CHAPTER 1
Chapter 1: The Blog
HINDI malaman ni Agasé kung ilang beses siya napatingin sa orasan. Unang araw pa lang ng klase pero mukhang buong taon siyang tatamarin. Bumungad pa sa unang araw nila ang mga asignaturang pampasakit ng ulo.
Dumako ang tingin ni Agasè sa unang row. Nasa pangatlong row kasi siya at magkatabi sili ni Ulysses. Ang puwesto nila ay mayroong limang row at mayroong pagitan sa gitna. Kaya nagkaroon ng kaliwa at kanang bahagi.
Nakaupo si Ulysses sa aisle ng third row, left side, at katabi niya naman si Agasé. Samantalang nasa kanang bahagi at first row naman ang sinusulyapan ni Agasé. Ang taong iyon ay walang iba kundi si Benilde.
Sa totoo lang ay si Benilde lang talaga ang nagpabuhay sa araw na 'yon ni Agasé. The rest were so boring.
"Okay class, thank you for listening. Class dismissed," sabi ni Mrs. Del Valle. Si Mrs. Del Valle ang kanilang class adviser at isa sa rules ng school nila ay ang adviser lang ang puwedeng mag-dismiss ng mga hawak nitong estudyante.
Masasabi ni Agasè na maganda ang pasilidad ng bago niyang eskuwelahan—ang El Malaya University—kilalang-kilala ang paaralan na ito. Kahit gano'n ay hindi lang kolehiyo ang nasa unibersidad, may mga highschool din. Ayon sa naririnig na balita ni Agasé ay mahusay raw ang paaralan pagdating sa mga iba't-ibang aktibidad.
"Mr. Favilion, kindly go to my office before you go home. Okay?" sabi ni Mrs. Del Valle. Napakunot ang noo ni Agasè, pero walang siyang nagawa kundi tumango kahit nalilito siya.
Sa huling pagkakaalaala niya ay wala naman siyang ginawang kalokohan. Pero napatapik din sa noo si Agasé sa naisip. Baka nahuli siya na natutulog sa klase kanina.
"Wow! First day na first day ah!" pang-aasar ni Ulysses kay Agasé.
Umikot ang mata ni Agasé. "Seriously? Wala naman akong ginawang kalokohan. Ano kayang kailangan nila sa akin?" tanong ni Agasé. Napahimas siya sa kanyang baba at napaisip ng ilang minuto.
"Oo nga naman. Baka naman kakausapin ka lang kasi nga transfer ka 'di ba?" bulalas ni Ulysses. Napatango naman si Agasé bikang pagsang-ayon. Siguro nga ay gano'n ang dahilan kung bakit s'ya pinatawag.
"Ulysses, Agasé!"
Sabay na napalingon si Agasé at Ulysses sa malambing na boses na tumawag sa pangalan nila. Agad naman silang napangiti nang makita ang dalaga.
"Agnes!"
The fair white skin of Agnes was glowing. Her almond eyes, pointed nose, thin red lips, and her straight black hair looked perfect on her. Agnes' hairstyle today is what they called waterfall. Agasé and Ulysses can't help but to admire the beauty of their friend.
Halos mapanganga at tulala pa nga si Ulysses sa ganda ni Agnes. Siniko siya ni Agasé kaya nakabawi at nakapagsalita.
"A-Agnes, ang ganda mo . . ." sambit ni Ulysses.
Palihim na napatapik sa noo si Agasé. Akala niya ay ayaw ng kaibigan niya na ipahalanta ang pagkagusto kay Agnes. Pero heto, at siya na mismo ang bumuking sa sarili niya.
"Salamat, Uly. Ikaw rin ang guwapo mo ngayon. Kayong dalawa ni Agasé," sambit ni Agnes. Sinundan iyon ng malambing at mahinhin na pagtawa ni Agnes.
Hinagkan ni Agasé ang kaibigan na si Agnes. Hindi naman ito naiilang sa kanya at normal lang na magyakapan ang magkaibigan na matagal na hindi nakapag-usap.
"Kumusta ka, Agnes?" tanong ni Agasé sa kaibigan.
"Ayos lang naman ako. Ikaw, lalo ka gumuwapo at tumangkad."
"Tama ka d'yan, Agnes. Nakakaguwapo talaga ang hangin sa Amerika," pabirong ngisi ni Agasé. Napahalakhak naman si Agnes sa sinambit niya.
Naalala biglang ni Agasé na apinatatawag nga pala siya ni Mrs. Del Valle. Parang may bumbilya na biglang sumulpot at umilaw sa taas ng ulo niya. Napangisi siya sa naiisip. Ngayon ay makakadiskarte na ang kaibigan niyang si Ulysses kay Agnes.
"Kumain ka na ba, Agnes? Tara meryenda muna tayo!" pag-aaya ni Agasé kay Agnes. Ulysses naman ay walang imik, namumula ito at pinagpapawisan. Halatang kabado sa presensya ni Agnes.
"Hindi pa e. Kaya sige, magmeryenda muna tayo," sagot ni Benilde.
Napangisi naman si Agasé. "Ay teka! Pinatatawag pala ako ni Mrs. Del Valle. Kaya, kayo muna ni Ulysses ang mag-date—este meryenda. Ayos lang ba?"
Nakita ni Agasé na pinanlakihan siya ng mata ni Ulysses. Lalo lang lumapad ang nakapaskil na ngisi sa labi niya. Napatingin naman si Agnes kay Ulysses. Habang si Ulysses naman ay alanganing napangiti.
"Ayos lang sa akin. Gusto ko rin naman kasama si Ulysses."
Lumawak ang ngisi ni Agasé dahil nagtagumpay ang gusto niyang mangyari. Ngayon, makakdiskarte na si Ulysses kay Agnes.
"Alright! I have to go . . ." Agasé smiled and secretly winked to Ulysses. Then, Ulysses secretly raised his middle finger.
"Take care, Aga!"
Nang lumingon si Agnes ay mabilis na ibinaba ni Ulysses ang kanyang kamay at tinago. Napailing lang si Agasé at tuluyang lumisan.
Lumabas siya sa classroom at agad na naglakad papunta sa opisina ni Mrs. Del Valle. Sumipol-sipol pa siya habang nakapasok ang kanyang kanang kamay sa bulsa ng pants niya.
Hanggang sa . . . biglang may tumama sa dibdib niya. Namilog ang mga mata niya nang makitang isang babae iyon at tumilapon pa ang mga libro na hawak nito. Agad na napayuko si Agase upang tingnana angbkalagayan ng babae. Pati para matulungan ito sa mga tumilapon na gamit
"I'm sorry . . ." bulalas ni Agasé.
Napatingin siya sa babaeng nabunggo. Maiksi ang buhok nito at may suot na nerdy glasses. Makinis ang morenang balat ng babae at may magagandang uri ito ng mata.
Dinampot ni Agasé ang mga papel at libro na tumilapon. Nakita niyang gano'n din ang ginagawa ng babae.
"Sorry talaga, Miss. Ayos ka lang ba?" tanong ni Agasé.
"U-Uhh . . . yes. O-Okay lang ako," sambit ng babae at halatang kinakabahan.
"Agasè pala," pagpapakilala ni Agasé.
"I know . . ."
"Huh?"
"Ah wala, wala! Uhm . . . I'm Maia," pakilala ng babae at tumayo. Nakipagkamay naman si Agasé at tinanggap naman iyon ng babae.
"Are you sure that you're okay?" tanong ni Agasé.
"Oo, ayos lang ako. W-Wala namang masakit sa akin. U-Uhh . . . sige una na ako," sabi ng dalaga habang lumilikot ang mga mata. Hindi ito mapakali at nauutal. Napakunot ang noo ni Agasé dahil wala siyang ideya bakit gano'n ang inaakto nito.
Agasé found it weird. As in, very weird. Naiisip niya na baka natakot ito sa kanya? O baka nagkaroon siya ng bad impression dito? Napailing na lang si Agasé.
Napatingin na lang siya sa nagmamadali at papalayong bulto ng babae. Napakibit-balikat na lang si Agasé at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa office ni Mrs. Del Valle.
Nang makarating siya sa harap ng pintuan ay agad siyang kumatok. Agad namang bumukas ang pintuan at bumungad si Mrs. Del Valle.
"I saw your impressive writing style, Agasé. Napakaganda ng mga artikulong sinusulat mo. Kaya nga lang . . ."
"Kaya nga lang ay maraming nati-triggered sa mga article na iyon," ngisi ni Agasé.
"You were kicked out because of being disrespectful to the school authorities, Agasé." Kumibot ang sulok ng labi ni Agasé at halos maningkit ang mga mata niya.
"That's what they said, huh? Sorry to burst their bubble but I know how and whom to respect Ma'am," matapang na wika ni Agasé.
"But you really exposed your past school. Hindi tama iyon! Sa national television during national competition," wika ni Mrs. Del Valle. Napahilot ito sa sentido, hindi makapaniwala sa ginawa noon ni Agasè.
"Respect should be earned, Ma'am. And to clear my name, maybe you still don't know the real story."
Huminga nang malalim si Agasé at matapang na tumingin kay Mrs. Del Valle. Tumikhim muna siya bago tuluyang magsalita.
"Gumawa ako ng article patungkol sa eskwelahan ko. Exposing how they tolerate extortion and bribery. I just stated some facts and I proved my claims by providing evidences. Then, they accused me of being disrespectful?" Umangat ang isang kilay ni Agasé.
"But you shouldn't interfere with school affairs. That's really disrespectful to the authorities of the school."
"If being disrespectful means telling the truth then I rather be rude or disrespectful in their eyes. Than, feeding people lies and act like I'm a respectable one."
Taas-noo si Agasé habang binabanggit ang mga salitang iyon. Alam niya sa sarili niya na wala siyang dapat ikahingi ng tawad sa ginawa niya. Ginawa niya lang ang nararapat; mga bagay na hindi kayang gawin ng kinauukulan ng eskuwelahan niya noon.
Alam din ni Agasé na walang mali sa ginawa niya. Pumapanig lang siya sa tama. Pinaglalaban niya lang ang karapatan niya—nila na mga estudyante—alam niya na hindi naman nararapat na ipagkait sa kanila ang mga bagay na iyon.
"Agasé . . ."
"Sorry Ma'am, pero karapatan ng mga estudyante ang tinapakan nila. Kung ang mga dapat na mga nag-aalaga at nagtatanggol sa mga karapatan nila ang mismong tumatapak sa karapatan nila, e 'di sino na ang mag-aalaga at magtatanggol sa kanila? Wala!" marring sabi ni Agasé. Inayos niya ang necktie ng kanyang uniporme.
Tumayo siya at diretsong tinitigan ang kanyang guro.
"Hindi po kita pinapilit na maniwala o panigan ako. Nililinaw ko lang po ang mga paratang nila sa akin."
Tumalikod si Agasé at humakbang papunta sa pinto. Nang malapit na siya ay bahagya niyang pinilig ang kanyang ulo at nilingon ang guro.
"One more thing, Ma'am. My parents raised me well, so don't worry . . . I know what respect means. Goodbye and have a nice day."
Pagkatapos bitawan ni Agasé ang salitang iyon ay lumabas na siya sa opisina ng kanyang adviser. Sa totoo lang ay hindi niya inaasahan ang gano'ng usapan. Ayaw ni Agasé na madamay ang pag-aaral niya dahil lang sa aktibidad niya sa labas ng paaralan at sa extra-curricular niya sa school.
Napabuga si Agasé nang malalim na hininga. Hindi niya lubos maisip na kinailangan pa gumamit ng pamilya niya ng koneksyon at pera ara lang makabalik sa eskuwelahan. Bakit? Hindi lang naman siya tinatanggap dahil sa ginawa niya sa past school niya. Kaya sa pagkakataong iyon, nagpasalamat siya sa koneksyon ng mga magulang niya.
Dalawang linggo na siyang huli sa klase nila. Pero ayos lang iyon sa kanya. Hahabulin niya na lang ang mga lesson. Naglalakad si Agasé palabas na ng campus ng biglang sumulpot ang pamilyar na babae. Agad naman na natigilan si Agasé.
Damn, she's really pretty!
Ang babaeng nasa harap niya ngayon ay walang iba kundi si Benilde. Ang kaklase niya na kanina pa niya tinititigan sa klase nila
"Hi Agasé! U-Uhh . . ." naiilang na anas nito. Nakita niya ang paglikot ng mata ni Benilde at pamumulo ng makinis nitong pisngi. Nagsalita ito, "invite sana kita sa campus journalism. May try-out bukas para sa mga open category. B-Baka lang gusto mo pumunta," wika ni Benilde.
Palihim na napakagat-labi si Benilde. Nahihiya ang dalaga sa presensy ni Agasé. He found that man's aura . . . intimidating and powerful. Habang si Agasé naman ay hindi mapigilan ang ngiti sa labi niya.
Sa isip-isip ng binata, na kahit na nakakainis ang nagyari sa office ni Mrs. Del Valle kanina ay sinusuwerte pa rin siya. Nakita niya ang crush niyang si Benilde.
Oo, aminado naman si Agasé na nagandahan talaga siya sa dalaga at may namumuong paghanga siyang nararamdaman. And for him, it's normal. He's a teenage boy and having a crush is normal at their age.
"Alright! I'll try . . ."
Ngumiti si Benilde kay Agasé. Hanggang sa biglang may chubby na babae na nakatirintas ang buhok ang lumapit sa kanila ni Benilde. May mga hawak itong dyaryo.
"Uy! Agasé Favilion?" sabi ng kakarating na babae. "Milly pala anag pangalan ko," dagdag nito. Nakipagkamay ito kay Agasé.
"Hi Milly! I'm Agase . . ."
"Oo kilala kita. Ikaw iyong lumbas sa tv. Dahil doon sa feature article mo doon sa national level ng feature writing contest. Ni-interview ka pa nga after no'n 'di ba?" walang habas na wika ni Milly.
Napangisi naman si Agasé. Nakakatuwa lang para sa kanya na nakilala siya ng mga tao o kapwa niya journalist. Para sa kanya ay achievement iyon.
"Ang angas mo, alam mo iyon. Pero na-kick ka raw," sabi ni Milly at sinundan ng malakas na tawa.
"Oo, ni-kick nga nila ako matapos ko lang naman bigyan ng achievement ang school namin," naiiling na wika ni Agasé.
"Oh, Benilde? Kasali na sa atin si Agasé?" tanong ni Milly kay Benilde.
Dumako ang tingin ni Agasé kay Benilde nakita niya na bahagyang umiling ang dalaga. Dahil sa pag-iling nito ay napabusangot si Milly.
"Kailangan niya pa rin dumaan sa screening at sa evaluation. I want to be fair, Milly," sambit ni Benilde.
Napatango-tango naman si Agasé. Naisip niya na tama naman si Benilde. Kailangan niya dumaan sa screening, evaluation, at elimination tulad ng iba. Mas maganda nga naman na makakuha ng puwesto ng pinaghirapan mo.
"Sure, no problem. Anong oras ba bukas?" tanong ni Agasé na nakangiti. Nakatitig pa rin soya sa magandang mukha ni Benilde.
"Alas singko, bukas."
"E bakit pa, Benilde? National level na iyan si Agasé," ani Milly.
"Milly naman! That's my job as the editor-in-chief. Pinagkatiwala sa akin ni Mrs. Lorenzo ang pamimili ng new member. Ang pangit naman tignan kung may papanigan ako," sambit ni Benilde.
Lalong napahanga si Agasé sa babae. Kaya ngumiti na lang siya at halos mawala ang mata niya sa pagngiti niya.
"It's fine, Milly. Gusto ko rin mag-try ng ibang category bukod sa editorial," sabi ni Agasé.
"Okay, see you tomorrow . . ." Nginitian ni Benilde si Agasè. Pagkatapos ay tinalikuran na siya nito.
Nakatingin lang si Agasé sa papalayong bulto ni Benilde. Hindi niya naman mapigilan ang mapangiti. Mabuti na lang talaga ay naisipan niya na lumipat sa school na ito.
Mabilis naman umalis si Agasé at lumabas sa campus. Saktong pagkarating din ng service niya. Kaya agad siyang sumakay. Nang makapsok siya sa loob ng kotse at agad niyang tinawagan si Ulysses.
"Anong ganap sa pinapahanap ako sa 'yo Ulysses?" bungad na tanong ni Agasé.
"About kay Mr. Kan? Agasé, kakalapag mo pa lang sa school. This smells trouble . . ." giit nj Ulysses sa kabilang linya.
Napangisi lang si Agasé. Alam niya naman iyon. Si Mr. Kan ay isang teacher sa Calculus sa El Malaya University. Ito rin ang dahilan kung bakit pilit na pumasok si Agasé sa eskuwelahan na iyon.
"Kalat sa campus na nag-suicide si Amara Villa. Sinabi na ang dahilan daw ay ang sunod-sunod na pagbagsak niya. Pero ang nakakagulat ay sa school niya ginawa ang suicide at may mga nakitang marka sa katawan niya," kuwento ni Ulysses sa kabilang linya.
"No dares to speak up for that? Anong ginawa ng school?" Lumitaw ang mga guhit sa noo ni Agasè.
"None, even the campus journalists."
"Oh, intersting . . ."
"Dahil sa nakitang hiwa sa pulso ay giniit ng school na suicide nga. Hindi na rin naungkat o inungkat ng pamilya matapos no'ng unang linggo na napakaingay ng isyu," sabi ni Ulysses. Napatango-tango naman si Agasé.
"Talagang walang ginawa ang mga journalists?"
"Wala, hindi ko alam kung bakit e. No'ng unang linggo na lumbas ang isyu ay ang ingay nila. Tapos, boom! Nawala na lang ang ingay no'ng eskandalo . . ."
Bahagyang natigilan si Agasé. Napaisip siya kung bakit gano'n ang nangyari. May hinuha na siya sa isip niya pero kailangan niya kumalap ng napakaraming ebidensya. Pero sa ngayon, may isa lang siyang naiisip. Kailangan niya ulit paingayin ang isyu.
"Agasé, are you still there?" untag ni Ulysses sa kanya.
"Yes."
Mariin na napapikit si Agasé. Ipinitik-pitik niya sa hangin ang mga daliri niya. Nag-iisip siya ng gagawin. Hanggang sa . . . napangisi si Agasé. Alam niya na ang gagawin.
"You know what, Uly. I have a very great idea. And I need your help," ngisi ni Agasé.
"You really have some guts, huh Agasé? You're such a troublemaker!" Narinig ni Agasé ang malalim na buntonghininga ni Ulysses sa kabilang linya.
"You know me, Ulysses. Now, I need your help. Kailangan ko lang na mapapayag ka rito sa mga paplanuhin ko," ani Agasé. Sumibol ang mala-demonyong ngisi sa labi niya.
"Okay fine, spill."
Kinuha ni Agasé ang notebook. Pagkatapos ay sinimulan niyang ikuwento ang mga gagawin niya bukas. Inisa-isa niya ang detalye ng plano niya kay Ulysses. Habang binabanggit niya ang plano niya ay narinig niya ang malulutong na mura ni Ulysses.
"Damn! May I remind you . . . first day mo pa lang sa school, Agasé. Itong pinaplano mo ay magdudulot ng gulo," sabi ni Ulysses. Sa kabilang linya ay naiiling na lang ito sa kaibigan.
"Ano tutulungan mo ba ako. Importante ang role ko rito, Ulysses." Humalakhak si Agasé.
"Fuck you!"
"Ano na, Ulysses? In or out?"
"I'm in! Hindi naman kita hahayaan na gawin itong mag-isa. Kaya sige tutulungan kita. I'll send the details you need."
"Thanks, man!"
"Whatever, Agasé! Bye!"
Binaba na ni Ulysses ang tawag at napailing na lang siya habang inaaalala ang hibang na plano ni Agasé. Napatawa na lang siya mag-isa. Malakas talaga ang loob ng pinsan niya.
Si Agasé naman ay pinasok sa bag ang kanyang cellphone. Maya-maya ay nakarating na siya sa mansiyon nila. Wala pa ang Mama at Papa ni Agasé. Kaya agad siyang umakyat sa kuwarto niya.
Itinapon ni Agasé ang bag niya sa kama. Pagkatapos ay pumunta siya sa study table niya. Binuksan ni Agasé ang laptop niya at nagsimulang magtipa.
Sa tabi ng laptop niya ay naroon ang cellphone niya. Nakita niya na mayroong text si Ulysses sa kanya
From: Ulysses
Nai-send ko na ang mga kailangan mong picture. Buti na lang at may kopya ang friend ko na journalist.
Agad naman na kinuha ni Agasé ang kanyang cellphone. Nagtipa siya ng iri-reply kay Ulysses.
To: Ulysses
Maglalagay na lang ako ng proper credits. Pasabi, salamat.
From: Ulysses
Okay. Goodluck to you! :)
Binatawan ni Agasè ang cellphone at bumalik ang tingin sa kanyang laptop. Ngayon ay sisimulan niya ang paggawa muli ng ingay sa kaso ni Amara.
Napangisi si Agasé habang tinitignan ang blog site na siya mismo ang gumawa. Nakalagay rito ang iba't-iba niyang artikulo at mga akdang pampanitikan. Dito niya binubuhos ang mga hinaing niya.
Tiningnan ni Agasé ang pangalan ng kanyang blog site.
"The Black Label"
The voice of voiceless people. We serve and speak for you.
VimLights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro