Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 19

Chapter 19: Cousin

HINDI alam ni Maia kung nasaan na sila. Pero sigurado siya na nasa siyudad na sila. Dumaan na sila sa mall, malalaking building na sa tingin niya ay mga hotel, at mga building ng malalaking kompanya.

Nakahawak sa bewang niya si Neon habang nasa biyahe sila. Sumandal si Maia sa dibdib ni Neon nang makaramdam siya ng antok. Simula ng nagbuntis siya ay naging antukin siya. Isa pa, gabi na rin at napagod siya sa magdamag. Nakamasid lang si Neon sa dalaga. Hindi niya maiwasang makaramdam ng tuwa.

Bahagyang natuwa si Neon dahil lumalapit na sa kanya ang dalaga. Hindi na ito nanginginig sa mga hawak niya.

"Sleep tight, babe. Medyo malayo pa tayo," sabi ni Neon at hinimas ang buhok ni Maia. Tumango lang ang babae at humikab. Hindi mapigilan ni Neon na himasin ang umbok na tiyan ni Maia. "Lumalaki na ang baby natin. Excited na ako na lumabas siya."

Hindi sumagot si Maia. Humikab lang ito ulit at sumiksik sa dibdib ni Neon. Mariin nitong ipinikit ang mata. Hanggan sa dinalaw na talaga ang dalaga ng antok.

Isang mahinang tapik sa pisngi ang gumising kay Maia mula sa pagkakatulog. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya ang nakangiting mukha ni Neon.

"Babe, nandito na tayo sa mansion namin," sambit ni Neon.

Hindi nagsalita si Maia, hinayaan niya lang na akayin at alalayan siya ni Neon palabas ng sasakyan. Bumungad sa kanya ang isang napakalaking bahay. Nalulula siya sa laki no'n.

"Pasok na tayo, babe." Hinawakan ni Neon ang kamay ni Maia. Wala namang nagawa si Maia kundi ang sumunod sa binata.

"Welcome home, hijo!" bati ng isang ginang kay Neon, ito ang mama niya.

Napatingin si Maia sa ginang. May suot itong mga alahas na kumikinang at napakaganda ng dress nitong suot. Halatang mayaman na mayaman ang ginang.

"Thanks mom. Nandiyan na ba si dad at kuya Lenon?" tanong ni Neon sa ina nito.

"Yes. Kanina pa sana kami magdi-dinner kaso hinintay namin kayo," sabi ng ginang. Maya-maya ay tumingin ito kay Maia. "Ito na ba si Maia?"

"Yes," sagot ni Neon.

"Buntis pala ang girlfriend mo, 'nak."

"Ma, asawa ko na po si Maia. Three months na, magfo-four months na ang tiyan ni Maia, mom."

Napatango-tango ang babae at ngumiti kay Maia. "Welcome to the family, hija."

Hindi alam ni Maia ang sasabihin. Wala naman siyang balak na makilala ang magulang ni Neon. Galit pa siya sa binta, hindi niya ipagkakaila iyon. Pero nakaramdam siya ng hiya dahil magiliw ang pagtanggap ni Mrs. Leviste sa kanya. Wala itong kaalam-alam sa magulong set-up nila ni Neon.

"S-Salamat po, ma'am," nahihiyang sabi ni Maia. Naramdaman niya ang pag-init ng pisngi niya.

"Mama na ang itawag mo sa akin hija. Asawa ka na ng bunso ko."

"S-Sige po . . . m-mama," sambit ni Maia.

Napangiti naman ang ginang at tiningnan ang dalawa. "O ano pang hinihintay niyo? Pumasok na kayo para makapag-dinner na tayo."

Tumango si Neon. Inalalayan niya si Maia papasok ng mansion nila. Sa dining area nila ay nakahain ang maraming pagkain sa mahabang lamesa nila na gawa sa salamin at pilak. Sa kabisera ng lamesa ay nakita ni Neon na nakaupo ang ama ni Neon na si Senator Leviste. Sa kaliwang tabi nito ay isang lalaki na mas matanda kay Neon na mga tatlong taon.

Mas matured ang hitsura ng lalaking nasa kaliwang tabi ng ama ni Neon. Kamukhang-kamukha ito ni Senator Leviste, young version.

"Dad, Kuya, good evening . . ." bati ni Neon sa dalawa.

"Take a seat," utos ng ama ni Neon at iminuwestra ang kamay.

Umupo si Mrs. Leviste sa kanang bahagi ni Mr. Leviste. Sa tabi ng ina niya tumabi si Neon. Si Maia naman ay umupo sa tabi ni Neon.

Nagdasal muna sila bago nag-umpisang kumuha ng pagkain. Si Neon ang nagsandok ng pagkain kay Maia. Tahimik lang silang kumakain hanggang sa nagsalita si Mr. Leviste, ang ama ni Neon.

"Maia, alam mo naman siguro na pinagbili ka ng ama mo sa amin kaya ka napakasal sa anak ko na si Neon. Pasalamat lang talaga ang ama mo at gusto ka ng anak ko, kaya tinaggap ko ang alok niya," sabi ni Mr. Leviste at napailing ng ilang ulit.

"M-May utang po si papa sa inyo?"

Umangat ang sulok ng labi ni Mr. Leviste. "Milyones ang utang ng ama mo sa amin. At hindi lang siya sa amin may utang," sagot ni Mr. Leviste.

Napabagsak ang balikat ni Maia nang marinig iyon. Alam niya na may utang ang papa niya pero hindi niya alam na gano'n kalaki ang utang nito. Napahinto si Maia sa pagkain at nagtanong ulit sa ama ni Neon.

"P-Paano po lumaki ng gano'n ang utang ni papa?" tanong ni Maia.

"Sa casino, nalulong sa sugal ang ama mo, Maia."

Hindi na lang nagsalita si Maia ulit. Hanggang sa natapos ang hapunan nila. Sinamahan siya ni Neon na magpahinga muna sa sala. Doon ay umupo ang kuya ni Neon na si Lenon.

Tiningnan ni Lenon si Maia at ngumisi ito sa kapatid. "Ayos ah, naunahan mo pa talaga ako."

Pinakita ni Neon ang gitnang daliri niya sa kuya niya. "Mabagal ka kasi!"

"Hindi mo naman kasi ako kasing hayok," natatawang sabi ni Lenon kay Neon.

Nagkuwentuhan pa ang magkapatid ng iilang bagay. Lalo na ang patungkol sa love life ni Lenon. Alas onse na no'ng umakyat si Maia at Neon sa kuwarto ng binata.

Nakita ng dalaga ang malaking kuwarto ni Neon. King size ang kama, may walk-in closet, may tv, may sofa, at may banyo. Brown and white ang kulay ng kuwarto ng binata. Malinis ang kuwarto at mabango.

"Maliligo muna ako, Neon," paalam ni Maia lay Neon.

"Sabay na tayo?" tanong ni Neon sa dalaga. May kakaibang ngiti ang binata sa labi.

Hindi kumibo si Maia, bagkus ay pumasok na lang siya banyo. Hinubad niya ang lahat ng damit niya at binuksan ang shower. Maya-maya ay pumasok din si Neon. Hubo't-hubad din ang lalaki. Nakita ni Maia na naglagay ng tubig si Neon sa bathtub.

Lumapit ang lalaki kay Maia at nakisalo sa shower. Hinahalikan niya ang batok ng dalaga habang saby nilang dinadama ang malamig na lagaslas ng tubig.

"Sa bathtub tayo, babe."

Hinila ni Neon si Maia papunta sa bathtub. Unang pumasok si Neonat sumandal sa isang bahagi ng malaking bathtub. Pumasok si Maia sa bathtub. Hinila ni Neon ang dalaga kaya napakandong ito rito.

Nasa likod ni Maia si Neon at pibapapak nito ang batok at leeg ng dalaga. Ang isang kamay ni Neon ay nasa umbok ng tiyan ni Maia at hinihimas ito.

"U-Uhh . . . N-Neon . . ." halos paungol na sambit ni Maia.

"Yes, babe?" tanong ni Neon at nagpatuloy pa rin sa paghalik sa leeg at batok ng dalaga.

"P-Puwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Maia. Napatigil si Neon sa ginagawa nito.

"Tungkol saan?" Sumeryoso at umayos na ng puwesto si Neon.

"Nakapagdesisyon na ako, Neon . . ." Nagpakawala nang malalim na hininga si Maia. Nakatitig lang si Neon sa dalaga at hinihintay ang susunod na sasabihin ni Maia. "H-Hindi na ako tatakas sa 'yo at gagawin ko ang lahat ng gusto mo."

Naawang ang labi ni Neon at ilang beses napakurap. "R-Really? That's nice to hear . . ."

Napalunok si Maia. "B-Basta maging mabait ka lang sa anak natin."

"Of course! Mahal kita at ang anak natin."

Marahang napatango si Maia. "Mabuti naman kung gano'n. May isa pa akong kondisyon . . ."

Umangat ang isang kilay ni Neon. "What is it?" tanong niya.

"G-Gusto kong makausap si Agasé ng personal. M-May importante akong sasabihin sa kanya," wika ni Maia. Naningkit naman ang mga nata ni Neon.

Napasinghap si Neon at hindi niya mapigilan na magtangis ang ngipin niya. "What's with that Agasé, huh? Naiirita na ako sa lalaking iyon, Maia! May relasyon ba kayo?"

Sunod-sunod na napailing si Maia. "W-Wala! May importante lang kaming dapat pag-usapan. Gusto ko rin na makita ang mama ko, Neon."

"No, damn it! Hindi ka makikipagkita sa lalaking iyon." Umigting ang panga ni Neon.

"N-Neon . . ." Humikbi si Maia.

Ilang minuto na walang umimik sa kanila. Tanging ang lagaslas lang ng tubig at hikbi ni Maia ang naririnig ni Neon. Napahugot nang malalim na hininga si Neon. Maya-maya ay hinimas niya ang magkabilang balikat ni Maia. Lumapit ang lalaki sa tainga ni Maia. Damang-dama ni Maia ang hininga ni Neon sa batok niya at ngayo'y malapit na sa tainga niya.

"Kapag ba tinupad ko iyang gusto mo, hindi mo na ako tatakasan kahit kailan?" pabulong na tanong ni Neon kay Maia.

Marahang tumango si Maia. "O-Oo . . ."

"Magpapakasal ka sa akin ulit?"

"Yes."

"Okay . . ." Humugot nang malalim na hininga si Neon. "Makikipagkita tayo sa Agasé na iyon."


NAGLINIS ng condo niya si Agasé kahit hindi pa naman iyon ang araw ng paglilinis niya. Kaya naman siya naglinis dahil papunta na si Benilde sa condo niya.

Isang linggo na ang nakalipas simula nang grumaduate sila ng highschool. Simula no'n ay naging abala na si Agasé sa blog niya na 'Black Label'. Mamaya ay tatawagan niya pa si Ulysses para mai-update nila ang site.

Bahagyang napatalon si Agasé nang tumunog ang doorbell niya. Pinaglandas niya ang daliri sa kanyang buhok. Bahagyang napamura si Agasé sa isip niya dahil hindi pa siya tapos maglinis.

Shit naman! Magulo pa iyong sala.

Binuksan ni Agasé ang pinto. Bumungad sa kanya ang napakaganda niyang girlfriend, si Benilde. Nakalugay ang tuwid na buhok ng dalaga, may hairclip ito na bulaklakin sa kanang bahagi ng buhok nito. Nakasuot ito ng simoleng white t-shirt na may tatak na teddybear sa gitna. May suot itong short na itim na leather at isang simpleng sandals ang suot nito sa paa.

"Ang ganda naman ng baby ko," pagpuri ni Agasé kay Benilde. Namula naman ang pisngi ng dalaga dahil napakalambing ng pagkakasabi no'n ni Agasé.

"Salamat, Aga. Uh . . . a-ang guwapo mo rin."

"Talaga?"

Nagliwanag ang mukha ni Agasé sa narinig niya papuri mula sa kasintahan. Marahan namang tumango si Benilde.

"Pasok ka na, baby." Hinawakan ni Agasé ang kamay ng kasintahan at inakay papasok sa condo niya.

Umupo si Benilde sa sofa. Tumabi naman sa kanya si Agasé at hinagkan siya sa noo. Aminado si Benilde sa sarili, naiilang pa rin siya. Bago pa lang sila ni Agasé pero gusto niya maging mabuting girlfriend sa binata kaya gusto niya makipag-bonding dito.

Para mas makilala nila ang isa't-isa. Para maging mas close sila at mawala ang ilangan.

"Movie marathon?" nakangiting tanong ni Agasé kay Benilde. Lumitaw ang pantay at mapuputi nitong ngipin nang ngumiti ang binata.

"Yes, please! I want some romance movie!"

"Okay."

Sinimulan na ni Agasé na pumili ng palabas at napadpad sila sa isang romance-comedy na pelikula. Nang nag-uumpisa pa lang ang pelikula ay nagluto siya Agasé ng popcorn. Nang makapagluto na siya ng popcorn ay agad siyang bumalik sa tabi ng dalaga.

Tawang-tawa si Benilde sa palabas na pinapanood. Patungkol ang palabas sa isang babae na mula sa future na na-meet ang past self niya. Para itama ang nga nagawa niya, para balikan iyong aksidente kung saan siya nawalan ng malay at pagkagising niya nasa future na siya.

Syempre hindi agad naniwala si past self na iisa sila ni future self. Ang layo nga naman ng hitsura kasi nila sa isa't-isa.

"Halata naman na may gusto si boy kay girl. Nakakainis kasi ang mindset nila na kapag mataba ka pangit ka. Kaya ayan! Hindi niya napapansin si boy," sabi ni Benilde kay Agasé. Pagkatapos ay kumuha ito ng popcorn at kinain.

Natawa naman si Agasé sa dalaga. Kasi mukhang hook na hook ito sa pinapanood. Tumikhim si Agasé bago nagsalita.

"Tinuring niya kasi si boy na bestfriend. Kaya hindi niya naman ini-expect na magkakagusto pala ang bestfriend niya sa kanya," sabi ni Agasé sa kasintahan.

"E kahit na! Hindi niya man lang pinapansin ang effort ni boy."

"Minsan kasi, gano'n talaga. You know, actions without words of confirmation is equal to confusion," kibit-balikat na sabi ni Agasé.

Hindi na kumibo si Benilde at nagpatuloy sa panonood. Hanggang sa malapit na ang ending at may kissing scene na. Halos mabulunan si Agasé sa sariling laway. Napalunok siya nang ilang ulit. Hanggang sa nagsalubong ang mga mata nila ni Benilde.

Naging awkward ang dalawa. May pagitan oa sa kanilang dalawa sa sofa; walang iba kundi ang bowl ng popcorn.

Hanggang sa natapos ang movie at nagkuwentuhan na lang silang dalawa. Tumikhim si Benilde bago ito nagsalita.

"Uhm, Aga . . ."

"Yes?"

"G-Gusto mo ba na may call sign tayo? Like babe or love?" tanong ni Benilde sa kasintahan.

"In my case, I like that. I want us to have a call sign. Pero kasi may iba na ayaw talaga nila sa mga call sign e. Ikaw ba?" Tiningna ni Agasé ang kasintahan. Nakita niyang natigilan ang dalaga, mukhang napaisip ito.

Inipit ni Benilde ang ilang hibla ng buhok niya sa tainga. Pagkatapos ay nagsalita siya. "I like it when you call me . . . baby. It sounds so sweet. Kaya yes . . . okay lang sa akin ang call sign."

"So, baby ang magiging call sign natin?" Umarko ang isang kilay ni Agasé.

Marahang tumango si Benilde. "Y-Yes, baby . . ."

Para bang tumigil ang pag-inog ng mundo ni Benilde nang marinig niya iyon. Bumilis ang tibok ng puso niya. Sobrang sarap sa pandinig ni Agasé na tawagin siya ng kasintahan na 'baby'.

"Please, say it again," pakiusap ni Agasé.

"Huh? Ang alin?" nalilito na tanong ng dalaga.

"You called me . . . baby. I like it—damn! No, that's an understatement! I love it!" Nakagat ni Agasé ang ibabang labi niya.

"I-I love you, baby."

Nanigas si Agasé sa kinauupuan nang marinig iyon. Para bang hindi totoo ang nangyayari, parang isang panaginip. Sobrang bilis ng tibok ng puso nilang dalawa.

"Damn! I love you too . . ."

Nakita ni Agasé ang pagkagat ni Benilde sa ibabang labi niya. Hindi napigilan ni Agasé ang sarili at hinalikan niya ang dalaga sa labi. Agad naman na tumugon ang dalaga sa halik ni Agasé hanggang sa lumalim na ito.

Bahagyang humiwalay si Benilde kay Agasé dahil kinakapos na siya ng hininga. Maging si Agasé ay hinahabol na rin ang paghinga nang maghiwalay ang labi ni ni Benilde.

"T-Teka lang . . . grabe iyong halik mo sa akin, baby." Napanguso si Benilde matapos sabihin iyon. Natawa naman si Agasé sa sinabi ng dalaga.

"I'm just so happy to hear that you love me," sambit ni Agasé at tiningnan ang dalaga na nakanguso at nilalaro pa ang daliri.

"S-Syempre, gusto kita kaya nga naging boyfriend kita e. Ayoko naman makipagrelasyon sa taong hindi ko gusto."

"I'm so lucky to have you . . ."

"Same here, Mr. Favilion."

Nagkulitan pa ang dalawa at nag-usap. Pinag-usapan nila ang mga bagay na ginagawa nila sa kanya-kayang buhay. Katulad ng mga libangan. Tapos napag-usapan din nila ang mga favorite nila. Katulad ng favorite color, food, place, at iba pa.

Hanggang sa nakatulog ang dalawa sa sofa. Magkatabi ang dalawa at si Benilde ay nakayakap sa nobyo. Nakakulong naman sa braso ni Agasé si Benilde at nakahilig sa dibdib ng binata ang dalaga.

Napangiti si Agasé nang makita ang mukha ng dalaga. Nang mapatingin siya sa labas ay t'saka niya napansin na umaga na. Marahan niyang inayos ang pagkakapuwesto ni Benilde sa sofa para makatayo siya. Hinalikan niya muna sa noo ang dalaga bago umalis sa tabi nito.

Agad pumasok si Agasé sa banyo upang ayusin ang sarili niya. Pagkatapos ay dumiretso siya sa kusina upang magluto ng kakainin nila ni Benilde.

"Good morning!" bati ni Agasé kay Benilde nang makita niyang nagising na ang dalaga.

"Good morning, Aga! Puwede ba ako makigamit ng banyo mo?" tanong ni Benilde sa binata.

"Sure. Pagkatapos mo diyan, kain na tayo. Nagluto ako ng sinangag, hotdog, fried eggs, at bacon," nakangit sabi ni Agasé.

"Wow ang dami naman!"

"Syempre! Bubusugin kita e!" nakangising saad ni Agasé.

Napanguso naman si Benilde. "Baka naman tumaba ako niyan!"

"Hindi naman, baby. At kahit naman mataba ka ay mahal pa rin kita."

"Tse! Bolero!" sigaw ni Benilde sa kasintahan at pumasok na sa loob ng banyo.

Inayos ni Benilde ang sarili niya. Pagkatapos ay lumabas siya at sabay silang kumain ng kasintahan niya. Matapos kumain ni Benilde at Agasé ay hinatid ni Agasé ang kasintahan niya sa dorm nito.

Nang nasa labas na sila ng dorm nito. Hinalikan niya muna ang dalaga sa pisngi nito.

"I love you," sambit ni Agasé.

"I love you too, Aga."

"Kita tayo sa wednesday ah? Bonding ulit tayo?" nakangiting pag-aaya ni Agasé sa kasintahan.

"Sure!"

Wala ng mahihiling pa si Agasé. Pinagdaradal na lang niya na sana ay maging normal na ang lahat. Na wala ng sisira pa sa kaligayahan niya.


NASA isang convenience store si Ulysses at Agasé. Nag-iimbestiga pa rin kasi sila patungkol sa pasugalan at paghahanap ng impotmasyon kung nasaan si Maia. Heto sila at nagpaoahinga sandali. Si Ulysses ay kumakain ng malaking ice cream. Sa tingin ni Agasé, half galloon ang sukat ng ice cream.

Siya naman ay donut at isang softdrinks ang kinakain. Naalala naman ni Agasé na wednesday na bukas at may date sila ni Benilde.

Napatigil sa pag-iisip si Agasé at tumigil siya sa pagkain nang biglang tumunog ang cellphone niya.

"Sino 'yan?" tanong ni Ulysses at nginuso ang cellphone niya.

"Neon Leviste . . ." pagbasa ni Agasé sa caller name.

"Weh? Anlakas naman ng lalaking iyan at tinawagan ka pa talaga! Matapos niyang kidnap-in si Maia! Gago amputa!" galit na galit na sabi ni Ulysses.

Napailing lang si Agasé at sinagot ang tawag ni Neon.

"2 p. m. at Pascua Malls. Dito sa isang chinese restaurant sa ground floor. I need to talk to you," walang paligoy-ligoy na sabi ng lalaki.

"Anong kailangan mo sa akin?" maangas na tanong ni Agasé sa lalaki.

"I am with Maia."

"Fuck you!"

"You too! Makipagkita ka sa akin, kakausapin ka ng asawa ko," sabi ni Neon at binaba ang telepono.

Nagtangis ang ngipin ni Agasé. Asar na asar pa rin talaga siya kay Neon Leviste. Tiningnan naman ni Ulysses ang kaibigan. Tinaasan niya ito ng kilay.

"Anong sabi ng gago?" tanong ni Ulysses.

"Makikipagkita raw siya sa Pascua Malls at kasama niya si Maia."

"E tara! Puntahan na natin," sabi ni Ulysses.

T'saka lang sila pumunta sa nang malapit na mag-alas dos. Mabuti na lang at kabisado ni Ulysses ang mall kaya nakita kaagad nila ang chinese restaurant na sinasabi ni Neon.

Agad pumasok ang dalawa sa restaurant. Red, yellow, at brown ang motif ng restaurant. Agad naman nakuha ang atensyon ni Agasé nang makita niya si Maia at Neon na nakaupo sa isang table.

Nakasuot si Maia ng simpleng blue dress at nakalugay ang buhok nito. Si Neon ay nakasuot ng black leather jacket at puting t-shirt sa loob at jeans.

Ang pinakakumuha ng atensyon ni Agasé ay ang umbok na tiyan ni Maia. Naoaawang ang labi niya nang makita niya iyon.

"M-Maia?" bulalas ni Agasé.

Agad naman na tumayo ang dalaga, kasabay niya si Neon. Lumapit si Ulysses at Agasé sa dalawa. Nakita ni Agasé ang paglunok ni Maia.

"Neon, puwede bang iwan mo muna kami nila Agasé at Ulysses . . ." sabi ni Maia sa asawa. Napakunot naman ang noo ni Neon.

"But—"

"Please?" Tiningnan ni Maia si Neon. Nagmamakaawa ang mata ng dalaga kaya naman ay agad na bumigay si Agasé.

"Okay, babe. Doon lang ako sa kabilang table," paalam ni Neon at hinalikan ang noo ni Maia. Marahan namang tumango si Maia.

Nakamasid lang si Agasé at Ulysses hanggang sa lumipat ng ibang table si Neon. Maliit na ngumiti ang dalaga sa dalawang lalaki na nasa harap niya.

"Mukhang inaalagaan ka naman pala ng gagong iyon," sabi ni Ulysses na nakapangalumbaba.

"A-Asawa ko na si Neon at magkakaanak na kami," mahinang sambit ni Maia pero narinig pa rin iyon ng dalawa.

"Paano kayo naging mag-asawa? Pinilit ka niya na pakasalan siya?" tanong ni Agasé at umungata ng sulok ng lalaki.

"O-Oo, ganyan talaga ang nangyari . . ."

"Ay! Gago nga!" nakabusangot na bulalas ni Ulysses.

"Nandito ako para sabihin na hindi niyo na ako kailangan alalahanin. Napagdesisyunan ko na bigyan ng tyansa si Neon na magbago. Gusto ko na bigyan ng buong pamilya ang magiging anak namin. Salamat sa inyong dalawa," naiiyak na sambit ni Maia. Namuo ang mga luha sa gilid ng mga mata niya. Maliit siya na napangiti.

"Mukhang baliw na baliw sa 'yo ang lalaking iyon e," komento ni Ulysses na nakangiwi.

"Napagdesisyunan ko na sumama na kay Neon. Tutal, kasal na rin naman kami . . ."

"Good to hear that. Ang gusto ko lang naman ay maging ligtas ka. Basta hindi ka niya pinipilit o sinasaktan, walang magiging problema," sabi ni Agasé.

"Gusto ko rin makita at malaman kung nasaan si mama."

"I'll give you the address of the hospital. Kayo na Neon ang bahalang pumunta."

"Thank you . . ."

"Iyan lang ba ang pakay mo, Maia?" singit ni Ulysses sa usapan ni Agasé at Maia.

Umiling si Maia. "N-Nandito ako dahil may importanteng dapat malaman si Agasé . . ."

Sa hindi malamang rason ay biglang kinabahan si Agasé. Mabilis na kumabog ang dibdib ng binata.

"Ano iyon, Maia?" tanong ni Agasé.

"M-Matagal na gusto sabihin sa iyo ito. Hindi ko alam kung paano . . ."

Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Agasé. "What do you mean, Maia?"

"A-Agasé, m-magpinsan tayo . . ."

VimLights

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro