Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 22

Chapter 22: Tattoo

PINUKOL ng masamang tingin ni Agasé ang uncle niya. Kung nakakamatay lang ang titig ay kanina pa nawala si Louis dahil sa sobrang sama ng tingin ni Agasé rito.

Gusot na gusot ang mga mata ni Agasé.. Nagbabaga ang kanyang mata at nagtatangis ang kanyang ngipin. Umigting ang panga niya at kasabay no'n ay ang pagkuyom ng kamao niya.

"You killed my parents!" pag-uulit ni Agasé sa binigkas niya kanina. Ngayon ay hindi na patanong ang pahayag niya.

Pawang tumigil ang paligid at nakapokus lang sa kanya. Dinig na dinig ang sigaw ni Agasé, nag-echo iyon sa buong lugar.

Tiningan niya mula ulo hanggang paa ang mga lalaki na tauhan ng uncle niya. Maging ang uncle niya ay mzy scorpion tattoo. Sa tingin niya ay isa silang grupo.

Si Louis naman ay maangas na tiningan ang pamangkin. Pinagtaasan niya ang pamangkin ng kilay. Umangat ang sulok ng labi ni Louis.
 

"You can say that . . ." Ngumisi si Louis.

"What the hell!"

"Pero ang mga tauhan na iyan ay hindi sa akin. Kundi kay Mr. Yatco and sa ama ng kaibigan mong si Ulysses. Ang presidente ng Pilipinas." Lalong lumapad ang pagngisi ni Louis.

Nanigas naman ang katawan ni Agasé sa narinig niya. Unti-unti niyang nilingon ang kaibigan na si Ulysses na nakaawang din ang labi. Hindi kumibo si Agasé. Ibinaling niya na lang ulit ang tingin ang Uncle Louis niya.

"W-What the hell are you saying?" sigaw ni Agasé.

"Hindi lang ako ang may interes sa pera at hidden treasure ng pamilya mo, Agasé. Marami kami . . . even Ulysses' father," sabi ni Louis at tumingin sa direksyon ni Ulysses.

"Agasé . . ." anas ni Ulysses at naglakad palapit kay Ulysses.

"Uly . . ." Nagkatinginan ang magkaibigan.

Kitang-kita ni Agasé ang gulat sa mga mata ni Ulysses. Ang mga mata rin nito ay pawang humihingi ng tawad sa kaibigan. Namumuo ang luha sa gilid ng mga mata nito. Marahan itong lumapit sa kanya at ilang beses na napalunok.

"H-Hindi ko alam . . . wala akong alam, Aga." Napayuko si Ulysses. Maging siya ay hindi makapaniwalang may kinalaman ang ama niya sa nangyayari. Hindi niya inaasahan na may koneksyon ang ama niya kay Louis Favilion.

Dinuro ni Louis ang sarili at pagalit na nagsalita. "Kita mo kung gaano sila kawalang pakialam sa akin! Lahat ng kayamanan ay binigay kay kuya! Anong tinira nila sa akin? Kakarampot na properties at pera. Parang limos!"

Seryosong tiningnan ni Agasé ang uncle niya. "Sana sinabi mo na lang. I am willing to share every cent I have, uncle. Hindi mo na sana pinaabot sa ganito . . .," sambit ni Agasé. Napahugot siya nang malalim na hininga.

Biglang lumambot ang ekspresyon ni Louis. Natigilan siya sa sinabi ng pamangkin niya. Pero ilang sandali lang at nagtangis muli ang mga ngipin niya.

"Ano? Bibigyan mo rin ako ng limos?" Umangat ang isang sulok ng labi ni Louis.

Naningkit ang mga mata ni Agasé. "Then, you're selfish! Gusto mo na ibigay ko lahat sa 'yo—"

"Yes! Because that's what I deserved!" sigaw ni Louis.

"You deserve nothing, uncle." Napailing si Agasé at nginisihan ang kanyang uncle. "You're nothing but a pathetic, selfish, and cruel person! Even the surname, Favilion, you don't deserve that!"

"Shut up!"

"I won't shut up! You're nothing but a bastard and a certified jerk!"

Wala ng nagsalita sa pagitan nilang dalawa. Si Chief Delfranco ay tinutukan na ng baril si Louis. Ang ilan sa tauhan ni Louis ay natumba na pero may mga natira pa rin.

Ang mga kasamahan ni Ulysses kanina, na sa tingin ni Agasè ay tauhan ni Chief Delfranco ay tinutukan ng baril ang mga tauhan ni Louis. Kaya ang sumunod na ginawa ng mga tauhan ni Louis ay tinutukan din angmga tauhan ni Chief Delfranco.

Walang tugon mula kay Louis, kahit tinutukan pa ito ng baril ni Gideon. Tumalikod ito at kasabay no'n ay ang paghalakhak niya. Sa pandinig ni Agasé ay pawang isang mabagsik na hayop ang tunog ng halakhak.

"Akala niyo ba ay basta-basta niyo na lang ako na mapababagsak? Mga ulol! Hindi niyo ako mapipigilan!" mariing sambit ni Louis, kasunod ay ang mala-demonyong halakhak niya.

Natigilan sila at napaawang ang labi nila nang pumasok ang isa nilang tauhan ay may dalang isang dalaga. Namilog ang mga mata ni Agasé nang mapagtantong si Maia iyon. Suot pa rin ni Maia ang white puffed-sleeve dress niya na suot niya sa gaganapin sana nilang date ni Neon. Walang malay ang dalaga, para itong lantang gulay.

Nang lingunin ni Agasé si Neon ay kitang-kita niya ang pagtatangis ng mga ngipin nito. Nagbabaga ang mga mata ni Neon sa galit. Mukhang kahit anong oras ay susugurin nito si Louis dahil sa galit.

Napasalampak si Maia sa sahig nang bitawan ito ng mga lalaki. Si Louis naman ay mariing hinawakan nito ang dalaga sa braso. Nagmarka na ang mga daliri nito sa braso ng babae.

"Gago ka talaga!" sigaw ni Neon kay Louis. Akmang susugurin na nito ang lalaki nang pigilan ito ni Agasé.

"My beautiful daughter . . ." nakangising bulalas ni Louis habang nakatingin sa walang malay na anak.

"Ni hindi mo man lang inisip ang kapakanan ng anak mo. Si Maia ay naghirap at patuloy na nahihirapan sa sobrang makasarili mo. Dinamay mo pa siya rito? How low!" galit na wika ni Agasé. Kumuyom ang kanyang mga kamao.

"Well, anak ko siya kaya gagawin ko ang gusto ko sa kanya!" giit ni Louis.

"Anak mo lang siya pero hindi mo siya pag-aari! Hindi ka ba naawa sa anak mo ha, Louis?" sagot ni Gideon sa lalaki. Humigpit ang kapit nito sa baril na nakatutok kay Louis.

"Wala akong pakialam sa mga opinyon ninyo!"

"Pakawalan mo ang asawa ko!" sigaw ni Gideon. Binato niya ng masamang tingin si Louis at nagdidilim na ang paningin nito.

Nginisihan lang ni Louis si Neon. Pawa bang hindi nito alintana ang nabaril na binti. At pawang nalimutan din ng lalaki na nagawa siyang barilin ni Neon at kayang ulitin ng lalaki iyon.

Lumapad ang ngisi ni Louis at binigyan ng nanunudyong tingin si Neon. Ibinuka niya ang kanyang palad, isang senyas sa tauhan niya. Sinenyasan niya ang tauhan na abutan siya ng baril. Pagkatapos, itinutok niya ang baril sa sentido ng anak niya. Si Maia naman ay wala pa ring ulirat.

Umamba na sa Neon na susugurin si Louis . . . nang biglang makarinig sila ng palakpak. Agad na pumuwesto ang mga tauhan ni Gideon. Nang lumingon sila ay pumasok ang isang matanda.

Nakilala agad iyon ni Agasé. Iyon ay si Mr. Yatco, ang ama ni Helena. May mga tauhan ito, at ito ang pumalakpak. Nakasakay kasi ito sa isang wheelchair. Sumenyas ito sa isaniyang tauhan, iniabot naman ng tauhan nito ang baston nito. Unti-unti ay tumayo ang lalaki.

Doon ay napagtanto ni Agasé na hindi nagsisinungalingang uncle niya. Naalala niya rin ang mga sinabi ni Mr. Sy sa kanya. Mukhang na-set up lang talaga ang lalaki, dahil ito talaga ang unang maiisip sa insidente. Kakompetensya kasi ito ng mga magulang niya.

Pero pinagkatiwalaan niya pala ng lubos ay siya pang nagtraydor sa kanya. Mapait na napangiti si Agasé. Dahil sa nangyari ay nahinuha ni Agasé na iba talaga ang nagagawa ng pera.

"Ikaw? Kasabwat ka pala nitong si Louis!" ani Neon.

"Yes kid. You're the son of Senator Leviste. Anong ginagawa mo rito? Hindi ka kasali rito," kunot-noong sabi ng lalaki.

"Hindi naman talaga ako kasali rito. Kung hindi lang tanga ang ama ng asawa ko. Kung hindi sana kami dinamay niyan!" Itinuro ni Neon si Louis na nakahawak kay Maia. "Pagkano ba ang utang ng lalaking 'yan sa 'yo? Kasi sa amin milyones. Ang hilig mangutang, wala namang pambayad!" gigil na wika ni Neon.

"Milyones din ang utang ni Louis sa akin. Pero hindi lang iyon ang kailangan ko . . ."

"Ano pa, ha? Pera ng pamilya ko?" galit na bulalas ni Agasé.

"Exactly!" Ngumisi si Mr. Yatco.

"Bakit ba pinagdidiskitahan niyo ang pera ng pamilya ko, ha! Ikaw!" Dinuro ni Agasé si Mr. Yatco. Nagdilim ang ekspresyon ng mukha ni Agasé. Nagdilim ang kanyang paningin. "Tinuring ka na kaibigan ng magulang ko, pero daig mo pala ang magnanakaw. Nagawa mk pa silang ipapatay. Napakahayop mo! You'll gonna pay!" galit na sigaw ni Agasé.

"Napakainutil kasi niyang si Gregory!" sabi ni Mr. Yatco.

"Take it back! Hindi inutil ang papa ko."

Ngisi lang ang sagot ni Mr. Yatco. Sumenyas muli ito sa tauhan at ang tauhan nito ay may inabot na malaking papel. Napakunot ang noo ni Agasé. Nang nasa kamay na ni Mr. Yatco ang papel ay doon niya napagtanto na blueprint iyon.

"Ito ang blueprint ng mansyon ninyo na naipuslit ko. Nakita ko ang isang secret passage underground at doon ay may secret room. Pero may isang susi lang na makakapagbukas dito. Kaya kailangan ko iyang si Louis para ipasira ang mansyon ng mga Favilion. Kailangan ko makuha ang nasa loob ng secret room doon. Dahil nandoon ang mga ginto ng magulang mo!" mahabang litanya ni Mr. Yatco.

Hindi nabanggit ng ama ni Agasé ang oatungkol sa hidden treasure nila. Naisip ni Agasé na siguro ay hinihintay ng ama niya ang pagsapit ng ika-labingwalong kaarawan niya. Ang nakakalungkot lang ay hindi nito iyon naabutan. Kaya, hindi nagkaroon ang ama.niya na sabihin ang lihim na passage at kuwarto. Maging ang patungkol sa tinatago nilang yaman.

Doon naalala ni Agasé ang key pendant na nakuha niya sa mini vault ng papa niya. Ang bagay na iyon ay ang posibleng susi sa hidden treasure nila. Pero sa totoo lamg ay hindi naman mahalaga kay Agasé ang kayamanan nia iyon, dahil doon pa lang sa iniwan ng mga magulang niya sa kanya. Ang negosyo, pera, lupa, at iba pang properties ay sobra-sobra na para mabuhay siya.

"So, patungkol nga ito sa pera." Pinagkrus ni Agasé ang braso niya.

"Mga putanginang ito! Mukhang mga pera!" singit ni Ulysses.

"Alam mo ba kung magkano ang pera na iyon? Bilyon iyon!" Maging si Agasé ay nagulat sa narinig niya mula kay Mr. Yatco. Hindi niya akalain na may natatagong gano'ng halaga ang pamilya niya."Kung tinanggap na lang ng mga magulang mo ang alok ko na kasal, e 'di sana walang problema!" giit ni Mr. Yatco.

"It doesn't make you less wrong! Kasalanan ang pumatay. Pero kung paano pinatay ng mga tauhan mo ang mga magulang ko ay mas masahol pa sa hayop! Mga wala kayong kaluluwa!" sigaw ni Agasé at sinugod si Mr. Yatco. Kinuwelyuhan niya ang matanda at muntikan na itong malumpasay sa sahig. Dahil doon ay nabaril siya sa balikat ng isa sa mga tauhan ng lalaki.

Napaigik si Agasé pero hindi niya pa rin binitawan ang pagkakakuwelyo sa matandang lalaki.

"Agasé!" sigaw ni Ulysses sa pangalan ng kaibigan. Namilog ang kanyang mga mata.

Papaputukan pa sana ulit si Agasé ng isang tauhan ni Mr. Yatco nang magpaputok si Chief Gideon at tamaang ang tauhan ni Mr. Yatco na babaril sana ulit kay Agasé. Agad na nag-cover si Ulysses kay Agasé para hindi na ito matamaan pa ng bala.

Sa kabilang banda, si Louis ay hila-hila pa rin si Maia habang may nakatutok na baril sa ulo ng sariling anak. Agad hinabol ni Neon ang lalaki at pinuntahan. Kinaladkad ni Louis ang anak niya na para bang hindi iyon tao. Kaya, lalong nag-apoy sa galit si Neon.

Si Benilde naman ay bahagyang nagkamalay na. May mga nakapaligid sa kanya na mga tao. Sa tingin ni Benilde ay pinabantayan siya ni Agasé sa mga lalaki.  Agad hinanap ng tingin niya si Agasé. Nanlalabo man ang paningin ni Benilde, nakita niya na akay-akay ni Ulysses ang nobyo. Tuluyan siyang bumalik sa huwisyo nang makitang natulo ang dugo ni Agasé.

"A-Agasé . . ."

Nakarinig si Benilde ng palitan ng putukan ng baril. Tumayo siya at bahagya pang natumba. Bagaman gano'n ay pinilit niya pa ring tuwid na makatayo at puntahan ang kasintahan niya na ngayon ay tumutulo ang dugo.

"U-Uly! A-Anong nangyayari? A-Ang daming . . . dugo!" Napatakip si Benilde sa kanyang bibig gamit ang kanyang mga palad.

"Mahabang kuwento! Basta bibigyan ko muna ng first aid si Agasé."

Pinaupo ni Ulysses si Agasé sa isang sahig kung saan malapit sa pader at malayo sa mga tauhan ng uncle ni Agasé at tauhan ni chief na nagpapalitan ng putuakan.

Agad na dinaluhan ni Benilde ang kanyang nobyo. Puno ang kamay nito ng dugo dahil ginawa nitong pantakip ang isang kamay. Napaluha si Benilde sa nakita niyang kalagayan ng nobyo.

"Shh . . . don't cry. T-This is nothing," sambot ni Agasé kay Benilde at hinawakan ang pisngi ng dalaga gamit ang kamay na walang dugo.

"Anong 'nothing' ka d'yan! Nahihirapan ka na nga e! I'm sorry, Aga! This is all my fault," tumatangis na wika ni Benilde.

"H-Hey that's not true baby . . . this is my fault. Hindi ko agad napansin. Naging manhid at bulag ako sa ibang nangyari. I am very sorry. I trusted the wrong one."

"Please, Aga. Huwag ka munang bibitaw. Tatawag ako ng rescue."

"Tama 'yan, Benilde. Pero may cellphone ka ba?" singit ni Ulysses. Umangat ang kilay ni Ulysses.

Napatapik sa noo si Benilde. "Oo nga . . . wala ang cellphone ko. Hahanap ako ng paraan."

Agad na umikot ang paningin ni Benilde sa paligid. Hanggang sa napansin niya ang isang gilid sa ikalawang palapag kung nasaan ang landline ng mansion. May telepono doon. Inilipat kasi ang ibang gamit doon sa sala.

"Babalik ako . . . wait lang." Nanakbo na agad si Benilde at hindi na nagpapigil.

"W-Wait!"

Nang tumakbo si Benilde paakyat ay agad na may humarang na lalaki sa dalaga. Walang nagawa si Agasé kundi ang tumayo at harapin ang lalaki, silang dalawa ni Ulysses.

"Aga, may sugat ka pa," suway ni Uly sa kaibigan.

"Shut up, Uly! K-Kaya ko ito—shit!" Napamura si Agasé nang biglang may sumugod sa kanya.

Wala siyang nagawa kundi ang patulan. Maging kay Ulysses din ay may sumugod na at may baril pa. Pero may hawak ang kaibigan ni Agasé na baril, mula kay Gideon. Naunahan ni Ulysses sa pagbaril ang lalaki kaya natamaan ito sa dibdib at natumba.

Kinuha ni Ulysses ang baril ng napatay niya na kalaban. Inabot niya iyon kay Agasé. Bahagya pang nanginig ang kamay ng kaibigan niya.

"You need it, Aga."

"U-Unang beses kong gagamit nito, Uly."

"I know! Nakakakaba naman talaga, pero no choice na. Palagan na ito!"

May sumugod muli sa kanila ang grupo ng mga tauhan ni Mr. Yatco. Nataranta si Agasé at nanginig ang mga kamay niya. Naiputok niya ang baril sa dibdib ng unang kalaban na susugod sa kanya.

Nagoatuloy ang dalawa sa pakikipaglaban sa mga sumusugod sa kanila. Habang si Benilde naman ay nakarating na kung nasaan ang telepono.


MAGKAHARAP naman si Mr. Yatco at si Chief Gideon. Maraming nakaharang kay Mr. Yatco at nakatutok ang baril kay Gideon. Ang nangyari ay eight versus one.

Si Mr. Yatco ay may hawak ding baril. Walang nagawa si Gideon kundi ang mag-surrender. Ibinaba niya ang baril niya.

Hanggang sa dumating na ang mga back-up ni Gideon. Doon ay muli niyang dinampot ang baril at nagkaroon nanaman ng palitan ng putukan ng baril. Si Ulysses at Agasé ay lumapit sa direksyon nila.

"Chief!" sigaw ni Ulysses.

Nag-cover agad si Ulysses nang makitang may babaril kay Gideon. Mabilis niyang pinaputukan iyon para hindi mabaril ang chief, at nagtagumpay naman siya.

"Mga pakialamero!" gigil na sigaw ni Mr. Yatco.

"Gigil na gigil ah!" pang-aasar ni Ulysses.

Kahit hirap ay tumayo si Mr. Yatco. Doon ay tinutukan nito ng baril si Agasé. Namilog ang mga mata ni Agasé at hinanda ang sarili. Itinaas niya ang baril din niya.

"Tapos ka na, Favilion!:" sigaw ni Mr. Yatco.

Humarang si Chief Delfranco. Inigarang niya ang katawan para hindi matamaan si Agasé. Nagpaputok ng baril si Gideon at Mr. Yatco nang sabay. Naka-apat na putok pa si Mr. Yatco bago ito tumuba rin.

Napaawang ang labi ni Agasé sa bilis ng pangyayari. Natamaan ang chief sa dibdib ng apat na beses.

"Chief!" malakas na sigaw ni Agasé.

Napalumpasay si Chief Delfranco sa sahig. Nang makita ni Agasé ang dugo mula sa labi ng pulis ay pawa bang nanumbalik ang alaala no'ng nabaril ang mga magulang niya. Pawang isang bangungot sa kanila.

"C-Chief! Shit! Huwag kang bibitaw chief," sabi ni Agasé sa chief. Namuo ang luha sa mga mata ni Agasé. Niyakap niya ang katawan ni chief.

"S-Shh . . . I-It's okay—" Hindi natapos ng pulis ang sinasabi dahil napaubo ito ng dugo.

"Chief, no!"

Hindi alam ni Agasé ang gagawin kapag nawala si Gideon. Ito na rin kasi ang tumayo na magulang niya. Ito ang nagpapaalala sa kanya, tumutulong, at sumusuporta sa kanya.

Tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata ni Agasé. Tumulo ito sa mukha ng chief na hirao ng imulat ang mga mata.

"A-Always remember that . . . I-I'm proud of you," hirap na sambit ni Chief Delfranco.

"Chief, huwag muna! I-I can't! Huwag mo naman ako iwan katulad nila mama," sabi ni Agasé. Napatulo ang luha ni Gideon.

Kahit hirap na ay pilit ni Gideon na abutin ang pisngi ni Agasé. Mahina niya iyong tinapik at nginitian ang binata.

"M-Make me more proud, kid."

Parang gripo na umagos ang luha ni Agasé. Matapos ang ilang segundo ay naramdaman ni Agasé ang pagtigil ng hininga ni Gideon. Napailing-iling siya habang natulo ang mga luha.

"Hindi! Huwag muna, chief!"

Patuloy ang pag-iyak ni Agasé. Tinapik siya sa balikat ng kanyang kaibigan. Nakaalalay lang si Ulysses sa kaibigan niya. Ilang minuto nitong yakap ang malamig na bangkay ni Gideon habang umiiyak. Nakuha lang ang atensyon nila ng malakas na boses ni Neon.

"Ano duwag ka? Harapin mo akong gago ka!" galit na sigaw ni Gideon.

Sa kabilang banda ay nagharap na si Neon at Louis. Ang baril ni Louis ay kay Neon nakatutok. Si Maia ay bahagyang may malay na.

"P-Papa . . . parang awa mo na. T-Tumohil ka na," mahinang pakiusap ni Maia sa ama.

"Tumigil ka!" sigaw ni Louis.

"Wala ka ba talagang amor sa anak mo? Hindi mo ba nakikita na buntis si Maia!" giit ni Neon.

"Wala kayong alam!"

"Kahit si Maia na lang sana ang isipin mk, pero wala pa rin! Tangina! Bitawan mo na siya . . ."

"Matagal na akong nagtitimpi sa 'yo!"

Inilabas ni Neon ang kanyang baril. Walang pasabi na binaril niya ang binti ni Louis na may tama pa ng baril. Napasigaw ito sa sakit at nabitawan si Maia.

Sandali munang iniwan ni Ulysses si Agasé at dinaluhan din si Maia. Nang makita ni Neon na dinaluhan ni Ulysses si Maia ay si Louis na ang inasikaso niya. Si Neon naman ay hinarap si Louis. Kinuwelyuhan niya ang lalaki. Umamba siya na susuntukin ito.

"This is now over, motherfucker!"

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Neon. Sapul ang mata at ilong nito. Nawalan ng malay si Louis.

Kasabay ng pagkawala ng malay ni Louis at ang pagkarinig nila ng sirena ng pulisya. Mariing napapikit si Agasé. Alam niya na posibleng iyon ang tinawagan ni Benilde. Iyon na ang back-up na mga pulis, bukod pa sa mga pulis na kasama ni Gideon kanina. Tumayo siya kahit nahihirapan.

Neon is right, this is now over.

VimLights

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro