mabubuhay naman na ako doon. I plan to spend the money to donation, children, scholarship, and others. I want to help a lot of people," mahabang litanya ni Agasé. Humanga naman si Agasé sa narinig mula sa kanyang kaibigan.
"Wow! Napakalambot talag ng puso mo. Sana all ganyan 'di ba? Hindi iyong kurakot," wika ni Ulysses.
"Masaya naman ako sa mayro'n ako. Kuntento na ako, Uly. Isa pa, iyang pera na mula sa hidden treasure namin ang ugat sa lahat ng gulo. Kaya, gusto ko na lang matapos ito."
Napatango-tango si Ulysses. Napagtanto niya na tama ang sinasabi ng kanyang kaibigan. "Tama ka d'yan, Aga. Mas mabuti ng na itulong na lang iyan sa mga mahihirap." Napahimas sa baba si Ulysses at naalala ang topic nila kanina. Inilihis nito ang topic. "Teka nga! May pen name ka na ba, Aga?"
Natigilan si Agasé nang ilang minuto dahil sa tanong ni Ulysses. "Meron . . ."
"Ano?"
"Black Mist."
"Woah! Angas pakinggan ah! Pero bakita iyan?" Napakamot sa ulo si Ulysses.
"Black Mist in dreams represents feminism."
"Feminist ka?"
"I don't know . . . I don't cosider myself as feminist. I just want to protect women and almost all my article are for women who are shouting for justice." Huminga nang malalim si Agasé at nagpatuloy. "Maybe, I am not a feminist but I stand with women."
"Great! So, anong plano mo sa blog mo?"
Tumayo si Agasé at kinuha ang laptop niya. Nginitian niya ang kanyang kaibigan. Binuksan niya ang kanyang laptop at nagsimulang magtipa. Si Ulysses naman ay nakamasid lang sa kanyang kaibigan.
To all the supporters of Black Label:
Thank you for giving time in reading this blog. By just reading my article that are said to predict the future. I want to give y'all my warmest thank you and I want to tell you that this is the last time we will see each other. I will delete this blog. It was due to personal reason. I am taking a new path. Goodluck to everyone. I hope you can be what you want to be.
There's no way to predict the future, but there's always a way to create something good in our present. That'll benefit amd change the future.
Signing off,
Black Mist, the creator of the blog
"I'm now signing off as the creator of the blog, Uly."
-
MAGKAHAWAK ang mga kamay ni Benilde at ni Agasé. Magkasama sila ngayon sa isang restaurant at kumakain. Gusto lang igala ni Agasé ang nobya niya dahil naging abala siya sa sinusulat niyang nobela.
"Masarap ba ang food, baby?" tanong ni Agasé sa kasintahan.
"Yep! Super!"
"Nag-ienjoy ka naman ba? Baka bored ka na. Sabihin mo lang sa akin." Ngumuso si Agasé. Napailing lang si Benilde at tinawanan ang kasintahan niya.
"Ano bang pinagsasabi mo! Hinding-hindi ako mabo-bored kaag kasama kita," nakangiting ani Benilde.
"Talaga?"
Pinisil ni Benilde ang pisngi ni Agasé na ikinabusangot ng lalaki. "Talagang-talaga."
"Stop pinching my cheeks! Feeling ko ay bini-baby mo ako. Gusto ko na ako lang ang nagbi-baby sa 'yo," sabi ni Agasé.
Ngumisi lang si Benilde. "Okay fine! I love you!"
"I love you too . . ."
Tahimik lang nila na tinapos ang pagkain. Hanggang sa sumakay na ulit ang dalawa sa sasakyan ni Agasé. Nakangiti si Agasè habng sinusuotan ng seatbelt ang nobya.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Benilde.
"It's a secret . . ." Lumapad ang pagngisi ni Agasé.
Si Benilde naman ay litong-lito at nagtataka. Wala talaga siyang ideya kung saan sila palunta. Napanguso lang siya dahil kinukulit niya ang nobyo sa biyahe ay hindi ito nagsasalita. Puro lang ito ngiti.
Nang tumigil ang sasakyan nila ay nilagyan ni Agasé ng piring sa mata ang nobya. Sa hindi malamang rason ay kinabahan si Benilde.
"Hoy, Aga! Ano ito?" Bahagyang naghisterya ang boses ni Benilde.
"Surprise, baby. Calm down, okay?"
Inalalayan ni Agasé ang dalaga at mahigpit naman ang kapit ni Benilde sa kanya. May mga beses na natalilok ang dalaga at napapatili ito. Si Agasé naman ay aliw na aliw sa nobya niya.
"Nasaan na ba tayo?"
"We're here, baby. One, two, three . . ." Tiananggal ni Agasé ang piring sa mga mata ni Benilde. "Surprise!" sigaw ni Agasé.
Napaawang naman ang labi ni Benilde sa nakita niya. Isnag napakalaking mansyon at napakaganda. Kumikinang ito at mukhang bagong ayos. Alam niya na iyon ang dating mansyon nila Agasé na binigyan lang ng bagong bihis.
"A-Anong ibig sabihin nito . . ."
Ngumiti si Agasé at may inilabas na pulang kahon. "Ibig sabihin nito ay mahal kita, papakasalan kita, at ito ang magiging bahay natin. Dito tayo bubuo ng pamilya."
Natutop ni Benilde ang sariling labi. Hindi siya makapaniwala sa naririnig mula kay Agasé. Parang panaginip na marinig na papakasalan siya ng binata.
"Pero nag-aaral pa tayo, Aga."
"Nah, it's fine. Hindi pa nama ngayon e. Let's just commit. If you're willing to be with me and share your life. Please, say yes. If you don't like the idea then-"
"Yes, Agasé. I will marry you . . ." umiiyak na sambit ni Benilde.
Mahigpit an niyakap ni Agasé si Benilde. Maging siya ay tumulo na rin ang mga luha. Parang panaginip lang ang lahat. Parang hindi totoo pero nangyayari na. Pumayag na si Benilde na pakasalan siya at wala na siya lng mahihiling pa.
"I love you, Benilde. My soon to be Mrs. Favilion."
"I love you too, baby."
Maglalapat na sana ang labi nilang falawa nagng bigalng tumunog ang cellphone ni Agasé. Napamura si Agasé nang marinig iyon. Nakita niya sa caller ID ang pangalan ng kaibigan na si Ulysses.
"Answer it, Aga. Baka importante." Tumango na lang si Agasé at sinagot ang tawag.
"Hello, Uly!"
"Agasé, please help me," naghihisterikal ang boses ni Ulysses na siyang ikinakaba ni Agasé.
"Anong nangyayari, Ulysses?"
Isinalaysay ni Ulysses ang nangyari. Napaawang ang labi ni Agasé habang pinakikinggan angbkaibigan. Napabagsak ang balikat ni Agasé sa sinabi nito.
"Nawawala si Agnes . . ."
Pagkatapos ng pagkawala ng dalaga ay nagulo na ang lahat. Maraming nagbago at . . . naglaho.
VimLights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro