Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 18

Chapter 18: Graduation

MABILIS na lumipas ang tatlong buwan. Nasa huling buwan na rin sila Agasé ng klase nila. Sa susunod na linggo ay magsisimula na sila sa pagpraktis sa pagmamartsa.

Hindi maialis ni Agasé ang tingin niya kay Benilde. Lalo kasing gumanda ang dalaga sa paningin niya. Isa pa, sa tuwing tinitignan niya si Benilde ay para bang nawawala ang lahat ng problema niya.

Magkatabi na sila ni Benilde simula pa no'ng acquaintance party. Lagi rin silang nag-uusap ng dalaga. Naiintindihan nito ang mga pinaggagawa niya at minsan ay tumutulong pa ito sa kanya. Tanggap ni Benilde ang mga weird na ginagawa ni Agasé at sinusuportahan niya lang ito.

Kahit abala si Agasé sa paghahanap kay Maia at pag-aalaga sa ina nitong si Sarah. Hindi nakakalimutan ni Agasé na maglaan ng oras sa dalaga, lalo na at nanliligaw pa rin siya.

"Sabay na tayo mag-lunch?" malambing na tanong ni Benilde kay Agasé.

"Yep. Ayos lang ba na kasama sila Ulysses at Agnes?" tanong ni Agasé.

"That would be great!" Benilde giggled.

Nang tumunog na ang bell, magkasabay na lumabas si Benilde at Agasé. Sinalubong nilang dalawa si Ulysses at Agnes na magkahawak ang kamay.

"May lakad ba kayong dalawa?" tanong ni Agasé kay Ulysses at Agnes.

Agad namang nagkatinginan ang dalawa. Pagkatapos ay si Agnes ang sumagot sa tanong ni Ulysses. "Uh . . . oo. Lalabas kami ni Ulysses sana. Pero gusto niyo ba na sabay-sabay na tayo mag-lunch. Okay lang naman hindi ba, Uly?" malambing na tanong ni Agnes sa kasintahan.

"Oo naman, baby. Mas okay nga na kasama natin kumain sila Aga," sagot ni Ulysses.

"Saan tayo kakain?" tanong ni Benilde.

"Sa fastfood?" alanganing suhestiyon ni Agnes.

"Ayos lang naman sa amin. May malapit na fastfood dito," sambit ni Agasé.

"Alright! Puntahan na natin iyong fastfood na iyan. Gutom na gutom na ako," biglang singit ni Ulysses. Natawa naman sila sa sinabi nito.

Agad naman silang pumunta sa fastfood. Um-order sila at nagkukuwentuhan habang kumakain. Minsan ay patungkol sa school, o kaya ay patungkol sa mga kaklase nila.

Hanggang sa pumasok ang may pamilyar na lalaki ang lumapit sa kanila. Nagulat si Agasé at Moi na makita ang lalaki.

"Kuya Fourth?" bulalas ni Ulysses.

Masungit na umangat ang kilay ni Fourth sa kapatid. Nakasuot ito ng black leather jacket, may white tshirt sa loob at nakasuot ito ng jeans. Sa paa nito ay isang brown boots. May kasama itong babae. Kilala ni Agasé ang kasama nitong babae, si Helena Yatco. Nakasuot ng white puff sleeve croptop ang babae ay maong shorts ay naka-heels ito na kulay beige.

"Anong ginagawa mo rito, kuya?" tanong ni Ulysses sa kapatid.

"Hindi ko naman alam na bawal pala ako sa isang cheap fastfood?" maanghang na sagot ni Fourth sa kapatid. May bahid ng sarkasmo sa tinig nito.

"Hindi naman sa gano'n, kuya. Nakakabigla lang na nandito ka."

Hindi sumagot ni Fourth sa kapatid. Napansin ni Agasè na tumutok ang mga mata ni Fourth kay Agnes. Nakatingin ito sa dalaga na tahimik na kumakain ng burger. Naalis lang ang tingin nito ng tumikhim si Helena at biglang nagsalita.

"Ivos, um-order na tayo ng cheap spaghetti. Sorry at dinala pa kita sa place na ito. Hindi ko lang talaga maiwasan na mag-crave sa spaghetti rito," sabi ni Helena at ngumuso ang dalaga.

"Anything you say, Helena."

"Aalis na kayo, kuya? Ito pala ang mga kaibigan ko. Si Benilde, Agasé, at ang girlfriens ko na si Agnes," pakilala ni Ulysses sa kaibigan. Pagkatapos ay hinawakan ni Ulysses ang kamay ni Agnes.

Napatutok ang nga mata ni Fourth sa magkahawak na kamay ni Ulysses at Agnes. Pagkatapos ay umiling lang ito.

"I don't care," sabi ni Fourth at tinalikuran na sila.

Nang makalayo na si Fourth at Helena ay siniko ni Agasé si Ulysses. Binulungan niya ang kaibigan niya. Habang abala si Agnes at Benilde sa pagkain.

"Alam mo iyang kuya mo, napaka-attitude!" bulong ni Agasé.

Natawa naman si Ulysses sa sinabi ni Agasé. Agree na agree siya sa sinabi ng kaibigan niya. "Gano'n yata kapag spoiled at favorite na anak," natatawang bulong pabalik ni Ulysses.

"Uy ano iyang pingbubulungan niyo ha?" nakangusong tanong ni Benilde.

Sabay na natawa si Agasé at Ulysses. Sinagot ni Ulysses ang tanong ni Benilde. "Wala . . . random lang. Huwag niyo na lang kaming pansinin."

"Yep. Kain lang kayo nang kain. Mamaya ay ihahatid namin kayo," ani Agasé.

Nagpatuloy sila sa pagkain. Habang kumakain ay nagkuwentuhan sila. Hanggang sa biglang nagsalita si Ulysses at naisingit ang kuya niya sa kuwento.

"Ang weird lang na nandito si kuya Fourth. Kung si kuya Third siguro ay puwede pa. Si kuya Fourth ay napakaarte, gusto lagi mamahalin. Kaya napapaisip ako kung bakit siya napunta rito?" Napahimas sa baba ni Ulysses. Nilingon naman siya ni Agnes at nginitian.

"Malay mo ay gusto lang ng kuya mo mag-explore ng bago," kibit-balikat na sambit ni Agnes.

"Siguro nga . . ."

Nang matapos ilaa kumain ay agad silang lumabas sa fastfood restaurant. Balak pa sana nila na mag-mall kaso ay may curfew si Agnes at hindi na sila aabot sa oras. At baka mabitin lang ang kasiyahan nila. Isa pa, ayaw ni Ulysses na mapagalitan ang girlfriend niya dahil sa kanya. Nangako siya sa mga magulang nito.

Hinatid ni Ulysses at Agasé si Agnes at Benilde. Pagkatapos ay pumunta sila sa mansyon nila Agasé. May mensahe kasi na natanggap si Agasé mula sa uncle niya. Patungkol ito sa mansyon. Gusto ni Agasé na personal na makausap ang uncle niya patungkol dito.

Kaya agad silang pumunta sa mansyon nila Agasé. Kung saan dating nakatira ang binata. Ang mansyon kung nasaan lahat-lahat ng alaala ng binata.

Napakunot ang noo ni Agasé sa nakita niya. Napanganga siya sa dami ng tao na nasa mansion nila; mga construstruction workers at ilan pang trabahador. Nagsimulang mag-init ang ulo ni Agasé at namuo ang galit sa dibdib niya.

Ayaw niyang pakialam ng mga ito ang mansion ng magulang niya. Iyon na alng ang natitirang alaala ng mga magulang ni Agasé sa kanya.

Pinasok niya ang mansion. Si Ulysses naman ay nakasunod lang sa kaibigan. Ramdam ni Ulysses ang galit ni Agasé. Kilala niya ang kaibigan, pinahahalagahan nito ang sentimental value ng bahay nila.

"Uncle, what the hell is the meaning of this?" galit na tanong ni Agasé sa uncle niya. Magkasalubong ang mga kilay ng binata.

Kalmante lang si Louis at ngumiti. "Agasé, hijo. 'Wag lang mag-alala iniri-renovate lang namin ang mansion ng parents mo."

"Tell your men to stop what they're doing! Wala silang pakikialam sa mansion ng mga magulang ko," mariing bigkas ni Agasé sa mga salita.

Nagsalubong ang titig niya at ng kanyang uncle. Pinantayan niya ang intensidad ng tingin ng uncle niya. Hanggang sa umangat ang sulok ng labi ni Louis.

"My dear nephew, wala kang dapat ipag-alala."

"You're renovating our mansion for what, huh uncle?" Tinaasan ng kilay ni Agasé ang uncle niya.

"Dahil ibebenta na ang mansyon na ito, Aga."

"What? Sa pagkakatanda ko ay pagmamay-ari ko ang mansion na ito. Ginalaw niyo ito ng walang permison ko. Seriously, uncle?" sambit ni Agasé at napabaga nang hindi makapaniwalang hininga.

"Agasé, it's for charity purpose naman."

"Doesn't change the fact that you're buy busting me! Itong ginagawa mo ay walang permission ko. Sa pagkakatanda ko, ako na ang may kontrol sa ari-arian ng mga magulang ko," sabi ni Agasé. Umigting ang panga niya at napakuyom ang kamao.

Nakita ni Agasé na nagsisimula ng mairita ang uncle niya. Mukhang hindi nito gusto ang pagsagot-sagot niya.

"Agasé, ako pa rin ang guardian mo at may kapangyarihan pa rin akong magdesisyon. Hindi pa nalilipat sa pangalan mo ang mga properties—"

"Then, make it fast. Kailangan pabilisin na ang proseso. Kailangan ko alagaan ang iniwan ng parents ko sa akin," mariing sabi ni Agasé. Nakita niya ang paniningkit ng mga mata ng uncle niya.

"Iniisip mo ba na may balak akong kunin sa 'yo ang mga pamana ng magulang mo?" Umarko ang isang kilay ni Louis.

"Hindi ako ang nagsabi niyan. Ikaw ang nagsabi niyan, uncle." Ngumisi si Agasé. Lalong naningkit ang mata ng uncle niya.

"Burn!" singit ni Ulysses.

Sabay na napatingin si Louis at Agasé kay Ulysses. Lukot na lukot ang mukha ni Louis habang napailing naman si Agasé sa kaibigan.  Napakamot ito sa ulo si Ulysses at nag-peace sign.

"Aalis na kami, Uncle. Please, pakisabihan ang mga tauhan mo na itigil ang kung anumang ginagawa nila sa mansyon ko," giit ni Agasé. Pinagdiinan niya ang salitang 'ko'.

Tinalikuran niya ang uncle niya. Pagkalabas ng mansion ay inis na sinipa ni Agasé ang maliit na bato na nakita niya. Nagtatakang tumingin naman si Ulysses sa kaibigan.

"Anong problema mo?" tanong ni Ulysses sa kaibigan niya na yamot na yamot. Gusot na gusto kasi ang mukha ni Agasé.

"Hindi ko gusto ang nararamdaman ko, Ulysses. Hindi ko ring makuha kung bakit pinagdidiskitahan ni uncle ang mansion. Kahit noon pa man. Balita ko ay sumama raw talaga ang loob niya nang kay daddy pinamana ang mansion," kuwento ni Agasé. Huminga siya nang malalim.

"E baka may kayamanan diyan sa mansyon niyo, Agasé?" natatawang sabi ni Ulysses.

Binigyan ni Agasé ng hindi makapaniwalang tingin ang lalaki. "Seriously, Uly?"

"E malay mo lang naman 'di ba? Malay mo may 15 billion pala na tinatago ang pamilya mo."

"E ano namang mayro'n sa 15 billion, huh?" Umangat ang kilay ni Agasé at pinagkrus ang braso ni sa dibdib.

"E 'di mababayaran mo na ang nawawalang 15 billion ng PhilHealth," natatawang sabi ni Ulysses sa kaibigan. Pabirong sinuntok ni Agasé ang braso ng kaibigan.

"Tarantado! Bakit ako ang magbabayad no'n e utang ng gobyerno natin iyon. Isa pa, wala naman siguro kaming hidden billions. Oo bilyonaryo ang magulang ko, pero sa mga negosyo namin nakuha iyon. Hidden billions? I don't think so . . ."

"Bakit naman?"

"Kasi kung mayro'n nga kaming hidden billions, bakit hindi sinabi ni daddy sa akin. Remember, I am the heir of Favilion," sabi ni Agasé at nagtangis ang kanyang mga ngipin.

"Oh easy! Malay mo lang naman 'di ba! Pero kung wala naman talaga kayong hidden billion, bakit pinagdidiskitahan nga ng tiyuhin mo ang mansion ng parents mo?" Napahawak sa baba si Ulysses at napaisip.

"Hindi ko rin alam. Wala akong ideya . . ."

"Hmm . . ."

Tiningan ni Agasé ang kaibigan. "Pero isa lang ang sigurado ko. Hindi maganda ang kutob ko . . ."


HALATA na ang umbok ng tiyan ni Maia. Bagaman hindi maganda ang ang relasyon nila Neon ay lagi pa rin mapagpasensya ang lalaki. Nagkakausap na ang dalawa.

"Nainom mo na ba ang vitamins mo, babe?" tanong ni Neon sa kanya. Marahan namang tumango si Maia.

Nasa kama lang si Maia. Hindi siya masyadong nagkikilos dahil maselan ang pagbubuntis niya. Simula no'ng pumirma si Maia sa marriage certificate nila ni Neon ay hindi na siya pinipilit ng lalaki.

Naramdaman ni Maia ang pagtabi ni Neon sa kanya sa kama. Nakatitig ang lalaki kay Maia. Tapos ay kinuha nito ang kamay ng dalaga at mariin na hinawakan.

"Maia, I am sorry . . ." biglang sabi ni Neon.

"Para saan?" tanong ni Maia kay Neon at umangat ang sulok ng labi ni Maia. "Sa pagpilit sa akin sa sex? O sa pagkulong sa akin dito?"

"Sa lahat . . . I am sorry. Mali ako, Maia. Gusto ko ayusin iyong pagkakamali ko. You see? Magkaka-baby na tayo. I wnat to be a good father, Maia."

"It doesn't make you less wrong, Neon! You raped me! Our baby is a rape baby. Alam mo ba kung gaano kasakit iyon kapag nalaman ng anak natin?" galit na sabi ni Maia at sinuntok sa dibdib ni Neon.

"Kaya nga nandito ako para makipag-ayos. Ayusin natin ang relasyon natin para sa baby natin, please."

"No, Neon! Hindi mo nagi-gets ang punto ko. Mali ang ginawa mo at may kaparusahan iyon sa batas," matigas na sabi ni Maia.

"You want me to surrender to the cops? Hell no! Gusto ko pa makita na lumaki ang anak ko. Kailangan niyo ako, Maia!" giit ni Neon.

Napasinghap si Maia. Ini-expect niya na ang reaksyon na gano'n ni Neon. Sa hindi malamang dahilan ay napatulo ang luha niya. Dahil naalala niya na . . .pareho sila ng anak niya.

"I'm a rape child too, Neon. At sobrang sakit no'n. Para iyong sugat sa kaluluwa ko! Pakiramdam ko ako ang sumira sa buhay ng nanay ko! Kaya galit na galit ako sa tatay ko."

"Pero panindigan naman kita, Maia. Haharapin ko ang lahat para sa'yo, sa inyo ni baby. Hindi ko ipaparamdam sa kanya na unwanted siya o ano pa man. Magiging mabuti akong ama, promise 'yan."

"Neon . . ."

"Alam ko na mali ang ginawa ko. Pero desperado na ako. Tapos nadagdagan oa ng selos sa Favilion na iyon," ani Neon at nagtangis ang ngipin nang banggatin ang apelyido ni Agasé.

Umiling si Maia. "Hindi mo siya dapat pagselosan. Tinutulungan niya lang ako."

"Tinutulungan na magtago sa akin, ha?" Nagsalubong ang kilay ni Neon at matalim na tiningnan si Maia.

"Neon, ayoko sa ganitong set-up. Alam mo naman na wala tayong relasyon, una pa lang. Tawag lang ng laman ang mayro'n sa pagitan natin noon."

"I know! Naging duwag kasi ako para aminin na . . ." Napalunok nang ilang ulit si Neon. Pagkatapos ay tiningnan si Maia. Kitang-kita ni Maia ang paglamlam ng mga mata ni Neon. ". . . na mahal kita. Mahal na mahal kita, Maia. Nababaliw na ako."

"Neon . . ."

Tumulo ang mga luha ni Maia. Magsasalita na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone ni Neon.

"Sasagutin ko lang," paalam ni Neon at hinalikan sa noo si Maia. Pagkatapos ay umalis ito sa kama.

Nakasunod lang ng tingin si Maia habang pinagmamasdan si Neon na pumunta sa balcony. Madilim na sa labas dahil gabi na. Sa hindi malamang rason ay naging emosyonal nanaman si Maia. Hindi siya makapaniwala na sinabi mi Neon na mahal siya nito.

Hindi niya maitatanggi na nagustuhan niya rin ang binata noon. Pero ang hirap na ng sitwasyon nila ngayon. Galit pa rin siya sa binata at hindi pa humuhupa iyon.

Maya-maya ay bumalik na si Neon. Nakita ni Maia na nagpakawala nang sobrang lalim na hininga si Neon bago tuluyang lumapit sa kanya.

"Magbihis ka na, babe," utos ni Neon.

"Huh? Bakit?" naguguluhang tanong ni Maia.

"Aalis na tayo rito," walang emosyong sagot ni Neon kay Maia.

Hindi alam ni Maia kung matutuwa ba siya sa isiping aalis na sila. Nagkaroon ang pag-asa ang puso niya na pinapalaya na siya ng binata. Nakatitig siya sa mukha ni Neon, serumyosong-seryoso ito. Para bang may bumabagabag dito.

"S-Saan ba tayo pupunta, Neon?" tanong ni Maia.

"Sa mansyon namin. Gusto ka makita ng mga magulang ko."


HINDI makapaniwala si Agasé sa natanggap na balita. Sino nga bang mag-aakala na siya ang magiging top one ng klase nila, hindi lang buong klase kundi sa bung grade level nila.

"Ang lupit mo naman talaga! Hindi ka pa seryoso niyan, Aga." Natatawa si Ulysses habang pabirong sinuntok sa balikat ang kaibigan.

Nasa labas sila ng classroom, wala pa kasi ang mga kaklase nila. Siguro ay nag-aayos pa ang mga ito para sa last practice nila ng graduation.

"Tsk! Sa totoo lang hindi ko talaga inaasahan. Congrats din! Ako ang valedictorian, ikaw ang salutatorian," sabi ni Agasé.

"Mukha tayong nagkopyahan!" natatawang wika ni Ulysses. Napailing lang si Agasé at tumawa.

Lumipas ang mga oras at nag-practice na sila. Si Agasé naman ay nag-aalala kung paano siya mag-ispeech sa graduation nila. Hindi niya maiwasan na sumagi sa isip niya ang mga magulang niya.

Hanggang sa dumating na ang araw ng gradution nila. Ang uncle niya ang dumalo sa graduation niya. Nagmartsa na sila at nagsimula na ang program. Iyong pagtawag ng pangalan ng mga estudyante at pag-abot ng diploma.

"Let's all welcome, Our class valedictotian. Agasé Hydrox Favilion," pagbanggit ng emcee sa pangalan ni Agasé.

Nagsipalakpakan ang mga tao. Agad siyang umakyat sa stage at humarap sa mikropono. Tumikhim muna siya bago nagsimulang magsalita.

"Good afternoon everyone!" bati ni Agasé, alas  kuwatro na kasi ng hapon. "I am Agasé Hydrox Favilion, I am eighteen. Kung nanonood kayo ng news, siguro ay nabalitaan niyo na ang tungkol sa pamilya ko. My parents . . . they were murdered. That's why, uncle ko ang kasama ko ngayon."

Tahimik lang ang paligid habang nakikinig sila sa speech ni Agasé. Humugot nang malalim na hininga sa Agasé.

"Habang iniisi ko kung anong sasabihin ko para sa speech ko na ito. Hindi maiwasan na sumasagi si mama at papa sa isip ko. Hinihiling ko na sana . . . s-sana nandito sila. Sana nakikita nila ang tagumpay ko na ito. Kasi sila lang naman ang mayro'n ako. Pero na-realized ko, kung saan man naroon sila mama at papa alam ko na proud sila sa 'kin. I am thankful to gain this award. Thank you to my classmate, teachers, staff, school and  . . ."

Namula si Agasé. Hindi niya alam kung paano itutuloy ang susunod niyang sasabihin. Napalunok muna siya nang ilang ulit bago nagpatuloy.

". . . and to my girlfriend, Benilde. Thank you for being with me. I am grateful to have you."

Si Benilde naman ay napaawang ang labi at namumula. Pero napangiti na lang siya nang masilayan ang ngiti sa mga labi ni Agasé.

"Goodluck to our individual journey. I hope y'all succeed. We can't tell what will happen A wise man named Abraham Lincoln once said, the best way to predict the future is to create it. Let's create it. Let's move to change our future . . . to a better one. May all your wish come true."

Ngumiti si Agasé at tumingin sa mga kaibigan niya na nakaupo sa baba ng stage. Huminga siya nang malalim at mariing pinikit ang kanyang mga mata.

"Thank you . . ."

Nagpalakpakan ang mga tao. Bumaba na si Agasé sa stage at bumalik sa kinauupuan niya. Isang upuan lang ang pagitan nila ni Benilde, si Ulysses lang ang nakaharang sa kanilang dalawa. Hindi maiwasan ng dalawa na magkatinginan. Agad naman umiwas si Agasé ng tingin at namula ang pisngi.

Nagpatuloy ang seremonya. Hanggang sa nagbigay na ng closing speech. Pagkatapos no'n ay sabay-sabay nila hinagis ang sumbrero na kapares ng toga nila.

"Sa wakas, graduate na rin ng highschool!" sigaw ni Ulysses.

Napangiti lang si Agasé. Hindi niya na nakausap ang uncle niya dahil agad din itong nagpaalam kay Agasé. Okay lang naman kay Agasé dahil naiintindihan niyang marami pa itong dapat gawin at naging mahaba ang graduation ceremony nila.

Nakatingin lang si Agasé sa mga ka-schoolmate niya na masayang-masa sa pag-graduate nila. Hanggang sa hindi niya napansin na nakalapit na pala si Benilde sa kanya. Agad naman siyang kinabahan at pinagpawisan.

"B-Benilde . . ."

"So, girlfriend pala!" Pinagkrus ni Benilde ang kanyang mga braso.

"A-Ano kasi . . . advance kasi ako mag-isip."

Unting-unti lumapit si Benilde kay Agasé. Halos isang ruler na lang ang layo nila sa isa't-isa. Nagkasalabong ang mga mata nila. Si Benilde naman ang bumitaw sa tinginan nila at namula ang pisngi nito.

"B-Bakit? Ayaw mo ba totohanin iyong . . . uhh, girlfried?" Namilog naman ang mata ni Agasé sa narinig niya sa binata.

"Syempre gusto. Gustong-gusto ko!"

"E 'di sinasagot na kita . . ." Hindi pa rin nakatingin si Benilde sa binata. Lalong namumula ang pisngi niya.

"Ha?"

Tiningnan ni Benilde ang binata at sinamaan ito ng tingin. "Ang sabi ko, sinasagot na kita. T-Tayo na!"

"Weh?" parang tangang bulalas ni Agasé.

"Gusto mo ba bawiin ko?" Nangunot ang noo ni Benilde.

"Syempre hindi! Oh goodness! Tayo na talagang dalawa? Like, girlfriend na kita? May label na tayo?" Namimilog ang mata ni Agasé habang sunod-sunod ang tanong.

"Oo . . ." nakangusong sagot ni Benilde.

Sa sobrang saya ni Agasé ay mahigpit niyang niyakap si Benilde. Nabuhat niya pa ang dalaga sa sobrang excitement na nararamdaman niya.

"Hala ka! Ibaba mo ako, Aga! Nakakahiya, pinagtitinginan tayo!" Lalong nanulis ang labi ni Agasé.

"What? I am just happy to be with my . . . girlfriend. Damn! Why does it sounds so fucking good?"

Binaba ni Agasé ang dalaga. Mahigpit niya itong niyakap. Naputol lang ang yakapan nila nang may lumapit na lalaki sa kanila.

"Chief! Nakarating ka!" masayang bulalas ni Agasé.

"Congratulations to you, Agasé," bati ni Gideon sa binata. May dala itong garland at sinabit sa.
leeg ni Agasé. May dala ring regalo ang lalaki na nakalagay sa paperbag. "Here! This is my graduation gift to you," inabot ni Gideon kay Agasé ang paperbag.

Inabot naman iyon ni Agasé. "Thank you chief, pero sana hindi ka na nag-abala."

"Nah! That's just a simple gift. Alam mo namang parang anak na ang turing ko sa iyon," wika ni Gideon.

Namangha si Agasé nang mapagtantong isang DSLR camera ang regalo sa kanya ni Chef Delfranco. Lumapad ang ngiti niya.

"Let's use it! Mag-picture tayo . . ."

Inabot ni Agasé kay Gideon ang kamera. Nakiusap siya na picture-an sila ng lalaki.

"1, 2, 3, . . . smile!"

Pinicture-an sila Agasé at Benilde ng chief. Pagkatapos ay si Benilde naman ang nagboluntaryo para picture-an ang chief at si Agasé.

"Smile kayo!" sabi ni Benilde.

Nakailang click ang dalaga. Hanggang sa dumating sila Ulysses at Agnes. Nakiusap ang dalaga sa pulis na kuhanan sila ng larawan.

"Chief, kuhanan niyo po kami ng picture. Kami pong apat," sabi ni Agasé kay Gideon. Tumango nama. Si chief Delfranco at inabot ang camera.

"Okay sige. Lapit kayo ng kaunti sa stage para makita iyong design." Sinunod naman nila Agasé ang sabi ng chief. "Oh ayan . . . smile!"

Sa oras na iyon ay pakiramdam ni Agasé na kompleto siya. Na katulad din ng ibang kabataan . . . kaya niya rin sumaya.

VimLights

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro