Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2

Chapter 2: The Teacher

MAAGANG nagising si Agasè. Wala namang bago, dinadalaw pa rin siya ng kanyang mga bangungot. Bunangon siya at agad na naghanda para pumasok. Naalala niya na may importante siyang dapat gawin.

Ngayong araw ang tamang oras para isakatuparan ang plano niyo. Pumasok siya sa banyo agad na naligo. Nasa loob siya ng banyo at dinadama ang malamig na lagaslag ng tubig mula sa shower.

Napaisip siya sa gagawin niyang plano mamaya. Ngayong araw ay mabibigyan niya ng katarungan ang kamatayan ni Amara Villa. Oo, naniniwala si Agasè na hindi iyon basta suicide. At para malaman ang tunay na nangyari kay Amara, kailangan niya maisagawa ang plano niya.

Pagkalabas ng banyo ni Agasé ay may importante siyang bagay na inilagay sa bag niya. Kailangan niya iyon upang magtagumpay siya sa nais niyang mangyari.

Tumunog ang cellphone ni Agasé. Nakita niya ang pangalan ni Ulysses sa screen. Kaya, agad niya itong sinagot.

"Handa na ba ang lahat, Uly?" tanong ni Agasé sa kaswal na boses.

"Yes, I already gave the instruction . . . you don't have to worry about that part. Okay?" sambit ni Ulysses.

"Thanks. Papasok na ako. May importanteng clue ako na nakita sa social media ni Amara kahapon. Nakakapagtaka at hindi nila napansin iyon. O baka talagang nagtatanga-tangahan lang sila," ani Agasè. Napabuga siya nang malalim na hininga.

"Saang social media mo siya ni-stalk, Agasé?" tanong ni Ulysses.

"Sa instagram and I saw her last posts. May picture siya kasama si Mr. Kan at isa pang kaklase niya," kuwento ni Agasé. Narinig niya na napasinghap si Ulysses.

"Marami na ring kuwento na nangmo-molestya nga si Mr. Kan. Pero wala namang nagsalita patungkol doon," sabi ni Ulysses.

"Nangyari ito bago ang graduation 'di ba? Graduating student si Amara kung hindi ako nagkakamali."

"Oo, tama ka. Kaya na-delay pa ng ilang linggo ang graduation no'n," sabi ni Ulysses.

Matunog na bumuntonghininga si Agasé. "Kailangan natin ng ebidensya. Iyon lang . . . kung wala tayong mahahanap na konkretong ebidensya ay sa bibig mismo natin siya huhulihin," ani Agasé.

"Paano? Kita na lang sa school?"

"Sige."

Ibinaba ni Agasé ang cellphone. Pagkatapos ay nagsuot na siya ng uniporme. Kinuha niya ang bag at sinukbit sa kanyang balikat. Pagkatapos ay naglakad siya palabas ng mansyon.

Sumakay siya sa sa kanyang service na sasakyan. Hindi niya na naabutan ang magulang at sa school na lang siya kakain ng almusal.

Nang makarating siya sa school ay agad siya pumasok sa classroom. Ilang oras siyang maaga pero ang kinagulat ni Agasé ay bukas na ang classroom. Nandoon sa classroom si Benilde at isa pang kaklase na babae.

"Good morning!" bati ni Agasé sa dalawa.

Ngumiti si Benilde sa kaniya. "Good morning, Agasé."

Gustuhin man ni Agasé na makipagkuwentuhan kay Benilde ay hindi niya magagawa dahil may kailangan siyang asikasuhin. Inilapag niya ang bag niya sa armchair niya.

Bahagya siyang lumapit kay Benilde. "Hi! Pwede ba na pabantay muna ako ng bag ko. May pupuntahan lang ako na isang teacher natin," sambit ni Agasé. Halata sa mukha ng dalaga ang pagkagulat pero agad naman itong tumango, pumapayag sa pabor na hinihingi ji Agasé.

"No, problem."

"Thanks."

Agad naman tinalikuran ni Agasé si Benilde. Lumabas siya sa classroom para puntahan si Mr. Kan, ito rin ang Calculus teacher nila. Napasipol-sipol siya habang naglalakad.

"Uy! Nakita niyo ba itong bagong article na inalabas ng blog site na 'The Black Label'?" narinig ni Agasé na sambit ng isang babae, kapareho niyang high school student.

Maraming nakakalat na estudyante sa hallway. Napabagal ang paglalakad ni Agasé. Nang may nagsalita pang isang estudyante ay bahagya siyang napahinto.

"Oo. May pa-blind item! Kaloka naman. Pero binanggit na taga-rito raw ang teacher. El Malaya University," ani ng isa pang estudyante.

"Baka fake news lang," sabi ng isa pang kausap nito.

"Sana nga na fake news lang. Kasi kung totoo iyon ay nakakatakot dito sa school."

"Sabi raw ay may pinatay ang teacher na estudyante. Baka iyong si senior Amara iyon. Siya lang naman ang latest death case dito sa El Malaya . . ." sabi pa ng isa.

Napangisi si Agasé at nagpatuloy na sa paglalakad. Mukhang nagtagumpay siyaa sa unang hakbang sa plano niya.

Nang makarating siya sa tapat ng opisina ni Mr. Kan ay napangisi siya. Kumatok siya at sa pangatlong katok ay nagbukas ang pinto.

"Hi Mr. Joshua Kan," bati ni Agasé.

Pormal na ngumiti naman ang lalaki. Si Mr. Kan ay mestizo. Nasa late 20s ang edad nito. Kaya hindi masisisi ni Agasè ang ibang nahuhumaling dito. May hitsura si Mr. Kan at kung wala lang alam si Agasé ay baka naging pala-kaibigan na ang dating nito.

Matangkad na mestizo, may biloy sa kanang pisngi, itim ang mga mata, clean cut ang buhok, at matangos ang ilong. Mayroon din si Mr. Kan na friendly aura kaya naiisipan ng ibang estudyante na lumapit dito at mag-open ng sarili.

"Come in. How can I help you?"

"I'm Agasé Hydrox Favilion, sir. I am one of your students in Class 3A. I want to take some tests that I'd missed in these past two weeks," sabi ni Agasé at umupo siya sa isa sa bakanteng upuan sa classroom.

"Sure, Mr. Favilion. Thank you for reaching out. At least, hindi na ako mahihirapan," sabi ni Mr. Kan.

Pinagmasdan ni Agasé si Mr. Kan na naghahanap ng mga testpaper na papasagutan sa kanya. Nang mahanap na nito ay agad namang inabot sa kanya.

"Here, pasagutan na lang. Capital letters ang isusulat mo na sagot. Isa pa, pakilagay ang solution sa scratch," sambit Mr. Kan. Tumango naman si Agasé.

Napatingin si Agasé sa mga sasagutan. Aaminin niya, hindi talaga siya nag-review. Kaya stock knowledge lamg ang pagaganahin niya. Kailang niya masagutan ang mga tanong, kasabay sa paggawa ng sunod niyang hakbang.

Binigyan siya ni Mr. Kan ng isang oras at kalahati para sagutan ang mga dapat niyang sagutan. Lumipas ang kalahating oras. Nakita ni Agasé ang pagsipat ni Mr. Kan sa relo nito.

"Uh . . . Mr. Favilion, iwan muna kita. I have to go to the restroom," paalam ni Mr. Kan.

Pinigilan ni Agasé ang pagngisi. Sinubukan niyang maging normal lang na ngiti ang sumuray sa labi.

"Sure."

Lumabas si Mr. Kan. Pagkalabas nito ay agad na ni-lock ang pinto. Ang pangalawang hakbang niya ay tagumpay. Kailangan niya lang maitanim ang mga pananim niya.

Ang iwan si Agasé sa opisina niya ang pinakamalaking pagkakamali ni Mr. Kan nang araw na iyon.

---
SA KABILANG dako naman ay dumating na si Ulysses sa classroom nila. Pero agad lang nito binaba ang gamit niya at lumabas din agad sa classroom upang kitain ang isang importanteng tao.

Inabangan niya ang babae sa isang pasilyo malapit sa classroom nito. Nang makita noya ito ay marahan niya itong hinablot.

"Ulysses!"

Nilapat ni Ulysses ang hintuturo sa labi, sinesenyasan ang babae na tumahimik.

"Abigail, handa ka na ba sa gagawin natin?" tanong ni Uly.

"Kinakabahan ako, Uly. Paano kapag pumalpak ang plano. M-Malalagot ako . . ."

"Trust me. Para sa Ate Amara mo rin ito, Abby," wika ni Ulysses.

Nakilala ni Ulysses si Abigail. Ito iyong tinutukoy ni Agasé na isa pang babae na nasa IG post ni Amara. Kaya agad niya itong nilapitan at inalam ang mga nalalaman nito. Maging ang hinaing at tinatagong kuwento nito.

Nalaman na ni Ulysses ang buong kuwento. Si Abby ay nakakabatang kapatid ni Amara. Pito silang magkakapatid kaya nahihirapan ang mga magulang nito para pag-aralin sila. Nang mga panahon na gipit ang mga magulang nila Amara at Abby ay lumapit si Amara kay Mr. Kan.

Nagkaroon ng pinansyal na utang at utang na loob si Amara kay Mr. Kan. Kaya nang humingi ito ng pabor na samahan siya sa opisina nito upang mag-check ng mga testpapers ay agad naman daw pumayag ang Ate ni Abby. Kaya raw nahuhuli ng uwi ang Ate ni Abigail.

"Masakit pa rin sa akin ang pagkawala ni Ate, Ulysses. Hindi nararapat sa kanya—sa amin—ang mga bagay na ito. Nakakasama ng loob. Gusto ko na rin makawala kay Mr. Kan . . ."

"Abby . . ."

Pilit na inaalo ni Ulysses ang dalaga. Inabutan niya ito ng panyo para pahirin ang mga luha.

"Hanggang sa isang araw, inamin niya sa akin na ginagamit nga siya ni Mr. Kan sa mga sekswal na aktibidad kahit na ayaw niya. Kailangan raw ay bayaran ang isang daang libong utang namin. Kung hindi ay ipapakulong raw si Mama at Papa," salaysay ni Abby. Pinagmamasdan lamang siya ni Ulysses habang nagkukuwento.

"Wala na ba kayong mahiraman na ibang tao?"

"Sinubukan namin at wala kaming nakuha na isang daang libo agad-agad. Pakaunti-unti lang at kulang ang kita ni Mama at Papa. Kaya walang nagawa si Ate. Hindi siya makapalag o makatanggi. Hanggang sa maging ako ay dinamay na ni Mr. Kan . . ."

"Seriously? Napakahayop niya!" Umigting ang panga ni Ulysses. Hindi siya makapaniwala sa karagdagang kuwento na nariring niya mula kay Abigail.

"Nalaman namin na mula sa pamilya ng mga sundalo si Mr. Kan. Kaya agad din kaming natakot. Tinapalan nila kami ng pera at kung ano-ano nang mamatay si Ate. Kahit kami ay alam naming may mali doon. Iyong marka pa lang sa leeg niya," umiiyak na sambit ni Abigail.

"Tahan na . . . malapit na, Abigail. Kailangan mo lang gawin ito. Huli na 'to. Pagkatapos, magiging malaya ka na sa demonyong iyon," sabi ni Ulysses.

May inabot si Ulysses na pakete kay Abigail. Tinanggap naman agad iyon ng babae.

"Ilagay mo iyan sa inumin niya. Hindi ayan agad tatalab. Mga sampu hanggang bente minutos bago tumalab iyan. At iyang syringe, iturok mo sa kanya kapag nasobrahan na ang ginawa niya . . ." sabi ni Ulysses.

Bahagya namang tumango si Abigail at binulsa ang mga binigay sa kanya ni Ulysses.

"Magagawa mo ba, Abby?" tanong ni Ulysses.

Sunod-sunod na napalunok si Abigail at sumagot, "m-magagawa ko . . . kaya ko ito."

"Good. Let's stick to the plan."

"Thank you, Ulysses."

Napangisi si Ulysses. "Hindi ako dapat ang pasalamatan mo. Kundi, iyong isang tao na napakalakas ang loob at siyang nagplano sa lahat ng ito."

"Gusto ko siya makikilala, Ulysses."

"Sa susunod, Abby." Ngumiti si Ulysses sa dalaga. Pagkatapos ay sinenyasan niya na ito na umalis na.

Agad na kinuha ni Ulysses ang cellphone upang tawagan at i-update si Agasé. Bumungad sa kanya nag dalawang mensahe galing dito.

From: Agasé
Nakapasok na ako sa opisina niya.

From: Agasé
All done. :)

Napailing na lang si Ulysses at nagtipa ng isasagot sa kaibigan.

To: Agasé
Okay. Nasabihan ko na si Abby ng mga gagawin.

Nilagay niya sa loob ng bulsa ang kanyang cellphone. Pagkatapos ay bumalik na siya sa kanilang classroom. Saktong pagkakarating niya sa classroom nila ay nandoon na rin si Agasé. Matapos ang limang minuto, dumating na ang unang guro nila sa araw na iyon.

---

NAPANGISI naman si Agasé nang mapagtantong ilang oras na lang ay uwian na. Mag-aalas kuwatro na ng hapon. Malapit na ang pinakaiintay niya.

Nang tuluyan na nga silang i-dismiis ni Mrs. Del Valle agad niyang sinakatuparan ang misyon niya. Pumasok sila ni Ulysses sa male's comfort room. Nagkataon na silang dalawa lang kaya agad na sinara at ni-lock ni Ulysses ang pintuan upang sila lang ni Agasé ang nandoon.

Inilabas ni Ulysses ang cellphone at si Agasé naman ay ang laptop nito. Naglagay ng mat si Agasé sa lababo. Sa taas ng mat ay doon niya nilapag ang laptop niya para makasigurado na hindi ito mababasa o ano pa man.

May isang bagay siya na kinuha mula sa bag niya. Namilog naman ang mga mata ni Ulysses nang makita iyon.

"Is that a revolver?" tanong ni Ulysses na nakaawang ang labi.

"Calm down, it's fake."

Tumawa naman si Agasé. Si Ulysses nama ay mukhang nakabawi na mula sa pagkakagulat. Napailing lang ito.

Napatalon si Ulysses nang biglang pinutok ni Agasè ang baril. Lumikha iyon ng ingay at sa dulo ng baril ay may lumabas na flag na nakalagay ang katagang, 'fuck you'.

Pinakita ni Ulysses ang gitnang daliri niya kay Agasé. "Tanginang 'to!"

"Kalma, Uly. Nasobrahan ka yata sa kape." Humalakhak si Agasè sa reaksyon ng kaibigan.

Pinasok muli ni Agasé ang baril sa loob ng bag. Namayani ang katahimikan sa pagitan nila ni Ulysses. Hangagng sa siya na rin mismo ang pumutol sa katahimikan.

"Kumusta? Ano na ang balita?" tanong ni Agasé kay Ulysses.

Inilabas ni Ulysses ang cellphone at pinanood nila ang nangyayari sa loob ng opisina ni Mr. Kan. Naglagay kanina ng hindden camera si Agasé sa loob ng opisina ni Mr. Kan. Mga spy cameras na ni-order pa niya sa ibang bansa.

Kitang-kuta nila ang nangyayari. Umiinom ng kape si Mr. Kan at si Abigail. Mukhang tama nga ang sinabi ni Abigail kay Ulysses. Sinabi ng dalaga na pagkatapos ng klase ay palihim siyang pumupuslit sa opisina ni Mr. Kan.

Inuutusan kasi si Abigail na pumunta ro'n, kundi ay malilintikan ang dalaga kay Mr. Kan. Kaya wala itong nagagawa kundi ang pumuslit.

Nakatututok ang mga mata ni Agasé at Ulysses sa screen ng cellphone. Ang sumunod na nangyari ay nakita nila na hinimas ni Mr. Kan ang balikat ni Abigail. Pagkatapos ay kunwaring minamasahe nito ang balikat ng dalaga.

"This man is disgusting, Agasé," angil ni Ulysses.

"And he's a piece of shit."

"Tangina, tignan mo ang ginagawa . . ."

Ang masahe ay biglang nauwi sa paghimas sa dibdib ng dalagang si Abigail. Agad nama na pumalag si Abigail kay Mr. Kan. Pinilit na halik-halikan nito si Abigail. Ginagalaw at pinipilig ni Abigail ang ulo.

Binigyan ng malakas na sampal ni Mr. Kan si Abigail at bahagya pa itong napasalampak sa sahig. Pilit na tumayo ang dalaga. Pagkatapos ay may kinuha mula sa bulsa ng skirt.

Kita rin sa kaganapan na si Mr. Kan ay nakaramdam na ng pagkahilo. Nakita na napansentido ito. Ginamit naman iyon ni Abigail na pagkakataon upang iturok ang syringe kay Mr. Kan. Doon ay nahimatay na ito.

"Simulan na natin . . ." sambit ni Agasé.

Tumango naman si Ulysses. Kumilos na sila spapunta sa opisina ni Mr. Kan. Recorded na rin ang lahat ng naganap doon sa loob ng opisina ni Mr. Kan.

Lumabas sila sa comfort room at naghiwalay ng landas. Si Agasé ang aasikaso kay Mr. Kan, habang si Ulysses ay may isang importanteng gagawin.

---
NAPATINGIN si Benilde sa kanyang orasan. Malapit na mag-alas sais. Inaasahan ng dalaga ang pagdating ng binatang si Agasé sa elimintion. Bilang isang journalist, alam ni Benilde na talagang mahusay si Agasé. Kung hindi ito sa sasali ay magiging kawalan nila.

Ang pagdagdag ni Agasé sa line-up sa individual category ay magbibigay sa kanila ng malaking tsansa ng pagkapanalo. Pero heto, at wala pa rin ang lalaki.

Akmang tatalikod na si Benilde nang may tumawag sa pangalan niya.

"Benilde!"

Nang lingunin iyon ni Benilde ay nakita niya si Agasé. Pawis na pawis ito at hinahabol a ang hininga dahil tumakbo.

"Agasé!"

"Puwede pa ba ako sumali?" nakangitibg tanong ni Agasé.

"Oo, kaso isang oras na lang ang meron ka para sulatin ang article mo," sambit ni Benilde.

"Okay lang, sapat na iyon."

"Saang category ba?"

"Feature."

Bahagyang nagulat si Benilde. Sa pagkakaalam niya ay Editorial Writer talaga si Agasé. Pero nanalo nga ito sa isang feature writing contest noon.

"Oh . . . okay. Upo na lang doon sa left side." Iminuwestra ni Benilde ang kamay para maituro kay Agasé ang uupuan nito.

Nasa gymnasium sila ngayon. May nakalagay na mga upuan at may powerpoint sa harap. Sa ngayon ay wala pang nakalagay sa powerpoint presentation.

Umupo na si Agasé at nagsimulang magsulat. Napangisi siya dahil kahit ano ay puwede nilang gawan ng feature article. Mabuti na lang talaga at naabutan niya ang elimination. Dahil ito ang last part ng kanyang misyon sa araw na ito.

"Last five minutes!" sigaw ni Mrs. Lorenzo, ang adviser ng jornalism club.

Saktong pagkasigaw no'n ay natapos si Agasé sa pagre-rewrite ng article niya. Agad siyang lunapit at binigay kay Benilde iyon. Ngumiti siya sa dalaga. Samantalang si Benilde ay seryoso lang.

Bumalik sa upuan si Agasé. Sabi kasi sa kanika ay may introduction pa sa journalism club at announcement ng mga napili.

"Okay students, eyes here! Magsisimula na tayo sa introduction sa club, if ever na makapasok kayo. Idi-discuss ko na ang  mga benefit na makukuha niyo at iba pa," nakangiting sabi ni Mrs. Lorenzo.

Wala pang pinipindot si Mrs. Lorenzo pero biglang may nag-play na video sa harap na ikanalaki ng mga mata ng estudyante na naroon. Si Benilde ay napaawang ang labi sa nakikitang video na nasa harap.

Si Mr. Kan na pinipilit ang estudyante nitong si Abigail. Napaawang ang labi ng mga nanonood, manging si Mrs. Lorenzo. Hanggang sa biglang lumipat sa isang video.

Nakatali naman si Mr. Kan sa isang upuan at putok ang kilay nito.

Si Agasé naman ay nakangisi lang habang aliw na aliw sa nangyayari. Inilagay niya ang kannag kamay sa kanyang pisngi habang ang siko niya ay nakatukod sa armrest. Nakangisi lang siya habang pinapanood ang confession ni Mr. Kan sa video.

"Hindi! Wala akong ginagawa sa kanya," sabi ni Mr. Kan sa video na para bang may kausap ito.

Ang mga manonood ay tutok na tutok ang mga mata sa screen. Maging si Mrs. Lorenzo ay hindi maialis ang tingin niya sa nagaganap sa screen.

"Oo na! Ito na aamin na . . . a-ako ang pumatay kay Amara. May relasyon kami, okay? Hindi ko sinasadya na mapatay siya habang nagtatalik kami," pag-amin ni Mr. Kan.

Lahat naman ay napaawang ang labi sa naririnig nila sa screen. Si Agasé ay kinuha ang laptop niya mula sa bag niya. In-upload niya na ang full article patungkol dito at ang video, bilang ebidensya, sa kanyang blog site.

Napangisi si Agasé habang inaalala ang ginawa niya. Oo, siya ang kausap ni Mr. Kan sa video. Mabilis na ni-edit ni Ulysses ang video at ang mga parts lang ni Mr. Kan ang nakikita. Hindi rin naman nakilala ni Mr. Kan si Agasé.

Ito ang huling hakbang sa plano niya. Inilagay niya na sa loob ng bag niya ang kanyang laptop. Napangisi siya at muling ibinalik ang atensyon sa screen kung nasaan nagaganap ang video.

"Pinagsisisihan ko na ang mga ginawa ko," ani Mr. Kan sa video.

Sinungaling! Kung pinagsisihan niya na ay sana hindi na nito dinamay si Abigail.

"Guys tignan niyo!" sigaw ng isang babae at tinuro ang flagpole.

Napaawang ang labi nila. Maging 'yan ay kagagawan ni Agasé kaya napangisi na lang siya.

Ngayon ay nakatali si Mr. Kan sa flagpole habang ang itim na boxer short lang suot. Pinapiyestahan ito ng mga estudyante at may kumuha pa ng picture. Palihim naman na natawa si Agasé.

"O-Okay students . . . si Benilde na lang ang mag-announce ng mga nakapasok bukas. Aasikasuhin ko lang muna ang eskandalong nangyari," sambit ni Mrs. Lorenzo.

Tumayo si Agasé at sinukbit ang bag sa balikat. Nakangisi siyang naglakad at sinalubong si Ulysses na nakangisi rin sa kanya.

"Congrats, may katarantaduhan ka nanamang napagtagumpayan," pabirong sambit ni Ulysses.

"I always win, Ulysses. Losing is not in my vocubulary."

"So, I guess . . . it's a mission accomplished?"

Ipinakita ni Ulysses ang kamao, senyas na mag-fist bump sila. Napailing si Agasé bago tuluyang makipag-fist bump sa kanyang kaibiga. Nagkangisihan lang sila.

"Mission Accomplished."

VimLights

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro