Chapter 28
"She's way too attractive. That I offer a marriage straight away. I'm so in love with her... It's just crazy!"
-Drew Monddragon-
💝💝💝
Sweet Confession
"Sure ka na ba?" Si Ceilo sa akin.
"Oo," tipid na tugon ko.
Inayos ko na ang sarili at iilang mga gamit. Uuwi muna ako ng probinsya namin ng isang buwan. Tutal hindi pa naman magsisimula ang contrata ko sa Monde Fashion. I asked Art Atticus for a break. I think I need it anyway.
***
--Flashback--
"Are you not gonna regret this, Beauty? Are you sure about this?"
"Yes, Art. Ilang beses ko rin 'tong pinag isipan. And my decision is final."
He shook his head and smiled at me.
"I can see that you're happy anyway. I'm pretty sure Drew will be having a ball with this news."
"Huwag mo munang sabihin sa kanya please... Plano kong umuwi muna sa probinsya namin at manatili roon kahit isang buwan man lang."
"Baka naman sa pagbalik mo magbago na ulit ang isip mo?"
I shook my head again ang laugh.
"No, that wont happen anymore, Art. I've already contemplated myself a lot. Minsan lang tayo magmahal ng ganito at mahalin ng totoo ng isang tao. I don't want to waste this moment."
He nodded. "I really wish to experience that happiness too, Beauty."
"In time, you will," ngiti ko.
"So, best of luck. You still have a year of contract here in my company."
"I know. I'll start when I get back on track."
"Okay you take care, Beauty."
"Salamat Art."
***
--at present--
"Sayang din iyong Paris mo," ismid niya sa mukha ko.
Umiling iling na akong natawa at sinara na ang maleta.
"Sana nga pala ako na lang... Pero in fairness, kung ako nga naman ang nasa kinatatayuan mo mas pipiliin ko si Drew Mondragon," sa lawak na ngiti niya.
"He's absolutely my dream guy you know! Ang kagwapuhan niya. He's hot and alluring body, basta!"
Mas natawa lang akong pinagmamasdan siyang nag-imagine pa talaga. Ito lang din kasi ang isa sa mga dahilan kong bakit hindi na ako tumuloy talaga. As much as possible even though I like to be a Super Model, I don't think I can manage being away from him and to my family.
Pakiramdam ko mahihirapan ako at mawawalan lang ako ng concentrasyon sa sarili. I can handle much work in stress, its easy. But being away for two years with him... I don't know... Ayaw kong magbago ang puso ko. Ayaw kong isang araw gigising na lang ako at iba na ang tinitibok nito.
And besides, I'm happy ang contented anyway.
"Hayaan mo na 'yan, Ceilo. Noong isang linggo ko pa 'yan pinilit. Pero mas gusto niya talaga ang manatili dito, na kasama si Drew," sabay lagay ni Ate ng prutas sa mesa.
"Bukas pa ang punta mo sa probinsya ah? Ba't ang aga mong nagligpit ng gamit?" Pamaywang niya.
"May gagawin pa kasi ako, Ate."
"Magkikita ba kayo?" Taas kilay niya.
"Bakit may meeting ba siya mamaya?"
"May family meeting sila e," kunot-noo ni Ate sa akin.
Napatingala agad ako sa kanya.
"Ayaw ko sanang sabihin sa'yo dahil kilala kita. Alam ko naman na pinagkakatiwalaan mo si Drew. Pero minsan wala talaga akong tiwala sa mukha ng Beatrice na iyon eh," sabay upo niya.
"Ba't kasali si Beatrice?" Ismid ko. Uminit lang din ang tainga ko.
"I believe it's a family meeting. Iyon ang nakalagay sa schedule eh. But Beatrice will join. Hindi ko nga lang alam kung bakit," kibit balikat ni Ate.
"Negosyo lang din siguro,"tipid na tugon ko.
I can't think of anything anyway. I have message him before and yes, he told me that they will be having a family dinner. Pinatawag kasi sila ng Daddy niya.
"Did he told you?" Si Ate sa akin.
"Oo, kanina," tango ko.
"Sinabi naman pala. E, anong problema?" Si Ceilo.
Tumunog lang din ang cell phone ni Ate kaya tumayo na siya. Sinagot lang niya ito sa gilid. Samantalang abala kaming dalawa ni Ceilo sa pagkain. Nakangiti pa sa akin sa bruha. Wala siyang trabaho ngayon. Katatapos lang din ng photo shot cover niya.
Isang photo cover pa ang nagagawa ko. I won as a darling of the crowd. So I was given the privilege to be the model of the month. It will be release next month, at ako ang front page nito.
Natapos na ang photo shot last week. Kaya bakante na ako ngayon. Kinuha ko rin ang opurtunidad na ito, para makauwi sa probinsya at makasama si Mama.
"Yes, Sir. I will be there in an hour, Sir," si Ate.
Naibaba agad niya ang cell phone at lugmok na nakatingin sa aming dalawa ni Ceilo. Umismid pa siya.
"Anong meron?"
"Ang boyfriend mo! Kailangan ang reports na ginawa ko. Akala ko kasi nakuha niya kanina. Iniwan ko pa naman sa table niya. Hindi pala!" Padabog siyang naupo.
"So what's the big deal? Kailangan niya ba ngayon? If, so I can take it to him," ngiti ko.
"Really?"
"Yes! Gusto ko rin naman siyang makita. Akin na. Ako na ang magbibigay."
Tumayo agad siya at umakyat lang sa itaas. Ang bilis lang din niya! Bumaba siya na bitbit na ito at ang lawak pa nang ngiti sa mukha.
"Here's the paper works. And this someone will be here to fetch you."
Tumango at tumayo na ako. Umakyat nadin ako ng kwarto at mabilis na nagbihis sa sarili. I'm somehow excited to see him. I wanted to see him anyway. Maaga kasi ang biyahe ko bukas at wala na akong oras na makita siya. Kaya ngayon na lang din dapat talaga.
I wear a simple top. I always like my skinny fitted jeans and my off shoulder white top. Imbes na sapatos ay ang pale-pink na Louboutin stiletto heels ang sinuot ko. Ang dami ko rin kayang nakuhang premyo sa pagiging darling of the crowds ko, at isa na ito.
Bumaba na ako at halos nakanganga pa silang dalawang nakatingin sa akin ngayon. Napailing lang din si Ceilo.
"Tsk, no wonder hibang si Drew Mondragon sa'yo, best friend," ngiwi niya.
"Sabi ko naman sa'yo, Ceilo. Nagmana 'yan sa kagandahan ko!" Sabay hawi ni Ate sa buhok niya.
Natawa lang din ako sa kanilang dalawa. Kinuha ko na ang papelis na binigay ni Ate at nagpaalaman na. May driver din na naghihintay sa labas. Sadyang pinasundo talaga ni Drew si Ate para masigurado ang mga papelis na kakailanganin niya.
Inayos ko ang sarili nang makalabas ng kotse. Pumasok agad ako sa loob at pinakita lang din ang ID ni Ate. I followed her instructions, and I was given an instruction by the front desk too. Ngumiti pa sa akin ang front desk. Binati niya agad ako sa pangalan ko. Nakilala niya rin ako. Tinawag niya lang ang lalaki sa may gilid para maging escort ko.
Pumasok nadin kami ng elevator at ngumiti lang ako sa kanya. Pamilyar na siya sa akin. Isa siya sa mga bodyguards ni Drew. Isa siya sa nagbantay sa akin, noong panahon na sobra pa ang higpit ni Drew sa akin. May walkie talkie pa siyang hawak, at may kausap lang din siya sa kabilang linya.
Nang bumukas ang elevator ay napako lang din kami sa isang function hall. I swallowed hard when I saw some media's outside the pathway. Ang buong akala ko kasi ay pribadong family meeting lang ito. E, mukhang hindi naman sa tingin ko.
Nahinto lang din ako ng saglit at hinintay na pagbuksan ako ng guwardya sa gilid. Pinapasok na niya ako kasama ang iilang mga media sa likod ko.
"Get the taped roll okay," saad ng lalaki sa gilid ko.
"This is gonna be a highlight. Ibang klase nga naman si Beatrice makabigay ng tip sa atin. Big revealation ito," saad pa ng isa.
Uminit lang din ang tainga ko. Na parang gusto ko rin na maki-chismis sa kanila. Gusto ko pa sanang lumingon sa likod, kaso bumukas na ang pinto at pinapasok na kami. Tumango lang din ako sa escort na naghatid sa akin. Hindi na siya pumasok at ngumiti lang din.
Napaawang lang din ang bibig ko nang makita siya sa centre stage. Nakatayo siya sa gitna ng stage para sana magsalita. Nasa likod lang din niya ang Daddy niya at may isa pa. Oh, I know him. That's his brother, that's Liam Turner-Mondragon.
"Okay twenty ten minutes more before we shut the interviews," saad ng speaker sa gilid.
Humakbang lang din ako malapit sa gilid sa may hagdanan. Sinabi kasi sa akin ni Ate na dito na pumwesto. E-aabot ko lang daw sa kanya pagkababa niya ng hagdanan. Sumandal na ako sa dingding at tiningnan ang karamihan. Wala namang masyadong tao, at halos taga media lang din ang mga nandito.
Nagtanong na ang iilang media sa kanya. They're more likely asked him all about the new project business. Sinagot naman 'to ng maayos ni Drew sa harapan nilang lahat. Tumango lang din ang Ama niya sa gilid. Nahinto siya nang lumapit ang isang personal bodyguard niya at may ibinulong sa kanya.
Napako lang din ang mga mata ko sa paa. Kamuntik na kasing maapakan ang heels ko, dahil sa likot ng reporter na nasa harapan ko ngayon. Ngumiwi na ako. Mabuti na lang at hindi niya naapakan ito. Umatras na ako ng konti.
"Sir Drew Mondragon. This is a way a bit personal question, Sir. We've heard that you and Beatrice are secretly engaged ? Is that true, sir?" Tanong ng reporter na nasa harapan ko.
Namilog lang din ang mga mata ko dahil sa tanong ng reporter sa kanya. The heck! At talagang ito pa ang tinanong ha! Tumaas lang din ang kilay ko. Uminggay lang din ang iilan sa kanila na nandito.
Ngayon ko lang din napansin na nasa harap din pala nakaupo si Beatrice. Kasama ang iilang reporters sa likod. Napatakip siya sa mukha niya at ngumiti lang din kay Drew. Kumunot na ang noo ko, at hindi ko maintindihan ang sarili ko sa naramdaman ko ngayon.
Napa-tiim bagang si Drew. Nakangiti pa siya noong una. Pero biglang nag-iba ang mukha niya at naging seryoso ito.
I looked at him and with an astonishment he smile at me. Nakikita na niya ako ngayon dito mula sa kinatatayuan ko. Ngumiti ang din ako ng lihim sa kanya.
Tinaasan ko siya ng kilay at naghahamon ako sa magiging sagot niya. Mas niyakap ko lang din ang mga papelis na dala ko. At hinintay lang din ang magiging sagot niya.
"You all know that my life is private. As much as possible, I want to keep this privately. But lately, I realized that life somehow holds a certain inspiration. And as a Mondragon, we strongly stick to our rules... Alam niyo naman siguro iyon 'di ba?" Sa matigas na tugon niya.
I know what he's trying to say. As much as possible, he doesn't want to comment regarding that matter. But somehow I would like to hear it from him.
"We all know that, Sir. My apology, but as your fan, I mean as your biggest fan. Can you share us a little clue about that girl?" Tanong ulit ng reporter sa kanya.
Kinabahan na ako. I swallowed my saliva straight away. His eyes darted on me. He's waiting... He's waiting for my approval. Kumalabog lang din ng husto ang puso ko, at gumuhit ang ngiti sa labi ko. I silently nodded at him, giving him my approval. Ngumiti na rin siya.
"Well, yes, I have someone that I love and treasure the most..." Ngiti niya.
"She's the definition of happiness for me. She's somehow clumsy, but very bubbly."
Nahinto siya ng saglit at napalunok pa. Natawa naman ang lahat na nakikinig sa kanya. I twisted my mouth and my tears are started to form in the corner of my eyes.
"She's way too attractive. That I offer a marriage straight away. I'm so in love with her. It's just crazy!" He nodded.
I can't stand this anymore. Pumatak na ang luha ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko sa mga sandaling ito. Agad ko lang din na pinahiran ito. I want the world to know that I love him too... That I love him so much! And I'm proud of him. Na mahal ko siya at gusto kong ipagmalaki ang pagmamahal ko sa kanya.
Humakbang na ako patungo sa stage. I can't just leave my man there standing on his own. I will claim this moment and I will claim his heart. I'm gonna get what's mine! So that they can back off!
"And she's here, together with us..."
Halos magulantang na ang mundo ko nang umakyat na ako ng stage. Agad lang din siyang humarap sa akin. I widened my smile and my heart beat is unstoppable. Wala na akong pakialam sa Ama niya. Siya lang naman ang kinatatakutan ko, pero bahala na! Mahal ko si Drew at ipagmamalaki ko ito!
"I love you, baby," sabay yakap ko sa kanya.
Mabilis lang din siyang yumakap sa akin at bahagya pa akong binuhat. He lifted me up and kissed me straight away. Yumakap nadin ako nang husto sa leeg niya.
"I love you, darling. I love you," titig niya. Pero 'di rin nagtagal dahil hinalikan lang niya ulit ang labi ko.
"I will claimed you as my husband, Drew... Marry me."
"I've already offer that to you, Beauty, darling. I will, definitely will..."
Hinalikan lang niya ulit ang labi ko at ang ilong ko na rin. Rinig ko pa ang nakabibinging inggay sa paligid, at ang kislap ng ilaw ng bawat camera. Mariin niyang kinuna ang isang kamay ko na nakapulupot sa leeg niya. Nalito pa tuloy ako ngayon.
"Show them what you've got in your finger, darling," sa mapang akit na ngiti niya.
Ngumiti na ako at dahan dahan na ipinakita ang engagement ring sa kamay ko. He hold my hand as we showed it the media, to the public, and to the world. That our heart is in this ring. Nagtitigan lang din kaming dalawa, hanggang sa humalik na ulit siya sa labi ko.
We kissed again and we never care. This is probably the most delicate admission of love I did and I am proud of it!
-💝💝💝-
vote for support ❤️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro