Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8


I had to touch you with my my hands, I had to taste you with my tongue; one can't love and do nothing.
💝💝💝

Touch


Halos tinapon ko na ang sling bag nang makapasok ako ng bahay. Mas nainis kasi akong lalo. Sino ba naman ang hindi maiinis? Isang katutak na papelis ang ibinalik niya sa lamesa ko! Ayusin ko raw, dahil wala siyang naintindihan!

Shit lang talaga!

Isang linggo ko na trabaho 'yon at wala siyang naintindihan? Nagpapatawa ba siya?

Kung hindi lang siya dumalaw sa panaginip ko ay tiyak hindi ako na late. E, nanaginip ako sa kanya ng bonga! Halikan pa! Kaya na-sobrahan ang tulog ko.

Napatingin na lang din ako sa kapal ng papel na inuwi ko ngayon. I need to do this. I have other things to do tomorrow. I am more than halfway when ate ring. I put it on a loudspeaker and placed it in the table.

"Ate!"

"Beauty. How's everything? I've heard from Bobita, and it seemed like the dragon is furious?"

"Huh, sinabi mo pa! Ibinalik nga sa akin ang halos kalahati na ginawa ko. Wala raw siyang naintindihan!"

Rinig ko na agad ang buntong hininga niya

"Just follow my instructions, Beauty. And please don't be late. Iyan ang isa sa mga kiniinisan niya. Mabait naman si Sir Drew kapag nakuha mo na ang puso niya. He's super good to those who dedicate theirselves on their jobs, like me."

Ngumiwi na ako. Rinig ko pa ang harutan nilang dalawa sa kabilang linya ni Kuya Joel. I even rolled my eyes! Nakakaingit lang din.

"Okay, Ate. I have too much to do and I need to finish this."

"Okay, mag iingat ka," sabay patay niya sa tawag.

Tatlong alarm clock ang pinaandar ko. Nilagay ko pa ito sa iba't ibang parte sa gilid ng kwarto. Tingnan natin kung mahuhuli pa ako nito!

Parang tilaok nga naman ng mga manok ang sabay-sabay na pag-alarm ng mga orasan ko. Mabilis akong napabangon at naligo. Nag ayos sa sarili at umalis na. Hindi na nga ako kumain ng agahan, dahil baka ma late lang din ako.


INAYOS ko ng mabuti ang sarili ko habang nasa loob pa ako ng elevator. May salamin kasi dito. Nang bumukas ito, ay wala pang ibang tao sa paligid maliban nga lang sa akin. Who could have thought that I'll be thirty minutes early!

Mabilis ko lang ding inayos ang lahat at nilinis ang lamesa niya. Pinakintab ko pa ito ng maayos pati ang plate na pangalan niya.

"The mighty Drew Mondragon, hmp!" Ngiwi ko habang pinahiran ito.

Isa isa kong inayos ang mga papel at tinitigan lang ang nag iisang litrato niya dito. Napangiti pa ako. Ang cute lang din kasi. Mukhang teenager pa siya sa mga panahong ito. Ba't kaya ito ang nilagay niya dito. Katabi naman nito ang isang maliit na succulent na halaman. Halatang matagal na ito at nabubuhay lang din sa maliit na lalagyan.

"Ang cute mo, gusto mo painitan kita."

Hahawakan ko na sana nang nagsalita na siya.

"Don't touch that, Beauty."

Napatayo agad ako at balisang napatitig sa kanya. Kinabahan kasi akong bigla.

His thick eyebrows furrowed, but his perfect jawline and heart lips shape dominated. Ang gwapo pa rin! Tumikhim agad siya at napakurap lang din ako. Nakatitig kasi ako sa kanya.

"Go-good morning, Sir."

Humakbang na ako palayo sa mesa niya, bitbit ang towel sa kamay ko. Kakatapos ko lang din kasing linisin ito. Tiningnan ko lang ang oras, at ang aga nga niya naman. Pumwesto na siya at maingat na tinitigan ang succulent sa gilid ng lamesa. Nagtitigan naman kaming dalawa. Mas kumurap na ako, ba't kasi 'di pa ako lumabas dito.

"Co-coffee... I'll make some coffee, Sir," sabay labas ko.

Dalawang tasa ang kinuha ko. Para sa akin ang isa. Kailangan ko rin ng kape dahil na t-tense na akong talaga. How can I do my job properly if I always get this feelings inside me? I can't concentrate every time he's with me. Pakiramdam ko lutang palagi ang utak ko sa kanya.

Nang matapos, ay maingat akong kumatok sa pinto at pumasok. Nakatalikod naman siyang nakaharap sa malaking glass na bintana.

"Coffee, Sir."

Nilagay ko lang 'to at tumalikod na.

"Beauty."

Umigting lang din ang tainga ko. His voice always send shivers on me. Nakakabaliw 'to. Kaya humarap na ako.

"Po? Este, yes, Sir?"

Seryoso lang din ang mukha niyang tinitigan ako. Napatingin pa siya sa kabuuan ko. Kaya napatingin na ako sa sarili. Nakasuot lang ako ng skinny jeans at off shoulder na damit. May ribbon pa ito sa kabilang balikat. Office casual attire nga naman 'to.

Dahan dahan siyang humakbang at may kinuha sa mesa niya. Lumapit na siya sa akin, dahilan para mas mapako lang ako sa kinatatayuan ko. Kumalabog lang ng husto ang puso ko. Kinabahan na naman ako sa kanya. The way he looked at me is like he wants to eat me alive! I even swallowed hard.

Nang makalapit na siya sa akin ay nahinto siya nang bahagya. Mas tinitigan niya lang ako at napako pa ang mga mata niya sa labi ko. The heck! Ano ba 'to! Isip ko.

"Do this again, Beauty," sabay bigay niya sa mga papel at tumalikod na.

Huh, ang galing niya talagang mambitin ng eksena! Kumurap na ako at mas inayos ang postura ko.

"O-okay..."

Mabilis lang din akong lumabas at padabog na umupo sa mesa. Hindi na naman tama! Nakakainis na!

Maya't maya'y pumasok ang janitor at ngumiti sa akin. May janitor naman talaga dito. Kaso ayaw niyang magpapasok ng kong sino sa opisina niya, kaya ang ending ako ang naglilinis doon na parte lang naman.

Sabi ni Ate ganyan na raw siya talaga. He can't trust anyone. Its only us, secretaries and department heads can get inside his office with his demand.

Tumayo na ako at kinuha ang iilan na mga papelis pa. Hindi ko naman maabot ang nasa pinakatuktuk kaya kinuha ko na ang upuan dito. Pumatong lang din ako sa upuan. Napansin siguro ako ng janitor kaya lumapit na siya sa akin.

"Mahuhulog po kayo, Maam," sabay hawak niya sa upuan.

"Hindi. Okay lang, sanay na ako sa ganito. Inaakyat ko nga ang puno ng mangga ito pa kaya!" Bahagyang tawa ko.

"Flexible ka naman pala, Maam."

"Oo, naman!"

Naabot ko rin at nabuksan ito. Hinanap ko pa ang litrang 'K' sa filling. Hindi umikot ng galaw ang swivel chair dahil hinawakan naman niya ito.

"Matagal ka na ba dito?"

Nagtanong na ako. Natahimik kasi siya, at pakiramdam ko naging awkward lang 'ata. Lalaki pa naman siya. Hindi naman siguro siya manyak at wala naman siyang makikita sa akin.

"Anim na buwan pa po, Maam."

Nakita ko na agad ito at binigay ko sa kanya.

"Pakihawak please. May kukunin pa ako," ngiti ko sa kanya.

Maaliwalas ang mukha niya habang nakatingala sa akin. Nakikita kong bata pa siya, siguro kapareho lang din kami ng edad. Pero halata ang haggard na pagmumukha niya. Ngumiti siya't kinuha sa akin 'to. Nakahawak naman ang isa niyang kamay sa swivel chair.

I lean more closer on the filling cabinet. Ito lang 'ata ang filling cabinet na mataas.

"Heto pa, salamat. Isa na lang."

Ngumiti agad siya. "Okay lang po, Maam."

Mas natagalan ako sa isa, dahil hindi ko na makita ito. Naisip ko baka nasa kabila, pero impossible naman. Sabi ni ate nandito lahat ang importanteng mga pinapahanap niya. Kaya balik ko na tiningnan 'to. Rinig ko pa ang pagtikhim niya.

"What the hell you're doing!"

Nataranta na ako sa tigas at buo ng boses niya, dahilan nang paglingon ko at ang pagbitaw ng janitor sa pagkakahawak sa upuan. Umikot ito, at mas nataranta na ako. Pakiramdam ko mahuhulog na ako sa mga sandaling 'to! Pinikit ko na ang mga mata at nabitawan ko na ang mga papelis.

"Shit!"

Wala akong narinig na iba. Parang nag slow motion ang lahat para sa akin. Lumipad lang ang mga papel sa ere at umikot ang swivel chair. Alam kong sa sahig na ang bagsak ko. Bahala na si batman! Shit lang din talaga! Napamura pa ako sa huling pagkakataon.

Handa ko na sanang tangapin ang pagbagsak ko pero nahinto lang din ang mundo ko nang makita ang mukha niya. Mabilis pa sa alas singko ang pagsalu niya sa katawan ko. Naging langit lang tuloy ang lahat sa akin ngayon.

"Sorry, Sir, sorry."

Ang alam ko lumabas na ang janitor na nataranta at natakot sa kanya.

Nagtagpo ang makapal na kilay niya habang pinagmamasdan ako. I feel like I'm dreaming. Ganito kasi ang napanaginipan ko noong nakaraang araw. Ang nasa bisig niya ako at hinalikan pa. Napaawang lang akong lalo at hindi na ako nakapagsalita. Ramdam ko pa ang tigas ng katawan at bisig niya.

"You're such a clumsy, Beauty," tiim-bagang niya.

Clumsy? Who? Sabay kurap ko. Agad lang din niya akong binaba. He even flick and fix his top sleeve, and look back on me. Napatingin agad ako sa paligid. Nagkalat lang lalo ang mga papel sa sahig. Kinagat ko na ang baba ng labi ko.

Such a disaster! Isip ko.

Pinulot ko na isa-isa ito. Ang buong akala ko ay iiwan an niya ako sa inis. Hindi pa pala. Tinulungan niya lang ako na pulutin ang mga papel sa sahig, at pagkatapos nilagay 'to sa mesa ko.

"Don't you know that we have an exclusive ladder for that?" Nakapamaywang na siyang humarap sa akin.

"It's in the fucking storage room, Beauty!"

Halos magulantang na ang mundo ko sa lakas ng boses niya. Kinabahan lang akong lalo.

"So-sorry... Ano kasi..."

"Shut up!"

Nanlaki lang ang mga mata ko nang agad na lumapit siya sa akin, dahilan para mapasandal ako sa cabinet. Nilagay niya ang kamay sa gilid at mariin na tinitigan ako. Hindi na ako huminga, at titig na titig lang din siya.

"You know what? I don't have my complaint about this jeans," sabay hawak niya sa tagiliran ng baywang ko.

I swallow hard when I feel his warm rough hands touches my waist. It sends shivers inside me. Sa pantalon ko lang naman nakahawak ang kamay niya. Hindi naman sa balat ko. Pero kakaiba na agad ito. Mas bumilis lang lalo ang pintig ng puso ko nang maramdaman ko ang hininga niya sa tainga ko. Pumikit na ako.

"What I hate is this top..." Sa mapang akit na boses niya.

Naramdaman ko agad ang kamay niyang pumailalim sa damit ko. Ang init agad sa galing sa palad niya ang dumapo sa balat ko. Gumapang lang ang init sa katawan ko, dahilan ng panginginig ng dalawang tuhod ko. Hindi ko na tuloy maintindihan ito. Mas napatitig lang ako sa kanya ng husto.

How come his touch alone is heaven!

"Because its fucking loose, and someone is looking at you underneath." Inis na tugon niya. Napa-tiim bagang pa siya.

Nanlaki ang mga mata kong tinitigan siya. Ang lapit kasi ng mukha niya sa akin at ramdam ko pa ang bigat ng hininga niya. Napalunok na agad ako.

"Go home and change. I'll fucking fire someone!" Agad na bitaw niya.

Lumabas na agad siya at naiwan akong tulala.

The heck! What was that? Bumigay lang agad ang katawan ko sa kanya! Shit lang talaga!

Humakbang na ako at kinuha ang bag ko. Nalilito na ako, kaya tiningnan ko na ang sarili kong damit. Maluwag nga naman siya. And so? So what?

Ngayon ko lang naisip ang nangyari. Nakita siguro ng janitor ang bra ko sa ilalim or worst pati boobs ko! Hindi naman siguro, bahala na nga! Isip ko.

--💝💝💝--
vote for support thanks!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro