CHAPTER 17
Chapter 17: Maid
NAPUTOL ang tawag ni Maia kay Agasé. Sinubukan ni Agasé tawagan ang cellphone ni Neon nang paulit-ulit. Hindi sumasagot ang lalaki, inaasahan na iyon ng lalaki.
Nasa salas sila ngayon ni Ulysses. Pilit nilang tinatawagan ang numero ni Neon Leviste. Pero sa huli, bigo pa rin ang dalawa.
"Ano na? Sumagot na ba?" tanong ni Ulysses kay Agasé. Umiling si Agasé at napahugot nang malalim na hininga.
"Hindi sumasagot."
"Malamang, hindi talaga sasagot iyon. Na-track ko naman na siya. Sugurin na lang natin . . ." sabi ni Ulysses at tumayo sa sofa. Nakasunod lang ng tingin si Agasé sa kaibigan.
"Saan ba iyong na-track mo na lugar nila?" tanong ni Ulysses.
"Sa condo ni Neon Leviste, sa Saturno Condominium," sagot ni Ulysses.
Tumayo na rin Agasé at sinundan niya ang kaibigan. Lumabas sila sa building. Gamit ang motor ni Ulysses ay papunta sila condominium ni Neon. Lumipas ang ilang minuto at nakarating na sila sa condominium ni Neon. Agad nilang pinuntahan ang palapag kung nasaan ang binata.
Nang makarating sila sa condominium ni Neon ay bukas ang pinto, pero wala ng tao sa loob.
"Negative," sabi ni Ulysses.
"Tangina naman!" inis na bulalas ni Agasé. Natadyakan niya pa ang trashcan na malapit sa kanya.
"Saan na tayo?" tanong ni Ulysses.
"Puntahan natin iyong mama ni Maia," sagot ni Agasé. Huminga nang malalim si Agasé bago muling nagsalita. "Nasa hospital daw ang mama ni Maia, sabi ni chief sa akin."
"Saang hospital?"
"St. Miriam Hospital daw. Malapit sa presinto iyong hospital na iyon . . ."
"O ano pang hinihintay mo? Tara na!" sabi ni Ulysses at hinila si Agasé.
Agad nilang pinuntahan ang ina ni Maia sa hospital. Nang makarating sila sa hospital ay naabutan nila ang ina ni Maia na walang malay. May oxygen ito sa ilong.
Hinang-hina at maputla ang ina ni Maia. Ang sabi ni Chief Delfranco kay Agasé, may kanser sa baga si Sarah Natividad. Malala na ang sakit nito, ang bayarin sa hospital ay sinalo ni chief.
"M-Maia . . ." nanghihinang sambit ni Sarah.
Agad lumapit si Ulysses at Agasê sa babae. Nakabukas na ang mga mata nito at nanghihina ito. Pilit itong kumikilos pero napapaaray ito kahit maliit pa lang ang galaw na nagagawa.
"Huwag po muna kayo kumilos, ma'am," ani Agasé.
"Opo, kasi nasasaktan kayo lalo." Inalalayan ni Ulysses ang babae na bahagyang maiangat ang kama.
"A-Ang anak ko . . ."
Hinawakan ni Sarah ang kamay ni Agasé na ikinagulat niya. Tiningnan siya sa mga mata ni Sarah. Nagluluha ang mata ng babae. Kitang-kita ang sakit at pangungulila.
"I-Iligtas mo ang . . . a-anak ko." Tumulo ang mga luha sa mata ni Sarah.
Mariing napapikit si Agasé. Nasasaktan siya sa nakikita niya. Lalong sumidhi ang kagustuhan niya na mailigtas si Maia sa kamay ni Neon Leviste.
"Ililigtas ko po ang anak niya. Ibabalim ko siya sa 'yo."
—
GALIT na galit si Neon. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ni Maia. Namula na ang balat ng dalaga sa diin ng pagkakahawak ng binata rito. Nangingilid ang luha ni Maia habang nakatingin kay Neon. Nanginginig siya at hindi na halos magalaw ang katawan.
"What the hell are you fucking doing?"
"N-Neon . . ."
"Ano pa bang kulang, ha? Fuck! Sino naman ang Agasé na iyon? Doon mo ba ako pinagpalit kaya ganito mo ako tanggihan, Maia? Sumagot ka!" sigaw ng lalaki sa dalaga. Nanginig si Maia sa lakas nang pagsigaw ni Neon. Tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. "Ano? Bakit hindi ka makasagot?"
"H-Hindi, Neon. T-Tama na . . . nasasaktan na ako!" sambit ni Maia.
"Kung hindi ano? Kaano-ano mo iyong lalaking iyon? Ang lakas na makialam sa atin ng isang iyon! Asikasuhin niya ang sarili niyang buhay. Huwag siya makialam sa atin," giit ni Neon.
"T-Tama na! S-Si Agasé ang tumulong sa akin na lumayo sa 'yo. Ikaw! Hindi na ikaw ang Neon na nakasama ko dati," umiiyak na ani Maia.
"So, ang Agasé na iyon ang pakialamero." Bintawan ni Neon si Maia at napasalampak ang dalaga sa sahig. Wala itong ibang ginawa kundi ang umiyak. "Bilisan mo d'yan. Aalis tayo rito!"
Umalis sa sandali si Neon sa salas pero bumalik agad ito at may dalang brown duffel bag. Umalis ito ulit at pagkabalik ay mga famit naman ang dala. Sinuksok ng binata ang mga damit, hindi na ito nag-abala na tupiin pa ang mga iyon.
Nakadalawang balik pa ang binata bago marinig ni Maia ang tunog ng zipper, na ibig sabihin ay sinara na ni Neon ang bag. Hinawakan niyo sa braso si Maia, napaigik ang dalaga pero hindi niya na nagawang umapela pa.
Sunod-sunod ang tawag sa telepono ni Neon. Halos mabato niya na ang cellphone niya, pero naalala niya na kailangan niya ang cellphone kaya pinigilan niya ang sarili. Nakita ni Neon na paulit-ulit ang oagtawag ng isang numero; sigurado siya na numero ni Agasé iyon.
Hinila na palabas ni Neon ang dalaga, ni hindi pa ito nakapag-ayos ng sarili. Mahigpit ang hawak ni Neon sa pulso ni Maia, walang nagawa ang dalaga kundi ang maging sunod-sunuran.
"N-Neon, saan tayo pupunta?" tanong ni Maia.
"Obviously, aalis na tayo rito. Dadalhin kita sa resthouse namin sa Cavite. Ewan ko na lang kung masundan pa tayo ng paepal na Favilion na iyon. Sigurado ka ba talagang wala kayong relasyon ha?" wika ni Neon habang hila-hila ang dalaga.
"W-Wala, Neon. Nagmamagandang-loob lang iyong tao na tulungan ako."
"Bakit? Para saan, huh?"
"Sinabi ko na sa 'yo na ayaw ko ng ganito. Hindi na maganda ang ganito, Neon."
Hindi nagsalita ang binata. Hanggang sa hindi namalayan ni Maia ay nakalabas na sila sa building. May naghihintay na sa kanila sa labas na mamahaling itim na sasakyan. Agad na pinapasok ni Neon si Maia sa backseat at tumabi siya sa dalaga.
Magulo ang buhok ni Maia, nababablot ng pawis, at puno ng luha ang mukha niya. Humihikbi pa rin siya sa loob ng sasakyan, at hinayaan lang siya ni Neon.
"Alam mo na kung saan tayo pupunta," sabi ni Neon sa driver.
"Yes, sir."
Umadar ang sasakyan. Tahimik lang na humihikbi si Maia. Nasa kabilang dulo siya at nakatanaw sa labas ng sasakyan. Si Neon naman ay nasa kabilang dulo. May malaking pagitan sa kanilang dalawa. Hindi na ginulo ni Neon ang dalaga. Hanggang sa nakatulog si Maia sa biyahe.
Ilang oras ang nilagi ni sa daan bago makarating sa resthouse nila Neon. Isang malaking bahay iyon at mayroong dalawang palapag. Light blue at white ang kulay ng bahay at mayroon itong modernong disenyo.
Nagising si Maia mula sa pagkakatulog. Agaf naman hinawakan ni Neon ang palapulsuhan ng dalaga at hinila ito palabas ng kotse. Hindi na nag-aksaya ng oras si Neon at inakay si Maia, agad silang pumasok sa bahay.
"Thi our home, babe."
Hindi makapagsalita si Maia, dahil hindi naman niya alam ang nararamdaman. Gusto niyang umiyak pero para bang wala ng luhang lalabas pa sa mga mata niya.
"Neon, gusto ko ng umuwi. Nag-aalala na ang mama ko sa akin. Siya na lang nag-iisang pamilya ko. Matanda na siya . . . kailangan niya ako," sabi ni Maia. Mapupungay ang kanyang mga mata at sa gulid nito ay namumuo nanaman ang mga luha.
"Maia, I am your family."
"Neon, ano ba! Napaka-selfish mo! Hindi ko nga gusto ang set-up na ito. Hindi kita gusto! Ayaw ko rito!" mariing binigkas ni Maia ang bawat salita.
Nagdilim ang mukha ni Neon. Kumunot ang noo niya at nagsalubong ang kilay. Pagkatapos ay kumuyom ang kamao niya. Pinili ng binata na talikuran na lang ang dalaga.
"Maglinis ka na ng katawan mo. Umakyat ka na sa master's bedroom. Huwag mo na akong galitin. Kanina pa nauubos ang pasesya ko," mariing utos ni Neon kay Maia.
Hindi agad sumunod si Maia sa utos ni Neon. Pero sa huli ay wala na siyang nagawa kundi ang linisin ang sarili. Nawalan na rin siya ng lakas, kahit nakatulog pa siya kanina. Para bang nahigop ulit ang lakas niya. Kaya napagdesisyunan niya na humiga sa kama
Suot niya ay maiksing cotton shorts at white tshirt. Preskong-presko ang pakiramdam ni Maia.
Namangha si Maia dahil malinis na malinis at napakalambot ng kama. Para bang alam na may dadating na bisita. Naging payapa ang pagpapahinga niya. Hanggang sa naramdaman niya na may sumampa sa kama.
Agad nanigas ang katawan ni Maia. Lalo na nang maramdaman niya ang paghimas sa hita niya. Lumingon siya at nakita ang nakangising si Neon. Inaamoy-amoy pa ng binata ang buhok ng dalaga.
"Neon . . . stop, please!" pagmamakaawa ni Maia.
"Hmm . . ." ungol ng binata.
"Neon, please. Ayoko! Tama na please!"
Natamdaman ni Maia ang pagpasok ng kamay ni Neon sa shorts niya. Sinubukan niya itulak ang binata pero talong-talo siya sa lakas nito. Hanggang sa wala siyang nagawa kundi ang magmakaawa habang ginagawa ni Neon ang nais nito sa kanya.
Napaluha si Maia habang pinipigilan ang lalaki. Pero pawang bingi lang ito. Itinuloy pa rin nito ang nais at nagtagumapay ito. Talo nanaman si Maia kay Neon, palagi naman. Wala siyang laban sa lakas ng binata.
—
Lumipas ang ilang buwan ng pagsasama nila ni Neom sa resthouse. Walang palya ang lalaki sa paggamit ng katawan ni Maia. Awang-awa na ang dalaga sa sarili niya. Kasabay no'n ay ang pangungulila niya sa ina niya. Walang oras na hindi sumagi ang ina niya sa isip niya. Sabik na sabik na siya na makita ang ina niya muli.
Bumaba si Maia para kumain. Kumukulo na kasi ang tiyan niya. Naabutan niya si Neon sa baba na naghahanda ng pagkain.
"Good morning, baby! Kain ka na," nakangiting bati sa kanya ni Neon. Inayos nito ang plato ni Maia at pinaghila pa ng upuan ang dalaga.
Walang kibo si Maia. Hindi niya alam kung paano kikibuin ang lalaki. Naging mabait naman si Neon sa kanya. Bukod lang talaga sa kama. Gusto ng lalaki na pinupuwersa siya at laging natatalo si Maia sa lakas ng binata.
"Gutom ka na, baby? Pasensya ka na. Medyo nasunog iyong hotdog." Tumabi ang lalaki kay Maia. Ito ang naglagay ng pagkain sa plato ni Maia.
Tulala lang si Maia hanggang sa matapos sa paglalagay ng pagkain si Neon. Hindi niya malaman kung bakit kanina pa siya wala sa mood. Wala siya sa mood na magmakaawa o makipag-away kay Neon.
Hinimas ni Neon ang buhok ni Neon. Nakatingin siya sa tulala na dalaga. "Kain ka na, baby. Kailangan mo magpalakas. Sorry talaga sa nangyari kagabi . . ."
Hindi kinibo ni Maia ang binata. Nakatitig lang ang dalaga sa pagkain niya. Hanggang sa napagdesisyunan niya na galawin na ang pagkain niya. Kinuha niya ang kutsara at akmang kakainin niya na ang sinangag nang hindi niya magustuhan ang amoy nito.
Napatayo si Maia at mabilis na tumakbo sa lababo sa kusina at sumuka. Binuksan niya ang faucet para sumalok ng tubig pangmumog.
Agad na nag-alala si Neon. Nilapitan niya ang dalaga. Hinimas niya pa ang likod nito. Naiiyak si Maia matapos maduwal. Nakaramdam na rin siya ng pagkahilo.
"You okay?" tanong ni Neon. Kinulong ng binata ang mukha niya gamit ang dalawang palad. Hinawakan ng binata ang pisngi ng dalaga. "You look pale . . . pumunta na tayo sa hospital."
"A-Ayos lang ako Neon," nauutal na sambit ni Maia.
"Pero baby . . . sige na. Ayusin mo sarili mo, pupunta tayong hospital."
Napalunok si Maia at marahan na napatango. Naisip niya na magandang pagkakataon din iyon para makatakas siya sa poder ni Neon. Nang bahagyang kumilos si Maia. Naisip niya na rin na imposible na makatakas siya.
Hilong-hilo kasi siya at umiikot na ang paningin niya. Humakbang siya pabalik sa lamesa kung saan sila kumakain. Pero bago pa siya makabalik sa lamesa ay bumagsak na siya.
"Maia!" tawag ni Neon sa pangalan ng dalaga.
Agad binuhat ni Neon ang dalaga paakyat kuwarto. Pagkatapos ay tinawagan niya ang papa niya. Magpapadala na lang siya ng doctor. Motor niya lang kasi ang mayroon siya. Hindi niya naman madadala ang walang malay na si Maia sa motor.
Tinawagan ni Neon ang papa niya. Mataos ang tatlong rings ay sumagot na ang papa niya.
"Papa, I'm in trouble!" bulalas ni Neon.
"Kailan ka ba tumawag na wala kang trouble? Ano nanaman ang kinasangkutan mo, ha?" tanong ni Senator Leviste sa anak. May bahid ng inis sa boses nito.
"Magpadala ka rito ng doctor sa resthouse sa Cavite, papa. Please, this is urgent. Nahimatay si Maia." Kinakabahan si Neon at naging mabilis ang pagsasalita niya.
"Okay okay! Calm down. Tatawag na ako ng doctor. Stay there!"
"Thanks, dad!
Binaba ni Neon an telepono. Pinalitan niya ang damit ni Maia at pinunasan ito. Kinakabahan siya dahil baka may mangyaring masama sa dalaga. Hindi kaya ni Neon na may mangyaring masama kay Maia.
Makalipas ang halos kalahating kras ay may dumating na doctor, babae ito. Si Dra. Lim, isa sa malapit na kaibigan ng mama niya. Agad dinala ni Neon ang doktora sa kuwarto kung nadaan si Maia.
Nakamasid lang si Neon habang chini-check ng doktora ang kalagayan ni Maia. Nakaramdama ng kaba si Neon nang mga oras na iyon, pinagpapawisan na siya.
"Doc, kumusta? Anong sakit ng girlfriend ko?" tanong ni Neon.
Tumayo ang doktora at ngumiti kay Neon. "Wala soyang sakit, Mr. Leviste. Everythingbis fine. Bibigyan na lang kita ng reseta para sa vitamins," sabi ni Dra. Lim.
"W-Wait! Hindi kita gets, doc."
"Your girlfriend is three weeks pregnant. Congratulations, Mr. Leviste!" Kinamayan ng doktora si Neon. Nakanganga lang si Neon at hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang narinig niya.
Nang makabawi ay agad niya pinasalamatan ang doktora. "Salamat, doc! Aalaagaan ko po siya nang mabuti."
Matapos ibigay ng doktora ang reseta ay saktong nagising si Maia. Bumungad kay Maia ang doktora at si Neon. Agad nilapitan ng binata si Maia.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Neon kay Maia na nakangiti. Napakunot ang noo ni Maia dahil hindi niya maintihan kung bakit gano'n na lang ang ngiti ni Neon.
"A-Anong nangyari? M-May sakit ba ako?" tanong ni Maia na naluluha.
"Shh . . . you're okay. Don't cry, baby. Hindi maganda iyan para sa inyo ni baby," nakangiting sambit ni Neon.
Nagsalubong ang kilay ni Maia sa sinabi ni Neon. "A-Anong baby?"
Nakangiti lang si Neon kay Maia. Hanggang sa tumikhim si Dra. Lim at nakuha ang atensyon nila. Lumapit ang doktora sa dalawa.
"Congratulations to both of you. You're pregnant, Maia."
Nang oras na marinig ni Maia iyon ay pawang tumigil ang pag-inog ng mundo niya. Hidni niya alam kung anong mararamdaman niya. Napaiyak siya sa hindi ni malamang rason. Si Neon naman ay inaalo siya. Isang salita lang ang lumabas sa labi ni Maia at hindi niya alam kung bakit iyon ang naibulalas niya.
"N-No . . ."
—
ISANG buwan na ang lumipas. Pabalik-balik si Ulysses at Agasé sa hospital kung saan naroon ang nanay ni Maia.
Papunta na ang dalawa sa hospital, dumaan muna sila sa isang prutasan para ibili ang ina ni Maia ng prutas. Matapos nila bumili ay agad silang dumiretso sa hospital.
Naglalakad ang dalawa papunta sa kuwarto kung saan naka-admit ang ina ni Maia. Namilog ang ang mga mata ni Agasé nang makasalubong ang dalawang pamilyar na tao.
"Aling Koring? Mang Tasyo?" kunot-noong bulalas ni Agasé.
Napalingon ang dalawang matanda. Ang matandang babae ay nakasuot lang ng dilaw na mahabang saya na abot talampakan at puting kamiseta. Ang matandang lalaki naman ay nakasuot ng itim na kamiseta at lumang pantalon. Parehonng tsinelas lang ang sapin sa mga paa nito.
Napatingin ang dalawang matanda kay Agasé. Awtomatiko na napangiti ang dalawa nang makita si Agasé.
"Agasé, ikaw na iyan?" manghang sambit ni Aling Koring.
Lumapit si Agasé at ngumiti sa babae. "Opo ako na nga po ito. Kumusta po kayo?" Niyakap ng dalawang matanda si Agasé at yumakap naman pabalik si Agasé.
Si Ulysses naman na walang ideya ay biglang sumingit. "Kilala mo sila, Aga?"
Tumango si Agasè. "Dating kasambahay namin si Aling Koring at driver ni daddy si Mang Tasyo. Kaso bata pa ako nang umalis sila. Kaya nagulat siguro si Aling Koring na ganito na ako kalaki." Humalakhak si Agasé at gano'n din si Mang Tasyo.
"Napakalaki mo na. Noong huli kitang nakita ay labingdalawang taong gulang ka pa lang noong huli kitang nakita," nakangiting wika ni Mang Tasyo.
"Napakaguwapo ni Aga, Tasyo! Kamukhang-kamukha ni sir Gregory!" masayang ani Koring at hinawakan pa ang mukha ng binata.
Natatandaan pa ni Agasé na si Manang Koring ang nagbabantay sa kanya kapag may trip ang magulang niya. Si Mang Tasyo dati ang naghahatid sa kanya. Pero bigla ngang nawala ang dalawa. Hindi alam ni Agasé kung bakit umalis sa kanila ang dalawa.
Ang alam niya ay maganda ang kaugnayan ng magulang niya sa dalawang matanda. Palaisipan pa rin sa kanya kung bakit umalis ang dalawa sa mansiyon.
"Ano nga po pala ang ginagawa niyo rito?" tanong ni Agasé sa dalawang matanda.
"Ay! May binibisita lang kami na kaibigan," sagot ni Aling Koring.
Napaangat naman ang isang kilay ni Agasé. Kuryuso siya kung sino ang dinadalaw ng dalawang matanda sa hospital.
"Sino pong kaibigan?" si Ulysses ang sumingit at nagtanong.
"Si Sarah," sagot ni Mang Tasyo.
"Sarah Natividad?" namimilog na mata na tanong ni Ulysses. Napataas pa ang tono ng boses ng binata.
"Kilala niyo si Sarah?" Nagkatinginan ang dalawang matanda. Napakurap pa ang dalawa ng ilang beses.
Sa hindi malamang rason ay hindi nanaman maganda ang pakiramdam ni Agasé. Para bang may kakaiba na nangyayari na hindi niya alam. At iyon ang pinakaayaw niya, iyong wala siyang alam.
"Siya po iyong bibisitahin namin," ani Agasé.
"Ay gano'n! Ang liit nga naman talaga ng mundo."
"Bakit niyo po pala kilala si Sarah Natividad?" kuryusong tanong ni Agasé.
"Kasamahan namin siya sa mansion niyo dati, hijo. Kaso nang ipinanganak ka na ay umalis na si Sarah sa mansion. Hindi ko nga alam kung bakit e," salaysay ni Aling Koring.
Napakunot ang noo ni Agasé at nagsalubong ang mga mata nila ni Ulysses. Napakibit balikat ang kaibigan niya. "What do you mean? Dati naming maid si Sarah Natividad?"
"Oo, hijo."
Napanganga si Agasé sa nalaman. Hindi niya inaasahan na ang ina ni Maia ay dating nagsilbi sa pamilya niya. Wala talagang kaide-ideya ang binata.
Hindi maiwasan ni Agasé namahiwagaan. Noong una, akala niya na ang kaso sa horror house lang ang naging koneksyon ni Maia at niya. Pati ang patungkol sa pakikipagrelasyon ni Maia kay Neon noon na naging problema ng dalaga. Tapos malalaman niya na may koneksyon pala ang ina nito sa pamilya niya noon.
Pakiramdam ni Agasé ay pinaglalapit ang mundo nila ni Maia. Para bang habang patagal nang patagal ay paliit nang paliit ang mundo nila.
This is getting weirder and weirder.
VimLights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro