CHAPTER 20
Chapter 20: Truth
NATULALA si Agasé matapos sabihin ni Maia ang bagay na iyon. Hindi niya alam kung ano at paanong nangyari na magpinsan sila ni Maia.
Mariing napapikit si Maia. "A-Agasé, m-magpinsan tayo . . ."
Si Ulysses naman ay hindi rin alam kung ano ang sasabihin niya sa dalaga. Nagpapalit-palit ang tingin niya kay Agasé at Maia. Hinihintay niya kung sino ang susunod na magsasalita sa dalawa. Lumipas ang ilang minuto at walang nagsalita sa dalawa kaya sumingit na si Ulysses.
"Uy Maia, baka naagpa-prank ka lang ha!" natatawang sabi ni Ulysses at alanganing ngumiti.
Mabilis at sunod-sunod na napailing si Maia. "Wala naman akong mapapala kung ipa-prank ko kayo. T'saka kung gusto niyo, puwede kaming magpa-DNA test ni Agasé o kaya ni . . . papa," sambit ni Maia. Nakatutok ang mga mata ng dalaga sa pinsan nito.
Naguguluhan si Agasé sa nangyayari. Alam ni Agasé na sadyang mapaglaro ang tadhana, at ngayon ay isa siya sa napaglaruan nito. Noon ay pawang palaisipan kay Agasé kung bakit nga ba sila pinagtatagpo ni Maia. Pero ngayon, sa tingin ni Agasé ay alam niya na ang sagot.
Iminulat ni Agasé ang kanyang mga mata at huminga nang malalim. "You mean, ang ama mo ay si . . ."
Tumango si Maia. "Si Louis Favilion ang papa ko."
"Oh hell! That can't be. E wala namang jowa iyong uncle ni Agasé. Mukha ngang hater ng mga babae iyong uncle ni Agasé. Imposibleng anak ka no'n. What do you thing, Aga?" Tinaasan ni Ulysses ng kilay si Agasé. Pinagkrus ni Agasé ang mga braso at inilagay niya ang kanang kamay sa baba niya.
"Wala akong rason para magsinungaling," giit ni Maia.
"Wala akong maalala na naging kasintahan ni uncle. Kaya ang pagkakaroon niya ng anak ay parang imposible. Imposibleng may anak siya, ang alam ko talaga ay wala siyang anak . . ."
"M-Meron . . . ako," halos pabulong na sambit ni Maia.
"P-Paano?"
Mariing napapikit si Maia at naikuyom niya ang kamao. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang kuwento niya kay Agasé. "A-Agasé, I-I'm a rape child."
Bumagsak ang balikat ni Agasé at Ulysses at sabay na umawang ang labi nila. Hindi alam ni Agasé kung ano ang mararamdaman niya. Kumirot ang puso niya nang marinig iyon kay Maia.
"I-I'm a rape child, Aga. Do you hear me?" Naghihisterya ang boses ni Maia at nagsimula na siya sa pag-iyak.
"You mean, ang uncle ko ay ginahasa si Sarah Natividad?" tanong ni Agasé. Malamlam ang mga mata niya habang nakatingin kay Maia.
Marahang tumango si Maia. "Mas matanda ako sa iyo ng ilang buwan. Matagal bago malaman ng mga magulang mo ang tungkol sa akin. Hindi ako sinusustentuhan ni papa, ang papa mo ang nagsusustento sa akin," panimulang kuwento ni Agasé.
"Hindi ba naikuwento sa 'yo ng papa mo ang tungkol kay Maia, Agasé?" tanong ni Ulysses kay Agasé. Nilingon niya ang kaibigan na seryosong-seryoso ang mukha.
Umiling si Agasé. "Kailanman ay hindi niya nabanggit sa akin."
Magsasalita na sana ulit si Maia nang may lumapit na waitress sa kanila at may mga inilapag na pagkain. Pero ang mata ni Maia ay nakatutok sa tubig. Natutuyo na kasi ang lalamunan niya.
Kinuha niya ang baso ng tubig at ininom. Pagkatapos ay marahan niyang ibinaba ang baso. "Noon, nagtatrabaho si mama sa mansion ng mga Favilion, buhay pa si Don Gregorio. Hanggang sa namatay ang matanda at si Uncle Gregory ang nagmana ng mansyon. Doon kayo tumira kasama si papa."
Hindi umimik si Agasé at Ulysses. Nakikinig lang sila sa kuwento ni Maia. Nagsimulang mangilid ang luha ni Maia habang nagpatuloy sa pagkukuwento.
"Doon nagkatagpo si mama at papa. Sabi ni mama, napapansin na niya ang mga tingin ni papa sa kanya. Mas matanda lang ng tatlong taon si papa kay mama. Noong una ay nagkalapit sila, at nagkakatuksuhan. Pero pinili ni mama na lumayo kay papa dahil may nobyo siya nang mga panahon na iyon."
"Huh? Anong naging reaksyon ng nobyo ng mama mo?" tanong ni Ulysses. Huminga nang malalim si Maia at nagpatuloy sa kuwento.
"Isang beses, inaya ni papa si mama na lumabas. Hindi matanggihan ni mama si papa dahil amo niya pa rin ito. Nagpalusot lang si papa na bibili lang sila ng grocery. Hanggang sa nakasalubong nila ang boyfriend ni mama noong panahon na iyon. Sabi ni mama, nang oras na iyon . . . kitang-kita niya ang galit ni papa," pagpapatuloy ni Maia sa kuwento.
Naikuyom ni Maia ang kanyang kamao. Pigil na pigil niya ang mga luha niya. Masikip ang dibdib niya habang ikinukuwento ang nangyari sa ina niya.
"Nang mga sumunod na araw, nagsabi si papa ng tunay niyang nararamdaman kay mama. Tinanggihan siya ni mama. Hanggang sa ginapang niya na si mama. Hindi nakapagsumbong si mama kay Uncle Gregory dahil wala ang lalaki sa mansion. Bagong kasal ito at nagbabakasyon."
"Ginagawa pa si Agasé ng parents niya," natatawang singit ni Ulysses. Sinuntok ni Agasé ang kaibigan sa balikat.
"Tanginang ito! Magtino ka nga. Seryoso itong usapan!" Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Agasé.
Nag-peace sign si Ulysses. "Pasensya ka na ha? Godbless!" Pinigilan ni Ulysses ang pagtawa. Pagkatapos ay sumeryoso ulit at tumingin kay Maia. "Sorry sa interuption, tuloy mo na ang kuwento, Maia.
Tumango si Maia. Bumalik ang paligid sa pagiging seryoso at pare-pareho silang natigilan. Hanggang sa pinagpatuloy ni Maia ang kuwento niya.
"Walang mapagsumbungan si mama. Hanggang sa paulit-ulit na nangyari at . . . dumating ako. Nagpaalam si mama kay Uncle Gregory. Itinago niya ang patungkol sa akin noong una, pero nalaman din ni papa. Kasabay no'n ay ang pagrerebelde ni papa. Pinalayas siya ni Mr. Gregory nang magrebelde siya at nalaman pa ang tungkol sa amin ni mama."
Malungkot na ngumiti si Maia. May pait at luha sa mga mata nito. Damang-dama ni Agasé at Ulysses ang pighating nararamdaman ng dalaga.
"Si Tito Simon, ang nobyo ni mama noon. Siya ang tumayo na papa sa akin. Mabait siya at mahal niya ako. Dahil mahal niya si mama ay tanggap niya ako. May mga oras na pati siya ay sinisisi niya ang sarili niya." Huminga nang malalim si Maia. Kinuha niya ang panyo niya sa kanyang bulsa para punasan ang mga luha niya na patulo na. "Hindi nagustuhan ni papa iyon. Hanggang sa namatay—mali! Pinapatay niya si papa. Pagkatapos ay inulit niya nanamana ng pinaggagawa niya kay mama. Ako? Hindi niya naman talaga ako minahal. Ginagamit niya lang ako."
"I'm sorry hear that, Maia."
Umiling si Maia at pinunasan ang mga luha niya. "Wala kang dapat ipag-sorry. Wala kang kasalanan."
"Sana may nagawa ako para sa 'yo."
"Alam mo, si papa hindi niya talaga ako minahal. Tingin niya sa akin ay kasangkapan lang. Katulad ngayon ay binenta niya ako sa pamilya ni Neon," pahayag ni Maia.
"Binenta ka?" Nagtangis ang ngipin ni Agasé nang marinig niya ang sinabi ni Maia.
Marahang tumango si Maia. "May malaking utang si papa sa pamilya ni Neon."
"What the fuck, Aga! Nag-iisip ba nang matino iyang uncle mo?" galit na bulalas ni Ulysses.
"I know . . . nakakagalit talaga ang pinagagawa niya!" giit ni Agasé.
"E tangina! Nasa loob pala ang kulo niyang uncle mo e!" gigil na saad ni Ulysses.
"P-Pero huwag ka mag-alala, Aga. Buo na ang desisyon ko na sumama kay Neon. Ang mahalaga lang sa akin ay mahalin niya ang anak namin. Nangako rin si Neon na hindi niya na ako sasaktan at pipilitin kung ayaw ko," sambit ni Maia.
Nagtangis ang ngipin niya at lumingon kung nasaan si Neon. Nasa likuran nila banda si Neon at masama ang tingin sa direksyon nila. Nang makita ni Neon na nilingon siya ni Agasé ay tinaasan niya si Agasé ng kilay. Napailing na lang si Agasé at muli nitong hinarap si Maia.
Bunaba ang tingin ni Agasé sa mata ni Maia. "Pamangkin ko pala iyang dala-dala mo. Do you need a financial help or any help? Please contact me . . .," sambit ni Agasè.
"I will contact you, kung may kailangan ako."
"Thank you for trusting me . . ."
"Matagal ko nantalaga gystong sabihin iyan sa 'yo. Kahit noong unang beses pa lang na magkabangga tayo sa campus. Kaya nga kita kilala kahit noon pa dahil binibisita kami ni Uncle Gregory," kuwento ni Maia. Maliit naman ngumiti si Agasé.
"Mabuti naman at hindi kayo pianbayaan ni papa. At least, may tumutulong sa inyo," sambit ni Agasé.
Ilang minuto na hindi nagsalita si Maia. Lumagok muli ito ng tubig. Paulit-ulit ito lumunok. Pagkatapos ay tumikhim ito, at nagsalita.
"Nandito ako kasi . . . may isa pa akong importanteng sasabihin sa 'yo," ani Maia.
Nagkatinginan si Ulysses at Agasé. Nagsalita si Agasé, "anong importanteng bagay ang sasabihin mo?" tanong ni Agasé.
"Hindi lang sa mga Leviste may utang si papa. Marami siyang utang, milyon-milyon. Alam ko na siya ang guardian mo ngayon. Kaya sana ay mag-ingat ka . . ."
Natahimik si Agasé. "Ako na ang bahala sa bagay na iyan. Salamat sa pagpapaalala."
"Huwag ka na mag-alala. Hindi man naging maganda ang umpisa namin ni Neon, handa ko siya patawarin. Para sa ikatatahimik ng lahat. Masakit pa rin sa akin ang ginawa ni Neon, kasi alam ko na mali iyon. Pero ayaw ko naman siya pagsarahan ng pinto . . ."
"Tingin ko naman na mahal ka ng gagong iyon, Maia. Naging mali lang talaga ang pamamaraan niya ng pagmamahal. I mean, maling-mali," komento ni Agasé. Tumango-tango si Ulysses; sang-ayon ito sa sinabi ng kaibigan niya.
"True! Asshole talaga iyang asawa mo," sabinni Ulysses at umangat ang sulok ng labi.
"Nakita ko naman ang pagbabago ni Neon. Gusto ko siya bigyan ng pagkakataon. Ayoko naman pagkaotan ng buong pamilya ang anak namin . . . ayokong matulad siya sa akin," malungkot na saad ni Maia.
"Maia, I am your family, okay? Kung kailangan mo ako, huwag kang magdadalawang isip na kausapin at takbuhan ako," nakangiting turan ni Agasè.
Tumayo na ang dalaga sa kinauupuan nito at nag-bow. Binigyan niya ng maliit na ngiti ang dalawa. Tumayo na rin si Agasé at Ulysses. Lumapit si Agasé sa dalaga at ginawaran ito ng yakap. Ilang minuto rin ang tinagal ng yakapan ng magpinsan.
Pagkahiwalay nila ay nandoon na si Neon aymt nakakunot ang noo. Nakakrus din ang mga braso nito sa dibdib.
"Kailangan ba talaga na magyakapan kayo?" sambit ni Neon na may sarkasmo sa boses. Salubong kilay nito at kitang-kita ni Agasé ang pagkairita sa mukha nito.
"Neon naman . . ."
Lumapit si Agasé kay Neon at nakipagtapatan ito kay Neon. Umigting ang panga ni Agasé. Mas matangkad lang ng iilang sentimetro si Neon. Umangat ang isang kilay ni Neon at maangas na ngumisi.
"Alagaan mo si Maia nang mabuti. Marinig ko lang na nasaktan siya at umiyak siya. Ako mismo ang makakalaban mo, Sean Neon Leviste," mariing sabi ni Agasé.
"Sino ka ba, kid? Don't worry, handa ako makipagsuntukan sa 'yo kahit anong oras. And bro, don't meddle in our relationship. Hindi ko na sasaktan si Maia." Nagngitngit ang ngipin ni Neon.
"Warfreak!" singit ni Ulysses na iritado na rin kay Neon. Umikot pa ang bilog nito sa mata
Si Maia naman ay hinawakan na ang asawa sa braso. Agad naman itong tiningnan ni Neon. Nagkatitigan ang dalawa. Si Maia naman ay umiling bilang senyas kay Neon. Agad naman tumigil ang lalaki. Ang dila ni Neon ay nasa loob ng bibig nito at bumukol sa kanang pisngi nito.
"Uuwi na kami, Aga. Salamat sa oras mo," sabi ni Maia.
"Salamat din, Maia. Mag-ingit ka," tugon ni Agasé.
"Mag-ingat ka lalo na d'yan sa lalaking katabi mo," ngisi ni Ulysses.
"Gago 'to ah!" Akmang susuntukin na ni Neon si Ulysses nang pigilan ni Maia ang kamao ng lalaki.
"Neon ano ba! Nakakahiya!" suway ni Maia sa asawa. Umikot lang ang mata ni Neon. Bumaling ang dalaga sa dalawang lalaki at nginitian ni Maia ang dalawa. "Aalis na talaga kami."
Hinila na ni Maia palaba si Neon. Sa huling pagkakataon ay lumingon ang dalaga kay Agasé at kumuway. Kumaway naman pabalik si Agasé.
Pagkaalis ng dalaga ay sunod-sunod na napamura si Agasé. Umupo ulit sila ni Ulysses. Gustong magwala ni Agasé sa mga narinig niyang katotohanan kay Maia.
"Hindi naman sa sinasabi kong huwag ka maniwala kay Maia. Pero sa tingin ko ay huwag ka muna magpadala sa emosyon mo, kausapin mk ang uncle mo," suhestiyon ni Ulysses sa kaibigan. Kitang-kita kasi ng binata ang galit sa mukha at mata ng kaibigan.
"Wala namang rason si Maia para magsinungaling. Isa pa ay tumugma ang sinabi niya, sa sinabi ni Mang Tasyo at Aling Koring. Sabi ng dalawa ay naging katulong namin ang ina ni Maia at gano'n din ang kuwento ni Maia," sambit ni Agasé. Tumango-tango si Ulysses.
"So, anong plano mo?"
"Tatawagan ko si uncle."
Inilabas ni Agasé ang cellphone niya. Pagkatapos ay ni-dial niya ang number ng uncle niya.
"I'm sorry, the number you dial is now unattended. Please call again later."
Iyon ang sinasabinbg telepono. Umigting ang panga ni Agasè at inulit niya ang pagtawag. Nakalimang beses na pero wala pa ring sagot. Hanggang sa napamura na siya at lumukot na ang mukha niya.
"Tangina! Walang sumasagot! Ngayon pa talaga?" Umigting ang panga ni Ulysses at kumuyom ang kamao niya. Tumayo ito at nakasunod lang ng tingin si Ulysses sa kaibigan. "Puntahan natin siya sa mansyon niya."
"Alright!"
Sumunod si Ulysses sa kaibigan niya. Agad nilang pinuntahan ang mansyon ng uncle ni Agasé. Subalit laking gulat nila nang maabutan na walang tao ang mansyon kundi ang mga guwardiya.
Naikuyom ni Agasé ang kamao niya. Napaisip siya, kung nagsisinungaling si Maia, nasaan ngayon ang uncle niya?
Basta na lang pumasok si Agasé sa mansyon ng uncle niya. Naiwan si Ulysses sa labas ng mansyon. May iilang kasambahay na pumipigil sa kanya.
"Nasaan si Uncle?" kunot-noong tanong niya isang kasambahay ng uncle niya.
"N-Nasa isa pong trip sa ibang bansa si sir," sagot ng isang katulong.
Hindi agad naniwala si Agasé kaya magsisigaw siya. "Uncle!" pagtawag niya sa Uncle Louis niya.
"W-Wala nga po si sir Louis," sabi ng isa pang katulong.
Hinalughog ni Agasé ang mansion at wala nga ni anino ng uncle niya. Sunod-sunod naman siya na napamura. Kinuha niya ang cellhone niya mula sa kanyang bulsa at tinawagan ang isang taong pinagkakatiwalaan niya.
"Chief! I need your help."
—
NASA loob ng kuwarto si Maia at Neon. Kanina pa sila nakauwi matapos ng pag-uusap nila ni Agasé. Alas syete na ng gabi at amdilim na sa labas.
Pumasok si Maia sa banyo upang maligo ulit. Nagsuot siya ng bathrobe. At may isa pang tuwalya sa ulo.
Nakahiga si Neon sa kama habang boxers lang ang suot nito. Nakatutok ang mata nito sa cellphone nito. Natigil lang ito nang maramdaman ang pagsampa ni Maia sa kama. Nagpupunas ito ng buhok.
Nakatingin lang ang binata kay Maia. Hanggang sa humarap na si Maia sa kanya at nagsalita.
"I have something to say to you, Neon," ani Maia. Tumaas naman ang isang kilay ni Neon.
"New favor?" tanong ng binata at agad umiling ang dalaga.
"About sa pinag-usapan namin nila Agasé." Humugot nang malalim na hininga si Maia.
"What about it?" seryosong tanong ni Neon.
"Magpinsan kami ni Agasé . . ." pagtatapat ni Maia sa lalaki.
"I know."
"Huh?"
"Alam ko na magpinsan kayo. Tinawag niya na uncle ang papa mo. Nagkita kami sa mansyon ng papa mo, kaya alam ko na magpinsan kayo."
Kumunot ang noo ni Maia at matalim na tiningnan si Neon. "Kung alam mo naman pala, bakit ka pa nagseselos sa aming dalawa?"
Nagkibit-balikat si Neon. "I thought, hindi mo alam. Of course, I am a jealous man!" parang bata na sabi ni Neon.
Napailing si Maia. "Please, iwasan mo iyan. That's not good, Neon! Hindi maganda na puro ka pagseselos," giit ni Maia.
Napanguso naman si Neon. "Okay, I promise. Babawasan ko an ang pagseselos ko."
"Good."
Lumapit si Neon kay Maia at niyakapan ang bewang nito. Sinimulan ni Neon na haliak ang batok ni Maia. Hindi naman pumalag ang dalaga. Maya-maya ay tumigil din ang binata sa paghalik sa batok ng dalaga.
Napatingin si Maia kay Neon. Hindi umiimik ang binata na ipinagtataka ni Maia.
"Naisip ko, lumabas kaya tayo bukas? Date? Gusto ko na mag-bonding tayo at bumawi sa 'yo," ani Neon. Kinuha niya ang isang kamay ni Maia at hinalikan ang likod ng palad nito.
Ngumiti naman si Maia. "Okay lang sa akin."
"Really?"
"Yes.
Masaya naman si Maia na mas nagiging maayos ang relasyon nila ni Neon. Ia lang ang dasal ni Maia. Sana lang ay maging maayos na ang lahat.
—
NAGMAMADALI si Agasé na mag-ayos ng sarili niya. Muntikan niya ng masuntok ang saril dahil kamuntik niya ng makalimutan na may date pala sila ni Benilde. Hindi niya puwedeng kalimutan ang date nila ng dalaga dahil paniguradong magtatampo ito sa kanya.
Nagpabang na si Agasé at pagkatapos ay inayos ang buhok niya. Kasabay no'n ay tinawagan niya ang dalaga.
"Baby! I'm sorry, late ako nagising. Papunta na ako. Susunduin kita," nagmamadaling saad ni Agasé.
"Okay lang, baby. Nandito ako sa may labas ng building ng dorm ko. Hintayin na lang kita," malambing na tugon ng dalaga.
"Sorry talaga. On the way na ako, baby. Babye! I love you!"
"I love you too . . ."
Ibinaba na ni Agasè ang tawag. Inayos niya ang nagusot na kuwelyo ng black polo niya. Nang makita niya sa salamin na ayos na ang hitsura niya ay agad siyang lumabas.
Tumawag ang lalaki ng taxi. Bumili na siya ng bagong sasakyan pero wala pa siyang lisensya. Kukuha pa lang siya, kaya tiis-tiis muna siya sa pagsakay sa taxi.
"Manong, taxi!"
Huminto ang taxi sa harap niya. Sumakay si Agasé at huminga nang malalim. Habang nasa taxi siya ay hindi maiwasan na sumagi sa isip niya ang tungkol sa uncle niya. Hindi niya pa ma-contact ito. Tinutulungan na siya ni Chief Delfranco sa paghahanap sa uncle niya.
Kagabi ay ikinuwento niya na sa chief ang nalaman niya. Maging ang chief ay hindi makapaniwala sa kanyang ikinuwento. Respetadong tao pa rin naman kasi ang uncle niya.
Ang hindi lang maunawaan ni Agasé, bukod sa pera . . . ano pang ibang dahilan nito?
"Sir, nandito ka na po," wika ng taxi driver.
"Ah sige po. Ito po bayad, manong." Inabot ni Agasé ang bayad sa driver. Pagkatapos ay lumabas na siya sa taxi.
Agad kumunot ang noo ni Agasé nang makitang wala si Benilde sa harap ng labas ng dorm nito. Agad bumilis ang pintig ng puso ni Agasé.
Nakita ni Agasé ang isang bandana. Napakunot ang noo niya at kinuha iyon. May nakatahi na pangalan doon.
Scilla.
Iyon ang second name ni Benilde. Namilog ang mga mata ni Agasé. Lalong bumilis ang pintig ng puso ni Agasé. Agad niyang ni-dial ang numero ni Benilde. Nanlaki naman ang mata niya nang sinagot ito.
"Hello! Baby?" bungad ni Agasé.
"Hi my nephew!" Namilog ang mata ni Agasé nang boses ng uncle niya ang sumagot. Nagtangis ang ngipin ni Agasé.
"Nasaan si Benilde?" halos pasigaw na sabi ni Agasé.
"Calm down my dear nephew . . . " Narinig ni Agasé ang paghalakhak ng uncle niya sa kabilang linya. "I am with your low-profile girlfried."
"Shit! Huwag mo siya sasaktan!" banta ni Agasé.
"Of course. Sa isang kondisyon . . ."
Napariin ang hawak ni Agasé sa cellphone niya. Mariin siyang napapikit. "What is it?"
"Come here in my mansion . . . alone."
VimLights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro