CHAPTER 11
Chapter: Innocent
HINDI inaasahan ni Agasé na makakaharap niya ngayon ang lalaking pinaghihinalaan niya na pumatay sa mga magulang niya at ang nagpadala sa mga lalaking iyon. Hindi niya alam ang mararamdaman niya. Sa katunayan, wala siyang maramdaman.
Nasa loob sila ngayon ng isang mamahaling restaurant. Nasa harap niya ang si Mr. Sy at humihithit ito sa pipa na nasa bibig.
Naalarma si Agasé nang biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone. Nakita niya na may text message si Benilde sa kanya.
From: Benilde Baby
Agasé, tuloy ba tayo ngayon? Sa'n ka na?
Agad naman na nagtipa si Agasé at sinagot ang text message ni Benilde. May importante pala silang gagawin pero heto at sumisingit si Mr. Sy sa kanila.
To: Benilde Baby
I'm sorry, tuloy pa rin naman tayo. May importante lang akong tao na kakausapin. Wait for me, okay?
Mabilis naman na tumunog ang cellphone niya. May message na ulit si Benilde sa kanya.
From: Benilde Baby
Oh, okay. So, ma-adjust ang oras? That's okay. Take care.
To: Benilde Baby
I will. <3
Nakuha naman ang atensyon ni Agasè nang biglang tumikhim si Mr. Sy. Seryoso niyang binigyan ng tingin ang lalaki. Napahinga nang malalim si Agasé bago nagsalita.
"What do you from me, Mr. Sy?" seryosong tanong ni Agasé sa lalaki.
Tinanggal ni Mr. Sy ang pipa na nasa bibig. Pagkatapos ay sinenyasan nito ang waitress at may itinuro sa menu. Pagkatapos ay tumango naman ang waitress. Hinarap ni Mr. Sy si Agasé.
"You know what, kid. You really surpassed my expectation. I thought that the heir of the Favilion is weak but I am wrong . . ." natatawang sabi ng lalaki. Mabilis din na tumigil ang lalaki sa pagtawa. Hindi maintindihan ni Agasé kung ano ang pinupunto ng lalaki.
"Straight to the point, Mr. Sy. I have no time for trashy talk with you," Agasé said and smirked. Bahagyang nagulat si Mr. Sy sa lumabas na salita sa bibig ng binata.
"I know what you're doing. I am here to tell you that I am not your foe. Hindi ako ang nagpapatay sa magulang mo, Agasé," sambit ni Mr. Sy.
Napailing si Agasé at naningkit ang mata. "Why are you telling me this lie? Do you think I will believe to your words?" Umangat ang sulok ng labi ni Agasé.
Magsasalita na sana si Mr. Sy nang dumating ang in-order nito. Coffee and a milkshake and a blueberry cheesecake for both of them. Tumango lang si Mr. Sy sa waitress at nagpasalamat. Pagkatapos ay hinarap na siya muli ng lalaki at nagasalita.
"Alam ko naman na hindi ka maniniwala agad-agad, Agasé. But I want to assure you that the rivalry between my business and your family construction business has nothing to do to our relationship."
"Business is business, Mr. Sy. Alam ko ang galaw ng utak ng nga negosyante. So, don't fool me," giit ni Agasé. Nakipagtagisan siya ng titig kay Mr. Sy, at maging ang lalaki ay seryoso rin.
"But not to the extent that I'll kill someone for business . . ."
"Really? You expect me to buy that?" Umangat ang isang kilay ni Agasé. Umismid ito at napabuga nang malalim na hininga.
"Oh boy, maayos ang relasyon namin ng mga magulang mo. Plinano pa namin na i-merge ang kompanya niyo sa kompanya ko. Naging maganda ang pag-uusap namin. Kaya nga dumalo pa ako sa party kung saan ka ipinakilala ng magulang mo. Now, you tell me if I'm lying about my good relationship to your parents," mahabang pahayag ni Mr. Sy.
"What about the evidences, huh? Iyong mga nakitang pictures na nakikipagtransaksyon ka sa mga 'di kilalang lalaki,"
"That's not a enough evidence. Yes, tauhan ko sila. Pero tungkol sa negosyo ko iyon. It has nothing to do with you and to your your parents. Sinabi ko na, at paulit-ulit kong sasabihin. Maganda ang relasyon ko sa mga magulang mo."
"Your proof are you words? You think that's enough?"
"I have proof sa naging kasunduan namin na i-nerge ang GFA Construction Company and Sy Corporation. Isa rin iyon sa i-aannounce nang gabing nangyari ang party, pero anong nangyari? Isang kaguluhan ang nangyari kaya hindi iyon natuloy." Inilapag ni Mr. Sy sa mesa ang isang long brown envelope. Nang kunin iyon ni Agasé ay nakita niyang mga papeles ang laman no'n.
Binasa ni Agasé ang nakasulat sa dokomento. Nakita niya na totoo ang sinasabi ni Mr. Sy at may pirma pa ng ama niya. Pinagpatuloy niya ang pagbabasa sa dokumento habang nagpatuloy sa pagsasalita si Mr. Sy.
"Hindi natuloy ang merging dahil namatay si Gregory. Malaki ang magiging benefit ng merging sa kompanya ko, sa katunayan ay mas malaki ang benefit sa akin kaysa sa inyo. Kaya bakit ko papatayin ang taong makakapagbigay sa akin ng secured partnership at pera? Huh, Mr. Favilion?"
Hindi nakaimik si Agasé sa sinabi ng lalaki. Alam ni Agasé, na kung totoo nga ang sinasabi ni Mr. Sy ay mapapatunayan na inosente ito. Kaya nito makapagbigay ng ebidensya na nagpapatunay na wala itong kasalanan at na may alibi ito. Pero hindi inaalis ni Agasé ang posibilidad na pinapaikot lang siya ng lalaki.
Hindi umimik si Agasé at ginalaw na lang ang blueberry cheesecake na in-order ni Mr. Sy. Maging si Mr. Sy ay hindi na rin nagsalita at ginalaw ang pagkain. Nang natapos ito kumain ay uminom ito ng kape niya. Tapos ay nagsalita muli.
"I know it's hard to believe, Agasé. But I am innocent . . ."
Napatigil si Agasé sa pagkain at nanatili ang kubyertos sa kanyang mga kamay. Tapos ay binaba ni Agasé ang kubyertos. Pinunasan ni Agasé ang pisngi at uminom siya. Tumayo si Agasé at tiningnan ang lalaki.
"Salamat sa pag-imbeta sa akin dito. Mauuna na ako, Mr. Sy," wika ni Agasé at tinalikuran si Mr. Sy. Dala-dala ng binata ang brown envelope na naglalaman ng dokumento na pinakita ni Mr. Sy kanina.
"Sandali!"
Napatiggil si Agasé matapos ang iilang hakbang. Bahagay niyang nilingon si Mr. Sy. Nakita niyang tumayo ang lalaki at may inabot na matigas na papel sa kanya
"Iyan ang calling card ko, tawagan mo ako kung kailangan mo ng tulong ko."
Tinanggap ni Agasé ang calling card ni Mr. Sy, ilang minuto siyang napatitig do'n. Huminga siya nang malalim at binigyan ng maliit na tingin ang lalaki
"Salamat, Mr. Sy."
Nilisan na ni Agasé ang restaurant. Dinala niya rin ang dokumento na pinakita ng lalaki kanina. Mamaya ay kakausapin niya ang isang importanteng tao para matulungan siya.
Nagulat si Agasé sa pag-ring ng kanyang cellphone. Nakita ni Agasé sa Calling ID na ang Uncle Louis niya ang tumatawag. Sinagot naman niya iyon agad.
"Agasé hijo, kumusta ka?" bungad na tanong ni Louis.
"Ayos lang po ako, Uncle. Wala kang dapat ipag-alala," sabi ni Agasé.
"Alam ko na pinagpapatuloy mo pa rin ang pag-iimbestiga patungkol sa pagkamatay ng magulang mo."
Natigilan sandali si Agasé. Sa palagay niya ay inoobserbahan siya ng Uncle niya. Mino-monitor nito ang mga galaw niya at hindi gusto ni Agasé iyon.
"Okay lang ako, Uncle. I'm gonna put tge tge phone. I have important things to go," saad ni Agasé at huminga nang malalim.
"Alright! Don't hesitate to call me, if you need something."
"I'll take note of that, Uncle."
Inilagay ni Agasé sa loob ng cellphone niya sa loob ng kanyang bulsa. Pumara siya nang taxi at sumakay doon. Matapos ang kalahatin oras ay nakarating siya sa usapang lugar nila ni Benilde. Malapit iyong milktea shop na iyon sa isang maruming ilog at sa tabi ay eskwater. Doon gagawin ni Agasé at Benilde ang project nila.
Nang pumasok siya sa shop ay nakita niya agad ang dalaga. Nakasuot ito ng maong jumper at sa loob ay vermilion tshirt. Sa mga paa ni Benilde ay white rubbershoes. Ang buhok nito ay may kulay orange na hairclip sa magkabilang bahagi. Nakalugay ang itim nitong buhok. Hindi maiwasan ni Agasé na mapahanga sa ganda ng dalaga.
"Benilde," malumanay na tawag ni Agasé sa dalaga.
Nilingon naman siya ng dalaga at kitang-kita ni Agasé ang pagkislap ng mata nito. "Aga!"
Naglakad palapit si Agasé sa dalaga at umupo sa bakanteng upuan sa tabi nito. Ngumiti siya sa dalaga at nagsalita. "Kumusta? Pasensya ka na at natagalan ako sa pakikipag-usap sa isang importanteng tao. Hindi ko rin in-expect na kakausapin niya ako."
"Sino iyong importanteng tao na iyon? Puwede mo bang sabihin?" tanong ni Benilde.
Umiling si Agasé. "It's just someone who can help me in my parents' case."
"Oh . . . I see."
"So? Let's start our project? Ayoko naman na gabihin ka sa daan," sambit ni Agasé. Tumango naman si Benilde at ngumiti sa lalaki.
"Okay, start na tayo."
Nilisan ni Agasé at Benilde ang milktea shop at pinuntahan na ang destinasyon kung saan sila kukuha na larawan. Pumunta sila sa lugar kung nasaan ang maruming ilog.
Mabato ang dinaanan nila Agasé. Inalalayan ni Agasé si Benilde habang naglalakad pababa. Habang palapit sila nang palapit sa ilog ay mas naamoy nila ang malansang amoy nito. Amoy na nabubulok at napakabaho. Ang naaamoy ni Agasé sa ilog ay amoy na patay na daga at sinamahan ng nabubulok na keso't tinapay. Halos masuka ito sa amoy ng ilog.
Namilog ang mata nila ni Benilde nang makitang may lumusong pa sa ilog. Nagkatinginan ang dalawa at gulat na gulat sila. Natawa si Benilde at Agasé dahil parehong-pareho ang naging reaksyon nila.
"So, ano na ang plano?" tanong ni Agasé kay Benilde.
"I think, it's better to show in our project the benefit of taking care of our environment and the also show the consequence of not taking care of it," Benilde said and smiled. She looked at Agasé and speak again, "what do you think?"
"That sounds great! I like the idea. Pero saan tayo pupunta para makakuha ng picture sa 'benefit of taking care of nature' na naiisip mo?" tanong ni Agasé kay Benilde.
"I know a place. Doon nagtatanim iyong mga grupo ng mga nagra-rally na ang pangalan ay 'Save Mother Earth'. I think that's a good place . . ."
"I also think that it's cool. Simulan na natin ang pagkuha ng picture dito," sambit ni Agasé. Tumango si Benilde at inilabas ang camera nito.
Sinimulan nila Benilde na kuhanan ng larawan ang ilog. Pagkatapos ay ang mga bahay-bahay sa paligid nito. Pati rin ang mga patay na halaman sa paligid ng ilog at ang mga naglulutangan na patay na isda sa ilog.
Narinig ni Agasé ang malalim na buntongihinga ni Benilde nang lumapit siya sa dalaga. Kitang-kita niya ang tumutulong lawis ng dalaga kaya nilabas niya ang panyo at pinunasan ang noo nito. Agad naman siyang nilingon ng dalaga at ngumiti ito.
"Pinagpapawisan ka," wika ni Agasé. Itinuloy niya ang pagpupunas ng tumutulong pawis ng dalaga.
"I'm okay, mainit lang talaga ang panahon. Thank you."
"Welcome."
Napatingin si Benilde sa paligid ng ilog. Hindi maiwasan ng dalaga na mapangiwi sa nakikita niya. Hindi kanais-nais ang nakikita niya, sa madaling salita . . . pangit. Hindi kaaya-aya sa paningin at pang-amoy ang lugar.
"Grabe ang nagyari rito sa ilog," sambit ni Benilde. Si Agasé ang kausap niya, dahil nasa gilid lang naman niya ang binata.
Nakatitig lang si Agasé kay Benilde at nilagay niya ang isang kamay sa bulsa. Huminga nang malalim si Benilde bago muling magsalita
"Mahirap kalaban ang kalikasan. Masyadong malupit . . . mabagsik," sambit ni Benilde habang ang mata ay nakatutok sa ilog.
"Surely, environment can be cruel too . . ."
"I just hope that they took care of the river. Sayang naman kasi e. Puwede sanang gawing tourist spot kung maayos lang ang hitsura," nakasimangot na saad ni Benilde.
Mahinang natawa si Agasé pero sumeryoso agad. Pagkatapos ay nagsalita ang binata habang seryosong nakatingin sa mga taong nagkukumpulan malapit sa ilog.
"It's scary when the environment returns everything that we did. But what scares me the most are humans without humanity and compassion to our surroundings . . ."
Napatingin si Benilde sa binata. Nakagat ng dalaga ang ibabang labi niya. Umiwas siya ng tingin sa binata. Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan nilang dalawa hanggang sa tumikhim si Agasé at nagsalita.
"Uhm, Benilde . . ."
"Yeah?"
"Puwede bang ilagay ko ito sa blog ko? I mean, malay natin ay maging daan iyon para masolusyunan itong ilog," pahayag ni Agasé. Malapad na ngumiti si Benilde at tumango-tango. Nagningning ang mata nito at hindi maitago ang pagkasabik.
"That'll be great! I can't wait!" Benilde giggled.
Napangiti naman si Agasé sa reaksyon ng dalaga. "Don't tell me . . . you're reading my blog?" natatawang tanong ni Agasé.
Natawa rin si Benilde. "I'm a fan!"
"Really? You're making my heart flutter."
"Cheesy!" natatawang bulyaw ni Benilde kay Agasé. Napasimangot naman ang binata.
"Hindi naman cheesy ah!"
"Nevermind! Anyway, naisip ko . . . ba't 'di kaya ay magpublish ka ng book or articles. Gumamit ka kaya ng pseudonym," suhestiyon ni Benilde kay Agasé.
"Actually, naisip ko na 'yan. Kaso wala pa akong maisip na pseudonym o monicker," natatawang ani Agasé.
"Wait ko na makaisip ka. O kaya ay magti-text ako sa 'yo kapag may naisip ako na puwede mong gamitin."
"Okay, okay! Sa'n na pala tayo? Tapos na tayo rito 'di ba?" tanong ni Agasé.
"Yes, pupuntahan natin iyong lugar kung saan nandoon iyong mga tanim na puno. T'saka green ang environment talaga do'n!"
Nilisan ni Agasé at Benilde ang lugar na iyon. Pumunta sila sa isang garden at vacant lot kung nasaan may tanim ng mga puno at halaman. Kumuha ng larawan si Agasé at Benilde doon. Mayroon pa na si Benilde ay nag-model at si Agasé ang kumuha ng larawan.
Kumuha rin silang dalawa ng larawan sa lugar bilang remembrance. Hanggang sa sumapit ang alas-singko ng hapon at napagdesisyunan na nilang umuwi.
Habang naglalakad papunta sa paradahan ng taxi ay nakita ni Agasé si Benilde na humikab. "You're sleepy?"
"Kinda," Benilde responded.
Napakamot sa batok si Agasé. "Pasensya ka na at wala akong dalang kotse na service. Napagod ka yata masyado. Ang cute mo kasi habang nagpo-pose kanina," tudyo ni Agasé at mahinang tumawa.
Para namang nabuhayan bigla si Benilde dahil sa kahihiyan na ipinaalala ni Agasé. "Agasé! Don't tease me! Nakakaasar ka 'lam mo 'yon!"
"Sorry na!" Tumawa si Agasé at pinisil ang pisngi ni Benilde.
Nagpatuloy silang dalawa sa paglalakad hanggang sa biglang may mabilis na motorsiklo na dumaan. Napapikit si Benilde dahil sa usok na nilabas no'n.
Pagkatapos ay may isa pang motor na may dalawang lalaking sakay. Naka-helmet at may facemask sa loob ng helmet. Ang ksang lalaki ay naka-leather jacket at samantalang ang isa ay naka sleeveless na shirt. Mah pamilyar na tattoo ang lalaki sa braso nito.
Scorpion tattoo . . .
Nagulat si Benilde at Agasé nang magpaputok ng baril ang dalawa. Mabilis na nakasalag si Agasé kay Benilde at inakay ang dalaga para magtago sa likod ng isang kariton. Napamura si Agasé nang ilang beses.
"Fuck shit!" malutong na mura ni Agasé. "Tangina talaga!"
May ideya si Agasé kung sino ang mga iyon. Posibleng iyon din ang mga tao na pumatay sa magulang niya. Siya naman ang binabalikan at isusunod. Napaangat ang sulok nv labi nj Agasé at lihim na lang na napamura.
"U-Uhm, Agasè . . ." tawag ni Benilde kay Agasé.
Namilog ang mga mata ni Agasé at para bang tumigil ang mundo niya sa nakita. Lalo siyang napamura dahil sa nakita.
May dugo sa tagiliran si Benilde, nadaplisan ito ng isa sa balang pinaputok ng mga lalaki. Agad naman umaksyon si Agasé at pinunit ang laylayan ng damit niya. Ginamit niya iyon na panandaliang pantapal sa sugat ni Benilde, sa bahaging nabaril, upang tumigil ang pagdurugo.
"Holy shit!"
Nakarinig ulit sila ng tatlo pang putok. Nang sumilip si Agasé ay nakaalis na ang mga lalaki. Kasabay no'n ay ang sakting pagdating ng isang pamilyar na kotse—si Chief Delfranco.
Napatingin si Agasé kay Benilde na nasa bisig niya. Nanghihina ang dalaga dahil kahit daplis lang ay marami ang dugo na nawala sa kanya. Nagkulay papel na ang mukha ng dalaga. Si Agasé naman ay hindi na makahinga sa kaba at sobrang bilis ng tibok ng puso niya.
"Baby, hold on, okay? Shit! Kasalan ko ito. Sinasabi ko na nga ba e."
"A-Aga . . . don't blame yourself!"
Lumapit si Chief Delfranco sa dalawa. Agad itong kumilos at kinuha si Benilde kay Agasé. Pagkatapos ay sinakay sa backseat ng kotse niya. Inalalayan ni Agasé si Benilde habang si chief ay dumako sa driver's seat.
Pinaandar ni Chief Delfranco ang sasakyan at dinala si Benilde sa pinakamalapit na hospital. Maluwag ang hospital nang oras na iyon kaya mabilis na naaksyunan ang lagay ng dalaga. Napahinga naman nang maluwag si Agasé.
Sa ngayon, naghihintay si chief at Agasé sa signal ng doctor kung nailipat na sa kuwarto si Benilde. Huminga nang malalim si Agasé at binalingan si Chief Delfranco.
"Chief, thank you for helping us," sambit ni Agasé. Tinapik ni Chief Delfranco ang balikat ni Agasé.
"I already told you. You can't count on me. I am willing to help you, Agasé," ani Chief Delfranco kay Agasé.
Huminga nang malalim si Agasé. Umupo ito sa isa sa mga bakanteng upuan sa labas ng isang kuwarto, sa isa sa mga waiting area. Pagkatapos ay nagsalaysay si Agasé ng naalala niya no'ng gabing nilooban ang mansyon nila.
"Naalala ko, hindi malinaw pero nakita ko na mag tattoo ang lalaki na pumatay sa magulang ko. Kung hindi braso ay sa kamay. Basta ang sigurado ay scorpion ang tattoo na iyon," pahayag ni Agasé. Napatango-tango si chief.
"Anong tingin mo tungkol doon sa tattoo?"
"A gang? Something like that! May matunog ba na gang na tinutugis sa ngayon?" tanong ni Agasé kay Gideon, si Chief Delfranco.
"Sa tingin ko ay may mga records ng gangs. Pero sa dami ng tinututukan na gang ang pulisya sa ngayon," sagot ni Gideon.
"Ah gano'n ba. Anyway, nag-usap kami ni Mr. Sy. He insisted that he's innocent at hindi niya magagawang oataying ang parents ko," pahayag ni Agasé.
"You're believing him?"
"I'm still giving the benefit of doubt. Possibleng totoo at possible binibilog niya lang ang ulo ko." Napatingin sa kisame si Agasé at sunod-sunod ang kanyang buntonghininga.
"Alam ko na mahirap ang sitwasyon mo. Kabataan ka, dapat nag-ienjoy ka at hindi pinoproblema ang hustisya para sa magulang mo. You're in a battle, kid. Not just a battle, but a huge battle. Your enemies are powerful."
Tumango si Agasè. "I clearly know that, sir."
Huminga nang malalim si Chief Delfranco. Binigyan niya ng tingin si Agasé. "I just want you to take care, Agasé. Mukhang hindi simpleng kaso lang ang kaso ng magulang mo. I can feel it . . ." sabi ni Gideon kay Agasé. Huminga ang lalaki ng malalim. "I just want you to remember one thing, Agasè."
"What is it?"
"Becareful of who you trust. A wolf can disguise as a sheep. Don't forget to choose your comrade wisely . . ."
VimLights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro