Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24


[Of course I'm a model. Ano bang choice ko kung panty at bra ang ipapasuot sa akin? Di ba wala?]
-Beauty-
💝💝💝

Messages


Halos malusaw na ako ngayon sa sobrang selos sa kanilang dalawa. Natapos ang main event. Imbes na lumapit ako sa kanya, ay dinagsa sila ni Beatrice ng iilan na media.

Art Atticus is beside them too. A couple of media's are interviewing them after the show. Ang lawak pa nang ngiti ni Beatrice habang nakahawak sa braso ni Drew.

Kailan ba matatapos 'to! Nakakainis na! Shit lang din ah!

"Beauty, we have to go!" Si Tina.

"Maiiwan na tayo ng bus, hoy!"

Lahat kasi kami ay may bus na naghahatid sundo patungo sa hotel namin. Nilingon ko pang muli si Drew, at panay pa ang mga mata niya sa iilang reporters sa harapan nila. Hinila na ako ni Tina. Hindi ko kasi pinansin siya.

"Type mo ba si Drew Mondragon, Beauty? Kanina ka pa kasi titig ng titig sa kanya?"

Naupo na kami sa loob ng bus. Nakangiti ang lahat at nag iingay na ang ibang modelo na kasama namin. Halos lahat sa kanila ay binati na ako kanina pa.

"Hmm? Halata ba?"

"Oo. Type na type mo ano?" Ngiti niya.

Huh, type na type talaga? E, mahal ko nga, gaga! Isip ko.

Huminga na ako nang malalim at kinuha lang ang cellphone ko sa bag. Nag send na ako ng mensahi sa kanya. He can't go to our hotel because we shared our rooms with the other models. Kaya tinanong ko na lang siya kung paano kami magkikita.


Nang makarating sa hotel accommodations ay agad na naghanda ang bawat isa. Wala ng event bukas at lakwatsa na ang inaatupag ng iilan sa kanila. May night out pa nga sila ngayon. Hindi lang din ako sumama. Nagdahilan na ako na masakit ang ulo ko, at kailangan kong magpahinga.

Nagpagulong gulong ako sa sariling kama habang nakatingin sa cell phone ko. I'm patiently waiting for his call but it seems like he's not going to call me. It's nearly ten at night here in Japan. It's way impossible for us to meet. Mukhang hindi na kami magkikita sa gabing 'to.

Napagod na ako at hindi ko na namalayan ang bigat ng dalawang mata ko. Kaya napagpasyahan ko na lang din na matulog na. Bukas ko na lang siya tatawagan.


NAGISING ako sa ginaw ng paligid. Nakapatay pala ang heater sa loob, kaya bumangon na ako para paandarin ang hearter. Nilingon ko pa ang orasan na meron sa loob ng kwarto. It's nearly four o'clock in the morning. I even checked my phone for messages and I have two unread messages from Drew.

[Sorry darling, I can't see you tonight. The boys are holding me up and Beatrice is on the go too. I'll call you tomorrow.
-Drew-]

I rolled my eyes when I read it. I wrinkled my forehead too. Naiinis ako ngayon sa kanya dahil magkasama pa sila ni Beatrice talaga! Pero kasama naman nila ang mga pinsan niya. Okay lang.

Bumalik akong nahiga sa kama at kitang kita ko rin si Tina na tulog na tulog na. I don't know what time they've arrived from the night out. Mabuti pa sila! Sana nga pala sumama na lang ako kanina! Nainis na tuloy ako ngayon.

Imbes na matulog hindi na ako dinalaw ng antok. Kaya kinuha kong muli ang cellphone at nag message sa kanya.

[Don't tell me buong gabi kayong magkasama?] -sent-

I pop it in my side and to my surprise he responded straight away. Huh? Gising pa pala? Akala na natutulog pa. Bahagya na akong naupo sa kama at binasa ang mensahi niya.

[I'm on my own, Beauty. Wala akong kasama. We had a few drinks and that's all.]

[Really? Walang halikan na nangyari? Ang sweet niyo kanina ah! Kulang na lang maghalikan kayong dalawa!]-sent-

[You're almost naked before, Beauty! Do you think it's okay with me?]

[Everyone is looking and taking their photos of you! Galit na ako!]

Kumunot na ang noo ko habang binabasa ang mensahi niya. Hindi pa siya tapos dahil nakikita ko pa ang pag t-type niya.

[Don't change the topic, Drew!]

[Of course I'm a model. Ano bang choice ko kung panty at bra ang ipapasuot sa akin? Di ba wala?] -sent-

[Fuck! So, maghuhubad ka kung sasabihin nila!? Ganoon ba, Beauty?]

[Anong hubad? Hindi ako porn star, Drew! Model ako! Magkaiba iyon.] -sent-

[This is fucking useless! Go back to bed.]

Uminit lang ang pisngi ko sa galit. Oo, aminin ko, kasalanan ko naman 'to!

[Let's meet later, Drew. Saan tayo magkikita?] -sent-

Pagkaraan ng iilang minuto wala na akong natanggap na mensahi galing sa kanya. Hindi na tuloy ako makahinga ng maayos. Parang ang hirap huminga ngayon. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko.

[Drew... Are you sleeping?] -sent-

[I don't know... I'll see how we go. May company tour pa kami ni Beatrice.]

Napamura na ako sa sarili ngayon. Freaking Beatrice! The heck! Mas nainis lang akong lalo ngayon sa sarili.

[Hindi naman siguro buong araw kayo na magkasama 'di ba?] -sent-

[Drew... Ano ba!] -sent-

Tumayo na ako at tiningnan ang labas ng bintana. Alas singko y' medya na. What's the point of going back to bed! Wala na 'di ba! Shit lang talaga!

Tiningnan ko pang muli ang cellphone ko at wala ng mensahi na galing sa kanya. Hindi na niya pinansin ang huling mensahi ko. Kinuha ko na lang ang damit sa maleta at naligo na ako. Mamatay na 'ata ako sa sobrang selos ngayon.

So what will I do today? Anong gagawin ko? Magmumukmok sa isang sulok habang hinihintay siya? Shit lang din ah! Kakainis na!

"Natulog ka ba?" Si Tina sa akin.

It's past sevenand nearly eight in the morning. Nakaharap ako sa malaking TV sa kwarto naming dalawa. Mahina lang naman ito. At hawak ang mainit na kape ko, ay nanonood ako ng balita ngayon.

"Maaga akong nagising eh."

"Okay. Maliligo lang muna ako. Hindi ka ba sasama sa amin mamaya? Mamamasyal kami dito," sabay kuha ng damit niya na nasa maleta.

Bumuntong hininga na ako habang nakatulalang tinitigan siya. Lumipad na naman ang isip ko ngayon sa kalawakan. I don't know what's Drew's plan. I can probably go out and hang out with the girls around. Baka mamaya pa niya ako tatawagan. Okay lang.

"Sige, sasama ako."

"That's great! We had our plans already from last night. Maghahanda lang muna ako okay."

Pumasok na agad siya sa banyo at naligo na. Maaga akong nay ayos at nagbihis sa sarili. Kaya hihintayin ko na lang din sila, at maghihintay na lang din ako ng tawag mula kay Drew.

We went downstairs for breakfast. The morning was cold but the warm snuggle of thick coat that I wear keeps me warm. Mabuti na lang at may dala akong isang jacket na pang malamigan talaga. Hindi pa naman winter dito pero ang ginaw na ginaw na dito.

Prutas lang din ang kinain ko. Wala kasi akong gani at nagkape na ako kanina pa. Nandtio rin ang halos lahat ng mga modelo. Lahat sila tahimik na kumakain.

"Beauty!" Si Mamita.

Umupo agad siya sa tabi ko. Bakante kasi ang upuan dito. May binigay siya sa akin. Isang maliit na sobre.

"Galing kay Sir Art Atticus. Kagabi ko pa sana dapat ibigay iyan. Kaso hindi na kita nakita. Akala ko rin sumama ka sa kanila kagabi. Natulog ka raw ng maaga?"

Tumango na ako. "Oo, napagod lang din."

Binuksan ko na 'to at isang exclusive golden ticket to Paris. Alam na namin 'to. Whoever won that darling crowd is given straight away a gold ticket to Paris. An opportunity for a model like me. Dito ka mas makikilala ng mundo. And if I'll do my very best in this career, I'll become a Super Model.

Napakagat ko lang ang pang-ibabang labi ko, at nilagay ito sa sling bag na meron ako. Tinapos ko na ang pagkain ko. Patapos na rin kasi silang lahat.

"Mamita?"

"Yes," sabay subo niya sa pagkain.

"Do you perhaps knows where Sir Atticus and Drew Mondragon are staying?" Sa mahinang tanong ko.

Alam kong alam niya. Siya lang naman ang higit na pinagkakatiwalaan ni Sir Atticus sa lahat ng mga modelo niya sa kompanya. Nag angat agad siya nang tingin sa akin at ngumiti pa. Napakurap lang din akong tinitigan siya.

"You know, I wonder why did Art put an exclusive restriction on you..." Sabay taas ng kilay niya.

Kaming dalawa na lang din naman ang natira sa mesa. Tapos na kasi ang halos lahat sa mga kasama namin, at umakyat na ang iba sa kanila pabalik sa itaas ng kwarto.

"Who's your boyfriend amongst the two?" Pabulong niya.

Napalunok lang din ako at napako na ang mga mata ko sa plato sa harapan ko.

"Is it Drew Mondragon?"

Tipid lang akong ngumiti at tumango sa kanya. Ngumiti lang din siya at nagpatuloy sa pagkain pa.

"Mga lalaki nga naman oh. Pinagalitan ako ni Art kagabi. I've said that I have your permission. I don't display my models without their approval."

"If Art Atticus is your boyfriend. I know he won't be this much strict. Pero inisip ko baka si Drew ang may-ari sa'yo... Tama nga naman ako..." Ngiti niya.

"They're staying right in front of our Hotel, Beauty. Sa harap lang. Iyan oh!" Sabay turo ng nguso niya.

Agad lang din akong napalingon sa malaking gusali na nasa harap namin. The luxurious top hotel here in Tokyo. Umismid na ako. Ang lapit lang naman pala tapos hindi man lang makuhang makipagkita sa akin! Nakakainis lang din ah!

"I believe they'll gonna have a company tour today. Iyon lang ang alam ko. The rest, I don't know," kibit balikat niya.

"Magkikita ba kayo? I can give you his room number," ngiting-ngiti niya. Kumindat pa siya.

"Yes, please..." Sa malawak na ngiti ko sa kanya.

Kinuha niya ang cell phone sa bulsa at nag scroll lang ito. Pinakita lang din niya sa akin ang reservation bookings nilang dalawa ni Sir Art. Kinuha ko na ang cell phone ko at nag screen shot lang din ako sa kanya.

"Thank you," sabay kidnat ko.

"My pleasure. Ako lang din naman ang nakakaalam sa mga bagay na 'to," sabay tingin niya sa engagement ring ko.

"Did he propose already on you, Beauty?"

I nodded. My eyes even darted at my finger. Napangiti lang din akong pinagmamasdan ito. Marami na ang nagtanong sa akin tungkol sa singsing na suot ko. Halos lahat ng mga kasamahan kong modelo. Normal lang naman sa amin ang ganito. Sa katunayan, engage rin si Tina sa boyfriend niya.

"Then what are you waiting for? Ba't iba't iba ang balita na ang nababasa ko ngayon na nalilink sa kanya? Karibal mo pa si Beatrice."

Umiling iling na si Mamita at mukhang natatawa pa.

"He's just waiting for me, Mamita... May gusto pa kasi akong gawin sa buhay ko..."

"Diyaan tayo natatalo e. Drew Mondragon is ready to settle down and you're not! Huh, good luck!"

"Sana naman huwag mo ng pakawalan."

Tumayo na siya. Tapos na kasi siya, kaya tumayo na rin ako. Sumunod nadin akong humakbang sa kanya ngayon. Nilapag ko lang din ang food tray ko sa gilid.

"Sasama ka ba sa kanila mamaya?"

"Opo, Mamita."

"Okay. Have fun and I believe Drew Mondragon requested a flight back tomorrow morning early."

Napahinto ako nang hakbang at parang naguguluhan lang din ako sa mga sandaling ito. He's going back tomorrow without even seeing me first?

What the heck is this? Is this for real? Galit ba siyang talaga?

Napalunok na ako ngayon. Nilingon lang din ako ni Mamita.

"I'll see you around, Beauty!" Sabay kaway niya.

--💝💝💝--
please vote for support 🥰

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro