Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 23

Chapter 23: Hidden Treasure

DEAD ON ARRIVAL. Wala ng buhay si Chief Delfranco nang madala siya hospital. Mabilis na naaresto si Louis. Naka-hospital arrest naman si Mr. Yatco.

Walang ebidensya na nagtuturo sa pagkasangkot ng presidente. Pero patuloy ang imbestigasyong ng mga pulis.

Dalawang araw na ang nakakalipas matapos ang nangyari. Nang araw na dumating ang mga pulis para rumesponde ay naidala si Maia sa hospital. Maging si Agasé ay nasa hospital pa rin hanggang ngayon. Ang mga iilang sugat ni Benilde ay agad ding nagamot sa hospital.

Napatigil si Agasé sa pagbabasa ng newspaper nang bumukas ang pinto. Bumungad ang nakangiting si Benilde. May dalang prutas ang dalaga.

"Baby, kumusta ang sugat mo? Naghilom na ba?" tanong ni Benilde sa nobyo nang makalapit siya rito.

Nasa hospital si Agasé sa kadahilanang matagal ang pahighilom ng nabaril niyang balikat. Lagi naman siyang binibisita ng kanyang nobya, matapos ang nangyari. Naging abala rin ito sa college application nila. Iilang linggo na lang ay kolehiyo na sila.

Hanggang ngayon, wala pa ring napagdesisyunan na kurso si Agasé. Habang ang kaibigan naman niya na si Ulysses ay walang ibang bukambibig kundi ang kuwento at plano nito patungkol sa pag-aabogasya. Masaya si Agasé sa kaibigan dahil alam nito ang gusto niyang kunin. Wala siyang ibang hinahangad kundi ang maging masaya ito.

Umupo si Benilde sa tabi ng hospital bed ni Agasé. Nakangiti naman si Agasé habang nakamasid sa kasintahan niya.

"Ayos lang naman ako, baby. Hindi muna kailangan mag-alala." Pinisil ni Agasé ang ilong ng nobya at mahinang tumawa. Pilit naman tinanggal ni Benilde ang kamay ni Agasé na pumisil sa ilong niya.

"Aga! Stop doing that!" Ngumuso si Benilde.

"Why?" Mahinang humalakhak si Agasé.

"Ginagawa mo naman akong bata e!"

"Hindi ah! Isa lang 'yan sa paglalambing ko sa 'yo. Kaya hayaan mo na ako."

Lalong nanulis ang nguso ni Benilde. "Okay, fine!"

Kumuha ng ubas si Benilde at sinubuan si Agasé. Malapad naman ang ngiti ng binata na para bang enjoy na enjoy ito sa ginagawa ng nobya niya. Aliw na aliw si Agasé.

"E kumusta naman iyan . . ." Inginuso ni Benilde ang bandang dibdib ni Agasé.

Naguguluhan naman si Agasè. "What do you mean, baby?"

"Ngayon na nahuli na ang nagpapatay sa magulang mo, naghilum na ba ang sugat d'yan sa puso mo?" seryosong tanong ni Benilde kay Aagsè.

Naumid ang dila ni Agasé. Natigilan siya dahil hindi niya alam ang isasagot. Hindi niya mahagilap ang mga salita na makakapaglarawan ng nararamdaman niya ngayon. At hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya. Hindi niya alam kung . . . masaya nga ba siya.

"Alam ko naman na masakit pa rin iyang mga sugat sa puso mo. Hindi naman iyan agad-agad maghihilom," ani Benilde. Nakatitig lang si Agasé sa dalaga. Hanggang sa biglang kinuha ni Benilde at ipinagsiklop ang mga kamay nila. "Lagi mo lang tandaan na nandito ako. Tayong dalawa . . . magiging masaya."

Napangiti si Agasé sa sinabi ni Benilde. Inatos niya ang iilang hibla ng buhok ni Benilde na nalalaglag at tumatakip sa magagandang mata nito. Inipit ni Agasé ang hibla ng buhok na iyon sa kanyang tainga.

"Totoo, masakit pa talaga ang mga nangyari. Sariwa pa rin ang sakit, baby. Pero dahil nandito ka, may rason pa ako. Para magpatuloy at . . . mabuhay," sambit ni Agasé.

"Agasé . . ."

"Tama ka, baby. Magiging masaya tayong dalawa. Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka."

Niyakap ni Benilde ang kanyang nobyo. Yumakap din pabalik si Agasé sa kanyang nobyo. Mahigpit ang yakap ni Benilde na para bang ayaw niyang mawala si Agasé sa kanya. Nagtagal ang yakapan nila at umabot iyon ng ilang minuto. Walang umimik sa kanilang dalawa, hanggang sa nagsalita si Benilde.

"I love you, Aga."

Mariing napapikit si Agasé. Parang musika sa pandinig niya ang katagang iyon. Hindi siya magsasawa na marinig iyon kay Benilde.

"Mahal na mahal kita, Benilde."

Kumals sa pagkakayakap si Benilde at tiningan nang mabuti si Agasé. "Mangako ka sa akin, Aga. Mangako ka na . . . hindi mo ako iiwan."

Napatitig si Agasé sa mukha ng dalaga. Kitang-kita niya ang namumuong luha sa gilid ng mata nito. "Hindi kita iiwan, Benilde. Mamamatay muna ako bago kita iwan."

"Dito ka lang . . ." naiiyak na sambit ni Benilde.

"Dito lang . . . ako'y dito lang sa tabi mo."


LUMIPAS ang dalawang linggo. Hindi na mapigilan ni Agasé ang sarili niya. Pinuntahan niya ang uncle niya sa kulungan. Naupo siya sa isang bakanteng upuan katapat ng isang kahoy na lamesa.

Maya-maya ay lumabas na ang uncle ni Agasé. Nakasuot ito ng kulay kahel na damit, ang uniporme ng mga preso. Walang kangiti-ngiti sa mga labi nito.

"Anong ginagawa mo rito?" pagalit na sabi ni Louis. Kahit galit ito ay umupo ito sa tapat ni Agasé.

Magulo ang buhok nito, tumubo na rin ang mga buhok nito sa mukha. Walang emosyon ang mga mata nito at nakaposas ang mga kamay.

"Nandito ako para kumustahin ka at magtanong ng ilang bagay sa 'yo," sagot ni Agasé sa tanong ng uncle niya.

"Wala ka ng mapapala sa akin," sabi ni Louis.

"Bakit, uncle? Bakit ka nakipagsabwatan kay Mr. Yatco para patayin ang mga magulang ko? Dahil lang ba talaga sa pera?"

"Hindi mo maiintindihan ang galit na nasa puso ko. Sinubukan ko na huwag magpadala doon pero wala. Nilamon na ako ng galit . . ."

Nakita ni Agasé ang pagkuyom ng kamao ni Louis. Umigting ang panga nito aylt nagbaga ang mga mata.

"Bata pa lamang ako ay hindi na ako nakaramdam ng pagmamahal. Kahit ang unang babae na minahal ko ay tinanggihan ako. Trinato na parang basura. Lahat sila ay basura ang tongin sa akin. Kaya, sarili ko na lang ang minahal ko."

"Pero may anak ka. Sana binuhos mo na lang sa kanya ang pagmamahal mo," giit ni Agasé.

Lumalam ang mga mata ni Loyis at mapait na ngumiti. "Sana nga . . . "

"Uncle . . ."

"Nagsisisi rin naman ako, Agasé. Mahal ko rin naman ang anak ko. Nalamon lang ako ng galit at pagkasakim. Ginamit ko pang kasangkapan ang anak ko."

"You should say sorry to her."

"I think she loathe me. She hate me, Agasé. Masama akong ama kaya dapat labg na magalit siya sa akin."

Bahagyang natulala si Agasé nang makita niya ang pagtulo ng luha ng uncle niya. Mas lalo niyang naramdaman ang sakit nito at maging ang pagsisisi. Totoo nga ang sinasabi nila, nasa huli lagi ang pagsisisi. Kapag nawala na sa iyo ang lahat. Kapag ikaw na lang natira mag-isa.

"Tama lang na nandito ako. Wala na rin namab akong mapupuntahan. Ako na lang mag-isa . . ." Mariing napapikit si Louis, kasabay no'n ay ang pagtulo ng mga luha niya.

"I'm still your family, uncle."

"Ano bang pinagsasabi mo, Agasé? Nakalimutan mo ba na isa ako sa rason ng pagkawala ng mga magulang mo? Hindi nararapat sa akin ang awa mo!" giit ni Louis.

"Despite evrything that had happened, we can never change the fact that you're now my only family. Masakit pa rin ang ginawa mo, uncle. Walang kapatawaran iyon . . . pero hindi magbabago na uncle pa rin kita."

"N-No! H-Huwag mo akong kaawaan."

"Uncle Louis . . ."

"Tama lang na mabulok ako dito sa bilangguan. Dito ako nararapat, Agasé."

"You're right, tama lang na nandito ka uncle. Kailangan mo talagang pagbayaran ang nagawa mo. Pero kung ano man ang mga iyon, ang masasama mong ginawa . . . huwag mo na sana ulitin. Baguhin mo na at ayusin mo na ang buhay mo," sambit ni Agasé.

Hindi kumibo si Louis. Tahimik itong lumuha. Luha na puno ng pagsisisi at sakit. Nakatitig lang si Agasé sa lalaki. Hinihintay niya na magsalita ang tiyuhin niya.

"I-I'm sorry . . ." Napalunok nang ilang ulit si Louis.

Sa totoo lang ay iyon lang naman ang gusto ni Agasé na marinig sa uncle niya. Gusto niya marinig ang paghingi ng tawad nito. Napahinga nang malalim si Agasé at tumayo.

"Binilhan kita ng mga prutas, uncle. Magpakalakas ka. Kailangan mo iyan dito," ani Agasé.

Lumalam ang mga mata ni Louis. "Agasè . . ."

"Mahirap para sa akin na patawarin ka, uncle. Umaasa ako na hindi man ngayon ay sa susunod na magkita tayo ay kaya na kitang patawarin." Huminga nang malalim si Agasé bago magpatuloy. "Malalim ang iniwang sugat sa akin nang pagkamatay nila mama. Hindi ko pa kaya sa ngayon. Pero sana sa susunof na panahon ay magawa ko, Uncle."

Napalunok si Louis. Para bang may nagbara sa kanyang lalamunan. Naiintindihan niya ang galit ng pamangkin. Wala siyang ibang magawa kundi ang intindihin ito, dahil siya ang may atraso dito.

"Naiintindihan ko, Agasé."

"Uncle, may huling pabor na lang ako na hihingin sa 'yo."

"Ano iyon?" tanong ni Louis.

"Harapin mo si Maia at Ms. Sarah."


NAKASAKAY si Agasé sa bagong bili na sasakyan ni Ulysses. Ito ang nagmamaneho ng sasakyan. Papunta sila sa mansyon nila Agasé upang tignan ang sinabing lihim na kayamanan ng mga Favilion.

Napatingin si Agasé sa sulat na nakuha niya kasabay ng key pendant. Nalaman niya na ang mga numero na iyon. Si Ulysses ang nag-decode ng mga numero.

1318 2501200315
MR YATCO

Gamit ang Latin Code sa mga numero na iyon. Napagtanto ni Agasé na iyon ang sulat ng pagtanggi ng ama niya sa arrange marriage na nais ni Mr. Yatco. Tinanggihan niya iyon dahil ayaw niya pangunahan si Agasé sa mga desisyon nito sa buhay.

Ipinasok na ni Agasé sa maliit na bag niya na katabi ang sulat. Kinuha niya ang key pendant na may nakaukit na apelyido nila. Hinimas niya iyon gamit ang hinlalaki niya. Hindi makapaniwala si Agasé. Pawang isang panaginip lang sa kanya ang lahat.

Natigil si Agasé sa pagtitig sa susi nang huminto ang sasakyan. Napatingin siya sa kaibigan niya.

"Nandito na tayo, Aga," ani Ulysses. Tinanggal nito ang seat belt at lumabas ito sa kotses.

Lumabas na rin si Agasé. Pagkalabas niya ay sinalubong siya ng malamig na hangin. Pakiramdam niya hinahagkan siya ng hangin.

Hindi maiwasan ni Agasé na maging sentimental nang makita niya ang mansyon nila. Nakita niya ang pagkaluma nito dahil napabayaan. Isa pa ay may nasirang oarte ito, sa tingin ni Agasé ay ito ang pinakailaman ng uncle niya.

"Andaming nagbago sa hitsura . . ."

"Puwede mo naman ito ipaayos, Agasé," suhestiyon ni Ulysses sa kaibigan.

Tumango si Agasé at maliit na ngumiti. Bahagya niyang nilingon ang kaibigan. "Tama ka, Ulysses. Papagandahin ko itong mansyon ulit . . ."

Pinagkrus ni Ulysses ang kanyang mga braso. "Ano? Pasok na tayo?"

Hindi na nagsalita si Agasé. Bagkus ay pumasok na siya sa mansyon nila. Hawak-hawak niya ang blueprint na nakuha niya kay Mr. Yatco. Doon ay nakita niya na nasa kaliwang bahagi ng mansyon nila ang daan papuntang underground passage.

Napahinga siya nang malalim bago pinihit ang doorknob ng pinto na magdadala sa kanila sa underground passage. Nang bukdan iyon ni Agasé ay nakita niya ang hagdanan pababa. Madilim ang paligid.

Nagulat siya nang biglang may ilaw na bilog. Napalingon siya sa kaibigan niya, nakita niya na may hawak na flashlight si Ulysses at nakangisi ang kaibigan niya.

"Ready ako," ngisi ni Ulysses. Napailing lang si Agasé sa kaibigan.

"Well, thank you. Buti na lang nga at may dala kang flashlight. Galing mo!" natatawang wika ni Agasé.

"Ako lang 'to, Agasé." Malapad na ngumisi si Ulysses. Umiling lang si Agasé sa sinabi ng kanyang kaibigan.

Nagpatuloy sila sa pagbaba at pagbagtas sa madilim na daan. Hanggang sa narating na nila ang isang pinto na at pader na gawa sa metal.

Nang makita ni Agasé ang bakal na pinto't pader ay doon niya napagtanto kung bakit kailangan na kailangan nga nila ang susi. Siguro ay dahil mahirap gibain ang bakal.

"Hoy, Agasé! Tignan mo itong nakaukit dito."

Hinila ni Ilysses ang kaibigan sa kaliwang bahagi ng pinto. Doon ay may nakaukit nga na parang small note. Malakas na binasa ni Ylysses ang nakaukit doon.

"Tanging susi lang na ibinigay sa tagapagmana ang makakapagbukas sa pinto na ito. Isang maling galaw sa pinto ay guguho ang buong mansyon at lulubog ang kayamanang nakatago rito. Walang ibang makikinabang kundi ang lupa. Ang sakim at hangal na susubok ay lulubog kasama ng mga kayamanan," pagbabasa ni Ulysses.

Namilog ang mga mata nila. Si Ulysses ay malamig na pinagpawisan dahil sa binasa niya. Alanganing itong nagsalita.

"Gago, Agasé. Ayoko pa lumubog sa lupa," alanganing ani Ulysses.

Natawa naman si Agasé sa sinabi ng kaibigan niya. "Huwag ka mag-alala, hindi tayo lulubog. Nasaan ba rito ipapasok ang susi?" tanong ni Agasé.

Pinunta ni Ulysses ang ilaw sa kanang bahagi. Doon nila nakita ang papasukan ng susi. Napalunok ng ilang beses si Agasé. Napaisip siya na baka lumubog nga sila ni Ulysses. Ipapasok na sana ni Agasé nang bigla skyang pigilan ni Ulysses.

"Wait! Baka naman lumubog tayo niyan!" atungal ni Ulysses.

Piannlakihan ni Agasé ng mata ang kaibigan niyan. "Akong bahala! Ano ka ba naman!"

"Hoy! Ayoko pa kasi lumubog sa lupa," nakabusangot na sabi ni Ulysses. Hindi alam ni Agasé kung matatawa siya o maiirita sa kaibigan niya.

"Ako ang tagapagmana ng mga Favilion. Kaya puwede ba? Chill ka lang d'yan!" Umikot ang mga mata ni Agasé.

"Fine!"

Ipinasok ni Agasé sa keyhole ang susi. Kinabahan pa sila ni Ulysses nang walang nangyari na kung ano sa pintuan.

"Hoy, ano na?" Nag-sign of the cross na si Ulysses. "Lord, ayoko pa po malubog sa lupa. Si Agasé na lang ang ilubog niyo. Mahal ko pa ang aking life—ay anak ng tipaklong!"

Napatigil sa pagdadasal si Ulysses nang magbukas ang pinto at nasilaw sila sa nakita. Puno ng ginto ang kuwarto. May mga alahas at gold coins. Mayroon ding gold bars.

"Tangina! Bayad na bayad na ang utang ng PhilHealth dito!" masayang bulalas ni Ulysses. Halos matanggal ang panga niya sa kanyang mukha dahil sa sobrang gulat at mangha sa nakikita.

"Napakarami nito . . ."

Nakaawang ang labi ni Agasé. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Hindi niya inaakala na may ganitong tinatagong yaman ang pamilya niya. Kahit sa panaginip ay hindi niya naisip ito.

"Ang dami, Agasé. Balatuhan mo na lang ako, kahit pambili lang ng brief. Kinagat na ng daga iyong brief ko," biro ni Ulysses. Lumapit pa si Ulysses sa mga gold bars. "Solid! Buhay na buhay ka na nito. Kaya mo pang bumuhay ng sampung pamilya." Tumawa nabg malaks si Ulysses. Hindi maiwasan ni Agasé na matawa sa kaibigan, kaya napailing na lang siya.

"Hindi ko inakala na may ganito kaming natatagong yaman. Napakarami nito . . . para g hindi totoo."

"Oo nga! Parang nasa movie lang. Ang angas!" komento ni Ulysses. "Sa tingin mo saan galing ito? Hindi naman siguro nakaw ito ano?"

Natigilan si Agasé at napaisip din. Hanggang sa sumagi sa isip niya ang isang kuwento patungkol sa angkan nila. Hindi niya pinagtuunan ng pansin iyon dahil akala niya ay hindi naman totoo.

"May kuwento noon na isang prinsesa ang lola ko. Tinalikuran niya ang tungkulin niya para kay lolo. Pero noong huli, kanya pa rin pinama ang yaman ng pamilya niya."

"Angas! Saan mo nalaman iyan?"

"Kuwento sa akin noon. Akala ko . . . chismis lang. Hindi ko alam na may katotohanan naman pala. Ito siguro ang kayamanan na minana ni lola," wika ni Agasé. Umikot ang paningin niya sa paligid.

"Wow! Hindi ko alam na may ganyan pa lang kuwento tungkol sa panulya niyo," ani Ulysses.

"Parang hindi totoo itong nakikita ko, Uly."

"E kung sikmurahan kaya kita, para ma-check natin kung nananaginip ka lang," nattawang sabi ni Ulysses. Pinakita lang ni Agasé ang gitna niyang daliri sa kaibigan.

Kumikinang ang paligid dahil sa alahas at ginto. Hindi niya alam kung totoo ba ang nakikita niya. Kaya lumapit siya sa mga gold coins. Marahan siya naglakad. Yumikod siya at sumalok gamit ang kanyang palad.

"Ito pala . . . ang Favilion's hidden treasure."

VimLights

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro