Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19


Every time I think it's impossible to love you more, you prove me wrong.
💝💝💝

Protection


"You haven't told Drew Mondragon yet, Beauty?" Si Art Atticus sa akin.

I'm here at his modelling shop centre. Pinaliwanag na niya sa akin ang lahat. It was actually the main branch head in Japan that invited me. They seen my modelling at the grand opening of Monde Corporation and they like me. I've heard that they hold the top most super models in Asia and in the world too.

"Not yet, but I will."

"Well, he knows that you're coming here for the training. He asked me to look after you. So personally, I'll be holding you as one of my talent," seryosong tugon ni Art sa akin.

Tumango ako at tipid na ngumiti sa kanya.

"The fashion will take place in three weeks in Japan. May iilan kang kasama na mga modelo ko. You'll be wearing top Asia's famous designer creation too. So keep up the good work, Beauty," ngiti niya.

Inayos na niya ang mga papelis sa mesa. Binasa ko muna ito bago ko pinarmahan ang bawat isa. Naintindihan ko naman. Babalik na din si Ate sa susunod na linggo sa trabaho at mamaya ang dating nila ni Kuya Joey. Kaya susunduin ko sila pagkatapos dito. Magsisimula nadin kasi ang training ko next week.

Nang matapos umuwi na ako. Hatid sundo pa rin ako sa driver na nilaan ni Drew para sa akin. Inisip ko na lang na mas mabuti rin 'to dahil madali akong nakakakilos at libre pamasahe pa. Alam ko ni-re-repot nila ang bawat direktion na pinupuntahan ko kay Drew. Rinig ko kasi minsan ang boses niya sa kabilang linya, na kausap ang driver ko.

"Ate!!" Sabay yakap ko sa kanya, sa kanilang dalawa ni Kuya Joey.

"Susunduin ko sana kayo. Napaaga 'ata? Akala ko mamaya pa?"

"Naging early flight kasi dahil kompleto na ang lahat ng pasahero. Kumusta ka na?" Sabay tingin niya sa dalawang bodyguards ko sa likod.

"Okay lang. Wow! Tumaba ka 'ata? Buntis ka ba?" Pabiro ko.

"I wish!" Lakas ng boses niya sabay tingin kay Kuya Joey.

"Okay, hon. I have to go. I'll pick you up tomorrow okay. Get your stuff ready and you take care, Beauty," kindat ni Kuya Joey sa akin.

"Bukas na agad? Kukunin mo na agad si Ate sa akin bukas? Wala nabang palugit, Kuya?" Ismid ko.

"Sumama ka na lang kaya sa amin. Malaki naman ang bahay ko at may extrang kwarto para sa'yo."

Ngumit si Ate habang nakatingin sa akin. Nag iisip ako... Nag iisip ako... Ewan ko!

"Pag iisipan ko muna ng iilang oras."

Natawa na sila at lumabas na si Kuya. Kinuha nadin niya ang iilang maleta. Nilapag ko lang din ang bag ko at tiningnan ang mga pasalubong ni Ate sa akin.

"Ang dami ah! Kay Mama ba ang iba, Ate?"

"Oo. Let's go home this weekend. Na miss ko na si Mama."

"Yes! Sure."

"Sasama si Sir Drew. Tinawagan niya ako kanina."

Napanganga na ako habang pinagmamasdan ang ginagawa niya. Nilapag na ni Ate ang pagkain na binili niya at umupo lang din sa harap ko.

"Sa tingin ko seryoso sa'yo ang boss ko."

Agad lang ding napako ang mga mata niya sa suot kong engagement ring ngayon. Kinuha niya agad ang kamay ko at tinitigan 'to.

"Masaya ka ba? Mahal mo ba ng bongga?"

"Oo," tango ko.

"Well, wala na akong magagawa. Sinabi na sa akin ni Bobito ang tungko sa modelling invitation mo sa Japan. Alam na ba niya?"

Huminga na ako nang malalim. "Hindi pa. Sasabihin ko rin."

"Beauty... I know my boss. I've been working for him for five-years," sabay tayo niya at kinuha lang din ang softdrinks sa refrigerator. Nilapag ito sa mesa at umupo ulit.

"Strikto sobra and Daddy niya. Natatakot ako para sa'yo. Pero kung saan ka masaya, susuportahan kita, Beauty."

"Marami ding babae ang humahabok kay, Sir Drew... Nakapila at hindi basta-basta ang iba. Kaya huwag mong paandarin ang insecurities mo, Beauty. Kilalang kilala kita."

"Kaya nga gusto kong may marating 'di ba? Dahil ayaw kong e-asa ang lahat sa kanya."

Kumain na ako. I have my insecurities too. Tao lang naman ako, nagseselos at na-iinsecure minsan.

"Beauty, you have a great talent. Kung saan ka dalhin ng puso mo doon ka. Basta lang masaya ka... Anong silbi ng yaman mo kung hindi naman masaya ang puso mo..."

Tumango lang ako. Ang totoo hindi ko alam, dahil hindi ko pa naman naramdaman ang yaman sa mundo. Gusto ko may maabot pa ako para sa sarili ko, para may maipagmamalaki ako.


Magtatanong pa sana ako kay Ate. Nang biglang narinig namin ang inggay sa labas. Kaya napatayo na kaming dalawa.

"Beauty! Boo! Boo talk me. Hindi ako aalis dito hangga't hindi tayo nag uusap," si Jasper.

Nanlaki lang din ang mga mata ko nang makita siya sa labas ng gate. Hinawakan pa ang kamay niya ng dawalang security guard ko sa likod.

"The heck! Nabaliw na ba siya ng todo?!" Inis na tugon ko.

"Akala ko ba wala na kayo? Ba't ganyan 'yan magwala?" Si Ate.

"Ewan ko sa kanya, Ate. Ang sakit niya sa ulo! Nakakainis na!"

Lumabas na kaming dalawa ni Ate. At ang mga chismosang kapit- bahay naki-asyoso agad.

"The heck, Japer! Ang aga-aga ang gulo mo! Ano bang problema mo? Noong isang araw si Donna! At ngayon ikaw? Tigilan mo na nga ako!" Sigaw ko sa kanya.

"Boo... Please...." Sabay iyak niya.

Mas hinigpitan ang hawak sa kanya ng dalawang bodyguards sa likod. Napangiwi ako, dahil alam kong nasasaktan siya ngayon. Napalingon ako sa paligid at parang drama na tuloy ang eksena ngayon. Nakakahiya na sa mga mata.

"Papasukin mo na lang, Beauty. Mag usap kayo."

"Ano? Ate!"

"Para matapos na! Ako na ang hihiwa sa pagmumukha niya!"

Mabilis na pumasok si Ate sa loob ng bahay at nanlaki lang din ang mga mata ko, dahil may bitbit na siyang martilyo ngayon.

The heck! Dios ko po!

"Hoy, Ate! Ibaba mo 'yan."

"Hoy Jasper! Baliw ka ba? Wala na kayo ng kapatid ko matagal na! At ngayon luluhod-luhod ka! Bwesit ka! Gusto mo patayin kita! Ilang babae na ang pinaiyak mo? Kung nag-seryoso ka lang sana sa kanya, E 'di sana hanggang ngayon ikaw pa! Babaero ka kasi!" Sigaw ni Ate sabay turo ng martilyo sa mukha niya.

Napalunok na ako. Hindi ko inakala na amazona pala ang Ate ko. Kaya siguro patay na patay sa kanya si Kuya Joey, dahil sa tindi ng kamandag niya. Amazona talaga! Nakakatawa!

Hinawakan ko na ang kamay ni Ate.

"Ate, maraming tao. Akin na nga 'yan," sabay kuha ko sa martilyo at nilagay ito sa gilid.

Namula lang din ang mukha niya sa galit. Nainis lang din siyang lalo. Tinitigan ko si Jasper. I think the best way is to talk to him. It will be the last, at pagkatapos nito wala na... Pagbibigyan ko na lang siya, para matapos na.

Inutusan ko lang din ang dalawang guwardya na ipapasok siya sa loob. Hindi naman siya lasing. In short, matino ang pag iisip niya at gusto lang niya akong makausap talaga.

Nakatingin si Ate na nakatayo sa mesa habang nakaupo naman si Jasper sa upuan. Nasa gilid lang din ako katabi niya. Ang dalawang bantay ay nasa may pintuan din. Nawala na rin ang mga chismosang mga kapit-bahay.

"Ano pa ba ang gusto mong pag usapan natin, Jasper?"

"Hindi mo na ba talaga ako mahal, Beauty..."

"Jasper... May mahal na akong iba. Alam mo iyon. Masaya na ako sa kanya. Sana maging masaya ka na lang din para sa akin," kunot-noo ko.

Pinahiran niya ang mukha niya gamit ang dalawang palad. Natahimik siya ng iilang minuto. Kalmado naman siya. Alam ko ito.

"Nag usap na kami ni, Donna... Please do look after her. She's nice... Mahal ka niya."

Nag angat siya nang tingin sa akin at mas umayos na.

"I never love her, Beauty. Isang bagay lang naman ang gusto ko sa kanya... "

"Pero mali, Jasper! She dedicate her life to you and I have dedicate my life to someone already. May ibang tao na akong gusto..."

"Beauty."

Ang baritonong boses niya agad ang gumising sa akin ngayon. Napatayo agad ako. Mabilis ang hakbang niya at yakap sa akin.

"Drew... Akala ko ba out of town ka?" Mahinang tugon ko.

"I was about to but I cancelled it. One of the guards called me before," sabay halik niya sa noo ko.

"Are you okay?" Sabay haplos niya sa likod ko.

Tumango akong nakatitig sa kanya. Napako lang din agad ang tingin niya kay Jasper, na ngayon ay tumayo na. Namaywang siyang tinitigan si Drew. Ramdam ko agad ang tension sa kanilang dalawa, kaya mas yumakap na ako kay Drew. I don't want them to fight.

"Drew, it's not worth it," titig ko sa kanya.

Matigas ang tingin niya kay Jasper. Ramdam ko ito. Napa-tiim bagang na siya.

"What else do you want, Jasper? Do you want me to drag you down to your grave?" Si Drew sa kanya.

Inis ng tinitigan ni Jasper siya. Umiling iling na lang din siya. Alam naman niyang talong-talo na siya pagdating sa isang Drew Mondragon.

"So, this is it, Beauty? Okay fine. I get it..." Sabay buntong hininga niya.

"But I want you to know that I'm just here around the corner if you need me again..." Sa matinding titig niya.

"She doesn't need you anymore, Jasper. I won't hurt her like you do."

Umalma na si Jasper at bahagyang tumawa lang din.

"Akala mo naman kung sino kang malinis, Drew."

Mabilis lang na humakbang si Drew sa kanya at hinawakan ang leeg niya.

"Drew!" Hawak ko sa likod niya.

"I'm not that stupid like you! Piece of shit!" Sa mahigpit na pagkakahawak ni Drew sa leeg niya.

Lumapit agad ang dalawang bodyguard niya at hinawakan ang magkabilang kamay ni Jasper. Binitawan na siya ni Drew.

"You'll regret this. I won't show my mercy on you, Jasper. You piece of shit!" Mura ni Drew sa kanya.

"Drew..."

Tumalikod na si Drew at kinuha lang ang tubig sa mesa. Na alarma na si Ate at agad na pinalabas si Jasper kasama ang mga bodyguards. Ewan ko kung saan nila dadalhin siya dahil kitang-kita ko ang pagpasok nila sa sasakyan. Mariin ko lang ding tinitigan si Drew na ngayon ay naiinis at galit pa rin.

Pumasok na si Ate sa kwarto. Pinabayaan na niya kaming mag usap muna dito.

"Are you that stupid, Beauty!" Galit sa boses niya.

"Ba't mo pa pinapasok? He's not in his right mind. He's an addict! I was about to put him to jail before but because of you I reconsider it!"

Nanlaki lang din ang mga mata ko. Hindi ko kasi alam ito. He's an addict? What the heck!

"See? I bet you didn't know..." Sabay talikod niya.

"I can't stand this!" Sabay suklay ng dalawang kamay niya sa buhok.

"Drew... Akala ko kasi..."

"I hired all these securities and bodyguards for your own protection, Beauty!" Tiim-bagang niya.

Galit na siya, alam ko at ramdam ko ito. Ang buong akala ko kasi ay praning lang siya sa akin. Hindi naman pala. He's worried about me. Ang boung akala ko ay hinihigpitan niya ako sa lahat ng bagay.

Yumakap na ako sa likod niya. Galit padin siya dahil hindi pa siya humarap sa akin. Hindi rin siya nagsalita.

"Drew... I'm sorry na..."

Bumuntong hininga siya. Pero hindi pa rin ako hinarap, kaya ako na ang humarap sa kanya.

"Psst... I'm sorry na..." Sabay haplos ko sa mukha niya.

Tumitig nga siya pero saglit lang at umiwas agad. Naiinis padin. Nakakatawa naman 'to ang bilis niyang magtampo. Mas yumakap na ako sa leeg niya at dumampi ng halik sa labi niya.

"Wala namang nangyari 'di ba? At hindi na mauulit promise. Kahit na sinong lalaki wala na akong papapasukin, maliban nga lang kay Kuya Joey," ngiti ko.

"Come on, darling... Baby...Drew..."

Para na akong baliw nito para mapansin lang. Ang arte lang din ng mukong na 'to! Ang hirap paamuin. Pero bumigay nadin at yumakap na sa akin.

"Come on, you owe me something. I want my reward in exchange," sabay bulong niya sa tainga ko.

"Ewan ko sa'yo!"

Natawa na ako. May gusto pa sana akong sabihin pero mabilis lang niyang hinalikan ang labi ko. Ano pa nga ba ang magagawa ko. I know he loves me for a reason. I just want to treasure this moment. Yumakap na ako sa leeg niya at mariin lang din na tinangap ang halik niya.

"Let's go..." Hawak niya sa kamay ko.

"Ha? Di ka ba tutuloy sa out of town mo?" Nalito ako.

"I'll take you and I won't accept a 'no'," sabay hila niya sa kamay ko.


-💝💝💝-
❤️🌟😉

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro