CHAPTER 12
Chapter: Chase
NAKALABAS na ng hospital si Benilde at Agasé. Simula nang lumabas ang dalaga sa hospital ay todo ang pag-aalaga ni Agasé rito. Napakapasok naman si Benilde sa school, kaya nga lang ay hirap ang dalaga kaya todo ang pag-iingat ni Agasé rito.
Nasa loob ng classroom si Agasé at may klase sila sa Biology. Pero ang totoo ay lumilipad ang utak niya dahil si Benilde ang laman at ang inaasikaso niyang mga content para sa blog niya.
Tumunog ang bell na senyales na tapos na ang klase. Nagpaalam na ang teacher nila sa kanila. Nagsitayuan na rin ang mga kaklase ni Agasé at sinukbit ang bag nila sa kanilang balikat. Hanggang sa may kumatok na mga kapwa estudyante.
"Hi guys! Excuse lang sandali. Mayroon lang kaming brief announcement," wika ng isang babae. May suot ito na headband sa ulo.
Tatlo ang estudyante na nasa harapan nila Agasé ngayon, isang babae at dalawang lalaki. Iisa lang ang kulay ng damit, maroon. Nakasulat doon sa damit na SSG Officers. Sa kanang braso nila ay may puting tela. Naupo ang mga kaklase ni Agasé at nakinig sa anunsyo ng mga estudyante.
"Good day, El Malaya students. I am Lina, SSG Vice President. Magkakaroon po tayo ng acquiantance party, sa fourth year and third year. Ang theme ng party ay masquerade at sa suot ay dapat red, black, and white. Kailangan na sundin ang theme," pahayag ng babaeng nagngangalang Lina.
"Ako naman si Gino, ang SSG Treasurer. Magkakaroon ng bayad para sa gaganaping party na two thousand pesos, kasama na ro'n ang food."
Ngumiti ang SSG Vice President na si Lina at nagsalita ulit. "Magaganap ang party next week, saturday, around 5 p.m. to 12 midnight. Sa Lexus Hotel gaganapin ang party."
"May tanong pa kayo, guys?" tanong sa kanila ni Gino, ang treasurer.
Wala namang nagsalita sa klase nila Agasé. May binigay lang na papel sa kanila ang mga officers. Waiver iyon para sa party. Nang matapos na ipamigay iyon ay nagsalita ulit ang mga officer.
"Thank you so much for giving us time. If you have questions, you can ask and raise your concern in the SSG officers. Just go to the SSG room near the principal's office," Lina said and smiled.
Nang makaalis na ang mga officers ay agd tumayo si Agasé para puntahan si Benilde. Hindi pa tumatayo ang dalaga, mukhang masakit talaga ang tagiliran. Sinabihan na ito ni Agasé na huwag na muna pumasok pero matigas ang ulo ni Benilde at talagang nagpumilit ito pumasok.
Walang nakakaalam sa nangyari kay Benilde bukod sa kanilang dalawa. Sinabihan sila ni Chief Delfranco na ilihim iyon habang hindi pa nahuhuli ang may sala.
Lumapit si Agasé kay Benilde na nakaupo lang sa isang sulok at nakayuko. Lumuhod siya sa harap ni Benilde, ang isang tuhod niya ang nakadikit sa sahig. Sinilip niya ang mukha ng dalaga at kitang-kita niya ang pagngiwi nito sa sakit.
"You're not okay. Ihahatid na kita. Can you walk?" tanong ni Agasé sa dalaga.
Namumutla na ang mukha ni Benilde. Tumnago lang ito at pilit na tumayo. "Kaya ko naman, Agasé. Salamat sa pag-alalay sa akin."
"Do you want me to carry you?"
"Huh? 'Wag na! Nakakahiya naman yata iyon," namumulang sambit ni Benilde. Todo rin ang iling ng dalaga.
"Pero nahihirapan ka, Benilde. Ayoko na mahirapan ka."
"Kaya ko naman e. Alalayan mo na lang siguro ako kasi mahapdi pa rin talaga at malakas ang dugo," saad ni Benilde. Tumango naman si Agasé at inalalayan ang dalaga.
Nakahawak siya sa bewang ni Benilde, para hindi masanggi ang sugat ni Benilde. Sa taas na bahagi ng bewang ni Benilde ay nandoon ang sugat nito. Si Ulysses ay nakasandal sa pinto at nakangisi. Binigyan nito ng nanunudyong tingin si Agasé at Benilde.
"Ay! Sana halls!" bulyaw ni Ulysses kay Benilde at Agasé. Agad namang sinamaan ng tingin ni Agasé si Ulysses dahil sa pang-aasar nito. Lalo lang tinawanan ni Ulysses ang kaibigan.
Hinatid ni Agasé si Benilde sa dorm nito. Agad niya sinabihan ang dalaga na magpahinga dahil kitang-kita ang pamumutla dalaga. Nang masigurado niya na nakapasok na ang dalaga sa dorm nito ay agad na pinuntahan ni Agasé si Ulysses.
Nagkita sila sa 7eleven na malapit. Dala ni Ulysses ang motor nito. Naabutan ni Agasé ang kaibigan na kumakain ng ice cream.
"Ulysses," pagtawag ni Agasé sa kaibigan.
Agad naman nilingon ni Ulysses ang boses na tumawag sa kanya at nakita niya si Agasé. Agad na ngumisi si Ulysses. "Ba't ansama ng mukha mo? E ang sweet niyo nga ni Benilde. Kayo na ba? Aba, Agasé! Sa akin ka pa talaga naglilihim ah," ani Ulysses. Napailing lang si Agasé sa kaibigan.
"Andami mong alam, Ulysses! E ano naman kung kami na? Kayo nga ni Agnes ay wala pa ring usad," pang-aasar ni Agasé sa kaibigan. Napasimangot naman si Ulysses sa kaibigan.
"Ay gano'n! May pag-atake? Yabang nito! Porke't naka-iskor na kay Benilde!"
"Hoy hoy! Anong score na sinasabi mo d'yan! Tinulungan ko lang si Benilde 'no! Napakarumi ng utak mo, Uly," wika ni Agasé. Pagkatapos ay sinuntok nito sa balikat ang lalaki.
"Aray! Ikaw ha, sa 'yo ang marumi! Utak mo ang marumi. Wala pa nga akong sinasabi e. Guilty ka na agad d'yan." Malakas na tumawa si Ulysses dahil sa reaksyon ng kaibigan.
"Kanina ka pa nang-aasar ha!"
"Asar-talo ka naman."
"Wala naman kasing malisya iyon. Ikaw itong kung ano-ano ang nasa isip," sabi ni Agasé at pinandilatan ng mata ang kaibigan. Humalakhak naman si Ulysses at pabirong sinutok ang balikat ng kaibigan.
"Kuwento mo sa pagong! Siguro ay enjoy na enjoy ka habang hawak mo bewang ni Benilde. Aba! Nag-date pa kayo tapos magkasama pa kayo sa project. Naks! Bumi-bingo ko ka yata!" Tumawa nang malakas si Ulysses. Napailing na lang si Agasé.
"Wala naman akong ginagawang masama," wika ni Agasé.
"Sino bang nagsabing mayro'n kang ginawang masama. Hindi naman ako!"
"Tapusin mo na nga 'yang ice cream mo. Pupunta pa tayo sa mansion ni Uncle. May kailangan akong papirmahan sa kanya, itong waiver para sa party," sabi ni Agasé. Napatigil si Ulysses sa pagkain ng ice cream at binigyan ng nagtatakang tingin ang kaibigan.
"Pupunta ka?"
"Yes, aayain ko si Benilde na ka-partner ko," sagot ni Agasé.
"Iba talaga siya oh!" tudyo muli ni Ulysses sa kaibigan. Napairap si Agasé dahil sa ginawa ng kaibigan.
Nang matapos kainin ni Ulysses ang ice cream nito ay agad silang dalawa na sumakay sa motor ni Ulysses. Papunta sila ngayon sa mansyon ni Uncle Louis. Kakausapin din ni Agasé ang tiyuhin patungkol sa negosyo ng nga magulang niya na naiwan. Alam ni Agasé na hindi niya puwedeng pabayaan iyon.
Nang makarating sila sa labas ng mansyon ay agad naman silang nakilala ni Ulysses. Pagkatapos, ay inanyayahan sila pumasok ng guard. Pagkapasok nila ay may umagaw sa atensyon ng kaibigan ni Agasé.
"Gandang kotse ah! Black Lamborghini!" bulalas ni Ulysses.
Napatingin si Agasé sa kotse, totoong maganda nga iyon at halatang mahal ang presyo, sa hitsura pa lang. Hindi alam ni Agasé kung sa tiyuhin niya ba ang kotse o may bisita ito. Pero kung meron man, halatang mayaman ang bisita nito. Posibleng kaibigan o kasosyo sa negosyo.
"Mas maganda pa ito sa kotse ni kuya Third at Fourth. Ang angas! Sana magkaroon din ang ako ng ganitong kotse," sambit ni Ulysses habang ang mga mata ay nakatutok sa kotse. Talagang manghang-mangha ito sa kotse. Nang makabawi ay binaling nito ang tingin kay Agasé. "Sa Uncle mo ito?" tanong ni Ulysses.
Nagkibit-balikat si Agasé. "Honestly, I don't know. Kung kanya nga 'yan, siguro ay bagong bili lang. Ngayon ko lang nakita ang kotse na 'yan."
"Mahal ito ah!" sambit ni Ulysses.
"Obviously . . ."
Matapos ni Agasé sabihin iyon ay agad na pumasok siya sa masyon ng Uncle Louis niya. Walang tao sa sala at ang nga abalang katulong lang ang nandoon. Lumapit si Agasé sa isang kasambahay.
"Nasaan po si Uncle Louis?" tanong ni Agasé.
"Señorito Agasé, nasa study room niya po si sir," sagot ng isang matandang katulong.
Tumango si Agasé. "Salamat po."
Agad umakyat si Agasé sa ikalawang palapag ng mansyon at pinuntahan ang study room ng Uncle Louis niya. Nang malapit na siya sa pinto ay napansin niya na bukas ito. Nasilip niya na ang Uncle Louis niya ay may kausap. Walang ideya si Agasé kung sino iyon dahil mukha lang ng Uncle niya ay nasisilip niya.
Kumatok siya ng tatlong beses. Walang naging tugon. Kaya, kumatok ulit siya. Nagbukas na nang malaki ang pinto at bumungad si Louis. Bahagya pa itong nasurpresa na makita ang pamangkin na si Agasé.
"Agasé, hijo!" bulalas nito.
"What's up, uncle?"
"I-I'm okay, come in!" sabi nito sa binata. Tumango si Agasé at pumasok.
Doon napansin ni Agasé na puno ng painting at libro ang study room ng uncle niya. Isa lang ang bukas na bintana. Kaya medyo madilim ang kwarto kahit tirik naman ang araw sa labas.
Nang makapasok si Agasé ay nakita niya na ang kausap ng Uncle niya. Isang lalaking nasa early twenties. Tumayo ang lalaki, mukhang balak makipagkamay kay Agasé. Doon napansin ni Agasé na mas matangkad ang lalaki sa kanya ng ilang sentimetro.
Makinis at maputi ang lalaki. Matangkad na maiisip mo na basketball player ito. Matangos ang ilong at itim na itim ang kulay ng mga mata. Makakapal ang kilay at ang isang kilay nito ay may hiwa sa gitna. Ang bukas ng mukha niyo ay bad boy. Sa palagay ni Agasé, nasa kolehiyo na ang lalaki.
"Uhm, Agasé hijo. This is Neon Leviste," pakilala ni Louis sa isa pang binata.
"Neon Leviste?" Umangat ang isang kilay ni Agasé. Nakatutok ang tingin niya sa lalaking nasa harap.
"Yes, hijo."
"Agasé Hydrox Favilion," pakilala ni Agasé. Inilahad niya ang isang kamay sa lalaki. Kinuha naman iyon ng lalaki. Ngumiti ito at lumabas ang mapuputi't pantay na ngipin.
"Sean Neon Leviste," pakilala ng lalaki.
"Nandito siya dahil pinadala siya ng papa niya. Do you know Senator Romeo Leviste? That's his father. Nakikipagnegosasyon ako sa papa ni Neon," singit ng Uncle niya. Hindi umimik si Agasé.
Binatawan ni Agasé ang kamay ni Neon. Si Neon naman ay hinarap si Louis at binigyan ng ngiti.
"Mr. Louis Favilion, I'll go ahead. Thank you for the good talk. I'm looking forward to good partnership with you," Neon said and flashed a grin.
"Thank you and you're welcome, Neon. I'll call your father."
Tumango si Neon at lumabas na sa study room. Pumunta si Louis sa mesa niya at naupo sa upuan niya. Si Agasé ay nakamasid lang sa kanyang tiyuhin. Inilapag niya ang waiver sa mesa ng Uncle Louis niya.
"We'll be having a party, I need your permission and sign in that waiver. I want to go to that party," saad ni Agasé.
Agad namang kinuha ni Louis ang papel at binasa. Pagkatapos ay agad din niyang nilagdaan. Inilapag niya iyon sa mesa at agad na kinuha iyon ni Agasé. Ilang minutong hindi umimik si Agasé.
"May kailangan ka pa, hijo?" tanong ni Louis.
"That Neon guy . . . iyong negosasyon niyo ba ay konektado sa negosyo na iniwan ng parents ko sa akin?" tanong ni Agasé.
Natigilan si Louis pagkatapos ay mahinang tumawa. "Wala, hijo. Don't you worry! Sa kompanya ko ang negosasyon namin ni Neon."
"I see . . ."
"May kailangan ka pa?"
"I'll call you later, uncle. May iri-review akong mga papeles na nakuha ko sa mga magulang ko," wika ni Agasé. Napatahimik sandali si Louis pero nakabawi agad.
"Papeles tungkol saan?"
"Tatawagan kita kung sa tingin ko po ay matutulungan niyo ako. Pero sa ngayon, ako na ang bahala doon. Salamat, mauuna na ako," sambit ni Agasé.
"Agasé!" tawag sa kanya ng Uncle Louis niya.
"What is it?"
"I just want to assure you that everything is doing good. I am your uncle, and you can trust me . . ." Louis said.
Maliit na ngumiti si Agasé at nagsalita, "good to hear that." Tinalikuran niya ang uncle niya at bumaba na.
Naabutan niya sa sala si Ulysses na nakaupo at umiinom ng orange juice. Napakunot naman ang noo ni Agasé. Wala siyang nagawa kundi ang umiling.
"Hoy Agasé!"
"Ano?" Tinaasan ni Agasé ng kilay ang kaibigan.
"Si Neon Leviste ba iyon? Iyong may-ari ng Lamborghini?" tanong ni Ulysses kay Agasé. Nagulat naman si Agasé dahil kilala ng kaibigan niya ang kasosyo ng uncle niya.
"Yes. Business matters daw sabi ni uncle. Kasosyo niya yata ang papa no'n ni Neon," sagot ni Agasé. Napatango naman si Ulysses at uminom ulit ng juice. Tiningnan ni Agasé ang kaibigan. "Bakit mo siya kakilala?"
"Kasosyo rin ni papa iyong tatay ni Neon. Tapos iisa lang sila ng school nila kuya Fourth," sagot ni Ulysses sa kaibigan.
"Small world," sambit ni Agasé.
"Pero ang ganda ng kotse niya. Astig! Sana magkaroon talaga ako ng gano'ng kotse."
"Magpabili ka tatay mo. Presidente iyon ng bansa ah." Mahinang tumawa si Agasé. Napasimangot naman si Ulysses dahil sa sinabi ng kaibigan.
"No thanks."
Nabuo ang katahimikan sa pagitan nila. Tumingin si Agasé sa labas ng main door. Nakatutok ang mata niya sa direksyon kung saan nakaparada ang itim na Lamborghini kanina.
"I don't know, but . . . I have a bad feeling about this," mahinang ani Agasé.
Kumunot ang noo ni Ulysses sa sinabi ni Agasé. Tumayo ito mula pagkakaupo sa sofa. "Kanino? Kay Neon?"
"Yep. I know that it's bad to judge. Pero hindi ko talaga gusto ang nararamdaman ko," bulalas ni Agasé.
"Tamang hinala ka na rin?"
Hindi makapaniwalang binalingan ng tingin ni Agasé ang kaibigan. "Tarantado!"
Pinagkrus ni Ulysses ang braso niya at huminga nang malalim. Pagkatapos ay hinarap niya si Agasé. "Hindi ako sigurado pero isa yata si Neon sa kaibigan ni Kuya Fourth. Alam mo na . . . may mga hindi magandang chismis tungkol kay Neon," kuwento ni Ulysses.
Nang marinig iyon ni Agasé ay dali-daling hinila niya si Ulysses palabas ng mansyon. Nang makalabas sila ay agad na naglakad sila.
"Tuloy mo ang kinukuwento mo," utos ni Agasé sa kaibigan.
"Ang chismoso mo, Agasé!" natatawang saad ni Ulysses.
"I'm just curious . . ."
Nakalampas na ang dalawa sa gate ng mansion. Agad nilang pinuntahan ang motor ni Ulysses na nakaparada lang sa labas ng mansyon dahil hindi na naipasok ng kaibigan ni Agasé kanina.
Napahimas si Ulysses sa baba niya at sumandal sa motor. "Well, may chismis na tirador daw ng highschool students si Neon. Mahilig daw sa mga magagandang highschool student."
"Talaga? E ano naman ngayon? E paano kung nagkataon lang na ang nagiging karelasyon niya ay mga highschool student?" Umangat ang kanang kilay ni Agasé. Napakibit-balikat naman si Ulysses.
"Siguro nga. Hindi naman big deal iyon. Basta wala lang siyang ginagawang masama sa babae o kapag mahal niya . . ."
Napabuga ng hininga si Agasé. Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay sumakay na sila sa motorsiklo. May importante pa silang gagawin ngayon. Oo, may panibago nanamang misyon na gagawin at tatapusin si Agasé. At alam niya na malaking tao ang kaharap niya niya.
Nang makarating na sila sa lugar ay agad na nagsuot ng facemask si Agasé. Napatingin naman si Ulysses sa kaibigan na puno ng pagtataka at may halong kaunting kaba.
"Sure ka sa gagawin mo? Malaking tao ang haharapin mo kapag nagkataon," sabi ni Ulysses sa kaibigan.
Gumuhit ang ngisi sa labi ni Agasé. "Wala naman akong gagawin. Kukuha lang ako ng picture." Humalakhak si Agasé.
Napailing lang si Ulysses. "Hintayin kita rito."
Tumango si Agasé at inumpisahan na ang paggalaw. Nandito sila ngayon sa isang liblib na lugar sa Laguna. Kung nasaan ang sinasabing ilegal na pasugalan. Katulad ng nakalap na impormasyon ni Ulysses, hinihinala na isang politiko ang nasa likod ng pasugalan.
Iniisip din ni Agasé na puwedeng makahanap din siya ng clue patungkol sa kaso ng magulang niya. Maaari ring may gang na pumoprotekta sa pasugalan, posibleng ang grupo na may scorpion tattoo.
Inihanda ni Agasé ang kamera. Mabuti na lang at may babaeng kasabwat sila. Iyon din ang babaeng nag-tip kay Ulysses sa nagaganap sa loob ng ilegal pasugalan. Nang-aalipin din ng mga babae ang mga lalaking katiwala ng pasugalan.
Isang tent lang ang lugar. Isang tent sa tabi ng isang maliit na bahay. Nasa loob ng maliit na pasilyo ang bahay. Namilog ang mata ni Agasé nang may lumabas na lalaki sa pasilyo.
Maya-maya ay may dumating na itim na sasakyan na ang tatay ay Ford. Binaba ng kotse ang bintana. Doon ay bumungad angbisang pamilyar na mukha. Nanlaki ang mata ni Agasé.
"Si Congressman David Saturno iyon ah . . ." bulong ni Agasé sa sarili.
Kilala ni Agasé ang lalaki dahil minsan na nakasosyo ng magulang niya ang congressman. Sa palagay ni Agasé ay kialal rin ng Uncle Louis niya ang lalaki. Hindi inaasahan ni Agasé na sangkot sa ganitong gawain ang lalaki. Lalo na't tinitingala ito sa lugar nila.
Agad ng nilisan ni Agasé ang lugar matapos ang ilang nga larawan. Umangat ang sulok ng mga labi niya. Totoong lahat ay may tinatagong baho, kahit ang pnakahindi mo inaasahan.
"Oh ano ng nangyari?" tanong ni Ulysses nang nakabalik ang kaibigan. "May nakuha ka?"
"Yes." Huminga nang malalim si Agasé. "Kailangan ko na lang iyong clip mula sa kasabwat natin," sabi ni Agasé.
Nag-OK sign naman si Ulysses. "Ako na bahala do'n. Ako magsi-send sa 'yo."
Na-realize din ni Agasé na walang koneksyon ang grupo na nandoon kanina sa kaso ng magulang niya. Basta mga tauhan lang sila ni Congressman David.
Nang makauwi si Agasé sa condi niya ay agad siyang nagtipa sa laptop niya. Nagsulat na siya ng article na ipo-post sa blog niya. Pagkalipas ng labinlimang minuto ay nag-send na si Ulysses ng video. Napaangat ang sulok ng labi niya.
'The Honorable and Beloved Congressman's First Love: Money and Gambling'
Ni-post niya ang article at ilang minuto lang ay umani na agad iyon ng reaksyon. Napangisi si Agasé. Pagkatapos ay nag-send siya ng message kay Chief Delfranco.
To: Chief Delfranco
I have some good content in my blog, chief. :)
Kumain na muna si Agasé at naghalf-bath siya. Nang balikan niya ang cellphone niya ay nakita niyang may thirty plus missed call na siya mula kay Chief Delfranco. Kiniha ni Agasé ang phone at tinawagan ang chief.
"Hello, chief!" bati ni Agasé.
"Agasé, what have you done?"
"Huh?"
"Agasé, malaking tao ang nasa likod ng pasugalan na iyon. I am grateful that finally, nabigyan na rin kami ng tip. Pero inaalala kita," wika ni Chief. Napatahimik naman si Agasé. "Agasé, matagal na nilang hinahanap ang nasa likod ng Black Label blog. Hindi nila gusto ang contents mo."
"Hindi ko rin naman sila gusto. Fuck them!" Napasinghap si Agasé. Sa kabilang linya ay naiiling naman si Chief Delfranco.
"Agasé, humahanga ako dahil ginagawa mo ang tama. Pero malaking tao na ang involve dito. Kaya kung okay lang sa 'yo. Ibibigay ko ang proteksyon ko sa 'yo. Magpapadala ako ng tauhan para bantayan ka—"
"Wait! What?" bulalas ni Agasé. Umikot ang mga mata ni Agasé. "Hindi ko kailangan ng proteksyon! Hindi ako bata!"
"Agase . . ."
"Chief, I know what I am doing!"
"Huwag mo ng tanggihan ang proteksyon, Agasé. Nasa peligro na ang buhay mo. Ito lang magagawa ko para sa 'yo. Dahil malaki rin ang tulong na nagagawa ng blog mo sa amin sa pulisya," sabi ni Chief Delfranco. Narinig ni Agasé ang malalim na buntonghininga ng pulis.
"I can handle myself!"
"Listen to me, Agasé. They're chasing you and they will do everything to shut down you blog and shut your mouth . . . permanently."
VimLights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro