Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 15

Chapter 15: Birthday

ANIM na buwan na ang lumipas mula nang huling magkausap si Agasé at Maia. Naging maayos naman ang sumunod na mga nangyari.

Tinulungan ni Agasé si Maia at ang nanay nito na si Sarah na makahanap na ligtas na tirahan, iyon ay sa tulong ng sariling pera ni Agasé. Ang pera na ipon niya noon pa man, kahit noong buhay pa ang mama at papa niya.

Gustuhin man ni Agasé na puntiryahin si Neon Leviste at ang ama nito sa blog niya, hindi niya magawa. Iyon ay dahil sa pinoprotektahan niya si Maia at ang ina nito. Sa hindi malamang rason ay komportable at magaan ang loob ni Agasé sa dalaga.

Ngayon ay nagtitipa si Agasé sa kanyang laptop habang sumisimsim ng kape. Hindi ang blog niya ang inaayos niya, kundi ang thesis niya—nila ng mga kagrupo niya. Napatigil siya sa pagtitipa nang biglang bumukas ang pinyo at niluwa no'n si Ulysses.

Napaangat ang isang kilay ni Agasé sa kaibigan. Kitang-kita niya na tumutulo pa ang mga pawis nito.

"Nag-jogging ka ba at pawis na pawis ka? Tanghali na ah. Umaga dapat ang jogging, Ulysses," natatawa at naiiling na sambit ni Agasé.

Pinakita naman ni Ulysses ang gitnang daliri niya kay Agasé. "Gago, hindi ano! May good news ako, Aga. Hindi ka maniniwala rito!" masayang bulalas ni Ulysses.

Napaangat ang isang kilay ni Agasé. "Spill."

"Kami na ni Agnes!" masayang sigaw ni Ulysses. Pulang-pula ang mukha nito at halos mangisay sa kilig.

"Ay, hindi nga kapani-paniwala 'yan. Okay, next . . ."

"Tarantado!" Halos lundagin ni Ulysses si Agasé. Sinuntok ni Ulysses sa balikat si Agasé at natawa lang ang kaibigan niya. "Totoo nga, kami na ni Agnes!"

"Weh? Baka naman nanaginip ka lang."

"Para ka namang gago, Aga! Hindi ako nananaginip! Kagabi niya ako sinagot no'ng nag-date kami," masayang kuwento ni Ulysses sa kaibigan. Hindi naman maiwasan ni Agasé na mapangiti dahil kitang-kita niya ang tuwa sa mga mata ng kaibigan.

"E 'di sana all na lang sa 'yo!" natatawang wika ni Agasé. "Kami kaya ni Benilde . . . kailan kaya?" mahinang bulong ni Agasé sa sarili.

"Bakit kasi hindi mo tanungin si Benilde mismo? Halata namang gustong-gusto niyo ang isa't-isa!" sabi ni Ulysses.

"Hindi naman gano'n kadali 'yon." Napabusangot si Agasé. Sinarado niya ang kanyang laptop at inubos na ang kape na kanina pa niya iniinom.

"Sa bagay . . . maging ako rin ay nahirapan na aminin ang nararamdaman ko kay Agnes."

Napabuga na lang nang malalim na hininga si Agasé at Ulysses. Walang imikan o ingay sa pagitan nila nang biglang tumunog ang cellphone ni Agasé. Nagkatinginan pa ang dalawa bago kuhanin ni Agasé ang cellphone niya.

Napatingin si Agasé sa caller ID, nakita niya ang pangalan ng uncle niya. Napakunot ang noo ng binata dahil hindi niya alam kung bakit siya tinatawagan ng Uncle niya.

"Hello, uncle . . ."

"Agasé, hijo! Kumusta ka na?" tanong ni Louis sa pamangkin niya.

"Maayos naman ako, uncle. Wala po kayong dapat ipag-alala. Bakit po kayo napatawag?" tanong ni Agasé sa tiyuhin.

Tumikhim muna si Louis bago nagsalita. "Hijo, gaganapin na ang ika-labingwalong kaarawa mo sa susunod na linggo. Ibig sabihin ay legal na mapapasaiyo ang mga properties na iniwan ng magulang mo. Katulad ng pera at kompanya," sambit ni Louis.

Muntikan ng makalimutan ni Agasé na malapit na pala ang kaarawan niya. Totoong mapapasakanya na ang mga kayamanan na iniwan ng magulang niya sa kanya. Lahat-lahat ng kayamanan, at hindi na rin kailangan ni Agasé ng permiso ng Uncle niya s lahat ng mga gagawin niya. Wala ng kontrol si Louis sa binata.

"Ayoko naman na hindi natin ipagdiwang ang kaarawan mo. Kaya nagrenta ako ng hotel kung saan gaganapin ang kaarawan mo sa susunod na linggo. Imbetahan mo ang mga kaibigan mo," masayang sambit ni Louis. Natutunugan ni Agasé ang excitement sa boses ng uncle niya.

Natutuwa naman ang binata na nag-abala pa ang uncle niya sa party. Kaya, napagdesisyunan niya na huwag ng tumanggi. "Sige po, uncle. Nakakahiya at nag-abala pa kayo," ani Agasé.

"That's fine, hijo. Basta huwag mo rin kalimutan na dalhin ang date mo." Humalkhak si Louis sa kabilang linga. Hindi maiwasan na Agasé na pamulahan sa sinabi ng Uncle lang. Ang mas matindi ay iisang babae lang ang pumasok sa isip niya, si Benilde.

"Okay, uncle."

"Oh sige na . . . baka naaabala pa kita. Tatawagan na lang kita para sa iba pang detalye," sabi ng uncle niya at ibinaba na ang telepono.

Agad namang nilapag ni Agasé ang cellphone sa study table niya. Naupo siya sa tabi ni Ulysses sa mahabang sofa.

"Anong sabi ng Uncle Louis mo?" tanong ni Ulysses sa kaibigan.

"Magkakaroon daw ng party sa birthday ko next week," simoleng tugon ni Agasé.

"Wow naman! May pa-party ang uncle mo. Invited naman ako 'di ba?" natatawang ani Ulysses.

"Syempre naman! Puwede bang wala ka ro'n?"

"Sabi ko nga."

Naailing lang si Agasé. Matapos ang pag-uusap nilang dalawa ni Ulysses ay napagdesisyunan ni Agasé na puntahan si Chief Delfranco. Isa ito sa tumulong sa kanya na mabantayan si Maia. May mga pinadala itong pulis para bantayan ang dalaga.

Sunakay ng taxi si Agasé para makapunta sa bahay ng pulis. Hindi iyon ang unang beses niya na makapunta sa bahay ng pulis at napag-alam niya rin na mag-isa lang sa buhay si Chief Delfranco.

Nakatira lang ito sa isang simpleng bahay na may pintura na kulay puti. May bakuran at garahe kung saan nakaparada ang itim nito personal na sasakyan. May gate na pula ang bahay ng pulis. Nang makarating si Agasé sa bahay ng pulis ay agad siyang nag-doorbell.

Bumukas ang gate at bumungad si Chief Delfranco. Nakasuot lang ito ng civilian, blue v-neck shirt at basketball short.

"Good afternoon, chief," bati ni Agasé.

Ngumiti si Gideon sa binata. "Mabuti at napadalaw ka, Agasé. Magandang hapon din. Halika, pasok ka . . ." pag-aya ni Gideon kay Agasé.

"Salamat, chief."

Pumasok si Agasé sa simpleng bahay ng pulis.  Napansin ni Agasé na napakalinis ng bahay ng pulis. Naupo si Agasé sa mahabang sofa. Samantalang, binuksan naman ni Gideon ang ilaw at pumunta sa kusina upang ipagtimpla ng juice ang binata.

"Salamat, chief. Hindi ka na po sana nag-abala," sambit ni Agasé.

"Hindi, ayos lang. Bakit ka nga pala napagawi rito?" seryosong tanong ni Chief Delfranco at umupo sa pang-isahang sofa sa kaliwang bahagi ni Agasé.

"Itatanong ko lang kung kumusta na ang pagbabantay kila Maia? At kung may sapat na ba kayong nakalap kay Neon at Senator Leviste na ebidensya kung saan puwede silang ikulong?" Napatango-tanong si Chief Delfranco at uminom ng juice. Pagkatapos ay sinagot nito ang tanong ng binata.

"Nitong nakalipas na anim na buwan, simula ng makuha natin ang statement ni Maia ay wala silang naging kilos na makakapagdiin sa kanila. Pero may punto ang mga pahayag ni Maia, sa tingin ko ay hindi nagsisinungaling ang batang iyon. Ebidensya lang talaga ang kulang . . . hindi sapat ang mga salita niya para idiin ang mag-ama," pahayag ni Chief Delfranco.

"Naniniwala ako sa kanya. Ako mismo ang nakakita kung paano siya na-harass ni Neon Leviste," wika ni Agasé. Mariing napapikit ang binata at huminga nang malalim. "Sa ngayon, ang gusto ko lang ay maproteksyunan si Maia dahil mukhang takot na takot siya kay Neon."

"Makakaasa ka na ginagawa namin ang lahat para maprotektahan si Maia."

Tumango naman si Agasé. "Anyway, nandito rin ako para imbetahan ka sa birthday ko, chief. Next week gaganapin sa isang hotel. Wala pa ang invitation card pero gusto ka na i-inform ka," ani Agasé.

Ngumiti so Gideon kay Agasé. "Salamat sa pag-imbita, Aga. 'Wag kang mag-alala at dadalo ako sa birthday mo."

"Gusto ko lang ulit kita pasalamatan sa pagiging parang ama mo sa akin. Salamat sa pagturing sa aking anak at pasuporta sa akin."

"Walang anuman, Agasé."

Nagkaroon pa ng ulang kuwentuhan si Agasé at Gideon Delfranco. Mayroong patungkol sa tipikal na ginagawa nila sa buhay nila, biruan, at patungkol sa kaso ng mga magulang ni Agasé. Doon ay napag-alaman ni Agasé na wala pang balita tungkol sa mga lalaking hinahinala nila na gang. Iyong mga lalaki na may scorpion tattoo.

Napagdesisyunan ni Agasé na umuwi sa condo niya. Bukas ay may pasok pa siya. Naalala niya rin ang thesis na dapat pang tapusin.


PAUWI na si Maia sa resthouse kung saan pansamantalang pinapatuloy sila ni Agasé. May kalayuan iyon sa eskuwelahan nila pero tiniis na lang ni Maia, basta maging ligtas lang kay Neon. Isa pa, ay nakakuha ang dalaga ng cash assistance mula sa scholarship niya kaya  nagtitiyaga siya.

Gabi na at madilim ang daan. Na-traffic kasi si Maia. Isang sakay na lang at makakauwi na siya kaso ay wala ng dumadaan na sasakyan.

"Shit! Ang malas naman!" bulalas ng dalaga.

Naghintay pa ng ilang minuto ang dalaga. Hanggang sa may isang Lamborghini na sasakyan na papalapit sa direksyon ni Maia. Napaawang ang labi ni Maia nang mapagtanto kung kanino ang sasakyan na iyon. Naestatwa si Maia, sinubukan niyang igalaw ang binti pero parang nakasemento ang binti niya.

"H-Hindi maaari . . ."

Sinubukan ni Maia na umalis sa direksyon na iyon. Pero tuluyan ng pumarada ang Lamborghini. Lumabas ang tao na ayaw niyang makita. Nangilid ang mga luha sa mata ni Maia.

"Oh babe, miss me?" Ngumisi ang lalaki at kasabay no'n ay paglagabog ng puso ni Maia.

"N-Neon . . ."

Tatakbo na sana si Maia pero nahuli na ng binata ang bewang niya. Mahigpit na hinawakan ni Neon si Maia. Mas malakas ang lalaki kaya madali niyang naikulong sa bisig niya ang dalaga. Sinubukan ni Maia na magpumiglas pero walang epekto.

"Of course, you miss me."

Pinaulanan ng halik ni Neon si Maia. Pilit namang umiiwas ang dalaga. Ipinilig niya ang ulo niya para hindi siya mahalikan ni Neon. Pero wala talaga siyang laban dahil dinakot ni Neon ang baba niya at puwersahan na pinag-isa ang labi nila.

"Hmp! T-Tama na . . . a-ayoko, Neon!" pag-awat ni Maia sa lalaki at pilit na tinutulak.

Binuksan ni Neon ang backseat habang hindi pinakakawalan si Maia. Binuhat niya ang dalaga at itinapon papasok sa upuan sa backseat. Pagkatapos ay pumasok ito at kinubabawan ang dalaga. Sunod-sunod naman na napalunok si Maia

"Tsk! Hindi ko naman alam na may bantay ka pala. Don't worry babe, naligpit ko na sila. Wala ng mata na nagbabantay sa 'yo," inis na bulalas ni Neon. Lumukot ang mukha nito. Halata ang pagkairita sa kanyang mga mukha. "Buti na lang at walang masyadong tao rito. Magagawa natin ang favorite hobby natin. You know, I miss you . . ."

"Stop it, Neon! Ayoko ng ganito. Ayoko nito!"

"I don't care, babe. You're mine!" giit ni Neon.

"I'm not!"

Walang habas na pinunit ni Neon ang suot na uniporme ni Maia. Umiyak ang dalaga nang marinig niya ang oagkapunit ng uniporme niya. Pagkatapos ay hinila ni Neon ang panty niya.

Walang pasabi at pinaulanan siya ng halik ng lalaki. Parang bingi ito sa mga pagmamakaawa ni Maia na tumigil siya. Walang pakialam si Neon sa iyak ni Maia at mukhang nag-ienjoy pa sa mga pinaghalong iyak at halinghing ng dalaga.

"You're still tight as fuck! I can't get enough of you," bulalas ni Neon. Parang isang mabagsik na hayop ito na umungol.

Nang matapos na si Neon sa ginagawa sa dalaga ay napasandal ito sa upuan. Punong-puno ng pawis ang katawan. Pero nagawa pa rin nito na ikulong dalaga sa bisig niya habang parehong walang saplot ang dalawa. Humihikbik ang dalaga dahil sa nangyari na hindi naman niya gusto.

"B-Bakit mo ba ginagawa ito ha?" umiiyak na tanong ni Maia kay Neon.

"I am doing this because I love you. Isn't that obvious, babe? I want you . . ."

"This is not love . . ." umiiyak na sambit ni Maia.

"Your father already sold you to me. It means, akin ka na. Akin ka lang, Maia," giit ni Neon. Pagkatapos ay mahigpit nanaman siya na kinulong ng lalaki sa bisig nito.

"N-No! P-Pakawalan mo ako, Neon!"

"Akin ka, babe! Kahit anong gawin mo ay sa akin talaga ang bagsak mo. You see, tadhana na ang gumagawa ng paraan sa atin? You're mine. It means that, I can fuck you all I want and we will make cute babies. You like that, hmm?"

"Gago ka! Ayoko! Tumigil ka na, please! Nababaliw ka na, Neon. Hindi pagmamahal ito. You're already obssess!"

"I am! At gagawin ko ang lahat maging akin ka lang. Oh . . . akin ka na pala talaga. Like what I'd said, your father sell you to me."

Nanginig si Maia sa narinig. "W-Wala akong . . . ama! W-Wala!" Humagulgol si Maia habang pilit nagpupumiglas kay Neon.

"Pareho nating alam na may ama ka, babe. Huwag mo naman itanggi ang papa mo. He's my father-in-law, you know!"

"Tangina mo! Pareho kayo na demonyo!" Ngumisi lang si Neon sa pagsigaw ng Maia. Wala siyang pakialam sa galit ni Maia. Inilihis pa nito ang topic.

"Shh, babe! Don't worry, okay? Nabitin ka ba sa quicky natin? Itutuloy naman natin e. Iuuwi na kita," mala-demonyong ngumisi si Neon. Namilog ang mata ni Maia sa sinabi ni Neon. Akmang sisigaw na si Maia nang siilin siya ni Neon ng halik. Hindi naman tumutugon si Maia sa halik ni Neon.

Nilabas ni Neon ang panyo na may pampatulog. Humiwalay sa halik si Neon at tinakip ang panyo sa ilong ni Maia. Makalipas ang ilang minuto ay napatulog ang dalaga.

Dinala ni Neon si Maia sa isa sa condominium niya na hindi niya masyado nagagamit. Doon niya dinala ang dalaga. Pinalitan niya ang damit ng dalaga at tinabihan ito sa kama.

"Akin ka . . ." bulong ni Neon sa mahimbing na tulog na si Maia.

Matutulog na sana si Neon pero biglang nagising si Maia. Takang-taka ang dalaga kung nasaang lugar siya napadpad.

"Nasaan tayo, Neon?" tanong ni Maia. Nagtangis ang mga ngipin nito at lumukot ang mata.

"Our home! Dito nating gagawin ang mga babies natin—" Naputol sa pagsasalita si Neon dahil dumampi ang mga palad ni Maia sa pisngi ni Neon.

"Hayop ka! Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo, Neon. Pakawalan mo ako, ayaw ko rito!" sigaw ni Maia.

Hindi naman ininda ni Neon ang sampal at sigaw ni Maia. Napahimas lang siya sa nasampal na pisngi at ngumisi siya.

Tumalim ng titig ni Neon kay Maia. Dinakot niya ang baba ng dalaga. Mariin niyang pinisil ito at diretsong tinitigan ang dalaga sa mga mata nito.

"Listen to me, Maia. You're mine! Pinagbili ka na ng tatay mo sa akin. Kung susubukan mo na tumakas dito, hindi ako magdadalawang-isip na patayin ang nanay mo," mariing sabi ni Neon kay Maia. Mala-demonyong nginisihan niya ang dalaga.

Tumulo ang luha ni Maia sa kanyang mga mata. "P-Please . . . huwag!"

"Madali namab ako kausap, babe. All you have to do is to obey at my rules. Rule number one, hindi mo ako tatanggihan sa kama. Langalawa, hindi ka tatakas dito. Pangatlo, bawal ka lumapit sa kahit sinong lalaki. Akin ka, Maia. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"P-Please, huwag mo idamay si mama."

"Of course! Sundin mo lang ang rules ko, okay?"

Wala sa loob na natango si Maia. Kailangan niya sakyan at sundin si Neon. Kung hindi ay mapapagamak ang nanay niya. Ayaw ni Maia na mangyari iyon dahil ang nanay niya na lang ang mayroon siya.

"Good girl," sambit ni Neon at mapalad na ngumisi.


NAPAKARAMING tao ang nasa hotel. Hindi makapaniwala si Agasé na gano'n karami ang iimbitahan ng uncle niya. May mga businessman, politician, and social elites. Napakaraming tao ang nasa party.

Walang motif ang party, basta formal lang ang suot. Hindi inaasahan ni Agasé na sobrang laki ang gastos para sa party niya. Isang linggo lang ang paghahanda at nasaksihan ni Agasé kung gaano kalaki ang ginastos para sa party niya.

"Ladies and gentleman, let's all welcome the celebrant, Agasé Hydrox Favilion. My nephew and the only heir of the Favilion's legacy," pakilala ni Louis sa pamangkin. Kasunod no'n ay ang ang masigabong palakpak ng mga tao.

Unti-unti namang naglakad si Agasé pababa sa hagdan. Pormal lang ang bukas ng kanyang mukha, walang ngiti sa mga labi niya. Nang makababa siya ay ngumiti ang uncle niya at inabot sa kanya ang mikropono. Tiningnan siya ng uncle niya. Nakuha naman agad ang ibig sabihin ng tingin na iyon.

"Good evening everyone! I am Agasé, the heir of Favilion. Thank you for coming in my birthday party." Matapos bigkasin ni Agasé iyon ay nagpalakpakan ang mga tao.

Agad naman na kinuha ng uncle niya ang mikropono at ito na ang nagsalita. Mahaba pa ang sinabi nito pero sa huli ay nagbigay na ito ng hudyat.

"So what are we waiting for? Let the party begins!" Itinaas nito ang wine glass ba may lamang champagne.

Nang sinabi iyong ng uncle niya ay may nagsipuntahan na sa dancefloor at sumayaw. Pormal na sayaw ang sayaw ng mga ito. May mga nag-uusap din at nagbabatiin. Napaangat ang sulok ng labi ni Agasé, alam niya na normal lang iyon sa mga negosyante at politiko. Normal lang ang pakikipagplastikan at  pagkukunwari na gusto nila ang isa't-isa.

Napailing na lang si Agasé. Agad na hinagilap ng mga mata niya si Benilde. Nang makita niya si Ulysses sa mga tao ay agad niya iyong nilapitan.

"Agnes, Ulysses!" bati ni Agasé sa dalawang kaibigan.

"Oh birthday boy! Happy birthday, man!" bati ni Ulysses sa kaibigan at ngumisi. Nakipag-fistbump ito at tinugon naman ni Agasé.

"Nasaan si Benilde?" kunot-noong tanong ni Agasé.

P"Nagbanyo lang siya, Aga," sagot ni Agnes. Tumango naman si Agasé. "Ay! Ayan na pala ang hinahanap mo, Aga."

Nang lumingon si Agasé at nakit niya si si Benilde. Nakasuot ang dalaga ng black mermaid gown at sa mukha nito ay may manipis na make-up. Nakaikot ang buhok nito sa ulo at nakatirintas. Iilang hibla lang ang nakabagsak sa mukha nito. 

"Uhm . . . pinahiram lang ni Agnes itong gown," sambit ni Benilde habang namumula ang pisngi. Hindi naman maiwasan ni Agasé na mapangiti sa ikinilos ng dalaga. "A-Ayos lang ba ang hitsura?"

Agad niya hinwakan ang dalaga sa bewang at nginitian. "Kahit ano namang suotin mo ay ikaw lang maganda sa paningin ko."

"Smooth!" singit ni Ulysses. Kasabay pa no'n ay angbpagtawa ni Agnes. Agad namang sinamaan ng tingin ni Agasé ang dalawang kaibigan.

"May regalo pala ako sa 'yo. Happy birthday!" bati ni Benilde at may inabot na paperbag kay Agasé.

"Salamat pero sana ay hindi ka na nag-abala."

"S-Sana magustuhan mo . . ."

Marahan na binuksan ni Agasé ang regalo ni Benilde. Namilog ang mata niya nang makita ang regalo ni Benilde. Hindi niya inaasahan ang gano'ng regalo. Isang lotus lamp ang regalo ni Benilde sa kanya.

Isa iyong parihabang lamp na gawa sa kahoy at sa loob ay mayroong hugis lotus at ang ilaw na nilalabas niyon ay pink. Napangiti si Agasé habang pinagmamasdan ang regalo ni Benilde sa kanya.

"A-Ako ang gumawa niyan. S-Sana ay na gustuhan mo," ani Benilde.

"Oo naman! Ang ganda at magaling ang pagpapagawa. Walang halong biro."

"T-Talaga?"

Binalik ni Agasé ang lamp sa loob ng paperbag. Hinagkan niya ang dalaga at bumulong dito. "Iyong nandito ka lang, sapat na regalo na. Salamat sa pagdating sa buhay ko, Benilde."

"Agasé . . ."

"Best birthday ever!"

Naputol ang pagyayakapan nila nang tumikhim si Ulysses. Kasabay rin no'n ay ang pagsulpot ni Chief Gideon Delfranco. Seryoso ang mukha nito

"Chief, buti po nakarating kayo," bati ni Agasé sa lalaki. Tumango lang ito.

"Puwede bang mag-usap muna tayo . . ." Napatingin ang lalaki sa paligid niya. " . . . na tayong dalawa lang."

Napatingin si Agasé sa mga kaibigan. Sinenyasan siya ng mga ito na ayos lang na iwan sila ni Agasé. Nginitian naman ni Agasé ang mga kaibigan at sumunod kay Chief Delfranco.

Nang makalayo at marating ang madilim na parte ng party, nagsimulang magsalita si chief. "I have a bad news, Agasé."

Napaangat ang kilay ni Agasé. "What?"

"Isang linggo ng nawawala si Maia."

VimLights

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro