Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Akiesha’s POV

“Akiesha yung umagahan handa na ba?”

“Aki-girl yung towel ko nasaan na!?”

“Akiesha pahinging tubig!”

“Aki-girl labhan mo nga ‘tong dress ko,kailangan ko mamaya!”

“Akiesha bilisan mo naman ang bagal bagal mo e!”

“Aki-girl linisin mo ‘tong kwarto ko!”

Sa araw-araw mula pag gising ko sa umaga ay ‘yan at marami pang iba ang naririnig ko.Obvious naman siguro di’ba?Akiesha ang pangalan ko.Araw-araw akong inuulan ng utos mula kila tita Odette at Glaiza.Wala silang pakialam kahit magkanda balda balda na ang katawan ko sa kauutos nila.Malaki ang mansyon at ipinalilinis nila sa’kin ‘to.Ako din ang nagising ng maagang maaga upang magluto ng umagahan nila.Ganoon din sa tanghali hanggang gabi.Ako din ang naglalaba at naghuhugas ng plato kahit may katulong naman kami.

‘Yan ang routine kong paulit ulit mula umaga hanggang gabi.Sa school lang ako nakakapag pahinga.Kahit sinong makakarinig ng story ko ay siguradong sasabihin na cinderella story.Gaya ni cinderella,wala na din akong mga magulang.Pero ma swerte pa ‘din ako di’ba?Kasi nakakapag aral pa din ako di tulad ng iba.Sa kabila ng pagod ko araw-araw ay nagagawa ko pa ding magtiis dito sa mansyon dahil nandito lahat ng masasayang ala-ala namin nila mama at papa.Kahit saang parte ng mansyon ay naaalala ko sila.Ito ang dahilan kung bakit nagagawa ko pa ding ngumiti.

“Tulungan na kita Akiesha,ako na ang magdadala niyan.”

“Masyado mong pinapagod ang sarili mo,magpahinga ka na ako na ang bahala dito.”

At ‘yan naman si Jouaquin,ang adopted son nila tita odette.Palagi niya ako tinutulungan at pinapangiti.Kahit na basura at katulong ang tingin nila tita sa’kin ay hindi para sa kan’ya.Kahit na ampon lamang siya ay itinuturing niya pa rin akong pinsan.

“Ate Aki tulungan na kita.”

‘Yan naman si camille,ang nakababatang kapatid ni Glaiza.Ngunit kahit mag kapatid sila ay magkaiba ang kanilang ugali.Mabait at matulungin si Camille.

Pagsapit ng gabi ay wala akong magawa kundi ang magpahinga dahil sa sobrang pagod.Tinititigan ko ang picture frame namin nila mama at papa.Sa ganitong paraan ay naiibsan ang lungkot ko’t pangungulila.

May isa pang bagay…isang bagay na nakapag papasaya sa akin at yun ang pagkanta.Tuwing kumakanta ako ay nailalabas ko ang kung anumang nararamdaman ko.Masaya ako sa pagkanta at pangarap ko rin ang maging singer tulad ni mama.Singer ang mama ko noong nabubuhay pa siya,isang sikat na singer.

Para sa’kin,kayamanan ang pagkanta.Kaya kahit anong hirap ay titiisin ko para makapag tapos ko ng pagaaral at maituloy ang pangarap na nasimulan namin nila mama at papa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: