♣ Stranger 5 ♣
♪♪♪♪♪♪♪
"Ch-Chanyeol?", bakit naman kaya 'to napatawag?
"Bukas. Magkita tayo sa may park kung saan KAYO nagkita ni KAI..May PAG-UUSAPAN lang naman tayo", yung tono ng pananalita niya...para siyang galit. At teka, bakit alam niyang magkasama kami ni Kai kanina? Stalker ba 'to? Tsk. Tsk. Sasagot pa sana ako sa kanya pero, binabaan niya na ako ng phone.
Bumaba na ako sa bus at naglakad lang ng onti. Nakarating na ako sa mansion namin. Nagulat ako nung pagpasok ko kasi andaming pagkain ang nakahanda. Hindi ko naman birthday? Tapos naman na yung wedding anniversary nila mommy.. Hmmm..para saan kaya ito? "Nanay Bising~ B-Bakit po ang daming pagkain?" Siya nga pala si Nanay Bising. Isang Filipina worker na naging maid namin since 4 years old ako. Malaki ang utang na loob ko kay Nanay Bising kasi, siya ang nag-aalaga sa akin sa tuwing wala ang parents ko. Madalas kasing wala sa bahay sina Mommy at Daddy dahil sa trabaho nila. Okay lang naman sa akin, kasi, understanding ako :)))
"Hijo—"
"Nanay Bising naman ee~~ *le pouts*"
"Me nasabi ba akong mali?"
"Opo.."
"Eh, wala pa nga akong sinasabi."
"Hija po hindi Hijo =_="
"Ay sus ginuo! Akala ko na kung ano! Oh sige na nga.. Hija," okay. Natuwa na ako. HAHAHA! Sa totoo lang gusto talaga ni Nanay Bising na maging straight akong lalaki. Sayang naman daw kasi poginess ko. Nirereto niya nga ako dati sa apo niya sa Pilipinas eh. HAHAHAHA!! "...sabi ng Mommy mo, may bisita daw na darating. Nakahanda na nga yung damit mo dun sa kwarto mo kasi, bilin niya rin sa akin, dapat daw kaaya-aya ang isusuot mo."
Sino naman kaya ang bisita na parang VIP na ituring? "Ahhhh.." "Hala sige! Huwag ka ng tumulala diyan. Magbihis ka na dun sa taas. Bilisan mo kasi mga 8:30, darating na ang bisita."
"Okay po ^^" dali-dali na akong pumunta dun sa kwarto ko. Nakita ko yung suit na hinanda ni Mommy. Infaireness~ ang ganda :) Naghalf-bath lang ako para fresh naman ako kahit papaano. Nagbihis na ako at tsaka....naglagay ng EYELINER! My precious eyeliner ^__^ After 40 minutes of preparation, bumaba na ako at pumunta sa sala. Maya-maya pa'y nagvibrate ang phone ko. I checked the caller ID at si Mommy pala yun.
"Hi Mom! Nakahanda na po ako~~"
[Good, anak. Teka, nakahanda na ba yung mga pagkain?]
"Yes Mom! Ang gagaling ng mga chefs natin dito eh~"
[Hay salamat naman. Osige na. I'll end this call na ha. We're on our way home na. Kasama na rin namin yung MGA bisita.]
"Sino po ba—*toot* *toot*" bwiset naman oh! Binabaan agad ako ng telepono? Sino kaya ang mga visitors?Tumigil na ako sa kakaisip kung sino ang visitors, instead, ay nagretouch na lang ako sa kwarto para maganda pa ang dating ko sa mga visitors. Hahaha! Naglagay ako ng onting foundation, inayos ko yung kilay ko at nag-eyeliner siyempre. Medyo natagalan ata ako kasi, habang bumaba ako sa hagdan, may naririnig na akong nag-uusap. Boses yun ni mommy at isa pang babae na sa hula ko ay kaedaran ni Mommy.
Pagkabang-pagkababa ko sa may kusina, nagulat ako sa nakita ko. Si S-Sehun! Andito siya with his family. OMO! *0* Sasabihin na ba nila na engaged kami? Na..naka-arrange marriage kami?! Haluh! Hindi pa ako ready~~ Habang papalapit ako, nakita kong napatingin rin sa akin si Sehun. Nagulat rin siya kasi andito ako. Baliw ba siya? Bahay ko to eh -_________-
"Oh, anak, andiyan ka na pala. Osha, Baekhyun, I want you to meet..Oh Sehun, anak nila Mareng Maricar at Pareng Gwangsoo. Sila yung business partners natin sa ByunOh", pagpapakilala sa akin ni Mommy kay Sehun. Nagshake hands kami at nagsalita siya, "Nice meeting you." Lumingon naman ako sa gawi nila Tita Maricar at yung asawa niya. Nagbeso ako sa kanilang dalawa, "Naku, Matilda, eto na ba si Baekkie? Ang laki mo ng bata ka, at sobrang gwapo este ganda pala."
"HAHAHAHA!~Thank you po", at nagbow ako sa kanya.
——————-
Natapos na ang kainan at nabusog naman kami. Thanks sa aming magaling na mga chefs. Kinakabahan ako ngayon kasi sabi ni Mommy may announcement daw sila ni Tita Maricar. Eto na kaya yung tungkol sa arranged marriage? Akala ko ba sasabihin lang nila yun pagkagraduate namin? Haluuuuh!! Hindi pa akech ready~ Eotteokhae?!
Nandito kami ngayon sa sala. Umiinom kami ng tea ngayon at sisimulan na nila ang pagsabi sa amin ng announcement nila. Nakakatatlong tasa na ako ng tsaa dahil sa sobrang kaba. Nagtataka na nga sina Mommy kung bakit nahilig daw ata ako sa tsaa ngayon. Haaayy... How I wish na maging maganda ang kakalabasan ng pag-uusap naming ito. "Baekhyun, Sehun..." panimula ni Tita Maricar. Pangalan palang namin ang binabanggit, kinikilabutan na ako. Hutaness!! Mamatay na ata ako~~ o__O "...Napapag-usapan kasi namin ni Matilda na....", pabitin naman tong si Tita! Hindi niya ba alam na malapit na akong ma-ospital!???!!
"...pagka-graduate niyo, kayo na ang maghahandle ng kompanya namin. Kayo na rin ang magpapatakbo ng ByunOh Mall. Tumatanda na kaming mga parents niyo, kaya napag-isipan rin naming, starting tomorrow, magkakaroon na kayo ng training. Don't worry, once or twice a month lang naman ang training niyo. Masyado pa kasing maaga."
"At tsaka, kayo lang ang mapagkakatiwalaan namin dun, kaya please, galingan niyo ha~~ Oh! And one more thing, please, dapat ngayon pa lang maging friends na kayo para naman di na kayo ma-awkwardan sa mga trainings at siyempre kapag naging magkatrabaho na kayo", sabi ni Mommy na halatang ang saya-saya niya. Psh. -_- Sinong niloko niya? Alam ko namang way lang nila to para maging close kami bago kami ikasal.
"Tutal tapos na nating i-explain sa mga bata, Mare, Pare, mauna na kami ha. Gabi na...may training pa sila, diba?" sabi ni Mr. Oh.
"Oo nga pala. O sige. Mag-ingat kayo sa daan ha", sabi ni Mommy kina Mr. Oh. Nagbeso-beso na kami at ayun nga lumabas na sila ng gate. Hinatid namin sila, pero, bago pa man sila makaalis, hinalikan muna ako ni Sehun sa pisngi na siyang ikinagulat ko. " Bye, Baek. Kita na lang tayo bukas :)" "B-Bye Sehun. Ingat~", at tuluyan ng umandar ang sasakyan nila. Pumasok na kami nina Mommy and Daddy sa mansion. "Haaay! Sa wakas nakilala mo na si Oh Sehun~~", sabi ni Mommy with matching palakpak. Masaya na siya niyan?! Hahahahaha! "Mom, matagal ko na siyang kilala. Classmate ko po siya at seatmate na rin." Tumahimik sila at tinignan ko sila, "What?! May nasabi po ba akong masama?"
"Son, we're happy. Very happy. Befriend him kasi sa huli kayo rin ang magiging partners.....sa business."
"Dad, please naman huwag na kayo magtago ng sikreto sa akin. Alam ko naman na."
"A-Ano b-ba y-yung t-tinut-tukoy mo?"
"Dad, Mom, don't panic. Hindi naman po ako magagalit. Gusto ko lang po ay aminin niyo sa harap ko mismo. Family tayo, kaya dapat walang sikre-sikreto."
"Anak...ano ba yung tinutukoy mo?"
"Osige, ako na ang magsasabi sa inyo..", eto na kailangan ko ng kumpiramahin kung totoo yung narinig ko noong birthday ko.
*ding dong* ding dong* Ay ang ganda ng timing ng nilalang na yan! Binuksan nung guard namin, at iniluwa ng gate si Jongdae! Crema de Puta nga naman!! Anong ginagawa nito dito? Haaayssst! Panira ng moment ang BESTFRIEND kong ito. Ano bang kailangan nito?! Gabing-gabi na oh! "Hello Tita! Hello Tito~~ Pwede po ba akong makitulog dito? Wala naman pong pasok bukas."
"Sure hijo! Osiya, mauna na kaming matulog Baekkie ha. May office pa kami. Bye~", at umakyat na sila ni Daddy. :((( Di ko na tuloy nasabi. Nang masigurado kong nakapasok na sila sa kwarto, agad kong binatukan tong si Jongadae!
"Aray naman! Ano bang problema mo?!"
"Hoy!! Ikaw dapat tinatanong ko niyan!! What brings you here?!"
"May problema kami ni MinMin ko *le pouts*"
"Tara sa kwarto na tayo mag-usap. Baka mambulabog lang tayo dito eh", at umakyat na kami sa kwarto. Pagkapasok na pagkapasok doon, bigla na lang bumulagta si Chen at umiiyak, kuno. BEST ACTOR!!
"HUHUHUHUHUHUHU!! ANO BANG PROBLEMA SA AKIN?! BAKIT NIYA AKO NAGAWANG LOKOHIN?! HUHUHUHUHUHUHUHUHU!!!!!!"
"A-Ano bang nangyari?"
"Nakita ko siya na nakikipag-shake hands kay Luhan."
"SHAKE HANDS?! YUN LANG?! AKALA KO NAMAN HALIKAN! OA!"
"OO NGA! SHAKEHANDS, pero si Luhan na yun. SI LUHAN!"
"Eh, ano naman ngayon?"
"Niligawan niya yun dati for 4 years. Tapos, nakita kong nag-uusap na sila. Sabi kasi ni Xiumin, kakausapin niya lang si Luhan kapag handa na siya. Eh, ibig sabihin ba nun, mahal niya pa rin si Luhan?"
"Ano ka ba! Past is Past! Kaya nga NOON eh, kasi tapos na..Stop being paranoid. Mahal ka niya, at yun ang dapat mong panghawakan. Teka, naka-usap mo na ba siya?"
"Mm-mm..Pero we ended up na nagsisigawan. Kaya, nag-walk-out siya. Kailangan ko na sigurong mag-sorry."
"Tama yan Chen..Mag-sorry ka na habang maaga pa."
"Salamat sa advice~~ Teka, para atang may problema ka rin. Sino yan?! Si Sehun ba? Upakan ko na, ano!"
"Maghunusdili ka nga! Ang problema ko ay ang kagandahan ko!"
"Pfft xD HAHAHAHAHA! Tumigil ka nga. Alam kong maganda ka, pero paanong problema yun..?"
"Pano kasi..si Chanyeol, Kai at Kris, gusto nila akong ligawan."
"HA?! HAYUUP~~~ Iba ang kagandahanmo!! ISA KANG ALAMAT!~~ kekeke"
"Tss.Seryoso kasi... Ano bang dapat kong gawin?"
"Alam mo, dahil bestfriend kita, ngayon ko lang 'to gagawin...magbibigay ako ng seryosong advice..." tapos ay inharap niya ako sa kanya. Nakikita kong seryoso nga siya. Minsan lang to kaya , pakikinggan ko siya maigi.
"....ang LOVE, isa yang laro. Hindi lamang pandalawahan, kundi panlahatan. Ang love, nagsisimula yan sa sarili. Mahalin mo muna ang sarili mo, bago ang iba. Kilalanin mo rin ang sarili mo, para alam mo kung ano talaga ang gusto mo. Hindi kasi maganda yung sapilitan lang. Ganun din sa love, laro yan na hindi voluntary...kung handa ka, sasabak ka. Sa kaso mo, lima kayo...apat silang lalaki sa buhay mo na alam kong mahal ka talaga...ikaw, ang dali lang ng gagawin mo, ang MAMILI. Pero....sa pagpili, dapat choosy ka. Choosy, in a good way..Hmmmmm..paano nga ba?" actually, ang ganda ng mga sinasabi ni Chen ngayon. Bumabagay sa ganda ng buhok niya. Ay teka! Ngayon ko lang napansin na iba hairstyle niya. Matanong nga mamaya..
"Ganito kasi yun Baek, hindi lang utak ang paiiralin, puso rin. Tanungin mo rin si Puso kung 'sino ba ang karapat-dapat sakin?' o kaya 'sino ba ang tinitibok mo' Huwag ka ring selfish! Alam mo yung sa huli ang pagsisisi? Yan! Yan ang mararanasan mo kapag hindi mo inalam kung sino talaga ang TUNAY na nagpapasaya sa yo. Yan din ang mararanasan mo kapag pinakawalan mo yung taong MAHAL MO NG TUNAY AT TOTOO...Si Sehun..gusto mo ba siya dahil yun ang tinitibok ng puso mo..o baka naman sa ideyang siya ang fiance mo? Malay mo pala, ang tunay na isinisigaw niyang maganda mong puso ay si Chanyeol o kaya naman si Kai o baka si Kris, diba? Mapaglaro ang buhay. Kasama na dun ang LOVE..kaya kung mahina ka, baka sa huli ikaw ang maiwang luhaan at sugatan... Ito ang tatandaan mo, Baek. Kahit sino pa yan..tanggap ko, kasi Bestfriend kita", halos mangiyak-ngiyak na ako sa mga sinabi ni Chen.
Niyakap ko siya ng napakahigpit bilang pasasalamat, "Gago ka Chen! Pinaiyak mo ako dun. Huhuhu! Tama ka..dapat kilalanin ko muna ang sarili ko..nang sa ganoo'y makakapagdesisyon ako para sa sarili kong buhay. Salamat talaga Jongdae..hindi ko alam na marunong kang sumeryoso. Hehehe ^^" kumalas naman siya sa yakap at nagsalita ulit. "Marunong akong magseryoso para sa mga mahal ko sa buhay. Halos magkapatid na tayo kaya handa akong tumulong sayo."
"Uhmmm....Jongdae?"
"Hmm?"
"Pwede magtanong?"
"Nagtatanong ka na kaya...Tss."
"Psh. Fine. Hindi nga, may tanong lang ako."
"Aber, ano yon?"
"Pwede ko na bang payagan manligaw sina Yeol at Kris? Si Kai kasi napayagan ko na..nagiguilty nga ako ee *le pouts*"
"ANO KA BA NAMAN! Pwede siyempre. Paano mo malalaman kung sino ang taong seryoso sayo kung...hindi mo sila bibigyan ng chance to prove theirselves to you? At sa lahat talaga ng pinayagan mo, si Kai pa talaga. Playboy yun ee."
"I know. Pero, I can see na sincere siya."
"Edi, pagbigyan mo na rin yung iba. Now I know kung bakit umiiyak si Kris baba kanina", umiiyak?! Ganun na ba katindi ang epekto ng pambubusted ko? Naawa tuloy ako :(
"T-Talaga?!"
"Nakita namin siya ni Xiumin bago pa kami nagkatampuhan.At ang ikinagulat ko pa, sabi ni Xiumin, ngayon niya lang daw ulit nakitang umiyak yon. Umiiyak lang daw si Baba kung mahal niya yung tao", Baba talaga tawag ni Chen kay Kris? WTF?! Tsk. Tsk. Lalo tuloy akong na-guilty kasi, seryoso pala siya. *sighs*
"Teka Chen, bakit pala nagbago ka ng hairstyle?"
"A-Ah..e-eh..ano –haist! Bakit mo pa ba tinatanong?"
"Ang pogi mo kasi ngayon. Dati mukha kang tanga! HAHAHAHAHA! Peace ^_^V"
"*rolls eyes* BROKEN HEARTED KASI ANG BESTFRIEND MO!"
"Ganern?! Nagbabago talaga ng hairstyle pag BH? Tsk. Infairness, umokay naman yung pes mo! HAHAHA!!"
*ting!One Message Received!* Nagulat kami ni Chen nang biglang may nagtext. Sino naman kaya to? 12:30 AM na oh! Binuksan ko na lang yung message at galing pala ito kay Chanyeol.
Fr: *YODA*
Bukas ha. Sa park. Kailangan nating mag-usap.
"Haluh! Oo nga pala!"
"Anong problema Baek?"
"Magkikita pala kami ni Chanyeol bukas."
"So? What's the problem with thet", pa-ENGLESH ENGLESH pa ito! Tss.
"Bukas din kasi yung training namin ni Sehun sa company. Lagot na ako nito."
"Easy..ditch that bitch trainig! HAHAHAHA!"
"ULOL ka talaga!"
"Joke lang naman.Edi....hmmm... ang gawin mo na lang, sa umaga yung training, hapon na lang kayo magkita ni Pareng Yeol."
"Tama! Napapabilib mo ako ngayong araw na 'to, Jongdae! Dulot ba yan ng buhok mo? HAHAHAHA!"
Nireplyan ko na si Yoda. Sana okay lang sa kanya. Choosy pa siya, siya naman ang may kailangan. HAHAHAHA! Joookkkeee ^______^V
To: *YODA*
Giant! 2:00 PM na tayo magkita ha!~~ May training lang ako para sa company. Huwag ka malelate~ HAHAHAHA!! Sige na. Good Night ^^
Sent
After two seconds, woaahh~~ ang bilis naman niya magreply.
Fr: *YODA*
Fine.
Ano yun?! Wala man lang good night? Tss. Siguro di niya na talaga ko liligawan kasi may Yoora na siya! Che!
-TO BE CONTINUED-
♪♪♪♪♪♪♪
Guysss...Sorry kung late na ang Update :((( Medyo naging busy lang kasi sa June 1 opening of classes na namin eh :( Sorry po talaga. Bukas may UD ulee~~ Hintayin niyo lang, chingus ^^ Btw, yung new haistyle ni Chen ay nasa mulimedia. Grabe! Ang POPOGI ng EXO sa mga individual teasers nila~~ HUHUHUHU!! My feelssssss ♥♥♥♥♥
Vote.Comment.Share. ♥♫
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro