♣ Stranger 4 ♣
Wu Yifan's POV
Two weeks passed since our training for the Math Quiz Bee. Napagdesisyunan kong huwag muna sabihin kay Baek ang nararamdaman ko towards him. Baka kasi madistract pa siya tapos hindi namin maipanalo tong quiz bee na to. Ah, by the way, ngayon na pala yung quiz bee. Kinakabahan ako kasi first time kong sasali sa quiz bee. Matalino ako sa Math pero, hindi ako sumali sa ganitong quiz bee noon. Hindi ko nga alam kung ano ang nag-udyok sa akin eh.
"Kris hyung! Good luck sa inyo ni Baby Smurf ha!~~ Galingan niyo, para 'to sa KJA :)))" -Chanyeol
"Oo nga Kris hyung! Alam kong kaya mo yan ^^ Maknae believes you~" -Sehun
"Kris hyung, galingan mo naman ha! Sayang yung binigay kong kape sayo tuwing nag-aaral ka." -Kai
"Ang aarte niyo! Hahahaha! xD"
"Kris hyung huwag kang tumawa, yung gilagid mo umaariba!" aba! Aba! Iniinsulto ako ng mga to ah! Sabay-sabay pa talaga silang nagsabi?! Ano to sabayang pagbigkas?!
"HOY! SALAMAT SA SUPPORT! TENGA, BABA AT NEGRO", huh! Kala niyo perfect...Pero hindi kami magkakagalit ha~ Ganyan lang talaga mga biruan namin. Hehehe ^__^
"Psh", sabay nilang sabi at tumalikod na. Pumunta na sila sa pwesto nila kasi baka maupuan pa. Nagulat ako nang may pumisil sa kamay ko kaya naman, tiningnan ko kaagad kung sino yon, "Uy! Baek, ikaw pala~"
"Kinakabahan ka ba?"
"Ako?! Mm-mm...medyo.."
"Ako kasi super duper ultra mega kinakabahan. Transferee kasi ako tapos, paano kung matalo tayo? Tapos ako pa ang magiging dahilan? Haaaay..basta, kinakabahan ako ngayon...I can feel na something will happen."
"Sssh..Baek, think positive ang motto natin ngayon!~~ Kaya natin 'to :)) I'm not leaving you alone in this game. Kaya nga partners tayo eh", pero sana pati sa lovelife partners tayo :)
"Salamat Kris, salamat talaga", after ng short conversation namin, we moved to the stage na kasi tinawag na ang pangalan namin.Meron muna kaming briefing bago magstart ang competetion. Inexplain sa amin ang rules pati na rin ang time limit sa pagsasagot. Mas kinabahan ako kasi hindi kami magkasamang sasagot. Our scores will be summed up then yung Top 3, maglalaban-laban ulit para malaman na yung ranking. But, this time, partners will work as partners na talaga.
Nakapasok kami sa Top 3 at super saya namin ni Baek, "Kris, bale ganito ang strategy natin, ikaw ang taga-sabi ng sagot ha. Mas mabilis kasi ako magsulat at kaya ko rin magmental arithmetic", actually totoo yung sinasabi niya. Bilib nga ako sa kanya eh, lalo tuloy akong nainlove ♥o♥ "Sige sige. Huwag ka ng kakabahan ha, I'm sure, we can do this. Fighting!!" Nag-apper muna kami at tsaka na nagsimula ang final round. Sabi nga pala kanina nung host, isang tanong lang daw ang ibibigay sa amin dito sa final round. One question but, this is the hardest one. Omo! Ano kaya to??
"Okay. Congratulations to those who entered this round. Are you nervous?" we all nodded kasi totoo naman. Nagtanong pa tong host na to!
"Hehe! I can see na, you really are nervous. So, to remove all you tensions, we will start the final round immediately...", eto na! Hoo~ Sana madali lang -____-
"...For the last question, If log7a=3 then find log7a 4. I'll give you only 10 seconds to answer. Hana...dul....set! Sijak!" pagkatapos sabihin yun nung host, nagulat ako nang biglang may sagot na agad si Baek.
"Kris, pindutin mo na yung buzzer, 12 yung sagot. Bilis!!" at dahil nagmamadali talaga si Baek, pinindut ko na yung buzzer. Pero, may nauna sa amin. Nilapitan ito ng host, "So, SMA, what's your answer?"
"14. 14 is our answer Ma'am!"
"14 is....WRONG!" hoo~ buti nga mali sila, may chance pa kami, "Who wants to steal?" on that cue, pinindot agad ni Baek yung buzzer. He really wants to win.
"Oh! KJA, what's your-"
"12 po! 12!!" si Baek yan na parang tarantang-taranta talaga.
"Excited, huh?"
"Uhmmm..sorry po..ano po kasi eh-"
"CONGRATULATIONS!!!" nagulat naman kami ni Baek. A-Ano d-daw?? Ibig sabihin ba nun, tama yung sagot namin?! Grabe~~ Di ako makapaniwala!
"...12 is the correct answer! Congratulations KJA! You are this year's champion!~~ ^__^" pumapalakpak lahat at naghihiyawan na rin yung mga schoolmates namin. Pero pansin ko lang, bakit tulala lang si Baek?
Lumapit ako nang kaunti sa kanya, "Hey, Baek! Aren't you happy?" hindi parin siya sumasagot at tulala lang siya. Haluh! May sakit ba 'to? "P-Panalo b-ba tayo?" tulala pa rin siya. Hindi pa rin ba nagsisink-in sa kanya? Haissst! Emotera talaga to >< "Mm-mm. You got it right eh", tapos ay unti-unti siyang lumingon sa akin. Yung mata niya gulat na gulat pero masaya pa rin naman yung ekspresyon, "T-Talaga?!P-Panalo tayo? PANALAO TAYO!!! WAAAH!!!!!! Huhuhuhuhuhuhu~~ Salamat Lord, nanalo kami :))) Grabe~ Ang galing ko talaga!! ^__^", siya lang daw? Onting credits naman -_-
"Ehem. Salamat rin sa poging kapartner ni Baekhyun."
"Ehehehe. Sorry ^^V Salamat din pala kay Kris :))"
---------------
Maya-maya pa'y tuluyan na ngang natapos yung contest. This time, inannounce na yung winner, which is kami lang naman! HAHAHAHAHA! Peace xD Mamaya ko na rin pala balak magconfess kay Baek.
"Congratulations to all the participants of this quiz bee. Lahat kayo para sa akin ay panalo. Pero, sabi nga nila, ang the BEST or the CHAMPION is meant to be one only. At sa nangyari nga ngayon, let me congratulate this school na laging nananalo sa mga ganitong contest. It's none other than....KIM JUNMYEON ACADEMY!!~~ Chukhaheyo~ ^__^" , nagsitayuan naman ang lahat habang pumapalakpak. Ang sarap sa feeling ng manalo. Napakalaking pride ang nadala namin sa school. I'm so proud of us :D
Pumunta kami ni Baek sa stage at binigyan kami ng plaque at medal. Haaaaay.. This is feeling is the best feeling ever! Natapos na yung buong program at andito na kami ngayon sa Song Jook Heon.Isa to sa mga mamahaling restaurants dito sa Seoul. Kasama namin ngayon si Sir Junmyeon at ang boyfriend niya na si Sir Lay. Bukod sa kanila, kasama rin namin si Sina Yeol, Kai at Sehun. Dapat nga kami lang ang ililibre eh! Kaya lang, ang tatalas ng mga pandinig kaya naman nakiusap sila kay Sir Junmyeon na pasamahin sila. Mga wala ngang hiya yan sa katawan eh. Di na sila nahiya sa may-ari ng school. Tsk. Tsk. Pero, I think mas okay na rin yun para naman may kausap kami ni Baek. Hahahahaha :D
After one hour, natapos na rin kami sa pagkain, "Sir, salamat po sa treat. Nabusog po kami ^^", sabi ni Baek yan. Napakagalang niya talaga. He's indeed beyond perfection. "Naku, Mr. Byun at Mr. Wu, kami dapat ang magpasalamat. You won and for that, kulang pa nga itong lunch na to para ipakita ang gratitude ng school sa husay niyo."
"Wala po yun Sir. Hindi lang po para sa school yun, it's for ourselves na rin po."
"You are right Yifan. O sige, mauna na kami ha. May pupuntahan pa kami ni Yixing :) Annyeong!" at umalis na sila ni Sir Lay. Bale, kami nalang lima ang naiwan.Naku! Sana umuwi na tong mga mokong na to para makapagconfess na ako. "Kris hyung, guys, una ako ha! Susunduin ko pa si Yoora noona from her work. Napaaga sila ng uwi kaya nag-ayang magmall. Byee~~" one down! "Teka Chanyeol hyung! Sama ako~Gusto ko mag-arcade ngayon."
"Sige. Oh, guys, alis na kami ni Kai!" yasss naman! Two down agad :))) Tuluyan ng umalis sina Yeol. "Tara guys! Mag-amusement park tayo", masayang sabi ni Sehun. Haisst >.< "OO NGA!" excited namang tugon ni Baek. Wala na akong nagawa kundi sumama sa kanila. On our way to that amusement park, bigla na lang nagring yung phone ni Sehun, "Ma, bakit po?....HA?! Akala ko po ba nagpatingin na si Seulgi sa doctor?.....Aww. Kawawa naman si Seulgi ma. Don't worry, sabihin mo ma, papunta na si Kuya diyan....Dalhin mo na siya sa ospital ma...Ingat. Sarangahe!...Annyeong~~" at ibinaba na ni Sehun ang phone niya. Naku, baka bumabalik yung sakit ni Seulgi. Kawawa naman siya.
"Anong problema Se?"
"Kris hyung umaatake ulit sakit ni Seulgi. Kailangan ko ng mauna ha.. Hinahanap niya raw ako eh."
"Sige. Ingat ka! Sana maging okay na siya."
"Salamat hyung. Bye. Bye, Baek", at nag-bye rin si Baek sa kanya. Pagkaalis ni Sehun, nagtanong agad si Baek, "Sino si Seulgi?"
"Kapatid ni Sehun."
"May sakit ba siya?"
"Oo eh. Five years ago kasi, naaksidente siya. Nagkaroon din siya ng amnesia. Temporary lang naman, pero, worse yung pumalit sa amnesia. Nadiagnose na may brain tumor si Seulgi. For one year, grabe ang napagdaanan ni Seulgi. Sumasakit yung ulo niya. Para na siyang mamamatay sa sakit. Lagi niya ring hinahanap si Sehun kasi nga, close silang magkapatid kaya ayun, tuwing umaatake ang sakit ni Seulgi, hinahanap niya si Sehun para icomfort siya. Maalaga talaga si Sehun. In fact, siya pa ang nakahanap ng paraan para ma-cure yung sakit ni Seulgi. She was sent in the US para mas mapabilis ang pagaling. Gumaling naman siya. Pero, paminsan-minsan umaatake ang sakit. Umiinom din siya ng mga gamot para tuluyan ng mawala. Nakakaawa nga lang kasi pabalik-balik yung sakit :("
Tahimik lang si Baek na para bang inaabsorb niya talaga yung mga sinabi ko. "Kawawa naman sila Sehun."
"Yeah right. Pero, mabuti na nga lang at mayaman sila. Kundi, baka matagal ng patay si Seulgi."
"Haaaay..Life is really meant to be imperfect."
"Uhmmm..Baek, maiba naman, may sasabihin sana ako", eto na. Eto na yung tamang time para ipagtapat sa kanya ang nararamdaman ko.
"Ano yun?" ready na ba talaga ako? Haaay.. Kaya mo to Kris Galaxy Fanfan!~~
"Baek..Mahal kita, mahal na mahal...Can..Can I court you?" he remained silent. But, hindi ko namalayan na tumakbo na siya paalis. Ano yun?! Walk-out? Or maybe, hindi pa siya handang magpaligaw. Wrong timing ako. Haiisst! Better luck next time, Yifan :)
********
Baekhyun's POV
"Baek..Mahal kita, mahal na mahal...Can..Can I court you?" ano?! Lahat na lang ba sila magtatanong ng kung pwede daw ba akong ligawan? Naguguluhan pa nga ang puso ko ngayon, may dadagdag pang isa? Haiist! Hindi ko alam ang isasagot ko kay Kris kaya naman nagmadali na akong tumakbo. Tumigil ako sa isang bench sa may ilalim ng puno. Doon muna ako uupo para naman makapag-isip-isip ako.
"*Sighs* Bakit ba ang ganda-ganda ko para pagpalain ng tatlong kay gagwapong manliligaw?! Haaay! Ang hirap rin palang maging maganda noh? Kaya lang...bakit ganito? Isang tao lang ang hinihintay kong manligaw sa akin. Siya rin ang rason ng paglipat ko sa KJA...siya ang fiance ko.. P-Pero..naguguluhan na ako ngayon.. Pesteng puso kasi to eh!! Ang gulo! Ang gulo-gulo!! Sino ba ang karapat-dapat mahalin? Dapat ko na bang buksan ang puso ko para sa mga manliligaw ko? O hihintayin ko pa ring mapansin ako ni Fiance? Mahal ko pa nga ba siya? O napipilitan lang ako? HAAAAAAY!!!! Pisting life :/" , sinabi ko yan sa sarili ko kahit alam kong may mga tao dito. I just need to release some stress in life..
Pero, readers, para sa inyo, sino ba ang karapat-dapat para sa akin?
Nakaupo pa rin ako sa bench nang may nahagip yung magaganda kong mata na isang poster. Waaaah!! May bagong limited edition na eyeliner. Agad kong pinuntahan yung stall na yun. Mahirap na at baka maubusan pa ako nun. Tatlo pala ang available na designs. Ang hirap mamili kaya naman paulit-ulit lang ako ng tingin sa mga yun. "Hmmm..ano kaya mas maganda?" mahinang bulong ko sa sarili ko. "Yung gold", nagulat ako sa mamang nagsalita. Tiningnan ko kung sino iyon. "Kai :) Anong ginagawa mo dito?"
"Nakita kasi kita eh kaya napagdesisyunan kong pumasok para makita ka."
"Aaaaah.. si Yoda?"
"Kasama ni Yoora noona?"
"Sino naman yun?"
"Bakit? Selos ka?"
"H-Huh? Ako magseselos? Hindi ko naman boyfriend si Yoda!"
"Ganun..si Yoora noona kasi, ex girlfriend ni Chanyeol. Close sila kaya maayos ang naging break up nila", hindi ko alam pero bigla akong nasaktan nung malaman kong ex niya pala yun. Baliw na talaga ako! Pero nakahinga din ng maluwag kasi ex na lang sila. BWAHAHAHAHA!! "..pero, may chance pa sila. Parehas silang SINGLE!" panira ng moment tong neggers na to!
"K."
"Baek, yung sinabi kong panliligaw, seryoso ako dun ha. Pagbigyan mo lang ako, promise, hinding-hindi kita lolokohin", naku! Eto na naman tayo eh. Siguro, wala namang masama mag-entertain ng manliligaw.
"Tutal, makulit ka talaga. Pumapayag na akong magpaligaw sa yo! Pero! Huwag mo munang ipagsabi sa iba kasi, ikaw pala ang pinayagan ko."
"OKAY! Tara, mag-arcade tayo sa mall."
"Sige!~~ ^__^"
--------------
Andito na kami ngayon sa mall. Nilibre niya pa nga ako sa Starbucks. Mahilig talaga to sa kape. Kaya umiitim eh -____________- hahaha! Huwag niyo sabihin kay Kai ha ;) Pumasok na kami dito sa Arcade stall. Ngayon lang ulit ako makakpunta dito. Ang saya sa pakiramdam. Maglalaro kami ng basketball. Magpapataasan kami ng score, kasi ang matatalo, kakanta sa karaoke dun sa gitna. Okay lang naman sa akin kasi maganda naman ang boses ko, kaya lang, nakakahiya kasi ang dami ng tao dito at nasa gitna talaga yung stage =_= "Oh ano? Start na ha! Gagalingan ko Baek para makakanta ka. HAHAHAHAHA!"
"URUR! Osya, start na!" naglaro na kami. Ang saya pala magpasketball noh? Kahit ang sakit na ng braso ko, okay lang. Nahihiya kasi akong kumanta eh. Huhuhu!~~ Tapos na yung game, and guess what?....TALO AKO =_=" "Oh, pano ba yan hyung, kumanta ka na. Ako ang panalo eh *smirks*" Jongina! Ang pogi niya! Inirapan ko siya at pumunta na sa stage. Kaya ko to, dyosa ka Baek :) HAHAHAHA!!!
♫ My Answer by EXO ( Play on the multimedia)
Natapos ko na yung kanta at nakita ko namang halos lahat ang natouch sa pagkanta ko. Sabay-sabay rin silang pumalakpak. Si Kai naman, ayun, tulaley. "Huy Jongin!" hindi pa rin siya gumagalaw. "HUY!" "Ayy. Sorry. Hindi ko alam na ang ganda ng boses mo hyung. Nakakainlove ka lalo."
"Tss. Tara na, umuwi na tayo. Malapit na lumubog yung araw eh.
"Sige. Hahatid na lang kita sa may bus stop ha."
"Okay", lumabas na kami ng mall at as what Jongin said a while ago, inihatid niya ako sa bus stop, "Ingat sa pag-uwi Baek hyung. Thank you for spending some time with me. And thank you dahil hinayaan mo akong ligawan ka."
"Okay lang yun Kai. Nag-enjoy din naman ako sa araw na to. Salamat ha!~ ^^"
"For you, hyung ^_ ^"
"Sige, bye na Kai", he waved his hands as a goodbye then walked few steps away from me. Okay lang si Kai, pero, I think, I'll just wait si destiny. Siya lang kasi ang makakatukoy kung sino ang handa akong mahalin at mamahalin ko rin pabalik. In God's time, ikanga. Sumakay na ako sa bus. Pagkaupo ko, bigla na lang nag-vibrate yung phone ko. Sino kaya to? Without looking the caller ID, sinagot ko na lang yung phone.
"Ch-Chanyeol?"
-TO BE CONTINUED-
Kelan kaya aamin si Sehun?At, sino kaya ang pipiliin ng ating bida? (confused Baekhyun on the multimedia~) Hmmmm.. ^_^
Vote. Comment. Share. ♥♫
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro