Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 21

Chapter 21: Sign

HINDI alam ni Agasé kung anong gagawin niya. Kinuha niya ang telepono niya at tinawagan si Ulysses. Pero ibinaba niya rin agad nang maalala niya na siya lang pala ang dapat pumunta.

Ayaw niya ng idamay pa ang kaibigan niya, ngayon ngang nadamay ang girlfriend niya ay halos mabaliw na siya. Alam ni Agasé na hindi dapat siya magpadalos-dalos. Hindi niya alam ang gagawin na susunod na hakbang.

To: Ulysses
Kapag wala kang na-receive na message sa akin pagkatapos ng isang oras. Pumunta ka sa mansion ni uncle . . . ibig sabihin ay kailangan ko ng tulong.

Ini-send na ni Agasé ang message kay Ulysses. Napabuga siya nang malalim na hininga.

Pumara siya ng taxi at sinabi sa driver kung saan siya patungo na address. Mariing napapikit si Agasé. Alam niya sa sarili na kinakabahan siya. Napakabilis ng kalabog ng puso niya. Mabigat ang nararamdaman niya at kinakabahan siya sa possibleng manyari sa kasintahan niya. Hindi niya kakayanin kung mawawala si Benilde.

Iniisip pa lang ni Agasé ay kumikirot na ang dibdib niya. Para rin siyang malakas na sinikmurahan sa tiyan.

"Nandito na po kayo sir," sabi ng driver. Marahang tumango si Agasé. Inabot niya ang bayad niya at pagkatapos ay lumabas na siya.

Napatigil si Agasé sa labas ng gate ng mansyon ng uncle. Pumikit siya at bumuga nang malalim na hininga. Iminulat niya ang mga mata niya at nagsimulang hunakbang papasok. Doon ay napansin niya na wala ang mga guards ng mansyon.

Tahimik ang paligid at nakakabingi. Ang ihip lang nga hangin at pagsayaw ng mga puno ang naririnig ni Agasé. Mabilis na kumalabog ang puso niya nang kaharap niya na ang sarandong main door ng mansyon.

Unti-unting tinulak ni Agasé ang pinto upang magbukas iyon. Pagkabukas niya ay bumungad kaagad ang uncle niya na nakaupo sa isang solo chair na magandang ang desinyo. Sa unang tingin ay iisipin mong isang trono iyon ng hari.

Lumibot ang tingin ni Agasé. Doon niya napansin na wala ang mga gamit sa salas. Tanging ang uncle niya lang at ang upuan nito.

"Well, well, well . . . how are you my nephew?" nakangising tanong ni Louis sa pamangkin. Naka-de-kuwatro ang hita nito at naka-suot ng mamahaling suit. Katulad ng suot ng mga businessman.

Parang hari si Louis na nakaupo sa trono. Iyong tipong niluluhuran ng mga alipin. At damang-dama naman iyon ni Louis. Iyon ang gusto ng lalaki.

"Nasaan si Benilde?" matigas na tanong ni Agasé. Walang ngiti sa labi niya at salubong ang dalawang kilay. Nag-aalab ang mga mata niya sa galit.

"Why so hot-headed, my nephew?" Lalong lumapad ang ngisi sa labi ni Louis. Inaasar nito ang pamangkin.

Bagaman nakakaramdam si Agasé ng kaba ay hindi niya iyon pinahalata. Hindi rin siya naaapektuhan sa pang-aasar na ginagawa ng uncle niya. Ang tanging gusto niya lang nang mga oras na iyon ay mailigtas si Benilde.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo, uncle. Ilabas mo ang girlfriend ko!" Mariin ang pagbigkas ni Agasé sa mga salitang iyon. Umangat ang sulok ng labi ni Agasé. "Tell me, bakit mo ba ginagawa ito, uncle?"

"Hmm . . . you really wanna know?" sambit ni Louis, bahagyang nanunudyo ang tinig nito.

"For money? You stoop this low for a money? A real Favilion will never do that." Ngumisi si Agasé at dahil sa sinabi niya ay nawala ang ngisi sa mukha ni Louis. Napalitan iyon ng galit at inis.

Tumayo si Louis at mapaklang tumawa. Inayos niya ay ilang bahagi ng damit na nagusot. Pagkatapos ay nakipagtagisan ito ng titig kay Agasé. Para silang leon at tigre na kahit anong oras ay sasakmalin ang isa't-isa.

"Kaya ka nagkainteres sa mansyon dahil sa pera? Gusto mo ibenta ang mansyon ng mga magulang ko para mabayaran ang utang mo? You're really low—"

"Shut up!" galit sigaw ni Louis. Pinutol nito ang mapang-insulto na mga salita ng pamangkin. Naiinsulto si Louis dahil totoo at may punto ang sinasabi ng pamangkin niya.

"You want money. You only care for money. Ni hindi ka nga naging mabuti sa anak mo. Nagawa mo siya ibenta para sa kakarampot na halaga. Are you even real, uncle?" bulyaw ni Agasé sa kanyang uncle. Hindi siya makapaniwala at umiling-iling.

Umangat ang sulok ng labi ni Louis. "Kung makapagsalita ka ay parang alam mo ang lahat ah. E isa lang namang bata."

"Ikaw naman ay marami ngang alam pero kung umakto ka ay parang bata. No! Para kang isang pulubi! Nanghihingi ng limos—"

Naputol ang pagsasalita ni Agasé nang umigkas ang kamao ni Louis sa pisngi niya. Napaupo ang binata sa sahig. Pero wala siyang pakialam. Pinunasan niya lang ang dugo sa labi niya at tumayo muli.

"Oh bakit ka nagagalit, uncle? Masakit ba ang katotohanan?" ngisi ni Agasé.

"Malakas talaga ang loob mo ano, Agasé?" Umiling si Louis at kumuyom ang kamao. Tinalikuran nito si Agasé at bumalik sa kinauupuan nito kanina. Parang hari nanaman ito na umupo sa trono.

Nakasunod lang ng tingin si Agasé sa tiyuhin niya. Hanggang sa marinig niya itong tatlong beses na mabagal na pumalakpak. Kasunod no'n ay ang mala-demonyong tawa nito.

"Agasé, Agasé, Agasé . . . the heir of Favilion's legacy. Ang sarap pakinggan ano?" Una ay nakangiti ang lalaki hanggang sa tumalim ang tingin nito kay Agasé. "Mabuti ka pa at nakuha mo ang titulong 'yan. Habang ako ay hanggang ngayon ay pinagkakaitan niyan!" asik ni Louis.

"Tama lang na hindi napunta sa 'yo ang titulong 'yan. 'Cause you don't deserve it!"

"What did you say?" Mabilis na tumayo si Louis mula sa pagkakaupo at kinuwelyuhan si Agasé.

"Habang buhay ka na maglalaway sa titulo na 'yan. Dahil hangga't nabubuhay ako. Ako lang! Oo, uncle . . . ako lang! Ang nag-iisang tagapagmana ng Favilion," malakas na sabi ni Agasé sa mismong mukha ng uncle niya. Lalong humigpit ang pagkuwelyo ni Louis sa pamangkin. Nagbabaga ang mata nito sa galit at gusot ang mukha.

Napaangat ang kilay ni Agasé nang matapos ang ilang segundo at pawang baliw na tumawa ito. Tumatawa kahit wala namang nakakatawa. "Ako? Habang buhay na maglalaway? 'Di ka sure, Agasé . . ." Mala-demonyong ngumisi si Louis.

Binitawan ni Louis si Agasé. Naglakad ito ng tatlong hakbang paurong. Inilagay nito ang isang kamay sa likod. Ang isang kamay nito ay itinaas at ipinitik ang mga daliri.

Kasunod no'n ay ang pagpasok ng dalawang guard na naka-uniporme. Ang isa ay may hawak na brown folder at isa ay maliit na kayumangging mesa. Inilapag ng isang guwardiya ang lamesa at inabot naman ng isa ang folder kay uncle. Naningkit ang mata ni Agasé nang makita na ngumisi ang uncle niya at inilapag sa taas ng maliit na mesa ang folder.

May kinuha itong ballpen mula sa bulsa. Inilapag nito ang ballpen sa tabi ng folder. Binuklat ni Louis ang folder.

"Siguro ay nagtataka ka, my dear nephew. Itong papeles na ito ay nagsasabi na ibinibigay mo lahat ng mana mo . . . sa akin. Isang pirma mo lang ang kailangan ko," sabi ni Louis. May ngiting demonyo sa labi niyo.

"Bakit ko naman pipirmahan iyan?"

"Of course pipirmahan mo iyan. Iyan ay kung gusto mo na mabuhay pa ang low-profile mong girlfriend na si Benilde Scire Gracia."

Napakunot ang noo ni Agasé at nagsimula nanaman ang malakas na pagpintig ng puso niya. Kinakabahan siya dahil baka may ginawang masama ang uncle niya kay Benilde.

Ipinitik ni Louis ang mga daliri niya at bumukas ang ilaw sa ikalawang palapag. Namilog ang mata ni Agasé nang makita ang isang cylindrical container na gawa sa salamin. Malaki iyon, sa tantya ni Agasé ay nasa one meter ang diameter no'n. Ang height ng container ay seven to ten feet. Sa itaas, may harang sa taas ng cylindrical container.

Umigting ang panga niya nang makita na nasa loob no'n si Benilde. May tubig na nasa tuhod na nito. May kung ano bagay na itim sa ilalim ng container na nakakapagpataas at nagdadagdag ng tubig.

Nakita ni Benilde ang binata. Hinampas ng dalaga ang salamin ng container pero matibay iyon. Sinubukan ni Benilde na sumigaw at magbakasakali na marinig siya ng binata.

"Agasé! Huwag mo na akong alalahanin! Aga!" sigaw ni Benilde.

Nagsalubong ang tingin ni Agasé at Benilde. Nakita ni Agasé ang malamlam na kulay ng mata ni Benilde. Ibinuka ng dalaga ang mga labi pero hindi marinig ni Agasé ang sinasabi nito.

Dumako ang tingin niya sa nakangisi niyang uncle. Malapad ang ngisi sa labi nito na ikinairita ni Agasé. Parang hindi na ang uncle Louis niya ang kaharap niya. Sa paningin niya ay pawang ibang tao na iyon.

"So this is your plan, huh?" Umangat ang sulok ng labi ni Agasé. Binigyan niya ang kanyang tiyuhin ng mapang-uyam na tingin.

"Yes, my dear nephew."

Bahaw na tumawa si Agasé. "Weak."

Nainsulto si Louis sa sinabi ni Agasé kaya sumama nanaman ang ekspresyon ng mukha nito. Namuo ang mga linya sa noo nito.

"Lalo mo lang pinatunayan na hindi ka nga nararapat na tawaging tagapagmana ng pamilya Favilion. Wanna know why?" Mapang-asar na ngumisi si Agasé. "Because a real Favilion will never stoop this low."

"Shut up, boy!" mariing sigaw nito.

Naglabas ito ng baril at ikinasa. Itinutok nito iyon kay Agasé. Idinipa lang ni Agasé ang kanyang mga braso.

"C'mon uncle, shoot me!" hamon ni Agasé.

"You!" sigaw ni Louis.

"Barilin mo ako nang wala ng makinabang sa lahat ng mana ko. Mapupuna iyan sa gobyerno at sa kabang ng bayan. Kung hindi sila mga sakim na katulad mo," sabi ni Agasé. Hindi nagsalita si Agasé at ilang minuto na nakatutok ang baril ng uncle niya sa kanya. "Ano na uncle? Shoot me!" sigaw ni Agasé habang may ngisi sa labi.

Sa totoo ay ayaw naman talaga ni Agasé na barilin siya ng uncle niya. Hindi siya takot mamamatay. Pero kung mamamatay man siya ay sisiguraduhin niya munang ligtas si Benilde. Hindi niya hahayaan na masaktan ito, mauuna muna siyang masaktan bago ito.

Hindi nagpatinag kay Agasé ang kanyang uncle. Malakas lang itong tumawa. Humalakhak na pawang isang mabagsik na hayop.

"Hindi ikaw ang magdedesiyon dito, Agasé . . ." Ngumisi itong muli at itinuto ang sarili. "Ako, Agasé! Ako ang desisyon dito."

Muli nitong ipinitik ang mga daliri. Nakasunod lang ng tingin si Agasé rito.

"Level three!" sigaw nito.

Hindi maintindihan ni Agasé kung ano ang sinasabi ng uncle niya. Nakuha niya lang kung para saan ang sinabi ng uncle niya, nang tumingin ito sa direksyon ni Benilde.

Nakita ni Agasé ang namumuong luha sa mga mata ni Benilde. Kasabay no'n ay nakita niya na bumibilis ang pagtaas ng tubig. Nasa bewang na ni Benilde ang tubig. Patuloy ang paghampas ni Benilde sa salamin pero wala itong epekto.

"Fuck!"

"Ano na pamangkin? Payag ka na mamatay na lang ang girlfriend mo diyan sa loob ng cylinder na iyan?" Mapanudyo si Louis na tumingin at ngumiti.

Napadako ang tingin ni Agasé sa nakatutok na baril ni Louis sa kanya, pababa sa papeles na nasa lamesa. Sa mga oras na iyon ay gulong-gulo si Agasé. Hindi lang ang sarili niya ang iniintindi niya, kundi pati si Benilde.

Ayos lang kay Agasé kung siya ang pahirapan at sa kanya magalit ang Uncle niya. Pero ang idamay nito ang ibang tao, lalo na si Benilde ay pinakaikinakukulo ng dugo niya.

"Sign it, Agasé."


ABALA si Maia sa pag-aayos niya ng kanyang buhok. Maaga silang aalis ni Neon. Marami kasi silang pupuntahan na lugar. Ang nasa isip nga ni Maia ay parang fieldtrip ang magaganap.

Inayos niya ang pink niyang hair clip. Simple lang ang suot niya. Isa iyong puff-sleeved white dress. Sa paa niya ay isang pares ng white sandals. Maganda at maayos na ang hitsura ni Maia kaya napagdesisyunan niya na bumaba na.

Hinihintay na kasi siya ni Neon sa baba. Lumabas si Maia at nakita na nakasandal si Neon sa itim nitong Lamborghini. Nakasuot ito ng simple itim na v-neck shirt at itim na jeans. May suot itong silver na kuwintas at ang desenyo ay cross.

"Hi babe! Ang ganda ganda mo!" pagpuri ni Neon kay Maia. Namula naman si Maia nang marinig iyon kay Neon.

Lumapit si Neon kay Maia at pinuno ng halik ang mukha ng dalaga. Para bang gigil na gigil ito sa dalaga. Yumakap ang binata sa bewang ng dalaga.

"Salamat, ikaw rin. Ang guwapo mo at mukha kang fresh na fresh," sabi ni Maia.

Tumawa si Neon sa sinabi ng asawa niya. Hinalikan niya ang tungki ng ilong ni Maia at marahang pinisil ang ilong nito.

"Sus! Maliit na bagay!" natatawang ani Neon.

"Yabang mo ah!" Mahinang sinuntok ni Maia sa tiyan si Neon. Pero parang siya pa ang nasaktan dahil matigas ang tiyan nito dahil sa abs.

"Ouch!" pag-iinarte ni Neon. Alam naman ni Maia na hindi tunay na nasaktan ang lalaki dahil sobrang hina lang naman iyon. "Babe, ang sakit ah!" reklamo nito.

"Saan?" Masungit na tinaasan ni Maia mg kilay si Neon.

"Dito." Ngumuso si Neon, "kaya kiss mo dapat ako."

Natawa naman si Maia sa pag-iinarte ng binata. Mabilis niyang hinalikan ang binata sa labi kaya lumapad ang ngiti nito.

"Ayan, na-kiss na kita!"

Ngumisi si Neon at inakbayan ang kanyang asawa. Inalalayan niya ito na makapasok sa backseat at tumabi siya sa tabi nito.

Doon ay napansin ni Maia na may driver sa harapan. Ibig sabihin ay hindi si Neon ang magda-drive. Nakaakbay lang si Neon sa dalaga at pasimpleng hinihimas ang braso ng dalaga.

Sa oras na iyon ay kuntento na si Maia. Hindi man naging maganda ang umpisa nila ni Neon, nakita niya naman ang pagbabago sa ugali nito. Ma-effort din sa kanya ang lalaki. At the same time ay nakikita niya rin ang pagiging trying hard nito. Katulad na lang sa paglilinis ng mga gamit-gamit at sulok-sulok sa kuwarto nila.

Ayaw kasi ni Maia na ipagawa pa iyon sa mga katulong. Si Neon naman ay ayaw pakilusin si Maia kaya ang resulta ay ang lalaki ang gumagawa. Sa mga mata ni Maia ay cute tignan si Neon. Trying hard ito, dahil halata naman na hindi sanay ang binata. Halatang laking sa yaman.

Hindi napansin ni Maia na halos kalahating-oras na pala sila na nasa loob ng sasakyan. Napatigil sa pag-iisip at pag-alala si Maia at sumilip sa bintana. Nakita niya roon ang makulay na cotton candy.

Napanguso siya dahil natakam siya sa cotton candy. Tumigil ang sasakyan nila dahil sa traffic, pero umandar din agad. Wala sa sarili na kinakabit ni Maia si Neon.

"What is it, babe?" tanong ni Neon.

Pinaglaruan ni Maia ang mga daliri. "Gusto ko ng cotton candy at ice cream. Please?" Nagpa-cute pa si Maia sa binata.

Ngumiti naman si Neon. "Kuya, stop the car. May bibilhin lang ako para sa asawa ko."

"Ibibili mo ako?" Nagningning ang mga mata ni Maia.

"Yes, babe. Part ng pagbubuntis mo ang pagki-crave. Pero kaunti lang bibilhin ko na ice cream. Hindi maganda ang masyadong malamig," malambing na wika ni Neon.

Mahigpit naman na niyakap ni Maia ang binata. "Thank you . . ."

Hinalikan sa noo ni Neon sa noo ang dalaga bago siya lumabas sa kotse. Agad naman na nakita ni Neon ang mumurahing cotton ang candy. Sa palagay niya ay nakita iyon ni Maia kaya natakam ito.

Halos bilhin na ni Neon lahat ng cotton candy. Kaso hindi niya na kaya dalhin. Mabilis niyang tinungo ang convenience store na malapit. Doon siya bumili ng ice cream. Choco fudge ang pinili niya flavor dahil alam niya na mahilig sa tsokolate ang dalaga.

Nakangiti si Neon nang pabalik na siya sa kotse. Napansin ni Neon na bukas ang pinto ng backset ng Lamborghini niya. At ang sa front seat ay nakababa ang bintana.

Napakunot ang noo ni Neon sa kanyang nakita. Kaya mabilis siya na pumunta sa kotse. Namilog ang mga nata niya nang makita na walang malay ang driver niya at nababalot ng dugo. Nakita niya na may tama ito ng baril. Sa balikat at sa dibdib.

Nabitawan ni Neon ang kanyang pi amili at tiningnan ang backseat. Namutla siya nabg makita na wala roon ang dalaga. Ang tanging naiwan lang sa backseat ay ang pink hairclip nito.

"Maia!" sigaw ni Neon.

Paulit-ulit na sumigaw si Neon. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya. Hanggang sa tumunog ang cellphone niya na ikinamilog ng mata niya.

"The hell!"


NAKIPAGTAGISAN ng titig si Agasé sa.uncle niya. Naikuyom niya ang kanyang kamao. Gustong manakit ni Agasé. Alam niya na wala na siyang pagpipilian pa.

"Sign it, Agasé!"

Napadako ang tingin ni Agasé kay Benilde na nasa loob ng cylinder. Nahihirapan na ang dalaga na huminga. Napamura si Agasé sa isip niya.

"Bakit mo ba ito ginagawa, ha uncle?"

"Wala lang alam kung paano nila ako itrato."

"Maayos ang trato nila sa 'yo, Uncle. Ikaw itong nagrebelde kila granpa at maging kay papa. Tapos ngayon ay maninisi ka. Aba magaling!" sarkastikong sambit ni Agasé.

"Talaga ba? Bakit, Agasé? Alam mo ba ang pakiramdam ng pagiging bastardo? Ang pagiging anak sa labas at lagiging sampid? Hindi mo alam kaya huwag kang magsalita na parang ang dami mong alam!" Dinuro ni Louis ang kanyang pamangkin. Nagtaas-baba ang dibdib ni Louis sa hingal at galit.

Matagal ng alam ni Agasé na bastardo lang ang kanyang uncle Louis. Ito ang pagkakamali ni Don Gregorio Favilion. Pero kahit bastardo ito ay hindi iba ang tingin ng papa ni Agasé sa lalaki. Mahal ni Gregory ang kapatid. Kahit gano'n ay naging suwail pa rin ang lalaki.

May narinig pa na kuwento si Agasé na ang uncle niya ay nalulong sa droga. Mariing siyang napapikit at inalala ang mga salita ng kanyang ama.

"Kahit ano pang marinig mo na kuwento sa Uncle Louis mo, huwag mo siya agad husgahan. Kapamilya natin siya, Agasé."

Iminulat ni Agasé ang kanyang mga mata at nakatingin sa  uncle niya. Nakatutok pa rin ang baril ng uncle niya sa kanya.

"Nalulong ka sa droga at naibenta mo si Maia dahil sa pagkalulong mo sa sugal," mahinahong sambit ni Agasé. Napabuga siya nang malalim na hininga. "Naalala ko ang sabi noon ni papa, na huwa ka agad husgahan dahil pamilya ka. May naririnig din ako na kuwento ng mga kasambahay na masama ang ugali mo, hindi ka marunong makisama, na sakim ka, at iba pa. Pero kahit minsan . . . hindi kita hinusgahan."

Napatitig si Louis sa kanyang pamangkin. Nakakunot ang noo niya at nakatutok pa rin ang baril niya sa pamangkin.

"Kasi sabi ni Papa ay pamilya ka . . . pero hindi ko akalain na totoo pala ang mga kuwento. Sakim ka! Sarili mo lang ang mahal mo!"

"Tumigil ka!"

"Putangina mo! Ikaw ang tumigil!"

Gulat na napalingong si Agasé sa boses. Nakita niya na si Neon Leviste iyon at may hawak na baril. Pinutok ni Neon ang baril at natamaan ang uncle niya.

Sa likod ni Neon ay nandoon si Ulysses. May mga kasamang iba pa si Ulysses. Nakita rin ni Agasé na nandoon si Chief Gideon Delfranco.

Nang mapabagsak sa sahig si Louis ay agad na umakyat si Agasé sa ikalawang palapag at pinuntahan si Benilde. Nasakop na ang cylinder ng tubig. Nataranta naman si Agasé.

Si Ulysses naman ay kinuha ang baril ng uncle ni Agasé at inakyat ang kaibigan sa ikalawang palapag.

Lumapit si Ulysses sa kaibigan at inabot na palakol. Napatingin si Agasé sa kaibigan, nagtatanong ang tingin nito.Nagkibit-balikat naman si Ulysses. "Galing iyan sa labas, ginamit yata sa pagpuputol ng puno. Kinuha ko . . . baka magamit e." Tumawa ito na ikinailing ni Agasé

Mabilis na ginamit ni Agasé ang palakol upang mabasag ang salamin. Naka-limang palakol siya bago mabasag iyon ay lumabas ang tubig. Hinampas niya ulit iyon para mabasag at makalaba si Benilde.

Napaubo ang dalaga at walang malay. Agad na binuhat ito ni Agasé at inilayo sa mga bubog. Isang malakas na sigaw mula kay Neon ang kumuha ng atensyon nila.

"Nasaan si Maia?!" galit na sigaw ni Neon.

"Nawawala si Maia?" kunot-noong tanong ni Agasé.

"Nawala si Maia sa kotse namin kanina nang papunta kami sa lugar kung saan kami magdi-date. At ang gagong ito." Dinuro ni Neon si Louis. "Malakas pa ang loob na i-text ako at sabihin na nasa kanya si Maia."

"Pagkatapos ay nag-text ako kay Neon. Sinabi ko na kailangan ko ng tulong at nagkataon na kailangan namin ang tulong ng isa't-isa," serysong dugtong ni Ulysses sa kuwento ni Neon.

Bumaba sila sa unang palapag. Bumaba si Agasé habang buhat si Benilde.

"Putangina! Nasaan ang asawa ko!" sigaw ni Neon.

"H-Hindi ko sasabihin . . ." Tumawa si Louis kahit nahihirapan ito dahil sa tama niya sa binti.

"Sabi ko sa 'yo ay huwag mo na kaming pakikialaman. Matagal na akong nagtitimpi sa 'yo. Pinigilan ko lang dahil ama ka pa rin ni Maia!" galit na sigaw ni Neon.

"Haha! Impokrito ka rin ano! Magkapareho lang tayo, Neon. Rapist!"

"Puta ka!" Sinubukang tadyakan ni Neon si Louis pero gumulong ito at unti-unting tumayo.

"Huwag kang magsalita na parang hindi pumabor sa 'yo ang nangyari at ginawa ko," nakangising wika ni Louis.

Magsasalita na sana si Neon muli nang makarinig sila ng putukan sa labas. Nakita nj Agasè ang pagngisi ni Louis.

"Hayan na pala ang mga alaga ko!" Mala-demonyong tumawa si Louis.

Inabot ni Ulysses ang isang baril kay Agasé. Sinenyasan lang nito ang kaibigan. Nanginig pa anv mga kamay ni Agasé habang hawak ang baril.

"Kailngan mo 'yan. Si chief na bahala sa atin," ani Ulysses.

Tumango lang si Agasé at pumuwesto na. Hanggang sa napaatras na sila Gideon at ang mga tauhan nito. Marami kasi ang tauhan ni Louis.

Pumasok ang mga naka-itim na lalaki. Lumaki ang mga mata ni Agasé sa pamilyar na porma ng mga lalaki. Gano'n ang hitsura at porma ng mga lalaking nanaloob sa mansyon nila at pumatay sa mga magulang niya.

Namilog ang mga mata niya ng makita ang isang pamilyar na bagay. Ang tattoo!

Scorpion tattoo!

Doon ay nakumpirma niya na ito ang mga lalaking pumatay sa mga magulang niya. Nagtangis ang ngipin ni Agasé. Ipinukol niya ng masamang tingin ang uncle niya.

"Y-You killed my parents!"

VimLights

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro